The Wife

By JLforeverinlove

515K 7.8K 1.6K

Paano kung kasal ka? Kasal sa taong... Walang paki. Walang puso. Walang pagpapahalaga sa'yo. Sinasaktan ka ng... More

The Wife
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Note.

Chapter 2

41.7K 740 116
By JLforeverinlove

Salamat po sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa po ng story na 'to. So much appreciated po.

____________________

Dedic kay ate DeMisse. Isa kasi siya sa mga hiningan ko ng tulong sa tittle ng story na 'to. THANK YOU  :) Labyuuuu ATE. Mwaaaa :**

____________________

CHAPTER 2


Pagdating ni Junoella sa kanilang bahay. Agad itong pumasok sa kanyang kwarto. Hindi pa siya nakakapag-bihis nang mahiga ito sa kanyang kama. Tumingin siya sa ceiling.

Ayan na naman ang mga thoughts niya kaya hindi na naman nito napigilan ang kanyang luha.

Kinuha nito ang kanyang cellphone saka niya tinawagan si Areen.


“Bui.. Kailangan ko ng makakausap. hikbi nito.

Alam na ng mga kaibigan niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Mag-gigirls night out na naman sila. Yun ang gawain niya sa tuwing may gusto siyang kalimutan kahit sandali lang.

Mabilis lang siyang nakapagbihis at pumunta na sa bar kung saan sila magkikita ng mga kaibigan niya. Taxi lang ang ginamit nito dahil ini-expect na niyang mapaparami siya ng maiinom.

Wala pa ang dalawa niyang kaibigan nang dumating ito sa bar.

Um-order na siya ng alak. Gusto na niya kasing makalimutan ang nakita nito kanina. Nasasaktan siya sa mga ginagawa at pinapakita ni Rance. She's been a loyal and faithful to her husband since they're married. Ni hindi nga niya pinapansin yung mga lalaking nagpapakita ng pagkagusto sakanya. Kasi nirerespeto niya ang asawa nito. Siya ba faithful at loyal? HINDI, dahil ni minsan hindi niya ‘yon naramdaman simula ng kinasal sila. Dahil isang malanding asawa si Rance.

Dumating na ang inorder niyang alak. Isa ‘yon tequila. Sinimulan na niyang ininom iyon kahit wala pa ang mga kaibigan niya.


“Sue! problema mo? Nakasimangot ka naman diyan.” pambungad na tanong ni Areen saka ito umupo sa tabi niya.


“Gaga ‘to nagtanong pa kung ano ang problema niya. Obvious naman kung ano ang pinoproblema ng ating mahal na kaibigan. As usual ang magaling na naman niyang asawa. Spill.” sabi naman ni Houdini.

Hindi na lang nito pinansin ang sinabi ng kanyang kaibigan. Nagsalin na lang siya ng alak sa kanyang baso saka nito nilagok.


“Ano ba yan Sue. Dahan-dahan nga lang sa pag-inom.” awat ni Areen. Tuloy-tuloy na naman kasi siya sa paglagok ng alak. Mauubos na nito ang isang bote ng tequila. “Ano sasapakin na ba namin siya? Don’t worry magtatawag kami ng resbak. Para siguradong panalo tayo.” tanong  nito habang ngingiti-ngiting aso.

Natawa na lang siya sa sinabi Areen. As if naman magagawa nila yun. Sus, sapakin daw. Alam naman niyang may pagnanasa din sila sa kanyang asawa. May pasapak-sapak pang nalalaman. Pero sobra nilang mahal si Junoella para agawin nila ito sakanya.


“Shit!” ibinaba nito ang hawak niyang baso habang nakapatong ang siko nito sa mesa at nakapatong sa kamay nito ang ulo nito. “Nakita ko na naman siyang may kasamang babae. Nyemas na yan. Hindi lang halik yun girls. They’re almost making out nang makapasok ako sa office niya. Kulang na lang hubarin na nila ang pang ibabang kasuotan nila sa harapan ko, eh” paglalabas nito nang sama ng loob.


“Parang hindi ka naman nasanay dun. Ganun na talaga siya, ever since.” sabi ni Houdini habang nakataas ang isa niyang kilay then she rolled her eyes.


“Buti nga sila may sex life. Eh, ikaw na kanyang asawa wala. Sa loob ng mahigit isang taon niyong pagsasama ni Rance, as in zero ang sex life mo. Tigang na tigang ka na Sue. Nag-asawa ka pa. Hahaha” pang-asar ni Areen sakanya. Dahil alam nitong maiinis siya sakanyann sinabi.

Sinamaan niya lang ng tingin si Areen. Kahit kailan talaga napakatabil ng dila nito. Walang preno kung magsalita. Bulgaran kung bulgaran.

Alam kasi nilang may mga flings si Rance. Every month na lang iba-iba ang nakikita nilang kasama nito baka nga every week pa. But they could blame those women because Rance was the prince charming they had been waiting for. He was rich, handsome, gentleman, strict but definitely a good boss for their company, a intelligent student. Yes, kumukuha siya ng masteral degree. A very nice guy to everyone, except sakanyang asawa dahil madalas siyang sungitan nito lalo na kapag nagkakasalubong sila sa kanilang bahay. Last but not the least, he’s hot. Totally hot. And according to some rumors he was also great in bed. Sino ba naman ang makakatanggi sa isang tulad ni Rance Luhan Villaruz.? Total package.


“Manahimik na nga lang kayo kung wala rin man lang kayong sasabihin. Imbis na pinapagaan niyo ang loob ko, lalo niyo lang pinapasama.”

Minsan napapaisip siya kung bakit ba sila ang naging kaibigan niya. Samantalang magkakaiba ang kanilang personality. Houdini is a serious type person, Areen is a happy go lucky. And she had both of that personality.


“Hay naku!” napabuntong hininga na lang si Areen, bigla naman siyang may naisip na paraan. “Kung idivorce mo na lang kaya siya.” 


“Ha?” O__O “Divorce ka diyan.” nanlakihang matang sabi niya sa dalawa.


“Uyyy! Ayaw niya.” tinignan niya ng seryoso si Junoella, “Isang tanong isang sagot Sue. Mahal mo na ba si Rance?” tanong ni Houdini sakanya.

Bigla naman siyang natigilan sa tanong na yun. Mahal na nga niya ang kanyang asawa pero hindi pa siya sigurado dahil baka na-a-attract lang ito sakanya. Because she’s never been inlove bago siya makasal kaya hindi niya alam kung pagmamahal na ba ang tawag sa nararamdaman niya.

Para kasi sakanya, men were synonymous of pain, heartache, sorrow, anger and tears. Iyon kasi ang mga naramdaman niya nang malaman nitong may kapatid siya sa ama. Nagulat siya noong panahon na ipinaalam sakanya ng kanyang ina na may naging anak ang kanyang ama sa ibang babae. Laking pasalamat na lang niya dahil sila ang pinili at hindi ang pangalawa. Mas panganay lang siya ng isang taon sa kanyang kapatid.


“Tameme ka. Love mo na yata si Rance, eh. Dati-rati hindi ka naman naiinis sa tuwing nakikita mong may kasama siyang iba.” pang-aasar ni Houdini sakanya, “Kelan ba nagsimula ito Areen?”

Inaalala naman ng kanyang kaibigan kung kailan nga ba?


“Ah!” nakangiti niyang sabi, “Nung.. hmmm.. Iniligtas siya ni Rance dun sa nambastos sakanya. Shunga niya kasi eh. May sasakyan naman pero naglakad pa siya.” sabi ni Areen.


“Tama.” sabay apir nung dalawa.

Bigla namang naflashback sa kanyang isipan ang mga nangyari nung panahon na yun.


“You okay?” tanong nito sa kanyang asawa. Matapos niyang bugbugin ang lalaking nambastos dito.


Nakahawak ito sakanyang mukha at tila nag-aalala ng sobra ang kanyang hitsura.


“Oo.” halos pabulong niyang sabi, “Thank you.” napayakap siya bigla kay Rance.


Alam niyang ayaw ni Rance na niyayakap siya nito pero yun lang ang paraan para malaman nito na thankful siya. Na buti na lang dumating siya kundi baka napahamak na ito sa kamay nung lalaking nambastos sakanya.


Niyakap din siya pabalik ni Rance. Doon lang niya nafeel na kahit paano mahalaga din pala siya sa kanyang asawa. Kaya napaiyak na lang siya bigla.


“Don’t cry Junoella. I’m here.” sabi nito habang hinahaplos-haplos ang kanyang likod.

Ramdam nito sa kanyang mga yakap na safe siya. Parang sinasabi ng mga yakap niya na walang mangyayaring masama sakanya as long as kasama siya nito.

Doon siya nagsimulang magkagusto kay Rance.


“Lutang na naman siya, oh!” asar ni Areen.


“Che! Manahimik na lang kayo. Utang na loob.” pabalang na sabi nito sa dalawa niyang kaibigan.


“Guilty. Ayaw niyang idivorce si Rance kasi mahal na niya ito. Hay!” asar na naman ni Areen kay Junoella.


“Wala talagang pinipili ang pag-ibig. Kahit alam na nating hindi naman tayo mahal ng taong mahal natin. Minamahal pa rin natin sila. Kung sabagay sa pag-ibig walang pipi at bingi. Tanga lang ang mayroon.”

Natatanga na lang si Junoella at Areen sa sinasabi ni Houdini. Ang lalim kasi niyang magsalita ngayon. Akala mo naman may pinanghuhugutan. Kung makapagspeech kasi eh, damang-dama nila.


“Sabing hindi ko nga siya mahal.” pagde-deny niya pa.


“You’ll never be able to hide what you feel Sue. Maybe you can always deny but actions never lie.” sabi ni Houdini na parang feel na feel niya.


“Ang galing ng speech mo ‘teh. Ikaw na, ikaw na talaga. Congratulations.” pumalakpak pa si Areen.

Tinginan sila sa isa’t isa at sabay silang tumawa.


“Hahahahahaha”

Nagkaintindihan na silang tatlo kung ano man ang sinasabi ng kanilang mata.

Napabuntong hininga siya, “bakit ba kasi may mga taong pumapatol sa hindi naman dapat?” nilagok niya ng tuluyan ang natitirang tequila.


“Simple lang, kasi hindi nila alam na may asawa na si Rance. Kung alam lang nila edi sana walang umaaligid sakanya.”  sagot ni Houdini sa tanong niya.


“Hindi din Dindie. May mga tao nga diyan na kahit alam nilang may asawa o boyfriend ang isang tao, may nakikisawsaw, may nakikiapid, in short may mga kabit.” salungat namang sagot ni Areen sa sinbi ni Houdini.

Napakamot siya ng ulo. Kung sabagay may point naman talaga si Areen sa mga sinabi niya.


“Edi ipagdamot mo si Rance. Problema ba yun?” suggest ni Houdini.


“Mali ka naman diyan. Paano niya maipagdadamot si Rance kung hindi siya lumalaban. Ano yun? Susugod sa giyera ng walang kaplano-plano, walang dalang baril. Talo lang siya kung nagkataon.” salungat na naman ni Areen.


Sige kayo na lang dalawa ang magtalo. Hay naman oh!


“Anong gagawin niya?” tanong ni Houdini habang nagpalipat-lipat siya ng tingin sa dalawa.

Binalingan ni Areen ng tingin si Junoella atsaka niya ito tinignan ng seryoso,sinabing. “Lumaban ka kasi. Huwag ka ng magpamartir effect diyan. Masyado ka kasing mabait eh kaya tama na yang pagiging anghel mo. Sabi nga sa No Other Woman panahon na para i-pack-up ‘yang si Lucy Torres mo. Ilabas mo na diyan si Gretchen BarrettoYun! Yun ang gawin mo. Ako na bahala sa red stilettos mo! Ipaglaban mo kung ano ang sayo. Huwag mong hayaang magwagi ang kabit sa storya niyo. Isipin mo, they're just a mistress. Remember you're still the wife. Pagbali-baliktarin mo man ang mundo ikaw ang asawa ni Rance. Pagmamay-ari mo siya. Kaya ikaw ang ang dapat na sumaya at hindi sila. Alam namin, hindi mo man sabihin. Mahal mo na siya. Obvious na kasing masyado. Kahit anong iiwas mo sa nararamdaman mo hindi na yun mababago. Maging matapang ka naman sa pagkakataong ito Sue. Maawa ka kahit konti sa sarili mo. Huwag ka ng makiuso pa sa mga tanga pagdating sa pag-ibig. Kung hindi mo pa yan ginawa. Naku! Magpapatayo na talaga ako ng statue mo at ikaw ang gagawin kong presidente ng club para sa mga tanga.”


“Ewan ko. Gulong-gulo na ako.” nagsimula na namangg umiyak si Junoella.





“HOY! LUHAN..” sigaw ng pinsan ni Junoella at the same time kaibigan din ni Rance.

Isang taon ang agwat ni Tofee kay Junoella. Samantalang magka-edad naman sila ni Rance. Lima silang magkakabata, si Junoella, Rance, Tofee, Dane, Nash.

Sumenyas naman si Tofee sa dalawa niyang kaibigan. Ayaw niyang magising eh. Kaya mapipilitan silang buhusan ito ng malamig na tubig.

Bigla namang napaupo si Rance sa sobrang pagkagulat nito. “Ano ba ang problema niyo? Aish.” ginulo nito ang kanyang buhok. “Bakit ba kayo nandito ha?”


“Ikaw ang dapat kong tanungin niyan Rance Luhan. ANONG GINAGAWA MO DITO?” galit na tanong ni Tofee.


‘Ah shit bumalik na pala ang gagong ‘to. Buwisit! pareho sila ng asawa ko.’

Pagkatapos ng scene kanina sa Office niya. Tinapos lang nito ang kanilang board meeting at nagtuloy na ito sa kanyang condo. Hindi sa bahay nila.

Naiinis pa rin kasi siya sa kanyang asawa. Hindi niya alam kung bakit. Basta lang naiinis siya kahit wala naman itong ginagawang masama. Kaya ganun na lang siya makitungo sakanyang asawa. As if she doesn’t exist.


“Hindi ka na naman makaimik diyan Villaruz.”


‘Nyeta oh! Daig niya pa si Junoella kung magbunganga. Bukas na bukas magpapalit na naman ako ng pass code’


“Oh pare, you’re here.” sarkastikong sabi ni Rance sakanya sabay tayo nito sa kanyang kama. “Bakit bigla-bigla ka namang sumusulpot sa condo ko at nalaman mo na naman ang pass code ko. Nagsama ka pa ng dalawang kumag.” turo niya sa dalawang kasama nito na nakatayo sa may gilid ng kanyang kama.


“Dammit Luhan!! Malalaman at malalaman ko talaga ang pass code mo kahit ilang beses ka pang magpalit. Baka nakakalimutan mong pagmamay-ari namin itong condominium.”

Tumawa naman ang dalawa sa sinabi ni Tofee. Minsan lang kasi magalit si Tofee sa kanyang kaibigan. Pero sa minsan na yun, iba naman siya magalit.

Sinamaan ni Rance ng tingin dalawang tumatawa kaya nanahimik na lang sila.

Dinaanan lang nito ang kanyang kaibigan nang lumabas ito ng kwarto. Ni hindi man lang niya sinagot ang tanong ni Tofee. Wala siya sa mood para mag-entertain ng bisita.


“Umuwi ka na sa bahay niyo. Nag-iisa lang si Ella doon.” malunay ngunit ma-awtoridad na utos nito kay Rance.

May napansin siyang isang bagay malapit sa pinto ng kwarto ni Rance. Pinulot niya ‘yon saka itinaas. Isang red see-through t-back. Nilinga-linga niya pa ang tingin niyamay nakita siyang bra sa may sofa.


“Hindi ka pa rin nagbabago Luhan. May asawa ka na nga lahat-lahat womanizer ka pa rin.” sabi ni Nash na nakangiting demonyo.


“Lul. A womanizer is always womanizer” sagot naman ni Dane.


“Gago. Luhan nag-uuwi ka pa rin ba ng babae dito?” galit na tanong ni Tofee.


“Psh!” sagot lang ni Rance. Ayaw niyang salubungin ang init ng ulo ni Tofee dahil baka mag-away sila.


“Puro beer lang ang laman ng fridge mo.” reklamo ni Dane para mabago ng kaonti ang kanilang atmosphere.

Naghahanap lang si Dane ng makakain. Ang kaso wala siyang makita kundi beer lang sa ref. Wala ring stock sa kanyang cabinet kahit mga junk foods man lang.

Hindi niya hilig ang mag-grocery. Ang katwiran nito, ay para saan pa kung pwede naman siyang um-order na lang.


“Taena yan. Sino ba kasing nagsabi sayo na may makakain ka dito.” singhal niya kay Dane.

Galit na binalingan ni Tofee si Rance. Dahil binabalewala lang nito ang kanyang sinasabi. “Ano pang tinutunganga mo diyan? Umuwi ka ng kusa o kakaladkarin kita pauwi sa bahay niyo. Pinagbigyan na kita sa gusto mo Luhan.” sigaw nito sakanya.

Tinutukoy nito ay ang pagiging malaya niya ng isang taon. Pero sobra-sobra na ang palugit na binigay nito para sakanya. Oras na para si Tofee naman ang masunod ngayon.


“Hinayaan na kita sa gusto mong mangyari.” pagtutuloy nito, “Ako naman ngayon. Umpisahan mo ng maging mabuting asawa sa pinsan ko. She deserve that Luhan. Wala siyang kasalanan kung bakit kayo kinasal. Dahil pareho lang kayong naipit sa isang sitwasyon. Kaya huwag mong ibaling sakanya ang lahat ng sisi. Buti nga siya may ginawa para pigilan ang kasal niyo, ikaw may ginawa ba?” tinalikuran na nito ang kanyang kaibigan pero bago sila tuluyang lumabas ng condo may sinabi pa ito, “Be nice to her Luhan. If you won’t. I bet you gonna regret it. I warned you, remember that. One more thing kapag bumalik na si she-who-must-not-be-name/d makipaghiwalay ka na sakanya. Dahil kasal ka na. Maaring hindi ko pa siya nakita okaya nakilala pero hahanapin ko siya at baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko para huwag lang masaktan si Ella. Mas marami akong connections kesa sayo” saka na sila lumayas sa paningin ni Rance.

Sapul siya dun. Wala nga siyang ginawa para pigilan ang kasal nila. Kaya wala siyang dapat sisihin kundi sarili lang.





“WAAAH!” ngawa ni Areen habang akay-akay nila si Junoella papunta sa kanilang sasakyan.

Buti na lang talaga at kilala na nila si Junoella kapag siya ang nagyayang gumimik. Lasing kung lasing kasi. Kaya naman hindi sila masyadong uminom para may umalalay sakanilang kaibigan.

Madali lang silang nakarating sa bahay ng mag-asawa.


“Grabe ang bigat na ni Sue. Mukhang kailangan na yata niyang magdiet.” reklamo ni Areen. Kasi siya lang ang umaalalay kay Junoella.

Samantalang si Houdini naman ay kinakapkapan nito si Junoella. Hinahanap kasi niya ang susi ng kanilang bahay.


“Dindie naman eh. Ang tagal mo namang maghanap, ang bigat pa naman ni Sue.” reklamo na naman niya.


“Tsk! Maghintay ka nga. Wala nga akong makapkap eh.” tinignan niya si Areen, “Saan naman niya kaya itinago?”


“Langya naman Dindie, dalian mo nga.”


“Eto na.” tinaas pa nito ang susi, “Makapagmadali naman.”


“Buksan mo na yung gate.” utos ni Areen.


“Opo.”

Pinagtulungan nilang maipasok si Junoella sa kanilang bahay.


“Woi, buksan mo yung ilaw. Ang dilim.” utos ni Areen, “Di na naman siguro umuwi si Rance.”


“ASA ka namang uuwi yun.”

Ang hindi nila alam nasa kusina lang si Rance. Kaya naririnig niya ang pinag-uusapan nung dalawa.

Nakatanga lang sila sa harapan ng hagdan. Iniisip nila kung paano ba nila maiiaakyat si Junoella sa kanyang kwarto ng hindi sila nahuhulog.


“Nak ng” they sigh.

Tanaw naman sila ni Rance mula sa kinatatayuan nila.


‘Ano na naman bang nangyari sakanya? Nagpakalasing ba siya? Kapag nalaman yan ng mga magulang niya. Patay siya.’ napailing na lang siya sa isipang yun.


“Uwaa. Pasalamat ka Sue kaibigan mo talaga kaming tunay.” sabi ni Areen habang bigat na bigat sila.

Nakakafour steps pa lang sila. Ngunit reklamo na lang sila ng reklamo. Paano kasi, yung inaalalayan nila tulog na tulog. Ni hakbang man lang ‘di niya magawa kaya hirap kung hirap ang dalawa niyang kasama.

Lumapit na si Rance sakanila. Hindi na rin kasi niya kinaya ang nakikita nito. Baka malaglag pa sila sa hagdanan.


“Anong nangyari?” tanong nito sa dalawa.


“RANCE!” sigaw nung dalawa na parang relieve na relieve.


“Kasi nagpakalasing ‘tong si Sue. Gustong makalimot eh” sagot ni Houdini.


“Kasalanan mo kung bakit siya nagpakalasing. Sabi ko pa man din sakanya sasapakin kita kapag nakita kita kaso wrong timing naman ngayon.” sabat ni Areen.

Walang sabi-sabing kinuha nito ang kanyang asawa sakanila. Saka niya binuhat pangkasal.


“Ako ng bahala sakanya. Pwede na kayong umuwi. Salamat sa pag-hatid kay Junoella.” tapos nagtuloy na ito sa kwarto ni Junoella.

Naiwan namang nakatanga ang dalawa sa may hagdanan. Hindi sila makapaniwala sa ginawa ni Rance. Siya? Nagmalasakit sakanilang kaibigan? Himala yata.


“Tara na nga. Baka wala lang sa tamang huwisyo si Rance kaya ginawa niya yun.” iling na sabi ni Areen habang hatak niya si Houdini pababa ng hagdan.

Pinatay nila ang ilaw sa sala at nilock na din ang front door. Nakagawian na rin kasi nilang gawin yun.

FIRST time namang makapasok ni Rance sa kwarto ng kanyang asawa. Magkahiwalay kasi sila ng kwarto.

Inihiga na nito sakanyang kama. Saka niya ito pinagmasdan ang natutulog niyang asawa.

“Hindi ka pa rin nagbabago Junoella. Kapag may gusto kang kalimutan ginagawa mong solusyon ang pag-inum.” hinaplos-haplos pa nito ang kanyang mukha, “Susubukan ko Junoella.” saka nito hinalikan sa kanyang noo.



..to be continued

**Need a feed back po ulit. Sabihin niyo po kung maganda o pangit. Promise hindi po ako magagalit. Para alam ko kung paano ko pa i-improve ang pagsusulat ko ng third person POV.

Thank you for reading..

VOTE. COMMENT. Be my friend.

If you think the story and I deserved for that.

GodBless!!

<3 JL

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...