GENERAL'S PROVERBS
SA TAHANAN NI OTIS AT KEVA
Pagkatapos ng kanilang pagpupulong ay nagpasya silang puntahan sa game room ang mga Diwani at Rehav nang saganon ay makapagbonding sila ng ilang oras pagkatapos ng kanilang pagsasaya ay bumalik na sila sa kanilang kanya-kanyang tahanan upang mamahinga.
SA TAHANAN NG MGA DIWATA
Pagdating nila sa kanilang tahanan naisipan nilang umupo muna sa couch para makapagpahinga sandali bago magpunta sa kanilang mga silid sa gitna na kanilang pag-uusap ay nakita ay nakita nila si Jigs na humihingal papalapit sa kanila.
LIRA:Hinihingal ka yata Ninong Jigs,anong meron?
JIGS:Kasi anak may mga nagpumilit na pumasok dito, at ang sabi nila Tita at mga pinsan raw siya ni Paopao!
PAOPAO:Kuya Jigs bakit nais niyang makapasok dito?
JIGS:Gusto ka niyang makausap.
PAOPAO:Sige pupuntahan ko siya.
LIRA:Sasamahan na kita,Mahal.
PAOPAO:Ikaw bahala e correi.
Pagdating nila sa may gate ay nakita agad nila si Lusing at mga pinsan ni Paopao na nakatayo tsaka nakabusangot kaya lumabas na sila Lira at Paopao sa tapat ng gate upang kausapin s
PAOPAO:Ano po ang nagdala sa inyo dito? at paano niyo nalaman ang address namin?
LUSING:Ang yaman mo na pala Paopao!, nandito kami ng mga pinsan mo upang maningil sa bawat sentimong nagastos namin sa pagpapakain namin sa iyo!
LIRA:Mawalang galang lang po ha, bakit naman kayo maniningil?kung tutuusin nabayaran na ni Paopao ang utang niya sa inyo higit pa nga dahil sa pagpapahirap niyo sa kanya ng maraming taon!
JERRY:Huwag mo ngang bastusin ang Nanay ko at sino ka naman para makisabat sa usapan NAMING PAMILYA!
PAOPAO:Kayo itong bastos kahit na MAGKADUGO tayo kahit konti hindi niyo ako itinuring na pamilya nirespeto man lang at lubos niyo akong pinahirapan sa katunayan nga ibang tao pa nga ang nagparamdam sa akin na hindi ako iba sa kanila at isa akong miyembro ng PAMILYA!
JORDAN:Ang yabang mo ng magsalita porket yumaman ka na nakalimutan mo na na may utang na loob ka sa amin!
LIRA:Utang na loob?sorry kung nakisabat ako sa usapan niyo kung isipin natin kayo itong may utang sa kanya dahil pinabayaan niyo siya, hindi niyo siya minahal, at higit sa lahat ay hindi niyo siya itinuring na pamilya imbis na maningil kayo dapat nga babawi kayo kay Paopao dahil sa nagawa niyo sa kanya.
LUSING:Anong karapatan para sumbatan kami?!
LIRA:Hindi ko naman po kayo sinumbatan nagsasabi lang ako na totoo alam ko pong masakit tanggapin ang katotohanan.
PAOPAO:Mukhang wala na pong patutunguhan ang usapan na ito mabuti pa umalis na kayo pakiusap.
Papasok na sana sila Lira ngunit hinawakan ni Jerry ang balikat ni Paopao para paharapin ito sa kanya na akmang susuntukin.
JERRY:Bastos ka pala eh! (Sabi niya na susuntukin sana si Paopao ngunit napigilan ito ng binata)
PAOPAO:Umalis na kayo bago tayo magkasakitan dito pagkat alam kong di niyo nanaisin na may masaktan pa sa inyo. (Saka binitawan ang kamay ng kanyang pinsan)
JORDAN:Baka ikaw ang naduduwag na lumaban sa amin,hindi ka pa rin nagbabago insan mahina ka pa rin!
LIRA:Hindi siya naduduwag at mahina hindi lang niya gustong manakit ng iba na walang sapat na dahilan!
PAOPAO:Sa pangalawang pagkakataon umalis na po kayo.
LUSING:Hindi kami aalis dito hangga't wala pa kaming natanggap na bayad!
PAOPAO:Pasensya na ho ngunit wala akong dapat bayaran sa inyo!, tara na Mahal pasok na tayo.
Papasok na sana sila sa pangalawang pagkakataon ngunit may tinutok na baril si Jerry at Jordan.
JERRY:Magbabayad ka pa Paopao o pasasabugin namin ang ulo niyong dalawa!
JORDAN:Kung ako sa inyo magbigay nalang ako ng pera kaysa mamatay!
LIRA:Ganon na ba talaga kayo ka desparado kahit walang utang sa inyo si Paopao pagbayarin niyo talaga!
LUSING:Wala kaming pakialam sa sasabihin niyo ang importante sa amin ay makuha ang perang nararapat sa amin!
PAOPAO:Inuulit ko po walang akong utang sa inyo!
Pasasabugin na sana nila Jordan at Jerry ang baril ngunit hindi ito natuloy pagkat naagaw agad ni Lira at Paopao ang baril wala silang magawa kundi labanan ang mga anak ni Lusing dahil sila itong unang umatake nila Lira.
Suntukin na sana si Lira ni Jordan ngunit napigilan ito ng Sangre at sinipa siya kaya natumba ito pero bakabangon agad akmang sisipain niya si Lira pero nakaiwas naman ito agad at nasuntok siya mukha.
Habang si Paopao naman ay nakaiwas sa suntok ni Jerry kagaya ni Lira ay sinipa niya ito ngunit siya ay napaatras lang aatake na sana siya ulit kay Paopao ngunit naunahan na siya ng Binatang Ligaw ng suntok sa mukha hindi kalaunan ay napatumba nila ang magkapatid at dali-dali naman silang dinaluhan ni Lusing.
LUSING:Mga anak ayos lang ba kayo?
JERRY:Oo Ma ayos lang kami,at kayong dalawa hindi pa tayo tapos!
PAOPAO:Pinakiusapan ko na kayo ngunit kayo itong nagsisimula ng gulo!
JORDAN:Magsisisi kayo sa ginawa niyo!
LUSING:Magbabayad kayo ng malaki!
Saka naglakad ang mag-iina palayo at napailing nalang ang magkasintahan.
PAOPAO:Avisala eshma na nariyan ka para sa akin.😊
LIRA:Siyempre magkasintahan tayo di ba! 😊
PAOPAO:Oo nga naman!(Sabay akbay kay Lira) pasok na tayo! 😁
SA LIVING ROOM..
AMIHAN:Medjo natagalan yata kayo sa labas,ayos lang ba ang pakipagusap ninyo kanila?
PAOPAO:Hindi po naging maayos Ate Amihan sa katunayan nga ay naghahanap pa sila nanggulo.
ALENA:Bakit naman kayo nagkakagulo doon?(Pagtatakang tanong ng Hara)
LIRA:Dahil po gusto ng Ashti at mga pinsan ni Paopao na magbabayad siya sa bawat sentimong nagastos nila dito kay Paopao.
PIRENA:Pashnea!bakit naman nila pagbayarin itong si Paopao na kung tutuusin ay sila pa itong may utang sa kanya!
PAOPAO:Ewan ko po sa kanila may mga tao talaga na mapagsamantala at akala siguro nila na matakot kami sa kanila dahil may hawak silang baril.
DANAYA:Ano?!tanakreshna sa ginawa nila sa inyo ay maari silang maparusahan dahil lumalabag sila sa batas dito!
LIRA:Oo nga po eh..hayaan nalang po natin sila at magpasalamat sila na hindi sila natamaan sa pananggalang na nilagay niyo.
MIRA:Oo nga kundi mayayari talaga silang tatlo at ang kapal ng mukha nilang maningil ha!
ANGELO:Sinabi mo pa,makakalusot pa sila sa ngayon ngunit sa susunod na bumalik sila dito ay titiyakin ko na makukulong ang mag-iinang iyon.
PAOPAO:Iyan na talaga ang mangyayari kapag bumalik pa sila dito, siya nga pala sina Kuya Ybrahim at sila Cassandra?
AMIHAN:Nauna ng umakyat.
PIRENA:Mabuti pang magpahinga na tayo.
ALENA:Oo nga,pagod na rin ako..
DANAYA:Malalim na rin ang gabi.
Nagtungo na nga sila sa kanilang kanya-kanyang silid upang mamahinga.
KINABUKASAN
Habang sila ay kumakain ng agahan ay sinabihan na nila Alana ang kanilang hakbang na gagawin sumang-ayon naman ang mga ito pagkat magiging malaking tulong ito laban nila Ether pagkatapos nilang kumain ay nagtungo na sa office ang mga nakakatandang Sangre kasama ang kanilang mga kabiyak at dumeretso na sa boardroom upang mag-sign ng partnership agreement a.ng T. M. S. N corp. (Topacio. Madrid. Serrano. Nacino corp. ) at C.M.V.D corp.(Cruz. Mendoza.Villanueva.De Dios corp.).
Pagkatapos ay tinipon nila ang lahat ng mga empleyado ng T. M. S.N upang e announce ang kanilang partnership ganon na rin ang ginawa ng taga C.M.V.D pagbalik nila sa kanilang company nagkaroon na rin ng salo-salo sa function room at innannounce din nila na isasabay ang opening ng bagong hotel na ipinatayo ng T.M.S.N na dalawang taon ng nakalipas at party para sa partnership ng dalawang kompanya.
PAGKALIPAS NG HAPON
T.M.S.N CORP.
GENERAL'S PROVERBS
Pagkatapos ng konting kasiyahan ay bumalik na ang mga empleyado sa kanilang mga gawain at dumeretso na din sila lahat sa lobby ng 14th floor liban nila Aquil.
YBRAHIM'S PROVERBS
Pagkatapos ng salo-salo namin ay naisip namin nila Azulan na bumili ng coffee sa Starbucks kasi medjo inaantok kami ng aking mga bros at binilhan na rin namin ng iba pabalik na sana kami ngunit nakita namin si Andora na nakangisi sa tapat ng pintuan susundan pa namin ito ngunit bigla itong nawala.
MEMFES:Tanakreshna si Andora!
YBRAHIM:Oo nga kaya kailangan natin ito ipaalam nila Amihan.
AZULAN:Kailangan na nating magmadaling bumalik!
Nagmamadali kaming bumalik nang saganon ay masabi namin agad ang aming nakikita.
AQUIL:Mabuti nalang sumasang-ayon natin ang kapalaran dahil nakasakay tayo agad sa elevator.
YBRAHIM:Oo nga noh..
Pagdating namin sa 14th floor ay mabuti nalang na wala pang umalis sa aming mga kasama.
MEMFES:Mabuti namang kumpleto pa kayo!
ALENA:Bakit Mahal may nais ba kayong sabihin?
MEMFES:Nakita kasi namin si Andora sa tapat ng pintuan ng ating building!
DANAYA:Pashnea...mangyayari na talaga ang dapat mangyari.
AMIHAN:Tama ka at ang pagpapakita ni Andora iyon ay takutin tayo.
PIRENA:Kaya ang dapat nating gawin ay maglagay tayo ng pananggalang sa ating gusali at gusali nila Otis ng saganon ay walang kalaban na makakapasok.
PAOPAO:Tama kayo Ate Hara Pirena,pagkatapos nating maglagay ng pananggalang ay dedeteretso kami nila Lira sa Avila.
AZULAN:Kami naman nila Rama Ybrahim ay magtutungo sa Hathoria upang kukunin ang mga bagong mga sandata at mga baluti.
MIRA:Ama heto nalang ang kakambal na susi ng Asnamon ang gamitin niyo nila Aldo Ybrahim.
AZULAN:Avisala eshma Anak! (Sabay kuha niya sa susi)
YBRAHIM:Mauna na kami sa inyo!
Niyakap namin ang mga kabiyak at anak tsaka nagtungo sa plaza kung saan naroroon ang puno ng Asnamon.
SA PLAZA..
Pagdating namin sa plaza ay mabuti nalang na walang masyadong tao at malaki pa ang parking space na natira dahil dalawang delivery van ng company ang ginagamit namin para kargahan ng mga sandatang galing Hathoria ng walang pag-alinlangan ay binuksan na agad ni Rama Azulan ang lagusan.
AZULAN:ASNAMON VOYANAZAR!
Pagdating namin ng Encantadia ay sinara agad ang lagusan.
AZULAN:ASNAMON ARBER!
SA ENCANTADIA..
Sa tapat ng lagusan ay merong ilang kawal diwata ang nakabantay dito kaya pinakiusapan sila ni Mashna Aquil na kumuha ng sasakyang panghimpapawid upang ihatid kami sa Hathoria.
KAWAL 1:Mashna mga kamahalan na nandiyan na ang sasakyan!
AZULAN:Avisala eshma!
YBRAHIM:Avisala eshma!
AQUIL:Avisala eshma!
MEMFES:Avisala eshma!
FAST FORWARD
KAHARIAN NG HATHORIA
Pagdating namin sa Hathoria ay agad kaming sinalubong ni Mashna Eres at ilang mga Kawal Hathor.
ERES:Avisala Mashna Aquil at mga kamahalan!, matagal na panahon noong huli kayong nagtungo dito.
AZULAN:Siyang tunay Mashna, nagtungo kami dito upang kukunin ang mga bagong sandata at baluti,siya nga pala nasan si Deshna?
ERES:Nagtungo sa Adamya pinuntahan si Khalil.
MEMFES:Naks,naman ang pag-ibig talaga...(pabulong niyang sabi)
YBRAHIM:Ano iyon Rehav?
MEMFES:W-wala hehehe..😅
AQUIL:Ashtadi ka talaga Rehav.. (Pabulong niya ding sabi)
ERES:Mabuti pang dumeretso na tayo sa kamara ng mga sandata.
Tumango naman kami bilang pag-sangayon.
SA KAMARA NG MGA SANDATA
Nang makita namin ang mga bagong gawa na mga espada, baril, at baluti sadyang napakaganda tapos kumikinang pa ito natitiyak ko na napakatibay ng mga ito kumuha ang ilang mga kawal ng mga malalaking baul upang lagyan ng mga sandata at baluti.
Pagkatapos ng aming pinunta sa Hathoria ay nagbalik agad kami sa mundo ng mga tao kasama ng ilang kawal Hathor upang tulungan kami sa pagkarga ng aming dinadala.
Itutuloy....