Oxytocin (JaDine AU)

By koorihime

76.2K 1.2K 93

medical story originally a twitterserye Nicole (Nadine) is a 4th year medical student starting her clerkship... More

00 - Orientation
01 - OB-Gyn
02 - OB-Gyn
03 - OB-Gyn
04 - OB-Gyn
05 - Pedia
06 - Pedia
07 - Pedia
08 - Pedia
09 - Pedia
10 - Pedia 🍄
11 - Community
12 - Community
13 - Community
14 - Community
15 - Community
Extra - #DoctorProblems
16 - ENT
17 - ENT
18 - Optha
19 - Psych
20 - Psych
21 - Psych
22 - Psych
23 - Psych
24 - Surgery
25 - Surgery
26 - Surgery
28 - Surgery
29 - Surgery
30 - Surgery
31 - Surgery
32 - Surgery
33 - IM
34 - IM
35 - IM
36 - IM
37 - IM 🙈
38 - IM 🙈🙈
39 - IM
40 - IM
41 - IM
42 - IM (Holy Week)
43 - IM (Holy Week 🙈🙈)
44 - IM (Holy Week)
45 - IM (Holy Week)
46 - IM (Holy Week 🙈)
47 - IM 🙈🍄
48 - IM
49 - Anesth and Radio
50 - Anesth and Radio 🙈
51 - Anesth and Radio
52 - Last Hurrah 🙈
BONUS: Extra Tweets
53 - Internship snippets
54 - Internship snippets
55 - After Boards 🙈
56 - After Boards
EXTRA: Pamamanhikan
EXTRA: Christmas Special
EXTRA: Married Life 🙈
EXTRA: Snippet + Shameless Plug
EXTRA: COVID-19
Special Chapter
Extra

27 - Surgery

929 11 0
By koorihime

Medspeaks:

GCS15 - normal consciousness. basta ang GCS grading yan ng consciousness. GCS13-14 mild brain injury, 9-12 moderate, 8-below severe. GCS 3 - coma.

ambucon - ambulance conduction. travel via ambulance. usually hospi to hospi to.

VA - vehicular accident

OPD - outpatient (patients na di kaylangan iadmit)

Tetanus Toxoid - anti tetano

craniect(omy) - operation para buksan yung ulo para maalis yung dugo or whatever it is na nagtataas ng pressure sa utak. pwede tong lumala so minsan need na 'stat' which just means immediately

--

Nicz's POV

Sa ER ako ngayon, si Freia sa OR at si Mark naman sa wards. Medyo toxic kami ni Doc Chard dito sa ER at talagang hinahayaan na lang niya ako na i-manage yung mga dumadating na OPD dahil busy din siya magtahi.

Medyo gamay ko naman na. Kaya ko na magtahi, alam ko na rin anong labs at diagnostics ang need na i-request or kung anong meds ang need na ibigay pag may dumating na patients.

Nakakaloka kasi ang toxic ng mga dumadating na patients. Mga ER to OR--meaning need na talaga operahan as soon as possible at kung hindi, mas madedelikado pa sila.

Nakadalawang ER to OR na kami. Eh may mga scheduled OR pa talaga kami for today. Matotoxic din sila for sure sa OR.

Naramdaman ko naman magvibrate yung phone ko.

Pero maya-maya rin naman, kumonti na yung patients at puro OPD na. I guess nagkasabay-sabay lang talaga ng datingan kanina.

Soon, natapos ko na matahi yung last patient at tinurukan ko na ng Tetanus Toxoid. Then may mga patients na lang kami dito na naghihintay mailipat sa ward (kung san si Mark na ang mamomoblema sa kanila).

Maya-maya lang dumating na yung patient na tinawag sa phone kanina.

Pagkakita ko sa kanya, alam ko kagad na may mali. Ang endorsement nila kanina, GCS 15 naman daw. Pero pagdating obvious na hindi. Unarousable siya at nagrereact lang sa pain.

"Doc, nagdeteriorate po siya along the way." Sabi naman nung kasamang doktor.

"Tsk." Sabi ni Doc Chard. "Nicz, tumawag ka sa OR. For stat craniect to." Utos naman niya.

Mabilis naman kaming lahat na gumalaw. Niprepare na rin ng nurses yung patient at tumawag na ng orderly para magtransfer sa OR.

Mabilisan na rin silang umalis.

"Nicz, alam kong kaya mo na dito. Pero in case may dumating na toxic, tawagan mo lang ako ha." Sabi naman ni Doc Chard ng mabilisan at umalis na rin siya.

Since craniectomy to (--meaning magtatanggal ng part ng cranium para maalis yung bleeding sa utak na pwede makacause ng damage sa utak), si Doc Chard ang need mag-opera since siya ang Neurosurgery rotator.

Tumango lang ako. Sa totoo lang kinakabahan ako maiwan mag-isa sa ER. Nasa OR si Doc Ed, Doc Mira at ngayon si Doc Chard. Hindi ko sure kung nasaan si Doc Lyca. Usually if hindi sa OR, ang seniors namin nag-aattend ng mga referrals.

Sana lang wala namang dumating na toxic. Eto talaga mahirap kapag kulang ang doktor.

--

So far, wala naman nang dumating. Buti na lang din. Tahimik lang kami sa ER pero walang bumabati even mga nurses. Part na rin ng superstition sa hospitals. Baka kasi biglang magtoxic.

Kaso nabobore na ko. Actually, nakaidlip na nga ako. Ayoko namang matoxic, pero hindi rin kasi ako nakapagdala ng reviewer para may mabasa man lang.

Naisip ko naman na itext na lang si Mark.

Maya-maya rin lang, andun naman na si Mark. Umupo naman siya sa tabi ko sa may table.

"Linis ah." Sabi naman niya, referring sa ER room ng surg.

"Shh. 'Wag mong batiin." Saway ko naman sa kanya.

Nagkwentuhan na lang kami dun. Sabi niya wala namang for vitals monitoring ngayon since kakadischarge lang kanina nung last Trauma Brain namin. Well, may kapalit na siya at inooperahan na ngayon ni Doc Chard.

Sabi naman ni Mark na wala na siyang balita sa OR ngayon pero ang pagkakaalam niya, natapos naman na nila halos lahat ng scheduled OR and pati yung dalawang OR na from ER.

Nagulat na lang ako nung may lumapit na nurse na nagmamadali.

"Doc may padating daw. Mass VA."

-

sorry, will put another Medspeaks here:

desat(uration) - basta pagbaba ng oxygen level sa katawan.
o2 saturation - o2 level. normal is 96-100%
intubate - (explained sa pedia)
pag nagintubate, 2 yung makikitang butas, trachea & esophagus. dapat sa trachea maipasok para to lungs pag sa esophagus sa stomach (gastric) mapupunta yung oxygen at di makakatulong.

--

Napatayo ako sa sinabi nung nurse. At maya-maya din lang may dumating ng ambulance. Parehas kaming lumabas ni Mark para salubungin ito.

Unang nilabas yung mga nakaupo. Sugatan sila, pero may malay naman at mukhang hindi ganun kalala. Then hinila nila yung stretcher.

Iba yung tibok ng puso ko nang makita ko yung pasyente. Bata pa siya, lalake, mga kaedad ko. Punong puno ng dugo ang ulo at upper half ng katawan niya.

Dinala naman siya kaagad sa loob at sumunod kami ni Mark. Habang niwiwheel siya ay chinecheck na ng nurses ang vital signs niya.

"Doc, nagdedesat siya! 83%!" Sabi naman nung nurse.

Nanlamig ako. Walang doktor dito. Kami lang ang doktor dito.

"Nicole!" Narinig ko namang tumawag si Mark at parang biglang naklaro ang utak ko. Kami ang doktor dito. Ako ang doktor dito.

"Sir pa-hook po sa oxygen. Mask na lang po. 10lpm." Sabi ko naman. Ginawa naman nila at inayos na ang patient sa hospital bed. Tinry ko naman iassess ang GCS niya. Tsk. GCS8 siya. Severe traumatic brain injury.

"Ma'am," Sabi ko naman dun sa clerk. "Pakitawagan po sila Doc, please." Nagnod naman siya at nagsimula nang tumawag.

"Doc nagdedesat pa rin po!" Report naman ng nurse.

Tsk. Hindi kaya ng face mask lang. Nagsimula na siyang linisin ng nurses. Si Mark sinira na ang shirt na suot niya para mainspect kung san nanggaling yung dugo.

Malinis ang chest at abdomen niya at mukhang sa ulo ang tama niya.

"Ano pong nangyari?" Tanong ko naman dun sa kasama nilang nagdeliver dito sa pasyente.

"Doc nabunggo po ng motor. Nakatayo lang daw etong pasyente at naghihintay ng masasakyan nang nawalan ng preno yung motor at tumama derecho sa kanya." Madalian naman niyang sinabi.

"Doc, 75%!" Sabi naman ng nurse. Pababa ng pababa ang oxygen niya sa katawan.

"BP po?" Tanong ko naman.

"90/60, Doc!"

Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya. At pababa lang ng pababa ang oxygen niya.

"Kaylangan niyang maintubate." 'Di ko na namalayan na nasabi ko nang malakas. Pero hindi ako marunong.

Nakanood na ko ng pag-intubate at naturo na rin sa'min si Doc Ed theoretically pero hindi ko pa natatry kahit kaylan.

"I'll do it." Sabi naman ni Mark.

Napatingin ako sa kanya.

"I'll try." Sabi naman niya. Mukhang nagdadalawang isip din siya. Pero emergency to. Nagnod ako sa kanya. Niready na ng nurses yung mga gamit at tumulong ako na iposisyon yung pasyente. Pinasa ng nurse yung laryngoscope kay Mark at huminga siya ng malalim.

Pinasok niya yung laryngoscope at hinanap yung trachea. Maya-maya lang pinaabot na niya yung endotracheal tube at pinasok ito sa pasyente.

"Check!" Sabi naman niya. Kinuha ko naman ang stethoscope ko at pinakinggan if nakapasok yung tube.

"Double bag." Sabi ko sa nurse at nakinig naman siya.

I shook my head at Mark. Hindi pasok. "Gastric."

"Tsk." Sabi naman ni Mark at nilabas yung tube. In the meantime, nagbag muna yung nurse ng oxygen through the face mask.

Tinry uli ni Mark then pinakinggan ko.

Umiling uli ako. "Gastric pa rin, Mark."

Nakikita ko naman na naiinis at nagpapanic na siya. Hinawakan ko siya sa kamay at napatingin siya sakin. I nodded at him and I saw his face transformed into a determined one.

"Pasuction po." Sabi naman niya. At lumapit naman ang nurse para isuction ang bibig ng patient. Dumugo na kasi dahil sa previous tries ni Mark.

"Pahingi pa po ng KY jelly." Sabi ko naman at nilagyan ko uli ang tube. Nawala na kasi yung nilagay kanina.

Tinry uli ni Mark at ngayon halatang mas focused siya.

"Check." Sabi niya pagkainsert niya.

Nicheck ko naman. "In!" Sabi ko naman.

"Anong level?" Tanong ko naman sa nurse na nag-aassist kay Mark na isecure yung ET.

"26." Sabi ng nurse.

"Taas mo ng konti, Mark, mas malakas sa right." Sabi ko naman at sinunod naman niya. Pinakinggan ko naman.

"Okay, in." Sabi ko naman.

I'm so proud of Mark pero wala pa kaming time para magcelebrate. Tinignan ko ang O2 Sat at nasa 96% na siya.

"Sir, mukhang for stat OR din po ito. Pwede po patawag sa OR?" Nag-nod lang yung nurse. Experienced na ang nurses namin so alam kong ineexpect na rin nila.

Dumudugo pa rin yung ulo ng patient so nilagyan ni Mark ng pressure. Ako naman nag-ambubag at nag-inspect sa patient habang andun ako.

Wala siyang sugat sa trunk niya, sa binti, kamay, mukha at ulo lang. May mga laceration siya sa mukha at sabog ang bibig niya. Kakaylanganing itahi yun pero pwede yun mahintay. Ang kaylangan naming malaman if gano kadami ang dugo sa ulo niya. Hindi naman mukhang distended ang abdomen niya pero magpaultrasound na ba ko? Pano if mali yung inspection ko at may bleeding pala? Umiling ako.

"Parequest po ng stat plain cranial CT at FAST (Focused assessment with sonography for trauma) ultrasound." Sinabi ko naman sa nurse. Mabuti nang may ginawa kaysa magsisi sa huli.

"Natawagan na po sila Doc?" Tanong ko naman.

"Doc, wala pong sumasagot." Sabi naman niya.

Tumingin ako kay Mark. "Mark, pacheck ng eyes niya."

Ginawa naman ni Mark. "Reactive naman pero sluggish. 3 millimeters."

Kaylangan namin ang seniors namin.

Nakiusap naman ako sa nurse na siya muna mag-ambubag. At nagstart nilabas ang phone ko.

Hindi sumasagot si Doc Chard, siguro nagkecraniect pa siya. Hindi rin sumasagot si Doc Ed. Siguro siya ang assist ni Doc. Tsk.

"Mark, takbo na ko pa-OR. Need nila makita tong patient." Sinabi ko naman at nagnod siya.

Nagstart akong tawagan si Doc Mira habang tumatakbo pero sakto at nakasalubong ko siya. Mukhang papunta siya sa ER para icheck ako pero nung nakita niya ako alam niya agad na may problema. Nagstart na siya tumakbo at habang pabalik kami sa ER ay nagpaendorse na siya. Sinabi ko lahat ng kaya kong sabihin.

Pagbalik namin sa ER, nagtawag na kagad si Doc Mira ng orderly para magwheel sa patient papunta sa OR. Maya-maya rin lang dumating din si Doc Ed na mukhang nag-unscrub pa.

"Bakit ka nagmiss-call Nicz?" Tanong niya bago niya makita yung situation sa ER. Di ko na kinailangan sumagot at dumerecho na rin siya sa pasyente.

Maya-maya pa, kahit si Doc Lyca dumating na. Grabe yung adrenaline rush ko kanina iba. And nung nakita ko yung seniors ko parang nabunutan ako ng tinik. Alam kong di pa okay, pero andito na sila. Hindi nila kami pinabayaan.

Ininspect ni Doc Mira yung pasyente.

"Diinan mo lang yan, Mark." Instruct naman niya. Nagnod si Mark.

"Sinong nag-intubate?" Tanong naman ni Doc Mira.

"Si Doc Mark po." Sabi ng nurse na nag-aambubag. Napatingin siya kay Mark at nag-nod.

"Natawagan na ang OR?" Tanong pa niya.

"Yes po, Doc." Sabi naman ng nurse.

"Parequest ng stat--"

"CT at FAST, Doc. Done na din po." Sabi naman ng nurse.

Idederecho na ni Doc Mira sa OR yung patient at mukhang siya na ang gagawa.

"Eddie, dito ka na lang at samahan mo sila Nicz." Sabi naman niya.

"Sinong mag-aassist sa inyo, Doc?" Tanong naman ni Doc Ed.

"Okay lang, Mira." Sabi naman ni Doc Lyca. "Dito na muna ako. Eddie, iassist mo si Mira."

"Opo, Doc." Nagnod naman si Doc Ed at pinalitan na si Mark sa pagpress ng sugat ng patient sa ulo. Then umalis na rin sila kaagad.

Tumingin naman sa amin nun si Doc Lyca tapos ngumiti.

"Very good." Sabi naman niya. Ibang klase yung pakiramdam nung sinabi niya yun.

But then di pa rin kami pwede magfocus dun dahil may iba pang patients. May apat pa na pasyente na nakasali sa aksidente at kasama na dun yung nagpapatakbo ng motor.

May isa na puro gasgas lang so kaylangan lang linisin pero yung iba malalalim ang sugat at meron pang isang nadislocate ang shoulder. Isa-isa naming tinahi yung mga lacerations. Nireduce naman ni Doc Lyca yung shoulder nung isang patient tapos nilagyan namin ni Mark ng splint.

After nun, saka lang kami nakaupo ni Mark. Sobrang pagod yung pakiramdam ko.

Lumapit naman sa amin si Doc Lyca.

"Magpalit na kayo at magpahinga muna. Ako muna dito." Sabi naman niya. Saka lang ako nakasilip sa damit ko nun. Puno na pala ng dugo yung scrubs naming parehas ni Mark. Di naman na namin tinanggihan yung offer ni Doc at naglakad na kami papunta sa room namin.

Pagdating sa room naupo muna ako at nagbuntong hininga. Parang ang daming nangyari. Yung mga nangyari kaninang umaga feeling ko kahapon na. Napagod talaga ako.

Tumabi naman sa akin si Mark at sinandal yung ulo niya sa balikat ko.

"Nastress ako." Sabi naman niya. Natawa naman ako. Ngayon na tapos na, parang ang gaan na ng pakiramdam ko.

"Ang galing mo, Mark." Sabi ko naman.

He shook his head. "Mas magaling ang girlfriend ko." Sabi naman niya.

"Nambola pa." Sabi ko naman.

"No lie. Sobrang amazing mo kanina." Sabi naman niya. "The way you commanded everyone. I was busy panicking."

"Sira, ako kaya yung unang nagpanic. Kung di mo pa ko tinawag di ako makakagalaw." Sabi ko naman.

"But you did it." Sabi naman niya. "I couldn't even think straight."

"To be honest, parang nag-autopilot lang talaga kanina yung katawan ko." I admitted. "I guess yung adrenaline. Pero ikaw... was that your first time mag-intubate?" Tanong ko naman.

"Sa buhay na patient." Sabi naman niya. "Remember yung mortality namin sa OB?" Tanong naman niya.

I nodded.

During our rotation sa OB, kaisa-isa lang ang mortality namin and the patient died during Mark and Freia's duty. 21 years old pa lang daw yun pero Gravida 5. Every year nanganganak since 17 siya. Di na kinaya ng katawan niya.

"After she expired, tinuruan kami ni Doc Ave mag-intubate tapos pinapractice niya kami sa kanya." Sabi naman niya. "But it was months ago and iba naman yun kesa sa buhay na patient, so hindi ko talaga sure if magagawa ko. But then it was an emergency. I had to at least try."

"And you were able to do it." Sabi ko naman. "I'm so proud of you."

Niyakap ko naman siya from the side. Parehas kaming duguan but I just didn't care at the moment.

"And I'm so proud of you." Sabi naman niya and he gave me a peck on the lips. "We make a good team." He commented.

Nagnod naman ako.

"Teka, amoy from na tayo. Magbihis na muna tayo." Sabi ko naman. Nagnod naman siya pero nag-kiss pa muna ng isa pa bago tumayo.

Dun na rin lang ako nagbihis dahil sobrang ramdam ko na yung exhaustion ko ngayon at ayoko nang mag-effort pang pumunta sa CR ng nurses sa pantry. Nakasando naman ako sa loob ng scrubs ko and si Mark lang naman nandito. I trust him.

Inalis ko na yung top ng scrubs ko at eto namang si Mark nang-aasar pang sumipol sa akin.

Inirapan ko naman siya. Nakita naman na niya ko na nakasleeveless top before. Nang-aasar lang talaga. Nagulat naman ako ng bigla rin lang niyang inalis yung top ng scrubs niya. Wala siyang panloob.

Umiwas na lang ako ng tingin ng mabilisan at nagpalit na ng new scrubs.

"Gusto kong maligo." Comment naman niya. Lumingon na ako sa kanya nun. Nakabihis na siya pero nakablack shirt na lang siya ngayon. Wala siguro siyang dalang extra scrubs. "Pero parang mas gusto ko nang matulog."

"From duty problems." Sabi ko naman.

"Sabi ni Doc magpahinga na tayo di ba? Pwede na bang matulog? Madaling araw naman na." Sabi naman niya. Halatang pagod na din talaga siya sa boses niya.

"Sabi naman ni Doc magpahinga muna tayo. Siguro pwede namang umidlip saglit. Mag-aalarm na lang ako." Sabi ko naman.

Nagnod naman siya at umupo dun sa may sofa. Naggesture naman siya na umupo na rin ako sa tabi niya so ginawa ko na rin lang.

Pagkaupo ko, nilagay na niya yung arm niya around me. Kinuha naman niya yung denim jacket niya at nilagay sa akin, then sinandal ang forehead sa shoulder ko.

"Don't sniff me, though. I'm sure wala na yung amoy ng perfume." Sabi naman niya nang inaantok. Natawa naman ako.

Next, kinuha niya yung cap niya at ipangtatakip niya sa mukha niya as usual. Pag kasi kateam mo sila Tim, need mo ng protection from their cameras.

"Good night,  Mark." Sabi ko naman nung pumwesto na siya.

Nagnod lang siya--mukhang half asleep na, then said, "I love you." Then nakatulog na agad.

Nagsmile naman ako sa kanya. "I love you, too."

--

Nung nagising ako, napansin ko kagad na medyo maliwanag na. Oh my God, di kami nagising. Si Mark na katabi ko at tulog pa, sinimulan ko naman na gisingin.

"Nicz..?" Tanong naman niya. Mukhang disoriented pa siya.

"Mark, 5:30 na. Di na tayo nakabalik sa posts natin." Sabi ko naman.

He sat up pero mabagal pa rin ang kilos. I don't know if naintindihan niya yung sinabi ko. Tumayo na ako at hinihila ko na rin si Mark patayo nang dumating si Doc Ed.

"Doc, sorry di na kami nakabalik. Nagderederecho yung dapat idlip namin." Sabi ko naman agad.

Expressionless yung mukha ni Doc. Kinabahan naman ako. Usually palangiti siya e.

"Tawag kayong dalawa sa office." Sabi lang niya.

"Bakit po..?" Tanong ko naman in a low voice. Medyo nakakatakot naman si Doc.

"Punta na lang kayo." Sabi naman niya, still with an expressionless face.

Hindi na ko nagtanong at hinila ko na lang si Mark papuntang office.

Pagdating dun, andun na si Freia na mukhang kinakabahan din, tapos si Doc Mira at Doc Lyca.

"Ayan, kumpleto na kayo." Sabi naman ni Doc Lyca. "Gusto lang namin kayo makausap about sa nangyari kagabi."

"Doc, sorry di na kami nakabalik sa posts namin. Di kami nagising sa alarm. Di po namin sinasadya." Sinabi ko naman.

Natawa naman si Doc Lyca. "Nicz, relax. It's not about that. Anyway, wala naman na ding patients na dumating after nung mass VA and alam kong napagod kayo parehas."

Napablink ako. Nako si Doc Ed, mukhang nangtrip.

"We actually wanted to talk about how impressed we were sa inyong tatlo." Sabi naman ni Doc Lyca ng nakasmile.

Kinabahan uli ako, but in a different way now. Idol ko tong dalawang doktor sa harap ko so I don't know. Iba yung pakiramdam ko sa sinabi nila.

"Nagkwento sila Sir Arvan sa ER." Sabi ni Doc Lyca. Siya yung nurse na tumulong sa'min kagabi. "Sinabi niya na Nicz, you did not panic and you were able to give them immediate instructions."

"Nacover mo halos lahat ng pwedeng icover." Sabi naman ni Doc Mira.

"Tapos ikaw, Mark, ikaw ang nag-intubate." Sabi naman ni Doc Lyca. "Was that your first time?"

"Sa buhay na patient po, Doc." Sabi naman ni Mark. "Sorry po if may nabreak ako na protocol ng hospital." Sabi naman niya. Clerks pa lang kasi kami. Hindi ko naisip kagabi pero hindi ko nga sure if pwede na kami mag-intubate.

Doc Lyca shook her head. "Emergency situation siya and you did what you had to do as a doctor." Sabi naman niya.

"Nicheck ko din naman." Sabi naman ni Doc Mira. "Maganda naman ang pagkakalagay mo. Lalo na for a first timer."

"Thank you po, Doc." Sabi naman ni Mark.

"And si Freia, you managed to be 1st assist kay Chard nung kinailangan ni Eddie magscrub out." Sabi naman ni Doc Lyca.

Parang nahihiya naman si Freia sa praise nila.

"Talaga bang hindi kayo magsusurgeon?" Tanong naman ni Doc Lyca.

Napangiti naman ako dun.

"3rd option po, Doc." I said honestly.

"Sorry po, Doc." Sabi naman ni Freia.

Mark just shook his head, with an apologetic smile.

"Well, I think kahit ano namang specialty, you three would be good doctors." Sabi naman ni Doc Lyca.

"Doc, I think dahil din po generous kayo magturo sa amin kaya po we were able to do that." Sabi ko naman. It's true naman.

Nagsmile naman si Doc Lyca. "Thank you, Nicz. And Mark and Freia, for being good students."

Pinakita naman sa amin ni Doc yung logbook. At first di ko na-gets kung bakit, and then nabasa ko yung nakasulat. Oh my God! 120 hours merit each!

--

Lumabas na rin kami nun ng office. I felt lightheaded somehow. 120 hours merit. 5 days yun. I didn't know that was even possible. Parang nawala lahat ng pagod ko.

Sinabi naman nila Doc na successful naman yung craniectomy sa patient at currently stable siya at nasa PACU (Post Anesthesia Care Unit) na.

Paglabas naman namin, sinalubong kami ni Doc Ed.

"Ang lakas mo mangtrip!" Reklamo ko naman. Tumawa naman siya.

Nagulat na lang ako ng niyakap niya kaming tatlo ni Mark at Freia.

"Ang galing galing ng team ko!" Sabi naman niya na parang bata na tuwang tuwa. Natawa naman ako dun at pati na rin si Mark at Freia.

"Magaling magturo yung resident namin e." Sabi ko naman.

"Thank you, Nicz." Sabi ni Doc. "Tama talaga yung sabi nila Lian about you."

Huh?? Endorsed ba ako?

"Anong sabi po nila?" Tinanong ko naman ng kinakabahan.

"Na responsible ka at cool-headed. Yun na daw ang endorsement about you nung OB niyo pa lang." Sabi naman ni Doc.

I didn't know what to say.

"Well, it's true." Sabi naman ni Mark at napatingin ako sa kanya. Kita ko sa mata niya how proud he is of me.

Parang bumigat yung pakiramdam ko sa puso--in a good way.

"Nako, lalo atang nainlove sayo Nicz." Sabi naman ni Freia ng nang-aasar.

Tumawa naman sila ni Doc Ed.

"O, tara na. Malapit na magstart morning rounds."

"Hala, di pa kami nakakapag-COD or nakakapagrelay ng labs." Sabi ko naman.

"Doc Stellar, chill ka lang." Sabi naman ni Doc Ed. "Okay na yung labs. Yung COD konti lang naman. Mamaya niyo na gawin. Alam din ni Doc Rusty nangyari kagabi so di naman siya magagalit."

"Naks, stellar!" Sabi naman ni Freia.

Pumunta na kami dun sa SICU (Surgical Intensive Care Unit) dahil dun usually nagstart ang rounds. Nandun naman na yung iba.

"Ate Ara!" Bati ko naman nung nakita ko siya. Absent kasi siya kahapon at di ko alam kung bakit. Mukhang okay naman siya.

Nagsmile naman siya at nagwave. Then naggesture na magstart na ang rounds. Pumwesto na kami malapit kay Doc Ed. Unang nag-endorse si Doc Billy.

Habang naglalakad papunta sa ward, narinig ko naman bumulong si Freia kay Doc Ed.

"Doc Ed, since stellar ang team mo, manlibre ka naman." Sabi niya.

Natawa naman ako. Nakita ko naman nakikinig din si Mark.

"Sige mamayang lunch." Doc Ed said easily.

Di naman sinasadya na sabay-sabay kaming tatlo mag "Yes!"

Nagtinginan mga tao sa'min so kunwari na lang walang nangyari. Pareparehas kaming natatawa.

Nung natapos na ang rounds, bumalik naman kami sa Nurse's Station. Nagulat naman ako nang makita na andun si Doc Raffy.

Napansin ko naman na napatigil si Ate Ara sa paglalakad. Lumapit sa kanya si Doc Raffy pero napalingon nung dumating si Doc Rusty.

"Rus, pwede bang paexcuse muna uli si Ara?" Tanong naman ni Doc Raffy.

Parang nagulat si Doc Rusty.

"Ano bang nangyayari Raf? Duty si Ara ngayon. Di naman pwedeng di na siya pumasok. Ayokong maging unfair sa ibang clerks." Sabi naman ni Doc Rusty. Lumapit na rin sa kanila si Doc Lyca.

"Raffy, kaya ko. Magduduty ako." Sabi naman ni Ate Ara nang pagalit tapos umalis na siya.

"Ara!" Tawag naman ni Doc Raffy. Susunod na sana siya pero pinigilan siya ni Doc Rusty.

"What happened?" He asked again.

Parang stressed na stressed yung itsura ni Doc Raffy.

"Rus, she's pregnant. And she's not taking it well."

Nashock ako sa sinabi ni Doc Raffy. I think kaming lahat, including Doc Rusty. Napangiti na ako nun. Good news yun. Magkakababy na sila! Nakakatuwa!

Si Doc Lyca ang unang nagsalita.

"How did she take it nung nalaman niyo?" Tanong naman ni Doc Lyca. Napatigil naman ako dahil iba yung mukha ni Doc Lyca. Hindi siya nakangiti.

"I had to make sure nung hinimatay siya. Ayaw pa niya pero pumayag naman siya. And when we saw the result. Umiling si Doc Raffy. "She was in denial at first. I think hanggang ngayon. Ayaw niya, Lycs."

Nagulat naman ako kasi biglang tumakbo si Tim papunta sa direksyon kung san papunta si Ate Ara.

Continue Reading

You'll Also Like

107K 2.6K 83
How can you "reset" if you keep pressing "rewind"? A Bongbong Marcos and Leni Robredo fanfic. ❤️💛
40.1K 1K 53
Ever been to the countryside, away from all the blinding city lights, and see thousands if not millions of stars twinkle in the night sky? Their beau...
354K 9.8K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
277K 15.1K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.