Secret Council

By freyaaesir

32.3K 1.8K 415

Bagong panimula para kay Erica Sheens ang pag tungtong sa college. Pilit niyang itinatago ang kanyang mistery... More

Secret Council Prologue
Secret Council Chapter 1
Secret Council Chapter 2
Secret Council Chapter 3
Secret Council Chapter 4
Secret Council Chapter 5
Secret Council Chapter 6
Secret Council Chapter 8
Secret Council Chapter 9
Secret council Chapter 10
Secret Council Chapter 11
Secret Council Chapter 12
Secret Council Chapter 13
Secret Council Chapter 14
Secret Council Chapter 15
Secret Council Chapter 16
Secret Council Chapter 17
Secret Council Chapter 18
Secret Council Chapter 19
Secret Council Chapter 20
Secret Council Chapter 21
Secret Council Chapter 22
Secret Council Chapter 23
Secret Council Chapter 24
Secret Council Chapter 25
Secret Council Chapter 26
Secret Council Chapter 27
Secret Council Chapter 28
Secret Council Chapter 29
Secret Council Chapter 30
Secret Council Chapter 31
Extra: Secret VAMPIRE council?!
Extra: Secret VAMPIRE council?! ~2~
Secret Council Chapter 32
Secret Council Chapter 33

Secret Council Chapter 7

1K 66 19
By freyaaesir

CHAPTER 7: LOVE OF JACK AND JAKE

Inutusan ako ni sir Renz na kumuha ng halaman sa green house. Siya ang teacher namin sa physics. Malapit ang green house sa puno kung saan kami unang nagkita ni Riku. Binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa garden. Napakaganda ng lugar na iyon. Maraming halaman at mga bulaklak. Nakakarelax.

Kinuha ko ang isang halaman. Hindi ko alam kung anong uri ng halaman ito pero pinapakuha ito ni sir Renz. Gagamitin daw niya ito sa experiment niya.

“We don’t have to do this!” Bulong ng isang lalaki.

Napalingon ako. Malaki ang garden kaya hindi ko agad nakita kung sino ang nagsalita. Ano kaya yun? Dahil sa curiosity, hinanap ko kung sino yon. Dahan dahan akong lumapit sa isang lalaking nakatalikod pero may kasama pala ito. Napilitan akong magtago sa likod ng mga halaman dahil biglang lumingon ang lalaki.

“What’s wrong Jake?” tanong ni Jack. Nakita ko ang kambal na sina Jack at Jake na naguusap. Malungkot ang mga mukha nila. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba sila o hindi.

Bigla ko kasing naalala ang sinabi ni Greg sa akin. Hindi sa lahat ng pagkakataon makakatulong ka sa iba Erica. May mga bagay na hindi na natin pang kailangang pakealaman.

“Tama na to Jack. Matagal na siyang wala.” Sabi ni jake.

“Hindi ako naniniwala. Nakita ko siya last month. Alam kong buhay pa siya.”

“Please Jack, magkasama tayo noon diba? Nakita natin pareho kung paano namatay si Vanice. She’s not coming back!”

“Shut up Jake, kitang kita ko. Ngumiti pa nga siya sa akin nang makita ko siya. Soot niya ang scarf at ang Jacket na regalo natin sa kanya. Alam ko siya yon.”

Ayokong makialam sa buhay nilang magkapatid. Ayokong makagulo pa. Aalis na sana ako pero natalisod naman ako. Bigla akong nadapa. Napatingin naman sa akin ang kambal.

“Anong ginagawa mo dito Erica?” Tanong ni Jake.

“Nakikinig ka ba sa pinaguusapan namin?” Tanong naman ni Jack.

“Naku hindi. May pinakuha lang sa akin si sir Renz. Heto nga pal— Oh my Gosh!“ Nagulat ako. Nabasag na pala yung hawak kong paso. Nasira din ang halaman. Patay!

Tinulungan naman nila akong ayusin muli ang halaman at inilipat namin ito sa ibang paso. Ngumiti si Jack sa akin. Nakangiti man siya pero ramdam ko sa mga titig niya, malungkot parin siya. Dahil ba iyon kay Vanice? Sino ba iyon?

“Sorry ulit. Masyado lang talaga akong clumsy eh.” Sabi ko.

“It’s okay Erica.” Sabi ni Jake. Nakatulala naman si Jack. Lalapitan ko sana siya pero pinigilan ako ni Jake. Malungkot si Jake pero mas malungkot si Jack. Lumabas na lang kami ni jake ng garden.

“I know kanina ka pa nakikinig sa usapan namin.” Sabi ni jake.  “Alam ko kung kelan ka pumasok ng garden, at nang kunin mo ang halamang iyan.”

Tumahimik ang paligid. Hindi parin lumalabas si Jack. Nag buntong hininga naman ni jake. Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Nagtext na si Sir Renz at hinahanap na niya ang halamang pinakuha niya sa akin.

“Naku Jake, pasensya na ulit ah? Hinahanap na ako ni sir Renz. Dadalhin ko na ito sa office nya. Mauna na ako ha?" Nagpaalam na ako kay jake. Tumango lang siya at ngumiti. Umalis na rin ako pagkatapos.

---------------------------------------------------------------------

(kinabukasan…)

Maingay na naman sa classroom namin. Siyempre nangunguna sa kaingayan sina Greta, Lhea at Karen.

“Absent daw sina Jake at Jack ngayon. Bakit kaya?”

“kaya naman nilang humabol eh. Matalino naman sila eh.”

“Pero diba sabi nila dati gusto nilang maperfect ang attendance? Nagpustahan kasi sila ni Greg noon.”

“oo naaalala ko nga iyon.”

“maalala ko lang, nakita ko nga pala sa Jack na may kasamang batang babae. Elementary student yata.”

Bata? Hindi kaya ang tinutukoy nila ay si Vanice? Yung sinasabi ni Jack na nakita niya ulit? Pero sabi ni jake, patay na daw iyon.

“Teka, yung tinutukoy niyo bang bata ay may suot na scarf at naka Jacket?” Tanong ko.

“Oo bakit? Nakita mo din ba sila? Fan ka din nila? Pwede kang sumali sa fans club namin kung gusto mo.” Sabi ng isa kong kaklase.

“Tama. Malapit kasi sila sa iyo eh. Siguro kung sasali ka sa amin baka pansinin din nila kami.” Sabi naman ng isa. Nagngitian at nakipagusap na sa akin halos lahat ng mga babae sa klase namin.  Mahirap pero tinakasan ko na lang sila. Absent tuloy ako.

Pupunta na lang sana ako sa library pero nakita ko si Greg at si jake na naguusap. “Imposible ang sinasabi mo.” Sabi ni Greg.

“Totoo yun kuya Greg. Lumayas si Jack. Sabi ng mga nakakita sa kanya may kasama daw siyang bata na may suot na scarf at leather Jacket na brown.”

“You mean…”

“Yes. Si Vanice. Pero imposible talaga. Kitang-kita ko kung paano siya nasunog noon."

“teka, just think of it, kung noong elementary ninyo pa ibinigay kay vanice ang Jacket, paanong nagkasiya parin ito sa kanya after so many years?”

“yan nga din ang ipinagtataka ko. But, Jack was so blind in regards to vanice.”

“Greg, Jake!” sigaw ko. “Isang elementary student ang kausap ni Jack. Bata parin ang nakita niya."

“What do you mean?” tanong ni Jake.

“Hindi tumanda si Vanice?” tanong ni Greg.

“I don’t know. Narinig ko lang na pinag-uusapan ang pag absent nina jake at Jack. Tapos, sabi ng classmate ko, nakita daw niya si Jack na may kausap na batang babae noon. Elementary student na naka scarf at Jacket."

“Oh my gosh. This is Ridiculus.” Sabi ni Jack. Tumakbo siya palayo. Hahabulin ko sana siya pero pinigilan ako ni Greg.

“Let us handle this Erica.” Sabi ni Greg. Ngumiti siya at naglakad papalayo.

Sinundan ko siya hanggang sa tapat ng student council office. Bago siya pumasok, nagsalita muna siya. Hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong ako ang sinabihan niya.

“Hayaan mong kami na lang ang umayos nito. You’re not yet part of us, Erica.” Anong ibig niyang sabighing I’m not yet part of them? Ang pagiging Student council officer ba ang tinutukoy niya? Kailangan bang maging officer pa ako para makatulong sa iba? Hindi ko siya maintindihan.

“Do not be confused. We are like family and as long as you’re not yet part of the council, wala kang dahilan para makialam.” Sabi ni Stephen na nasa likod ko.

“Bakit ba kung saan saan ka sumusulpot?” tanong ko. “bakit ba pinipigilan ninyo ako. Masama bang tumulong sa iba? Hindi ko kailangang maging myembro ng council para makatulong.”

“Gaano mo ba sila kakilala? Ilang beses na ba kayong nagkausap? Wala ka pang alam sa kahit ano.”

“Fine, bahala kayo.” Sabi ko. Nakakainis. Mabuti nga tumutulong ako eh. Masyado silang ma-pride. So what kung outsider ako sa buhay nila? Ano bang masama sa ginagawa ko. Ano pa bang kailangan kong malaman?

Umalis na si Stephen. Umalis na rin ako. Nagpalipas ako ng oras sa library hanggang sa umuwi na rin ako. Nadaanan ko ang park kung saan ibinigay ni Riku ang Necklace na kinuha naman ni Stephen. Nakalimutan ko nang itanong sa kanya kung bakit nya kinuha iyon.

Wala ka pang alam sa kahit ano. Tama siya. Napakarami ko pang katanungan. Isa na rin doon ang pagpilit nila sa akin na sumali sa Student council.

“Wala nga akong alam sa kanilang lahat pero may karapatan naman akong tumulong kahit kanino hindi ba? Haay…” Naglalakad ako nang makasalubong ko ang isang bata. Nakatayo ito at nakahawak ang isa niyang kamay sa puno. Nakatitig ito sa akin.

Nakakatakot ang mga mata nito. Hindi siya galit pero hindi rin siya masaya nang makita ako. Inangat niya ang kamay niya at pinalapit niya ako sa kanya. Nilapitan ko siya at nginitian niya ako. Yumuko ako para marinig ang nais niyang sabihin.

 “Alam ko ang mga sagot sa mga katanungan mo.”

Nabigla ako sa sinabi niya. Tumayo ako at napaatras. Napansin ko ang suot niyang damit. Naka scarf siya at naka Jacket. “Vanice?” Tanong ko. Umiling ang bata. Hinawakan niya ang kamay ko at hinihila niya ako.

“Erica!” sigaw ng isang pamilyar na boses. Napalingon ako. Nakita ko si Riku na tumatakbo papunta sa akin. Tinignan kong muli ang bata pero nakakapagtaka at nawala ito bigla. Tinignan ko uli si Riku pero bigla niya akong hinigit papunta sa kanya.

“Teka nga. Ano ba yon?” Tanong ko. Binitiwan na ako ni Riku.

“That girl...”

“Nawalang parang bula ang bata.. Sino ba siya?” Tanong ko ulit.

“Basta. Halika na nga.” Hinawakan niya ang mga kamay ko at naglakad kami.

“Teka nga muna. Bakit mo ba ako laging pinapakealaman? Ah! alam ko na! May gusto ka sa akin ano? Sabi ko na nga ba. Kaya pala una palang tayong magkita kinukulit mo na agad ako.”

“In your dreams!. Ayoko sa tulad mong makulit. At isa pa, kaya lang naman kita kinausap noon ay dahil sabi ng school director kailangan mong sumali sa council."

“Ah, kunwari ka pa.” Hahaha sa wakas nakakabawi na rin ako dito!

“Tigilan mo nga ako. Maraming mas maganda sa iyo at mas mabait sa iyo na nagtatapat sa akin. Isipin mo nga. Kung sila hindi ko pinili, ikaw pa kaya?”

“anong pinaparating mo? Na pangit ako? Ang kapal mo din ah?”

“Do not dare FALL IN LOVE with me. Okay? Masasaktan ka lang. Sorry.”

“Sorry ka din kasi hindi ako maiinlove sa iyo kahit lumuhod ka pa sa harap ko.”

“Okay. Buti na yang nagkakaintindihan tayo. Sya nga pala, nakita na namin si Jack. Kasolukuyang nasa school siya ngayon.”

“Ano pang ginagawa natin dito? Tara na.”

“Ihahatid na kita sa bahay mo.”

“What? Pero--” Hinila na ako ni Riku at sumakay sa motor niya. Wait? May motor siya? Ha-Ha hindi halata.

"Kumapit ka." Utos niya. kumapit naman ako sa damit niya. teka pano ba kasi sumakay sa motor?? san ang seat belt?? baka mahulog ako!

"Ano ba yan? Ayusin mo! Ganito." Hinawakan niya ang pareho kong kamay at iniyakap sa tiyan niya.

*Gulp!*

*Lub-dub Lub-dub*

Ilang saglit lang at pinaandar na rin niya ang motor. Hindi ko akalaing marunong pala siyang mag motor! Makalipas lang ng ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay.. Naiinis parin ako sa kanya kaya pagkababa ko ng motor ay nagmadali na rin akong pumasok sa bahay at isinara ang pinto. Umalis na rin si Riku pagkahatid niya sa akin.

 -------------------------------------------------------------------------

(Kinabukasan...)

Absent ang buong student council. Bakit kaya? Hindi ba nakita na nila si Jack? Ano pa bang ginagawa nila ngayon?

Natapos na ang mga klase ko at pauwi na rin ako. Gabi na pero hindi ko manlang nakita kahit isa sa kanila. Tumunog ang phone ko. Unknown number. Sinagot ko naman.

“Erica? Jack to. Sabi ni Vanice nakita ka daw niya kagabi. Gustong gusto ka niya. Sabi niya gusto ka daw niyang makalaro.” Medyo magulo ang linya sa kabila at garalgal ang boses.

“What? Jack akala ko ba nasa school ka na kagabi? Nasaan ka ba? Kasama mo ba ngayon si Vanice?”

“Oo. Kaso ayaw niyang ipasabi kung nasaan kami ngayon."

“Please Jack. Sabihin mo kung nasaan ka.” Tanong ko. Siguro kaya hindi ko sila nakita buong araw ay dahil hinahanap nila uli si Jack.

“Okay, since nagustuhan ka ni vanice, bibigyan kita ng clue. Nasa isang abandonadong lugar kami. Sige, antayin ka nalang namin. Bye.” Binaba na ni Jack ang phone.

Masama ito. Kailangan ko siyang makita. Parang wala siya sa sarili niya. At si Vanice, may kakaiba sa kanya. Inilayo ako ni Riku sa kanya. Bakit kaya?

Pinuntahan ko lahat ng alam kong lumang building pero hindi ko talaga makita kung nasaan sila. Madaling araw na nang makita ko si Jake na nasa tabing ilog. Umiiyak siya.

“Jake.” Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

“Erica.. hindi ko parin siya makita.” Sabi nito.

“Shh… tahan na.” niyakap ko si Jake.

“Bakit kailangan pa niyang pagdaanan ito ulit? Bakit kailangan pang magpakita ng batang iyon?”

“Si Vanice ba?”

“Hindi si Vanice ang batang iyon. Naloko niya ang kapatid ko pero hindi niya magagawa sa akin iyon.” Hala? anong ibig niyang sabihin?

“Ano bang nangyari at masyadong apektado si Jack kay Vanice?”

Ikinuwento sa akin ni Jake kung anong nangyari noon at kung bakit masyadong naapektuhan si Jack.

***********************************************************

Si Vanice McLeine. Matalik na magkakaibigan kaming tatlo. Grade 6 kami noon, 12 years old samantalang kami naman ay 8 years old. Advanced na ang mga subjects namin because of our high IQ.

Magkaibigan din ang mga magulang namin kaya naman madalas din kami magkita. Palagi kasing nagkikita ang mga parents namin.

One day, iniwan kami ng parents namin kina Vanice. Noong gabing iyon din, pinatulog muna ni Vanice ang kapatid niya sa kabilang kuwarto. Nang sigurado na si Vanice na tulog na ang kapatid niya, naglaro naman kami sa living room.

Nagulat kami nang biglang may sumabog. Pumunta kami sa kwarto ng mga magulang niya kung saan galing ang pagsabog. nakita namin kung paano tupukin ng apoy ang mga magulang ni Vanice.

Pilit lumalapit si vanice sa mga magulang niya pero pinigilan naman namin siya. Pinuntahan namin ang kapatid niya pero sunog na rin ito. Nakita naming abo na ang kama niya pati ang iba pa niyang mga gamit. lumabas na rin kami ng bahay para iligtas ang aming sarili. Tumatakbo kami ni Jack. Nasa likod lang namin si Vanice.

Nang makalayo na kami, biglang may sumigaw. Nanggaling ang boses sa loob ng bahay. Sinisigaw nito ang pangalan ni vanice. Tumakbo si vanice pabalik sa nasusunog na bahay. Inililigtas siya ni Jack pero biglang may sumabog ulit.

Tumilapon si Jack palayo habang si Vanice naman ay natupok din ng apoy. Unti-unting nasunog si Vanice habang humihingi ng tulong kay Jack. Naabo si Vanice kasabay ng pagbagsak ng bahay nila. Dumating ang mga bombero pero wala na ang buong pamilya nila.

***********************************************************

“May ideya ka ba kung sino ang batang nagpapakita kay Jack?” tanong ko. Hindi sumagot si Jake.

“Jake, tumawag sa akin si Jack.” sabi ko.

“What? Anong sabi niya sa iyo?”

“Kasama niya ang bata. Sabi din niya nasa isang abandonadong lugar daw sila. Pinuntahan ko lahat ng abandonadong building dito pero wala sila doon.”

“Abandoned place? Hindi kaya--” Bigla akong hinigit ni Jake.

“Saan tayo pupunta?”

“Sa bahay ni Vanice.”

Continue Reading

You'll Also Like

23.5K 677 22
Jella Gracias Funtella never backs down from a challenge. Isang game sa lahat na babae, walang inuurungan-until her friends dare her to do the imposs...
81.2K 3.8K 38
Mula sa masakit na breakup nila ni Haru, nagdesisyon si MK na magturo sa ibang paaralan para makaiwas sa kahihiyang dinulot ng naudlot niyang kasal...
268K 7.8K 64
Ang "campus crush" ng St. Aedan High - Zein Carlo Eskribano ay pabaya sa kanyang pag-aaral at inaasikaso lamang ang kanyang relasyon bilang isang boy...
343K 6K 38
COMPLETED || Unedited She was the student council president. One day she met Dark, and of course, it's too obvious on what will happen next. Either...
Wattpad App - Unlock exclusive features