Beautiful Disaster

-QueenLi által

695K 2.2K 100

He is the Jacob Rye Lucre, vocalist ng sikat na banda sa buong bansa, Falling in love with him and with his m... Több

My Strength
Punta Fuego
Wound
Private
Like
Autograph
Always
Trust
Concert
After Party
Complicated
Right time
A girl can dream
False hope
Brother

Prolouge

73K 257 16
-QueenLi által

I am the Jacob Rye Lucre


Isa.. Dalawa.. tatlo..

Bawat hakbang niya ay siyang pag andar ko ng sasakyan. Yes, I've been following her for weeks now, mula ng malaman ko ang tungkol sa kanya, I am decided to go with my plan, hindi siya mahirap hanapin, at sa tingin ko, magiging madali ang lahat ng ito.


"Tasha Elizabeth Ricio. Your father sponsored her in the University. He's also providing her allowances, a car and.. Also the condo where she's living in right now."


Umigting ang aking panga, pinili  kong maging kalmado habang nakikinig, Pero sa ilalim ng lamesa ay nakakuyom na ang dalawa kong mga kamay.

Every information leads mo to hate my father more! Paano niya nagawa to?  Ma and Pa always fight, to the point i got used to it, to think that, it is not normal if they did not got fight in a day.


Habang tumatagal ay alam kong unti-unting nasisira ang aming pamilya. We have a lot of money but, hindi nito kayang buuin ang pamilya namin.

I guess it's true.. Money can't buy us happiness huh..


"But you told me, dad started seeing this Noemi Garland, right after mom died?"


Tumango si Jules bilang sagot sa aking tanong. She is my Father's secretary.


"She is Noemi Garland's niece."Dagdag niya.


Naguguluhan ang utak ko, Jules also told me that this Noemi Garland living in a small town with her husband at wala siyang anak.


"Then why would she give Tasha Elizabeth Ricio such privileges kung pwede naman siya ang makinabang?"


Pagod siyang nagkibit balikat "I don't know Jacob, your father's gonna kill me for this"


Alam kong naiipit ko na siya between her loyalty with my father and her realtionship with me as a friend. At hindi madali para sakanya ibigay sa akin ang mga impormasyon na iyon.

There's still a lot of questions in my head. Hindi kayang sagutin ni Jules, ni Papa. At lalong hindi kaya sagutin ito ng mistress niya!

That's why I'm here, Tatlong taon mula ng mamatay si mommy, at nakita ko ang hirap niya, nag-sasama kami sa iisang bahay, but the truth is, our family is dysfunctional.

Because of my father's number of women.

I'll never forget how devastated my mom was. And I hate my father for that!

I respected my dad, I like the way he raised me, pero ng mag-simula ang problema at madalas ang away nila ni Mama ay unti-unting lumayo ang loob ko sakanya, at tuluyan ng nauwi sa galit when my Mom died.

Nag-uusap parin kami, pero I am very distant. He's the constant reminder of my Mom's pain.

"I want you to understand everything son. I wish I could tell you everything" Nanghihina niyang sabi in the middle of our huge fight.

"Trust me Pa, I understand all of these more than you do! Sinira mo ang pamilya natin right in front of my face! Wala kang pakialam kung masaktan si Mama o ako!" Umiling ako bago tapusin ang usapan namin.

"You are so selfish!"

Ito ang  rason kung bakit ako nasa music industry at hindi kailan man inaral ang business na walang siyang ibang pag-iiwanan kung hindi ako lang, music is my only escape from all of these at the same time my revenge to him.

Ang isipin niyang walang mag-mamana ng lahat ng pinaghirapan niyang malaking negosyo will frustrate him. Na  sa huli ay walang makikinabang nito.

Pero yun ang inaakala ko, may ibang nakikinabang ng pera niya, may ibang tumatamasa! Akala ko noon malala na ang paiba-iba niyang babae, mas nakaka-alarma pala kapag sa tingin ko ay seryoso na siya sa isa.

Now that my mom's gone, natigil ang balita sa mga babae ni dad, but there's always this one woman na palagi niyang kinikita.

Noemi huh! Maiisip ko na sana na ito na ang seryosong relasyon ni dad among them, but then this girl.. Tasha, siya ang dahilan kung bakit magulo parin sa akin ito.

All I know is.. Ulila na siya at ang Noemi nalang na iyon ang kanyang pamilya. Patuloy ang pagpapa imbestiga ko kay Noemi. Habang ako ang bahala sa babaeng nakikinabang sa pera ni dad.

Nag-hire ako ng magaling na tao para imbestigahan ang lahat ng kanilang kilos.

"She's taking medicine and top of her class. Maraming lumiligaw, pero focus siya sa pag-aaral. Every thursday ay pumupunta siya sa condo unit na yan, at hindi pa malinaw kung ano ang mayron sa schedule na ito, I have someone investigating the man she's seeing in that unit, may mga iba pang akong inaalam na impormasyon at makakaasa ka na malalaman natin iyon sa lalong madaling panahon."

Seryoso akong nakatingin sa mga pictures na ibinigay niya sa akin, mula sa pag pasok niya sa building ng condo unit, suot parin niya ang puting uniform galing sa klase, yakap ang makakapal niyang libro, hanggang sa pag-pasok niya sa condo unit at papasukin siya ng isang lalaki.

Seems like she's like her Aunt, walang pinagkaiba. I am positive na isa si Noemi sa sumira sa pamilya ko, so might as well hurt her through her niece. Mukha namang ito na ang itinuturing niyang anak.

Maybe after this, after Tasha Ricio fall in love with me, leave her in pain,and I see her bleed. Maybe we can it quits.

Maybe after all of these, they will understand how much pain they have caused to my mother. We tend to be too insensitive sa mga bagay na hindi pa naman natin naranasan ang consequences, that's why we don't feel sorry for it, until it came.

At ako yun, I will be their consequence. Hindi nila maiintindihan yun kung hindi ko ipararamdam. I will be the biggest karma they will ever face!

"It's not a good idea man! Lahat ng iyan. It will only drag you down!."

Payo sa akin ni James ng minsang aksidente niyang marinig ang usapan namin ng private imbestigator.

"Trust me James, I am already in the deepest part of it." I drink my whiskey, then put the glass on the table.

"I need company" Sigurado kong sagot sa lahat ng sinabi niya. Desidido ako.


"Up to you man.. up to you." Pasuko siyang umiling at ininom narin ang whiskey sa kanyang kopita.


Yeah.. It's all up to me now.


Habang patawid siya ng pedestrian lane ay siyang pag tapak ko ng gas, binilisan ko ang andar, tuloy tuloy. Deretso ang tingin sakanya. Nakita ko kung paano tumakbo at tumabi ang iilang patawid din. Tinapakan ko ang break ng malapit na malapit na ito sa kanya.

Nahulog ang mga dala niyang libro sa lupa. Gulantang at naka-awang ang kanyang bibig at nakatingin sa mga libro niyang nagkalat. Of course who wouldn't horrified?

Mahigpit akong nakahawak sa manibela. Hindi niya kita ang matatalim kong titig dahil tinted ang aking sasakyan, But when her gaze directed at me, kitang kita ko ang takot.

You really have to be scared now, because I'll ruin you big time.

That.angelic.face. Na kahit bahid ng takot sa kanyang mukha ay nakahuhumaling. Mariin akong pumikit at huminga ng malamim, to ease all the thoughts that's coming into my head right now! Binuksan ko ang mga mata ng may mas matalim na titig sa kanya.


Game on!

Binuksan ko ang pintuan, at bumaba. Dahan-dahan akong lumapit sakanya. Sinundan ng gulat niyang mata ang paglapit ko. Even the crowd were shocked and not moving, as if waiting for the next scene. Lumapit ako ng lumapit hanggang ilang pulgada nalang ang distansya namin dalawa.

Her skin is Rosy in pink, natural na mapula ang kanyang labi, hinihipan ng hangin ang maitim at makintab niyang buhok, I hate to say this. Pero mas maganda siya sa malapitan.

Marahan kong ipinilig ang aking leeg. Focus! I need to focus and I.. don't have time for this shit!

Mula sa akin ay bumaba ang tingin niya sa aking dibdib. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

Why Tasha? What is it huh? Are you practicing your reaction kapag nalaman mo na niloko lang kita? Save it for later. Dahil gusto kong marami pang matira niyan sayo sa mga susunod na buwan.. O taon.

She's looking at my necklace, na parang ngayon lang siya nakakita ng pendant na singsing. Kaya ipinaloob ko ito sa aking damit. Because I want all her attention. Sa akin lang.

At nangyari nga iyon, tumaas ang mata niya papunta sa akin. I smile at her devilishly. Yumuko ako, pinulot ko ang mga librong nagkalat sa kanyang paa, Pinanood niya ako habang ginagawa iyon.

This will be the start Tasha Elizabeth Ricio. After this you will be devastated, just like how my mom was.


"I am sorry." Buong sinseredad kong sabi. Habang ibinibigay sakanya ang mga libro. I should be awarded best actor for this. Pakurap kurap at natataranta niyang kinuha iyon mula sa akin at niyakap ang makakapal at mabigat niyang libro.

Muli siyang tumingin sa aking dibdib, can't look at me straight now huh?. I smirked. I want that Tasha. I want to have an effect on you.

"Sa-salamat." Malambing na boses ang kumawala sa unang salita na sinabi niya sakin. She look so fragile and vulnerable. Parang sobrang daling gawin saktan.


"Si Jacob ba yan?!" That caught my attention. Hindi ko napansin na marami ng nakatingin. At nakikilala na ako ng mga estudyante ng school na ito. This is not good!


"Aaahh! si Jacob nga!" Hysterical na sigaw ng isa pang babaeng studyante na kaparehas din  ng uniform ni Tasha.


"Oh my god! Jacob! Picturan mo kami!"

Mabilis na dumami ang mga estudyante sa harapan ko. Nakita ko kung paano mabilis umalis si Tasha sa dagat ng tao. Hanggang sa hindi ko na siya nakita.

Nagmamadali akong pumasok sa kotse at ni-lock iyon, gustuhin ko man umalis at paandarin ang kotse ay  huli na! Hindi na ako makaalis dahil sa mga taong nakaharang paikot sa sasakyan.

"Jacob kahit isang picture lang please!" Pagmamakaawa ng isang babaeng may hawak na cellphone habang kinakatok ang bintana ko.

"Ako Jacob isang hug lang! Mabilis lang to wag ka matakot!" Kalampag naman ng isang babae na galing kung saan at hindi naman  naka uniform. She's creepy.

Ang ibang sasakyan ay bumubusina na sa likuran, gumagawa na ng traffic ang nakaharang kong sasakyan, na hindi makaandar dahil sa mga pumipigil dito. Naghintay ako ng ilang sandali hoping na mapapatigil ng mga guard ng school ang gulo, pero habang tumatagal mas lalo lang dumarami ang tao sa paligid ng sasakyan ko.

Shit! Walang pag-asa kong kinuha ang cellphone ko at may tinawagan. Hinampas ko ang aking manibela at binato sa passenger's seat ang cellphone matapos ang tawag.

Hindi ko ito naisip! My fame will be the biggest hindrance in this plan. I need to lure her somewhere na hindi ako makikita or else ay palaging magiging ganito ang mangyayari.

Ilang sandali lang ay dumating na ang itim na van, unang bumaba ang mga unipormadong bodyguards na agad marahang hinawi ang mga tao para bigyang daan si Sanya, kalamado at walang emosyon siyang naglakad palapit sa akin.


She's the handler of The Chase since day one at, sanay na sa ganitong mga bagay. She's wearing black heels in a beige suit and pants and just plain black shirt inside,with scarf.

She smoothly take off the scarf off her neck and put it on my head para matakpan, inilabas ako ng kotse at inilipat sa van, Mabilis akong naupo sa isang captain chair kasunod siya.

"Let's go Jeff, sa Mustang na ang mga body guards." Maawtoridad na utos niya sa driver, habang ini-slide niya pasarado ang pintuan ng van. Bumuga ako na hangin in relief ng makitang umaandar na kami palayo sa lugar.

"And you.." baling niya sa akin. "Are you out of your mind?" Mariing tanong niya ng makaupo ng maayos. Tamad akong sumandal sa upuan, bumuga ng hangin at tumingin sa bintana habang palayo sa school, nagkakagulo parin ang mga tao.


"I just checked on something."


"Sa U-belt really? 70 percent of your fans are students! And they are the aggressive and crazy ones than the rest!  Now you are telling me you just checked on  something?" Hindi makapaniwala niyang tanong.


I got nothing to say, lahat ng sinasabi niya ay tama.


"This is the first time you are pain in the ass, pero pinaka delikado ito so far."

Mariin niyang sabi habang naka-halukipkip.


"If James do something stupid right now, I'm gonna kill him."


Bulong bulong niya at sumandal ng maayos sa upuan.


Isinandal ko ang aking ulo sa headrest at pumikit. Hindi na rin nagsalita pa si Sanya hanggang maihatid ako sa aking condo.


"Anong ginawa mo doon?"


Umiling ako at nagpasyang wag sagutin ang tanong ni James.


"It's all over the news. Bakit ka napadpad doon?" Pagpapatuloy niya. Sa itsura ng mukha niya alam kong hindi niya ako palalagpasin ng hindi ko siya sinasagot.


Just when I thought I can  take a rest pero nandito ang isang ito para basagin ang katahimikan ko. Well wala namang maitatago dahil kumalat na ang balita.


"Just nothing, leave me alone James."


Iwas ko sa mga katanungan niya.


Humalakhak siya sa aking sinabi.


"Nothing? I know you man, hindi ka magsasayang ng oras." humalikipkip pa ito at umiiling habang mapanuyang sinasabi sa akin iyon

"Ibig ba sabihin goodbye Maureen na?"

Napalingon ako sa binanggit niyang pangalan.


"Tanggap mo na, na si Nate talaga?" Natatawa padin niyang tanong. Umigting ang aking panga sa kanyang sinabi. Fuck this guy! Dahan dahan kong inilapag sa bar ang baso at matalim siyang tiningnan.


"Wag mo siyang isama dito." Kumalas ang kanyang mga braso at tumayo ng tuwid.


"Easy man. I'm just asking. Ito ang unang may issue ka tungkol sa babae." Kibit balikat niyang sabi ng makita ang iritasyon sa aking mukha.


"That's the niece of Noemi Garland."Natigil si James, napawi ang kanyang ngisi at napaawang ang bibig sa aking sinabi.

"Wait? Garland?.." Kumunot ang kanyang noo na parang kay hirap alalahanin ng apelyidong iyon. Ilang sandali pa ay naliwanagan siya.

"Oh no.. No you dont." Sabihin mo sa aking hindi.." Umiiling siya sa gitna ng pagsasalita.

Umalis ako sa bar ng kitchen at pumunta ng living room.

"Yes James. I am still up for revenge."

Sinundan niya ako. Kinuha ko ang remote at binuksan ang T.V.


"Walang kasalanan ang pamangkin Jacob. And revenge? Paano?"


Pinanood ko ang news about sa nangyari, at iba't ibang balita ang kumalat. Sino ang babaeng pinuntahan ko doon. Good thing at hindi nasama ang mukha ni Tasha dito. Because I have a bigger plan for her.

Hinarap ko siya at tinitigan. Nagsimula muli siyang umiling na parang basa na niya ang nasa isip ko.


"You are obsessing about this revenge thing, ingat ka lang dahil baka bumalik lahat yan sayo.

I smirked and nod my head. Walang babalik sakin dahil sisiguraduhin kong wala ng matitira pa sa babaeng iyon.

"Don't tell me I didn't warn you" Tumayo na siya and ready to leave.

"Anyway, Sanya bombarded me text messages, telling me not to do anything stupid. Bakit bigla akong nadadamay?"

Natatawa niyang tanong as if hindi niya alam na siya ang pinakasakit ng ulo.


Kinuha niya ang scarf ni Sanya na itinakip sa akin kanina. Nasa bar iyon, at winagay-way sa akin ng makuha na.

"Ako na magsoli, baka miss lang ako." He said cockily. I watched him leaving my unit habang umiiling.

Nagpatuloy ang pagsunod ko sakanya. I take note of her schedules. Nalaman ko na lagi siyang may pinupuntahang condo after class. Sa condo unit na iyon ay isang lalaki ang may -ari. At hindi ko na alam kung ano pa ang nangyayari sa loob ng kwarto na iyon.

Maybe making out? Is that her boyfriend? Nagaaral ba ito ng mabuti? Mukhang sayang lang ang pera na nilulustay ng ama ko sakanya dahil sa kalandian niyang yan.

But I don't care. Sisiguraduhin kong hindi magiging hadlang ang lalaking iyon sa akin.

"Masyado kang busy ha. Palagi kang late." Panunuya sa akin ni Nate.

Humalakhak si Whayne, pero seryoso lamang nakikinig si James. Hindi ko na lang pinansin, kinuha ko na ang gitara at nagsimula na kami sa rehearsal.

Nagiging abala ako sa pag sunod sa babaeng iyon. But I'll make more time. Para sa mga kailangan kong gawin sa kanya.


"This question is long overdue, but We will never get tired of asking you Jacob. Are you ready to answer who is the owner of that ring? sasagutin mo na ba ang katanungan namin Jacob?"

Alam kong sa bawat interview ay hindi mawawala ang tanong na ito. Everytime..

Nagsigawan ang mga babae sa studio. Lahat sila ay naghihintay sa akin ng sagot. Paano ko sasagutin kung ako mismo hindi ko alam kung nasaan na ang nagbigay sa akin nito three years ago and... can't even remember her face.

All I know is that.. I am thankful to her that day.

Tumikhim ako bago nagsalita.

"Whoever she is. Gusto ko siyang pasalamatan."

Lumakas ang bulung bulungan. Ang iba ay parang mas gusto pa ng detalyadong sagot. Pero wala na akong maibibigay pa.


Nagkaroon kami ng dalawang linggong bakasyon. Matagal na namin itong hinintay. Masyadong naging busy ang schedule ng The Chase dahil sa concert abroad. At paguwi ng pilipinas ay konting interviews about the concert at pahinga na.


And I really waited for this. She is my first schedule on my list.


That day I saw her drinking coffee somewhere near her condo. Nagbabasa siya ng isang libro. Nakasuot siya ng puting dress. Ni hindi niya alintana ang mga lalaking dumadaan na nakatingin sa kanya.


I admit, she's like an angel in that dress. But would she be more like an angel when she's naked?


Alam kong nakakalinlang ang kanyang itsura, pero I'm glad na alam ko ang gawain nila ng kanyang tiyahin. This hatred will never fade. Ang galit ko kay dad. Ang galit ko sa mga nagawa niyang kamalian kay mom. There's no way other than this. To make even.


Hindi ako papayag na hanggang dito lang ito. Na hanggang galit lang ako. I need to do something hindi pwedeng ako lang ang nasasaktan dito! Someone has to suffer too. Iyong mga taong naging dahilan kung bakit naging ganito ang pamilya ko.

I will never forget how my mother
suffered. I will always feel her pain. I know this is not good for me. Anger will do me nothing but evil. My mom did nothing but good to my dad, pero san siya dinala ng kabutihan niya? They abused her kindness. And I don't have any plan to go that way. I know already what' s waiting for me on that path. And that path will only kill me in any form of pain.


No. Never! It will never happen again. It's time to turn the tables, it is my turn now! Sila naman ngayon ang masaktan at magdusa.

You wait for me Tasha Elizabeth Ricio. This road is gonna be hard for you this time.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...