Road to your Heart: Starting...

By Kristinoink

2.2K 75 2

It is never easy to live in a house with strangers. Sinanay lang ni Jessica ang sarili niya dahil alam niyang... More

Road to your heart
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas

Kabanata 39

29 2 0
By Kristinoink

Kabanata 39

Tomorrow

Hindi ako nakatakas sa lahat ng tanong ni Evan. Hirap na hirap pa ako kung paano ko pagtatagpi-tagpiin ang kwento nang di nabubunyag ang sa amin ni Xander. Una niyang inalam ang nangyari kahapon sa amin ni Chinky. I just hate how sociable my cousins are. Ayan tuloy at simpleng away ay parang apoy sa bulak na mabilis kumalat.

"Bakit ka naman kasi sumama sa kanila? Alam mo namang alagad ni Chinky iyang si Xander kahit na poging-pogi ako 'e!"

Hindi ko pa sinasabi ang parte kung saan inuwi ako ni Xander. Sa ibang kwento ay di nakatakas yun. And I think it's their way to humiliate Chinky. Kahit kasi hindi sabihin ay alam kong pinaplastik lang siya ng karamihan sa mga kaibigan niya.

Nag iisip pa ako kung paano ko iyon sasabihin kay Evan. Muntik na akong mahuli ni Vaughn kanina kung hindi ko iningatan ang mga sinabi ko. Someone saw Xander's car! Thank God it's heavily tinted and no one saw me inside. Mamaya at kailangan kong sabihin 'to kay Xander. It's risky.

"Yan din kasing si Xander, ha. Pwede naman kasing sinamahan na lang niya si Chinky nang hindi na putak ng putak! Hinintay pang umaya ng iba. If I know sinadya ni Xander yun para nga ikaw ang ayain at ikaw ang ipahiya!"

If you will know hindi ganito ang sasabihin mo, Van. Tingin ko ay wala na ang tampo niya. Ganito na kasi siya mag salita at ipinapakita na ang inis para kay Chinky at kay Xander na wala namang kasalanan. Bumuntong hininga ako. I want to tell him pero mahirap na at baka iba ang isipin niya. Though may iba nga naman siyang iisipin.

Hinayaan ko siya sa pag rarant tungkol sa nangyari kahapon. Wala pa kasi kaming mga kaklase na narito kaya maluwag na maluwag siyang makapag salita. Nang tapis na siya ay akala ko ayos na pero hindi niya rin pala papalampasin ang tungkol sa narinig kay Vaughn kaya halos kumirot na naman ang ulo ko kakagawa ng kwento na sasabihin sa kanya.

"Bakit naman niya iisipin na ikaw yung kasama ni Xander last week? Siguradong si Chinky ang kasama niya noon..."

Tumango na lang ako pero gusto ko nang natawa dahil naalala ko ang trip namin na iyon. I can't wait to have another trip like that with him.

"Naku! Nang gigigil talaga ako... Pero teka nga may boyfriend ka na ba?"

Nahatak lang ako ni Evan sa mga iniisip ko nang mag sink in sa akin ang tanong niya. Gusto ko na tuloy sapakin ang sarili ko na kahit nasa seryosong conversation ako ay nagdidaydream pa rin kay Xander.

"Wala, Van. Hindi ko ba nasabi sa'yo na inimbita ako ni Vaughn manuod ng Hot air balloon sa Pampanga nung sabado rin na umalis ako?"

Tumango lang siya sa akin at nakikinig ng mabuti.

"Tinanggihan ko kasi siya noon dahil... err... may lakad nga ako..."

His mouth turned into a big O. Napahawak din ang kamay niya sa bibig sabay maligayang pumadyak padyak sa sahig. Natawa ako.

"Hindi mo nasabi! Ano ba yan! Yun pala yung naririnig kong bagong dagdag sa listahan pambabasted mo kay Vaughn!"

A what?

"Hindi naman, Van..."

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit kasi ngayon ka lang nag kwento! That was weeks ago! Leche ka, Jessica..."

Ngumuso ako at nakaramdam ng lungkot. I was that preoccupied na kahit araw-araw kong nakakasama si Evan ni hindi man lang ako nag kwento. I suddenly felt bad again. I'm so sorry, Evan. Ang sama ko namang kaibigan.

Naging okay na kami ni Evan. Sobra akong nagpapasalamat na hindi nag tagal ang tampo niya sa akin. Nang mag uwian at sabay ulit kami ni Evan na bumaba. Kaya pang ay hindi ang itim na pick up ni Xander ang nakita kong naghihintay roon.

Siniko ako ni Evan nang mamataan na rin niya si Kuya Marcus na nakahilig sa sasakyan niya at naka tingin sa cellphone. Halatang kinikilig si Evan pero nang nagtaas si Kuya ng tingin sa amin ay pumormal agad at matigas na tumango sa kapatid ko.

I eyed my brother. Bakit siya ang sumusundo? I mean it's not that he isn't allowed to do that... Aba Jessica at namumuro ka ata?

Tumango rin ang kapatid ko kay Evan.

"Uwi na ko, Jes," si Evan at tsaka ako kinindatan. Muli ay tumango siya sa kapatid ko bago kami tinalikuran at pinuntahan ang sasakyan niya sa parking lot.

Binalingan ko na si kuya. He's eyes remained on Evan's back. Nilingon niya ako.

"Nanliligaw ba yun?"

Kumunot ang noo ko dahil sa napaka imposibleng sinabi niya. Umiling agad ako. Pero oo nga pala at ako lang ang nakaka alam.

Now that we are alone. Gusto ko sanang tanungin kung bakit siya ang sumundo sa akin. At para namang narinig niya ang iniisip ko nang magsalita siya.

"Nasa bahay sila Kelsey at hinihintay ka. Kinausap ko si Xander na ako ang susundo sayo. Hindi ko rin muna siya pinayagan na pumunta sa bahay ngayon,"

He eyed me intently.

Pinayagan. That sounds very... authoritative.

"Okay..."

Guess I'll see him tomorrow then.

True enough ay nasa bahay nga ang karamihan sa pinsan ko. Several cars were parked on the other side of the street in front of our gate. Sabay kaming pumasok ni Kuya. Inaasahan kong nasa sala sila pero ang sabi ni Brent ay nasa taas daw sila at sa veranda nag hihintay.

Tinanguan na ako ni Kuya para umakyat. Nariyan ang mga sasakyan kaya tingin ko andon rin ang mga lalaki sa taas. It's a shame Xander is not present, huh.

Dinungaw ko muna ang cellphone ko bago lumabas ng kwarto. Hindi na muna ako magpapalit ng uniform at haharapin ko na sila. Binaba ko pang ang bag ko para wala akong bitbit papunta sa veranda. Nakita kong nay text na si Xander doon.

Globe: Hindi kita masusundo :(

Magrereply na sana ako doon nang may bagong message siya na dumating.

Globe: I miss you, Jes.

Hindi ko na napigilan ang ngiti. Nag kita naman kami kanina diba? Hinatid niya ako. OA na ata siya ha.

Nagreply ako sa kanya bago ako tumulak sa veranda.

Ako: I miss you too. Mag usap na lang tayo sa tawag mamaya. Kakausapin ko na sila.

Kumpleto sina Ayana, Kelsey, Chloe, Margou at Chantal sa veranda. Nagkalat sila sa mga upuan don. Si Margou ang unang nakaaninag sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

"Finally!" si Chloe.

"Umupo ka na dito at narami kang kailangang iexplain," si Chantal at tinuro ang pang isahang sofa sa gilid niya.

Umupo. Ni walang pasintabi at agad nila akong pinagkwento. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa nila na marinig mula sa akin. Sabi ni Chloe may source siya diba? Hindi sila nag salita habang nagkukwento ako. At sa tuwing mababanggit ko ang pangalan ni Xander ay sumusulyap ako kay Margou. Nang matapos ako ay dun na muling nag rant si Chloe.

"Puñeta talaga yung babaeng iyon! I can't believe na kamag anak natin! Hay nako!"

"Dapat hindi na niya ginawa yun. We're already old for those kind of scenes. Sa mall pa talaga kung saan ang daming tao..." malungkot na sinabi ni Ayana.

"Alam na ba ni Tita, Jes?" napatingin ako kay Margou.

She's looking at me intently. Para bang nakikipag usap siya sa akin sa mata niya. And speaking of my parents, hindi nila alam. Wala rin akong plano na sabihin. Ganon naman lagi. Hindi ako ang nag sasabi sa kanila. Hindi alam kung paanong nakakarating basta mga ilang araw ay tsaka nila ako kokomprontahin.

Umiling ako. "Hindi na kailangan,"

"What? Di alam ni Tita? E kaya naman pala hindi ko nakitang pinagalitan ni Daddy si ate 'e," si Kelsey.

"Bakit hindi mo sabigin, Jes? Di naman biro ang ginawa ni Chinky. She humiliated you!" si Chloe.

Ngumuso ako. Ngayon ko lang narealize na ako nga pala ang pinaka bata dito. I'll turn 18 next year. At puro ate ko ang nga nasa harap ko. Mga ate na nag aalala para sa akin.

"Ako na lang ang mag susumbong! Kay tito mismo para pagalitan si Chinky" ani Chloe.

Umiling si Kelsey. "Pagtatakpan lang ni mommy si ate. Kay Tito Vincent na lang,"

Agad akong umalma. Ayoko nang bigyan pa ng problema sila Mommy. Andyan naman si Xander. He can protect me.

"Huwag na. Ayos lang naman 'e. Hindi rin naman ako apektado sa ginawa niya. It's not a big deal to me..."

"But for us it is! Ilang taon na, na ganito. Atleast let Chinky receive her punishments, Jessica!" giit ni Ayana.

"Wag na talaga..." Ngumiti ako sa kanya.

"Hayaan na natin kung anong gusto ni Jessica. She can deal with this. Narito rin naman tayo..." Si Margou sabay tingin sa akin. Phew.

Humilig si Chantal papalapit sa akin.

"But a good thing is naroon si Xander, Jes? Sabi sa nagkwento na napagtaasan niya ata ng boses si Chinky tapos umalis na kayo doon?"

I bit my lip. Bakit parang ang daming humuhuli sa akin kay Xander ngayon? Sumulyap ako kay Margou.

"Oo pero hindi naman pinagtaasan talaga ng boses..." I think of an excuse to say.

"Bakit ka pa kasi sumama sa kanila? Sila naman ang close kaya dapat sila na lang,"

"Inaya kasi ako ni Chinky, Chlo,"

Umirap siya. "Hindi lahat ng pag anyaya ay pinauunlakan, Jes,"

Tumikhim ako. Alam ko naman. Fuck ang hirap naman magexplain ng ganito. Kailangan mo pang itago ang ibang detalye. But what can I do right?

"Baka lang kasi inaasahan ni Jes na magkakasundo na sila ni Chinky, girls." pagkumbinsi ni Ayana. Tumango ako. Oo sige yun na lang ang dahilan ko. "Though it's a mistake," dagdag pa niya.

Sumang ayon naman si Kelsey. Umirap lang si Chloe.

"Well..." napatingin ako kay Chantal. "Good thing Xander is there," aniya sa isang malamig na boses.

"Oo nga. Buti at nagkakasundo na kayo. Kung hindi baka pinagkaisahan ka pa nun," si Ayana.

Hindi ako nakasagot. He won't do that. I got hurt a bit by how they thought about Xander. Honestly all he did was to piss me off with his annoying jokes in the past years. Hindi lumebel sa mga ginagawa ni Chinky ang mga ginagawa niya noon sa akin. Masyado lang akong apektado kaya ganon ang iniisip ko. And now they think about Xander like this.

"Hindi ganon si Xander, guys." si Margou sabay tingin sa akin.

Nagkibit lang ng balikat si Ayana. "We'll never know. Napaka spoiled ni Chinky kay Xander,"

Hindi na rin sila nag tagal. Pare-pareho silang may mga pasok kaya umuwi na sila. Nasa pool side pala si Kier at Deo na siyang maghahatid kila Kelsey at Ayana. Nang umuwi sila ay tsaka kami nag dinner.

It was peaceful at first. At inaasahan kong linggo pa ang aabutin bago malaman nila mommy yung nangyari kahapon kaya laking gulat ko nang banggitin nila iyon.

"Sinaktan ka ba?" Sumulyap si Daddy sa akin habang kumakain siya. Nasa Tapat ko si ang dalawa kong Kuya. Sa gilid nila ay si Brent. Nasa tabi ko naman si Daddy.

Binaba ko ang kutsara at tinidor na hawak ko. Inabot ko ang pitsel ng tubig pero medyo malayo iyon kaya si Kuya Marcus na ang nag salin ng tubig sa baso ko. Nagkatinginan pa kami bago pa ako sumagot kay Daddy.

"Hindi naman po. Hindi niya ako nabuhusan ng tubig kasi hinarangan ni Xander..." Halos bulong ang huli kong sinabi. Uminom ako ng tubig.

"Pag ilang beses na 'to, Jessica. Ang sabi ko sayo ay mag sasabi ka pag may ganitong incident. Buti na lang at naroon si Xander..." Nagkatinginam kami ulit ni Kuya Marcus. "At walang mas masamang nangyari," ramdam na ramdam ko ang inis ni mommy.

Hindi siya sa akin naiinis. Kay Chinky. Baka nga pati na rin kay Tita Kriselle. Hindi na ako kumibo. Ayoko lang naman silang bigyan ng problema. Akala ko ay matatapos na roon ang mga rant ni Mommy pero nagtuloy iyon hanggang sa matapos kaming lahat.

"Vincent, tawagan mo iyang si Kriselle at kausapin mo kundi at ako ang kakausap!"

Ambang tatayo na ako nang hawakan ni Kuya Marcus ang siko ko. Tumingin ako sa kanya. Umiling siya at pinabalik ako sa pagkakaupo. Gumalaw ng sandali si Brent. Huminga ako ng malalim. Ayokong palalain pa nila 'to. It's actually nothing. Pag may ganitong nangyayari at kinokompronta ni mommy si Tita Kriselle lagi na lang kaming pinapatawag ni Mamu sa bahay nila. Sa huli ako rin naman ang mapapasama dahil sa akin din magagalit si Mamu.

Naiwan sila sa dining table. Pare-pareho naman kaming nasa sala nila Kuya Marcus, Kuya Ken at si Brent na nakatulugan na ang cartoon na pinapanuod habang nakahiga sa hita ko. Bukas ang TV pero nasa akin ang mata ng dalawa kong kapatid.

"Huwag na, Bea..." Malumanay si Daddy at tingin ko ay pinapakalma rin niya si mommy.

"Anong wag? Walang karapatan si Chinky na ipahiya ang anak ko, Vincent. Ang tanda na pero asal bata pa rin! Palibhasa ay kinukunsinti ni Kriselle ang kawalangyaan,"

"Kung kakausapin ko si Kriselle, tiyak na mag susumbong iyon kay Mama. Si Geoffrey ang kakausapin ko tungkol dito..."

"Bueno kung mag sumbong? I can protect my daughter, Vincent." Finality is heard from my mother's voice. Pero alam kong hindi siya hahayaan ni ama ko lalo na sa sagot ni daddy sa kanya.

"Kung kakausapin ko, mag susumbong kay mama tapos ano? Tatawagin tayo roon. Sa huli si Jessica ang kakausapin at pagagalitan. Para kang hindi sanay sa ganito Beatrice..."

I bit my lip. Yeah...

Hindi nila alam na narito kami. Hindi nila alam na naririnig namin sila. Pagkatapos sabihin ni Daddy iyon ay tumayo na si Kuya Marcus. Nagtaas ng tingin sa kanya si Kuya Ken na kanina pa tahimik at nakikinig rin.

"Umakyat na tayo..." si Kuya Marcus na hinawakan na sa magkabilang braso si Brent para maiangat mula sa pagkakahiga sa aking hita.

Binuhat niya ang walang kamalay malay na si Brent. Tumalikod naman si Kuya Ken at at iminuwestra ang kanyang likod. Pinasan niya si Brent doon at nauna nang maglakad paakyat. Inakbayan naman ako ni Kuya Marcus at siya na ang nag giya sa akin sa hagdan kahit ayaw ko pang umakyat at matulog.

"Baka tawagan ni Mommy si Tits Kris..." Sabi ko habang umaakyat kami.

"You heard dad. Hindi na papayag yun. Let him handle this, Jes..."

Huminto kami sa tapat ng kwarto ko. Kakalabas lang rin ni Kuya Ken sa kwarto ni Brent at nang nakita kami ay lumapit na rin.

"Speak up next time, Jes. Para hindi namin sa iba nalalaman," Inakap ako ni Kuya Ken.

Nangisi ako. Magseselos si Xander kung nakikita niya ang pag akap sa akin ni Kuya Ken ngayon. I bit my lip. Si Xander na naman ang iniisip mo Jessica!

"It's not a big deal, kuya..." ngumiti ako at bumitaw na.

"Magpahinga ka na. Matutulog na rin ako. Wag mo nang isipin sila mommy sa baba. Nadadala lang ng inis yun ngayon," tumango ako.

"Goodnight," aniya at naglakad na papunta sa pinto ng kwarto niya. I smiled. Pumasok na siya.

Naiwan kami ni Kuya Marcus.

"Matutulog na ko..." It's a lie.

Nag taas ng kilay si Kuya sa akin.

"Di na ba makapag hintay si Xander sa tawagan niyo?"

Namilog ang mata ko. Paano niya alam?

Ngumisi siya nang nakita ang expression ko. Ginulo niya ang buhok ko.

"Paano mo..."

Ngumuso siya sa pintuan ng kwarto niya na katabi ang kwarto ko.

"I can hear your giggles everynight, Jes..."

Oh! Oh...

I pouted. Lalo siyang ngumisi.

"Just sleep early. Goodnight,"

Nag alangan pa tuloy ako na makipag tawagan kay Xander dahil sa sinabi ni Kuya. Masyado ba akong maingay na rinig na rinig niya ako?

Pero syempre hindi ako makakatulog kung hindi kami mag uusap kaya nang mag 11 at natapos akong maligo ay tumawag na siya. Kinuwento ko sa kanya ang pagkukwento ko kila Chloe. Sinabi ko rin na alam na nila mommy ang nangyari.

"I wonder how they knew about it..."

"We were in a public place kaya baka may nakakita baby..." namamalat na ang boses niya dahil nakahiga na rin siya.

Nagpatuloy ang pag uusap namin tungkol don hanggang sa naalala ko na nagkausap pala kami ni Vaughn kanina. I told he what Vaughn told me. Hindi pa nga niya pinag tuunan agad ng pansin iyon dahil binanggit ko rin na akala ni Vaughn na may boyfriend na ako.

"Why does he care. Nakakailang basted na ayaw pang lumubay. Tss..."

Umirap ako. That's his only concern? Yun lang ba ang naintindihan niya sa mga sinabi ko?

"It's nothing, Xander. And it's not even my biggest concern. Ikaw naman iba ang iniintindi."

Humalakhak siya.

"So someone saw the car along Balanga High way?"

Tumango ako. "That's what he said..."

Saglit siyang natahimik at sa huli ay bumuntong hininga.

"Don't worry, Jes. Tinted ang sasanyan at walang makakakita. Though I want them to see that you're actually with me..."

Hindi ko nakuha ang sinasabi niya sa dulo.

"Ano yun?"

"Wala... And speaking of that trip. We should plan our next trip. Saan mo gusto?"

The thought about a new trip with him excites me. Hindi agad ako nakasagot dahil nag isip pa ako kaya sinabi niya na bukas na lang para hindi ako mapressure ngayon. 12:30 na ng madaling araw ay magkausap pa rin kami. Nahinto lang nang nagtext si Kuya Marcus sa akin.

Kuya Marcus: Matulog ka na. Hindi ko na papayagan si Xander na ihatid ka kung lagi kang pupuyatin.

Nangiti ako. Alright, Kuya.

Lumipas pa ang dalawang araw at nagtagumpay si daddy na pigilan si mommy para tawagan si Tits Kriselle. Sinabi lang sa akin ni daddy kinabukasan na nakausap niya si Tito Geoffrey at hindi na lang raw muna kukomprontahin si Chinky dahil nalalapit na rin ang anniversary nila Mamu. Paniguradong may party na naman nun at ayaw raw ni daddy na mapagalitan ako sa araw na iyon kung sakali.

And like the usual Xander picked me up. Nang nasa byahe papunta sa school namin pinag usapan ni Xander ang sunod na trip na gusto namin. It's already thursday. I saw a post online about a newly discovered beach in Aurora province. Masyado ngang malayo iyon pero naisip ko na madaling araw na lang kami aalis. Hindi rin naman overnight. Isa pa, newly discovered nga kaya nakakasiguro ako na wala pang nakaka alam masyado nun.

"I saw it online too. Hindi pa raw masyadong bisitahin..."

Tumango ako. "Kaya lang sobrang layo rin. Two to three hours ang byahe."

"It's fine, baby. The further we are the less people will recognize us."

Ngumiwi ako. May nakakita ng sasakyan niya sa Bataan... Pero nevermind.

"So kailan tayo pupunta?" Nilingon ko ang kamay naming magkahawak at nakapatong sa hita niya.

He squizzed my left hand.

"Kailan mo gusto? We can go this weekend..."

"Hindi pwede. May set sa sabado ng gabi, diba?"

"Ayoko sanang pumunta, Jes..."

"Why?" Nilingon ko siya. "It'll be fun. At next next week pa ang exam week ko."

"Then when? We'll be celebrating Mamu and Papsi's wedding anniversary the sunday after your exam week, baby..."

My brow shot up. Oo nga pala! Gosh! Matatagalan pa pala kung hindi nga kami tutuloy this week! Pero paano? It will be hard to make excuses for the set this weekend. Lalo naman ang family gathering namin next next sunday.

"How about tomorrow?"

Nilingon ko siya. May pasok kami bukas...

I'll be very busy with school next week. Pasahan na kasi ng mas maraming requirements. And I won't let out weekend set pass. Maghihinala sila sa amin kung pareho kaming nawawala ni Xander sa araw na iyon. And his suggestion is very tempting...

I think there is no better day than tomorrow. Sa sembreak paniguradong magpaplano ang nga pinsan ko ng pag gagala. Hindi kami makakatakas ni Xander. And I think I can ask for Kuya Marcus and Margou's help.

Wala na akong maisip na solusyon kaya wala sa sarili akong tumango sa suggestion ni Xander. I think we have a trip tomorrow.

Continue Reading

You'll Also Like

707 30 2
Kageyama nods and asks, "Will I die if I jump from here? Because it hurts when I tried to cut my hand." Oikawa didn't believe what he heard. He wasn'...
171K 15.6K 30
"သူက သူစိမ်းမှ မဟုတ်တာ..." "..............." "အဟင်း..ငယ်သူငယ်ချင်းလို့ပြောရမလား..အတန်းတူတက်ခဲ့ဖူးတဲ့ အတန်းဖော်လို့ ပြောရမလား...ဒါမှမဟုတ်..ရန်သူတွေလို...
189K 6.9K 13
2 tom dylogii ,,Agony"
3K 951 53
Losing a Mother is Astrana Zielle Vautier's biggest fear. Nang mawala ang Mama niya, may isang tao siyang kinapitan, at hini niya alam na mamahalin n...