The F- Buddies

By LenaBuncaras

2.4M 69.4K 18.1K

Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na s... More

The F- Buddies
1. The Struggle is Real
2. All Out of Love
3. The New Guy
4. The Project
5. Breakup
6. Heart Reacts
7. Akyat-Bahay
8. Maldita
9. The Romance Novelist
10. Walang Poreber
11. Marupok
12. Tamang Hinala Club
13. Job...less
14. The Fan
15. Award
16. Fan Boy
17. House Raid
18. Garden of Peace
19. Gregory Troye
20. #DatingTheIcePrincess lol
21. Loveless Writers
22. Tale of Two Tragedies
23. Missing Peace
24. Character Adjustment
25. Outlines
26. Brainstorming
27. Type. Edit. Delete
28. Warning
29. Lunch Break
30. So Real, So Good
31. Smut
32. Walwalan Time
33. Roller Coaster Ride
34. Conditioned
35. #WalangMagpapaiyakSaBabeKo
SPECIAL PART
36. Buddy-Buddy
37. Disturbance
38. Drafted Love Story
39. The Nightmare
40. Painstaking
41. Fucked-up
42. Messed Up
43. Heart/Break
44. Foreshadow
46. GT's Main Conflict
47. The Falling Action
48. So Much For My Happy Ending
49. Book Review
50. Hello and Good Bye
Officially His
Gregory Troye Excerpt
The F- Buddies (GT version applied)
Gregory Troye

45. Babe

27.4K 1K 260
By LenaBuncaras

I hate to admit it, but GT really did countless favors for me after I met him. As in sobrang dami na for a newfound friend. He fixed my schedule at binawasan niya ang halos kalahati ng workload ko. He gave me an opportunity to write with my dream author. Hatid-sundo pa niya ako sa bahay at ilang beses din 'yon. 'Tapos palagi pa niya akong nililibre ng pagkain. Aside sa iba pang effort niya na parang hindi naman kailangan, like posting something sa FB about me and all that jazz, and trying to fix my love life for me. Hindi ko lang in-expect ang pagkausap niya sa Myra na 'yon. I'll admit, that was sweet, 'tapos sinapak ko pa siya because of that. Ang tanga ko lang sa part na 'yon. Dapat si Justin ang sinaktan ko, hindi siya. Tama naman siya. Hindi nga naman siya ang nagloko, so ano'ng pinaglalaban ko? Boba lang, Eunice?

He might really be a complete mess right now, and I don't even know why. But he was there when I was ruining myself, so I'll try to return the favor.

Gabi na at nagtakas ako ng pagkain sa bahay para ibigay kay GT. Kumakain naman siguro siya ng tuna. Sabi niya, huwag na akong pumunta, and I wonder why.

Ayaw ba niyang makita kong devastated din siya?

Pero naawa talaga ako sa itsura niya kahit nakakatakot ang aura niya. Hindi nakakatakot si Daddy kapag galit e. Siguro, si Kuya Gar, kapag kinuha ko ang coffee jelly niya sa ref nang walang paalam, parang gano'n. Yung parang papatay ng tao for a dessert.

Shit, winawala ni GT ang pagka-broken ko today, hindi ko alam kung magpapasalamat ako. Sinasapawan niya ang drama ko. Saka ang weird talaga ng wedding picture sa bahay niya.

He said, ikinasal siya before. If I remember it right, the name's Fatima.

Sa story ni Edward, she left him not because of his appearance. Pero isa sa reason din kaya may doubt ako kasi he was not physically attractive sa story, but not defined as swanget naman. Pero gaya nga ng reason ni Beatrice, she loved Edward hindi naman dahil sa itsura. Na-depress lang talaga si male lead and he fucked his life up. Though, ngayon, I somehow understand Beatrice for leaving Edward kasi wala nga namang taong magsi-stay sa broken. Pero kasi . . . Edward needed her the most. She should've been there for him because no one else was.

At talagang sobrang affected ako kay Edward e fictional character lang naman siya. Problema ko?

"GT!"

Again, wala na namang response. Naiinis ako kasi nasa bahay naman siya pero hindi siya sumasagot. Samantalang kapag pumupunta siya sa bahay, napakaingay niya.

Eight-twenty ang huling silip ko sa relo, at yung haunted house vibes kaninang umaga, lalong lumala sa gabi. Sobrang tahimik, nakakakilabot.

"GT . . ." Hindi na ako sumigaw. Parang ako lang talaga ang maingay.

Pagpasok ko sa bahay niya, pinauna ko nang ialok sa daan ang dala kong mga disposable Tupperware. Para kapag kinuha ako ng mumu, uunahin na niya ang pagkain.

Yeah, right.

I don't believe in ghosts, but I can write horror stories better than romance.

"GT . . ." Pabulong na ako nang pabulong.

Pagsara ko ng pinto, nakita ko agad sa dining area si GT.

Tiningnan ko agad siya nang masama kasi kung paano ko siya iniwan kaninang alas-singko sa mesa sa dining area, ganoon ko pa rin siya nadatnan after three hours.

Bruh, you serious?

Yung kilabot ko, parang nagsu-swimming mula sa batok papuntang likod hanggang sa hita. Kung alam ko lang, sana hindi na ako nagsuot ng maikling dolphin shorts na cotton, lalo akong nilalamig. At topless pa rin siya! Hindi ba marunong ginawin 'tong GT na 'to? Alam kong maganda ang katawan niya pero pupulmonyahin siya niyan, ang lakas ng air con sa bahay niya!

Lumapit na ako sa dining table. Ang lungkot sa bahay niya, sobra. Parang kapag depressed ka, mapapa-suicide ka na lang anumang oras. Nakaka-trigger ng extreme anxiety.

"Hoy, GT. Ayos ka lang ba?"

"Didnt I tell you not to come?"

Kinabahan ako, shit. Mas deep ang boses niya sa tahimik—yung sobrang tahimik na lugar na may echo pang backup.

"Hindi ka pa kumakain," sabi ko na lang at inilapag sa mesa ang lahat ng dala ko.

Tumayo na siya, sa wakas. At unexplainable talaga ang feeling ko ngayon.

"GT, hindi pa ako super okay ngayon. Okay?" naiilang kong sinabi habang nakatitig sa kanya. "Pero huwag ka nang dumamay kasi wala ka namang love life para maging broken, ha? Ako lang ang may karapatan, okay? Ako lang."

"I warned you, right?" Sinukat niya ako ng tingin.

Nakita ko na lang ang sarili kong pinandidilatan siya at saka ko inilipat nang dahan-dahan sa ibang direksyon ang tingin ko.

Siya ngang nakikibahay sa bahay ko, binalaan ko rin naman siya pero mapilit siya. So, ano? Siya lang ang may karapatang makibahay?

Dinuro ko na siya. "Hoy, GT—"

"I said, don't." Bigla niyang hinigit ang pulsuhan ko na lalong ikinalaki ng mata ko. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko kasi grabe ang electricity na dumaloy sa braso ko galing sa kanya. Ang lakas ng static niya!

"Babe, you never listen."

Hindi ko alam kung bakit ganito ang feeling na natatakot ako pero . . . he didn't look like he was gonna kill me.

Another loud swallow, and I hated it big time. I was torn between being scared and feeling excited habang sinasalubong ang tingin niya. I took a step backward and gulped.

"GT, gusto ko lang i-check ka, okay?"

"You really don't intend to listen, Eunice, do you?"

Oh nooo. Ito na naman siya sa first name calling niya. Lalo akong kinakabahan.

Hindi ko alam kung nakailang hakbang ako. Dead end. And I wasn't sure if my butt bumped into a cabinet or the sink.

Lumapit din siya!

Shit! Kuya, huwag po. Magpapakabait na po ako, promise.

"How many times should I tell you not to go, hmm?"

Fuck, he smelled nice, I don't know what to shout.

"You never listen to warnings, do you?"

I swallowed so loudly again. Damn, was that a threat? Did he just threaten me? Oh come on.

"Matigas din talaga ang ulo mo. Kung ano ang gusto mo, 'yon ang sinusunod mo. Hindi ka nakikinig sa iba."

He took another step, and I had nowhere to run.

My heart beat so freaking fast, and I wasn't sure if gawa ba ng takot o excitement 'to.

Fuck excitement. Anong kabobohan na naman 'yan, Eunice!

"G-GT, wait—"

He went closer and he almost pinned me on the tiled counter. Hindi naman siya ganito sa office. What was his problem? Dahil ba pumunta ako sa bahay niya kahit sinabi niyang huwag?

"GT, isa—"

Do I need to regret my decision now?

"Make a noise, and you'll regret coming here without my permission."

That five seconds of dead air was too much for a mini heart attack, and I tried to stop breathing while looking at his muscular chest. Ugh, fuck. Gusto ko lang namang magdala ng dinner!

"Ah! Wait! Wait lang, GT! Wait!"

Hindi ko alam kung ano'ng ginawa niya. Binuhat ako? Inangat? Pinalutang? Punyeta, hindi ko alam!

Nakita ko na lang ang sarili kong nakaupo sa kitchen countertop at kapantay na ang mukha niya.

I could see myself from afar na pinandidilatan siya ng mata dahil sa gulat. Paglapag ng mga kamay ko sa kitchen countertop para pansuporta, kung hindi ba naman minalas-malas, ang palad ko, naipatong ko pa sa ibabaw ng mga kamay niya. Nangilabot na naman ako at nagtatalo ang katawan ko kung mauubusan ba ng dugo o lalong ha-highblood-in.

Shit, hindi ko na alam kung paano hihinga! Tulong! Daddy! Haaaalp!

"GT . . . wait lang kasi . . ."

Iiyakan ko na talaga siya, nakakainis na siya! Hnngg!

Nakakainis kasi pinupungayan niya ako ng mata. Ano ba! Ginugulo mo sistema ko, Vincent Gregorio!

"Why did you still go, hmm?"

Mas kumalma na ang boses niyang malamig na mababa. At bakit ang bango pa rin niya? Kato-toothbrush lang ba niya? Kaya ba ayaw niyang kumain?

"Hindi kasi . . . ano kasi . . . hindi ka mukhang okay . . ." Yumuko na lang ako para makaiwas sa tingin niya.

Kinakabahan ako, baka bigla kong yakapin 'to out of the blue. Magaling pa naman 'tong mang-hypnotize ng tao.

Naiilang ako sa pinagpapatungan ng mga kamay ko. Ang init ng mga kamay niya.

"How can you tell that I'm not okay, hmm?"

Kailangan ba talagang ganito siya kalapit? Pati init ng hininga niya, tumatama na sa pisngi ko.

"Mu-mukha ka kasing ano . . . malungkot . . ." Yung sobrang lungkot. Gaya ni Edward.

I cried for that man kahit fictional character lang siya, for all he knows.

"At nakipagmatigasan ka sa pagpunta dahil mukha akong malungkot."

Tse. Pasalamat nga siya, binisita ko siya para magdala ng pagkain.

"I don't want anyone coming to my house. Don't you know that?"

Bakit? Kasi mukhang haunted house ang bahay niya?

"Kung wala ka naman dito, hindi ko naman papasukin 'tong bahay mong nakakatakot," bulong ko pa habang iwas ang tingin sa kanya.

Gusto ko lang magbalik ng pabor. Mukha siyang busted and wasted kanina. Akala ko pa naman, may makakausap na ako, 'yon pala, mas malala ang lagay niya.

"I just wanna be here for you, okay?" sabi ko na lang. Kung ayaw niyang maniwala, e di huwag. "I don't really do this, kung alam mo lang. Wala akong friends, and this is the first time I'm doing this. Kung ayaw mo, uuwi na lang—"

"Sorry sa nangyari sa 'yo at sa boyfriend mo," putol niya agad.

Nagbuntonghininga na lang ako saka umiling. Wala naman na. Hindi ko rin naman alam kung gaano katagal pa akong lolokohin ni Justin kung hindi dahil sa kanya. Ginawan pa nga niya ako ng pabor.

"Okay lang." Sinulyapan ko siya. Nakatitig lang siya sa akin. Inilayo ko agad ang tingin ko. "Tapos naman na."

Kita na ngang nagmo-move on na, ibinabalik pa.

Pero naba-bother talaga ako sa pabango ni GT. Nai-imagine ko talaga ang mga lalaking babaero. Pero masarap. Pero babaero pa rin. Feel that?

"Ano ba 'yang amoy mo, GT." Ang flirty kasi talaga. Naiinis ako. Mas matapang ang amoy rito sa bahay niya.

"Why? Do I smell bad?" Ipinaling niya ang mukha niya sa kanan para amuyin ang katawan niya. "Sorry, kagabi pa yata ako huling naligo."

Napaatras ako nang kaunti habang nakasimangot sa kanya.

He smelled so good kahit hindi pa siya nakakaligo? Shit! Sana all mabango kahit walang ligo, 'no?

"Don't give me that face, babe." Tapos bigla siyang ngumiti.

Ah, nah, man! Ngumiti na siya! Oh my gosh!

"Huy, na-miss ko yung smile mo, GT!" Hinawakan ko agad siya sa pisngi sa sobrang excitement.

Hnngg! Hala! Ngayon lang ako na-amaze sa simpleng smile lang!

Pero seryoso, na-miss ko talaga ang smile niya. Ever since day one, iyan na talaga ang ikinaiinis ko sa kanya. I never thought, mami-miss ko ang simpleng ngiti niya after what happened.

Hindi kasi talaga ako sanay na ganito siya. Yung malungkot siya tapos parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha.

Unti-unti, nawala na naman ang ngiti niya. Nawala rin pati ang ngiti ko.

Napalunok na naman ako. This was the first time stares at GT's face this close while he was in his not-really-GT vibe. Ang lungkot ng mga mata niya, naiilang akong tingnan, kaya pasulyap-sulyap lang ako.

"GT . . . may problema ka ba?"

Hindi siya sumagot. Hinawakan lang niya ang magkabilang kamay ko saka inilipat sa may batok niya bago niya ako niyakap.

Feeling ko talaga, sobrang lungkot niya ngayon.

"I miss you, babe."

Ang init niya. Nararamdaman ko ang tibok ng puso niya, ang lakas. O parang akin yata 'yon. Hindi ko na ma-identify.

Okay lang ba siya?

"I'm happy seeing you right now. I missed you a lot."

Lalo lang niyang pinatindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

Depressed ba siya? Bakit ang tono niya, parang iniwan ko siya nang sobrang tagal?

"Sana dinalaw mo na lang ako sa bahay kung nami-miss mo 'ko," sabi ko habang hinahagod ang buhok niyang malambot. "Ilang araw kaya kitang hinanap."

"I did."

Ha? Anong I did?

"When?" tanong ko sabay bitiw sa kanya.

Nakatitig lang siya sa 'kin at hinawi ang hibla ng buhok na nasa mukha ko. "Dumaan ako sa bahay mo no'ng Monday."

"Naka-lock ang bahay ko last Monday," sabi ko habang nagtatakang nakatingin sa kanya. "Hindi ka naman nakita nina Daddy."

"Sabi ko sa 'yo, guardian angel mo talaga ako."

"Mukha mo!" Hinampas ko agad siya sa balikat. "Nakapasok ka sa bahay?"

"Yes."

Aba't—Paano 'to nakapasok?

"Tumalon ka ba sa bakod? Nag-akyat-bahay ka? GT, oh my gosh, how could you!"

"I got your duplicate key."

Eh? Akyat-bahay na, magnanakaw pa!

"Anyway, I read your notes sa tablet mo. Iniwan mo kasing nakabukas."

Lalong nanlaki ang mga mata ko at naitulak pa siya nang napakalakas kaya siya napaatras nang dalawang hakbang palayo sa akin.

"Hoy!" sigaw ko habang dinuduro siya.

"Maybe that's why you insisted in coming over tonight, kasi sabi mo pa roon, you'll do everything, makita mo lang ako—"

"Stop! Hnngg! Nakakainis ka, GT!"

Lumipad ako palayo sa counter para makalabas agad ng bahay niya. Punyeta! Binasa niya ang isinulat ko! Hnngg! Nakakahiya!

"Hey, hey, hey!"

Hahatakin ko na sana ang doorknob ng pinto kaso pinigilan niya naman. Sa sobrang laki ng kamay niya, nahagip pa ng palad niya ang switch ng ilaw kaya halos masinag ako sa liwanag.

Pagtingala ko sa kanya, hinaharangan ng katawan niya ang sobrang gandang crystal chandelier na maliwanag na nakasabit sa high ceiling ng bahay.

"GT kasi!"

"Why?" takang tanong niya at ayaw talaga niyang alisin ang palad niya sa hamba ng pintuan. Paano ako makakalabas nito?

"Bakit mo pinakialaman ang tablet ko!"

"Nakabukas kasi."

"E di sana, hinayaan mo na lang!"

Nakakainis talaga siya!

Okay, kung ano man ang laman ng tablet ko, 'yon ang isa sa iniyakan ko nitong mga nakaraang mga araw maliban kay Justin.

Sa totoo lang, parang siya ang iniyakan ko imbes na si Justin. I know, unfair 'yon sa ex ko na ngayon, pero kasi . . .

Ugh! Fine! Na-miss ko siya! Sobra! Na hindi ko na alam kung nasasaktan ba ako dahil nagloko si Justin o dahil wala siya.

Hindi ko alam! I couldn't sort my feelings out that time kaya isinulat ko lahat ng rants ko!

Malay ko bang . . . ayoko na talaga!

Nawala na ang scary vibe niya. Parang nagbalik na ang kilala kong GT kasabay ng pagkawala ng horror vibe sa bahay niyang maganda naman pala kapag binubuksan ang ilaw pero hindi niya magawang buksan.

"Huwag mo 'kong ngitian! Letse ka!" singhal ko sa kanya habang nakikita siyang nakangiti.

"You said, hindi ka na magmumura?"

"Paki mo? Napakapakialamero mo talaga kahit kailan!"

"Mahal mo naman."

"Pero hindi—hnngg!" Nakakainis! Pinaghahampas ko siya sa braso kasi talagang pinamumukha niya ang naka-type sa tablet ko! "Nakakainis ka! Nakakainis ka! Nakakainis ka!"

"Hey! Aw— Babe— Agh—"

Kada pasulong ko, siya namang atras niya. Talagang paliliguan ko siya ng hampas, siraulo siya!

"Sinabi ko bang mangialam ka ng mga gamit ko, ha?"

"You left it open! Of course, mapapansin ko!"

"Pero bakit mo binasa!"

"Babe— Ah— Masakit na, ha!"

"Talagang masasaktan kang punyeta ka!"

Napahinto siya sa pag-atras at sinimangutan ako. "Babe, isang mura mo pa, huli mo na 'yan. I'm warning you."

"A, talaga ba? E di, putang ina! O ano? Masaya ka—"

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi na ako nakaimik nang bigla niya akong hatakin.

Halos manigas na lang ako sa kinatatayuan ko kasi ang dating panakot niya, talagang tinotoo na niya.

Sabay-sabay na nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan at halos tumingkayad ako habang hawak niya ako sa bandang baywang.

Biglang tumahimik ang lahat. If existing talaga ang butterflies sa stomach, then mine had an instant butterfly garden.

Bago ko pa maibuka ang labi ko, lumayo na siya nang bahagya. Maliit na distansya na ang ilang pulgada dahil halos idikit niya ang noo ko sa noo niya kahit na malayo ang agwat ng taas naming dalawa.

At parang karugtong na ng labi niya ang kaluluwa ko—parang hinatak niya iyon papalapit sa kanya. Doon ko lang naramdaman ang malakas na tibok ng puso ko habang nakatitig sa mga labi niya. Saglit kong pinigilan ang huminga, at parang ganoon din siya.

"Mali kasi 'yon, GT . . ." bulong ko sa tapat ng labi niya habang nakatitig doon.

"Iyon," sagot niya at halos magpalitan na lang kami ng hininga. "You know the huge difference between iyon at ito, babe. Reading what you wrote might be wrong, but this . . ."

"GT . . ." Doon ko sinalubong ang tingin niya. At ang nakakainis, sobrang traydor ng sistema ko kasi nagtutulong-tulong sila para sabihing "Mali 'to."

Mali 'tong nangyayari pero masarap.

Mali ang nangyayari kasi alam ko sa sarili kong nakalaya na ako kay Justin, pero wala namang kami ni GT. At hindi ko alam kung ano ba talaga kami aside sa collab partners at friends.

Napansin kong napalunok siya. "Call me babe and I'll let you go home tonight," mabigat niyang utos.

Sinubukan kong magmakaawa ng tingin sa kanya pero mukhang seryoso siya. Ako naman ang napalunok.

"Babe . . ." bulong pa niya habang matamang nakatitig sa akin. "That's all and you're free. That's all and I will never bother you anymore."

Humugot ako ng hangin, at parang sinakal naman ako pagkaabot sa hangganan ng paghinga ko.

Alam kong isinulat ko sa Post-it na nag-babe ako sa kanya, at kabaliwang ginawa ko 'yon dahil miss na miss ko na siya, pero ang hirap sabihin. Sobrang hirap sabihin sa personal.

"Babe?" pagtawag niya—gaya ng lagi niyang ginagawa.

Napapikit na lang ako nang sobrang diin at dahan-dahang bumuga ng hangin.

"Yes . . ." mahina kong sinabi.

Noon lang ako dumilat at matapang siyang tiningnan. Kung hindi niya ako paaalisin sa bahay niya, bahala na. Basta, hindi ko kaya.

". . . GT."


♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

129K 7.6K 25
C O M P L E T E D --- Trigger Warning: Mention of suicide, mental illness, depression, anxiety, and panic attacks. If you find these topics triggeri...
224K 3K 14
Bea Esguerra was known for a being the "campus beauty queen" during their college days. Sa kabila noon ay magkakaroon siya ng lihim na relasyon sa is...
I Saw You By Yen

Fanfiction

237K 11.9K 43
{ Constantine Series: Book 2 } Palagi nalang bang siya ang makikita mo? Paano naman ako? - London Constantine have always had a long list of girls. W...
1.9M 87.7K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...