Mr. Heartthrob VS. Ms. Nerd (...

By blackrobe19

99.3K 1.4K 240

More

Chapter 1: Ms. Nerd (The Beginning)
Chapter 2: Mr. Heart-throb(The Beginning)
Chapter 3: Ms. Nerd (UNFORTUNATE EVENTS)
Chapter 4: Mr. Heartthrob (Teacher & Student)
Chapter 5: MS. NERD ( FORGIVENESS)
Chapter 6: Mr. Heartthrob (Unexpected Feelings)
Chapter 7: Ms. Nerd (Crazy Heart)
Chapter 8: Mr. Heartthrob (Happy Moments)
Chapter 9: Ms. Nerd (Meeting Mr. Heartthrob's FRIENDS)
Chapter 10: Takeru Himitsu (Party Disaster)
Chapter 11: Ms. Nerd/Mr. Heartthrob (Start of something "NEW")
CHAPTER 12: Ms. Nerd/Adrian Valderama (Trials, Secrets & old Friend)
CHAPTER 13: James Monterial (Truth & "Who is she?")
Chapter 14: Mr. Heartthrob/Ms. Nerd (Unwanted Rivalry)
Chapter 15: Ms. Nerd/Mr. Heartthrob ( Youth Summit) Part-1
Chapter 16: Youth Summit (part 2)
Chapter 16 (Continuation): Youth Summit (Part 2)
Chapter 17: Youth Summit (Part 3)
Chapter 18: Youth Summit (part 4)
Chapter 19: 100th Girlfriend (Special Chapter)
CHAPTER 20: The Comeback & Youth Summit (Part 5)
Chapter 21: Revelations
CHAPTER 22: Youth Summit 6 (part 1)
Chapter 24: Failure
Chapter 25: Set Up
Chapter 26: The Plan
Chapter 27: A date?

Chapter 23: Youth Summit 6 (The Long 3 hours)

2.6K 68 48
By blackrobe19

Chapter 23: Youth Summit 6 (The Long 3 hours)

Alena POV

“Wala akong balak magpatalo, Alena.” Seryosong sambit ni Pam sa amin ni Adrian. Alam ko naman na big deal kay Pam ang summit na ‘to, dahil habol din niya ang prize money.

“Alam ko… ako din naman, Pam.” Tugon ko.

Nag-uusap kami habang naglalakad pabalik sa room.

“Maiba ako… magkakilala pala kayo ni James?” Tanong ko kay Pam. Paano naman kaya sila nagkakilala ‘non.

“Ahh, oo… nagkakilala kami sa rooftop nung 2nd round… ang weird nga ‘non ehh, hindi ko siya kilala tapos bigla na lang ako kinausap out of nowhere.” Pagpapaliwanag nito sa akin.

Na-amuse naman ako. Pero ang tanda ko sabi ni Timothy, playboy daw si James.

“Ahhhhh… yun pala yon… mabait naman si James, ang problema lang sabi sa akin ni Timothy may pagka-play boy daw yun.”

“Ano namang pakialam ko kung mabait o playboy man yung James na ‘yon?” Mabilis na sabi ni Pam.

“Nagsasabi lang po ako…” Sabi ko. Feeling guilty naman kasi ‘to si Pam. Natatawa tuloy ako sa kaniya.

“Anong nakakatawa? Hoy, Cademar… wag mo kong paandaran ng mga ganyan mo ahh…”  Ang bilis talaga niyang maka-gets.

“Wala naman akong sinasabi ah.” Depensa ko.

“Ewan ko sayo.”

“Baka gusto niyong kabahan man lang kahit isang kilo.” Sabay kaming napatingin ni Pam kay Adrian.

“Masyado ka namang nerbiyoso.” Tugon ni Pam.

“Sorry ahh, sanay kasi kayo sa mga ganito. Ehh, sa nape-pressure ako.” Inirapan ko lang si Adrian. Kahit kailan talaga… ugali na niyang magyabang sa harap ng iba tapos kinakabahan pagkatapos.

“Pwede ba, Drian. Kumalma ka nga lang.” Tugon ko.

“Oo na… sige na…” Sukong sabi nito.

Napahinto kami sa paglalakad ng may humarang sa amin at tingnan mo nga naman kung sino…

“Already celebrating, St. Nicolas?” Matalas na tanong ng St. Monique representative na si Jane Valderama.

Taray Mode on!

“Parang ganon na nga… masyado ba kaming obvious?” Pangaasar ko sa kaniya.

“It seems that way… but aren’t you celebrating way too advance?” Mabilis na banat nito.

“Ano namang masama don? Masama bang mag-celebrate pag alam mong mananalo ka?”  Sagot naman ni Pam.

“And how did you that? Do you have some six senses or something?”

“Wala naman… pero masama kasi kaming magalit… lalo na kapag alam namin na may sumasaksak samin sa likod.” Patama ni Pam.

Bilib talaga ako sa instinct ni Pam. Pero kahit naman kasi common sense lang gamitin mo malalaman mo talagang may foul play.

“Oh well… I guess, this is enough for good luck. May the best team win?” Sabay abot ng kamay nito para sa shakehands.

Inabot ko ito na may pekeng ngiti ang alok nitong shakehands.

Sarap pilipitin nang kamay nito…

“Of course, may the best and deserving team wins.” Banat ko dito.

“Deserving, huh?” Ulit ni Jane.

“May problema ba?” Tanong ko ulit. Natamaan ko ‘ata.

“Nothing… see you around.” Sabay alis nito at nang maliko na ito…

“Alena… hindi ko alam pero parang gusto kong maging black belter sa judo bigla.” Biro ni Pam.

“Talaga? Ako naman sa Aikido. Ikaw Adrian?” Tanong k okay Drian pero nang napatingin ako sa kaniya ay napansin kong nakatingin siya kung saan dumaan si Jane at para bang nag-aalala?

“Adrian?” Hindi niya ako pinansin.

“Adrian?” Tawag ko ulit sa kaniya pero wala paring kibo.

“Adrian!” Sabay hampas ko sa braso niya.

“Ah? Ah! Ano yon?” Weird na tanong nito.

“Ano bang nangyayari sayo? Kinakabahan ka pa rin ba?” Tanong ko dito.

“Adrian ha… sobra naman ata yan kung kinakabahan ka man.” Sambit ni Pam.

“Hi-hindi naman… sapat na lang siguro.” Sagot nito. Pero parang may iba sa tono ng boses niya, parang hindi naman pati siya kinakabahan.

“Okay, sabi mo ehh.”

“Tara na… mag-isip na tayo ng strategy natin.” Yaya nito sa amin ni Pam.

 Adrian POV

Jane… sorry, talaga pero kailangan din naming manalo.

“Adrian, wag mong mamasamain ang tanong ko ah… may something ka ba kay Jane Valderama?” Nagulat ako sa tanong ni Pam. Masyado na ba akong obvious?

At ang katangahan pa, ang tagal ko pa lalong sumagot kaya mas nagduda si Pam.

“Wala naman.” Sa wakas nasagot ko din siya.

“Talaga?” Parang hindi siya na-convince sa sagot ko. “Pero nakakatuwa no? parehas kayo ng surname… baka naman magkamag-anak kayo hindi mo lang alam.”

Shoot! Alam mo yung feeling na tama ka na sa sinabi mo…

“Ta-talaga… malay ko... pero siguro hindi yan.” Sambit ko.

“Kung sabagay, parang common na naman yung surname mo. Oo nga pala nasan na naman ba tong si Alena?” Lumingon-lingon si Pam para hanapin si Alena pero wala na siya sa room. “Napansin mo ba?”

“Hindi rin eh.”

“Ang baliw na yon, pinuputol niya talaga ang pisi ko.” Inis na sambit ni Pam.

Pero mabuti na rin yon at least hindi na niya ako ineenterogate…

“Ako na maghahanap sa kaniya.” Prisinta ko.

“Baka naman ako pa maghanap sa inyong dalawa ah.” Pasaring ni Pam.

“Hindi, babalik din ako agad kapag hindi ko siya nakita.”

“Bahala ka… matutulog muna ako.” Sabi nito at nahiga sa sofa na malapit sa kaniya.

“Sige. Nasaan na kaya tong si Ale, wala pa naman din kaming phone kung saan-saan pa siya nag pupunta.” Sambit ko sa sarili.

<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><> 

Alena POV

Patay…

Naliligaw na ata ako…

“San ba ko dumaan kanina?” Nakakainis naman eh! Ano ba tong CR na to kala mo nagtatago ehh… “Nasaan nab a yung CR?”

“Are you looking for something?” Napalingon ako sa boses ng babae.

Wow…

Ang ganda niya…

Hep! Pause! Uulitin ko hindi po ako lesbian or anything… nakaka-appreciate lang po ng beauty.

“Ahh, hinahanap ko kasi yun C.R.”

“Comfort room… okay, you’ll go straight this hall then turn right.” Instruct nito saken.

Bakit ba ang dami kong kilalang inglisero at inglisera ngayon…

“Okay, salamat ah..”

“You’re welcome.”

Palakad na sana ako ng makita kong may dumi yung sapatos ko kaya pinunasan ko muna.

*ring*ring*ring*

Cellphone?

Ahh sa kaniya pala, siguro supporter siya.

“Hello? Did you find him?”

“I see, no, I haven’t… you worry too much… I’m fine, Takeru…”

Takeru? Baka si Japanese boy…

“Huh? Where are you? Yeah! I see you… Here! Take!!” Kaway nito sa malayo.

*Beep*

“Why did you wander off… I told you to stay in the car.” Ah! Siya nga!

“Take?” Tawag ko. At lumingon sila sa akin parehas.

“Ah! Ms. Nerd! Well, this is a surprise.” Sambit nito.

“Do you know each other?” Tanong nang babae.

“Kind of… I heard you guys are doing great.”

“Sapat lang.” Sagot ko.

“Ah, by the way… Alena this is Gina, Gina, Alena.”

Gina? Gina? Siya yung… ex… ni… Timothy…

“Alena?”

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko…

“Alena?”

Anong gingawa niya dito?

“Alena?”

Anong gagawin ko? Huh?! Anong klaseng tanong yan! Ano naman sayo kung nandito yung ex niya… girlfriend ka ba niya?

“Alena?! Are you okay?” Tanong ni Take.

“So-sorry… hi, nice to meet you… sige punta na kong C.R” Sabay alis ko.

Ah! Ang lame mo Ale!! Ang obvious ng ginawa mong pag-iwas!! Nakakahiya… pero… ngayong nandito na siya, ibig sabihin ban a magkakabalikan sila ulit ni Timothy?

Parang hindi ko nagustuhan ang naisip ko… bigla na lang tuloy ako umiyak…

“Hala?” Sabay punas ko sa mga mata ko. “Tumigil ka nga Ale, para kang sira… bakit ka umiiyak ehh wala naman kayong koneksyon ni Timothy kundi Teacher student lang.” Buti na lang ako lang mag-isa dito sa C.R

Tama… tumigil ka na sa kalokohan mo Alena… at may Youth summit ka pang ipapanalo…

<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>><><><> 

“St. Nicolas, maaari na kayong pumunta sa starting point… nandito sa envelope ang first clue niyo kung nasaan ang 2nd station… sa bawat station may mga tanong kayong sasagutan at makakausad lamang kayo kung tama ang ibibigay niyong sagot sa guard na nagbabantay sa bawat station. Tandaan niyo, pabilisan ang labanan dito.” Paliwanag samin ng proctor na pumunta sa room.

“Game na!” Sigaw ni Adrian.

“Tara! Kunin natin ang championship!” Sambit ko. Hindi ngayon ang tamang panahon para ma-down…

“Wala yung iba?” Puna ni Adrian.

“Tama ka…” nilibot ko ang paningin ko at ganon din ang ginawa ni Pam.

“Malamang iba-iba tayo ng starting point.” Sambit ni Pam.

“EH? Paano kung mas malapit yung iba sa finish line? At napakalayo natin?” Mabilis na tanong ni Adrian.

“Kung ganon nga… wala naman tayong magagawa… kundi ang mas bilisan.” Sambit ko.

“Nakaka-inis… para tayong nasa isang sick games.” Sabay tingin ni Pam sa CCTV cameras ng nakapalibot sa buong trail.

“Gusto nila ng masayang laro… kaya makikipaglaro tayo… pero ang pinagkaiba lang natin fair tayong lumaban.” Sambit ko.

“Ano pang hinihintay natin? Buksan mo na yang envelope.” Utos ni Adrian.

“Sorry po ahh… okay, What will you add to a bucket full of water to make it lighter?” Basa ko.

“Ano?” Tanong ulit ni Adrian.

“Ang bingi ahh… What will you add to a bucket full of water to make it lighter? Clue: the more you add the more it lessen.” Ulit ko.

“Five words?” Tanong ni Pam.

“Oo… galing mo ahh.” Tugon ko,

“Holes.” Sagot ni Pam.

“Ah?” Takang tanong ni Adrian.

“Oo nga no? Holes!!” Sigaw ko para marinig nila ang sagot namin at buksan ang pinto para sa second round.

“You are correct! You may now proceed to the second station.” Announce ng speaker box.

“PBB ang peg ng laro na ‘to.” Sambit ko sabay iling.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 95.5K 53
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, c...
Wattpad App - Unlock exclusive features