The F- Buddies

By LenaBuncaras

2.4M 69.4K 18.1K

Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na s... More

The F- Buddies
1. The Struggle is Real
2. All Out of Love
3. The New Guy
4. The Project
5. Breakup
6. Heart Reacts
7. Akyat-Bahay
8. Maldita
9. The Romance Novelist
10. Walang Poreber
11. Marupok
12. Tamang Hinala Club
13. Job...less
14. The Fan
15. Award
16. Fan Boy
17. House Raid
18. Garden of Peace
19. Gregory Troye
20. #DatingTheIcePrincess lol
21. Loveless Writers
22. Tale of Two Tragedies
23. Missing Peace
24. Character Adjustment
25. Outlines
27. Type. Edit. Delete
28. Warning
29. Lunch Break
30. So Real, So Good
31. Smut
32. Walwalan Time
33. Roller Coaster Ride
34. Conditioned
35. #WalangMagpapaiyakSaBabeKo
SPECIAL PART
36. Buddy-Buddy
37. Disturbance
38. Drafted Love Story
39. The Nightmare
40. Painstaking
41. Fucked-up
42. Messed Up
43. Heart/Break
44. Foreshadow
45. Babe
46. GT's Main Conflict
47. The Falling Action
48. So Much For My Happy Ending
49. Book Review
50. Hello and Good Bye
Officially His
Gregory Troye Excerpt
The F- Buddies (GT version applied)
Gregory Troye

26. Brainstorming

32K 1.1K 127
By LenaBuncaras

Boss Ayen knew how I work. Ako ang nampe-pressure sa tao at hindi ibang tao ang nampe-pressure sa akin. Kaya nga nakaka-bad-trip talaga na halos kontrolin ako ni GT sa halos lahat ng ginagawa ko as if I were a kid who needs intensive care or else I would fuck everything up.

Wala pang six nang maghanda ako ng breakfast. A little talk with Dad and Mom, and hindi na sila nagtanong kung si Justin na naman ba ang kasama ko today. Instead, I received a "Susunduin ka ba ulit ng boss mo, 'nak?"

"Yes, Dad," I answered in my most tiring tone. "Baka whole day akong wala today. May ira-rush kaming research."

"Tama lang 'yan, para hindi ka laging nakakulong sa bahay mo, Eunice. Bihira ka lang madampian ng init ng araw."

I wasn't sure if they were supporting me with my so-called new job or what. Nevertheless, it was favorable sa part ko.

Nakarinig kami ng busina sa labas ng bahay then a loud shout saying "Papasok na po ako, Daddy!"

Hindi ko talaga alam kung saan kumukuha ng kapal ng mukha 'to si GT e. Iba rin!

May bakod at gate ang bahay ng parents ko, but not the kind of fence na pang-maximum security compound. Four feet tall lang at planks pa. Kayang-kayang talunin ng kahit sinong magnanakaw. But exclusive naman kasi ang subdivision namin kaya display lang ang bakod. Ang bahay kasi mismo ang maraming lock. Sa tagal na naming nakatira dito, never pa kaming na-akyat-bahay—aside from my occasional attempt to get some food from my parent's kitchen. Ako lang yata ang akyat-bahay sa subdivision namin. Anyway, alam na agad ni Vincent na nasa dining room kami. May dala siyang pancakes at isang box ng green tea.

"Good morning, Daddy! Good morning, Mommy!"

Ang cringe tingnan na nakiki-parents siya sa parents ko. Wala ba siyang magulang?

"Dad, ako na lang po ang mag-uuwi kay Eunice mamayang gabi. May research kaming gagawin sa E. Rodriguez. I'll update you po, you have my number naman." Then he smiled as if he were their son asking for permission na sumama sa kaibigan niya.

"Sige, hijo, no problem," sagot ni Daddy.

"Kapagka pinasakit ni Eunice ang ulo mo, magsabi ka agad, ha?" dagdag pa ni Mommy. "Ako papalo diyan para magtanda."

Really? It took Justin a lot of time to get my parents' approval to let me go out with him. 'Tapos si GT, tamang ngiti lang, oo na agad? May gayuma bang pinainom ito sa parents ko para makuha ang loob nila?

Seven sharp, umalis na kami ng bahay. GT was wearing this folded long-sleeved navy blue button-down shirt, black pants na paired sa black leather shoes, and a nice wristwatch. He looked like a real boss. And . . . yeah, I was wearing a T-shirt na may One Piece print sa harap, and jeans, plus white runners, and backpack. Mukha lang akong papasok sa school, kulang na lang ng ID.

Seven in the morning wasn't a good time to travel kung may pasok ka nang maaga. But in our case, wala namang issue roon aside sa aksaya sa gas ang traffic lalo na sa kahabaan ng Fairlane.

At mukhang hindi pa nagbe-breakfast si GT dahil doon na siya sa kotse kumain. Tahimik lang siya, himala. Hindi siya maingay, walang dinadaldal. O baka dahil kumakain siya. But I doubt that. E kahit pa puno ang bibig niya, kaya pa rin niyang magkuwento e.

Nakabukas naman ang music player niya, tumutugtog ang isang OPM song. Ilang OPM lang ang alam ko, and I wasn't familiar sa naririnig ko.

"Parang isang panaginip ang muling mapagbigyan. Tayo'y muling magkasama, ang dati ay balewala . . ."

Parang ang lungkot ng kanta para sa umaga.

"O kaytagal kitang hinintay. O kay tagalkitang hinintay . . ."

Nabo-bore ako. Kinuha ko na lang ang phone ko na kanina ko pang paggising hindi ginagalaw. Nag-aabang ako ng text kay Justin kaso wala na naman. At ang weird ng feeling na hindi ako naiinis. Nakakapanibago, ha.

Nagbukas na lang ako ng mobile data at nag-check ng FB. Hindi pa rin tumitigil ang notification sa post ni GT na naka-tag ako. At ang mas nakakaloka, ang dami ko nang friend requests!

Pag-check ko, puro si GT ang mutual friend, maliban sa ibang friend din ang ibang authors na friend at kakilala ko.

Oh my god. Sorry, hindi ako nag-a-accept ng mga stalker.

Saglit kong sinulyapan si GT. Ubos na pala ang kinakain niya. I tried to check Gregory Troye's FB page for update, and I saw na posted na pala ang upcoming project niya pero hindi pa naman detalyado. Si Admin Desha ang nag-post. New project ahead and collaboration with Althea Doe ang nakalagay. Ang daming reactions at comments. Hundreds na rin ang shares. All of them seemed to look forward to that project. They even asked who Althea Doe was. Well, kung U-Niz ang nakalagay rito, ewan ko na lang kung magtanong pa sila. Ang kalat pa naman ng pangalan ko online bilang tirador ng mga pangit na kuwento.

Sanay naman ako sa pressure sa editorial process, but not in writing. Kasi sa lagay naming dalawa ni GT, we wouldn't hire editors. We would do the editing ourselves.

I knew he was paying for social media managers and admins kaya hayahay siya sa buhay niya. It was unexpected lang talaga na I would be working with Gregory Troye. Dream come true, I thought, hanggang sa malaman kong sakit pala sa bangs ang tao behind GT.

Ang weird talaga na ang tahimik ni GT, hindi ako sanay.

"Hoy, GT," tawag ko. "May problema ka?"

Hindi ako sure kung narinig niya ako or what. Wala namang nakapasak sa tainga niya para hindi ako marinig kahit katabi lang niya ako.

"GT, heard me?" Kinalabit ko na siya at doon lang siya lumingon.

"Oh. Babe. What?"

"May problema ka ba?"

"A, uhm . . ." Hindi siya agad nakasagot. Parang naghanap pa ng sasabihin sa akin pagbalik ng atensiyon sa kalsada.

"Meron?" tanong ko.

"Sorry, babe, nagpa-polish kasi ako ng outline sa utak ko. I can't type that right now"—sinulyapan niya ako—"driving, you know? I avoid distraction. Baka kasi mawala."

A, kaya pala nananahimik. Kawawa naman 'tong nilalang na 'to. Sige na nga, i-assist ko na.

"I'll type it for you," alok ko na lang. Kinuha ko sa bag ang tablet ko para matulungan siya.

Naintindihan ko naman siya. Kapag naman kasi umaandar ang imagination at pinupulido ang idea, nagsi-space out din talaga ako. Some of us tend to stay inside our minds to finish the whole scenario, at dama ko 'yan nang bongga.

"I'll buy your last night's idea," deklara ko na agad. "Game. Strong, independent woman then handsome bummer. How will we start this one? Setting."

"Contemporary romance ang goal ko for the genre, not really erotic. But since sex is very crucial, we'll see what will happen kapag natapos na ang first draft. I want the setting to start sa isang bar."

"Kaya pupunta tayo roon," sabi ko habang nagta-type ng details.

"Independent women—especially, city girls—have this manner na ginagawang outlet ang pag-inom sa bar. To chill . . . recreational actions. Pressured sa work, so pampabawas ng toxicity sa environment."

"That's sad, ha?" komento ko habang iniisa-isa ang keywords ng sinabi niya. "Naghahanap ka ng peace sa alcohol." Tiningnan ko siya. "Then what? She will meet the bummer."

"The bummer is a part-time bartender. Let's say, he's a jack of all trades. Can do almost everything, good at doing those things, but not passionate about working."

"Meaning to say, parang 'I can do amazing things kaso tinatamad ako,' something like that."

"Yeah," he nodded after he glanced at me, "something like that. Ayaw niyang mag-commit sa trabaho."

"So, basically, he's almost perfect, and the two major flaws he has are laziness and being self-absorbed."

Okay, that was a good idea. Overachiever meets underachiever. I think I would buy the possible conflicts.

"After few drinks, sex scene na?" tanong ko.

"Nope. We need a compelling reason for the bummer to go frequently to the bar, same case kay independent woman. I'm thinking about the challenge."

Uy, challenge. Bet ko 'yang mga ganiyang twist. "Try mong i-dare si female lead. Let's say, bummer tried to hit on her, pero since she wasn't that easy to get, he'd pursue her. I-challenge mo siya or his ego. Sabihin nating kay female lead manggagaling na hindi pumapatol si girl sa palamunin or sa walang stable job. So, he'd be forced na maging regular sa work niya just to get the female lead's attention kasi doon lang sila nagkikita nang madalas. Probably, the guy would do everything para lang magpa-impress."

Tumawa nang mahina si GT sa sinabi ko. "Babe, you're going to write from the bummer's point of view, in case I forgot to tell you."

"What?"

No fucking way! Akala ko, ako ang gagawa ng point of view ng female lead because I was the female here, pero bakit lalaking POV ang gagawin ko?

"Babe, I read your audition entry. Mas madali for you ang magsulat ng male viewpoint compared with female's."

Okay, sige, I would admit na mas madali nga for me ang male POV, but the character?

"Nang-iinsulto ka ba?" sabi ko. "Talagang sinadya mo ang character for me, 'no?"

"Babe, I still need your point of view for the female lead. Mina-maximize ko lang ang potential ng styles nating dalawa."

Tse! Dapat talaga, siya na ang pumalit sa posisyon ko sa DCE e. Ang dami niyang alam.

"O, game, back sa topic," sabi ko. "Go ka sa challenge?"

"Collab project 'to, babe. Drop whatever you want for the story."

E di, i-drop. Go sa challenge.

"Ilang attempt ba dapat si bummer kay female lead?" tanong ko pa.

"Depende siguro sa execution, pero maganda kung more than three. Then provide inner conflict kay female lead. Pressure sa work. Or sa family. Or let's say, sa age niya, pressured siyang mag-asawa o magka-boyfriend. Mid-life crisis."

"Pressured magka-boyfriend? 'Tapos pagpunta niya sa bar, guard down siya. Biglang rupok because of the pressure, kaya ilang tungga lang, noong nag-attempt si bummer, bumigay na siya, thinking na once lang naman kaya ayos lang na pagbigyan. Then insert sex scene."

"Okay, act one done."

Ganito mag-brainstorm. Hindi yung ginawa niya kagabing puro pang-iinsulto ang inabot ko.

"Act two?" sabi ko agad.

"Temporary lang si bummer. After ng one-night stand, naghiwalay na sila ng landas. No goodbye, no see you later."

"Hindi naman masasagot ng one-night stand ang personal issue ni female lead dito," sabi ko habang nagta-type.

"Kaya nga she'd go back sa bar to drown her sorrows again. Life cycle niya 'yon."

"'Tapos magkikita na naman sila ni bummer."

"And a little chit-chat. Unusual getting-to-know-each-other moment. Labasan ng personal rants. May gano'n naman talaga, di ba? You need to break somebody's wall first bago kayo magkapalagayan ng loob. That would take too much effort sa side ni bummer kasi strong si female lead. Present na ang development dito both parties."

I smiled and looked at GT. "I'm starting to like this one. Okay, next?"

"Another night for the two. A more intimate getting-to-know-each-other moment."

Sabi na nga ba, erotica talaga 'tong isusulat niya—namin pala.

"You're going to do a repetition here?" tanong ko habang ipinakikita ang screen ng tablet sa kanya. "Bar, drink, sex, work. Life cycle niya?"

"Bummer would earn money sa bar. If he's good at bartending, he could get opportunities. Or let's say, he could be a disc jockey some other time. Or a dancer. Or a singer."

"Or he's an artist talaga. Jack of all trades."

And I saw the shock written on GT's face. "An artist! That somehow suited the bummer life."

"Typecast," sabi ko sabay irap. Por que artist, bummer na? "Hindi pa rin siya pipiliin ni female lead kasi temporary lang siya."

"Character development. She'd eventually fall for the guy na kaya siyang pasayahin sa kama—or let's say, mas gumagaan ang pakiramdam niya kay bummer guy kasi somehow, nakakita siya ng comfort dito. She earns her own money kaya hindi niya kailangan ng lalaking gagawin siyang prinsesa. Kailangan lang niya ng taong sasamahan siya kapag mag-isa siya. Then bummer would change his lifestyle para ma-meet ang standards ni female lead. People change themselves for the person they like, di ba? So, he would even accept the regular bartending job for the female lead. Imagine, yung gagong lalaki na walang ibang iniisip kundi sarili niya, willing magbago para lang sa 'yo."

Tinawanan ko na lang ang last line niya habang nagta-type. "Kaka-telenobela mo 'yan, bruh!"

Pero may point naman, cliché nga lang.

"What's the major conflict?" I asked.

"Man versus society conflict. Na kahit anong gawin ni bummer, sasabihin pa rin ng mga nasa side ni female lead na wala pa rin siyang kuwenta kahit nagbabago na siya. And the female lead couldn't do anything about it because it's true. Never siyang magiging enough sa mata ng mga taong mataas ang standards of success sa buhay. Hindi pa rin kasi trabahong pangmayaman ang bartending. After all those efforts, he'd still be a nobody in the eyes of many."

Ibinaba ko ang tablet ko at tiningnan ko si GT nang maigi. "That's so Gregory Troye of you, man."

Bakit ang hilig ni GT sa man versus society conflict? Ito ang ikinaiinis ko sa gawa niya e. Iniiyakan ko pa naman 'tong part na 'to sa climax hanggang falling action.

"Pipiliin ba siya ni female lead?" tanong ko, and it was too late for me para bawiin ang tone ko na para akong curious reader na naghihintay ng storytelling niya.

Tinawanan lang tuloy ako ni GT saka siya umiling. "Babe, you'll write that, don't ask me."

"E di ba, sabi mo, ako sa POV ni bummer?"

"Pero kailangan ko pa rin ng opinion mo. Magsusulat ka lang ng viewpoint, pero dapat mag-meet ang brainwaves natin. If you were the female lead, pipiliin mo ba si bummer?"

Ayoko ng mga ganitong tanong. Nakakainis kasi parang trap! Siyempre, if I said yes, dapat justified kung bakit yes. If no, dapat justified pa rin.

"I'll choose him," sagot ko na lang.

"Why?"

"He was there noong down na down ako sa buhay ko e—habang nilulunod ko ang sarili ko sa alak. Bakit ako makikinig sa mga taong walang ibang ginawa kundi i-judge ang ibang tao dahil lang sa social status? Noong broken and pressured ako, naroon ba sila to fix me? Wala. Kaya bakit naroon sila to judge me and my decisions? The audacity, ha."

He laughed at me and said, "Easy ka lang, babe. Hindi ako ang kaaway mo. I-type mo lang 'yang rant mo, we'll insert that sa falling action."

Letse siya.

Hindi ko na napansin kung nasaan kami kata-type at kadi-discuss namin ng possible story contents. Bago ko pa matapos ang tina-type ko, nakapag-park na siya sa Sun Mall.

Doon ko na lang sa office itutuloy ang tina-type ko. Ang mahalaga, na-visualize ko na yang gusto niyang mangyari.

And I think I could pull that off.


♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

458K 17.9K 57
Sigourney receives a warning from her fiancé's cousin and best man that proceeding with the wedding would be the biggest mistake of her life. Should...
93.1K 2.4K 7
(Finished) A story about bullying. Don't be blind, you might save someone from dying inside. Cover by: @mariawhyyy
I Saw You By Yen

Fanfiction

237K 11.9K 43
{ Constantine Series: Book 2 } Palagi nalang bang siya ang makikita mo? Paano naman ako? - London Constantine have always had a long list of girls. W...
12.2M 415K 52
All is fair in love and war even among the bekis.