Stuck Forever with You (Stuck...

By NerdyIrel

16.3M 184K 62.6K

Meet Kathryn Bernado. Contented na siya sa buhay niya dahil for her, everything's more than perfect na. She's... More

Stuck in the Moment (book 1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue
Author's Note

Chapter 11

330K 3.2K 547
By NerdyIrel

Chapter 11

Kathryn’s POV

  

Hmmm….

Pwede na ring ganito habang buhay.

Contented na ko nito.

^_^

Pinaglalaruan ko lang yung mukha nung baby ko, HOY!

BABY DJ!

Baka isipin niyo may anak ako!

Ibang usapan na yan! Haha.

Natutulog kasi si DJ tapos ang CUTE CUTE niya!

Baby face talaga!

Amoy pa lang baby na eh! Ang bango!!!!

Tulog naman siya eh, di niya malalaman ginagawa ko.

Yung lips niya, ang lambot!

Kaya minsan, hindi ko rin siya masisisi kung nagugustuhan ko kapag nadikit yan sa lips ko.

Kahit one year pa kong naka-stare sa kanya, okay lang.

Sulit na sulit nga yung time eh!

ANG POGI KASI NIYA!

Kahit anong gawin ko, di pa rin talaga ako magsasawa.

At wala akong balak magsawa!

~(^O^)~

Bigla siyang gumalaw kaya nanlaki mata ko.

Hala! Baka malaman niya na kanina ko pa siya tinititigan.

Bago pa ko makapikit at magkunwaring natutulog, naunahan na niya ko.

Namulat na niya yung mga mata niya at napakunot na yung mga noo niya nung nakita niyang gising na ko.

“Oh, kanina ka pa gising? Okay ka na ba? Teka, wala ka ng lagnat? Saglit lang, anong oras na ba? Iinom ka pa ng gamot----”


“Ssh! Ang dami mong tanong DJ, sumasakit ulo ko. Magaling na ko”

Umupo kaming dalawa tapos hinawakan niya yung ulo ko. “Sure ka baby? Baka kailangan pa kitang dalhin sa hospital”


“Hindi na nga. Wag ka ng makulit. See? Okay na ko!” Tatayo sana ako to prove na okay na ko nung narinig ko yung kotse nila mama at kuya na nagpark sa garage.

O_O

“Sila mama” Agad-agad akong tumayo at hinila si Daniel.

“Magtago ka sa CR” Sabi ko and umiling naman siya.

“Ayoko dun. Obvious masyado. Baka mahuli na naman tayo. Remember nung nag-inspect bigla kuya mo?”

Ang arte naman nitong gwapo na ito oh!

Pinahihirapan pa ko magisip!

“Dito na lang” Hinila ko siya papunta sa ilalim ng kama ko.

Tumawa lang siya pero mas pinili niyang magtago dun.

“Wag kang maingay” Bulong ko sa kanya.

“Whatever” Bulong niya rin.

I just rolled my eyes then almost jumped nung may kumatok.

“Kath?”


“Yes Ma?”

Napansin kong nakatayo pala ako na parang ewan.

Umupo kaagad ako sa kama bago pa buksan ni mama yung pinto.

“Kanina ka pa nakauwi?”


“Ah opo. Kakagising ko nga lang po eh”


“Ganun ba, sige. Bumaba ka na at kakain na tayo”


“Sige ma, hilamos lang ako”

Sinara na niya yung pintuan kaya pinalabas ko na kaagad si Daniel.

“Ayos ka lang?” Tanong ko.

“Medyo medyo” Asar niya.

“Medyo medyo???”

Bigla niya kong niyakap kaya napahiga kaming dalawa sa kama.

Hahahaha nagulat naman ako dun!

“Loko ka talaga! Makita tayo ni mama eh!”


“Eh kung nananahimik ka kaya ng hindi tayo mapansin”


“Super naughty mo talaga blueberrybabe”


“Okay lang naman yun diba? Magaling ka na. Pwede na”

>_<

Ano daw?

Paulit?

“Pwede na? Na ano?”


“Pwede ng magpbb teens….” Tapos nag-bite lips pa siya.

Shet!

Stop doing that!

Nanlalambot ako eh!!

Tapos yung pwesto pa namin! >_<

“Teka lang, tumayo ka nga muna saglit” Tumawa siya pero sinunod din naman ako.

“So payag ka nga? Tara”

Ano ba Daniel!

“Loko, tumigil ka nga-----”  Biglang bumukas yung pintuan.

O_O

“Kathryn-------DJ? Bakit nandito ka?”

“Tita”

“Mama” 

Nagkasabay pa kami ng pagsasalita ni Daniel.

“Care to explain?” Nag-crossed arms na si Mama tapos biglang dumating din si kuya na halatang nagulat.

Okay kath, mabilisang explanation ng wala ng masabi ang epal mong kuya.

“Mama may lagnat po kasi ako and hindi po ako makabangon dahil sobrang sakit ng ulo ko. Buti na lang po dumating si DJ at inalagaan ako. Ayun, siya nagbigay ng cold compress sakin, ng sopas, ng gamot. Siguro ma, kung hindi siya dumating…nilalagnat pa rin ako ngayon”

Tumingin ako kay Daniel then nag-smile.

Pagtingin ko naman kila Kuya Neil, nakatingin lang sila samin.

*silence*

Napansin kong tinignan ni kuya yung mga nakalagay sa table.

Yung thermometer at yung iba pa.

“Okay ka na ba ngayon bunso?” Tanong ni Mama.

“Opo”

“Thank you ah DJ. Tara, kain sa baba” Sabay umalis na si kuya.

(O_O)

“Tama si kuya mo, bumaba na kayo at kakain na ng dinner” Tapos umalis na rin si Mama.

Napatingin akong nakakunot yung noo kay DJ.

“Anyare?”


“Di ko rin alam eh. Bakit bumait sakin kuya mo?”


“Uy! Natuwa siya sa ginawa mo baby!! Yiee! Bati na sila” Asar ko kay Daniel.

“Manahimik ka, halikan kita diyan eh” Sabay lumabas na rin siya ng room ko.

Wahaha pikon!

Teka lang, mas lalo kitang aasarin!

(¬‿¬)

“Ahhhhhh! Aray! DJ Help!” Sigaw ko tapos humiga ako sa may floor.

Agad-agad bumalik si Daniel at halatang nagulat siya nung nakita niya ko.

“Anong nangyare Kath? Tsk tsk”


“Nadulas ako eh, ang sakit nung paa ko” Angal ko kunwari.

Hinawakan niya yung paa ko and nag-flinch ako. “Masakit! Di nga yata ako makakalakad sa sakit”


“Maglalakad ka na nga lang, madudulas ka pa. Lampa much? Tsk. Ingatan mo kasi sarili mo” Binuhat niya ko, bridal style at inupo sa kama ko.

Napangiti na lang ako at napatitig sa kanya.

Super caring niya talaga, naiinlove tuloy ako lalo sa kanya!! 

“Saan ba banda masakit? Ima-massage ko”


“Ha? Ano yun Daniel?”

Nag-frown siya then tumitig sakin. “Ano bang iniisip mo at hindi mo naintindihan yung sinasabi ko?”


“Wala. Wala talaga, tara na. Kumain na tayo”

Tumayo na ko at hinila siya pero bigla niya rin akong hinila papalapit sa kanya.

“Umamin ka nga, nadulas ka ba talaga?”

O_O

Oh my gawd ng sagad!

Oo nga pala! Pinagti-tripan ko siya!

“Ah eh…oo naman. Kaso okay na ko” Palusot ko.

“Yung totoo nga?” Nag-step forward siya kaya napa-step backward naman ako.

“Yung totoo? Nadulas nga talaga ako”

Hinding hindi ako aamin sa kanya kahit anong mangyare!

Tsk, shunga ka kasi kathryn!

Bakit ka bigla tumayo? TT_TT

“Bakit ka nadulas?” Nag-step na naman siya kaya napalakad na naman ako patalikod.

“Wag ka nga maglakad ng maglakad DJ----”


“Bakit? Nadi-distract ka baby ko?”

Alam kong iba na tingin sakin ni Daniel at alam ko rin na may iniisip na itong kalokohan.

At kung ano man yun, hindi maganda yun!

Huhuhu. Lagot na ko!!!

Nabisto niya ko!

Nahuli niyang niloko ko lang siya!

“Oo! Bakit ba ayaw mong maniwala na nadulas ako? Tara na! Bumaba na lang tayo at baka hinihintay na tayo nila Mama”

Maglalakad na sana ako nung nag-step na naman siya forward and I end up trapped. He placed his hands against the wall on either side of my head and leaned forward, forcing me to press back against the wall. He leaned in even closer, his face inches from mine.

“You’re lying” Bulong niya.

“No, I’m not”



Okay sige, kinakabahan na ko!

Pero hindi talaga ako aamin!

Susme! Yung pride ko po!!

>_<

“Yes, you are”


“I’m not lying Daniel!”


“Tell me the truth right now”


“I’m telling you the truth! Ang kulit!”


“You’re lying and I’m gonna prove it”


“Prove how? DJ, hindi mo kaya yun kasi hindi mo nga nakita na nadulas ako”


“Exactly but there are other ways. More effective ways”

He smiled playfully sakin tapos iba na yung tingin niya sa mga mata ko.

“Baliw ka! Kung ano-anong pinagsasasabi mo DJ. I-prove mo muna na nag-lie talaga ako bago ako umamin------hmmmmm”

Nagulat ako nung bigla na lang niya kong hinalikan.

What the hell is he doing?

Baliw completely na?

Adik one hundred percent?

Akala ko ba ipo-prove niya?

Eh bakit niya ko hinahalikan?

Seriously?

Anong nasa utak niya?

Our lips parted tapos ngumiti siya sakin.

“You’re lying” He said it as if it’s a fact. Well it is pero…

“Prove mo nga sabi sakin eh!”


“I already did. Want me to repeat it?”


“Repeat what? DJ ano bang sinasabi mo?”


“I’ll kiss you again. Okay lang? Mga one hundred times lang naman”


“Isa pa yan! Bakit mo ginawa yun? Tsaka tanggalin mo na nga yang mga kamay mo sa wall ng makaalis ako”

“Haha. Can’t you see it Kath? You didn’t kissed me back. Why? Kasi ang iniisip mo ay ang pag-lie mo sakin. You can’t concentrate on something kapag nagsisinungaling ka. I know you too well Kathryn” He smiled at me. Yung tipo ng smile na pangasar.

(-_-)

Nahuli niya na rin ako dati dahil diyan sa style niya.

Wala naman kasi talaga ako sa sarili ko kapag nagsinungaling ako.

“Okay fine! Nag-lie ako. Sorry! Eh kasi gusto lang kita asarin! Malay ko bang mahuhuli mo ko”


“Haha ang cute mo” Hinawakan na niya kamay ko at naglakad na kami palabas ng room.

Teka. Yun lang sinabi niya sakin?

Huwhy??

“Di ka galit sakin?” Tanong ko.

“Bakit naman ako magagalit?”


“Kasi diba? Pinagtripan kita”


“Yaan mo, gaganti rin naman ako soon”

o_O

Sabi na nga ba eh!! 

Nanahimik na lang ako at nagdasal na sana, makalimutan niya rin yun.

Pagpunta sa dining room, nakangiti sila kuya samin.

Seriously, may something nga kay kuya.

Napatawad na nga niya si DJ. ^_^

“Kath, pumapanget ka yata lalo” Sabay natawa sila kuya at Daniel.

(-_-)

“Ikaw rin kuya. Mukha ka ng wrinkles. Mukha ka ng pimples”

“Weh? Corny! Kumain ka ng corn noh? Hahaha”

Ano kayang nakakatawa dun?

“Hoy isa ka pa DJ, manahimik ka. Tawa ka ng tawa”


“Kailan pa naging bawal ang pagtatawa?”


“Ewan ko sayo! Break na tayo!” Umupo na ko sa may upuan ko at tinawanan lang nila ako. Kahit si DJ, tumawa lang.

>=/

Pagsisisihan niyang hindi man lang niya ko pinagtanggol sa hayop kong kuya.

“Dinner natin? TADA! Crispy Pata and Nilagang Baboy” Sabi ni Mama.

“Wow! SARAP!!” Sigaw ni Kuya.

“Di mo pa nga natitikman eh. OA much?”

Tinignan niya ko ng masama bago siya kumain.

Haha.

Nakaganti rin ako!! Whoot! Whoot!

Kumain na kami ng kumain.

Ang sarap nga ng luto ni mama!! ^_^

Si Kuya naman kwento ng kwento.

Wala naman may gustong makinig! Hahaha.

“Ah Kuya, stop na. Uuwi na rin yang si DJ dahil may pasok pa kami bukas” Tumayo na ko at sinamaan ako ng tingin ni Kuya Neil.

“Ah Tita, Kuya…tama si Kath. Gabi na rin po eh. Uhmm thank you na lang po sa dinner”


“Wala yun iho. Salamat din sa pagalaga kay bunso ha”

Ang bait talaga ni mama kay Daniel…nakakatuwa!

“Dre, pasensya na kung masungit ako palagi. Pero yaan mo, okay na tayo ngayon basta wag mong papaiyakin yang ubod ng panget kong kapatid” Sabi ni Kuya.

Hu-wow! Okay na nga sila! Officially! Haha.

“Sige kuya, salamat” Ngumiti si Daniel sa kanila then naglakad na kami palabas ng bahay.

I frowned nung wala akong nakitang kotse.

“Saan----”


“Sa likuran. Wala naman kasi talaga akong balak magpakita sa family mo kaso nabisto tayo. Haha” Hinawakan na niya yung kamay ko then naglakad na kami.

 Binitawan ko yung kamay niya tapos tinignan ko siya ng kakaiba.

“Bakit?” He looked alarmed.

“Diba break na tayo?”


“ANO? BAKIT?”


“Kasi mas kinampihan mo kuya ko. Kanina sabi ko break na tayo pero di ka man lang natinag. Bahala ka sa buhay mo. Maghanap ka ng bagong girlfriend mo”

Ngumiti siya tapos naglakad na palayo.

*jaw-drop*

“Okay na sayo?” Sigaw ko.

Grabe. Ganun na lang yun?

Pumayag siya agad?

Teka, gumaganti ako sa kanya ah!

Paano ako gaganti kung ganitong hindi siya nag-worry.

“Okay na. Tignan mo bukas, may bago na akong girlfriend”

I frowned at that.

“So ganun pala kabilis mo kong ipagpapalit. Make sure na maganda yan ha! Bwisit” Tumalikod na ko at naglakad na pabalik.

=(

Break na ba talaga kami?

Eh kasi…joke lang naman yung sinabi ko.

Malay ko bang tototohanin niya.

“Hep hep hep hep! San punta?” Nagulat ako nung hinila ako ni Daniel kaya napa-stop ako sa paglalakad.

“Sa bahay”


“Sa puso ko, ayaw mo?”

I smiled at that.

Sige pa!

Hari ka talaga ng mga banat!

“Eh akala ko ba hindi na pwede sa puso mo kasi bukas…may iba na?”


“Oo nga”

ASDFGHJKL.

Ang gulo! @_@

“So may new girlfriend ka na bukas?”


“Ikaw”


“Daniel, ano? Eh diba nga pumayag kang mag-break tayo ngayon?”


“Oo, tapos liligawan kita ulit bukas para ikaw na ulit new girlfriend ko. Ayos ba?”

Awww.

Oo na! Sweet ka na!

Mas sweet ka pa sa favorite chocolate ko!

♥‿♥

“Ayoko. Basta hindi tayo nagbreak ngayon. Boyfriend pa rin kita ha” Bulong ko.

Bigla niya kong niyakap ng sobrang higpit.

“Deal. Loko ka, wag ka na magbibiro ng ganun ha”


“Sige pero wag ka na rin magbibiro na pumapayag ka”


“Fine basta wag ka na magkakasakit ah, ayoko ng ganun” He murmured right into my ears.

“Yes boss!”


“Di mo alam kung anong nangyare sakin kanina sa school nung nalaman kong wala ka dun”


“Teka, may game ka nga pala kaninang hapon ah. Hala! Di ka nakapaglaro!”


“Okay lang yun, naalagaan naman kita”

Anneebbeeyyeeennnn. Kinilig naman ako dun!

≧◡≦

“Naalagaan ka diyan. Nagtulog ka kaya”


“Parehas lang naman tayong tulog kanina. Hehe napagod lang ako”

Natawa na lang kaming dalawa. “Pero di ka nakapaglaro dahil sakin. Nadamay ka pa tuloy”


“Kulit mo! Okay nga lang. Okay! O-K-A-Y. Okay?”


“Oo na! I-spell ba naman? Kulit mo din DJ”


“Nakapaglaro naman ako nung first game nung umaga”


“Panalo? For sure”

Kelan ba siya natalo? Haha.

“Muntikan na nga na hindi eh. Pano, wala ako sa sarili ko. Hinahanap-hanap kita”

Aww…

He’s the sweetest thing ever.

“Daniel, magaling na ko. Di ko na kailangan itong yakapsule”

Para kasing ayaw niya pa ko pakawalan eh gabi na kaya.

Nasa likuran pa kami ng bahay.

Baka hanapin na kami nila mama.

“Kulang pa kaya yun. Wala pang kisspirin” Sabay nag-smirk siya.

“Tss di pa ba sapat yung kanina?”


“Bakit ba ayaw mong ulitin? Nakakapagtampo ka naman”

Bigla siyang nag-pout at iniwan akong nakatayo.

Umupo kasi siya dun sa hood ng car niya.

Bata? Bata? Tampo agad?

“Bababa ka diyan or magaaway tayo?”


“Sabi ko nga bababa na eh” Bumaba na siya pero di pa rin siya natingin sakin.

Wow ha.

Lakas maka-pbb teens.

Gusto may kiss?

Di na nagsawa?

Haha.

Sabagay, yang lips niya. Busog na ko.

Hahaha.

Kath, lande mo! Stop thinking like that!

Kaso di ko rin mapigilan eh!

He’s a really good kisser kasi. Professional.

Pakipot pa ko eh ginusto ko rin naman.

“Tama na. Umabot na tayo sa kiss limit for today” Sabi ko kaya sumimangot siya.

“May limit pala tayo?”


“Yup hehe”


“Dami mo talagang alam. Sige na nga, Bye strawberrybunch ko. Sunduin kita bukas ha”


“Sige. Goodnight blueberrybabe ko! Ingat sa pagda-drive”

Papasok na sana siya sa kotse niya nung bigla siyang nagsalita ulit.

“Pasalamat ka, pumayag ako na walang kiss” Asar sakin ni Daniel.

Napakayabang talaga nito!

Ubod ng kayabangan!

“Pasalamat ka hindi kita pinagalitan”




“Pasalamat ka, hindi ka pa 18 hehe”

 Tapos nag-drive na siya paalis.

Ano daw? Hindi pa 18??

>///////////////////////////<

Na-gets ko yun!

Grabe talaga siya mag-joke!!!

Out-of-the-world ako ngayon eh!

Pumasok na ko dun sa bakod namin sa likuran pero dun ako sa harapan dumaan.

Kapag kasi dun sa door sa may kitchen, malalaman nila mama na dun ako sa likod nanggaling.

*After 3 hours*

Nakainom na ko ng gamot.

Nakapag-ayos na rin naman ako.

Umupo na ko sa may kama tapos nagsulat na ko sa diary ko.

Dear Pink Diary,

 

                First day ng pinakahihintay kong foundation and absent ako. =(

                I hate it. Nakakainis!! Bigla kasi akong nagkasakit at nagkalagnat. Buti na lang at dumating ang nurse kong si Nurse baby Daniel. Haha. Nagulat talaga ako nung nakita ko siyang nandito sa kwarto ko. Nag-worry pala kasi siya nung hindi niya daw ako nakita sa school kaya pinuntahan niya ko dito.

                Sobrang maalaga niya! Kaya naiinlove ako sa kanya lalo eh! Ang sweet! Pinagluto pa ko ng soup. Binigyan ng thermometer, cold compress….yakapsule…. Haha.

                Kahit absent? The best pa rin kasi nakasama ko siya. Last week kasi, halos di na kami magkakita. Pinuno kami ng practice.

                Oo nga pala, sa Friday, end of the foundation week…kasama kami sa Mr. and Ms. Padilla University 2013. Kami kasi yung mga winners last year, kailangan naming pumunta dun dahil kami ang magbibigay ng crowns etc. sa mga magiging winners. Parang ipapasa namin yung throne. Ganun.

Ang drama nga eh! Kailangan naka-gown din ako, nakaayos. Si DJ kailangan naka-tux din. (-_-)

                Oh siya, dumaldal na naman ako! Haha.

 

                                                                                                                Love, Kathryn ♥

 

P.S. Wag daw magkakasakit, magagalit si DJ!  =)

Kinabukasan…

Nung natuyo na yung buhok ko, pinusod ko na kaagad yun tapos tumakbo na ko pababa.

Daig ko pa yung ewan sa bilis ko sa pagkain ng breakfast.

MALE-LATE AKO EH!

>_<

Wala na pala sila mama at kuya.

Mas maaga sila kesa sa time ko ngayon.

Naka-varsity shorts at t-shirt na ko pero di ko pa nasusuot yung rubber shoes ko.

Tsk! Bakit ba kasi wala akong robot na pwedeng gumawa nito eh?

Pagkakain ko, toothbrush agad then suot ng rubbershoes.

Kinuha ko na yung bag ko then ni-lock ko yung windows and doors pati yung gate.

Okay. Hinga-hinga kathryn.

Takbo in 3….2….1-----*BEEP*

Nagulat ako nung narinig ko yung very familiar sound na yun.

Oo nga pala! Susunduin ako ni Daniel!

“Kath, sabay na”

I frowned nung si Enrique yung nakita ko.

“Quen, bakit nandito ka?”


“Huh? May binalik lang ako dun sa kaibigan ko. Eh ikaw? Bakit nandito ka pa?”


“Kasi……”

*BEEP BEEP*

Biglang dumating yung kotse ni Daniel.

Saktong top down black car pa yung gamit niya kaya nakita ko yung tingin niya kay Enrique.

“Ah kath sige, may sundo ka pala. Mauna na ko…bye” Nagsmile na lang ako sa kanya and watched him drive away.

“Baby, ang sexy mo” Napalingon ako kay DJ na nakatingin sa legs ko.

“Manyak! Ang aga-aga ah!”


“Kaya nga. Ang aga-aga, may asungot kaagad. Ang aga-aga, may umepal agad. Sumakay ka na nga lang dito, nabi-bwisit ako sa pagmumukha nun eh”


“Bad mo! Galit na galit ka kay Quen, wala na nga siyang ginagawa eh”


“Wala tayong magagawa kung naiinis ako Kath”

Nag-roll na lang yung eyes pero umupo na rin ako dun sa may shotgun seat.

“Ilang besesssssss ko bang sinabi sayo na wag kang magsho-shorts ng ganyang kaikli? Gusto mo bang punitin ko yan ng magtino ka?”

O_O

*silence*

Hinihintay ko siyang tumawa pero nilagay niya lang yung shades niya.

Ang hot mo dre.

Naka-leather jacket ka pa.

Action star lang ang peg.

Pero teka, kathryn! Yung sinabi ni Daniel!!!

>///////////////<

“Ilang beses ko rin ba dapat sabihin sayo na uniform nga kasi namin ito! May nagva-volleyball ba na naka-jogging pants? Ayoko rin naman magsuot ng ganitong kaikli pero kailangan ko po!”


“Tsk, fiesta na naman mga mata nung mga manunuod mamaya eh”


“Hindi lang naman ako ang naka-shorts dun”


“Pero ikaw lang ang hot tignan kaya for sure, ikaw lang ang tititigan”

Nanahimik na ko dun sa sinabi niya.

Ano bang gusto niyang gawin ko?

“Oh, eh bakit mukhang iiyak ka na?”

Di na ko nagsalita.

Di ko kasi alam ang sasabihin ko eh.

“Bave, halika nga dito” Hinila niya ko to sit on his lap tapos niyakap niya ko, kinda like a back hug.

“Bakit nanahimik ka?” Tanong niya sakin.

(_ _)

“Kath, talk to me. Bakit ang tahimik mo? Why won’t you talk to me?”


“Kasi feeling ko nagagalit ka sakin. Feeling ko may ginawa akong mali. Eh hindi ko naman kasi talaga pwedeng palitan yung suot ko eh. May game ako ng volleyball this morning. Kung gusto mo, hindi na ko maglalaro…”



I bit my lip.

Oo, natatakot ako.

Ayokong mag-away pa kami dahil sa lintik na shorts na ito.

Diba nga nag-promise na kasi kami na walang magaaway?

Tsaka baka dahil sa maliliit na fights, maging dahilan pa ng hiwalayan yun.

Target ko pa ang relationship stage 4 noh!

“Hindi ako nagagalit at hindi ako pwedeng magalit sayo. Di mo ba na-gets? Nagseselos lang ako. Di mo kasi nakita nung tinignan ka ni Enrique eh. Yung legs mo tinignan niya. Yun pa lang, nabi-bwisit na ko…yun pa kayang sangkatutak na lalake sa school…”

“Hayaan mo, hindi na ko sasali sa volleyball next sem. Ayoko na rin eh, nakakapagod”


“Sure ka okay lang? Kasi kung gagawin mo lang yan dahil sa pagseselos ko, wag mo na ituloy”



“Hindi. Hindi. Hindi yun yung dahilan. Choice ko yun dahil ayoko na rin. Tignan mo mamaya, sasakit na naman wrist ko. Saklap sa buhay eh. Pero mas masaklap eh kung hindi ka pa magda-drive ngayon dahil male-late na talaga ako”

Imbis na tumawa siya, tinitigan niya muna ako.

Ano kayang nakikita niya sa mukha ko?

Yung pagwo-worry ko na baka galit siya?

Yung pagpa-panic ko dahil baka late na kami?

“Ang ganda mo promise” He whispered.

I smiled at that tapos umupo na ko sa shotgun seat.

“I know”

He laughed but nag-drive na rin naman siya.

“Happy Monthsary nga pala, date tayo mamaya ah! Bawal ang busy busy”

Super umabot sa moon yung ngiti ko nung sinabi niya yun.

“Aww naalala mo!”


“Makakalimutan ko ba naman yun? Kelan ko nakalimutan?”


“I hate you! Naiiyak ako oh!”


“Haha, mali yata yung sinabi mo. Ang alam ko, I love you dapat yun”

I laughed at that. “I love you blueberrybabe!”


“I love you beri beri much strawberrybunch” Sagot niya.

Ang saya!! ^O^

Hindi niya kasi talaga nakalimutan!

Siya pa nagpaalala sakin!!!

The best talaga siya!

Mas the best pa kesa sa best buy sa national book store.

:D

Pagdating sa school, sabay kaming naglakad papunta sa gym.

Nakaakbay lang siya samin habang yung ibang girls, todo smile at greet pa rin sa kanya.

“Kapag nanalo ka, may kiss from me” Bulong niya sakin.

Ahh ganun pala…

“Eh di magpapatalo ako para walang kiss”


“Hmmph. Walang ganunan”

 


Haha, pikon talaga ito!

^_^

“Bahala na basta manuod ka ha” Sabi ko.

He smiled at me tapos tumungo rin siya.

Naglakad na kami papasok ng gym at dun na nagsigawan yung mga tao.

Fans ni Daniel. (-_-)

“Kelan nga pala photoshoot mo for BUM?”


“Ngayon”

*jaw-drop*


“Hahaha joke lang kath. Sa Thursday na. Sama ka ha….”

“Sige ba basta okay lang??”


“Okay na okay”

He smiled at me  and kissed my forehead before siya mag-seat dun sa bleachers.

Nagsigawan dun sa part na yun kaya natawa na lang ako.

Naglakad na ko papunta kay coach.

“Sakto dating mo Kathryn”


“Ano po bang department ang kalaban namin ngayon?”


“Computer Engineering”

O_O

“P-po? Ano yun sir?”


“Kath wala na kong panahon ulit-ulitin pa sayo”

(-_-) Tignan mo ito.

Wala daw time pero mas mahaba pa yung sinabi niya kesa dun sa dapat niyang isagot.

Kaloka!

Kakalabanin ko bestfriend ko! Huhuhuhu

 TT_TT

Di ko kaya yun!!

Ang galing kaya ni sis!

Tumakbo ako papunta kay Daniel tapos bigla siyang tumawa.

“Lemme guess, kilala mo na kalaban mo noh?”


“Huy pwede favor? Baguhin mo naman yun baby! Matatalo ako!”


“Bahala ka diyan”

Nag-pout ako kasi nagwo-worry ako.

Tawa lang naman siya ng tawa.

“Monthsary naman natin ngayon ah! Gift mo na sakin yun ha”


“Bahala ka nga diyan. Ayoko! Short shorts ka pa diyan ahh….kung pumayag kang wag maglaro, eh di sana wala kang problema”

>_<

“Bully!”


“Duwag ka lang princess”


“Duwag mo your pogi face! Tignan mo, tatalunin ko yung department niya”

*Belat*

Biglang dumating sila Bea, Zharm, Jake, Diego at Albie.

“Uy Kath, sexy natin ngayon ah. Babe ko?” Tanong sakin ni Albie.

“Mukha ba kong hanapan ng mga nawawalang magagandang tao? Di ko alam!”


“Sungit mo talaga kahit kailan” Tumawa na lang ako at pinanuod silang umupo sa tabi ni Daniel tapos tinignan lang nila ako.

“Buti pinayagan ka ni Daniel magsuot ng shorts na ganyan. Conservative kasi yang si DJ eh” Asar ni Diegs.

Tinignan ni DJ ng masama si Diego kaya natawa ako ng todong-todo.

HAHAHAHAHA.

“Oo nga diegs, buti pinayagan niya ko. Hehehe” Nag-piece sign ako kay Daniel bago ako tumakbo pabalik kay coach.

Binigyan na kami ng instructions ni Coach.

Mostly ako lang yung kinausap niya…

Bwisit ka!

Porket alam mo na magaling ako… TT_TT

Nag-smile muna ako kay Julia bago mag-start yung game natin.

Nag-smile back din naman siya.

Yeah, we’re sports and professional.

Laro lang ito…walang personalan.

Daniel’s POV

Game 1 nanalo sila Kathryn.

No doubt, sa galing ng girlfriend ko…kahit nakapikit ako, alam kong mananalo siya. (^_^)

Since break pa naman nila, tumayo na muna ako para bilhan ng water si Kathryn.

May booth kasi dito sa may gilid.

“Miss, isang water nga”


“Water bottle po?” Tanong nung tindera.

(-_-)

Malamang.

“Hindi. Yung water jug. Meron kayo nun?”


“Hehe si sir nagpapatawa”


“Bilis na. Nauuhaw na girlfriend ko”


“Ay sayang, taken na pala” Bulong niya.

Napatingin na lang ako sa kanya.

Kahit single ako, hindi kita papatulan!

Look at your face first!

HAHAHA.

Okay ang sama ko na naman!

Pagkabigay sakin nung change at nung bottle, uminom din ako dun.

Bakit ba? Nauhaw ako eh.

Biglang may lumapit na very familiar girl sakin.

Teka, sino nga pala ito? Hmmm….

“Hi Daniel”

Tinitigan ko lang siya.

Salita ka pa miss, nakalimutan ko talaga name mo eh.

“Snob ka pa rin pala. Anyway, ang hot mo pa rin pala” Tapos hinawakan niya yung braso ko.

Eh? Anong ginagawa nito??

“Ang taong pinanganak na HOT, forever HOT” Sabay ngiti ko sa kanya.

Hahaha yabang overload.

“I know. I mean, look at those muscles sa arms mo. Tagal na rin pala since hinawakan ko yan”

Arms daw pero yung tiyan ko yung hinawakan.

@_@

Yung totoo miss?

Nagaral ka ba ng parts of the body?

“Whoah whoah chillax ka lang miss. Wag mo kong hawakan” Tumawa lang siya nung tinanggal ko yung kamay niya.

Kinabahan kasi ako bigla.

I mean, from my stomach….bumababa yung kamay niya.

Baka mamaya kung ano pa mahawakan nito..

“DJ, don’t you remember me? Miss ka ng miss eh minsan mo na kong kiniss”

O_O

Kailangan sabihin?

Well, ex girlfriend ko siya ibig-sabihin.

Pero napaka-onti lang ng mga hinalikan ko NOON.

Madami na ngayon. Si Kathryn, si kath, si Kathryn, si Kath. Dami noh?

“Sino ka ba?”


“Wanna kiss me para malaman mo?”


“Seriously? Kababae mong tao, ganyan ka magsalita”


“Bakit ba? Tayong dalawa lang naman ang nagkakarinigan” Lumapit siya bigla sakin kaya napa-step back ako.

*gulp*

Ayokong manakit pero kung yun lang ang paraan para malayo ito, gagawin ko.

Yung mga light pananakit lang naman like, sampal…suntok…tadyak….bugbog.

Hahaha.

Kinuha niyo yung water bottle sa kamay ko tapos uminom siya.

Take note, while she’s drinking, nakatingin sakin.

Bakit parang ang panget ng itsura ng ganun?

Ano yun? Pangaaket?

o_O

Nag-step forward na naman siya papunta sakin tapos hinawakan niya yung leeg ko.

“I really miss you. Ewan ko ba kung bakit pero I can’t move on”

Ay problema yan.

“Danna, may girlfriend na kasi si Daniel kaya kung ako sayo, iba na lang landiin mo” Napalingon ako sa right ko nung nakita ko si Kathryn.

Ang sama ng tingin niya kay Danna….wait what? Danna???

Napatingin ako dun sa babae and DAMN! Danna Chiu? Siya nga yun!

Bakit di ko natandaan?

Lumingon ako ulit kay Kathryn and ang sama na rin ng tingin niya sakin.

“Sorry Kath. Nilalande din kasi ako ng boyfriend mo”

Huh? Ano? Ako? Kelan ako naging malande?

Siguro kapag kaming dalawa lang ni Kathryn, oo.

Yung malandeng nanlalambing.

Pero ikaw? Yuck lang. Kahit ipis, hindi papatol sayo.

“Danna ayoko ng gulo, just go away”


“Why don’t you go away para mag-solo na kami ng boyfriend mo?”

 



Kath took a deep breath before looking at me.

Oops.

“Danna, makinig ka na kay Kath. Wag mo na kaming guluhin. Besides, hindi rin naman ako papatol sayo kaya wag ka na umasa”


“DJ! Bakit ka ba ganyan? Akala ko ba mahal mo ko? Eh bakit hindi mo masabi kay Kathryn yung tungkol sa relationship natin?”


“A-ano? Relationship? Kelan? Paano?” Ano bang pinagsasasabi nito? Naka-drugs ka?

Biglang lumapit s Kath kay Danna sabay sampal.

O_O

“Ayoko sa lahat yung mga sinungaling. Ayoko rin nung mga sumisiksik sa mga hindi naman sa kanila. Hoy Danna, hiwalay na kayo ni DJ. Kung hindi ka makapagmove-on, problema mo na yun! Araw-araw kita kasama sa org. tapos kaya pala iba tingin mo sakin dahil naiinis ka na. Plastic ka! Kaya siguro natanggap ka bilang editor para sa Student’s Newspaper dahil magaling kang gumawa ng story! Well listen to me dear, hindi uubra sakin yang mga story mo. Leave my boyfriend alone or I’ll make sure na hindi ka makakauwi sa bahay niyo without a scratch on your ugly face”

Involuntary na napangiti ako sa sinabi ni Kathryn.

Ang tapang talaga nito kahit ang liit niya.

“Ang dami mong sinabi, hindi naman ikaw ang kausap. Si Daniel kausap ko diba? Epal ka! Pwede ba kathryn, wag kang masyado kung umacting. Temporary lang kayo ni DJ, maghihiwalay din kayo”

*Pak*

Sinampal ulit ni Kathryn si Danna.

Gaganti sana si Danna pero ako na yung humawak sa wrist niya.

“Subukan mong saktan baby ko, diretso basura abot mo. Danna, hindi mo ba nakikita ginagawa mo? Naninira ka ng isang relationship. Kung naiingit ka, maghanap ka rin ng lovelife mo dahil hindi ako ang para sayo”

“Bitawan mo ko Daniel! Kasalanan mo ito eh! Wala naman akong ginawa pero bigla mo kong hiniwalayan! Ano bang kulang? Ano bang ginawa ko? Bakit hindi ako?”


“Danna, hindi kasi kita mahal”

Tumulo yung luha niya tapos tumingin siya samin ni Kathryn.

“One of these days, maaalala niyo yung sinabi ko sa mall dati. Kath, niloloko ka lang ni Daniel. Open your eyes, hindi ka niya mahal”

Tapos tumakbo na siya palayo. “Baby, wag kang makinig dun”


“Isa ka pa. Magsama kayo, bwisit ka” Biglang umalis palayo si Kathryn.

o_O

Tignan mo yun. Pinagtanggol ako tapos galit din pala sakin.

“Kath!” Sigaw ko pero hindi siya lumingon.

“Ano bang ginawa ko?”

Still, hindi niya ko nilingon.

Tumakbo na ko papunta sa kanya tapos hinawakan ko na yung wrist niya.

Siguro half ng crowd sa gym, nakatingin samin ngayon.

“Kathryn, wala naman akong ginawa ah. Ganun na lang yun? Makikinig ka kay Danna? Akala ko ba hindi na tayo magaaway?”


“Oo nga! Sino bang may sabing nagaaway tayo? Ang laki rin ng problema mo noh?”

>_<

Ang sakit sa ulo!

Galit siya at sinisigawan ako pero hindi daw yun away?

ASDFGHJKL.

“Baby, bakit ka ba nagagalit?”


“Bakit ka nagpalande? Bwisit ka! Nakakainis! Nalingat lang ako ng saglit tapos makikita ko ng may kasama kang iba sa hotdog stand! Ininuman pa niya yung ininuman mo. Seriously? Bakit ka nagpapalande? Kaasar!”

Halatang inis na inis siya and I found that funny.

I smiled tapos niyakap ko siya kahit pawisan siya.

Ang bango niya pa rin lalo na yung buhok niya, amoy strawberry.

“Babe naman eh. Selos ka na naman”


“Hindi ako nagseselos tsaka bitawan mo nga ako, ang daming nakatingin”


“Okay lang na hindi mo aminin, pero alam kong nagseselos ka talaga. Ang cute cute mo! Bave, hindi ako nagpalande. Kinakausap ko nga siya kung bakit niya ginagawa yun eh”


“Ahh kaya pala kung hindi ako dumating, baka naghalikan na kayo doon”


“Ito naman oh! OA na. Sa palagay mo, magagawa ko yun sayo?”

Napatitig siya sakin tapos iniwas niya rin bigla yung tingin niya.

“See? Alam mo naman pala na hindi ko kayang mag-cheat sayo eh. Monthsary pa natin ngayon. Bumili lang ako ng tubig for you pero bigla siyang umepal. Hayaan mo, tanggal na sa school yun simula bukas”


“Huy wag na. Kawawa naman si Danna. Nasampal ko na nga two times eh”


“Haha, grabe ka nga eh”


“Temper ko kasi tumaas”

Biglang nag-whistle yung coach ni Kath kaya nag-smile ako sa kanya.

“Galingan mo for me” I kissed her forehead bago ko siya i-let go.

“For you”

“Hangsweet!”

“Pahingi ng lovelife!”

“Shunga! Pahingi ng boyfriend like Daniel!”

“Hahaha ang cute nila magaway noh?”

“Kaya nga! Lalo na kapag nagselos si kath”

“Inis na inis hahaha”

“Tapos yung hug pa nila! awww”

“I’m so inggit to the max”

“Shemay, kinikilig talaga ako sa kanila”

“Kaya nga fans club nila tayo eh”

“Basta gusto ko ng Daniel ko”

(¬‿¬) 

Ang kulit lang magdaldalan nung mga babaeng nasa likod ko.

Nag-start na ulit yung game nila Kathryn kaya todo hiyawan na ulit dito sa gym.

Bea: Go Julia!

Zharm: Go Kath!

Jake: Galingan niyo!!

Diego: Go Blue Bear!!

Me: Blue bear?

Diego: Oo, yung mascot dun sa gilid. Hahaha.

(-_-)

Napaka-baliw talaga ni Diego.

Albie: GO BABE!! I love you Julia!

Aba! May pag-ganun?

Syempre di ako papatalo diyan!

Me: GO STRAWBERRYBUNCH! GO KATH! I LOVE YOU!

Napatingin sakin yung barkada sabay nagtawanan sila.

Tumingin din sakin si Kathryn bago niya i-spike na naman yung ball.

Oo, yan yung tema niya eh.

Kawawa na nga yung mga kalaban.

Nangumuso ako kay kath para paalala yung reward niya kapag nanalo siya.

Tumawa lang naman siya sabay umiling.

“Iba talaga kapag inlove eh”  Sabi ni Zharm.

“The power of love! HAHAHA” Asar ni Diego.

Oo nga,

Iba talaga kapag in-love ka.

------------------------------------------------------ 

Joke lang yung tatanggalin ko na yung mga PBB Teens! Haha joke lang talaga yun. Hahahaha. Di pwedeng wala yun. Wahahahaha joke ulit. Wahaha okay sige, dami ko ng tawa. Baliw lang =D

Ibabalik ko na pala yung DATI.

BE READY!! Malapit na!!!  ^_^

(Long update again =D)

Continue Reading

You'll Also Like

630K 13.9K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
3.7M 52.3K 17
Lindsey is a very liberal girl. She has this rule wherein her FBs will only last for 6 Months. Why 6 Months? And what are FBs? Read to find out. ;)
6.4K 128 4
(Moving Into My Brother's House Spin-Off) Paano kung hindi ka crush ng crush mo? Ano ang gagawin mo? Nicole tried her best to suppress her feelings f...
281K 7.9K 31
Moving on is not easy as they say, and that is why Xial Gian Bustamante presented himself to be the rebound of Jana Dayne Encarnacion to help her to...