LOHIKA 2: Land Of The Missing...

Bởi sayonara_chinji

87.1K 4.9K 635

Highest Ranks Achieved: #1 investigation, 17 detective, #2 logic, #2 deductions, #1 wannaone, #10 police, #7... Xem Thêm

Land of the Missing Children [Disclaimer]
Fictional Trailer
LOHIKA 2: Land Of The Missing Children
Chapter I - What do you think you're doing?
Chapter II - Irony of life and logic
Chapter III - Trauma
Chapter IV - Ligature Marks
Chapter V - Illusory Savior
Chapter VI - Criminal Profiling
Chapter VII - Time of death
Chapter VIII - Alibi
Chapter IX - Serial Killer
Chapter X - Consequence
Chapter XI - Death of Lady Shan Villarino
Chapter XII - Circumstantial Evidence
Chapter XIII - Cause of Death
Chapter XIV - Confession
Chapter XV - Disclose The Verity
Chapter XVI - Pull the wool over one's eyes
Chapter XVII - At Death's Door
Chapter XIX - Face of a Psycho
Chapter XX - The Liar and His Brother
Chapter XXI - Conspiracy of Silence
Chapter XXII - A Devious Trick
Chapter XXIII - Behind The Odds
Chapter XXIV - Erasing The Line Between Fantasy and Realism
Chapter XXV - Nostalgia
Chapter XXVI - Abduction
Chapter XXVII - Locus
Chapter XXVIII - Yonhwa: Land of the Missing Children
Chapter XXIX - The Ace Team
Chapter XXX - Brave and Competent
Chapter XXX (Second Half)
Chapter XXXI - Tracking a Missing Person
Chapter XXXII - Locked Room Murder
Chapter XXXII (Second Half)
Chapter XXXIII - Double Cross
Chapter XXXIV - Rounds
Chapter XXXV - Right To Remain Silent
Chapter XXXVI - Decipher
Chapter XXXVII - The Agony of Never Knowing
Chapter XXXVIII - Sympathy
Chapter XXXIX - Mt. Santala Park (First Half)
Chapter XXXIX (Second Half)
Chapter XL - Case Closed
Chapter XLI - Corollary
Chapter XLII - Passive
Epilogue
Author's Note

Chapter XVIII - Non Compos Mentis

1.7K 114 7
Bởi sayonara_chinji

     ​"Pizza delivery!" Bungad ni Sebastian Roxas sa kaibigang nagbukas ng pinto para sa kanya. He went inside the unit and greeted the kids comfortably. Excitement was showing on his face. Para bang sanay na siyang makipagcommunicate sa mga batang ganoon ang edad. "Sinong may gusto ng pizza?"

     ​"Me!" Ishie exclaimed. Itinaas pa niya ang kanang kamay kasabay ng kanyang sagot.

     ​"Pizza! Pizza!" Yesha and Eisha yelled in chorus.

​     Sabik nilang sinundan sa dining table ang bitbit na pizza ng binatang kararating lamang.

​     Lt. Jiho Lim was quite amused as he saw how happy the triplets were habang binibigyan ni Sebastian ng pizza ang bawat isa.

     ​"Dahan-dahan sa pagkain. Dalawang box 'to. Hindi niyo 'to kayang ubusin lahat." Sebastian glanced at his friend nang matapos siya sa pagdidistribute ng pizza. "Bro, hindi mo ba unit 'yung nasa kabilang building? Nakita ko si Detective Sariin. May crime scene 'ata silang iniimbestigahan. Ang daming tao sa labas eh."

​     Nagsalubong ang kilay ng binatang lieutenant. He was not aware na mayroon na pa lang kaganapan sa labas. Masyadong natuon ang atensyon niya sa pag-aalaga sa tatlong makukulit na bata.

***

​     Humahanguhos na pinasok ni Detective Sariin ang unit 604, Building B of Venecia Apartment Complex. Ni hindi na siya nagawang pigilan ng mga pulis at forensic staffs.

     ​"Sariin..." Captain Cansicio uttered nang dumaan sa harapan niya ang anxious na detective. Sinundan niya ito papasok sa kwartong kinaroroonan ng biktima. Mabilis siyang humarang sa harapan nito upang subukang takpan ang hindi kaaya-ayang sinapit ng biktima. "Sariin, lumabas ka muna. Hindi ka dapat nandito."

​     Itinulak ng matandang detective papunta sa gilid ang pumipigil sa kanyang kapitan. Nadako ang kanyang mga mata sa putol-putol na katawan ng dalagang biktima.

     "C-Cariza...anak..." Bagamat magkakahiwalay ang mga parte ng katawan ng biktima, mabilis niyang nakilala iyon. Tuluyang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Gusto niya sanang lapitan ang kanyang anak ngunit bigla na lamang siyang hinarangan ng tatlong pulis na naka-uniporme at pilit siyang inilalabas sa kwarto. "Cariza! Cariza! Sinong halimaw ang pumatay sa anak ko?" Crying heavily, he started to screamed out loud. His heart was deeply in distress. Nais niya sanang itanggi ang nakitang katotohanan ngunit nilalamon siya ng galit at sakit. Gusto niyang magwala at harapin ang taong gumawa noon sa kanyang mahal na anak. Gusto niyang gumanti at iparanas sa walang pusong kriminal ang karumaldumal na sinapit ng walang kalaban-laban na dalaga. He wanted to do all that, ngunit unti-unting nanghihina ang buo niyang katawan. Ni wala siyang sapat na enerhiya upang kumawala sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng mga pulis.

​     Jiwon Natividad followed Detective Sariin outside the building. She stayed meters away, watching quietly habang inaalalayan ng mga pulis papasok sa police van ang matandang detective.

     ​"Detective Sariin..."

​     Napunta ang atensyon ni Jiwon sa nagsalitang lalaki.

​     It was Lt. Lim. Naroon ang kuryosidad sa makisig nitong mukha.

​     Jiwon swiftly approached him. Hinawakan niya ang manggas ng suot nitong bomber jacket at hinigit papunta sa likuran ng police van.

​     Hindi naman maintindihan ng binatang lieutenant kung bakit iyon ginawa ng dalaga. He was even confused sa presence nito sa lugar na iyon. Seeing na naroon si Detective Sariin na kasama niya sa unit 1 ng Violent Crimes, ang nasa isip niya ay ang team nila ang may hawak sa crime scene na pupuntahan niya sana. "Jiwon, anong ginagawa mo dito?"

     ​"Hayaan mo munang mapag-isa si Detective Sariin." She simply said without even thinking na walang ka-ide-ideya tungkol sa nangyari ang binatang kaharap niya.

     ​"Anong ibig mong sabihin? Ano bang nangyari? Hindi ba hawak ng team ko 'yung crime scene d'yan sa Building B?"

     ​"You have no idea what happened? Lt. Lim, what are you doing here?"

     ​"Galing ako do'n." He pointed at the tall Building A of Venecia Apartment Complex. "Pinababantayan sa akin ni Miss Tanggol 'yung tatlong anak niya."

​     Matapos tingalain ni Jiwon ang itinurong gusali, napabuntong hininga siya at ibinalik ang tingin sa clueless na mukha ng binatang kaharap. "Hawak ng unit 2 ang crime scene dito. The victim... is Detective Sariin's daughter."

​     Nagsalubong ang kilay ng binatang lieutenant. He was flustered. It was something that he never expected to happen.

​     Right at that moment, napunta ang atensyon nilang dalawa sa kasalukuyang bitbit na malaking bag ng dalawang forensic staff. It was the type of bag na parating ginagamit ng forensic team na pangtransport sa katawan ng patay.

​     The forensic staffs carried the bag papasok sa kanilang van.

​     Hindi naiwasan ni Lt. Lim na mag-alala sa matandang kaibigan. Sigurado siya na hindi maipaliliwanag at masusukat ang sakit at galit na nararamdaman nito sa pagkawala bigla ng ipinagmamalaki nitong anak. He remembered how Detective Sariin used to boast sa buong team kung gaano katalino ang anak na dalaga. He can't imagine kung gaanong sakit ang nararamdaman nito ngayon.

***

​     Maingat niyang binuklat ang panyo na may bahid ng dugo. Isang putol na daliri ang iniluwa noon. Dahan-dahan niya iyong hinawakan gamit ang nanginginig niyang kamay. Hinawakan niya iyon na para bang napakahalaga ng daliring iyon para sa kanya. Pinagmasdan niya ang kabuuan nito at inamoy-amoy. Tinanggal niya sa daliring iyon ang isang silver na singsing. Ipinatong niya ang singsing sa gitna ng panyong pinanggalingan ng putol na daliri. Pagkatapos ay isang maladimonyong ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.

***

​     Wednesday, February 9...

​     Bagamat pinilit ng awtoridad na gawing pribado ang kaso ng pagpatay kay Cariza Sariin, naging malaking usap-usapan iyon sa buong Yonhwa. Dahil sa mga balitang inilabas ng media ay naalarma at natakot ang mga taumbayan. Ikinabahala nila na mayroong ganoong klaseng dimonyong malayang nabubuhay sa kanilang probinsya.

​     The detectives-in-charge of the said case started the investigation with the hope na maaga nilang mahuli ang taong responsable sa krimen. Binalikan nila ang crime scene upang maghanap ng additional evidence and possible witnesses habang hindi pa lumalabas ang investigation result na isinasagawa pa lamang ng Forensic Division Office.

​     Criminal Profiler Jiwon Natividad and Detective Zarich Han went to unit 301, Building C of Venecia Apartment Complex. They went there to get the testimony of Shontelle Gaon, the best friend of Cariza and the first one who arrived at the crime scene.

     ​"Pasok kayo." Matapos buksan ng todo ni Mrs. Gaon ang pinto ng kanilang apartment, nagbigay daan siya sa dalawang bisita. She guided them paupo sa kanilang sofa.

     ​"Nasaan ho si Shontelle? Kailangan naming makuha ang testimony niya dahil siya ang unang nakakita sa bangkay." Detective Han said as his eyes roamed around the house at hindi niya makita ni anino ng taong pakay nila.

     ​"Simula kagabi nang iuwi ko siya dito, ikinulong na niya ang sarili sa kwarto. Iyak nang iyak. Nag-aalala na nga ako. Ayaw niyang buksan ang pinto. Ayaw niya akong kausapin." Tulad ng mahinahon na boses ni Mrs. Gaon ay mababakas rin sa kanyang mukha ang matinding pag-aalala. "Pero... baka sa inyo magsalita na siya." She walked toward her daughter's room and knocked softly on the door. "Shontelle, nandito ang mga detective. Gusto nilang makausap ka."

​     Seconds of silence ruled the whole unit.

​     Then Mrs. Gaon glanced at the two guests. Umiling siya upang iparating na ayaw talagang lumabas at makipag-usap ng kanyang anak.

​     As Jiwon's eyes wandered, she noticed a couple of certificates and pictures na naka-frame sa pader. "Is she a doctor?"

​     Muling lumapit sa dalawa ang ina ni Shontelle. Naupo siya sa sofa na nakaharap sa mga ito at sandaling pinagmasdan ang mga larawan at certificate na tinitingnan rin ng dalagang criminal profiler. "Assistant surgeon sa Yonhwa Medical Center."

     ​"Yonhwa Medical Center?" Bahagyang nagsalubong ang dalawang kilay ng batang detective. "Doon din nagtatrabaho si Cariza."

​     Mrs. Gaon nodded lightly. "Magkasama silang dalawa sa trabaho. Sobrang... malapit si Shontelle kay Cariza. Para na silang magkapatid kung magturingan. Since middle school kasi magkaibigan na sila."

     ​"Mrs. Gaon..." Jiwon took the old lady's attention. "Kayo po ang tumawag sa mga pulis, tama?"

     ​"Oo, ako nga."

     ​"Ano pong nangyari kagabi bago kayo tumawag ng mga pulis? Kahit na maliit na detalye, mahalaga po para sa investigation namin." Napansin ni Jiwon ang pagdako ng mga mata ni Mrs. Gaon sa kanan.

     ​"Kagabi... mag-aalas-otso no'n... nakauwi ako dito sa apartment. Galing ako sa birthday party ng pamangkin ko sa Hamilton."

(Narration of Mrs. Gaon's Testimony)

     ​"Shontelle?" Binuksan ni Mrs. Gaon ang pinto ng kwarto ng kanyang anak. Napangiti siya nang makitang naroon nga ang dalaga. "Anak, ang aga mo ngayon ah. Halika dito sa labas. Nag-uwi ako ng handa ni Bea. Madami-dami 'to. Dalhan mo na rin si Cariza."

     ​"Sige po, ma." Shontelle gladly followed her mother.

​     Matapos ang ilang subo ng spaghetti at chocolate cake ay dinalhan nga ni Shontelle ng pagkain ang matalik na kaibigan.

​     Makalipas ang ilang minuto ay naalala ni Mrs. Gaon na mayroon din siyang ginawang side dish noong umaga na dapat sana ay pinadala na rin niya sa anak upang ibigay kay Cariza. Binalot niya iyon at nagdesisyon na sumunod na lamang sa kanyang anak sa kabilang building.

​     Pagkarating niya sa 6th floor, nakasalubong niya sa corridor ang tulalang anak. Agad niyang napansin ang dugo sa kamay ng dalaga kaya't nag-aalala niya itong nilapitan. She also noticed the blood sa likurang bahagi ng damit nito. "Anak! Anong nangyari sa'yo?" She checked Shontelle's body kung mayroong sugat itong natamo.

     ​"Ma... s-si... Cariza..." Hindi na napigilan pa ni Shontelle na humagulhol. Niyakap niya ang ina dahil ramdam niya ang tuluyang pagkawala ng lakas sa mga tuhod niya.

​     Mrs. Gaon was confused. Sandali niyang iniwanan sa corridor ang anak at sinilip sa loob ng unit 604 si Cariza. Halo-halong emosyon ang bumalot sa katawan niya, but she still managed to call the police upang i-report ang kanyang nakita.

(End of Mrs. Gaon's Testimony)

​     Jiwon and Detective Han left Building C pagkatapos nilang marinig ang testimonya ng ina ni Shontelle. Kinatagpo nila sa lobby ng Building B si Detective Daryl Borja.

     ​"Sigurado ka bang hindi gumagana 'yung mga security camera sa lahat ng corridor sa bawat floor? Baka pinaglololoko mo lang ako ha! Malilintikan ka sa akin 'pag nagkataon." Pahablot na kinuha ni Detective Borja ang flash drive sa lalaking nakap'westo sa information desk. Ipinalagay niya sa flash drive na iyon ang lahat ng kopya ng security footage na mayroon sa buong building sa loob ng buwan na iyon.

​     Napakamot sa ulo ang binata. "'Yan lang po talaga lahat, sir. Mga dummy na CCTV lang po 'yung mga nakalagay sa lahat ng corridor. Hindi po alam 'yun ng mga residente. Isinisikreto sa kanila ng management. Ang gumaganang camera lang po eh 'yang nasa loob ng elevator at itong nasa lobby."

​     As Jiwon looked at the elevator na itinuro ng binata, nakatawag ng pansin niya ang grupo ng mga kalalakihang papasok roon.

​     The group of men was carrying different mechanical tools. They were also wearing safety helmets and gloves.

     ​"Excuse me..." Jiwon shifted her gaze at the young man na nakap'westo sa likuran ng mataas na desk. "May ongoing construction ba na ginagawa sa building na 'to?"

​     Nabaling ang tingin ng binata sa mga construction worker na kasasakay lamang ng elevator. "Ah... opo. Ginagawa nila 'yung 9th floor. Nasunog kasi 'yon last year. Mag-iisang buwan nang under renovation ang buong floor na 'yon."

     ​"Detective Borja..."

     ​"Yes, Miss Jiwon."

     ​"May nakuha ka bang vital statement sa mga kapitbahay ni Cariza?"

​     Sandaling binuklat ni Detective Borja ang maliit niyang notebook. Hinanap niya ang page na sinulatan niya lamang kanina. "Bakante 'yung 605. 'Yung 603 naman... pang-gabi siya sa trabaho niya. Call center agent. Kanina niya lang nalaman ang nangyari. Ang sabi naman ng 602 at 601, malimit daw tumawag ng pulis 'yung biktima. Parating nagrereklamo na may pilit na nagbubukas ng pinto niya tuwing hating-gabi."

     ​"Ah! Opo, sir." Singit ng binatang nasa information desk. "Parating may pumupuntang pulis dito dahil kay 604. Malimit kase may mga lasing na umuuwi dito. Tapos napagkakamalan nilang unit nila 'yung binubuksan nilang pinto. Parating nangyayari 'yun. Normal na 'yun dito sa apartment na 'to."

     ​'Normal? Pa'no naging normal ang gano'ng bagay?' Jiwon glanced at the elevator which was meters away from her. Pinagmasdan niya ang pagpapalit ng floor number sa itaas na bahagi noon. Then suddenly, her cellphone rang. Kayla Xien Gumabat's name flashed on the screen kaya't mabilis niya iyong sinagot. "Yes, Kayla? Lumabas na ba ang result? Sige, papunta na ako d'yan." She ended the call quickly.

     Parehong nagtatanong ang mga ekspresyon sa mukha ng dalawang detective.

     ​"May resulta na ang forensic?" Detective Borja asked due to his curiosity.

     ​"Yes." Tipid na sagot ng dalaga.

     ​"Sasamahan na kita sa FDO, Miss Jiwon."

     ​"Hindi na kailangan, Detective Han. You should stay with Detective Borja. Kuhanan n'yo ng statement ang lahat ng construction workers sa 9th floor. Get all of their names para ma-check natin ang profile nila. Isama n'yo na rin ang lahat ng residents dito, relatives, friends, and co-workers ng victim. I'll call you kapag magpapatawag na ako ng meeting para sa profile ng suspect."

     ​"Yes, ma'am." Sinaluduhan pa ni Detective Han ang paalis na dalaga.

***

     ​"Doc?" Kinulbit ni Nurse Anya ang nakatulalang doctor.

​     Dr. Dennis Castro came back to his own senses. Pilit ang ngiti niyang kinuha sa nurse ang isang folder at basta na lamang iyong ipinatong sa kanyang lamesa.

​     Sa paglabas ni Nurse Anya, sandali siyang humarap sa salamin at inayos ang buhok. Then he went out of his office upang mag-round sa kanyang mga pasyente.

​     Sa pagdaan niya sa nurse station, agad niyang napansin ang tila ba'y nagkukumpulan na mga nurse doon. He over heard na ang pinag-uusapan ng mga ito ay ang nangyari kay Cariza Sariin. His feet automatically stopped in front of them.

     Napunta sa kanya ang atensyon ng mga nagchichismisan na nurse.

​     Then one of the nurse got the courage to talk. "Doc Castro, narinig n'yo na po ang balita?"

​     The doctor's gaze went downward.

     ​"Natagpuan daw pong patay si Cariza sa apartment. Hiwa-hiwalay ang katawan."

​     Dr. Castro's fists trembled. Itinago niya iyon sa bulsa ng kanyang white gown. He lifted his gaze sa mga nurse na naghihintay ng kanyang reaction. "I know."

***

​     Upon arriving at FDO, Jiwon went directly at Dr. Flaridel Ochoa. "Na-identify n'yo po ang mother weapon na ginamit?" Naroon ang expectation sa kanyang mga mata. Nabanggit kasi ni Kayla na na-identify ng kanilang coroner ang ginamit na patalim panghati sa katawan ng biktima.

​     Bahagyang inayos ng matandang medical examiner ang kanyang suot na salamin sa mata bago nagsalita. "The bones were smoothly cut. Makaka-create ka lang ng ganoong klase ng amputation kung gagamit ka ng gigli saw. It's a flexible wire saw na ginagamit ng mga surgeons for bone cutting."

    ​'Gigli saw? May knowledge ang killer about sa surgery.'

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

206K 11.9K 59
TAGLISH | COMPLETED | A Sci-fi/Action Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Years after the first outbreak transpired, a mysterious virus occurred...
82.3M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
348K 9.4K 18
Mahinhin, inosente, walang alam sa mga boys. Yan si Anne. Sopistikada, moderna, street-wise. Yan naman si Gabby. Magkaiba man ang personalidad pareho...
27.4K 659 33
Paano kaya dahil sa isang mahalagang mission ay may bigla kang bagong naramdaman sa puso mo. Hindi ito takot kundi mas malala pa.