The F- Buddies

By LenaBuncaras

2.4M 69.4K 18.1K

Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na s... More

The F- Buddies
1. The Struggle is Real
2. All Out of Love
3. The New Guy
4. The Project
5. Breakup
6. Heart Reacts
7. Akyat-Bahay
8. Maldita
9. The Romance Novelist
10. Walang Poreber
11. Marupok
12. Tamang Hinala Club
13. Job...less
14. The Fan
15. Award
16. Fan Boy
17. House Raid
18. Garden of Peace
19. Gregory Troye
20. #DatingTheIcePrincess lol
21. Loveless Writers
22. Tale of Two Tragedies
23. Missing Peace
24. Character Adjustment
25. Outlines
26. Brainstorming
27. Type. Edit. Delete
28. Warning
29. Lunch Break
30. So Real, So Good
31. Smut
32. Walwalan Time
33. Roller Coaster Ride
34. Conditioned
35. #WalangMagpapaiyakSaBabeKo
SPECIAL PART
36. Buddy-Buddy
37. Disturbance
38. Drafted Love Story
39. The Nightmare
40. Painstaking
41. Fucked-up
42. Messed Up
43. Heart/Break
44. Foreshadow
45. Babe
47. The Falling Action
48. So Much For My Happy Ending
49. Book Review
50. Hello and Good Bye
Officially His
Gregory Troye Excerpt
The F- Buddies (GT version applied)
Gregory Troye

46. GT's Main Conflict

25.8K 912 42
By LenaBuncaras

MAY TWO days na lang ako para mag-prepare para sa 15. I don't know about GT, but I said, kailangan niyang um-attend sa Sunday sa book fair. He didn't answer anything at wala akong napiga sa kanya.

Naiinis ako kasi halos isang buong linggo akong nawala sa sistema and I needed to get back on track. Late ko nang nabasa ang email ni Boss Armie na kailangan kong pumunta sa office because she really needs to talk to me. ASAP na, URGENT pa.

Early in the morning, bumiyahe na agad ako. Gusto ko sanang isama si Vincent—actually, magpapalibre sana ako ng sakay—kaso hindi siya nagparamdam. At mukhang wala siyang balak pumasok sa opisina. Kahit ako, hindi na rin naman ako papasok kasi wala naman nang gagawin. Kaso kasi, ako pa rin ang humahawak sa ibang accounts sa DCE at freelance editor lang si Vincent. Malamang, mas marami akong pending work kaysa sa kanya para sa darating na book fair.

Pagtapak na pagtapak ko sa office, nagulat ako kasi parang naubusan kami ng empleyado.

"Anyare?"

Panay ang lingon ko sa paligid. May makita man akong tao per block, isa o dalawa lang.

"Where are the others?" tanong ko agad pagdaan sa team ko.

"Yung iba, nasa warehouse, Ate Niz. Yung iba, wala na," sagot ni Ayra sa akin.

Naba-bankrupt na ba kami nang hindi ko alam?

I went to Boss Ayen's cubicle at wala pa siya. Pumunta ako sa cubicle ni Boss Armie at mukhang isa rin siya sa kararating lang. Nag-aayos pa lang ng gamit.

"Boss, naubusan na ba tayo ng tao?" tanong ko agad.

"Ah! At last, pumasok ka rin, Eunice!"

Pinandilatan ko lang si Boss Armie nang bigla niya akong yakapin tapos tinapik-tapik pa ang likod ko.

"May nangyari ba?" usisa ko. Bigla akong kinabahan.

"Where's Vince?"

"Uhm . . ." Natutulog pa? Nasa bahay? Malay ko, hindi ko naman itinago. "Hindi ba kayo tinawagan, Boss?"

"Akala ko, magkasama kayo sa research?"

Akala ko nga rin. Halos one week din kaming hindi nagkita. Kagabi, sabog pa siya kausap kaya natakasan ko bago pa ako ikulong sa bahay niya. Tapos . . . ewan ko na. Sabi ko pa, ayos-ayusin niya ang buhay niya. Mukha siyang bummer.

Whoah, wait. Bummer? Teka nga . . .

"Niz, mamaya ka na mag-space out. I want you to see this."

May ipinakita siyang poster sa akin galing sa Grey Feather Press. At may mukha ni Vincent! At hindi lang mukha! Half body pa at hayag na hayag ang dibdib niya habang black blazer lang ang suot!

Hinablot ko agad kay Boss Armie ang poster.

No shit! Ginawa nilang prosti si GT? Seryoso ba ito?

"Pero hindi nagpapa-booksigning si Gregory Troye!" No! This can't be! Ang tagal na niyang gumagamit ng pseudonym para nga itago ang pagkatao ni GT, tapos ganito? "Pumayag si Vincent dito, Boss?"

"Niz, I think, they're pushing him out of his comfort zone. Hindi nila puwedeng pakawalan ang bestseller nila. Gregory Troye needs to do that signing, or else GFP will sue him dahil kasama sa contract niya 'to."

"Ano 'yon? Magpapakita si Vincent sa book fair as GT?"

"Wala siyang choice. He was asking for help, actually. Ayaw niyang ituloy 'yan kasi ang daming fans na nag-i-invade ng privacy."

Ah, of course, yes! Sobrang dami nila, actually.

"These past few days, ito yung stress naming pare-pareho. And I thought you already knew kasi kayo ang laging magkasama. How come you didn't know?"

Fuck! Vincent have that image of Vincent Gregorio or Beans Talk, pero alam kong hindi siya papayag sa book signing as GT.

Paano kung malaman ng ex-wife niyang siya ang author ng The Anthem of Sorrow? Mas concern niya ito, malamang, kaysa sa mukha niya. Wala bang kaluluwa ang management ng Grey Feather Press?

"Good morning, Dream Catchers!"

Sabay kaming naalerto ni Boss Armie.

"Nandiyan na si Karen."

Lumabas na agad kami ng cubicle at sinalubong namin si Boss Ayen na kararating pa lang.

"Eunice! At last, you're here!" Then she hugged me.

Bakit kung makayakap sila sa akin, parang ang tagal kong nawala? Parang namang hindi sila sanay na lagi akong MIA sa opisina.

"Where's Vince?"

Ako lang ba o pareho sila ng tanong ni Boss Armie? Bakit hinahanap nila sa akin si Vincent? Ibinahay ko ba?

"She's not with him," sagot ni Boss Armie para sa akin. "Anyway, I showed Niz GFP's poster for Gregory Troye."

"Vince hated that stunt," dismayadong sinabi ni Boss Ayen at saka siya dumeretso sa cubicle niya. Sumunod naman kami ni Boss Armie.

"Akala ko, magkasama kayo sa research?" tanong pa ni Boss Ayen.

Bagay talaga silang mag-partner ni Boss Armie. Pareho sila ng takbo ng utak.

"Nitong mga nakaraang araw, palaging nandito si Vince to check up on the book signing issue," kuwento ni Boss Ayen. "Then he'll go home pagkatapos. Sinasabi niyang babalikan ka raw." Tapos tiningnan niya ako.

Ako ba iyon? Paanong babalikan ako? Si Vincent? Babalikan ako ni Vincent? Ni hindi ko nga siya nakita nang isang buong linggo!

"He looked so tired and strained," sabi ni Boss Armie. "Naaawa ako kay Vince."

"I feel you," sagot pa ni Boss Ayen habang nag-aayos ng gamit.

Hindi ako makasunod sa usapan. May alam ba silang hindi ko alam?

Eunice, pabobo gaming ka na naman. Malamang, may alam silang hindi mo alam kasi MIA ka nang isang buong linggo dahil kay Justin, duh!

"What happened to GT?" tanong ko na lang na ikinatigil nina boss—na ikinatigil ko rin kasi natigilan sila.

Uh . . . okay?

Pinagkaisahan ako ng mga tingin nila. Parang sinasabing ano'ng pinagsasasabi ko.

"Di ba, magkasama kayo palagi?" usisa ni Boss Ayen.

Oh my gosh. Kapag nag-combo talaga sila ni Boss Armie, parang nag-e-echo lang sila sa isa't isa.

"Actually . . ." Paano ba ako magpapaliwanag?

Kasi one week akong brokenhearted dahil nag-cheat ang ex-boyfriend ko sa akin? Kaya ayun, malay ko na sa mundo. Nagsariling mundo kasi ako.

Hindi nila tatanggapin iyon. Personal issues ko na iyon e.

"I tried to call Vince but he was not answering," sabi ni Boss Ayen.

"Nag-deactivate siya last time ng FB niya, a. What was the reason behind that?" tanong ko pa.

Hindi naman sa assuming ako, pero akala ko talaga, kasalanan ko kaya siya nag-deactivate. Malay ko ba?

"He needed to deactivate his official FB account dahil sa issue niya about the book signing. Ginamit ng Grey Feather yung photo niya without his consent."

ANO RAW? "But that's illegal!"

"Not really. And he's gonna sue GFP dapat, kaso nasa contract din niya ang Convent Not to Sue kaya bawal niyang kasuhan ang publisher niya. At may isang clause doon sa contract na allowed ang GFP to use his photo basta hindi ire-reveal ang real name niya. I think, na-overlook niya 'yon, and nagtiwala naman kasi siya sa GFP. Ten years din siyang walang mukha as GT kaya no wonder kung pare-parehas kaming nagulat."

What the actual fuck? That was . . . stupid.

"Now, readers go gaga because of his visuals. Beans Talk is famous already, but GT is another level. Lalong tumaas ang sales ng GFP bago pa man ang end of contract ni Vincent sa kanila dahil sa itsura niya. Now, readers bought the book for book signing sa Sunday. Trending na naman ang case ng bumili ng libro dahil guwapo ang author. And he's earning hundred thousands again kahit na ayaw na niya. Sold out ang thousand copies ng 26 novel books niya and he needed to sign all that."

"But that's . . ." Oh shit. I don't know what to say. That was overwhelming.

"I'll visit him. Kakausapin ko si Vincent about this," sabi ko na lang. This is not good for him.

"Niz, ayaw ni Vince nang pinupuntahan siya sa bahay niya. He's not letting people invade his personal space, okay? Kahit na gusto namin siyang bisitahin, hindi puwede kasi magagalit siya."

"Pero nasa bahay niya 'ko kagabi, Boss."

And I didn't like how they looked at me. Parang may ginawa akong himala.

"No shit, Niz?"

"Pinayagan ka niya? Totoo?"

"I . . . I gotta go," sabi ko habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Boss . . . Ayen, Boss Armie."

Ang awkward. Ganoon ba kaayaw ni Vincent na dinadalaw siya para magulantang sina boss sa sinabi ko?

Pero hindi iyon ang kaso e. Kaya ba mukhang broken si Vincent kagabi? Dahil dito? Bakit hindi niya sinabi agad?

All this time, akala ko talaga, kasalanan ko at ng punyemas na love life kong shunga-shunga kaya mukha siyang broken! Tapos biglang . . .

Desperado na ba ang GFP at ginawa nila iyon kay GT?

Napakamumukhang pera naman talaga, oo.

I know, guwapo si Vincent para maging author, pero bakit kailangang gamitin pa ang mukha niya para lang makabenta ng libro? Hindi naman sila palugi, a! Sikat si GT kahit wala siyang mukha, so what's with all this fuss? I don't think na desperate measures lang nila e. Wala naman sila sa point of desperation.

This is bullshit.

Uuwi na naman tuloy ako nang di-oras dahil dito.

Continue Reading

You'll Also Like

28.5M 854K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
4.1K 208 39
Charlotte Hope a teenager who tried to escape her sorrowful fate found hope to a person who fulfilled everything she dreamed of not until everything...