The Bride of Lucifer

By LunoxGoddess

5.6K 274 113

After being exiled from heaven together with one-third of the angels, Lucifer bacame the ruler of hell. For t... More

Prologue
Chapter 2: The Flower of Hell

Chapter 1: The Bride

1.2K 77 19
By LunoxGoddess

"I'm sorry miss Martinez but you are now expelled."

"What? Bakit naman ma'am?" tanong ko sa principal namin. Nakaupo ako ngayon sa single couch dito sa office nya habang may apat naman na babaeng nakaupo sa kabila at lahat sila ay maga ang mukha.

"Seryoso ka ba talaga sa tanong mong 'yan Sabrina Martinez? Nakatatlong warning na ako sayo pero mukhang mahaba na 'yang sungay mo. Just look what you did to them!" turo nya sa apat sa tapat ko.

"Ouch ang harsh nyo naman ma'am.
But like I said wala akong ginawa sa kanila. Sila ang nagsapakan at audience lang ako."

"Audience ka lang? Pero nandon ka sa gitna kasama nila at nagchi-cheer pa."

You don't know kasi the pleasure of the devil pag may nakita kaming nag-aaway o gumagawa ng masama.

"Eh ma'am binuhos nya sa 'kin yung spag na kinakain nya. Kinausap ko lang sila sandali tapos biglang nagsapakan na."

Mas lalong kumunot ang noo nya at panay pabalik-balik ang tingin nya sakin at sa apat na babae sa tapat.

"Whatever. Last offense mo na to and you have been warned. Kaya you're now expelled. Now get out of my office!"

Nag smirk nalang ako at binitbit ang bag ko paalis. Narinig ko pa ang mahinang bulungan ng apat.

"Ghad! I can't believe that we dated the same guy at the same time."

"Yeah right. We dated every sunday pa naman since yun lang daw ang free time nya."

"Really? Ako every monday."

"And I'm on tuesday."

"I'm on wed. Wait..."

And the rest follows. Muli na naman silang natahimik at nagtitigan. Pft.

Malakas kong pinatugtog ang stereo ng kotse ko habang tinatahak ang highway. Joyride nalang muna ako ngayon tutal wala rin naman akong papasukang school. Lahat ng highschool at academy dito blinack list ako eh. I don't know why. They say that I always cause trouble pero mukhang di naman ganon ang tingin ko.

"I'm boooorrreeeddd!" sigaw ko tsaka nag head bang dahil narin sa music.

Hmm... Pumunta kaya ako ng ibang dimension? The mortal realm is getting boring pero mas bored ako dun sa hell. Like araw-araw mong nakikita ang mga kaluluwang nagmamakaawa na iligtas pa sila like duh, once you enter hell there's no hope. It's not our fault kung napunta sila dun. It's their choice. Kaya ang boring dun eh so lumayas ako.

At maliban pa dun ikakasal pa daw ako kay Lucifer? Ugh, at sinong may gustong ikasal kami sa isa't-isa? Ewan. Basta ikakasal raw kami and it's not like we've met each other personally so no. Sya yung kumbaga Heneral namin noon sa langit bago pa kami hinulog and I'm only one of his subordinates but it's not like that na papayag nalang akong ikasal sa kanya. He's a devil and I'm a cuuuuteee angel. Napagkakamalan nga akong elementary minsan kasi ang cute ko daw hehe.

Tumigil ako saglit sa isang mall dito sa Pasay. Gusto kong mag shopping at mag chill nalang muna. Tsaka dito narin ako maliligo. Ayokong umuwi sa apartment ko. Bababa na sana ako nang may naramdaman akong 'evil' intent dito sa paligid.

Ohhh I love this~

"Miss holdap to. Bigay mo sakin wallet at selpon mo." sabi ng lalaking naka itim na hoodie at facemask. Nakadungaw sya sa bintana ng kotse ko habang may nakatutok saking baril.

Napatingin ako sa security guard ng parking lot at mukhang kasama nya pala.

"Bakit ko naman ibibigay sayo?" tanong ko. Mukhang nagtaka naman sya.

"Kasi holdap to."

"So pag holdap required na ibigay ang wallet at cellphone? Pwede bang ako nalang? Hihi."

Nakita ko ang gulat sa mata nya pero di sya nagpatinag.

"Umayos ka kung ayaw mong kumalat yang utak mo dito."

Kinilig sya ayiieee.

"Sige nga barilin mo ko."  sabi ko at kinindatan pa sya.

"Huwag mo akong subukan babae. Ibibigay mo ang hinihingi ko o pasasabugin ko yang ulo mo?"

Tumawa ako tsaka kinuha ang bag ko sa passenger seat, "Fine, fine. Ito na."

Alam kong nakangisi na sya ngayon habang inaabot ko na sa kanya ang phone tsaka wallet ko. Pero syempre echos lang to.

"Anong---"

"Holdap 'to. Bigay mo sakin yang hawak mo." sabi ko nang nakangisi. Baliktad na ang sitwasyon ngayon. Nasa labas na ako ng kotse habang nakatutok ang baril na kanina lang na hawak nya sa kanya. Sya ngayon ang may hawak ng phone at wallet ko.

"P-Paanong---pero nasa loob ka lang kanina at---"

Dahan-dahan kong nilagay ang hintuturo ko sa bibig nya upang patahimikin sya.

"I know your secret." ngumisi ako. "You're an underling of a small syndicate and that security guard over there is your senior. You are forced to do illegal things because you're desperate to cure your mother who's now struggling in the hospital because of cancer. Am I right?"

Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata habang unti-unting napaatras, "S-Sino ka?"

"Haha me? I'm a fallen angel."

Bigla syang umiling at natatawa pa. "Baliw ka na."

"You think so? But let me advice you human. Change before it's too late. If you don't, you'll see me again." ngumisi ako at kita ko ang pamumutla nya.

"W-wala akong choice. Kailangan ko 'tong gawin para sa kanya." sabi nya sa nanginginig na boses.

"There's always a choice. God created humans with the freedom of choice. Bata ka pa, kompleto naman ang kamay at paa mo, yet you humans choose the path na sa tingin nyo ay mas madali. Tapos kung saan huli na saka na mag makaawa pag sa impyerno na. Ugh."

Pinasok ko ang baril sa bulsa ng jacket nya at naglakad na paalis. Tulala parin sya. Iniwan ko na sa kanya ang phone tsaka wallet ko. Bibili nalang ako ng bago. Ugh, what a hassle.

Dumiretso ako sa department store at namili ng mga damit. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa isang spa para maligo at mag relax. Where did I get the money? O please, the bride of Lucifer never runs out of money.

Tsaka I made up my mind. I should travel to other dimensions and explore other creatures created by our Father up there. Mortal realm seems so boring. Besides, anytime baka sunduin na ako ng halimaw na yun at kaladkarin na ako pabalik sa impyerno. Ayoko ngang umuwi!

Bumalik na ako sa kotse ko at nag drive kung saan dadalhin ako ng manibela ko. Pumasok ako sa isang subdivision though wala akong idea kung anong gagawin ko dito. I saw a girl walked passed by my car. May hawak syang envelope at napangisi ako when I sense something from that letter. I guess its what humans call, "magic." Looks like someone will become a protagonist in a fantasy academy school.

"Hey kid!" tawag ko sa highschool girl. Tinaasan nya ako ng kilay at tinignan from head to foot. Nakasandal ako sa kotse ko at naka highschool uniform pa.

"Kid? From the looks of you magkaedad lang tayo. Mukhang mas matanda pa nga ako sayo."

I giggled, "Oh darling, you know nothing."

"So? Anong kailangan mo?"

I gave her an amused look. I like this girl. Palaban sya. "Give me that envelope."

Muli nya akong tinaasan ng kilay, "Sira ulo ka ba? This envelope is an invitation of the most prestigious---what the hell?!"

Hindi na nya natapos ang sasabihin nya nang makitang hawak ko na ang letter.

"Thanks." I said as I get into my car at pinaharurot paalis.

Binagalan ko na ang pagpapatakbo ko nang makalayo na ako sa subdivision. I opened the letter and read its content.

"Hmm.. Valhalla High? Not a bad name." I uttered to myself.

"Duh, it's the most prestigious magic school in the parallel world so of course its not a bad name." nagulat ako nang may nagsalita mula sa backseat only to find out na its that girl from earlier.

"How did you get here?" tanong ko, still amused.

I saw her rolled her eyes tsaka nag cross arms mula sa rear view mirror.

"Teleportation. Duh, I wouldn't have that invitation if I don't have magic."

I chuckled, "Makes sense."

"So? Are you going to give it back to me or what?" mataray na paring sabi.

"Not gonna happen. I'm going there by myself. Now if you don't mind kindly get your ass off my car."

Bigla syang humalakhak mula sa likuran kaya napatingin ako sa kanya mula sa rearview mirror. Nag d-drive parin ako.

"Pft! You sounded like an old lady."

"Shut up."

"Seriously? How old are you? Sixteen? Seventeen?"

Tumawa ako, "Oh darling, I'm older than you think."

"Lol baliw. Akin na yan." seryoso nyang sabi.

"Humingi ka nalang ulit ng copy. Tutal pinadala naman nila yun para sayo." sabi ko.

"Ikaw kaya humingi? Ikaw may gustong pumasok dun ng sapilitan diba? Alam mo bang pag ang school na mismo ang nag invite sayo ay libre na lahat? No more entrance exams, may board and lodging pa with foods and monthly allowance. Pati miscellaneous andon na. All you have to do is study and aim to reach their standards." she explained.

"At kahit kunin mo man mula sa akin ang letter na yan, malalaman at malalaman parin nila na hindi sayo yan." confident nyang sabi habang may sumilay na ngiti sa kanyang labi.

Agad akong napa-preno ng malakas at dahil wala syang seat belt, nasusob sya sa harapan. Buti nga.

"Anong sabi mo?"

"What the hell is wrong with you?!" bulyaw nya habang hinihimas ang ulo nyang nagkabukol yata.

"So it means wala parin palang kwenta ang letter na 'to." sabi ko at tinapon nalang palabas sa kotse yung envelope.

"Hey!" sigaw nya at agad lumabas ng kotse para kunin yun.

Ugh, so I'm not allowed to go there. Edi sa ibang dimension nalang ulit? Pero nakaset na kasi na dun ako pupunta eh. Once kasi na naka decide na akong pumunta sa isang lugar, pupunta talaga ako dun kahit anong mangyari. Even if it means cheating. Lol, evil laugh.

"Sira ulo ka talagang babae ka! Sarap mong ipalapa sa mga demonyo alam mo yun?" nakadungaw na sya ngayon sa bintana ko at masamang nakatingin sakin. Di nya alam isa ako dun.

"If you really want to go there that badly, you can take their entrance exam. But well, I can say that it's the gateway to hell." nasa loob na sya ngayon ng kotse ko and acted like nothing happened.

What? Gateway to hell? Edi ibig sabihin pag pumasok ako dun hell na? So nandon si Lucifer? I just left hell! Ayoko pang umuwi.

"O ba't namumutla ka dyan? Don't tell me takot ka? Hahaha! Kala ko ba matapang ka?"

"You said it's the gate way to hell." sabi ko.

"Duh, it's just a metaphor. What I'm saying is hellish yung exam nila dun because only few people survived."

Parang nakahinga naman ako ng maluwag. Wew, akala ko...
Ayoko pa namang makita ang nakakairitang mukha ni Delilah.

"I'm still going." sabi ko at pinaharurot ang kotse.

"You mean you're going to take the exam?" gulat na tanong nya.

"Yeah."

"Sabi nila once na ma survive mo raw ang test which is sa pagkakaalam ko ay parang impyerno sa hirap, ay isa ka na rawng demonyo. Mamaw sa lakas. And I doubt that you'll survive it. I mean look at you. You look so innocent and fragile na malutong mag mura."

Napahalakhak ako habang tinatahak ang malubak na daanan at puro kakahuyan. Mukhang malapit na kami.

"Talaga? Wish me luck then so I won't turn into a demon." sabi ko at ngumiti.

   
  
😈😈😈
  
  
A/N: Vote and Comments are highly appreciated hehe.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 184K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
28.8K 795 59
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
103K 3.3K 46
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation...
4M 190K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...