Soulmates

Af RefinedJenny

79.3K 3.3K 2.4K

FLY WITH ME is the first fanfiction I have written. It is about the fictional love story of Rhian and Glaiza... Mere

1 - Morning Glory
2 - Sun Bed and Sunset Nga Ba?
3 - Chase The Sun
4 - Numbers and Dreams
5 - RaStro Science and Fanfiction
6 - Her Habit
7 - Iloilo Escapade
8 - You Are Mine
9 - The Blazer
10 - Instagram
11 - Cheese is My Wife
12 - Thorn Between Two Roses
13 - Common Friends' Birthday
14 - Photos
15 - I Love You
16 - Same Feather
17 - Real Score
Note 1
19 - My Last Night With You

18 - Moving On

2.1K 84 55
Af RefinedJenny




July 18, 2021. Family Suite of Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.

Nakaharap sa life size mirror si Rhian habang pinagmamasdan ang reflection ng gown na suot. She's delighted on what she saw. It was a golden-brown gown, ornamented with embroideries, with lacy sleeves and with deep cut at the back showing off her bare skin. The slit was showing off her long right legs from stilletos up to the pantyline.

At 30, she's still the same Rhian with discipline. Regular pa rin siyang customer ng Anytime Fitness sa Alabang. Patuloy pa rin niyang napapangalagaan ang kanyang katawan at kalusugan. At tila hindi pa rin nadadagdagan ang kanyang edad.

"Thank you mamsie, I love it", nakangiting sabi niya kay Kevin Cusi na nakamasid naman ito sa kanya. Si Kevin na kanyang stylist for five years.

Minsan pa ay umikot siya sa harap ng salamin bago lumakad patungo sa upuan na malapit sa kanyang make-up box. She'll retouch her make-up. Kailangang maging perfect siya sa paningin ng lahat. She's one of the presentors of Best Supporting Actor and Best Supporting Actress nominees in the Eddy's Awards Night. At isa rin siya sa nominees bilang Best Actress sa pelikulang ginawa niya noong nakaraang taon.

Ang Awards Night ay gaganapin sa New Frontier Theatre na kilala rin sa tawag na Kia Theatre. Hindi ito kalayuan sa Novotel Hotel na kinaroroonan nila.




Simple lang ang ayos ng kanyang buhok. It is died black with big curls downward.

Perfect!

"You're so beautiful, momsie. Hindi mo kailangan ng make-up artist to enhance your natural beauty. Mas gusto ko kapag ikaw ang gumagawa niyan sa sarili mo". Compliment ni Kevin sa Kanya.

"Thank you, Kevin. And thank you for always being there for me in an occasion like this".

"Well, ako ang dapat magpasalamat sa iyo sa tiwala. Buhat noong ini-recommend ako ni Glaiza sa iyo, hindi mo na ako binitawan at...." natigilan ito. Parang nagsisi sa huling binitawan na salita. Tumingin sa pinto ng room kung nandoon ang kanyang hairstylist at ang kanyang handler.

"Sorry, Rhi. I didn't mean to mention her name", wika nito ng matiyak na sila lang dalawa ang nasa room.

"It's ok momsie. Matagal na akong naka-move on", sagot niya ng nakangiti. Nag-focus siya sa ginagawang pagme-make up.

"Yeah, I know. But... I should not have mentioned her name, anyway. Sorry again Momsie" panghihingi ng paumanhin ng stylist

"Ano ka ba. It's ok. It's not a big deal", sagot naman niya ng nakangiti.

"Ahh... ummm..."

"What?"

"Nabanggit ni Daryl na umuwi pala si Glaiza dito sa Manila noong nakaraang Wednesday. After a few days, dumiretso na siya sa Baler". Si Daryl ay kaibigan ni Kevin na naging stylist ni Glaiza sa kanyang soap opera na Contessa.

"Really? Good for her". Hindi siya interesado sa sinasabi ni Kevin. "Anyway, paki e-mail mo na lang ang mga designs mo para sa new soap na gagawin ko. I want to see the gap between me wearing trousers and jacket and me wearing dresses", pag-iiba niya sa usapan.

"Kailan pala ang press conference ninyo momsie?".

"Wala pang schedule. Hindi pa complete ang cast eh. Hindi pa nakakapili sa roster of artists na nasa list".

"September ang target airing date ng pilot episode, 'di ba momsie? And by early next month start na kayo ng taping para sa mga teasers."

"Yeah, right..."

"Akala ko, momsie, si Jennylyn na ang napili nila?"

"May iba yatang ibibigay na soap kay Jennylyn. She'll be hosting Starstruck Kids until September".

"I see..."

Maya-maya ay bumukas ang pintuan. Napatingin siya sa reflection ng pinto sa kaharap na salamin. Napalingon din si Kevin na noon ay nakaupo na sa single sopa. Bumungad ang Handler ni Rhian.

"Rhi, nasa may lobby na ng theatre sina Miss Dolly at Miss Nitz para sa interview mo. Hinihintay ka na nila", wika ng bagong dating.

"Can you please tell them that we will be there in a few minutes? Thank you Rachey". Humarap siya kay Kevin, "Let's go mamsie".

———————-


Hindi lang isang simpleng stylist si Kevin para kay Rhian. Isa rin itong kaibigan. Isang confidante. Isa sa kakaunting tao na nakakaalam ng kanyang lihim na pagkatao.

Matagal na silang magkakilala ni Kevin. Isa kasi itong accredited stylist ng GMA Network para sa mga soap operas. Pero naging active lang ito sa GMA noong 2015. Noong ito ang naging stylist ni Glaiza, ang kanyang naging kapareha sa The Rich Man's Daughter. Ahhh... si Glaiza...

Parang may dumagan sa kanyang dibdib sa alaalang iyon...

Pero... kailan man ay hindi siya naging close kay Kevin noong panahon ng TRMD. Pakiramdam niya ay aloof pa nga ito sa kanya noon. What she had with Kevin then was purely civil. Professionalism. Nothing else...

And stylist niya sa TRMD ay ang batikang si Carlo Benedict Mariano. Pero pagkatapos ng nasabing soap ay nagkahiwalay na ang kanilang landas. Naging busy na kasi ito para sa iba pang soap at sa mga high-profile clients. Siya naman ay naging busy sa promotion ng Silong, sa pagtulong sa kapatid na si Nadine para sa marketing strategy ng Pedro Brew Crafters, sa racing, sa hosting ng Full Throttle at sa Shell Helix.

Noong July 2016 ay inumpisahan niyang gawin ang Sinungaling Mong Puso para sa afternoon primetime ng GMA7. Isa itong adaptation ng pelikula ni Vilma Santos noong dekada 80. Just in time, naging cover din siya ng FHM ng buwang iyon. For years ay matagal na siyang nililigawan ng editor nito para maging cover. Hindi lang siya pumapayag dahil ayaw niyang magkaroon ng label na sexy star. Mas gusto niyang makilala bilang actress.




Pero dahil maganda ang concept na inilatag sa kanya ng editor kung saan hindi na kailangang magpakitang masyado ng katawan ay agad siyang nakumbinse. Bukod pa rito, nagpa plano na ang management ng nasabing magazine na ihinto na ang pag release ng hard copy issues at manatili na lamang ang soft copies nito. Being on a cover of FHM's hard copy is a dream to some aspirants. Samantalang siya... siya na ang nilapitan ng editor. And they had been convincing her for eight years. Isa pang dahilan kung bakit siya pumayag ay ang adjustment na ginawa ng management sa schedule niya. Sa Paris ginanap ang shooting nila. Just before her friend Solenn's wedding. Sinabi rin sa kanya ng Editor na ang release nito ay itataon sa kanilang anniversary. Wasn't that interesting? Kaya naman nagpahinuhod na rin siya sa alok ng mga ito.

Marahil ay malaking factor ang TRMD kaya nag number 5 siya sa FHM100 ng taong iyon. Hindi kasi masasabi na ang pagiging cover niya sa magazine ang dahilan kaya maraming bumoto sa kanya. Tapos na ang voting noong June pa lamang ng taon na iyon. One month behind ang kanyang first FHM feature. Marahil, ang suporta ng kanyang fan club na CybeRhians at ng mga RaStro Rebels ang nagdala sa kanya sa position na iyon... Kaya naman noong victory party ng nasabing magazine ay nagpunta siya. Para na rin sa self-worth niya. At para sa fans na bumoto sa kanya.




——————

Natatandaan pa niya noong magkausap sila ni Glaiza sa phone tungkol sa isusuot niyang gown sa victory party ng FHM100 2016. It was second week of July. Pareho silang busy noon dahil sa taping niya ng bagong soap na Sinungaling Mong Puso. Samantalang si Glaiza naman ay busy rin sa taping para sa role na Pirena sa remake ng Encantadia. Kaya naman kadalasan ay sa telepono lang sila nag-uusap. Maliban kung weekend... kung weekend at kung nagkakatapat ang dayoff nila mula sa trabaho na bihira namang mangyari...

"Lubb, wala pa akong isusuot para sa victory party ng FHM. Nakakahiya naman kung i-ignore ko ang occasion. I was personally invited by the editor".

"Teka, kailan ba 'yon, lab?" Tanong nito sa kanya.

"Next week na, lubb".

"Wow! That soon? Mmm... Do you want to try Kevin? I think, magugustuhan mo ang mga style niya. Hindi siya busy ngayon at wala siyang special project sa GMA. As you know, may sarili kaming incharge sa wardrobe ng Encantadia".

"Sa tingin mo, lubb, okay lang sa kanya na mag-design ng gown para sa akin?"

"Oo naman siguro. Mabait na tao si Kevin, lab. Matutuwa 'yon na mabihisan ka niya dahil dagdag ka rin sa portfolio niya bilang stylist"

"Ok, lubb. Gusto ko siyang makausap. Thank you".

"Tatawagan ko siya, lab. Then I'll give you his number para makapag-usap kayo"

Doon nagsimula ang stylist-client relationship nila. At tama si Glaiza, nagtugma ang fashion style niya sa fashion style ni Kevin. Well, she is a fashion designer too. Nagtapos siya ng designing and pattern making sa isang fashion school sa Makati pagkatapos niyang makakuha ng high school diploma mula sa Alternative Learning School. Pero kailangan niya ng mas bihasa sa ganitong larangan. Hence, Kevin.

Habang tumatagal ay naging palagay ang loob nila sa isa't isa. Tahimik na tao lang si Kevin at mapagkakatiwalaan ng kanilang mga sekreto. Kung noong panahon ng TRMD ay nakikisakay ito sa mga fans, pagkatapos ng TRMD ay naging tikom na ang bibig nito. Lalo na noong naging personal stylist niya ito.

Pagkatapos ng FHM100 2016 ay nagkasunod-sunod na ang personal assistance ni Kevin sa kanya. Si Kevin ang naging stylist niya noong um-attend siya ng FAMAS 2016 awards night. Isa kasi siya sa nominees bilang Best Actress para sa pelikulang Silong. Si Kevin din ang stylist niya sa MMFF 2016 awards night kung saan nanalo siya bilang Star for the Night; Si Kevin pa rin sa FHM100 2017 victory party ang naging stylist niya. Bilang number 3 ng taong iyon ay kailangang maging akma lamang ang kanyang isusuot.




Nandoon din si Kevin sa First Eddy's awards night kung saan siya naging host; sa Second Eddy's awards night, at marami pang iba. Maging sa romcom soap na The One That Got Away ay si Kevin  pa rin ang naging stylist niya. Naging takbuhan niya ito kapag kailangan niya ng opinion para sa damit na isusuot. Kadalasan nga ay nagvo volunteer pa ito for free para sa personal na kailangan niya.




Sa ngayon, isa na si Kevin sa mahalagang tao sa buhay niya. At alam niya na mahal din siya nito bilang kaibigan...

At ang lahat ay nagsimula sa recommendation ni Glaiza...

Well, forget her... forget that damn girl...

—————

It was a full-packed theatre. Nandoon ang halos lahat ng kilalang movie press. Pagkatapos ng interview ng dalawang batikang journalists ay pumasok na siya sa loob ng bulwagan. Kinakabahan siya. She didn't win the FAMAS. At hindi naman siya nag-e expect na manalo doon dahil dominated ito lagi ng Star Cinema at Viva talents. 'Yon ang reality. 'Yon ang nangyayari sa Pilipinas. Kung indie film lamang ang ni-represent ng artist ay mahihirapang manalo ng major awards. But whether she wins or loses, nagpupunta siya sa mga awards night. Ang mapabilang sa mga nominees ay isa ng malaking karangalan dahil nangangahulugan na kinikilala ng mga ito ang kanyang husay sa pagganap.

And now at Eddys... what will happen?

Inhale... exhale...

The Assistant Director of the show gave her a queue words bago siya nagpunta sa backstage para sa preparation ng presentation ng mga nominees sa Best Actor. Dalawa sila ni Piolo Pascual na presentor... si Piolo na leading man niya sa pelikulang Silong noong 2015.

The program went well. Naging comfortable siya sa stage sa tulong na rin ni Piolo. Well... she completed two improvisation courses in New York City in the last part of 2018 to the early part of 2019. It was a big help too to conquer her fear while on stage.

It was her night... because the program concluded with victory on her side. She won the Best Actress trophy!

——————-

Habang papauwi sakay ng kanyang thirteen-year old Toyota Grandia, ipinikit niya ang kanyang mga mata. Habang hawak niya ang trophy na nagmula sa awards giving body ay hindi niya maiwasang isipin ang nakaraan. Fifteen years... fifteen years in showbiz. At sa loob ng fifteen years na iyon ay masasabi niyang marami na rin siyang na achieve. Sa acting. Sa music. Sa hosting. Iba't ibang genre. Multi-hyphenated artist na nga ang tawag sa kanya ng marami. Nangangahulugan ito na kahit saan siya dalhin ay kaya niyang makipagsabayan. And she's happy for all her achievements...

Subalit sa loob din ng fifteen years, marami ring masasakit ang nangyari sa kanya. Pangyayari na sumubok sa kanyang katatagan at pagkatao. Ang mga pangyayari na may kaugnayan sa isang kilalang DJ na halos sumira sa kanyang buhay na tila multo pa rin na sumusunod sa kanya hanggang ngayon. Subalit sa halip na hayaan niyang malugmok ang sarili ay nagsikap siyang bumangon. Isa ito sa dahilan kung bakit mas naging matatag siya ngayon.

Pero... pero paano niya malilimutan ang isa pang open secret sa kanyang buhay? - ang pagkakaroon niya ng relasyon sa kapwa babae na itinago nila sa madla. Isang relasyon na naging dahilan ng iba't ibang masasakit na emotions sa buhay niya. Isang relasyon sa kapwa niya celebrity na nagwakas noong 2018... at pakiramdam niya... pakiramdam niya it was a one-sided affair... sa pakiramdam niya, siya lang ang nagmahal. Isang pagmamahal na hindi kayang tumbasan ng ganoon din uri ng pagmamahal... pero...

How can she forget her? How can she forget Glaiza?..

At hanggang ngayong 2021, lagi pa rin niyang naaalala ang nakaraan...


——————-

September 7, 2018

Dumating si David Rainey sa Pilipinas. Ito ang simula ng exposure nito sa press at sa mga taong nakapaligid kay Glaiza. Ang game plan: magpapanggap itong masugid na manliligaw ni Glaiza. Sasama ito sa mga events ni Glaiza. GMA will then highlight about this guy in their entertainment news. Gagamitin ang lahat ng platform ng GMA para mas maging epektibo ang balita: ang GMA News, GMA Network, GMA Drama, GMA Artist Center, 24 Oras, Inquirer at maging ang PEP na subsidiary ng Inquirer...

(To be continued...)


@@@@@@@@

BITS AND PIECES

Why is it that the relationship with a soulmate, specially if it is a romantic in nature, can be difficult many times? Why is it that having a soulmate is usually painful?

Sometimes, love is not enough to get through the hurdles and trials. Masakit man, hindi lahat ng soulmates ay nagkakatuluyan.

Katulad nina Romeo at Juliet...

Pero kahit ano pa ang mangyari... magkahiwalay man ng landas ang soulmates... nananatili pa rin ang red string na nakatali sa kanilang kamay. Magkahiwalay man sila, ang nag-uugnay na tali ay nananatiling magkarugtong...

Katulad nina Rhian at Glaiza...

Ito ay ilan lamang sa mga bagay na magkapareho sila hindi man sinasadya...


Seat Number:

After her two-week break from her Improvisation class in UCB Training Center, ay bumalik si Rhian sa New York. Via an airline, she occupied a business class seat number 6C.




Noong papuntang London si Glaiza noong end June, para mag-aral ng Music Production sa Point Blank, she also occupied a business class seat number 6C of her flight.

Isang paglalaro ng tadhana na hindi sinasadya?




Corinthian Architecture:

While in New York, Rhian had a short trip to Los Angeles and San Francisco for the screening of her movie Empty by Design in some festivals. While in San Francisco, she had a photo with Palace of Fine Arts as a backdrop.




During her first week in London, prior to first day of her class in Point Blank, Glaiza had a photo in a garden with gazebo as a backdrop.

Hindi natin masasabi na identical ang backdrop. Pero hindi sinasadya na ito ay may parehong design na base sa Corinthian architecture.


Music studio:

Noong September 5 ay parehong nasa music studio sina R at G. They were both recording. Both were arranging sound. And soon, both will release songs that they composed and produced.




Necklace:

You will notice that both R ang G use the same fashion style in necklace. It was gold coin-shape pendant with long chain paired with another necklace of shorter but bigger chain.

Rhian uses alternately two types of zodiac sign pendant. These were bought from Les Nereides Paris Philippines.

Glaiza, on the other hand, also uses alternately two types of gold coin pendant. There is no indication where it came from.

Maraming nagsasabi na ang first gold coin pendant ni G ay galing daw siguro kay DR. Kasi, this necklace had been visible in G's photos pagkagaling niya sa UK noong October 2018.

Pero ang tanong, kung galing ito kay DR, bakit hindi gold coin ni Queen Elizabeth ang ibinigay? Bakit hindi gold coin ng Ireland? Bakit hindi related sa United Kingdom. Look at it closely. ..




And look at the comparison below. Ang nasa kaliwa ay gold coin ng Statue of Liberty samantalang ang nasa kanan ay gold coin ni Queen Elizabeth 😊

Note: Ang face ng Statue of Liberty sa gold coin ay laging nakaharap sa kaliwa samantalang ang face ni Queen Elizabeth sa gold coin ay laging nakaharap sa right. I challenge you to google it! :)

At ang face sa pendant ni Glaiza ay nakaharap sa kaliwa!

Teka muna, nasaan ba ang Statue of Liberty? Hindi ba nasa New York? Sino ba ang galing sa New York noong first week of October 2018? :-)

***Insert***
For reference, here's the photo of G wearing the necklace:

Comments?

Fortsรฆt med at lรฆse

You'll Also Like

2.2M 114K 64
โ†ณ โ [ INSANITY ] โž โ” yandere alastor x fem! reader โ”• ๐ˆ๐ง ๐ฐ๐ก๐ข๐œ๐ก, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
Fake love Af :)

Fan Fiktion

102K 2.4K 39
When your PR team tells you that we have to date a girl on the UCONN women basketball team and you can't say no to it... At first you don't think too...
539K 11.7K 38
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
269K 11.2K 40
แ€ค Fic แ€žแ€Šแ€บ แ€กแ€›แ€™แ€บแ€ธแ€›แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€…แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€žแ€ฑแ€ฌ แ€กแ€žแ€ฏแ€ถแ€ธแ€กแ€”แ€พแ€ฏแ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฝแ€ฑแ€€แ€ญแ€ฏแ€žแ€ฌแ€žแ€ฏแ€ถแ€ธแ€‘แ€ฌแ€ธแ€žแ€ฑแ€ฌ Big Warning ๐Ÿšจ18+ Fic แ€แ€•แ€ฏแ€’แ€บแ€–แ€ผแ€…แ€บแ€žแ€Šแ€บ แ‹