The F- Buddies

By LenaBuncaras

2.4M 69.4K 18.1K

Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na s... More

The F- Buddies
1. The Struggle is Real
2. All Out of Love
3. The New Guy
4. The Project
5. Breakup
6. Heart Reacts
7. Akyat-Bahay
8. Maldita
9. The Romance Novelist
11. Marupok
12. Tamang Hinala Club
13. Job...less
14. The Fan
15. Award
16. Fan Boy
17. House Raid
18. Garden of Peace
19. Gregory Troye
20. #DatingTheIcePrincess lol
21. Loveless Writers
22. Tale of Two Tragedies
23. Missing Peace
24. Character Adjustment
25. Outlines
26. Brainstorming
27. Type. Edit. Delete
28. Warning
29. Lunch Break
30. So Real, So Good
31. Smut
32. Walwalan Time
33. Roller Coaster Ride
34. Conditioned
35. #WalangMagpapaiyakSaBabeKo
SPECIAL PART
36. Buddy-Buddy
37. Disturbance
38. Drafted Love Story
39. The Nightmare
40. Painstaking
41. Fucked-up
42. Messed Up
43. Heart/Break
44. Foreshadow
45. Babe
46. GT's Main Conflict
47. The Falling Action
48. So Much For My Happy Ending
49. Book Review
50. Hello and Good Bye
Officially His
Gregory Troye Excerpt
The F- Buddies (GT version applied)
Gregory Troye

10. Walang Poreber

48.2K 1.3K 590
By LenaBuncaras

I didn't know how pero bigla akong nahimasmasan at bumalik sa cubicle na parang na-refresh. Lahat ng masamang vibes sa akin, nasaid sa katawan ko matapos kong manggaling sa post ni Boss Ayen. O baka nilisan na ako ng kaluluwa at katinuan dahil sa nalaman ko.

Parang ang sarap tumungga ng muriatic acid tapos magtse-chaser ako ng Zonrox habang namumulutan ng moth balls.

Nagbukas ako ng email at ngayon ko lang seryosong babasahin ang lahat ng nasa primary messages ko. Nahiya ako bigla sa pinaggagagawa ko. Punyeta, nasa kabilang panig ko lang si GT! Nakakainis 'to si Boss Ayen, hindi agad sinabi e! Nakakainis talaga.

Inumpisahan ko sa thread ng Dream Catchers Edition—email thread ng self-publishing assistance namin.

Meron kaming ten projects na naka-schedule ngayong taon. Released na ang apat. Nakapagpasa na pala ng edited copies ang dalawa sa intern ko. I downloaded the files para i-evaluate ang changes, and I put them in my to-check-later files. I sent a reply email saying I received it and would update them afterwards.

Next email, galing kay Boss Armie. Pinatse-check niya ang finished story ni Alie sa online writing platform namin. Fantasy novel, and I think, for pitching ito. Done saving. I need to read this one later. I responded to Boss Armie's email and told her I would send my feedback by tomorrow.

Next email, ito ang kay Boss Ayen. Fifteen files, may format ang title na AUDITION then name ng auditionee.

I downloaded all the files and checked Entry Number One. The opening goes like this:

Krrrriiiiing!!!!!!!!!!!!!!!!!! O TO THE M TO THE G!!!!!!!!!! LATE NA KOOOO SA SCHOOOOOL!!!

HIIIIIII!!!!!! aqoe nga pla c Deimonicka Aleixjandereia Patrixhia...

I closed the file right away and tagged it as rejected.

Punyemas, ano yung nabasa ko?

Ipapares mo 'tong ganito sa bihasa nang magsulat? Nagjo-joke ba sila? 2019 na, may jejemon pa rin? Akala ko, napuksa na 'tong mga 'to?

Nagbukas ako ng isa pang entry. Sabi ko pa naman, mas matino nang di-hamak sa nauna, pero hindi rin pala. Fake news.

Im Shiela Marie. 13 years old. CEO ng company ko at isa kong cold mafia gangster princess at papasok ako ngayon sa school para magpangap na nerd kaya kelangan kong mag disguised...

Bakit puro school? At 13 years old? For a romantic story? At CEO?

Well, that's possible, but still!

And cold mafia what? Nagpa-audition pa sila. E di sana, si Diona na lang ang kinuha nilang writer.

Kahit nasa kabilang cubicle lang si Boss Ayen, nag-message pa rin ako sa DCE Workplace conversation box.

Niz (Editorial)

Boss, ayaw n'yo kay Diona?


Nagbasa pa ako ng ibang entry, and parang audition yata ito ng most cliché plot. Mas gasgas, mas maganda, gano'n ba 'yon?


Ayen (CEO)

May contract pa siya sa IM Press.


Okay, fine. Bawal.


Niz (Editorial)

Si Macy? Si Francis? Si Ray?

Ayen (CEO)

Ayaw sa kanila ni Gregory Troye.


Hmp! Ang arte naman pala niya. Pero kung ako rin naman, aayawan ko rin sila.


Niz (Editorial)

Walang avail writer sa PH Rom?

Ayen (CEO)

Looking for undiscovered si GT.


Hindi na ako nag-reply kay Boss. Binasa ko ang lahat ng entry. Skim and scan, actually. Sadly, masyadong pinilit ang entries nila.

Hindi naman sa nanghuhusga agad, pero kasi, may mga story talaga na first paragraph pa lang, alam mo nang may K. Importante ang opening ng story to catch the reader's attention e. First impression 'yon. Kailangang may naho-hook agad sa unang bitiw pa lang ng linya. At hindi pa tapos ang audition. Ibig sabihin, may paparating pang ibang sakit ng ulo.

Sorry sa mga 'to, walang pumasa sa kanila. Hihintayin ko na lang ang next batch.

Lumabas ako ng cubicle at pumunta sa area ng team ko. Almost eleven in the morning na pero dalawa pa rin sina Ayrang naroon. Aside kay GT na busy sa monitor niya—na ang alam ko, post 'yon ni Butch dati bago mag-resign.

Ang dami naming naka-pend na ie-edit, at ngayon pala ang monthly evaluation, muntik ko nang makalimutan. At dahil wala ang staff ko, mapipilitan akong tumoka ng trabaho habang tinitingnan silang magtrabaho. Sobrang bihira ko pa naman silang makasama sa opisina. Pag-upo ko sa post ni Mariz, nagtaka agad sina Ayra.

"'Te Niz, mag-e-edit ka?"

Hindi naman isinasara ang PC ng team, ini-standby lang. Binuksan ko ang account ni Mariz at nagbukas din ng GDocs.

"Sino'ng active ngayon?" tanong ko pa. Sumagot ang dalawa at pati si GT.

Binuksan ko ang isang manuscript at invited sila to edit that—kahit si GT.

Associate ko siya, magpasa siya ng activity niya.

The manuscript was Pichi's story. This is for manuscript critique. Teen fiction. Mabuti't nandito sina Ayra dahil forte nila 'to. I told them to flag all errors na makikita nila sa story premise at 'yon ang kailangan kong i-check pagkatapos. Forty thousand words lang naman.

Ang tahimik sa buong floor. Kung may mag-ingay man, sobrang hina pa. Boses ko lang yata ang naririnig kong nagsasalita.

I started to read. Waiting ako sa flags ng tatlong kasabayan ko. Unang chapter pa lang, even the first paragraph, may error na. Nag-insert ako ng comment kasi mabilis ang pacing. Kararating pa lang sa gate ng lead character for flag ceremony, after ng isang sentence, recess na nila without further explanation. Kapag hindi naman nakakatulong sa plot development, kailangan nang i-cut kasi aksaya sa word count.

Bago pa man ako maka-scroll pababa, may another comment na naman. Comment ni GT, saying he agreed with my flag and he suggested what to insert para mapabagal ang pacing while keeping the plot execution.

I pointed out all the error and GT dropped all possible suggestions for the plot's improvement. At sa loob ng two and a half hours, natapos namin nang tahimik ang paglalagay ng inline comments habang nagla-lunch pa. At wala man lang akong nakitang flags mula kina Ayra.

"Guys, what happened? Comments?"

"Wait lang, 'Te Niz, nasa chapter four pa lang ako," sagot ni Ayra. Kumain pa kasi sa labas kaya natagalang humabol.

"Same." Pati rin si Yeng.

Tiningnan ko si GT na tumutungga ng C2 habang nakatitig sa monitor. Tahimik lang siya ngayon. Himala.

Sinabihan ko silang tapusin iyon within the day para makapagpasa ako ng evaluation copy kay Boss Mae sa Workforce.

Gusto ko sanang magreklamo sa productivity nila dahil alam naman nilang mas mabusisi magtrabaho ang DCE pagdating sa manuscripts compared sa ibang publishing assistance, ang kaso, baka bumalik sa akin ang sermon. Sila kasi ang araw-araw na narito.

"Hoy, Vincent Gregorio," tawag ko sabay tayo sa puwesto ko. Tiningnan lang niya ako at nag-abang ng salita sa akin. "Sa post ko." Itinuro ng ulo ko ang cubicle para pasunurin siya.

Hindi ko na alam kung paano ako magpapanggap na modest sa kanya matapos ko siyang batuhin kanina—o kahit mura-murahin siya kahapon pa lang.

Pero kasi naman talaga! Panira naman kasi talaga siya ng araw!

Whooh! Kalma, Eunice, kalma. Client. Okay? Client. Paka-plastik ka muna ngayon.

Pag-upo ko sa puwesto ko, umupo rin siya sa kaharap kong upuan.

Hindi na talaga naghihintay alukin, 'no? Iba rin talaga!

"So, what now, babe?" he asked, grinning.

"Will you stop calling me babe, ha? Utang na loob."

Eunice, kalma. Mabait ka dapat. Si Gregory Troye 'yan, 'te. Pakabait ka, 'te.

"I call babe naman lahat ng girls." He smirked and shook his head. "Don't feel so special about it."

Ang galing niyang magsulat, pero hindi ko naman alam na magaling din pala siyang mambuwisit. Multi-talented, ha? I'm impressed!

"Head ako ng editorial department ng DCE. Boss mo 'ko at under kita," mahinahon ko pang sinabi kahit na nanggigigil ako sa kanya.

"Pero client ako. Legally, one of the bosses ako. And, technically, under kita," confident pa niyang sinabi sabay ngisi sa 'kin. "Ano ulit ang sinasabi mo?"

Sa loob-loob ko, gusto ko nang mag-Super Saiyan 4 'tapos sisigaw ako na makapagpapahiwalay ng malalaking tipak ng bato saka ko ibabato sa kanya.

Magsusumbong na talaga ako kay Boss Ayen, nakakainis na siya! Hnngg!

Kalmado lang ako pero nag-chat agad ako kay Boss Ayen.

Niz (Editorial)

Boss Ayen! (T___T)

Inaaway ako ni GT!

Ayen (CEO)

Hahaha


Hala! Tinawanan lang ako ni Boss Ayen! Ayoko na talaga! Hnngg! Nakakainis!

Eunice, kalma. Whooh, nakakabuwisit! Kalmaaa!

"Babe, okay ka lang? Mukha kang iiyak a. Magsusumbong ka na naman kay Karen?"

Gusto ko na naman siyang batuhin ng papel kasi nang-aasar na naman siya! Kaso, kasi—ugh! Iiyak na talaga ako, nakakainis!

"Anyway, I received your response pala sa audition entries. Wala rin palang pumasa sa 'yo," pagbabago niya ng topic.

Naiinis ako pero sinagot ko pa rin siya nang mahinahon.

"Cliché naman kasi. Erotic-romance ba 'yon?" puna ko habang nakasimangot pa rin.

"Nope."

"Hindi ba 'yon The Fuck Buddies na naka-censor lang yung Fuck?"

Biglang lapad ng ngisi niya na parang may mali akong sinabi tapos gusto niyang tawanan.

"'Ge, subukan mong tumawa talaga, itong monitor ibabato ko sa 'yo," warning ko sa kanya kasi mukhang hahagalpak pa ng tawa.

"The F stands for Forever sana," sagot niya habang nakangisi pa rin.

Anong Forever? Yuck! Forever Buddies?

"Ano 'yon? Lifetime friendship ba dapat 'tong story?" dismayado kong tanong. "No offense sa category mo pero ang corny ng title! Si GT ka ba talaga?"

"Kaya nga em dash ang kasunod ng F."

"Pero kasi, ang impression sa readers, parang censored Fuck Buddies."

Naroon na naman ang ngisi niya na talagang maling-mali ang ipinagpipilitan kong title.

"Huwag mo akong ngisihan, hindi ako natutuwa," sabi ko kahit na sinusubukan kong hinaan ang boses ko.

"Mataas ang traffic ng erotic novel ngayon sa market," sabi niya. "Kapag na-pitch ng readers na Rated-18 ang story, automatically, they will read that kahit pa underage ang readers. Hindi ka ba nakaka-relate?"

So, what was his point? Na yung title niya—

"Word play? Misdirection? Misinterpretation?" I nodded. I see. Nananamantala ng kalibugan ng iba. Iba rin talaga.

"May issue ka pa sa title?"

Wala na pero hindi ako sasagot. Manigas siya diyan.

"Plot idea?" follow-up question ko.

"Dalawang character, magmi-meet, mai-in love sa isa't isa, magiging sila sa ending."

Napahimas ako ng noo habang pinandidilatan ang table ko. "I don't want to offend you, ha? Pero wala na bang mas cliché pa diyan? May competition ba ngayon ng ultimate cliché plot of all time? Bakit ginagalingan ng lahat?"

"Love itself is cliché, babe."

"Yuck!"

Napaatras siya sa inuupuan dahil sa naging reaction ko. "Pinaglihi ka ba sa kapeng barako?"

"Alam mo, overrated ang love, ha? Hindi lahat ng nagmamahal, masaya. Walang forever. At walang papasa sa mga auditionee kung paulit-ulit lang na plot ang gagamitin nila."

"Nakapagsulat ka na ba ng romantic story?"

"No! That's common! Napakadaling isulat! Hindi na kailangang pag-isipan! Walang kakaiba! Walang bago! Formulaic!"

"Pero hindi ka pa nakakapagsulat."

"Dahil ayoko!"

"You can't write."

"Who told you so?"

"If you never tried writing anything na under ng category ko, you don't have any right to judge it. Madali lang palang magsulat ng romantic story pero hindi ka pa nakakagawa? Oh please. Baka kaya hindi ka makagawa kasi nahihirapan ka." Tumayo na siya at lumabas ng cubicle ko. Pero bago pa man siya makalayo, nagpahabol pa siya ng salita. "You can't intimidate me with your attitude. Hindi ka nakakatakot."

Aba, sinasagad talaga niya ang pasensya ko, ha.

Ako? Hindi makagawa ng romantic story? Ako pa talaga, ha?

I directly went to Boss Ayen's post and told her, "Boss, ako na lang ang magsusulat sa collab project."

Boss looked at me like I said something shocking.

"Eunice, detective fiction writer ka. At hindi ka na rin writer, for the record. Three years ka nang hiatus."

"I don't care, Boss. I'll write again."

"Niz."

"Sige na, Boss."

Umiling si Boss Ayen. Ayaw talaga.

"Fine. Magpapasa ako sa audition."

"Eunice." Bumigat ang tono niya.

Wa-warning-an niya 'ko? I don't care!

"Isa ka sa judge," reminder niya sa akin.

"Kumuha kayo ng ibang judge," sagot ko agad. "Kung hindi n'yo ibibigay ang project sa akin, hindi ko 'to tatanggapin. Maghanap kayo ng ibang magma-manage nito." At nag-walkout ako.

Ako pa ang hahamunin ng GT na 'yon? Ang kapal ng mukha niya! Alam kong magaling siya, pero hindi ako papayag na pagsasabihan niya 'ko nang gano'n! Baka hindi niya kilala kung sino ang kinakausap niya!

Pagbalik ko sa desk, may chat si Boss sa 'kin.


Ayen (CEO)

Magpasa ka ng entry tomorrow, on or before 6 p.m.

Last call. No entry, you're not qualified to be his collab partner.


Deal.


♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

10.3M 140K 81
Kung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa p...
3.4M 59.6K 33
Jerome Hernandez is currently the hottest NBA player. He became an overnight sensation because of his hypnotizing basketball skill, handsome look, in...
24.2K 1K 9
Captain James Esteban and Daniella Tayao, cleared for take-off. A James x Dani AU flashfic Standard disclaimer applies. Work of fiction. The characte...
16.4M 232K 60
Sa kwentong ito, malalaman mong hindi lahat ng tinatawag na "freak" ay dorky, nerd, or just generally not nice-looking. Dahil minsan, may mga freak d...