Married No More [#Wattys2019...

By SakuraYushi

584K 9.5K 1.8K

Wattys 2019 Winner under the Romance category . Be My Daddy's Sequel. Genre: Romance Status: Completed (Un... More

Married No More
Maraming Salamat!
Anong Klaseng Manunulat Ka
Characters
Simula
Kabanata 1: When She Was Gone
Kabanata 2: When She Returned
Kabanata 3: Welcome To The Demon's Den
Kabanata 4: Forgetting The Unforgotten
Kabanata 5: Nowhere To Go
Kabanata 6: The Old and The New
Kabanata 7: The Eagle Eye
Kabanata 8: Haunting Promises (The Twin's Event)
Kabanata 9: Haunting Promises (Broken Ring)
Kabanata 10: Lost And Found
Kabanata 11: Her Man
Kabanata 12: Annoying Ex (Part 1)
Kabanata 13: Annoying Ex (Part 2)
Kabanata 14: That Man
Kabanata 15: Welcome To a New Hell
Kabanata 16: Bitter Sweet Ex
Kabanata 17: President's Girl
Kabanata 19: Be My Girl
Kabanata 20: Prince Charming and The Nightmare
Kabanata 21: Secrets of The Melendez
Kabanata 22: Cleanest Way Possible
Kabanata 23: Meeting The Baby
Kabanata 24: He's Gone
Kabanata 25: Dead
Kabanata 26: Evil Solution
Kabanata 27: The New Board Member
Kabanata 28: His and Hers
Kabanata 29: Mrs. Melendez
Kabanata 30: Had Enough
Kabanata 31: His Promise of Love
Kabanata 32: His Sacrifice
Kabanata 33: Overlook
Kabanata 34: The Ring on His Neck
Kabanata 35: His Thoughts
Kabanata 36: Returned
Kabanata 37: In His Arms
Kabanata 38: Her Love And Who Loves Her
Kabanata 39: Seeing Through Her Lies
Kabanata 40: The Bearing
Kabanata 41: A Choice Needed To be Made
Kabanata 42: King and Knight
Kabanata 43: Night of Hatred
Kabanata 44: Killing For Love
Kabanata 45: Last Farewell
Wakas
Author's Note
Questions
Deleted Chapter: How It Started
Special Chapter 2: Hating and Liking
A Taste of Love

Kabanata 18: The Proposals

10.2K 183 17
By SakuraYushi

Dedicated to RedBeen95

"Hindi na ako magpapaligoy pa Christopher. What's with all this news going all around the internet and even in the television and radio?"

Halos matuod ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni daddy. Hindi ko inaasahang didiretsuhin niya si Sir Christopher pagpasok palang namin sa office nito. Halatang galit talaga siya.

"Dad..." pagtawag ko sa kanya at saka ko siya nilapitan. Pero hindi ako pinansin ni daddy, na kay Sir Chris pa rin ang tingin niya.

"Answer my question Christopher! Girlfriend mo ba ang anak ko?" muli niyang tanong rito.

I want to answer dad myself pero dahil sa ipinapakita niya ay hindi ko magawang magsalita. Natatakot ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Kuya on the other hand is keeping his silence habang diretso rin ang tingin sa presidente ng M-Dez. Kaya hinayaan ko na lamang na si Sir Chris na ang sumagot kay daddy.

"Sir, Khiana and I don't have that kind of relationship. Hindi ko po girlfriend ang anak niyo..." sagot ni sir na ilang beses pang bumuntong hininga. He's really stressed out because of this issue.

"Then why did that article came out? And that picture...bakit mayroong picture na kumakalat kung saan kasama mo ang anak ko?" Tumataas na ang boses ni daddy kaya hindi ko mapigilang kabahan. Nakakatakot talaga si daddy kapag galit siya, it reminds me of that time na nagalit siya sa akin...it was 9 years ago.

"Dad!" Sumingit na si kuya. Hinawakan niya ang braso ni daddy as he tried to calm him down. "Calm down, we're here to talk things out at hindi ang makipag-away. Let Christopher explain, huwag natin siyang pangunahan."

Nakita ko ang paghinga nang malalim ni daddy. Mukhang nakatulong nga sa kanya ang mga sinabi ni kuya. Nang mahimasmasan ito ay doon pa lamang siya nag-angat ng tingin kay sir Christopher. Hinayaan na niya itong magsalita without forcing him to answer.

Napahinga muli nang malalim si sir Chris bago ito nagsalita. "The picture was taken yesterday when we were having lunch from a business meeting we went into. Pero hindi lamang po si Khiana ang kasama ko kahapon, my secretary Nancy was with us. But when the picture was taken, Nancy was in the comfort room. The one who took the picture put a different meaning with what really happened."

"Who do you think is responsible for this?" tanong ni kuya.

Napailing si sir Chris. "We don't know for sure. It can be a curious paparazzi na gustong pagperahan ang issue na ito. O maaaring isa sa mga gustong pabagsakin ako o ang M-Dez."

"I don't like having this issue Christopher especially that my daughter is involve. Do something about this."

Tumango si Sir Chris. "Yes sir. We will do everything to stop this!"

"We will also find a way to shut it down," ani rin ni kuya na tinanguan ulit ni Sir.

Nakita ko ulit ang muling paghinga nang malalim ni daddy. It's really obvious how stressed out he is. I don't like seeing him like that lalo na't alam kong ako ang dahilan. I hope this issue will be resolved soon dahil ayaw ko nang alalahanin pa ito ni daddy.

"We want to bring Khiana home so we hope that you'll excuse her for the day. With the issue going around, we can't let her stay here. It's not like we're saying that something bad will happen to her while she's here, it's just that we don't want to let our guard down. We don't know what may happen, we just want to take some precautions."

"Kuya!" tanging nausal ko.

"I understand," ani sir at saka niya ako tiningnan. "You should take the day off Khiana."

"B-But..."

"I think it's the best thing to do at the moment. Everyone is asking me about the issue. They're asking about you. Hindi natin alam ang mangyayari kapag nagsimula na silang maghanap sayo."

"Para ko na ring sinasabi na guilty ako o totoo nga ang issue kung magtatago ako. The issue is not true kaya hindi dapat ako matakot na harapin ang mga tao."

"Totoo man o hindi ang issue, the fact na nakita ka kasama si Christopher at a public place is just enough para i-harass ka ng mga tao." Natigilan ako sa sinabi ni kuya. Diretso ang tingin niya sa akin at kapansin-pansin ang pagkakunot ng kanyang noo. "Christopher is one of the most eligible bachelor in the country and a lot of people idolizes him. Now tell me Khiana, ano ang gagawin ng mga fans niya kapag nalaman nilang isang tulad mo na hindi nila kilala ay bigla na lamang nakitang ka-date ang iniidolo nila?"

"Grame, that's enough!" ani daddy at nakita ko namang bahagyang kumalma si kuya pero nakatingin pa rin sa akin. He's waiting for me to answer him pero hindi ako nakasagot sa tanong niya.

Pilitin ko mang itanggi ang mga sinabi niya, hindi maaalis ang katotohanang may punto nga siya. Yes, I can say all I want that the issue is not true pero hindi naman ang panig ko ang hinahanap na sagot ng mga tao. They've already seen the news, especially the pictures...tiyak na ang issue ang paniniwalaan nila dahil may picture na sumusuporta dito.

Napayuko nalang ako dahil wala na akong maisagot. Kuya is right after all.

"Thank you for accommodating us Christopher," ani daddy.

"It's my pleasure sir to have you here." Nakipagkamay pa si daddy kay sir Christopher at matapos iyon ay nagpaalam na nga sila sa kanya.

"Let's go," ani kuya at wala naman akong magawa kung 'di ang sumunod.

Pagkalabas namin ng office ni sir ay agad kaming sinalubong ni Miss Nancy at Mr. Quizon. Nagpatuloy sa paglalakad si daddy kaya sumunod sa kanya si Mr. Quizon. Susunod na rin sana si kuya pero pinigilan ko siya bago pa man siya makalayo.

"Kuya, pwede bang hindi na ako sumabay sa inyo?"

Nagbaling ng tingin sa akin si kuya kaya napayuko ako. Kuya is still angry at hindi ako sanay na makita siyang ganyan. Ever since na nagsimula siyang magtrabaho sa Millennium ay naging seryoso na siyang tao. Hindi na kami madalas maglambingan tulad noong mga bata kami na labis kong namimiss. But seeing him with that wrinkled forehead is really foreign to me. Yes, madalas na siyang seryoso pero ngayon ko lamang siya nakitang galit.

"Noone knows here that I'm connected to Millennium..."

"I understand. Ipapasundo nalang kita kay kuya Mark. Just make sure that you don't go anywhere." Tumango ako bilang tugon kay kuya. Tumalikod na siya sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad.

Tinungo ko ang aking table at saka naupo. Napabuntong hininga pa ako. Lumapit sa akin si Miss Nancy at saka siya naglapag ng cup sa aking table. Nang tingnan ko ito ay napag-alaman kong chocolate drink pala ang laman nito.

"Have this drink to calm yourself. It will definitely help," aniya na nginitian pa ako.

"Thank you po Miss Nancy!" nakangiti kong saad. Muli niya akong nginitian at saka siya naupo sa table niya.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakatanggap ako ng message mula kay kuya Mark telling me that he has arrived and is waiting at the car park of M-Dez.

Agad akong tumayo sa inuupuan ko at saka ako nagbaling ng tingin kay Miss Nancy.

"Miss Nancy, aalis na po ako," paalam ko. Nagbaling naman siya ng tingin sa akin. Tumango siya na tumayo pa para mas maharap ako.

"Mag-ingat ka. And Khiana, don't worry...maaayos din ang lahat." Tumango nalang ako at tuluyan na nga akong naglakad palabas ng office namin.

Hindi na ako nagpaalam kay sir Chris dahil nahihiya ako sa kanya. This issue brought us in a really awkward situation.

Dahil ayaw kong may makasalubong akong mga co-employee dito sa M-Dez ay napagdesisyonan kong dumaan na lamang sa fire exit para tunguhin ang car park. Riding the elevator is a risk lalo na't laging may gumagamit no'n.

On the way to the car park ay bigla nalang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bag ko. Agad na rumihestro sa screen ang pangalan ni Stephanie kaya walang pag-aalinlangan ko itong sinagot.

"Hello Steph..." pagbati ko.

("Khian, are you okay?") agad niyang tanong.

Napangiti ako dahil sa naging tanong niya. Hindi man lang ako binati. "I guess you've seen the news," sabi ko at narinig ko agad ang pagbuntong hininga niya.

("Y-Yes. Kumusta? Okay ka lang ba? Nasaan ka ba ngayon?") Bahagya akong napangiti dahil sa tuloy-tuloy niyang pagtanong.

"I'm okay. I'm actually heading home. Pinapauwi ako nina daddy." Narinig ko ang pagbuntong hininga muli ni Stephanie kaya hindi ko rin napigilan ang mapabuntong hininga. I hate it! Ang dami kong pinag-aalala dahil sa issue na ito.

("Hindi mo ba nakausap si Geoff?") Natigilan ako dahil sa naging tanong niya.

"S-Si Geoffrey? Why would I talk to him?"

("Uhm...when the news came out this morning, agad kaming tinawagan ni Geoffrey. He's asking for your number but we didn't give it to him dahil baka magalit ka.")

"He was?"

("He is really worried about you. Hindi ba siya lumapit sayo diyan?")

Napailing ako kahit hindi niya ako nakikita. "A lot of things happened here kaya hindi ko na siya nakita. Pauwi na rin ako so it's impossible for us to meet right now."

("Okay, I will just tell him that you're okay. Ibaba ko na ito, nagpaalam lang kasi ako sa boss ko na mag-c-cr lang sandali.")

"O sige. Thank you for checking on me, tatawag nalang ulit ako sa inyo mamaya."

("Mag-ingat ka sa pag-uwi.")

"I will, bye!"

Nang marinig ko rin siyang magpaalam sa akin ay ibinaba ko na ang phone ko at tinungo ko na agad ang basement ng M-Dez kung saan makikita rin ang car park.

Nang marating ko iyon ay agad akong sinalubong ng katahimikan. The light is dim at tanging mga sasakyan lang ang nakikita ko.

"Khiana!" Agad akong lumingon sa tumawag sa akin. Nakita kong nakatayo sa 'di kalayuan si kuya Mark. Nasa labas siya ng kotse habang kumakaway sa akin.

Napangiti ako at saka ako lumapit sa kanya.

"Hello po kuya Mark. Kanina pa po kayo?"

"Hindi naman hija, kakarating ko rin lang." Tinanguan ko nalang siya at sumakay na nga ako sa sasakyan. Sumunod din naman si kuya Mark sa loob.

Nang makaupo siya nang maayos ay agad niyang sinimulan ang engine at nagmaneho palabas ng car park. Isinandal ko nalang ang ulo ko sa upuan at tahimik na napatingin sa labas ng sasakyan.

Nang madaanan namin ang entrance ng M-Dez ay natigilan ako nang makita kong maraming tao ang nagkukumpulan roon. Naikunot ko pa ang aking noo nang mapag-alamang mga media pala ang mga iyon na may hawak na mga camera.

Napaayos ako ng upo habang tinitingnan ang mga nagkakagulong media sa entrance ng M-Dez. Everyone is taking pictures sa kung sino mang nakikita nilang lumalabas at pumapasok ng M-Dez. Nakita ko pa ang pagharang nila sa isang empleyado para i-interview ito.

So this is what kuya is trying to tell me. Pagkakaguluhan nga ako ng mga tao dahil sa issue.

"Khiana, pinapasabi pala ni Grame na huwag ka munang magbukas ng kahit na anong social media account ngayon."

Mabilis akong napalingon kay kuya Mark na nasa driver seat. Tinanguan ko lang siya habang pilit kong inaalis sa isipan ko ang nasaksihan ko ngayon-ngayon lang. Pero kahit anong pilit ko ay hindi ko talaga ito mawaglit sa isipan ko.

"Kuya Mark, pagdating niyo po sa M-Dez kanina. Nasa labas na po ba iyong mga media?"

Hindi agad nakasagot si kuya. Nakita ko pa siyang bumuntong hininga bago niya ako sinagot. "Kanina pa sila sa M-Dez. Noong hinatid kita kaninang umaga ay napansin ko na rin sila. Dahil siguro sa dami ng pumapasok na empleyado ay hindi mo na sila napansin."

So kanina pa pala sila. Mabuti nalang at marami akong nakasabay kanina pagpasok ko, hindi na nila ako napansin. I don't know what to do kapag nakita ako ng media. They will definitely ask me loads of questions. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko 'pag nagkataon.

Ilang minuto ang nakalipas nang mapansin kong lumiko kami ni kuya Mark. Labis ko itong ipinagtaka lalo na't hindi naman dito ang pupunta sa bahay.

"Kuya Mark, hindi po ba tayo pupunta sa bahay?"

"No. Grame instructed me to bring you to their house. Doon na lamang daw kayo mag-uusap."

"Sa bahay nila?" I don't really feel good in going their lalo na't nandoon sina ate Ella at Jeff. Ayaw ko na silang idamay pa sa issue na ito especially that ate Ella is pregnant. Baka pati siya ay mag-alala. Hindi iyon mabuti para sa baby niya. But I can't go against kuya Grame's decision, baka mas lalo pa siyang magalit kapag sinuway ko siya.

After a few minutes ay narating din namin ang subdivision na tinitirhan nina kuya. We've been here a couple of times kaya agad kaming pinapasok ng guard na naka-assign sa intrada ng subdivision.

Three blocks from the main gate ay matatagpuan mo na ang bahay nina kuya. It is the only house in that block that is painted in white. Halos lahat kasi ng bahay doon ay peach ang color o di kaya ay may hint ng blue.

Nang huminto kami sa harap ng bahay ay agad na lumabas ng kotse si kuya Mark para mag-doorbell. Hindi naman katagalan ay muli siyang pumasok ng kotse at kasunod nito ang pagbukas ng gate kaya ipinasok na niya ang kotse at ipinarada ito malapit sa pinto ng bahay.

Agad kong tinanggal ang seatbelt ko at kinuha ang hand bag na nasa tabi ko lang. Pinagbuksan pa ako ng pinto ni kuya Mark kaya lumabas na ako ng kotse. Dumiretso na ako sa pinto ng bahay nina kuya and when I opened it ay agad kong nakita si ate Ella na pababa ng hagdan.

"Ate Ella!" masaya kong tawag sa kanya at saka ko siya nilapitan. I kissed her cheek at saka ko siya niyakap.

"I miss you Khiana," aniya habang yakap-yakap pa rin ako. Napangiti naman ako dahil doon.

Nang bumitaw kami ay agad ko siyang tiningnan. "How's your pregnancy? Okay ka lang ba?"

"Well, aside from the everyday morning sickness...I'm doing fine." Napangisi ako dahil sa sagot niyang iyon. Ate Ella really finds humor in everything.

"I'm glad that you're doing fine ate. Nandito na ba si kuya?"

"You're kuya's on his way. He asked me to bring you to his office. Doon nalang daw kayo mag-uusap." Tinanguan ko lang si ate na agad na nagpakunot ng kanyang noo. "Is there something wrong? I asked Grame about it pero wala siyang sinasabi, may problema ba?"

Diretso kong tiningnan si ate dahil sa tanong niya. So, hindi pala niya alam ang nangyayari? That's good to hear! Mabuti na't hindi niya ito alam because I don't want her to get involve in this, dadagdag lang ito sa alalahanin niya. She's in her first trimester of pregnancy and being stressed is not good for her.

Nginitian ko siya at saka ako umiling.

"It's nothing ate, may ipinakiusap lang ako kay kuya."

"Are you sure? Grame seems restless after niyang makatanggap ng tawag kaninang umaga."

"Everything is fine, you don't have to worry. O nga pala, si Jeff..." Ate is really curious about what's going on so I decided to change the topic. Sandali pa niya akong tiningnan at inusisa pero sinagot din naman niya ako.

"He's upstairs. My piano lessons kasi siya ngayon." Namilog ang aking mga mata dahil sa aking narinig.

"Piano lessons? Kailan pa nagsimulang mag-piano lessons si Jeff?" Jeff's interested in piano? That's a surprise!

"It started a week ago. Gusto kasi niyang matutong mag-piano kaya kumuha kami ni Grame ng teacher na magtuturo sa kanya."

"Really? I didn't know that Jeff's into piano. I thought he only wants to play around. But if he likes it, then we should let him learn." Nakakatuwa naman ang baby namin!

"Kahit na anong gusto niyang matutunan, we will support him. I'm really happy that Jeff's a very active kid. He wants to learn everything at hindi siya nahihiya."

Napangiti ako sa sinabi ni ate. I salute her for being a very supportive mom for Jeff. Pero hindi ko rin mapigilang makaramdam nang kakaunteng kirot sa puso ko. I envy them.

A few minutes after ay dumating na rin si kuya. He only greeted ate Ella at dumiretso na kami sa opisina niya.

Pagpasok namin ay dumiretso agad siya sa kanyang table at saka niya hinubad ang suot niyang coat at ipinatong ito sa kanyang upuan.

"Have a seat Khiana," aniya kaya tumalima naman ako. Agad akong naupo sa sofa na nasa harap ng kanyang table. Lumapit din naman siya sa akin at doon siya naupo sa tapat ko. May inilapag pa siyang folder sa coffee table pero hindi ko alam kung ano ang laman no'n.

"Ano ba ang pag-uusapan natin kuya?"

He told me earlier to go home pero heto at pinapunta niya ako sa bahay nila to talk about something. Tungkol pa rin ba sa issue ang pag-uusapan namin? Nahanap na ba nila ang gumawa at nagpakalat no'n?

"This is not related to the issue going around the internet. But it's something that is also with the same importance. Dad doesn't want me to tell you this, but I think otherwise."

"A-Anong big mong sabihin kuya?"

"This..." hinawakan ni kuya ang folder na nasa ibabaw ng coffee table at saka niya ito inabot sa akin. Sandali ko pa itong tiningnan bago ko ito tinanggap.

Nag-aalangan kong binuksan ang folder at agad na bumungad sa akin ang iba't-ibang documents na may kalakip na litrato. Nang tingnan ko ang unang papel ay napag-alaman kong para itong isang curriculum vitae pero iba ang mga nakasulat roon, mas detalyado ito at lahat nang pwedeng malaman sa isang tao ay mababasa mo na roon.

Binasa ko ang pinakaunang papel na may naka-staple pang picture ng isang lalake.

Name: Warren Joseph Easton
Age: 28
Birthday: September 11
Nationality: Filipino-American
Weight: 56 kg.
Height: 6"1 ft.
- Second child of the owner of Easton Airlines, Mr. Euseof Easton. Was born in the Philippines but stayed abroad most of his life.
- A Bachelor of Science in Business Administration graduate from Yale University. Also took up his masters degree in Yale University.
- A professional golf player and participated different car racing tournaments.

Maraming pang nakasulat tungkol sa kanya pero hindi ko na iyon natapos pang basahin dahil bigla nalang nagsalita si kuya.

"It's the profile of the sons of some businessmen na nagbigay ng proposal sa atin." Mabilis kong ibinaba ang folder at saka ako nag-angat ng tingin kay kuya.

"Proposal?" naguguluhan kong tanong.

Napahinga nang malalim si kuya bago niya ako tiningnan at sinagot.

"Marriage proposals," aniya na nagpakunot ng aking noo.

"What marriage proposals?"

"A proposal to marry you!" sagot niya.

"What?" Someone is asking me to marry him? How can this happen?

I want kuya to answer me at ipaliwanag ang lahat but he said something na mas nagpalito lang sa akin.

"You know how dad treasure this family," aniya kaya naikunot ko ang aking noo. "Dad's always proud of us at ipinagmamalaki niya tayo sa mga kakilala niya, but it changed when you turned seventeen."

Mas lalo kong naikunot ang aking noo sa huli niyang sinabi. Ano ba itong sinasabi ni kuya sa akin? I want him to tell me what's going on pero bakit napunta ang usapan dito.

"I know na napapansin mo rin ito Khiana. Ever since your seventeenth birthday, wala nang lumalabas na articles tungkol sa atin. Our pictures that are posted online were deleted at hindi na rin tayo sinasama nina dad sa mga events na pinupuntahan nila."

"Why are you telling me this kuya?" He just told me about the marriage proposals but suddenly change the topic. And now, it's like he's blaming me for something? What's his deal?

"I want you to know everything Khiana, at gusto kong maintindihan mo kung bakit ginawa ni daddy ang ginawa niya noon."

Seryoso si kuya kaya hindi ko magawang kontrahin siya. I want to say something, gusto kong magreklamo pero ewan ko kung ba't napi-pipi ako. Napahinga nalang ako nang malalim at hinayaan siyang magsalita ulit.

"It started to came, these marriage proposals nang mag-seventeen ka." Muli akong nagbaba ng tingin sa folder nang sabihin iyon ni kuya. "Maraming kumakausap kay daddy para i-set up ang kanilang anak sayo. But dad didn't accept their proposal. He keeps on rejecting them but they are persistent. Walang nagawa si dad but to make that decision. That is the reason why dad wants you to study business."

"Wait! I don't understand it kuya. What's the connection with me taking up business and that marriage proposals?"

"Dad was afraid that those who are asking for your hand in marriage will find way para  mapilit kang pakasalan ang isa sa kanila. If that time will come gusto niyang maging handa ka."

"What?" I still don't understand where he's going.

"Isa lang naman ang rason kung bakit maraming nagnanais na pakasalan ka. You are a Ricks, and just having our name connected to there's is enough para makahatak ng maraming investors. That is the reason why they want you. You're going to be just a trophy bride Khiana and Dad doesn't want it to happen."

Napayuko ako dahil sa mga sinabi ni kuya. Hindi pa man niya sinasabi ang lahat ay naiintindihan ko na ang gusto niyang iparating. Nagsisimula nang bumigat ang loob ko dahil sa aking mga napagtanto.

"That's the reason why dad forced you to study business. Gusto niyang matutunan mong pamahalaan ang kompanya dahil kapag nangyari mang maikasal ka nga sa isa man sa kanila ay ayaw niyang gamitin ka lang nila. You are a Ricks and is worthy to work and manage Millennium. Hindi makakapayag si daddy na mapunta lamang sa magiging asawa mo ang karapatang dapat na sa iyo."

Hindi ko na napigilan ang maluha dahil sa sinabi ni kuya. I didn't know na ganoon pala ang rason ni daddy kaya niya ako pinagbawalan na kumuha ng fashion designing noong College. Ang nasa isip ko lamang noon ay ang kagustuhan ko kaya kahit na hindi ko pa nalalaman ang side ni daddy ay agad na akong nag-desisyon na labag sa gusto niya.

"You should have told me about this..." Kung alam ko lang sana ay hindi na ako naglayas noon.

"Ayaw ni daddy na malaman mo ang tungkol dito. Even mom doesn't know about this."

"Pero kuya..."

"Dad knows how it feels to be in this situation Khiana and he told me that it's not a good thing to be in. We decided to keep this to you for your own sake. When you left home 9 years ago, we told your suitors that your studying abroad. There is no trace of you in any country kaya bahagyang silang natahimik. They stopped looking for you but..."

"But?"

"But one didn't stop."

"What do you mean?"

"There's this one suitor na hindi tumigil sa pagpapadala ng regalo sa iyo. Hindi rin sila tumigil sa paghahanap sayo. I heard that they have hired a private investigator para mahanap kalang."

"But you're hiding me. He can't find me, right?"

"I'm afraid to say this but we think he found a lead about you."

"What? How did this happen? Sino ba ang lalakeng 'yan?"

"Look at the last paper," aniya pertaining to the folder in front of me. Agad naman akong nagbaba ng tingin dito at tiningnan ko nga ang huling papel na nakapaloob dito.

Agad kong naikunot ang aking noo nang makita ang litrato ng isang lalakeng may seryoso mukha.

"What's the matter?" nagtatakang tanong ni kuya. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya.

"I know this guy."

"What? Paano mo siya nakilala?"

"A few days ago, noong pumunta ako sa Millennium. Muntik na niya akong mabangga ng sasakyan niya."

"What? Don't tell me..."

"He asked for my name and I gave it to him." Matapos kong sabihin iyon ay agad na napatayo si kuya sa inuupuan niya at saka tinungo ang table niya. Mabilis niyang hinagilap ang telepono at may tinawagan gamit iyon.

Muli ko namang ibinaba ang aking tingin sa folder kung saan makikita ang impormasyon tungkol sa lalake.

"Xyriel Cairon Mula," basa ko sa pangalan ng lalake. Now I am sure na siya nga iyong anak ng Mula na kausap ni kuya sa telepono noong dinala ko si Andy sa bahay. He's the man who keeps on telling me na dadalhin niya ako sa ospital kahit na ayaw ko.

"You should head home Khiana!" biglang saad ni kuya kaya nilingon ko siya. Ibinaba na niya ang telepono at ngayon ay hawak naman niya ang kanyang cellphone.

I still have lots of questions pero mukhang wala na sa mood si kuya para ipagpatuloy pa ito. Wala na akong nagawa kung 'di ang tumango nalang.

"Opo!" Tumayo na ako sa inuupuan ko at saka ko tinungo ang pinto pero bago ko pa man ito mabuksan ay agad na nagsalita si kuya kaya napatigil ako.

"Khiana, dad doesn't want you to be involve in this matter. But you're the one who they are after kaya baliw kami kung sasabihin naming hindi ka dapat makialam. These proposal will not stop hangga't hindi ka nakakasal o nagkaka-boyfriend man lang. Now, I am asking you, what will you do about this? You have a choice kung ano ang gagawin mo tungkol dito but make sure na hindi ka magpapadalos-dalos."

Naglakad palapit sa akin si kuya at saka niya ako hinawakan sa balikat ko.

"Xyriel called dad this morning informing him na natagpuan ka na niya. Expect that within this week ay makikipagkita siya sayo. He will definitely ask you about the proposal. I want you to be careful at paghandaan mo ang maaaring mangyari."

So this is the reason kung ba't may commotion kaninang madaling araw sa bahay. I thought it's about Millennium, pero tungkol pa rin pala ito sa akin.

"And starting today, kuya Mark will be accompanying you wherever you go. He will be your bodyguard from now on!"

Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi ni kuya. Bakit ba ganito kagulo ang buhay ko? May problema pa nga akong kailangang i-solve...heto na naman at may panibago. Kailan ba ako magkakaroon nang simple at mapayapang buhay?

~❇️~

Hi guys! Kumusta? Magulo ba? Hihi! Sorry if nakakalito ang update ko ngayon. Ang dami ko kasing gustong isulat dito pero hindi ko alam kung saan magsisimula. I will edit this for sure para mas maayos na ang daloy. Sa ngayon ay pagtiyagaan niyo muna! 😂😂 Thanks for reading everyone.

-ate sak

Continue Reading

You'll Also Like

284K 15.4K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
876K 25.3K 51
Jacques Quade de Gracia - The gray-eyed son of the multi-Billionaire Enrico de Gracia and a half-Russian half-Filipino former model. He is a senior h...
198 62 27
[SHORT STORY] [COMPLETED] Your love wasn't enough to trust me.
295K 5.9K 40
[The Alvin Wyeth Santillan Story] [Santillan Siblings Series # 5] Relive the magic of falling in love with your first love and the happiness of m...