Bagong bahay, bagong lugar bagong eskwelan, bagong kaklase, bagong guro, halos lahat bago sa madaling salita bagong buhay ..
Mahirap maging bago sa paningin ng mga tao lagi ka nilang sentro. May ginagawa ka man o wala lagi silang may kwento tungkol sayo .
Lagi bang may dumi ang mukha ko dahilan ng pagtingin nila ? Pinagmumukha nila akong wirdo sa mga titig nila . pero wala akong pakelam ang akin lang magtatapos na ang unang markahan sa aming eskwelahan pero bakit hangang ngayon parang may dumi pa rin ako upang kanilang pagtinginan ?
........
ikalawang linngo ko na sa bago kong eskwela pero maraming nagtataka wala parin akong kaibigan .
Ako na mismo ang umiiwas sa kanila dahil ayokong makihalubilo sa magulo pero sabi nilay masaya nilang mundo .
Tapos na ang klase namin nahuli ako sa pagkopya ng aming takda kaya't naiwan akong mag isa sa aming silid.. mali hindi lang ako pati ang babaeng maikli ang buhok na may laso na kulay asul na naka pwesto banda dun malapit sa lababo ng aming silid . Siguro nahuli rin siya sa pag kopya
"Ako nga pala si Adriana" atsaka inilahad nya nga palad nya sakin pero hindi ko ito tinugon. Agad akong lumabas ng silid ..
Bolontaryo syang nagpakilala sa kin pero hindi ko tinanggap . Nakokonsensya tuloy ako, pinahiya ko ang isang babae .
.......
Panibagong araw subalit pareparehong tingin nanaman ang nasasalo ko mula sa mga kaklase . Kailangan ko ng masanay upang hindi ako mailang.
Nahuli nanamn ako sa pag kopya malabo kasi ang aking mata, nahihiya naman akong sumilip at kumopya sa katabi ko kaya't inaantay ko nlang silang matapos at ng makalipat ako ng upuan malapit sa pisara
Kanina ko pa naririnig ang paghikbi na yun , at sya si Adriana ang nakita kong nakapatong ang ulo sa sa lamesa ng kanyang upuan at umiiyak ?
Hindi ko alam ano ang nagtulak sakin upang lapitan sya at patahanin
"Ahh . Tumahan ka na" pero tuloy parin sya sa pag iyak hindi ko alam kung papaano ko papagaanin ang loob niya. napahawak tuloy ako sa bulsa ko at may nakapa akong kendi
"oh eto sa iyo nalang" inangat nya ang kanyang ulo at kinuha ang kendi. pinupinasan nya ang mga luha nya subalit hindi niya ito mapunasan ng maayos .
pasimple kong kinapa ang kabilang bulas ko pero bigo ako ng wala akong makapang panyo . kumakalat lang lalo yung luha nya sa buong mukha nya ..
naalala kong may puting damit akong dala . kinuha ko ang damit sa loob ng bag ko at ibinigay sa kanya
"salamat francis" natuwa ako sa sinabi nya dahil wala pang ibang tao ang nagpapasalamat sakin bukod sa mga magulang at kapatid ko, pero hindi ko ipinakita sa kanya kung gaano ako natuwa
"wala yun, Tara na't mag gagabi na baka hinahanap ka na sa inyo"
Naglalakad na kami pauwi nagkataon na pareho ang direksyon na dadaanan namin. naikwento nya sakin na kaya sya umiiyak dahil nagaway daw ang mga magulang nya. humingi pa sya ng tawad sakin dahil hindi nya daw ako nabati kanina pag pasok ko.
tuwing papasok kasi ako binabati nya ko .
"francis, lalabhan ko nlang itong damit mo, isasauli ko nlang sayo"
"hindi, ako na bahala Adriana"
"please" dahilan upang pumayag akong labhan nya ang damit ko . ipanakita nya kasi sakin ang magaganda nyang ngiti at mapupungay at maaamong mata .
"salamat" huli nyang sinabi bago sya pumasok sa maganda at malaking bahay.
.......
"francis!"
"uy francis"
"teka lang , francis"
hindi ko pinapansin si adriana, dirediretsyo lang ako sa pag lakad, nahinto na yung pagtawag nya sakin kaya't nilingon ko upang maka sigurado at wala na nga sya ..
nandito ako ngayon sa hardin ng eskwelahan, maganda dito pero walang mga estudyante dito. ba't pa ba ko mag tataka kung walang mga estudyante dito eh mas gusto nila sa maingay polusyon na lugar
makapag pahinga na nga lang dito ...
dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at may anghel akong nakita pero bakit ? nasa langit na ba ko ? sa pagkakatanda ko umiiglip lang ako saglit at
"ADRIANA ?" napatayo ako bigla dahil si adriana pala ang anghel na inaakala ko . pinagpag ko ang uniporme ko at sinuksok ko ang bag ko sa akong braso
"ka-kanina ka pa ba ? nandito?"
"ahmm sa totoo lang oo eh" nahihiya nyang sabi habang kinakalikot yung mga daliri nya at nakayuko "pasensya na ha" dugtong pa nya
tumango nlang ako bilang tugon napakamot tuloy ako sa ulo ko . Nakakhiya nakita nya akong natutulog .
"Ah ang cute mo pala matulog" atsaka inangat ang ulo nya, nagtama ang aming mga mata
"ahh sge mauna na ko" sinimulan ko ng maglakad palayo sa kanya
"masama ba ko ?" napahinto ako sa paglalakad ng magsalita sya "bakit mo ko nilalayuan ?"
"magkaiba kasi tayo" sagot ko
"bakit ? tao ka , tao rin namn ako. hindi tayo magkaiba" hindi kagad ako nakasagot napangiti ako sa sinagot nya buti nlang at nakatalikod ako sa kanya pero agad nawala yung ngiti ko sa susunod nya sinabi "oo nga magkaiba tayo"
......
maling pagkakaintindi yung nabitawan na salita namin ni adriana sa "magkaiba kasi tayo" "oo nga magkaiba tayo"
pinilit nya kong kausapin at hindi ko ito natanggihan kaya sinabi ko sa kanya na magkaiba kami mayaman, mataas, sanay sa ingay sya at ako may kaya , at hindi mahilig makihalobilo natawa nlang sya kasi daw akala nya kung ano yung ibig sabihin kaya nasabi nya rin na magkaiba kami.
Tinanong ko sya kung ano yun. wag ko na daw isipin yun pero pinilit ko rin sya at sabi nya
"babae kasi ako, lalaki ka"
parehas kaming natawa, lalo akong natawa ng maiisip kong may taong nagpapa tawa sakin . may tao akong kasabay tumawa bukod sa pamilya ko.
...
nagiging masayahin na ko, hindi na ko nag iisa lagi ko ng kasama si adriana pag walang klase. naging tambayan na namin yung magandang hardin.
Nakakahiyang sabihin pero nililibre nya ko, hindi ako makatanggi kasi pinipilit nya ko ang bilis nga nyang maubos yung mga kinakain namin ehh .
dumating yung araw na hindi ako nakapasok at tinawag ako ng teacher namin hindi ko alam ang isasagot ko dahil hindi ko napagaralan yung tinuro nya.
buti nlang nadun si adriana sinabi nya sakin yung sagot buti nlang hindi narinig ng teacher namin .
natuto narin akong manduga sa klase pero isang beses lang naman. hindi ko kasi masagutan yung math nagulat nlang ako nasa gilid ko na si adriana may hawak na papel tinignan ko yung teacher namin may sinusulat sya sa pisara muntikan na nya kaming mahuli buti nlang paglingon nya nakaupo na sa pwesto si adriana . KINABAHAN AKO DUN .
may mga kaklase rin akong nagkokopyahan pero si adriana lang ang malakas ang loob na tumayo.
.....
Maulan ngayon naghanap kami ng masasakyan ni adriana para makauwi kami .
sa wakas may nakapansin din saming tricycle
"manong pag hangang sa kabalingang kanto lang ?"
"20 iho"
sumakay kami agad ni adriana sa tricycle ..
"wag mo na akong ibayad, kilala ko namn yan si manong"
"kahit na, eto po manong" tsaka inabot ko yung 40
"bahala ka sasauli nya yang 20" bulong sakin ni adriana "dba manong" nakangiti nyang sabi sa manong
"iho okay lang" tsaka inabot sakin ng manong yung 20
"per---" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko pinaharurot na nung manong yung tricylce nya
tumila narin yung ulan kayat nilakd ko na pauwi samin si adriana nakauwi na .
...
hindi pumasok si adriana ng isang linggo , pinupuntahan ko naman sa bahay nila kaso nahihiya akong kumatok o mag doorbell ..
mamaya bago ako umuwi dadaanan ko na talaga sya
para akong tanga nakatayo dito sa harap ng bahay nila adriana, wala akong lakas ng loob na mag door bell ..
may isang babae na lumabas sa bahay nila magtatapon ng basura, isa ata to sa mga katulong nila , malapitan nga
"mawalang galang na ho , pwede po bang magtanong ?" agad naman akong nilingon nung babae
"nagtatanong ka na iho" mga palabiro pala mga tao sa bahay nila adriana akala ko sya lang
"an-ano po kas e" napakamot tuloy ako sa ulo ko
"ano ?"
"pwede po ba kay ano"
"kay ?"
"merlita isarado mo na nga ang gate parating na ang mag asawa" boses ng matandang babae
"may kausap lang ho ako manang fe" sagot nung babae dun sa matandang babae "ay sino pala hinahanap mo ?"
"Si adriana po"
"ahh si Adriana oh sge pasok ka "
pahakba na ko papasok ng
"SI ADRIANA ? PERO HIN--"
"bakit anong kailangan mo kay adriana ?" kung hindi ako nagkakamali sya si manang fe
"may sasabihin lang po sana ako, pero kung hindi po sya pwede pakisabi nlang po pumunta po ako. francis po"
"tuloy ka iho" sabi nung manang fe
"pero manang , hindi po ---"
"maghanda ka ng meryenda para sa kanya at para sa mag-asawa't parating na yun"
sumunod namn yung babae kay manang fe .
ang laki at ang ganda ng bahay nila adriana
"maupo ka muna iho"
"salamat po"
may tinawagan sa telepono si manang fe hindi ko narinig kung sino.
tinignan ko yung bahay nila ang ganda walng wala sa bahay namin lalo tong gumanda dahil sa mga litratong nakasabit sa bawat pader. meron silang family picture base sa picture solong anak lang si adriana meron silang mga solong kuha.
Ang ganda nga nga mga ngiti ni adriana sa litrato eh, mukhang masayang pamilya namn sila kaya bakit magaaway ang mga magulang nya ?
"ahh ma madam ano, ano po ka--"
"magandang hapon po" bati ko sa mama ni adriana base sa litrating nakita ko siya yung mga ni adriana
"sino ka ?" tanong sakin ng mama nya "manang fe , apo nyo po ba ?"
hindi na ko naka sagot dahil agad na kinausap ni manang fe yung mama ni adriana
mga 5 minuto dumating narin yung papa nya may mga dalang plastick bag na may lamng mga pagkain
"magandang hapon ho"
nagtataka ang mga mukha nya ng makita nya ko
"sino ka ?" ma awtoridad netong boses
wala si mang fe at mama ni adriana kaya
"ahh si sir kay ano daw si Adriana" mautal utal na sabi nung babaeng katulong
mukhang masungit ang papa nya siguro dahil ayaw niyang may bumibisita kay adriana na lalaki
"ADRIANA ?" -papa nya
"ah Sir wag ho kayang magalala may gusto lang po akong sabihin sa kanya, hindi nya po ako manliligaw"
nagtataka pa rin ang mukha ng papa nya at may narinig namn akong tumawa
"Manang Fe , anong nakakatawa ?" nagtatakang tanong ng papa ni adriana
"Tara , Iho sumabay ka sa pagkain nila"
......
"tatanong ko lang po kasi bakit isang linggo na po syang hindi pumapasok. tsaka po kukunin ko po sana yung t-shirt ko"
nakita kong nagulat sila sa sinabi ko lalo na yung papa ni adriana "pero pinahiram ko po yun sa kanya kasi--"
"eto ba yung sinasabi mo ?" nakitang kinuha nya ito mula sa drawer ng lamesa na kinakainan namin ngayon .
"opo , yan nga po"
"pwede ba namin malaman bakit pinahiram mo yan kay adriana ?"
hindi ako nag dalawang isip na ikwento ito sa kanila para malaman nila na nalulungkot si adriana pag nagaaway sila
sinabi rin nilang ikwento ko kung anong klaseng kaibigan si adriana pano daw kami nagkakilala .. kinwento ko lahat sa kanila
"iho tara sumama ka, pasensya ka na kung naghintay ka ng matagal ha, ganun talaga pag magulang maraming tanong sa mga kaibigan ng anak nila ."
papunta kami sa garden ng bahay nila adriana ..
nakita ko na rin sya .
.....
Bagong bahay, bagong lugar bagong eskwelan, bagong kaklase, bagong guro, halos lahat bago sa madaling salita bagong buhay ..
Mahirap maging bago sa paningin ng mga tao lagi ka nilang sentro. May ginagawa ka man o wala lagi silang may kwento tungkol sayo .
Lagi bang may dumi ang mukha ko dahilan ng pagtingin nila ? Pinagmumukha nila akong wirdo sa mga titig nila . pero wala akong pakelam ang akin lang magtatapos na ang unang markahan sa aming eskwelahan pero bakit hangang ngayon parang may dumi pa rin ako upang kanilang pagtinginan ?
bumabalik yung mga salita sa isip ko . May isang tao na nag patunay sakin na hindi porket bago ka sa isang lugar o kung anomang bagay hindi ibig sabihin nun mananatili kang bago .
Siya lang ang kuma-usap sakin . Sya lang sa dinami-rami ng tao na nakakasalubong ko araw araw tinuruan nya kong makasilamuha sa tao .
KAHIT PAPAANO ...
natuto akong makitungo sa mga taong nakaka salubong ko. Pagsagot sa tanong ng guro. Tamang pakikitungo sa mga tao na walang halong pagkatakot
pero bakit ganun pa rin ang mga tingin ng mga mata nila sakin ? dahil ba nagbago ako kaya ganun sila tumingin ?
ano ba talaga ang dapat kong ikilos ? naging isang wirdo ako sa paningin nila nagbago ako pero hindi nagbago ang tingin nila sakin.
"kaya pala ang bilis maubos ng pagkain mo. kaya pala ang lakas ng loob mong tumayo at pakopyahin ako. kaya pala libre ka sa tricycle. ngingitian mo nalang ako ngayon ? pssh . ikaw pala yung dahilan bakit ganun yung tingin nila sakin, pero okay lang hindi kita sinisisi" huminga ako ng malalim at nagpatuloy "sinabi ko na na wala namang kasalanan papa mo, gaya ng sinabi mo nung nag-away sila hindi ko man naintindihan yun nung una ngayon alam ko na. puro ka ngiti magsalita ka. may atraso ka sakin kaya pala sinabi mong magkaiba tayo kasi"
hindi ko na kinaya bigla nlang pumatak ang mga luha ko sa litrato nya
"kasi ako buhay pa ikaw hindi na"
Wakas....