Clash of Clans Series - Prima...

By DianeJeremiah

525K 27.4K 8.3K

Fresh from a devastating breakup with Gabrielle, Kreme Tiffany Montalban went far away and left everything be... More

Author's Note
Introduction
Chapter 1 Girl Next Door
Chapter 3 Disturbed
Chapter 4 Someone You Loved
Chapter 5 Searching...
Chapter 6 Hope After the Pain
Chapter 7 Where Are You?
Chapter 8 Photograph
Chapter 9 Code: The Subject
Chapter 10 Unsolved Mystery
Chapter 11 Home
Chapter 12 Suddenly
Chapter 13 Missing You
Chapter 14 Are You Ready?
Chapter 15 It's The Only Way
Chapter 16 See You Again
Chapter 17 You're Here
Chapter 18 From A Distance
Chapter 19 Is This Goodbye?
Chapter 20 The Devil's Kiss
Chapter 21 Baby's Day Out
Chapter 22 The Registered PI
Chapter 23 Dealt With
Chapter 24 Before Me
Chapter 25 Find the Courage
Chapter 26 Override
Chapter 27 I'm All About You
Chapter 28 Speak, My Love. Speak.
Chapter 29 Loving You Is Like...
Chapter 30 On the Wings of Love
Chapter 31 What I Want
Chapter 32 Clash
Chapter 33 Point of No Return
Chapter 34 Love is Tragic
Chapter 35 Walk Me Home
Chapter 36 Judgement Day
Chapter 37 Until Such Time
Chapter 38 Running in Circles
Chapter 39 Ask Me Not
Chapter 40 After All
Bonus Chapter: A Happy Ending

Chapter 2 Illustration

11.9K 612 193
By DianeJeremiah

"Every night, I laid awake with your memories flooding through my eyes with the hope to be with you when sleep arrived."


Gabrielle POV


"Au revoir!" Paalam ko sa salitang Pranses sabay kaway sa kaibigan kong si Ines.

Nakangiting kumaway din siya pabalik sa akin bago siya sumakay sa loob ng taxi'ng pinara. Nakangiting tumango ako sa kanya at inihatid ito ng tanaw. Napabuga ako ng hangin at gumawa ito ng fog sa ere. Ang lamig. Hindi ko alam kung ilang degrees na pero balot na balot ako.

Nakapasok ang dalawang kamay sa loob ng suot kong makapal na jacket. Nakasuot din ako ng beanie hat. Manaka-nakang iginagalaw ko ang aking mga paa para mawala ng kaunti ang lamig na nararamdaman ko. Kahit nakasuot ako ng boots, malamig pa rin ang pakiramdam sa talampakan.

Napayuko ako para tignan ang oras sa suot kong relo. Pasado alas otso na ng gabi. Tiyak na hinihintay na ako ni Krum sa bahay. Hindi 'yon natutulog ng wala ako sa tabi niya, o di kaya ng hindi siya binabasahan ng bedtime stories. Ang tagal kasi ng mga kasamahan ko sa pagkuha ng kanilang gamit at ilan pang dokumento.

Napatingala ako sa langit sabay napapikit. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil natapos ko ang short course ko sa Culinary Arts. Nagpapasalamat din ako kay Finn sa suportang ibinigay niya.

Isang pito mula sa aking kanan ang nagpamulat sa aking mga mata. Nang nagbaling ako sa direksyong pinanggalingan nito ay nakita ko ang isang guwapong lalaking nakangiti sa akin.

"Waiting for your ride?" Simpatikong tanong niya.

Bahagyang nakangiting tumango lang ako dito. Pumarad ang isang taxi sa harapan namin dito sa labas ng eskwelahang pinasukan ko. Binuksan ng lalake ang backseat ng sasakyan sabay mosyon sa akin na pumasok.

"No, it's okay." Tanggi ko pero nagpumilit pa rin itong paunahin na akong sumakay. "Merci." Sabay napayuko ng bahagyang pagpapasalamat ko dito dahil sa pagiging gentleman.

Nakangiting sumaludo lang ito sa akin. Pumasok na ako sa loob at muling tumingin dito bago isinara ang pinto ng sasakyan. Sinabi ko sa driver ang address na pupuntahan ko bago kami tuluyang umalis.

Nagpasalamat ako sa tsuper ng makababa ako ng sasakyan at makabayad sa aking pamasahe. Napatingala ako sa two-storey house na nasa aking harapan. Pumasok ako sa gate pagkatapos ay isinara din ito. Lamig na lamig na pumasok ako sa loob ng bahay.

"Mama!" Tuwang-tuwang bulalas ni Krum ng makapasok ako sa loob ng bahay.

Nagtanggal ako ng makapal na jacket tsaka isinabit ito sa coat rack bago mabilis na lumapit sa aking anak para batiin ng halik sa pisngi at yakap ng mahigpit.

"I miss you." Sabi niya habang nakayakap din sa akin ang maliliit nitong braso. Hindi pa siya gaanong matatas magsalita pero naiintindihan naman.

"I miss you too, baby." At mas lalo pang hinigpitan ang yakap ko dito.

"Oh, you're home!"

Napatingin ako sa nagmamay-ari ng baritonong tinig na iyon. Nakangiti si Finn habang papalapit sa amin, dito sa living room. May hawak na isang baso ng gatas sa kamay.

"Sorry." Hingi ko ng paumanhin dito. Lumapit ako sa kanya para batiin ng halik sa pisngi. "Ang tagal kasi ng mga kasama ko e." Dahilan ko.

"It's okay." Nakangiti at nakakaunawang tugon niya. "Miss na miss ka no'ng bubwit." Sabay nguso sa dalawang taong gulang na si Krum. Nakaupo ito sa carpeted floor habang abala sa pagda-drawing.

Napangiti ako habang pinapanood si Krum. Kahit dalawang taong gulang pa lang ito ay napaka-bibo na.

"Kumain ka na?" Tanong ni Finn sa akin bago ito naglakad papalapit sa bata at ibinigay ang dalang baso ng gatas.

"Oo." Sagot ko habang ibinababa ang dalang sling bag sa sofa sabay naupo na rin dito. "Nanlibre si Louise kanina." Tukoy ko sa kaklase at naging kaibigan na rin.

Sandaling napasulyap sa akin si Finn at ngumiti ito bago itinuon muli ang atensyon sa bata. Nakangiti ako habang pinapanood silang mag-ama na nagba-bonding. Muli akong napasulyap sa suot na relo.

"Krum, it's bedtime na, anak." Sabi ko.

Tumigil na ito sa ginagawa. "I'm done!" Tuwang-tuwa siyang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Tinulungan naman ito ni Finn ng mukhang matutumba. "Look, mama!" Sabay ipinapakita sa akin ang iginuhit sa isang short coupon bond.

Nakangiting inabot ko ang braso niya para alalayang makalapit sa akin. "Wow!" Bulalas ko. "Ang galing naman ng baby ko!" Sabay hinalikan ito sa pisngi. "Ikaw ang gumuhit nito?"

"Yup." Sagot niya na mas pinahaba ang tunog ng 'p' sa dulo.

Ipinakita niya sa akin ang iginuhit niya sa papel. Apat na guhit taong magkakahawak kamay. Nagtaka ako kung bakit apat.

"Bakit naman apat anak?" Malambing na tanong ko sa bata habang nakaupo na ito sa aking kandungan. "Sino 'to?" Sabay turo sa isa pang guhit na kasing laki ng illustration ko.

"It's mommy Kreme." Nakangiting sagot niya.

Nawala ang ngiti ko at awtomatikong napatingin kay Finn na nakaupo pa rin hanggang ngayon sa sahig. Nagkibit-balikat lang siya.

Muli akong nagbaling ng atensyon kay Krum. "Hmm..." Naging uneasy ako sa kinauupuan. "B-bakit mo naman siya isinali dito?"

"She's my mom too, right?" Inosenteng sagot niya. "I miss her..."

Nagtatakang napatingin ako sa bata. "Paano mo naman siya mami-miss e hindi mo pa naman siya nakikita?"

Ngunit napalabi lang ito bilang sagot habang nakatingin sa kanyang mga iginuhit. Seryoso ang mukhang napatingin akong muli kay Finn.

"Gab..." Sambit niya.

Isang matalim na titig lang ang isinukli ko sa kanya bago tumayo sa kinauupuan, dala si Krum. "Let's go to bed, Krum."

Napabuntong-hininga si Finn bago ito tumayo. "Good night, baby boy." Sabay hinalikan sa noo si Krum. "Sleep tight."

"Good night, daddy!" Sagot naman ng bata.

Nagpapaunawang tumingin sa akin si Finn pero inirapan ko lang siya bago ako naglakad patungong hagdan, karga si Krum na hawak-hawak pa rin ang papel sa kamay. Ibinaba ko si Krum sa loob ng banyo ng kanyang kuwarto para punasan.

"Mama?" Sambit nito habang pinupunasan ko ang kamay niya ng basang bimpo. Hindi siya pwedeng maligo o mag-half bath, masyado ng gabi.

"Bakit?" Tanong ko habang abala sa ginagawa.

"Are you mad at me?" Tanong niya.

Natigilan ako sa ginagawa at gulat na napatingin dito. "No, anak!" Hinawakan ko siya sa mukha. "Bakit mo naman nasabi 'yan?" Ngunit napalabi na naman siya ulit. "Hindi galit si mama sayo. Tsaka bakit naman ako magagalit?"

"Dahil nag-draw ako." Tugon niya.

Napangiti ako. "Hindi ako galit." Pang-aassure ko sa kanya. "Nakakatuwa nga dahil marunong ka na mag-draw e."

"Daddy taught me." Proud niyang sabi.

Sandali akong natigilan sa sinabi niya. "T-tinuruan ka din ba niyang iguhit ang... ang mommy K-kreme mo?" Kunwari akong nagpatuloy sa pagpupuna sa kanya.

"Yes." Maikling sagot niya habang nakatingin sa papel na hawak-hawak pa rin pala niya. "I bet she's gorgeous like you, mama."

Wala sa sariling napangiti ako sa sinabi niya. "Mas maganda siya." Sagot ko.

"Really?!" Namilog ang mga mata nito sa sinabi ko. Nakangiting tumango ako. "I want to see her!" Excited na sabi niya.

Nawala na naman ang ngiti ko sa sinabi niya. Paano ko sasabihin sa kanya na hindi pwede dahil galit at masama ang loob ko sa ginawa ng mommy Kreme niya? Na kahit lumipas ang dalawang taon ay parang sariwa pa rin ito sa puso ko?

"Come on." Muli ko siyang binuhat ng matapos ko siyang mapunasan at ibinaba sa ibabaw ng kama.

"Mama, please?" Pakiusap niya. Excited siyang nakatingin sa akin. "Can I see mommy Kreme? I really want to see her!"

"Huwag kang malikot baka mahulog ka!" Saway ko sa kanya habang inaalalayan siya sa ibabaw ng kama. "Kukuha lang ako ng pajama mo."

"Mama!" Malakas na sabi niya.

Hindi ko pinansin ang sinasabi niya at inabala ang sarili sa pagkuha ng kanyang damit pantulog sa closet. Nakaupo na ito sa kama habang nakatingin na naman sa iginuhit.

"Daddy told me that she loves me like her own son. How come she's not coming here to see me?" Malungkot na saad ng bata.

Literal yata na narinig ko ang pag-crack ng puso ko para sa anak ko. Papaano niya nagagawang mahalin at ma-miss si Kreme kahit na hindi pa naman niya ito nakikita? Apat na buwan lang siya noong huli silang magkita.

Nilapitan ko siya para bihisan. Pareho kaming walang kibong mag-ina habang pinapalitan ko siya ng pantulog.

"Do you have a picture of her, mama?" Tanong niya sa akin habang kinukumutan ko siya hanggang dibdib.

"Wala, anak." Hindi nakatingin sa kanyang sagot ko.

"You're lying." Nakalabing akusa niya.

Natawa ako ng marahan sa sinabi niya. "At bakit mo naman nasabing nagsisinungaling ako?"

"I just know." Tugon niya habang nakatitig sa aking mga mata. "'Cause you're not looking to me when you said that."

Muli akong natawa sa isinagot niya. Minsan iniisip ko kung dalawang taong gulang lang ba talaga 'to dahil kung magsalita parang mamang-mama na.

"Okay." Tumitig ako sa kanyang mga mata. "Wala po akong picture ng mommy Kreme mo." Saad ko. "Happy?"

Mas lalo ng nanulis ang bibig niya. "No. I'm sad."

Napabuntong-hininga ako. Nahiga ako sa tabi niya. "Huwag na sad." Alo ko. "Nandito naman si mama e. Bakit? Hindi pa ba sapat si mama? Hindi mo ba ako love?" Paglalambing ko.

"No." Nakalabi pa ring sagot niya. "I mean, of course, yes. I love you." Mabilis niyang bawi na ikinangiti ko. "I love you. I love daddy." Patuloy niya. "And I love mommy Kreme."

"Come here." Umayos ako ng higa at niyakap siya. "Mahal na mahal ka rin ni mama. At alam mo din na mahal na mahal ka ni daddy, di ba?" Tumango siya.

"How about mommy Kreme?" Tanong niya.

Malapit na akong mairita sa kakarinig sa pangalan niya. Gusto kong kausapin ngayon si Finn tungkol dito. Alam naman niyang -

"Do you love daddy?" Natigilan ako sa tanong niya.

Napabuntong-hininga na naman ako. "Oo naman." As a friend.

Si Finn ang tumayong best friend ko, ama ng anak ko... hanggang doon na lang siguro ang kaya kong ibigay sa kanya. Mabait si Finn. Inaalagaan niya kami ni Krum. Alam kong mahal ako ni Finn, pero hindi ko alam kung hanggang saan. Masaya kami bilang isang pamilya, pero bakit palaging may kulang? Bakit palaging may malaking puwang sa pagkatao ko, sa puso ko na hindi mapunan-punan?

"How about mommy Kreme?"

"Krum -"

"Do you love her too?"

Hindi ako nakakibo sa tanong ng anak ko. Minahal ko siya. 'Yon ang alam ko. Pero ngayon, sama ng loob at galit ang tanging nararamdaman ko para sa kanya. Iniwan niya ako. Mas pinili niyang magpakalayo-layo kaysa sa ipaglaban kami ni Krum. Sabagay, pamilya niya ang kanyang pinili. Hindi ako. Alam ko namang walang masama kung piliin niya ang kanyang pamilya, isa pa, naipaintindi na naman sa amin noon ang mangyayari. Ngunit umasa ako. 'Yon ang masakit, umasa ako.

Sino ba kasi ang may sabing umasa ka? Na mahal ka din ni Kreme? Ani ng aking isipan.

Natigil lang sa pagtakbo ang isip ko sa nakaraan ng marinig ang paghikab ni Krum. Nakapikit na pala ito habang yakap ko.

"Go to sleep now." Malambing na sabi ko sabay hinalikan ito sa noo. "Mama loves you so much."

"Good night, mama." Antok na antok na sabi niya. "I love you too."

Napangiti ako sa huling sinabi niya. Muli ko siyang hinalikan sa noo at masuyong niyakap. Napapikit ako. Hinintay ko munang mahulog siya sa malalim na pagkakatulog bago maingat na bumangon. Napansin kong hawak ka rin niya sa isang kamay ang papel. Maingat ko itong kinuha mula sa pagkakahawak niya. Hinalikan ko siya sa pisngi at pinatay ang lampshade bago lumabas ng kanyang kuwarto.

Kagat-labing tinitigan ko ang guhit ni Krum habang nakasandal ako sa saradong pinto ng kuwarto niya. Ayoko na sanang balikan pa ang kahapon ngunit bakit para nito akong hinahabol? Para akong minumulto ng aking nakaraan...

Hindi ko napigilan sa pagtulo ang aking luha. Malaya itong umagos sa aking magkabilang pisngi habang nakatitig sa drawing ng aking anak, partikular na sa ilustrasyon ni Kreme.

Kinamumuhian kita, Kreme. Kinamumuhian kita. Ang impit na sigaw ng puso ko.




- Unedited.

Continue Reading

You'll Also Like

968K 33.3K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
380K 22K 53
I am destined to be yours and yours alone...
113K 5.1K 25
Mahirap mag Move On pero mas mahirap mag Hold On sa taong binitawan ka na. Naka Move on na ako noh. Gusto nyo ako pa mag kasal sa kanila eh. Pakingga...
926K 34.7K 39
Paano mo sasabihin sa isang tao kung gaano mo siya kamahal at pinapahalagahan kung ang katumbas nito ay ang posibleng pagkasira sa nakasanayan at ugn...