MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO...

By frezbae

3M 89.9K 28.1K

A forbidden Story Mahal ko siya. Hindi ko kayang labanan ang aking nararamdaman hanggang sa lumipas ang panah... More

Guidance
Magkadugo 1
Magkadugo 2
Magkadugo 3
Magkadugo 4
Magkadugo 5
Magkadugo 6
Magkadugo 7
Magkadugo 8
Magkadugo 9
Magkadugo 10
Magkadugo 11
Magkadugo 12
Magkadugo 13
Magkadugo 14
Magkadugo 15
Magkadugo 16
Magkadugo 17
Magkadugo 18
Magkadugo 19
Magkadugo 20
Magkadugo 21
Magkadugo 22
Magkadugo 23
Magkadugo 23
Magkadugo 24
Magkadugo 25
Magkadugo 26
Magkadugo 28
Magkadugo 29
Magkadugo 30
Magkadugo 31
Magkadugo 32
Magkadugo 33
Magkadugo 34
Magkadugo 35
Magkadugo Books
Magkadugo Book Pictorial

Magkadugo 27

64.3K 2.5K 955
By frezbae

Chapter 27
Greatest Honor



I need to be strong. Walang makakatulong sakin kundi sarili ko lang. Naisip ko rin na dinala ni kuya si papa dahil hindi ko makakaya kung nasa pangangalaga ko si papa lalo na't may gamot ito na kailangan. Kahit nga pambayad sa hospital ay wala ako. Di'hamak na estudyante lamang ako.

Nagkalat sa aking mesa sa kwarto ang tatlong libro at ang aking papel. Marami akong pinag aaralan. Mas gusto ko pang matayog ang aking kaalaman. Kahit hindi na angkop sa dapat pag aralan ko basta't nakuha nang atensyon ko, pinag aaksayahan ko ito ng oras.

Tumunog ang aking cellphone sa mesa. Pangalan ni tita Chimen ang nasa rehistro. Huminga ako ng malalim at sinagot.

"T-Tita.."

"Ara, ayos kalang ba? Sinabi samin ni Andre at Niko ang mga nangyari. Nag-aalala kami sayo. Gusto mo bang..pumunta kami diyan? Ara, sabihin mo lang kung ano ang pangangailangan mo dahil kapos ako bibigyan kita.."

"Tita I'm okay naman po. Wa'g kayong mag alala."

"Mabuti narin at nag abroad si Santi at dinala si Alfonso. Sana maging maayos na siya."

"Sana nga po tita.."

"Ara, basta tumawag ka kung may kailangan ka huh? Nag aalala kami ni tita Carmen mo."

"Ayos lang talaga ako tita isa pa...busy rin sa pag-aaral e."

"Sige, ingat palagi hija."

"Yes tita.."

Kakababa ko lang ng tawag ni tit Chimen nang may tumawag ulit. Binaba ko ulit ang ballpen at sinagot ito.

"Yes po?" nagtataka dahil sa unregistered number.

"Good day Ma'am. I am Sassy Cruz of Philippine Bank. I call to inform you about your newly open bank account."

"Huh? Po?" Ako may bank account?

"Yes po. If you have time ,please pafollow up po dito sa aming office. May konting pipirmahan lang po at pag uusapan."

"Uh, l-legit ba ito?"

She chuckled. "Yes po Ma'am. Actually, kailangan kolang kasi ifollow up saiyo to Ma'am. And uh, naglalaman po ito ng five hundred thousand pesos."

Oh god! "P-Pwede pong malaman kung sino po ang nag open ng account para sakin at naglagay ng p-pera?"

"Yan rin Ma'am...napag utusan rin kami na gawing pribado ang identity at pangalan ng taong ito Ma'am. "

Napaawang ang bibig ko. "Uh, sige po pupunta po ako bukas."

"Thanks Ma'am!"

Nasapo ko ang mukha. Hindi ko alam ng gagawin lalo na't malaki ang pera na iyon! May pambayad na ako sa ilaw,kurente at pambili ng sarili kong laptop!

Pinuntahan ko kinabukasan ang Philippine Bank at nakumpirma na totoong too ito. Hindi ako makapaniwala! Halos maiyak ako sa galak, pero kailangan ko rin magtipid. Di pwedeng magwaldas lalo na't studyante palang ako.

Nag withdraw ako at bumili ng branded na klase ng kagamitang pangguhit at pagpinta. Nahihiya kasi ako minsan na yung mga nabenta ko ay yari murang kagamitan lamang.

Napag isipan ko na magmuni muni muna sa isang parke. Kaharap ang tahimik na lawang napapaligiran ng mga bulaklak na lily. Kulay berde ang tubig at mga puno ang nakapaligid. Sa gilid ng puno ay may duyan at may batang nakaduyan doon.

Wala sa sariling nilabas ko ang papel at ginawang patungan ang aking biniling malaking notebook. Ginamit ko ang lapis habang ang isang lapis ay ginamit kong pang ipit sa aking mahabang buhok.

Kinuha ko ang pagkakataon na hindi gumagalaw ang bata. Una kong ginawa ay gumuhit ng trace ng lawa...maliliit na lily...ang mga puno at ang mahahabang damo sa paanan ng bata.

Pasulyap sulyap sa kinaroroonan ng bata at mabilis ang galaw ng aking kamay. Hindi man ito perpekto pero isa parin ito sa aking mga talento.

Napasinghap ako ng tumakbo paalis ang bata..buti nalang halos patapos na ang aking ginagawa.

Binalikan ko ang ginagawa nang may biglang lumapit sa akin.

"Hello!!"

Nagulat ako sa maarte nitong boses. Pinasadahan ko ito ng tingin at nakumpirmang isa itong bakla na fashionista.

"Ah..Hi!"

"Sorry ha!" Umupo ito sa tabi ko sa bench. "I took a picture of you habang...." He took a glimpse of my work. "Gawd! Ang galing mo pala! Hindi kalang maganda , magaling rin! I am Paula by the way!"

"Ah, salamat. Kurso ko kasi ito at hilig narin. Ako pala si Ara."

"Oh..nice name.." tumango tango ito. "Look oh.." Pinakita niya sakin ang kuha niya sa mga pictures ko. "You look stunning and candid. Pwedeng pwede ka bilang model sa agency namin!"

Umiling iling ako. "H-Hindi po kasi ako mahilig sa modelling.."

"Sa una mo palang yan masasabi. Ikaw narin nagsabing kurso mo ang arts. Ibig sabihin may art karin bilang model. Hindi mo ba nakikita ito ha?" Dinuldol pa nito sa mukha ko ang camera. "You're really beautiful...malaking halaga ka sa agency namin pag nagkataon.At tsaka, alam mo ba? Yung mga Asian sa Victorias Secret? Samin yun nadiscover! May choices ka naman girl! Pose or ramp! Pwede ka sa both! Pero..." tumigil ito. "Yon ay papayag ka. Legit kami girl..kung gusto mong pag usapan natin pwede kitang itreat ngayon..nasa labas lang ang limou ko.."

Fuck..limousene!

Umiling iling agad ako. "N-Naku, wala talaga akong hilig sa mga ganyan po.."

Umirap ito sakin at binigyan ako ng calling card. "Call me nalang if makakapag isip ka. Name your prize girl..sige babush!"

Nakangiwi akong tiningnan itong habang naiiwan ang puwet maglakad. Halata rin sa porma at mga gamit sa katawan na mayaman ito.

Tuwing gabi...yakap-yakap ko ang litrato ni kuya Santi. Gabi gabi akong umiiyak. Araw araw akong nagdurusa. Hindi maiwasan masaktang sa tuwing makikita ang mga larawan ng aming pamilya na ngayon ay nalagas na.

"G-Ginawa ko ito p-para saiyo k-kuya..sana mapatawad m-mo pa ako.." palaging humihingi ng tawad sa litratong yakap tuwing gabi. Buwan pa lamang ang nakalipas pero mukhang bibigay na ako.

"H-Hindi ko na k-kaya.." iyak ko at niyakap ang litratong nakasilid ang larawan ng aming buong pamilya.

Walang kahit anong koneksyon kay kuya. Walang tawag, walang text..ni social media ay hindi ko siya mahanap. Tuluyan niya na akong tinalikuran..tinalikuran dahil ako ang nag udyok. Ito yung kagustuhan ko di'ba? Para saan ang luha? Walang mapapala sa pagluha Ara.

Kinabukasan pumasok ako sa eskwelahan. Sa gate palang ay sinusundo na ako ng mga tinging nandidiri.

"Sila pala iyong sa MonreaL Confessions? Just eow talaga!"

"Oo, klaro sa video yung mukha nila. Nakakahiya. Magkadugo sila di'ba?!"

Nanlamig ako at napalunok. Tumakbo ako at pumasok sa room namin. Bawat madaanan ko ay may mga masasakit na salitang binabato sakin.

"Malandi!"

"Alam mo..akala ko kung sinong matalino yan dito e. Ngayon nawakan na ako ng respeto!"

"Wala siyang lugar dito! Nagtataray pa yan dito e!"

Pumikit ako ng mariin at tinakpan ang aking tenga. Gusto kong tumakbo. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Tinalikuran ko na nga si kuya na mahal ko pero hindi pa ba sapat? Ano pa bang gusto ni Flor?! Ano bang kasalanan ko? Kasalanan ko ba na hindi siya nakasama papuntang abroad kay kuya? Wala akong alam don!

Napatigil ako ng may humarang sakin.

"B-Bakit?" Kinakabahan ako.

"Ang lakas talaga ng loob mong tarayan ako noon yun pala ang dumo dumi mo. Alam naman namin na sobrang guwapo ng kuya mo pero nakakadiri ka...pinatos mo talaga?"

Umiling ako pilit umiiwas. "Wala akong oras-"

"H'wag kang pa feeling genius ditong maharot ka!"

"Sabunutan mo!"

"Feeling yan dito! Naiinis na ako diyan! Tadyakan mo sa mukha!"

Marami silang nagtulong tulongan para saktan ako. Hindi ko akalain na hahantong sa ganito. Ang masaktan ako ng pisikal.

"Tama na! Ano ba! Tama na!" Pakiusap ko sa kanila. Namamaga na ang pisngi ko sa pagsasampal nila. Halos mapunit ang anit ko sa kakahila nila ng buhok ko.

Hanggang sa bigla silang nahawi. "Anong ginagawa niyo!"

"Fuck! Anong ginawa niyo?!"

"Sky! Ireport mo sa office to!"

"I will sue you all!" sigaw ni Andre sa mga babaeng nanakit sakin.

"Puta!" Mura ni Niko at inalalayan ako. Hindi ako makagalaw sa sobrang sakit ng katawan ko. Maraming kalmot ang aking katawan. Bigla akong nawalan ng malay sa sobrang pagod ng kinarga ako ni Sky.

Nagising ako sa loob ng clinic. Ilang segundo akong natulala at bumalik sa alaala ang nangyari kanina lang.Nakahiga rin ako sa higaan at natatabingan ng kurtina para hindi ako makita.

At alam ko rin...na kakalat na ito. May mukha pa ba akong mahaharap? Kaya ko ba ito?

Pumikit ako ulit at naramdaman ang pagdaloy ng luha.

"H-Hindi ko n-na kaya.." iyak ko.

May mainit at malambot na bagay ang humawak sa kamay ko. Bumungad sakin si Miss Garcia. Namumula ang mata nito at puno ng pag alala.

"Ara..magpakatatag ka."

Sa lumipas na buwan parang ina ko na si Miss Garcia. She became my mentor. Kung hindi rin dahil sa kanya..wala ring bibili ng drawings ko. Siya rin naging sandigan ko sa mga oras na nalukungkot ako. At ngayon...alam kong alam niya na."

"M-Miss..." dumaloy ulit ang aking luha.

Hinaplos nito ang aking mukha. Nanginginig ang kamay nito. "Yun ba ang ibig ipahiwatig ng iyong gawa Ara? Yung mga anghel? Ang buwan at dagat?"

"Opo.." Tumango ako at pinunasan ang luha.

Ngumiti ito. "Tayong nga tao sa mundo ay binuhay para gampanan ang ibibigay na misyon ng panginoon. Isa lang ito sa mga trials ng panginoon. Naranasan ko na noon ang masaktan..magmahal..nasaktan ulit..hanggang sa nagdesisyon akong isara nalang ang aking puso.."

Namayani ang aking hikbi. "M-Mahal ko si kuya-"

"Mama na ang itawag mo sakin h-ha?" Dumaloy ang luha nito sa mga mata.

Umawang ang labi ko at mabilisang tumango. "Mama.."

Pinunasan nito ang aking pisngi. "Mula noong first year ka palang palagi na kitang nakikita. Your smile is genuine Ara. Wag mong hayaang sirain ng pagsubok ang ngiti mo. Dahil alam mo ba..ang ngiti ay may libo libong dahilan?"

Wala akong nagawa kundi ang tumango at umiyak. Nakaramdam ako ng kalinga ng ina ulit.

"Wag kang mag alala." Hinawakan nito ang aking pisngi. "Napag usapan na ito namin. Ang may ari ng Unibersidad, nang principal at kapwa ko guro.. walang magtatalikod saiyo dito. Aaminin ko na may narinig akong hindi maganda sa ibang guro pero hindi na mahalaga ang sasabihin nila..sayang Ara. Kung nagkataon...magiging Summa cum laude ka ng Unibersidad kaya hindi ka nila bibitawan."

Namuhay ako sa tulong ng aking mga pinsan at ni Miss Garcia. Hindi narin ako nag kwestiyon pa ng magpatuloy ang halaga na laman ng aking bank accounts. Nakakatulong rin iyon sa aking pag-aaral.

Sa lumipas na dalawang taon niyakap ko ang kadiliman at naging manhid. Patuloy sila sa pambubully sakin. Halos wala nakong halaga sa unibersidad na iyon. Swerte na ako minsan na pinagtatanggol ng aking pinsan ,minsan ni Miss Garcia ,minsan mga kapwa ko ka klase.

Normal na kaibigan? Wala na ako non. Nadala na ako. Ayoko na nang kaibigan na kung may masamang makikita saiyo ay agad kang huhusgahan...agad kang tatalikuran.

Subsob ako sa pag aaral na naging dahilan ng aking pagiging running for Summa Cum Laude. Hindi parin ako masaya..parang hindi ko kakayanin maging Summa Cum Laude Hindi ko deserve iyon.

Sumasali ako sa mga ilang regional quiz at ilang beses akong nanalo. Ilang beses narin nakuha ang aking paintings at mga kompanya pa ang nag aalok sakin sa presyo.

Hindi ko kasi alam na nakapost sa isang page ang aking mga paintings. Meron ako doong nabasa na kilala raw nila ang gumawa at bla bla bla!

Siniraan ako pero hindi naging hadlang iyon. Tinuloy parin ang offer sakin.

At iyong pictures ko kay Paula? Nakapost iyon sa kanilang page. Humakot iyon ng isang daang libong likes at fifty thousands shares. Marami gustong kumuha sakin at pinag aagawan ako ng ilang photographer.

Until now...hindi parin ako nakakpag desisyon. Napag uusapan narin namin ni Paula ang tungkol dito at hindi lang talaga ako handa.

Nakagraduate narin noong kailan lang sina Sky, Andre at Niko. Kaya lumala ang pambubully sakin.

Ngayon...ang araw na nagtatapos bilang pagiging studyante ko. Lahat naka itim na toga at may kasamang mahal sa buhay.

Imbes na maging emosyonal ako...wala na akong naramdaman.

Nagsimula ang seremonya. Inawit namin ang pambansang awit ng Pilipinas. Sinabitan ng medalya ang mga may napanalunan. Bahaw na ngiti ang aking naibigay sa tuwing sasabitan ako ng medalya.

Nagpasalamat rin sa mga nagsponsor sa eskwelahan. At marami pang iba.

"Lets give a round of applause for Dianara Sandoval! The St. Monreal College Summa Cum Laude 20**-20**"

Tumindig ang balahibo ko nang makarinig ng masigabong palakpakan. Sobra ang tibok ng puso ko. Umahon ako sa pagkakaupo at tumayo. Doon ko nakita sina Tita Chimen, tita Carmen, Andre, Niko, si Vivoree na umiiyak, si Spike at si Sky.

Nanginig ang labi ko at pilit hinakbang ang mga paa paakyat ng stage. Nang nasa gitna na ng stage...nasa harapan ko ang microphone. Hawak ko ang isang diploma, ang isang tropeyo tanda na ako'y isang Summa Cum Laude,at nakasabit saking leeg ang ilang medalya.

Nakatanaw ako sa napakaraming tao sa aking harapan. Humugot ako ng malalim na hininga.

"Magandang hapon sa ating lahat. Lalong lalo na sa ating kagalang galang na principal.Sa mga guro na walang sawang nagtuturo at gumagabay sa ating mga kaalaman. Sa mga studyanteng naririto na nandito na sa masasabi nating "Finale" ng ating paglalakbay o "Final Destination." Mapait akong ngumit.

"Sa mga magulang nang mga studyanteng naririto ay hangang hanga ako sa inyo. Hindi lang naman siguro ako...maging ang nakasaksi ng inyong pagsaksipisyo ay hanga rin sainyo. Dahil a-alam niyo b-ba.."

Nagsimula nang manginig ang aking labi. Hindi ko inaasahan na nandito ako ngayon sa harapan ng mga studyante na nananakit at nanghusga sakin.

"Alam niyo ba na minsan k-ko narin naranasan ang isang buong pamilya? Ang magising ka na nakahanda na ang kakainin mo..ang feeling na bibigyan ka ng baon ng papa mo...ang feeling na binabantayan ka ng kuya mo.."

Nagsimula ang bulong bulongan. Alam kong hindi maganda ang tingin sa akin ng iba. Mapait akong ngumiti.

"Tulad rin po ng bulaklak unti unti po kaming lumalagas. Matinding pagsubok po ang aming naranasan ng mawala si mama. Aaminin ko pong sobrang hirap....mawalan ng ina. Kaya masaya ako sa mga studyanteng naririto na may ina.."

"Nasa punto na po ako noon na babangon ng sumunod ang pag stroke ng aking ama at naparalized ang kanyang katawan. Oo, mahirap. Walang kasing hirap. Siguro tinadhana na ng diyos na maging doctor ang aking kuya dahil tinakda niyang mangyayari ito."

Patuloy parin ang bulong bulongan.

"Alam kong..marami sainyo ang tumatak sa kaisipan ang isang pangyayaring hindi natin inaasahan maging ako....L-Lumaki kaming sabay...pinalaki kaming sabay. Lumipas ang panahon ay maraming nangyari. Hindi k-ko inaasahan ang isang damdamin na kusang tutubo sa aking puso.."

Nakita ko ang iba't ibang emosyon. Iba't ibang reaksyon sa mga tao na nasa aking harapan.

"Sumabog ang isang balita sa ating unibersidad at mabilis kumalat ang isang video kung s-saan ang l-laman ay si K-kuya at a-ako.." uminit ang gilid ng aking mukha lalo na ng nakita kong humugot ang mga ito ng cellphone at tinutok sakin.

"Opo, nagkaroon kami ng relasyon ng k-kuya ko.." nakarinig ako ng singhapan at marahas na bulungan.

Hindi klaro saking tingin ang banda ng mga tita at pinsan ko dahil sa aking luha. Pinunasan ko ito at nagpatuloy..

"I am inlove with my brother..." pag amin ko. Malakas na ang ingay sa loob nang malawak na auditorium.

"Nakikita niyo pong h-hindi ko kapiling at kasama ang taong tinutukoy ko dahil ginawa ko kung ano ang t-tama. I pushed him away for our sake. Kahit sobrang sakit sakin...sa amin..kinaya ko. Sino ba naman ako? Isang hamak na babaeng naging biktima ng mapaglarong tadhana..."

"Minsan ko na inisip kung ano ang pakiramdam magmahal nang hindi bawal? Iyong malaya kayong ipakita sa lahat...dahil alam niyo? Sobrang takot ako ng mga panahong hindi ko alam ang gagawin sa oras na malaman ng ninuman ang aming bawal na pag mamahalan.."

"Noong kumalat ang video na iyon? I was hurt. I was physically bullied. Napagsabihan ako ng masasamang salita. Tinanggap ko iyon. Hindi ako nagreklamo kahit ang sakit."

"I used those hurtful words to pursue my goals. Hindi ko ininda ang masasamang salita at pananakit. Ginugol ko ang oras sa pag aaral ko. Nagpaint ako at nag aral ng mabuti. "

Hinawakan ko ang mga medalya at aking parangal bilang Summa Cum Laude.

"Masaya akong matanggap ang parangal na ito..sobra.." My tears were unstoppable. "Isa akong babaeng nakatanggap ng libo libong husga sa isang kamalian lamang..."

Sinimulan kong hubarin ang apat na medalya at maging ang aking parangal ay nilapag ko sa mesa na nasa aking harapan.

"Nagagalak akong matanggap ang ganitong karangalan mula sa unibersidad na akin kinamulatan. Sinusuko ko ang mga parangal na ito hindi dahil hindi ako masaya dahil sa totoo lang ... s-sobrang saya ko ngayon."

Napalunok ako ng makita ang halos lahat sa aking harapan ay umiiyak. Ang mga studyante, principal at mga guro.

"Sinusuko k-ko ang mga ito dahil sa tingin ko ay hindi ako karapat dapat maging ehemplo ng inyong Unibersidad. I was abused and bullied in this University. Pero masaya na akong gumraduate bilang isang simpleng studyante lamang."

Iniangat ko ang daliri kung nasaan ang singsing na binigay ni kuya.

"This ring is my greatest honor."


Continue Reading

You'll Also Like

972K 16.9K 19
MATURE CONTENT | SPG | R-18 Professor Rogue Dorcas Phoenix.
858 36 1
"Don't call me kid! Don't call me baby! Look at this idiotic fool you made me, Amora. You made me crazy!" Chapter: ------ *This story is written in...
2.3M 148K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...