Kabanata 61
Madam
It was quite a challenge to leave Killian Floirendo inside my house. I had to compromise so he wouldn't follow me around.
Ano na ba ang gagawin ko ngayong mukhang nagiging pabaya na ako? Ngayon nga na inaaway ko na siya para lang tumigil, ay siya pa rin ang laman ng isip ko. Ano nalang kung tumuloy nga siya sa pagbuntot sa akin?
Buong gabi lang siguro ako magiging balisa. I wouldn't enjoy this freaking tomahawk in front of me if that happened. Kaya pinagbantaan ko nalang.
"Ano? It's good, right?"
Tumangu-tango ako kay Fabian matapos niya akong subuan ng steak. He laughed at my reaction.
"Maybe on our next date I should take you to Bondi for real. Hindi lang restaurant."
I laughed at him.
"Ano? Bukas na agad?" he challenged when I neither said yes nor No.
"Sira!"
He laughed. "Or would you rather Singapore? Japan? Korea?"
"Ano 'yan, engineer, hindi pa nga natatapos ang dinner kung sa'n-sa'n mo na ako gustong dalhin?" I teased him, feeling a little bit panicked about the choices.
He chuckled again and leaned on his seat. Sinundan ko ang pag-inom niya ng wine. Nakaramdam na rin ako ng uhaw kaya napainom ako ng tubig. My eyes drifted on the table not far from us.
Hindi gaanong malaki 'yong restaurant. They had private rooms for bigger crowds, pero 'yong mga tables na mga nakakasabayan namin ay kung hindi okupado ng dalawang tao ay hanggang apat naman. So it was weird to see a table only filled by one person.
Na kung hindi panay ang sulyap sa mesa namin ay madalas naman na may tinitipa sa phone.
Matatakot na siguro ako kung hindi ko lang kilala ang taong 'yon.
I sighed when my view of Gerry was disrupted by a couple nearing our table. Napilitan pa ako na ngumiti at makipagsabayan dahil... mga kaibigan pala 'yon ni Fabian. But when the exchange of pleasantries lasted a bit longer, I can't help but space out in between. Again.
"So, ano, Huck? Later? Go kayo?"
Naputol 'yong pag-iisip ko nang narinig ang marahang tawa ni Fabian at pag-iling.
"We have plans—" si Fabian.
"Uy, anong plans 'yan?" singit noong mukhang boyfriend ng babaeng kaibigan at sinulyapan akong nakangisi.
I awkwardly smiled and looked at Fabian. Iritado naman na itong nakangiti ngayon. Kahit ako ay nararamdaman ang hindi magandang disposisyon mula sa kanya. Akala ko nga ay maghahamon na ito ng away, but he just chuckled lightly and shook his head a bit.
"'Wag niyo naman mantsahan diskarte ko!" aniya, still trying to sound fun.
Nahuli kong umirap 'yong babae at marahang sinundot ang balikat ni Fabian.
"Oh c'mon, Fabian, minsan lang naman eh! And Chel's home!"
"Sorry, guys, and please..." he chuckled. "Aren't you guys hungry? Where's your table?"
Sumulyap 'yong babae sa mesa namin. She grinned at me.
"Dito na kami—"
Nagtaas bigla ng kamay si Fabian, at agad tinuro ang dalawa. They both straightened when an attendant neared us.
"Please guide these two to their table please," ani Fabian.
"Bahala ka nga, Fabian! Basta I'll tell everyone I saw you here!" inirapan siya ulit noong babaeng kaibigan bago ito tumalikod. Maayos naman na nagpaalam ang lalaki.
Sumimsim nalang ako sa wine ko at tahimik na bumagsak ang mga mata sa pagkain. I heard Fabian sighing.
"I'm sorry about that—"
"Ex mo 'yon?"
He twisted his lips. "Of course not—"
"Ex... fubu?" I chuckled. "Ikaw 'yong iniirapan pero pakiramdam ko sa'kin pinapatama e..."
He just laughed and shook his head. Ngumisi nalang ako. I shouldn't've asked that pero nakaramdam din kasi ako ng bahagyang pagka irita.
Inagaw ulit ni Fabian ang atensyon ko nang ilahad niya sa akin ang isang bite-sized na slice ng tomahawk. I can't help but lean over and reach it with my lips.
He sighed and smiled at me. Pinagmasdan ko kung paano siya naging kalmante matapos gawin 'yon.
"Next time, I'd book us a private room..."
Ngumiti nalang ako roon at nagkusa na rin na humiwa ng karne para sa kanya.
Pinilit ko si Fabian na pumuntang Huck. He said he didn't want to, and even asked me whether I wanted to go because of what his friends said.
Ningiwian ko siya roon. "Hindi! Kasi, hindi na matanggal sa isipan ko. I want to drink tonight, too. And you said the things you have planned is... a last full show or go to Hilltop for the view? Pwede naman. But I also want to drink. Panghimagas, gan'on."
He sighed. "They have good dessert here... or at Bramble..."
Hinila ko na ang braso niya tungo sa sasakyan.
"Next time, we'll Bramble," pangako ko sa hangin. "And I want to go to Glasshouse din."
He beeped his car with his keyfob. I almost clapped when he opened the door for me. Natawa ako nang bumuntong-hininga siya habang nag-s-start ng sasakyan.
"Ayaw mong makasama friends mo? Okay ka naman sa mga parties ah..." I teased him as he maneuvered the wheel out of the compound.
Bumuntong-hininga siya ulit.
"I'm fine at parties, but these are my friends from highschool. And," sumulyap siya sa akin. "And they're not really my friends. They're friends of my ex."
Tumango ako. "'Yong nasa Bondi?"
Umiling siya.
Ah... "'Yong Chels?"
"No, too..."
Napahalakhak ako at hindi nalang nanghula pa. Hindi na rin dinagdagan ni Fabian 'yong mga sinasabi ko and just gallantly swerved the conversation to a different topic.
We talked about the people he knew who are just starting up in the coffee industry. And talked about some of his friends who are also opening up their own restobars in the upcoming months. Somehow being in the same University meant we knew people because of mutual friends.
Kaya kahit hindi ko naman gaano kakilala 'yong iba na tinutukoy niya ay nalalagyan ko naman ng mga mukha sa isip. It was either we've shared a drink one night, encountered each other at parties, o nagiging kaklase sa mga minor subjects. I have put myself everywhere so it just made sense to have that range.
Isa pa, 'yong madalas naman na mga sikat sa syudad ay iyong mga makikinis, magaganda, at mayayaman o... makapangyarihan. Kaya madali lang na namumukhaan. And our University was the main pool of all four specific traits. Kaya kahit hindi ako sa mismong syudad lumaki ay nakakasalamuha ko pa rin ang halos lahat.
It wasn't even a surprise that a few of Keith's family are also present at the compound's garden party. Na kahit madilim ay namumukhaan ko. But of course, no one would recognize me unless Kyler's there, too. Hindi rin ako ganoon ka kilala para pagtagalan ng tingin. But who am I kidding?
Hawak-hawak ni Engineer 'yong kamay ko habang tinatahak namin ang daan tungong bakanteng stools ng watering hole. It would've been impossible, aniya, if only he didn't know the owners of the place, too.
Honestly, I had a very good time. And it would've been a perfect night.
If only the teasings didn't escalate into an embarassing brawl.
I can only sigh when the compound and the party was shut down. Nagsilabasan ang kanya-kanyang security detail ng mga batang mayayaman. The General manager had to mediate, dahil kahit ang mga nag-ro-roving na security ng syudad ay mabilis na rumesponde roon.
Fabian couldn't even apologize to me properly dahil mabilis sila na pinalibutan ng pulisya. Nagkaroon tuloy ng rason si Gerry na lapitan ako.
"Hinahanap na po kayo ni Sir Killian," bungad nito sa akin habang nakatitig ako sa kinauupuan ng grupo. "Umuwi na raw po kayo, Ma'am Layla..."
I winced. Mariin ko tuloy na binalingan si Gerry. He even looked apologetic as he offered his phone.
"Iyon po ang text ni Sir Killian, Ma'am Layla..."
Sinulyapan ko ang phone niya at napabuntong-hininga. "Magpapaalam lang ulit ako, Gerry, kay Engineer. Ta's sasabay na ako sa'yo pauwi."
Naglalakad ako tungo kay Fabian noong iniwan siya ng mga nag-interogate sa kanya. Pareho naming pinagmasdan ang isa't isa habang dinidiin niya ang yelo sa kanyang pisngi. I am already predicting a bruise on his jaw, too. But his injuries weren't much, compared to his other... friends. There were visible bleeding on everyone else but him, kaya malaki pa rin ang ngisi nito kahit napuruhan ng kaonti.
He was sitting on a metallic garden seat. Noong nakalapit ako ay nakatingala ito sa akin.
"Fabian—"
"This is going to be over in a minute—"
"Engineer, uuwi na ako..."
Umamba siyang tatayo matapos ko 'yon sabihin. I pushed his shoulders down lightly.
"S-Sige, ihahatid kita—"
Umiling na ako. "Hindi, Fabian, uuwi na ako. Ikaw, dumiretso ka ng ER," sumulyap ako sa iilan ng mga kaibigan niyang nagmamasid sa amin. "Your friends seem willing to go with you naman—"
"I'm fine—"
"Your friends don't like me, Fabe..."
"They're unpleasant. They don't mat—"
"But they do matter, Fabian. Ayokong sa tuwing nakikita tayo ng ilan ay may ganitong pangyayari. I think they have someone else they like for you."
Iritado niya akong tiningnan. Marahan ko siyang ningitian.
"At... may kailangan din akong ayusin sa side ko... kaya..." I sucked in air. "I really liked hanging out with you. Too bad tonight ended this way, but... I really had fun. I was looking forward to whatever else you were planning to do, but I guess..." I sighed. "I guess things would be more peaceful if we stayed being just drinking buddies..."
"And your project engineer..."
I chuckled. "'Yon din."
He smiled at me. Nagkatinginan kami ng ilang sandali bago ko inilahad ang aking kamay. He looked at it a bit before sighing ang grabbing my hand.
"See you around... Fabian... You made a lot of my days lovelier than they should've been..."
"Yeah?" he smirked.
Tumango ako at ngumiti.
"Maybe you should consider dating seriously from now on..."
He snorted.
"After this?" tinuro niya ang pisngi gamit ang bimpo. "Baka next year nalang..."
Natawa ako roon. Napalunok siya ng binaba ko na ang mga kamay namin.
"Well, then, see you around?"
"See you around," he smiled at me. "Layla... Lagdaméo..."
Nakaidlip ako sa backseat. Dito na ako umupo kahit pwede naman sa harap. Alam ko rin naman kasi ang magiging patutunguhan ko.
Dahil nakainom ako at dala na rin ng pagod, alam ko talagang makakaidlip ako sa byahe pauwi. Minabuti ko nang sa likod, sakaling hihilik ako o nganganga ng wala sa oras.
Nakakahiya naman kay Gerry.
Halos maalimpungatan nga lang ako nang imbes na sa bahay ako dalhin, nagising akong naka-hazard si Fabian sa bukana ng dusitD2. Magtatanong na sana ako... nang unahan ako ni Gerry.
"Pinapatawag po kayo ni Madam Linda, Ma'am Layla..."
"Huh?" I blinked. "Ano?"
Hindi ko alam kung nasira ba ang pandinig ko sa mga salitang 'yon o... nagbabakasali na akong nabibingi lang ako.
"'Wag mo akong takutin ng ganyan, Gerry..." I laughed to myself. "Wala na tayo sa mansyon... 'di- 'di ba?"
Napalunok ako. O mali ba ako? Sa sobrang stressed ko ba sa mga sikreto ko sa Floirendo ay naging coping mechanism ko na ang pag-iimagine na nakauwi na ako? Na hindi pala 'yon totoo at guni-guni ko lang?
Na ang tunay na nangyari talaga ay... nasa puder pa ako ng mga Floirendo at naglilinis. Nagtatago ng sikreto. Kinakabahan parati. Nababaliw. Baka... baka... tuluyan na nga akong nabaliw sa patung-patong na pagsisinungaling ko?!
Hindi man lang naging halang muna 'yong bituka ko. Diretso at basta-basta lang ako na naging baliw?!
"Ma'am Layla?"
"Gerry?"
"Opo?"
"Gerry... 'di ba... nag-resign na ako o... nasisante?" Kahit ako ay nalilito na! "At ilang taon na ang lumipas simula ang gabing 'yon..." palaki ng palaki ang mga mata ko habang halos ibaon na ang mga daliri sa leather ng passenger's seat.
"Opo, ma'am Layla..."
"Kaya... bakit ganito? Anong sinasabi mong... pinapatawag ako ni Lady Linda, Gerry?"
"'Yong... kontrata niyo raw po, ma'am Layla..."
Mabilis na bumuo ang mga luha sa akin.
"Wala akong nilabag doon, Gerry..." gusto kong lumuhod at magmakaawa!
Noon na ata ako tuluyang nilingon ni Gerry. Madalas ay lumalagpas lang ang mga tingin niya, ngayon ay nasa akin na ang buong atensyon.
"Ma'am Layla, ayaw ko pong manghimasok sa inyo..."
Tumango lang ako roon at suminghot. Wala naman talaga akong balak na maglabas ng saloobin sa kanya. Sadyang... nagkandabuhol-buhol na 'yong laman ng isip ko. I grabbed the tissue box from the pockets of the backseat. Nagsisimula nang bumuhos ang mga luha't sipon ko.
Baka ngayon lang umepekto 'yong ininom kong mga High ball kanina.
"Pero... noong pinaalis po kayo ni Madam Linda ay nagresign na rin po ako pagkatapos..."
Bumaling ako kay Gerry. Nakatingin na siya ngayon sa harapan at mukhang may malalim na iniisip.
"Alam ko pong maayos magpalakad ang mga Floirendo. Alam ko rin po kung gaano sila ka-higpit lalo sa mga patakaran," pagpatuloy niya. "Ngunit kilala ko rin po si Sir Killian at... umiwas lang din po ako sa gulo."
Sinulyapan niya ako habang nagpupunas ako ng mga luha.
"Gerry..." umiling ako. "Gerry, paano ako nahanap ni Killian?"
"Pinahanap sa akin po, Ma'am Layla..."
"At sinabi mo, Gerry, sa kanya... kahit na alam mong..." pakiramdam ko'y nanghihina ako lalo. Trinaydor ako ni Gerry?
Tumango siya at bumuntong-hininga.
"Hindi niya po ako tinatantanan, Ma'am Layla."
Umiling ako. "Hindi pwede 'yon. Nag-iwan ako ng sulat para hindi niya ako hanapin pa..."
"Malaki raw po ang kutob niya na may mas malaki pang nangyari na siyang umudyok sa pag-alis niyo..."
Napatingin na rin ako sa labas.
"Tatlong taon niya po kayong pinahanap pero hindi niya raw po maintindihan kung bakit... parang... may bumabara sa pagsuyod niya..." aniya habang natutulala nalang ako sa kawalan. "Hindi po sinabi ni Sir Killian kung ano po ang tunay na dahilan noon... pero sa palagay ko po ay nakuha niya rin po agad..."
Kung pupwede lang ay takasan ko na ang lahat!
Sinunod ko naman ang usapan. Wala akong nilabag.
Hindi ako nagpakita. Hindi ako nagpahanap.
Heck, I don't even go out of my fucking house!
Kaya bakit ganito?!
"Na hinahadlang ang bawat paghahanap niya po... ni Madam... Linda..."