Falling Relentlessly (COMPLET...

By Princess_Jenpaumevi

515K 18.7K 2.1K

(Monteciara Series 1: Klode Leighton Monteciara) "Don't expect me to be a good girl at all times. Baby, I'm n... More

Teaser
Prelude
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 (Part One)
Chapter 40 (Part Two)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 24

6.5K 300 12
By Princess_Jenpaumevi

I love you

"TRUTH or dare?"

Iiling-iling na kukunin ko na sana ang shot glass na naglalaman ng alak nang pigilan ako ni Leighton na medyo namumula na ang tenga.

Paano sa limang beses na tumapat sa akin ang bote at wala akong piliin sa truth or dare. Siya ang umiinom sa shot na para sa akin.

"Oy Rhims, di ka ba naaawa sa boyfriend mo? Mamili ka naman, wag kang kj..." nang-aasar na saad ni Trisha na diniinan pa ang salitang boyfriend.

Nagbungisngisan sina Anne at Fae sa sinabi ni Trisha na gusto kong sabunutan mula kanina pa.

"Insan, tigilan mo na sinasaktan mo ang puso ko!" nakangusong saad ni Migael na hindi pa rin natapos sa pagdadrama niya.

KJ akong matatawag kung hindi ako nakisali sa pambata nilang laro.

Gabi na at kanina pa walang pahinga ang mga 'to pero tila balewala sa kanila ang pagod at nagyaya pang maglaro.

Inagaw ko ang shot glass kay Leighton dahil baka tuluyan na siyang malasing kung hindi niya titigilan ang pagsalo ng inumin ko.

Huminga ako nang malalim. "Fine. Dare."

Pumalakpak si Trisha na parang bata na tila tuwang-tuwa sa sinabi ko. "Ayan dapat!"

"Just say the dare and I'm out of this game. I'm sleepy!" nagpanggap pa akong humikab kahit na ang totoo'y hindi pa ako inaantok.

"Hmmmm...kiss Klode for one minute then say I love you afterwards."

"Are you crazy?!"

Ngumisi si Trisha. "What? Anong masama sa dare ko? Even Migael here kiss Fae tapos ikaw na girlfriend hindi mo man lang mahalikan ang boyfriend mo?"

"That's our privacy!"

"Milabs--I mean Rhims, di naman sinabi ni Trish kung saan mo hahalikan si Klode eh."

Tumawa si Trisha sa sinabi ng pinsan niya. "Oo nga pala! Sa cheeks lang naman beshy, ayaw naman namin makakita ng live por--"

Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang batuhin ko siya ng ice cubes na ikinatawa niya lang.

"Let's do this para makapahinga ka na." malawak ang ngiting saad ni Leighton na mukhang gustong-gusto ang dare ni Trisha sa akin.

Napailing ako at ginawa na lang ang gusto nila. Hinalikan ko siya sa pisngi at nagsimulang magbilang sina Trisha.

"59..."

Lalayo na sana ako nang bigla niyang ipinaling ang mukha niya papunta sa akin at dampian ng halik ang labi ko.

Nagtilian sina Trisha habang ako naman ay hinampas ang katabi ko na ngumiti lang.

"Sorry...can't help it." bulong niya sa tenga ko. Itinulak ko siya at mabilis na kinuha ang shot glass at inilagok iyon.

Bigla akong nakaramdam nang pagkauhaw sa alak.

"Hey...you angry?"

Bago pa ako makasagot ay binato ako ng cornick ni Trisha. "Hindi pa tapos nasaan na iyong I love you?"

Sinamaan ko siya ng tingin pero hinarap ko rin si Leighton na mukhang na-guilty sa ginawa niya kanina.

"I'm not angry...silly." saad ko at pinitik ang noo niya.

Tumikhim ako nang magsitahimik ang lahat at hinintay ang sasabihin ko kay Leighton.

Pinakatitigan ko siya at bumukas-sara ang bibig ko pero walang salitang lumabas mula sa akin.

It's just a simple words. Why can't I say it?

"I..."

Fudge. I really can't.

Muli sana akong magsasalita nang umalingawngaw ang tunog ng cellphone ko na hindi ko inaalis sa tabi ko mula kanina pa dahil sa hinihintay kong tawag.

Lumitaw ang display picture ni Terrence kaya mabilis kong kinuha ang phone ko at tumayo na ikinaprotesta nilang lahat maliban kay Leighton na ang tingin ay nasa hawak kong phone.

"I'm sorry...I have to take this call." saad ko sa kanya at hindi na hinintay pa ang sasabihin niyang nagmamadali akong lumabas.

"THANK God, you answered!" tila nakahinga nang maluwag na bungad sa akin ni Rence nang masagot ko ang facetime niya.

Umupo ako sa buhanginan bago ko siya sagutin. "Sorry, I fell asleep last night..."

Tumango siya kasabay nang pagkunot ng noo niya. "Where are you?" pagsipat niya sa likod ko.

"In a vacation...I'm in an island..."

"With whom?" walang emosyon niyang saad.

"With my f-friends..."

Tumaas ang kilay niya. "You have friends now, that's new..."

Tumikhim ako. "They're my schoolmates..."

"And you went with them?"

"Don't make this a big deal, Rence. They're just trying to comfort me for what happened to Nanay."

Tumango-tango siya pero hindi pa rin nagbabago ang kawalan ng ekspresyon sa mga mata niya. "Do you have nothing else to say?"

Matagal akong hindi nakaimik sa tanong niya.

Kung merong isang taong nakakakilala sa akin. Siya iyon.

"Actually, I have something to confess..."

"Spill."

Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. "I have a boyfriend...now."

"That guy that you always talk about, am I right?"

Yumuko ako at tumango.

"Woah...So you're really not coming back..."

Sa pagkakataong iyon ay hinarap ko siya at pinakatitigan sa screen. "Rence..."

Ngumiti siya pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. "I wonder what he has that I don't have...why is it so easy for you to fall for him and not with me?"

Bago pa ko muling makapagsalita ay nawala na siya sa linya. For the first time, nagawa akong babaan ng tawag ni Terrence.

I'm sorry, Rence...

Matapos kong ipadala ang mensahe ay binuksan ko ang gallery ko at pinakatitigan ang mangilan-ngilan naming litrato na dalawa.

Napabuntong-hininga ako at napahiga sa buhanginan. I met him during the lowest point of my life. When I felt like life wasn't worth living. He did his best to save me. He became my bestfriend. My confidant.

He once confessed that he loves me.

And so I tried, to love him back.

Kung tutuusin mas matagal ko siyang nakasama. Mas malalim ang pinagsamahan namin pero bakit hindi ko siya nagawang magustuhan.

I always see him as a friend.

"Done talking to him?"

Napadilat ako nang marinig ang boses na 'yon.

"Kanina ka pa diyan?"

Umiling siya pero ang tingin ay nasa cellphone kong ipinatong ko sa tiyan ko. Nakangiting si Rence habang yakap-yakap ako sa likod ang nasa screen.

"You're that close with him?" tukoy niya sa larawan.

Umupo ako at ni-lock ang cellphone ko. "He's my best friend..."

"Kung papipiliin ka between him and me, will you choose him?"

"Hindi ko gusto ang patutunguhan ng usapang 'to. I think you're drunk. You should sleep..."

Tumayo ako pero hinila niya ako kaya bumagsak ako sa dibdib niya. Lalayo na sana ako nang yakapin niya ako mula sa likod.

"Just answer me please..." tila nakikiusap niyang bulong sa tainga ko.

"Leighton...hindi ko kailangang mamili kasi pareho kayong...mahalaga sa akin."

"Just what if, Alice..."

Napalunok ako at hindi alam ang isasagot sa kanya.

"H-Hindi ko alam..."

Huminga siya nang malalim. "Damn, so this is what jealousy means..."

"H-Hindi mo kailangang magselos kay Rence..."

"I can't help it. Iniwan mo ko kanina gayong gustong-gusto kong marinig na mahal mo ako. Isang tawag niya lang, umalis ka."

Nakonsensya ako sa sinabi niya pero ni hindi ko kayang humingi ng tawad sa isang bagay na baka maulit na naman.

"I'm scared that you'll leave me once he ask you to..."

"Hindi niya gagawin 'yon Leighton...mabait si Terrence at kapag nakita niya na napapasaya mo ako hinding-hindi niya hihilingin na iwanan kita."

"Am I making you happy?"

Ngumiti ako at hinampas ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko.

"Do you think I'll be your girlfriend if you're not making me happy?" Hinawakan ko ang kamay niya at tila may sariling buhay ang kanang kamay ko na ipinagsalikop ko ang mga kamay namin. "I almost forgot the feeling of being happy...iyong pakiramdam na napapangiti ka nang hindi mo namamalayan. When I'm with you I feel safe from the things that hurt me inside."

Hinarap ko siya at pakiramdam ko ibang tao ang kasama niya ngayon nang umangat ang kamay ko at haplusin ang pisngi niya. "I'm not good with words Leighton but it doesn't mean that I don't have feelings for you..."

Tuluyan kong tinawid ang gahiblamg distansya namin at kinintalan siya ng halik sa labi.

I want this moment to last.

I found a reason to stay.

Leighton Klode Monteciara.

I love you.

TBC

-Short update. Quite busy babawi po ako sa susunod na update. Votes and comments are highly appreciated.

Continue Reading

You'll Also Like

809K 27.9K 69
Embry Elithea Suarez & Caspian Riley De Ayala -- Started: April 9, 2022 Ended: October 7, 2022 Completed on Warranj VIP Group
1K 59 25
Kung magkakaroon lamang ng pangalan ang salitang hate, that would be Lauri Jade Santillan. She hates everything about Isaak Villavor, ang saksakan sa...
15.8K 356 12
The first installment in the DeMarcus series. She is the eldest of the DeMarcus siblings and she is the heiress of the kingdom. However, she cannot f...
4.4K 206 16
Dani with a nickname "Slutty" accidentally dates the man that she hates, the Congressman's son Alexandro Castillo with terms and conditions to clean...