The F- Buddies

By LenaBuncaras

2.4M 69.4K 18.1K

Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na s... More

The F- Buddies
1. The Struggle is Real
2. All Out of Love
3. The New Guy
4. The Project
5. Breakup
6. Heart Reacts
7. Akyat-Bahay
8. Maldita
9. The Romance Novelist
10. Walang Poreber
11. Marupok
12. Tamang Hinala Club
13. Job...less
14. The Fan
15. Award
16. Fan Boy
17. House Raid
18. Garden of Peace
19. Gregory Troye
20. #DatingTheIcePrincess lol
21. Loveless Writers
22. Tale of Two Tragedies
23. Missing Peace
24. Character Adjustment
25. Outlines
26. Brainstorming
27. Type. Edit. Delete
28. Warning
29. Lunch Break
30. So Real, So Good
31. Smut
32. Walwalan Time
33. Roller Coaster Ride
34. Conditioned
35. #WalangMagpapaiyakSaBabeKo
SPECIAL PART
36. Buddy-Buddy
37. Disturbance
39. The Nightmare
40. Painstaking
41. Fucked-up
42. Messed Up
43. Heart/Break
44. Foreshadow
45. Babe
46. GT's Main Conflict
47. The Falling Action
48. So Much For My Happy Ending
49. Book Review
50. Hello and Good Bye
Officially His
Gregory Troye Excerpt
The F- Buddies (GT version applied)
Gregory Troye

38. Drafted Love Story

26.1K 1.1K 374
By LenaBuncaras

Disturbances are called disturbances because they disturb something inside the story. And once na may na-disturb sila sa loob ng story, magko-cause iyon for the acts to act. Kaya kapag may biglang bumulagang problema sa loob ng story premise, hindi puwedeng walang magiging reaction at babalik lang ang lahat sa normal na parang walang nangyari. Iyon ang nagko-cause ng plot holes. Reasons and actions must have reactions, especially within the characters' decisions.

Unfortunately, my life's disturbances were so disturbing to the point na ang reactions ng mga nasa paligid ko, exaggerated na. As if my life were a mystery-drama story na may halong psychological thriller, and I was the psychopath.

I wasn't sure if natulog pa si GT kaninang madaling-araw. Parang after naming makabalik sa bahay ko, nag-type pa rin siya tapos nakatulog na 'ko. Paggising ko, natutulog na siya sa harap ng PC at nag-standby nang kusa ang desktop. Grabe, para lang makapagsulat ng story, willing to stay up all night siya.

Nag-scan ako ng gawa niya. Nakapagsulat siya ng higit forty thousand words sa iisang gabi lang.

Sana lahat masipag at may brain cells pa, di ba?

Wala kami sa romantic movie na kukumutan ko siya at tititigan habang tulog. Sawang-sawa na nga ako sa mukha niya, tititigan ko pa? Kaya ang ginawa ko, kinalabit ko siya para gisingin at sinabi kong doon siya sa kama matulog kasi nakakangawit sa braso matulog sa mesa. Baka magka-stiff neck pa siya, ako pa'ng sisihin.

And if he were to ask me to narrate this one for a romantic love story, I might fail him because I suck at writing cringy and cheesy scenes. Like . . . sa story or sa scripted movie lang nangyayari yung magtititigan kayo 'tapos bigla kayong maghahalikan for an unknown reason, duh.

Hindi ko alam kung gising na ba siya kanina. Sumunod lang siya sa sinabi ko at ibinagsak ang sarili sa kama. Hindi man lang inayos ang paghiga. Puyatin ba naman ang sarili.

Iniwan ko lang siyang ganoon bago ako pumunta sa bahay nina Daddy para gumawa ng breakfast.


♥♥♥


BREAKFAST IS the most important meal of the day. Pero questionable ang importance kung isa sa naka-serve sa mesa ay sermon ng magulang.

"'Nak, lalo mo lang pinasasakit ang ulo ni Justin," sermon ni Daddy. Feeling ko talaga, sa akin na naman ang bunton ng lahat ng sisi nito. Umagang-umaga pa lang, drained na ako.

"Daddy, sabi ko naman kasi sa kanya, huwag na muna siyang pumunta. Pinagsabihan na nga, ang tigas pa ng ulo."

"Nasa bahay mo pa rin ang boss mo?"

May point talaga sa buhay na kapag emotionally and spiritually exhausted ka, parang ayaw mo na lang magsalita kasi nakakapagod. Magsasalita ka lang pero mapapagod ka. Feel that?

"Nililigawan ka ba ng boss mo, Eunice?" tanong ni Mommy na lalo kong ikinasimangot ko.

"Mom! Yuck!"

Pero umalma ang katawan ko. May sariling reaction na taliwas sa dapat kong isagot. Feeling ko, nabisto ako sa kasalanang hindi ko alam.

At kung may isang bagay man—yung latest—na ayokong marinig mula kay Mommy, malamang 'yan na 'yon.

Mukha ba akong nililigawan ni GT?

Hatid-sundo lang naman niya ako sa bahay magmula nang maging kampante akong makisabay sa kanya.

Palagi lang naman niya akong nililibre ng pagkain kahit hindi ko naman inuutos.

Dinadala niya ako sa magagandang lugar para mamasyal kami—sa mga lugar na alam kong hindi ako maa-out of place. Yung alam kong priority ako.

Pine-flex niya ako sa FB niya kapag trip niya—na hindi magawa-gawa ni Justin magmula noong maging kami.

At binawasan niya ang lahat ng stress ko sa trabaho kasi siya lang ang nakaka-relate sa ginagawa ko—na mukhang never maiintindihan ni Justin kahit pa ano'ng paliwanag ko.

Uh . . . wait nga lang, pag-isipan ko muna ang lahat ng reason na 'yan.

Honestly speaking, napaisip akong bigla roon. Siguro, sweet lang talaga si GT sa lahat. Medyo over-the-top nga lang ang ka-sweet-an niya sa akin, pero ewan ko. Wala naman siyang sinasabi e. Saka sabi niya, may nahanap na siyang girlfriend—which I still doubt until now kasi ako lang talaga ang kasama niya the whole day. Kahit yung phone niya, hindi man lang tumunog magmula kahapon para sa kahit anong text or call. Bihira nga lang din niyang silipin, unless may ita-tag siyang kalokohan sa akin.

And besides, sa mga romantic novel lang naman nangyayari ang meet-develop plot. Cliché na nga, wala pang special.

Ang lalim ng iniisip ko hanggang matapos ang breakfast. Hindi ko na rin pinansin ang sermon nina Daddy. Pasok sa kanang tainga, labas sa kaliwa. Na-bother talaga ako sa tanong ng ina ko.

Nag-check ako ng text or chat kay Justin, at wala siyang morning greetings ngayon. Hindi na rin naman ako nagtaka. Kung galit siya sa akin, wala naman akong magagawa. Pinalayas ko nga siya kagabi. At walang regret ni isang porsyento sa sistema ko.

Pagbalik ko sa bahay ko, nakaayos na ng higa si GT. Nakatagilid siya, nakatalikod sa direksyon ng pintuan. Nag-check ako ng PC. Hindi ko pa alam kung na-save niya ba ang gawa niya kaya hindi ko muna pinatay.

Nagbukas ako ng music player pero hininaan ko lang. Baka kasi magising si GT.

Na-curious lang din ako kaya binasa ko na lang din ang isinulat niya kahit puro putol-putol.


She was lovely. He stood for a minute, seeing the widening of her eyes. Vincent had not anticipated such an intriguing sight. This one was unique. Vincent was first reluctant to commit to a one-month stay with Eunice, but as he admired her slender waist, pedal pusher-covered legs, full breasts, and hair that would make Rapunzel green with envy, he began to relish the prospect of spending September with this captivating goddess.


Dine-describe ba niya ako? Oh my gosh. Ako ba 'to? Is this how Gregory Troye described me? Oh fuck. I'm in love!


If only her attitude matched her looks.


A, gano'n?

Biglang bumaba ang admiration ko pagkabasa ko ng line na 'yon.

Puring-puri na e. Tuwang-tuwa na ako 'tapos biglang . . .

Alam din niya kung paano maninira ng expectation e, 'no? Iba rin talaga gumamit ng talent.

Ang daming cut. Hindi ko pa ma-visualize ang storyline, pero kayang ipasok ang mga isinulat niya sa kahit saang part ng novel.


Was it his words alone that left her so moved? Was it his voice instead? Her imagination memorized his face and yearned to hear his voice. It was enticing, masculine, and kind; a sanctuary for her insecurities.

Could he tell that her heart was beating against her ribs as he gazed at her so teasingly? Did he feel the same attraction that clawed at her desires and dragged them trembling from their cases?

'God, I don't want to feel this way,' she grieved silently. 'He's married . . . This is wrong. I can't be feeling this way! Please, heart, stop pounding.'


I loved the fact that I was working with theGregory Troye on his new novel. But I wasn't sure about what to feel, lalo na kung alam ko sa sarili kong nagsusulat siya ng kuwento gamit ang pangalan at description ko.

If you were a fan, what would you feel kung naging subject ka ng story ng idol mong writer? Na sa dinami-rami ng tao sa mundo, naging inspiration ka niya para magsulat?

Hindi ko na naiwasang mag-fangirl na naman. Lumapit ako sa kama 'tapos mukha akong tangang naupo roon sa tabi para titigan ang mukha ni GT na natutulog. Gusto ko na tuloy lunukin ang lahat ng inisip ko kanina.

Mukha siyang mabait sa ganitong state—yung hindi siya maingay, hindi siya namimilosopo, hindi rin siya nakangiti. Buti at hindi siya nakangangang matulog.

Ang laki niyang lalaki, really. Halos masakop na niya ang single bed ko. Neat and clean tingnan si GT kapag naka-wax 'tapos slick, pero iba talaga ang dating niya kapag loose ang style ng buhok niya. Ewan ko ba, mas simple kasi siyang tingnan. Ang lakas ng dating. Tipong kapag dumilat ka sa umaga 'tapos siya ang katabi mo, parang magkukusa ka na lang na halikan siya sa labi pampaganda ng araw.

Sinubukan kong hawiin ang buhok niyang humarang sa mata niya. Medyo mahaba na rin kasi.

Pati buhok niya, ang lambot. Ano ba 'yan? Ako naman si curious, lumapit pa para amuyin ang buhok niya para malaman kung ano'ng shampoo niya.

Ang bango ng buhok niya, hala siya. Amoy-menthol na amoy-lalaking mayaman. Hindi yata 'to nagsha-shampoo ng naka-sachet lang.

"Babe, humiga ka na lang kung hihiga ka."

"Ah—"


He was near.

She was stifling in the heavy aroma of his body spray. Then he was beside her, his thighs against hers, his warm body drawing incredibly close. His hand caressed her throat, trailing the subtle hill of her shoulder, cupping her breast and molding it to the shape of his palm.

"No . . ." she murmured as her body thrusted against his like a separate being, out of her control. "It's wrong . . . this can't happen . . ."

His lips moved against her throat, teasing the soft underside of her chin with moist brushes of his tongue.


"Babe," his voice rasped, "let me love you."

When did the story start? I couldn't remember when.

When did the song start? I couldn't remember when.

When did I realize I suck at poetry?

"Kanina ka pa ba gising?" tanong ko habang pareho na kaming nakahiga. Nakadantay ang braso niyang mabigat sa tiyan ko, at hindi ko na alam kung paano hihinga nang hindi niya mararamdaman.

"Ang likot mo kasi."

Nakadapa naman siya. Hindi ko naman siya halos naistorbo. Inamoy ko lang naman ang buhok niya, akala niya naman . . .

"Uy, nabasa ko pala yung draft mo," bulong ko 'tapos nginisihan ko siya habang sinisilip ang mukha niyang nakatago sa unan ko.

"Hmm . . ."

"Ako ba yung character?"

"Hmm . . ."

"GT, ako ba 'yon?"

"Babe . . ."

"Hmm?"


But I have not forgotten. I remember everything.

Every touch, every kiss, every surge of his body. I remember it all.

And I hate myself for wanting more.


Sa wakas, ipinaling na rin niya ang ulo niya para makita ako. At hindi ito ang unang pagkakataon na sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Pero ito ang unang pagkakataon na nakita kong sobrang lalim ng tingin niya—na parang may sinasabi sa akin na hindi ko maipaliwanag kung ano ba.

Umaalon na naman sa katawan ko ang kilabot. At sana lang, hindi niya mahalata ang tumatambol kong dibdib sa sobrang kaba.

"Hoy, GT—ah!" Napatili na lang ako nang hatakin niya ang kaliwang braso ko at saka ako ipinaibabaw sa kanya.

Letse, ito na nga ba'ng sinasabi ko. Wrong move talagang tumabi ako e.

Napalunok ako—na sobrang awkward kasi ito na naman kami sa ganitong moment.

Nginitian pa niya ako. "Ang gaan mo."

"Huy, adik ka, isa," sabi ko kasi ang awkward na talaga.

I'd never expected na aabot kami sa ganitong puwesto. Wala naman akong masamang intensiyon kanina, a.

"Why? You don't like this?"

Puta talaga, naiinis ako sa katawang kong walang cooperation. Nakagat ko nang kaunti ang labi ko kasi talagang tamang ronda ng init sa buong sistema ko, at hindi ko nagugustuhan ang pinatutunguhan n'on.

"Amoy-strawberry ka," sabi niya habang nakatitig sa mga labi ko.

GT, huwag kang ganiyan! Sinasabi ko na, makakagawa ako ng kasalanan, hnngg!

"Siyempre, kumain ng strawberry," pag-ismid ko para makaiwas sa kanya.

"Patikim ako."

Kumunot agad ang noo ko at ibinalik ang tingin sa kanya para manermon. "Pumunta ka sa kabila."

"No need, tikim lang naman."

Huli na para makapag-react pa ako ng hindi maganda. And I wasn't expecting it, though I thought about it several times before we ended up like this.

Saglit kong pinigil ang hininga ko nang hulihin niya ang labi ko. Naramdaman ko na lang ang kamay niyang naglalakbay sa batok ko.

Hindi ko na alam kung sino pa ang kakampi ko sa sistema ko ngayon. Hindi ko na alam kung kanino ang tibok ng pusong kanina ko pa nararamdaman—kung akin ba o kay GT. I didn't know, and I didn't care. All I cared about was him kissing me gently like I were an innocent child.

I know I should be sorry right now, hindi siya dapat ang gumagawa sa 'kin nito, but fuck. After he cut the kiss, hindi ko alam kung maiinis ba ako or what.

"That's sweet." That was almost a whisper, at halos maramdaman ko ang init ng hininga niya sa pisngi ko.

He was tracing my face, and I saw myself from afar staring at his thin lips, asking for more.

Every single part of my body was beating for an unknown reason. Parang may hinahanap at nakita na ang hinahanap nila. I had never felt this way kay Justin before, I didn't even know why. And I guess, I should be sorry for real because I couldn't help myself that I kissed GT again.

It felt like I had been familiar with his body for a very long time to act like this, na kahit nakapikit, alam na alam ko ang ginagawa kong paghawak sa kanya. Hinawi ko ang buhok kong humaharang sa mukha ko. I searched for his tongue the moment he opened his mouth. I badly wanted to curse my body for searching for something sa maling tao. And I was torn between feeling frustrated and being tempted because GT was a great kisser. I was aggressive in kissing him, but he was dominant. And that left me breathless—actually and figuratively.

Paghiwalay ng labi ko sa kanya, halos kainin ko na ang ibabang labi ko para lang sinupin ang nabasang parte dahil sa kagagawan ko. Halos kapusin ako ng hininga nang magtama ang tingin naming dalawa.

Ang pungay ng mga mata niya. At naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ako nakakaramdam ng konsiyensiya sa ginawa ko.

"Babe."

"Hmm . . ."

I hate to admit it pero naghintay ako ng I love you sa kanya. Na dapat hindi ko isipin pero nagkakaisa ang puso't isip ko para hilinging marinig 'yon sa kanya. Na habang nakatitig ako sa mga mata niya, sumisigaw ang utak at puso ko ng "Sabihin mo lang na mahal mo 'ko, pipiliin talaga kita."

Kaso, ang sinabi lang niya . . .

"Puwede na ba 'kong matulog ulit?"

"Ha?"

At para akong hinatak mula sa kailaliman ng lupa nang bigla siyang tumawa nang mahina.

"You're so cute," bulong niya at saka ako ibinaba sa tabi niya.

Punyeta. Punyeta talaga.

Muntik ko nang makalimutan, si GT pa rin nga pala siya.

Bakit nga ba ako umaasa sa mga ganoong salita mula sa kanya?


♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

458K 17.9K 57
Sigourney receives a warning from her fiancé's cousin and best man that proceeding with the wedding would be the biggest mistake of her life. Should...
93.1K 2.4K 7
(Finished) A story about bullying. Don't be blind, you might save someone from dying inside. Cover by: @mariawhyyy
3.4M 59.6K 33
Jerome Hernandez is currently the hottest NBA player. He became an overnight sensation because of his hypnotizing basketball skill, handsome look, in...
9.9M 122K 115
Magaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick. Lahat ng iyan, naging dahilan para iwan...