"You need to extract them now 3D. Sinabi ko na sayo yan," galit na sabi ni Liam sa dalaga.
Nasa isang hideout sila habang nirereport ni 3D ang nangyayari kay Cassie sa loob ng monasteryo.
"No Liam. Hindi pa panahon ngayon. At isa pa malapit ng matapos ang dalawang linggo ni Cassie sa loob bakit hindi na lang natin tapusin at paglabas ni Cassie doon saka natin kunin si Cathy," bwelta ni 3D.
"Bakit ko pa hihintayin na matapos ang period na yan? Narinig mo diba? Hindi niya alam kung nasaan si Gary. Wala ng ibang impormasyon na makukuha si Cassie sa kanya so why prolong? Oras na nandito na sa atin si Cathy tiyak lalabas na si Gary," paliwanag niya kay 3D.
Ayaw nitong pumayag sa gusto niya na kunin sa monasteryo ang dalawa. Hindi daw papayag si Cassie dahil sinusubukan pa nitong alamin ang iba pang impormasyon tungkol kay Gary pero ganun pa rin naman dahil mukhang wala na talaga itong koneksyon sa lalaki ngayon.
"Masisira ang tiwala ni Cathy kay Cassie hindi mo ba naiintindihan yun?" inis na sabi ni 3D sa kanya.
"3D calm down. As much as I hate to say this pero dapat na nga siguro natin silang kunin. Tumatakbo ang oras baka nga may nagmamatyag na kay Cathy na hindi natin alam or else kay Cassie. Nandito sa loob ang traydor kaya hindi natin alam kung may nakasunod kay Cassie or baka may nakakaalam na, na wala talaga siya sa Maynila," sabi naman ni Jayson na tiningnan lang ng masama ng dalaga.
"Wala talaga kayong pakiramdam lahat. Hindi nyo man lang ba inisip ang kapakanan ni Cassie," asik nito.
"We are concern about her. And theres no other option. Ngayong positive na si Katya ay si Cathy ibig sabihin nanganganib ang buong monasteryo laban kay Gary. We should act fast," dagdag naman ni Noah.
Naupo na lang sa isang tabi si 3D hindi nakakibo. Sinipa-sipa nito ang gulong na nasa tabi nito.
"You decide Captain. Final decision mo pa rin naman ang masusunod," sumusukong sabi ni 3D at inabot sa binata ang cellphone na siyang may contact kay Cassie.
Napabuntong-hininga si Liam bago inabot ang cellphone. Tiningnan niya ito ng mabuti at humarap kay 3D.
"Hindi siya mapapahamak. Hindi ko mapapayagang mapahamak siya more than anyone else."
Napatingin na lamang ang lahat ng lumabas siya ng hideout.
****
Mag aala-una na ng madaling araw ng magvibrate ang cellphone ni Cassie. Isa lang naman ang caller niya, si 3D. Tumayo siya at siniguradong nakalock ang pinto at pumasok sa loob ng close-in closet. Ito na ang ginagawa niya kapag may tawag siya galing sa mga kasama sa takot na baka may makarinig sa kanya, mabuti na lang at may signal pa rin sa loob.
"3D napatawag ka. May problema ba?" nag-aalala niyang tanong. Kinakabahan talaga siya kapag tumatawag ito sa takot na bad news ang sabihin nito.
"Bianca,"
Biglang nanglamig ang buo niyang katawan pagkarinig sa boses na yon. Halos isang linggo na rin niyang hindi naririnig iyon.
"Bianca are you there?" tanong nito na nagpabalik sa kanya sa katinuan.
"Y-yes. L-liam napatawag ka?"
"How are you? "
"M-mabuti," nauutal niyang sagot. Heto namiss ka, gusto sana niyang idugtong.
"Good. Coz I have a very important matter to say to you. Its about Cathy."
Bigla siyang kinabahan pagkabanggit sa pangalan nito.
"What about her?"
"We need to extract the two of you from your location tomorrow afternoon."
Kulang pa ang salitang natigalgal sa sinabi nito. Anong pinagsasabi nitong ie-extract na sila. May isang linggo pa bago matapos ang misyon niya kahit hindi niya alam kung paano matatapos ito.
"Anong ibig mong sabihin? Bakit kailangan pati si Katya I mean si Cathy ay ie-extract din?" mahina pero klarong tanong niya kay Liam.
"Bukas ko na ipapaliwanag sayo. Ini-inform lang kita para hindi ka na magulat bukas."
"No! You explain it to me now Liam. Akala ko ba kukuha lang ako ng impormasyon sa kanya? What happen to that? Hindi ako papayag na gamitin mo siya laban kay Gary. Nagtatago na nga siya mula sa hayop na yon eh," inis niyang sabi sa binata.
"Im not asking for you opinion Cassie. You should follow orders. At pagkatapos nito maiintindihan mo rin kung bakit ko ginawa ito. Mas gugustuhin mo bang mapahamak ang lahat ng nandiyan dahil for sure hinahanap na si Cathy ni Gary at anytime soon makikita na siya."
"You dont understand Liam. Please don’t do this to me. Pinagkakatiwalaan ako ni Cathy," nagmamakaawa niyang sabi rito.
"I understand Cassie. Pero sinabi ko na sayo diba hindi ka dapat magkaroon ng emotional attachment sa subject mo, it would compromise the whole operation. Just rest Cassie. And see you tomorrow."
"Wait, Liam, sandali," natataranta niyang tawag rito pero pinutol na nito ang tawag.
Sinubukan niyang idial ito pero naka off na iyon. Napasubsob na lamang siya sa kanyang palad, napaiyak siya sa inis kay Liam.
Paano pa niya haharapin si Cathy pagkatapos ng lahat ng ito. She cried more the whole night. Liam can be so ruthless sometime. Wala talaga itong pakialam sa nararamdaman ng iba para lang sa ikabubuti ng operasyon. And she hates him for that.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Namamaga pa rin ang mata niya pero wala siyang pakialam. Wala naman kasing nangangahas na magtanong sa kahit sino sa loob. Pinagluto niya ng agahan ang lahat. Nalulungkot siya sa isiping huli araw na niya iyon sa monasteryo. Hindi pa rin sumasabay si Katya sa kanila kaya ginawan niya ito ng ibang agahan at hinatid sa kwarto nito. Bago makaakyat ay biniro pa siya ng mga kasama at ni Sister Fatima.
"Ako’y kinakabahan sa kinikilos mong bata ka. Aalis ka na ba kaya ang dami mong niluto para sa amin?" alam niyang biro lang iyon pero nakikita niya ang pag-aalala sa mga mata ng madre.
"Si Sister naman. Sinipag lang po akong magluto ngayong umaga. Huwag po kayong mag-alala kung maisipan ko man pong umalis tiyak babalikan ko po kayo," sagot niya rito.
"Sana araw-araw kang sipagin Bea para araw-araw masarap ang pagkain eh nakakasawa na rin kasi minsan ang luto ng mga kasama natin na trying hard magluto," biro ng isang babae sa kanya.
"Oo nga naman. Eh mukhang likas na sayo ang pagiging kusinera eh napakaswerte ng magiging asawa mo kung sakali Ineng," sagot naman ng isa na nginitian lang niya.
"Hangga’t nandito ako, ipagluluto ko kayo lagi," sabi niya na nalulungkot sa kaisipang lilisanin na niya ang monasteryo. "Sister dadalhin ko lang to sa taas ha. Kain lang kayo."
Tumango lang ang mga ito dahil alam na nitong si Katya ang pagdadalhin niya ng pagkain.
Mabigat ang loob habang papunta sa kwarto ni Katya. Paano niya haharapin ang babaeng itinuturing na siyang parang kapatid. Mahina siyang kumatok sa pinto nito. Ilang sandali lang ay pinagbuksan siya nito ng pinto. Nagtataka ang mukhang napatingin sa kanya.
"Breakfast delivery Katya," nakangiti niyang sabi rito na itinaas ang dalang plato. Simple lang naman ang niluto niya. Fried rice, hotdog at sunny side up egg.
"Anong meron? Ikaw ba ang nagluto nito?" nagtatakang tanong nito sa kanya.
Pumasok na siya sa loob at nilapag sa mesa ang plato, nagtataka pa ring sumunod lang si Katya matapos isara ang pinto.
"Wala lang. Sinipag lang akong magluto. Nanaginip kasi ako kagabi na sinundo daw ako ng nanay ko. Bigla akong nalungkot kaya ibinuhos ko na lang sa pagluluto," sagot ni Cassie kay Katya. "Kaya halika na kumain na tayo bigla akong ginutom eh."
"Ay naku. Natakot naman ako bigla sayo. Sandali nga lang at bababa na muna ako at maghihilamos. Mauna ka ng kumain kung nagugutom ka na," napailing-iling na sabi ni Katya sa kanya.
"Sige na hihintayin kita. Sabay na tayo," naglalambing niyang sabi rito. Kinaway-kaway pa niya ang dalawang paa sa baba ng kama nito.
"Para kang bata Bea. Sige , madali lang ako," nakangiti na ito habang palabas ng kwarto.
Napahiga siya sa kama ni Katya. Parang biglang nablangko ang utak niya habang nakatitig sa kisame. Parang gusto na niyang magsimulang umiyak pero pinilit niya ang sariling maging masaya. Iniisip na lang niya na para sa bayan at eventually ay para na rin sa kinabukasan ni Cathy ang lahat ng ito.
"May problema ka ba Bea?" takang tanong ni Katya na nasa loob na pala hindi man lamang niya napansin. Agad siyang napaupo sa kama.
"Wala. Bakit naman ako magkakaproblema? Tapos ka na ba. Pwede na ba tayong kumain?" magiliw niyang sabi kay Katya.
"Sigurado ka dyan ha. Nakakatuwa ka pala kung may problema ka noh? Kasi ang bait mo at ang sarap mo pang magluto ha," sabi nito sa kanya na nagsimula na palang kumain. Napangiti na lang siya habang pinagmamasdan ito.
"Salamat Katya ha," out of nowhere na sabi niya sa dalaga na tumigil bigla sa pagkain.
"Para saan naman?"
"Wala lang. Sa pagiging kaibigan habang nandito ako. Akala ko kasi malulungkot lang ako rito kaya salamat dahil ginawa mo akong kaibigan," sabi niya bago sumubo ng pagkain.
"Alam mo magtigil ka. Parang kinakabahan ako sa kinikilos mo Bea. Aalis ka na ba rito? " nag-aalalang sabi nito. "Ikaw na babae ka magsabi ka kung aalis ka ha para naman hindi kami mag-alala sayo. Hay Bea, ano bang nakain mo at napakadrama mo ngayong araw."
Napapangiti lang siya rito.
"Wala nga, si Katya talaga kung anu-ano ang iniisip. Kain na nga tayo."
Nagkwentuhan pa sila ni Katya hanggang sa matapos silang kumain. Pagkatapos magligpit ay naligo na siya at tumambay sa sariling kwarto. Sinubukan niya ulit tawagan si Liam pero hindi pa rin ito makontak.
Nilibot niya ang tingin sa labas ng bintana. Anumang oras mula ngayon ay darating na sina Liam. Parang gusto na niyang itigil ang oras para hindi na dumating ang mga ito. Nagtatalo ang puso't isip niya sa kung ano ang gagawin. Kung sasabihin ba niya kay Sister Fatima ang lahat o hayaan na lamang ang mga itong walang alam. Napapikit siya at umusal ng panalangin. Bahala na ang Diyos at sanay gabayan sila sa araw na iyon.
*****
Bago mananghalian ay mag ipinadalang text sa kanya. Malinaw ang instruction ni Liam doon.
Dalhin mo sa open field si Cathy sa anumang paraang magagawa mo para hindi magulo ang loob ng monasteryo. Kami na ang bahala pagkatapos noon. Hope you can do it Bianca. Umaasa kami lahat sayo.
Hinawakan niya ng mahigpit ang cellphone niya. Nanginginig siya sa takot at inis kay Liam. She breathe in and breathe out. Wala siyang maisip na paraan kung paano palalabasin sa field si Katya.
Bigla siyang napadilat ng makarinig ng mahihinang katok sa pinto. Dali-dali niyang nilagay sa loob ng bag ang cellphone, nag ayos ng sarili at binuksan ang pinto. Nakangiting mukha ni Katya ang nakita niya.
"Ano na namang nangyari sayo? Namumutla ka ah," nag-aalalang sabi ni Katya sa kanya.
Napahawak tuloy siya sa magkabilang pisngi.
"Ha?? Wala naman. Parang kelangan ko lang atang mainitan. Labas na muna ako," natataranta niyang sabi rito at lumabas ng kwarto para lang lumingon at maalala si Katya. "Ano nga pala yung sasabihin mo Kat?"
Napailing-iling ito. Nilapitan at inakbayan siya.
"Samahan na kita sa baba. Nawawala ka na naman sa sarili mo. Mukhang kailangan mong mahanginan eh," natatawang sabi nito.
Nagpatangay na lamang siya rito hanggang sa makarating sila sa malawak na garden. Nagpunta sila sa may fountain at inabutan siya ng maliit na peebles nito.
"Yan magwish ka dyan tapos itapon mo para mawala yang dinadala mong bigat dyan sa puso mo," sabi nito sa kanya.
Tiningnan lang niya ito bago tinanggap ang peeble. Napapikit siya sabay panalangin na maayos ang lahat. Pagkatapos ay itinapon na niya ito sa fountain. Niyakap niya ng mahigpit si Katya at pagdilat ng mata niya ay nagtagpo ang mga mata nila ni Liam na hindi man lang niya namalayang papalapit sa kanila. Lalo niyang hinigpitan ang yakap kay Katya.
"Bea, okey ka lang ba talaga?" nag-aalala pa rin ang boses nito habang hinahagod ang likod niya. Hindi ito oras para umiyak, sabi niya sa sarili.
"I'm sorry Kat. I'm sorry."
Humiwalay ito sa kanya at nagtatanong ang matang tumitig sa kanya.
"Ms. Cathy," maawtoridad na sabi ni Liam sa babae. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ni Katya. Nakita niya ang takot sa mga mata nito. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Liam. Tatakbo sana ito palayo sa kanya ng mahagip ng malalakas na braso ni Liam ang baywang nito.
"Bea, tumakbo ka na. Humingi ka ng tulong," sigaw ni Katya sa kanya. Para siyang natulala, hilam na pala sa luha ang mga mata na hindi man lamang niya namalayang tumutulo na pala.
Nagpupumiglas pa rin ito habang papalapit naman ang iba niyang kasama. Nagulat pa siya ng biglang lagyan ng panyo ni 3D ang mukha ni Katya.
"We are so sorry Cathy this is for your own good," malungkot na sabi ni 3D rito.
"B-bea,....." sabi nito bago nawalan ng malay sa bisig ni Liam.
Agad itong binuhat nina Lester at dinala sa naghihintay na van. Nilapitan siya ni 3D at agad niyakap.
"Tama na Cassie. You did well. We need to go," sabi sa kanya ng dalaga pero hindi pa rin siya tumitinag sa kinatatayuan. Nakatingin lang siya sa van na unti-unti ng nawawala sa paningin niya.
"Bianca, we need to go," sabi sa kanya ni Liam na hinihila na siya palabas ng monasteryo. Hinila niya ang sarili palayo sa binata at nakakunot ang noo nitong tumingin sa kanya. "What??"
Hindi niya napigilan ang sarili nilapitan niya ito at buong lakas na sinampal. Napasinghap ang lahat ng kasama niya sa ginawa.
"You’re too much Liam. Hindi ko alam na ganyan ka pala ka walang puso," umiiyak na sigaw niya sa binata at tumakbo na siya palabas ng monasteryo. Nilampasan niya ang sasakyan ng mga ito pero hindi pa man siya nakakalayo ay naabutan naman siya ni Noah.
"Bitawan mo ako. Noah please let me go. Hindi ako sasama sayo," nagpupumiglas niyang sabi kay Noah na kahit hindi naman mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ay alam niyang hindi pa rin siya makakawala.
"Cassie please stop resisting. I know how you feel. Pero hindi safe rito. Please calm down," sabi sa kanya ni Noah.
Hawak-hawak pa rin siya ng binata habang nagpupumiglas.
"Sorry for this," biglang bulong sa kanya ni Noah at tuluyan na siyang nawalan ng malay sa mga braso nito.