LOHIKA 2: Land Of The Missing...

By sayonara_chinji

87.2K 4.9K 635

Highest Ranks Achieved: #1 investigation, 17 detective, #2 logic, #2 deductions, #1 wannaone, #10 police, #7... More

Land of the Missing Children [Disclaimer]
Fictional Trailer
LOHIKA 2: Land Of The Missing Children
Chapter I - What do you think you're doing?
Chapter II - Irony of life and logic
Chapter III - Trauma
Chapter IV - Ligature Marks
Chapter V - Illusory Savior
Chapter VI - Criminal Profiling
Chapter VII - Time of death
Chapter VIII - Alibi
Chapter IX - Serial Killer
Chapter X - Consequence
Chapter XI - Death of Lady Shan Villarino
Chapter XII - Circumstantial Evidence
Chapter XIII - Cause of Death
Chapter XIV - Confession
Chapter XV - Disclose The Verity
Chapter XVI - Pull the wool over one's eyes
Chapter XVII - At Death's Door
Chapter XVIII - Non Compos Mentis
Chapter XX - The Liar and His Brother
Chapter XXI - Conspiracy of Silence
Chapter XXII - A Devious Trick
Chapter XXIII - Behind The Odds
Chapter XXIV - Erasing The Line Between Fantasy and Realism
Chapter XXV - Nostalgia
Chapter XXVI - Abduction
Chapter XXVII - Locus
Chapter XXVIII - Yonhwa: Land of the Missing Children
Chapter XXIX - The Ace Team
Chapter XXX - Brave and Competent
Chapter XXX (Second Half)
Chapter XXXI - Tracking a Missing Person
Chapter XXXII - Locked Room Murder
Chapter XXXII (Second Half)
Chapter XXXIII - Double Cross
Chapter XXXIV - Rounds
Chapter XXXV - Right To Remain Silent
Chapter XXXVI - Decipher
Chapter XXXVII - The Agony of Never Knowing
Chapter XXXVIII - Sympathy
Chapter XXXIX - Mt. Santala Park (First Half)
Chapter XXXIX (Second Half)
Chapter XL - Case Closed
Chapter XLI - Corollary
Chapter XLII - Passive
Epilogue
Author's Note

Chapter XIX - Face of a Psycho

1.4K 92 12
By sayonara_chinji

​ After everyone on Bravo Team did their respective job, they conducted a meeting to discuss the criminal's profile and their plans to capture the person responsible for the horrendous death of the victim.

​"Cariza Sariin, 32, practicing assistant surgeon sa Yonhwa Medical Center. Natagpuan sa unit 604, Building B ng Venecia Apartment Complex." Captain Cansicio pressed the remote control.

​ Photos of the victim's body appeared on the white projector's screen.

​ Halos hindi makatingin sa mga larawan na iyon ang mga dectective na nakapalibot sa pahabang lamesa. Mga buntong hininga ang bumalot sa buong conference room.

​ Matapos ang ilang segundo ay muling pinindot ng matandang kapitan ang remote control. Lumabas sa screen ang isang security footage. "Ito ang huling security footage ni Cariza. 10:15 PM ng February 7, sumakay siya ng elevator papunta sa 6th floor."

​ "Kap, ibig sabihin ba lunes pa lang patay na ang biktima?" Naroon ang kuryosidad sa murang mukha ni Detective Zarich Han.

​"Base sa report na ibinigay ng FDO, namatay si Cariza sa pagitan ng 11 PM ng February 7 at alas-dose ng madaling araw ng February 8. Dahil sa amount ng dugong nakuha sa crime scene, the Forensic Team concluded na buhay pa ang biktima habang unti-unti siyang pinuputulan ng iba't-ibang parte ng katawan. Bukod sa shoeprints ng biktima at ng mag-inang Gaon, mayroon pang isang pares na nakuha. Base sa hitsura ng sole ng sapatos at sa haba nito, masasabi na lalaki ang nagmamay-ari ng pares na 'yon."

​ Again, the whole room was filled with heavy sighs.

​"Anong klaseng tao ang kayang gumawa n'yan?" Kulang na lamang sa ekspresyon ng mukha ni Detective Kristoffer Naraga ay ang murahin ang hindi pa nakikilalang mamamatay tao.

​ Inihinto ng matandang kapitan ang security footage sa frame kung saan nahagip ang isang lalaking papasok sa elevator. "11:13, gabi ng February 7 kung kailan namatay ang biktima, pumasok ang lalaking naka-itim na polo sa nag-iisang elevator na gumagana sa building." He minimized the video and played a new one. It was a security footage sa loob mismo ng elevator. "Malinaw na makikitang bumaba siya sa 6th floor." He fastforwarded the video. "Pero pagkatapos no'n... hindi na siya muling nahagip ng CCTV. Siguradong ginamit niya ang hagdan sa fire exit upang makababa." Then his eyes shifted to Jiwon Natividad. "Miss Natividad, nakuha mo ba ang profile ng lalaki sa video?"

​ Jiwon stood up and started to distribute a bondpaper na mayroong profile ng lalaking tinutukoy ng kanilang kapitan. "Dr. Dennis Castro, a surgeon at Yonhwa Medical Center. Apparently, siya ang dating fiance ni Cariza."

​"Kap, magre-request na ba ako ng warrant? Sigurado na ako na 'yang doctor ang pumatay sa anak ni Detective Sariin." Mayabang na pahayag ni Detective John Alinas.

​ Matapos bigyan ni Jiwon ng kopya ng profile si Captain Cansicio, nanatili siyang nakatayo sa tabi nito. "It's true that the killer's profile matched with him, but-—"

​ Detective Alinas stood up, taking everyone's attention. "Ang dami pang dada. Sa'yo na rin nanggaling na nagmatch ang profile niya sa hinahanap nating suspect. Kap, h'wag kayong mag-alala. Ako nang bahala."

​ As the haughty detective left the room, nagsunuran sa kanya sina Detective Borja at Detective Naraga.

​ Captain Cansicio lightly tapped Jiwon's arm bago rin lumabas ng conference room.

​ Sa kalagitnaan nang pag-iisip ng dalagang criminal profiler, Detective Han took her attention. "Miss Jiwon, okay lang 'yan. Ang mahalaga maaga nating mahuhuli ang pumatay kay Cariza." Then he also left her.

​ Naiwang mag-isa si Jiwon sa loob ng conference room. Kinuha niya ang remote control na nakapatong lamang sa lamesa at pinindot iyon.

​ Pictures of two suspects appeared on the screen.

***

​ Since the autopsy was already done, nakuha nang muli ng Pamilya Sariin ang katawan ng biktima. Napagkasunduan nilang ipa-cremate na lamang ang bangkay dahil sa karumal-dumal na sinapit nito.

​ Napuno ng iyak ng pangungulila ang buong crematorium. Hindi matanggap ng lahat ang biglaang pagkawala ni Cariza. It was indeed an untimely death para sa dalagang mayroon sanang magandang kinabukasan.

​"Cariza, anak ko!" Mrs. Paulita Sariin screamed. Inaalalayan siya ng kanyang dalawang anak na lalaki sa magkabilang braso upang hindi tuluyang mahulog sa malamig na sahig. Then her eyes suddenly captured the face of her husband. Pilit niyang nilapitan ito sa sulok ng kwarto at sinimulang paghahatawin sa katawan. "Bakit pinabayaan mo ang anak ko? Naturingan kang pulis pero hindi mo man lamang napagtanggol si Cariza! Walang kwenta kang ama sa anak mo! Napakawalang kwenta mo! Ibalik mo si Cariza! Ibalik mo sa akin ang anak ko!"

​"Ma, tama na." Awat ng dalawang anak na lalaki sa kanilang nagwawalang ina. Pilit nilang inalayo ito sa walang karea-reaksyon na si Detective Sariin.

​ The old detective was not on his own senses. Tulala at tila ba'y walang naririnig sa kanyang paligid. The pain on his chest was slowly making him numb.

***

​"Alam mo, parang nakita ko na dati 'tong doctor na 'to. Hindi ko lang maalala kung saan."

​ Napangisi si Detective Naraga sa sinabing iyon ni Detective Borja. "Itigil mo na kasi ang pag-inom. Nagiging makakalimutin ka na dahil sa bisyo mo."

​"Langya, minsan na nga lang makatikim ng alak ang sikmura ko. Pa'no naging bisyo 'yon?" He grimaced while scratching his head.

​ Pinasok nila ang Yonhwa Medical Center with the hope na naroon ang taong pakay nila.

​ Detective John Alinas stopped in front of the information desk and showed his badge sa taong naroon. "Nasaan si Dr. Dennis Castro?"

​ For a moment, natigilan ang babaeng nakap'westo sa information desk. He called someone on the telephone and asked kung naroon ang doctor. Then she glanced back at the three detectives na nasa harapan niya. "Wala na po dito si Dr. Castro."

​ Sandaling nagkatinginan ang tatlong detective. Tila ba nagkaintindihan sila at sabay-sabay na nagtatakbo palabas ng ospital.

***

​"Jiwon..."

​ Jiwon looked back and glanced upon the face of the man na tumawag sa kanyang pangalan.

​ It was Lieutenant Jiho Lim. His back was leaning on the wall na opposite ng pinaglalagyan ng water dispenser.

​ Sandali munang tinakpan ng dalaga ang tumbler na pinuno niya ng tubig bago tuluyang hinarap ang naghihintay na binata.

​"Anong nangyari sa investigation niyo? May suspect na ba kayo?" Naroon ang kuryosidad at pag-aalala sa makisig na mukha ng binatang lieutenant.

​ Jiwon sighed. Itinuon niya ang tingin sa hawak na tumbler. "Sa ngayon... sinusundo na nila ang isa sa mga possible person of interest."

​"Isa?" Bahagyang nagsalubong ang kilay ng binata.

​ Sa pagkakataon na iyon, nagawa nang salubungin ni Jiwon ang tingin ng binatang kaharap. "Lt. Lim, hindi ganoon kadali ang kasong 'to. Out of everyone na nakapaligid at associated kay Cariza... may dalawang nagmatch sa profile ng totoong kriminal."

​"Eh bakit isa lang ang sinusundo nila?" Confusion was showing on Lt. Lim's face.

​"'Yung isa..."

​"Miss Jiwon!" Detective Han ran towards the young criminal profiler. He caught his own breath bago sinabi ang kanyang balita. "Hindi ka maniniwala. Nandito ngayon sa YCDO si Dr. Castro. Kusa siyang pumunta. Hindi niya kasama sina Detective Alinas."

​'Turning himself in bago pa maging malaking issue sa workplace niya? 'Yun ba ang reason?' Patakbong sinundan ni Jiwon ang batang detective.

​ Lt. Lim also followed from behind.

​ As they reached the office of Violent Crimes Division, nadatnan nilang nakaupo ang suspect na doctor sa harapan ng desk ni Captain Cansicio.

​ The elite doctor automatically stood up nang madako ang paningin niya sa direksyon na kinaroroonan nina Jiwon. Naroon sa ekspresyon niya sa mukha ang pagkagulat at kaba. Tila ba nakakita siya ng taong hindi dapat naroon sa lugar na iyon.

​ Ramdam ni Jiwon na lagpas sa kanila ang tinitingnan ni Dr. Castro. Dahil doon, she slowly turned her head behind to see kung sino ba talagang tinitingnan nito. She caught her breath as she realized kung sino iyon. 'The other person of interest.'

​ It was a man na kapapasok lamang ng opisina. He was wearing a ragged clothes and a worn-out safety shoes. Everything that he was wearing ay kabaligtaran ng suot ng kagalang-galang na doktor, maliban sa isa. They were both sharing the same face.

The next chapter will be posted tomorrow. 😘😘😘

Continue Reading

You'll Also Like

5K 199 31
Demons vs. Demons There are 4 demonic symbols around the world, heart, club, spade and the most powerful of all, DIAMOND. Their unity can change the...
348K 9.4K 18
Mahinhin, inosente, walang alam sa mga boys. Yan si Anne. Sopistikada, moderna, street-wise. Yan naman si Gabby. Magkaiba man ang personalidad pareho...
112K 4K 54
Zheyran Angel Briones and Gabriel Felix Monteser, their path has crossed because of the crime on their school days. Together with the Secretum Oculi...
8.6M 291K 51
Sky Academy, a school wherein magic really exist and impossible things never. First book to the Sky trilogy. Completed. Wattys2016 Winner. Published...