Fearing The Unknown

By iWonderLiah

728 203 58

Complex. Chaotic. Convoluted. Three words to describe what a group of childhood friends went through. "Hindi... More

FEARING THE UNKNOWN
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 5

31 11 0
By iWonderLiah




WE HAVE A PROBLEM







IZELE




"Oh my freaking god!"

Malalaki ang mga mata ni Xzannie habang sapo niya ang ulo niya. Nagising din sila Joudee at Nicole dahil sa biglaan niyang pagsigaw.

"What?" Nasapo din ni Alec ang noo niya. Kunot-noo kong tinitignan si Xzannie. Her eyes are full of fear and sorrow. I can also see her hands shaking. Anong nangyayari sa kanya?


Napa-iling si Xzannie. "Nothing.. Masama lang ang panaginip ko.."

I gulped. I leaned closer to her and held her hand. Tinignan ko siya ng maayos sa mata. "Xzan, what was it? What was your dream?" Mahinahong tanong ko. Parang hindi kasi maganda ang sasabihin niya.

Kami ni Ian, Alec, Nicole at Joudee ay nag-aabang sa susunod niyang sasabihin.

Huminga siya ng malalim.



"Hindi naman siya big deal but.. Uh— wala lang. May sumabib daw sa akin at sinasabi niyang kasalanan natin lahat ng ito. But it's weird. It felt so real kasi eh."


Nang dahil sa sinabi niya ay para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig at parang namanhid ang buong katawan ko. Napatingin ako kay Alec at napatingin din siya sa akin. Kumunot ang noo naming dalawa. At sa ngayon, mukhang pareho nga kami ng naiisip.

Magsasalita pa sana ako kaso nagulat ako dahil may narinig akong isang babasaging bagay na nahulog sa likod. Liningon namin kung ano iyon at nagtaka ako nang si Kiara ang nakahulog sa isang babasaging bote ng milk drink.

Ngunit ang mas pinagtataka ko ay ang itsura niya ngayon. Nakatitig lang ito sa bote na nabasag sa dalawang parte. Mistula bang nanginginig si Kiara at takot na takot. Saan ba siya natatakot? Dahil nakabasag siya sa loob ng van?

"Kiara?" Tawag ko sa kanya. Natauhan naman siya pero hindi siya makatingin sa kahit kanino sa amin. Napatahimik kaming lahat.

"W-Wala.. I'm sorry.. Sorry.." Sabi niya at tumingin na lamang sa bintana.

Nagtaka ako sa ikinilos niya pero ibinaling ko na lamang ang atensyon ko kay Xzannie.

"Xzan," Tawag ni Joudee sa kanya. "Better sleep. Baka nasobrahan ka lang sa takot."

Tumango-tango na lamang si Xzannie at sumandal na lamang sa balikat ni Joudee.


Hindi ako makahinga. I looked at Alec, umiling siya at napasabunot sa ulo niya. Napamura naman si Ian. "Tangina. Pero—"

I shushed him quickly at sinenyasan na tumahimik na lamang. Baka mas matakot pa ang iba kapag nagsalita kami tungkol sa inasal ni Xzannie kanina.


I don't know. Baka talagang nanaginip lang siya at nag sleep-talk. O baka naman...


Oh shit.

Napatingin na lang ako sa bintana muli. Huminga ako ng malalim at pinigilan ko ang sarili ko sa pag-iisip ng kung ano-ano.


"Guys, we should eat. Baka manghina tayo." Kinuha ni Nicole ang supot na may lamang mga canned foods na madali lamang buksan. Kumuha din sila ng mga naka-container na ulam at kanin ng 7/11. Kinuha ko na lamang ang corned beef at binuksan agad ito.



"Don't try to look outside." Mahinang sambit pa niya.

Nagsimula nang magdasal si Joudee. Marahan akong napapikit.

Ipinagdadasal ko ang pamilya ko. Kung nasaan man sila ngayon, sana ay ligtas sila. Ang mga kapatid ko, sana naprotektahan nila ang mga sarili nila. Sana sa buong byahe namin, ay magiging ligtas kami. At ang panghuli, sana ay matapos na ang kaguluhan at magising na kami sa bangungot na ito.


"Amen." Sabay-sabay naming sambit.


Hindi ko alam pero naluha ako habang kumakain. I literally want to laugh at myself eating while crying. But I can't. Simula nang nangyari lahat nang ito ay hindi ko na kinayang tumawa pa.






ZACHARY'S POINT OF VIEW


Humahagulgol ako sa iyak habang sumusubo ng sisig ng 7/11. Nanginginig pa ang kamay ko kaya hindi ko kayang sumubo ng mabuti.

"Oh my gosh Zach! Umayos ka nga!" Reklamo ni Marga sa tabi ko habang umiinom siya ng kape. Tumingin ako sa kanya ng masama. Punyeta, itapon ko kaya sa kanya itong mantika ng sisig.


Nang natapos na akong kumain ay suminga ako sa panyo. Hindi ko alam kung kaninong panyo iyon pero bahala na.


Sumandal nalang ako sa upuan at umiyak nang napakalakas. Hindi pa ako nakaka-iyak ng matagal ay may naramdaman nalang akong tinapay na pumasok sa bunganga ko. Aba't punyeta?

"Sinabi nang tumigil." Madiin na sabi ni Marga.


Sinamaan ko nalang siya ng tingin at nginuya ko na lamang ang tinapay na pinasok niya sa bunganga ko. Napaka-amazona talaga, tsk.


Habang nginunguya ko ang tinapay ay naisipan kong kunin ang camera ko na pinang-record ko kanina. May gusto lang kasi akong makita. Kasi kanina parang nawi-weirdo-han ako sa mga kilos ng mga vagina-headed zombies. Hindi kasi ganito ang karaniwang nakikita ko sa mga movies.



I took out my Camera recorder inside my trusty bagpack. At salamat naman at hindi pa ito low battery.

Habang sila ay nagkwe-kwentuhan tungkol sa mga nangyayari ngayon ay tahimik lang ako na naghahanap ng files at documents sa camera. Madami rin kasi akong na-video kanina.


Damn. I can't find the video I took! Kailangan kong mahanap ang video kung saan ko nakuhanan ang mga vagina-headed zombies nang malapitan!


Mga ilang minuto ko nang hinahanap kung nasaan ang video na iyon. Lahat ng video na kinuha ko ay nai-play ko na but still, I can't fucking find the goddamn video. Karamihan kasi ng mga videos dito ay puro paligid lang at walang zombies.


Nasa kalagitnaan pa lang ako ng paghahanap ay biglang nagsigawan sila Xzannie dahil may kumapit na isang agresibong zombie.


Hindi ko nalang sana ito papansinin pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumitig sa mukha ng nababaliw na zombie.

Agresibo. Baliw. Wala sa sarili.

Wait.


I looked at a zombie from afar.


Sandali, teka, wait.


Nakuha ng atensyon ko ang likidong lumalabas sa bandang pisngi nito. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko ito masyadong mawari dahil sa sobrang likot nila Xzannie.



Linapit ko ang mukha ko sa bintana kung saan inuuntog ng zombie ang ulo niya pero wala pang isang segundo ay narinig ko nalang ang isang putok ng baril at sa isang iglap, bigla na lamang nawala ang tinititigan ko.


"FUCK." Napamura ako.



Nang hinahabol ng iba ang hininga nila sa pagod ay aligaga kong kinuha ulit ang camera at nag-focus sa paghahanap ng video.


Mabilis ang hininga ko habang naghahanap. Nanginginig na rin ang mga kamay ko. Mukhang walang nakakapansin sa akin dahil busy sila sa pag-iyak.


Nakahinga ako ng maluwag dahil nahanap ko na rin ang video. Hininaan ko na lamang ang volume nito at tinitigan ko ng mabuti ang bawat detalye at galaw ng video.

Masyadong magulo. Napa-iling ako at inulit ko na lamang. Maiksi lang ang video pero dito ko na-video kung gaano kagulo ang mga pangyayari.

Nang natapos ang video ay inulit ko ulit. Tinitignan ko ang mukha ng mga zombies pero masyadong magulo.

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ganoon ang itsura nila. Parang may kakaiba. Hindi lang dugo at laman loob ang lumalabas sa kanila kundi uri ng likido na hindi ko alam kung ano.

"Damn..." Mahinang sambit ko. Kumunot ang aking noo at inulit ko muli.

Inulit ko ulit sa pang-lima na pagkakataon.

At inulit ko ulit.

At inulit nang inulit.

And for the final replay, I paused the video. And it hit me hard as fuck..

Nanlaki ang mga mata ko at napalunok. Gusto kong tanungin kung ano ba talaga ang itsura ng mga zombies kila Izele pero alam kong ngayon lang namin ito naranasan kaya hindi nalang.


"Zach, paabot naman ng tubig dyan oh." Utos ni Izele at inabot ko naman sa kanya ito habang abala pa rin ako sa pagtitig sa video. "Thanks."




Ang ipinagtataka ko lamang ay ito.. "Bakit parang may mali?" Kunot-noo kong tanong.


Liningon ko ang katabi ko sa kanan pero napatigil ako nang narealize kong si Marga pala ito. Eh wala namang kwentang kausap 'yang babaeng 'yan.



Si Kiara nalang ang liningon ko na nasa kaliwa ko.


Mahina akong bumulong. "Kiara, look at this. Diba parang may mali?"


Ipinakita ko sa kanya ng video. Kumunot naman ang noo niya. "M-may mali talaga.. Iyan, oh. Mga zombies."

I stared at her for like three seconds and made that Are-You-Serious look.

"No, that's not what I mean." Lumapit pa ako sa kanya. "Don't you think it's weird? May lumalabas sa kanila hindi lang dugo kundi pati na rin—" Tumigil ako sa pagsasalita at tinitigan ulit ang paused video.

"Kundi pati na rin asido.." Patuloy ko.


And by that, hindi nakapagsalita si Kiara. Nagtaka ako dahil aligaga siyang umayos ng upo at tumingin sa bintana. "Y-Yeah. Ngayon mo lang n-napansin?"

My forehead wrinkled and I pouted. Wala rin palang kwentang kausap ito. Hinayaan ko nalang siya at ang video. Umayos na lamang ako ng upo.

Pli-nay ko ulit ang video at hindi ko pa rin maiwasang magtaka.

Ilang segundo pa lang ang nakakalipas ay tinignan ko ulit si Kiara. Tatanggalin ko na sana ang tingin ko sa kanya kaso naagaw ng nanginginig niyang kamay ang atensyon ko. Napakunot ang noo ko nang parang pinipigilan niya ang pag-nginig niya. Mistula ring kinukurot-kurot niya pa ang hita niya.


"Guys, kailangan nating bumaba. I need to repair my wheels." Sambit ni Alec pero nanatili ang tingin ko kay Kira.


I think we have a problem...





END OF CHAPTER 5

Continue Reading

You'll Also Like

9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
3.7M 64.3K 50
Katropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo-halong kuwento ng; katatakutan, mystery...
1.7M 98.7K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
349 69 24
A fanfic of Anda Anunta and Lookkaew Kamollak