Hey, Cohen (COMPLETED)

By beeyotch

52.9M 2.2M 783K

Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gus... More

#HeyCohen01
#HeyCohen02
#HeyCohen03
#HeyCohen04
#HeyCohen05
#HeyCohen06
#HeyCohen07
#HeyCohen08
#HeyCohen09
#HeyCohen10
#HeyCohen11
#HeyCohen12
#HeyCohen13
#HeyCohen14
#HeyCohen15
#HeyCohen16
#HeyCohen17
#HeyCohen18
#HeyCohen19
#HeyCohen20
#HeyCohen21
#HeyCohen22
#HeyCohen23
#HeyCohen24
#HeyCohen25
#HeyCohen26
#HeyCohen27
#HeyCohen28
#HeyCohen29
#HeyCohen30
#HeyCohen31
#HeyCohen32
#HeyCohen33
#HeyCohen34
#HeyCohen35
#HeyCohen36
#HeyCohen37
#HeyCohen38
#HeyCohen39
#HeyCohen40
#HeyCohen41
#HeyCohen42
#HeyCohen43
#HeyCohen44
#HeyCohen45
#HeyCohen46
#HeyCohen47
#HeyCohen48
#HeyCohen49
#HeyCohen50
#HeyCohen51
#HeyCohen52
#HeyCohen53
#HeyCohen54
#HeyCohen55
#HeyCohen56
#HeyCohen57
#HeyCohen58
#HeyCohen59
#HeyCohen60
#HeyCohen61
#HeyCohen62
#HeyCohen63
#HeyCohen64
#HeyCohen65
#HeyCohen66
#HeyCohen67
#HeyCohen68
#HeyCohen69
#HeyCohen70
#HeyCohen71
#HeyCohen72
#HeyCohen73
#HeyCohen74
#HeyCohen75
#HeyCohen76
#HeyCohen77
#HeyCohen78
#HeyCohen79
#HeyCohen80
#HeyCohen81
#HeyCohen82
#HeyCohen83
#HeyCohen84
#HeyCohen85
#HeyCohen86
#HeyCohen87
#HeyCohen88
#HeyCohen89
#HeyCohen90
#HeyCohen91
#HeyCohen92
#HeyCohen93
#HeyCohen94
#HeyCohen95
#HeyCohen96
#HeyCohen97
#HeyCohen98
#HeyCohen99
#HeyCohen100
#HeyCohen101
#HeyCohen102
#HeyCohen103
#HeyCohen104
#HeyCohen105
#HeyCohen106
#HeyCohen107
#HeyCohen108
#HeyCohen109
#HeyCohen110
#HeyCohen111
#HeyCohen112
#HeyCohen113
#HeyCohen114
#HeyCohen115
#HeyCohen116
#HeyCohen117
#HeyCohen118
#HeyCohen119
#HeyCohen120
#HeyCohen121
#HeyCohen122
#HeyCohen123
#HeyCohen124
#HeyCohen125
#HeyCohen126
#HeyCohen127
#HeyCohen128
#HeyCohen129
#HeyCohen130
#HeyCohen131
#HeyCohen132
#HeyCohen133
#HeyCohen134
#HeyCohen135
#HeyCohen136
#HeyCohen137
#HeyCohen138
#HeyCohen139
#HeyCohen140
#HeyCohen141
#HeyCohen142
#HeyCohen143
#HeyCohen144
#HeyCohen145
#HeyCohen146
#HeyCohen147
#HeyCohen148
#HeyCohen149
#HeyCohen150
#HeyCohen151
#HeyCohen152
#HeyCohen153
#HeyCohen154
#HeyCohen155
#HeyCohen156
#HeyCohen157
#HeyCohen158
#HeyCohen159
#HeyCohen160
#HeyCohen161
#HeyCohen162
#HeyCohen1of5
#HeyCohen2of5
#HeyCohen4of5
#HeyCohen5of5
#HeyCohen
GDL x Suarez (Preview)
MDAR book now available
#HeyCohenSC01
#HeyCohenSC02

#HeyCohen3of5

357K 13.1K 8.3K
By beeyotch

Epilogue (3 of 5)

To:

Subject: IMPORTANT AND CONFIDENTIAL

Good day! I am formally requesting a video conference with you. Please send your earliest possible availability.

Regards,

Sariah Mikaella Miranda

From:

Subject: IMPORTANT AND CONFIDENTIAL

Baliw. Anong problema mo?

To:

Subject: IMPORTANT AND CONFIDENTIAL

Please refer to my previous email.

Regards,

Sariah Mikaella Miranda

Not a few seconds later, nakita ko na si Kuya na tumatawag sa Facetime. Umayos ako ng upo at iniayos ko iyong kwelyo ng suot ko. Sinuklay ko rin iyong buhok ko at umubo ng ilang beses bago sinagot iyong tawag.

"Problema mo?" bungad sa akin ni Kuya.

"Good—"

"Ano ngang problema mo?"

Asar talaga nito! Basag trip!

"I'm here for a negotiation," sabi ko sa pormal na boses ko.

"Para sa?"

"Lifting of visitation restriction," sagot ko. Mas lalong kumunot ang noo ko. Inabot ko iyong powerpoint presentation na ginawa ko kagabi tapos pinrint. Sumama na sa pagkunot iyong kilay niya.

"What... the hell?" tanong niya habang sinusubukang tignan nang malinaw iyong naka-print. Ang laki na nga nito, e! Bulag talaga 'yan minsan si Kuya.

"As you can see here in my infograph, Cohen and I have been together for nine months now," sabi ko habang pinapa-kita ko iyong chart na pinaghirapan ko kagabi. Mababaliw na kasi talaga ako! Palagi na lang kaming nasa labas ni Cohen! Nauubusan na kami ng pupuntahan! Alam mo 'yung minsan gusto niyo lang naman dalawang maupo at magkwentuhan pero dahil bawal siya sa apartment ko at mas lalong bawal ako sa apartment niya, kung saan-saan pa tuloy kami napupunta! Ang gastos kaya!

"Here's my current standing in my classes," sabi ko sabay pakita ng scanned copy ng mga quizzes and papers ko pati 'yung lumabas na grades for midterms. "Here's Cohen's standing in his masteral classes," sabi ko sabay na-proud kasi ang talino ng jowa ko! 'Di lang gwapo at mabait, matalino rin. Again, thank you, Lord!

"Ano'ng point nito?" naka-cross arms na tanong ng pinaka-malaking kontrabida sa buhay ko. Si Mama at Tita nga laging kinakamusta sa akin si Cohen, e! Si Kuya lang talaga ang tanging isang malaking germs ang tingin kay Cohen!

"The point, Mr. Suarez, is that our relationship is not a hindrance in our performance in school. In fact, if you can look at this," sabi ko sabay pakita nung grades ko nung nasa highschool pa ako. "There's a significant increase in my grades from the moment my communication with Mr. Gomez de Liaño ensued."

Kunut na kunot ang noo ni Kuya.

"Ano ba talaga ang point nito? Magpapakasal na ba kayo?" he asked.

Biglang namula ang buong mukha ko. My God! Syempre gusto ko pero ang bata pa kaya namin! Ang gusto ko lang naman ay maka-tapak sa loob ng apartment niya and si Cohen sa apartment ko!

"N-No," sagot ko. "All I'm asking... is if you'll consider lifting the ban."

Umangat ang kilay niya. "Bakit? Nagkikita naman kayo palagi. Dami niyo ngang pictures."

I stuck my tongue out. "Stalker!" sabi ko sa kanya. "Pero sige na, please? Nakaka-pagod na kaya magstay sa labas... Saka alam mo, Kuya, kung may balak man akong masama kay Cohen, 'di ko kailangan ng apartment, okay? Creative akong tao."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Ikaw na bata ka!"

"Kaya payagan mo na kasi kami!"

"Bakit nagpapaalam ka pa?"

"Syempre bukod sa takot 'yung boyfriend ko sa 'yo, ayoko naman na magalit ka sa 'kin," sabi ko kaya biglang lumambot iyong mukha niya. Ayan na. Papayag na 'yan. Madali lang naman utuin 'yan si Kuya... "Sige na, Kuya? Behave naman ako, ah..."

"Pag-iisipan ko," sabi niya.

"Maghihintay ako ngayon habang nag-iisip ka."

"Mamaya na."

"Please?" I begged. "Seriously kasi, Kuya... Si Cohen na talaga 'yung forever and ever and ever amen ko. Saka prejudice sa mga GDL aside, ano ba'ng ayaw mo sa kanya? Ang bait nung tao! Kulang na nga lang lagyan ng red carpet nilalakaran mo sa sobrang takot sa 'yo, e."

Umirap siya. "Dami mong alam."

"Syempre, prepared ako."

"Ganyan mo na kagusto?"

I nodded. "Di lang gusto. Mahal ko kaya 'yun."

"Okay but—" sabi niya pero napa-tigil siya nang may sumigaw ng malakas na DADDYYYYY! Sino kaya 'yun? Ugh! Namimiss ko na mga pamangkin kong pasaway! Gusto ko na magDecember ulit!

"Okay?!" I repeated his reply.

"Oo... pero umayos kayo," sabi niya habang seryosong naka-tingin.

I grinned. "Yes! Thank you, Kuya! The best ka talaga! Love you!" I shouted bago ako kumaway at sinarado iyong laptop ko. Sumayaw muna ako sa loob ng apartment ko kahit walang tugtog. Sobrang talun ako nang talon sa sobrang saya. Sobrang accomplishment! After nine freaking months!

Mabilis akong nagbihis tapos didiresto na dapat ako sa apartment pero naalala ko na napromise si Cohen sa akin na ipagluluto niya ako once na pwede na akong tumambay sa apartment niya. Kaya dumaan muna ako sa grocery para bumili ng ingredients para sa lasagna kasi kaya niya na gumawa nun. Proud talaga ako sa softboy na 'yun! Parang dati takot lang siya sa mantika, e.

I got the ingredients tapos dumiretso na ako sa apartment niya. I really wanted to surprise him kaya naghintay ako ng tenant na papasok tapos bago magsara, tumakbo ako papasok and then dumiretso ako papunta sa floor ng unit ni Cohen. Kakatok na sana ako ng makarinig ako ng mga boses.

"Hey," he said when he answered my call.

"San ka?"

"Apartment," he replied. "My family visited."

Nanlaki ang mga mata ko. Nandito ba ulit si Tita Anna?! Ewan ko pero medyo kinakabahan talaga ako kapag nakikita ko siya. Mabait naman talaga siya, medyo intimidating lang.

"Where are you? They're asking for you."

"Uh..." sagot ko habang naka-tingin sa dala kong paper bag.

"We're getting lunch outside. Where are you? I'll pick you up," sabi niya tapos naka-rinig ako ng malakas na tawanan. Pretty sure I heard Kuya Psalm's voice saying whipped.

"Uhm... Nandito ako sa labas ng unit mo."

"Huh? Aren't you banned?"

"Kinausap ko si Kuya... Pwede na raw..." sabi ko tapos narinig ko naman iyong boses ni Kuya Saint. Oh, my God! Nandito talaga silang lahat! Last time kasi si Tita Anna lang, e.

Itatanong ko pa sana kay Cohen kung saan kakain kasi susunod na lang ako. 'Di ako prepared kumain sa labas kasi akala ko tatambay lang ako sa kanya kaya naka-shorts at maluwag na white shirt lang ako sa ilalim ng jacket ko. Kaso bumukas iyong pinto.

"Uy—"

But he quickly closed the door behind him and kissed me on the lips. And then he smiled and said, "Hi."

I bit my lower lips. Right. "Hi."

"What did you say to Kuya?" he asked, getting the paper bag from my arm. I merely shrugged. "Is he angry?" Umiling ako. "You sure?" Tumango ako. "Why... do I feel scared?"

Natawa ako. "I promise hindi siya galit. Saka... akala ko mag-isa ka lang kaya bumili ako ng ingredients for lasagna para sana ipagluto mo ako."

He used his free hand and held my chin and kissed me again. "Tonight? Or there's a time frame?"

"Grabe! 'Di ko na natanong 'yun! Basta pwede na raw ako tumambay dito and pwede ka na rin daw sa apartment ko."

"Oh..." sagot niya.

I arched my brow. "Basta uuwi ako!"

He laughed. "Of course."

Niyakap niya muna ako nang matagal bago biglang bumukas iyong pinto at nagulat na lang ako may naka-tapat na camera sa harap namin. Siraulo talaga mga kapatid ni Cohen. Seriously, siya pinaka-normal sa kanila. Si Kuya Psalm kasi sobrang pasaway! Si Kuya Saint naman, minsan pasaway minsan suplado. Si Kuya Austin naman, sobrang tahimik na tipong feeling mo ang boring mo kausap kasi 'di siya nagsasalita. Si Ate Maggie naman... well, 'di ko pa siya nakikita in person pero medyo natatakot ako kasi second mother daw ni Cohen 'yun, e.

"There they are!" Kuya Psalm shouted. "Hey, future sis!"

I awkwardly smiled. "Hi, Kuya."

"Come in," sabi niya na akala mo siya may-ari nung apartment.

Akala ko pagpasok ko makikita ko mga gamit nila pero wala akong nakita... Baka naka-check-in sa hotel. Ano kaya trip ng mga 'to? Literal na ang dami nilang pera dahil papunta-punta lang sila dito.

I felt so awkward dahil ang tatangkad nila. Para talaga akong dwarf kapag kasama ko 'yung magkakapatid na 'to.

Later on, medyo natahimik sila dahil nanonood sila ng NBA. Nagtatalo lang silang tatlo doon. 'Di ko maintindihan dahil 'di naman ako masyadong mahilig sa basketball—sa basketball player lang.

Naka-tayo kami sa may kitchen habang nilalabas ni Cohen iyong laman ng paper bag.

"Hanggang kailan sila dito?" I asked.

"Don't know... But they said they'd go to DC for something."

"Sa hotel sila?"

"Yes," he said. "We'll have lunch outside and they said they wanted to go to Grouse. You want?"

"May gagawin ako mamaya, e..." sabi ko. Kapag sumama ako, mapapagod ako kagaya nung last time. Baka tulog agad ako pag-uwi ko.

"Oh," he said. "It's okay. They can manage."

"Di ka sasama?"

Umiling siya. "They just went here because they saw our photos and they wanted to ski."

Umawang ang labi ko. Talagang nagpunta sila dito para lang 'dun?! Lakas ng trip talaga ng mga tao na 'to, nakaka-loka!

"Hey, sis," rinig kong sabi ni Kuya Psalm tapos inakbayan ako. Nakita ko iyong pagkunot ng noo ni Cohen. "We'll go to Grouse. Wanna join para fun?"

I shook my head. "Sorry, Kuya. May gagawin na kasi ako mamaya."

"Yeah, I won't come, too," Cohen added.

"Grabe naman! We came here for you and you'll ditch us?" tanong ni Kuya na parang nagtatampo. Ang cute niya talaga! Bakit nga wala pang lovelife 'to? Siya na lang walang lovelife sa kanila.

Instead of answering, Cohen just shrugged and proceeded to putting the groceries inside the ref and cupboard. Kinulit lang siya nang kinulit ni Kuya para sumama sa kanila na magski pero ayaw talaga ni Cohen.

"Sari, tell him."

"Ano po?"

"Tell him to come with us. I know he'll listen to you."

Napa-tingin ako kay Cohen na umiiling. Parang tanga naman 'tong dalawa na 'to! Umalis na ako doon tapos pupunta sana ako sa sala pero nakita ko na nandun si Kuya Saint at Kuya Austin at seryoso pa rin na nanonood ng basketball kaya nahiya ako na tumabi sa kanila kasi 'di naman ako close masyado.

Saan ako pupunta?

"Cohen, pahiram laptop," I said. Gagawa na lang akong report. Nakaka-hiya naman kasi kung aalis ako bigla e nandito sila.

Cohen nodded and went to his room to get the laptop. Naiiling na natatawa si Kuya Psalm.

"You really got him wrapped around your fingers, huh?" he asked, his arms crossed.

"Hindi naman... Mabait lang talaga 'yun."

"Well, you're right... But he's different now."

I smiled. "Marunong na magluto at saka maglaundry, Kuya!" I proudly said because that really was such an achievement for Cohen! Sobrang proud talaga ako na lumabas siya sa comfort zone niya. Ang layo niya na sa nung unang nakilala ko siya at nasuka siya nung kumain ng isaw. Mas matapang na yata sikmura niya ngayon. Susunod aayain ko na kumain ng palaka 'yun.

Kuya Psalm grinned. "Nice. But seriously, you really can't come? Sana para we can all bond."

"Ang layo kasi, Kuya..." I reasoned. "May gagawin pa talaga ako mamaya."

He just nodded. Binigay na sa akin ni Cohen iyong laptop niya. Nandun ako sa nook nagta-type habang nanonood silang magkakapatid ng basketball. A little while later, tumayo si Cohen para magmicrowave ng popcorn. I felt him kiss the top of my head. Buti naka-talikod sa amin iyong mga kapatid niya!

"Where do you wanna go for lunch?"

"Sama pa rin ba ko?"

"Yes. They decided not to go."

"Ha? Bakit?"

"They'll just go tomorrow instead. They wanted to play basketball, tho."

Nagshine iyong mga mata ko. Never ko pa napanood live si Cohen magbasketball! Though nung mga panahon na iniistalk ko siya, napanood ko na iyong mga highlights niya sa Youtube and ang galing nga nila! Though kahit mahal ko si Cohen, 'di ko madedeny na si Kuya Saint talaga ang basketball god sa kanilang apat.

"Sama ko!" I said.

He laughed. "Why? You wanna play, too?"

"Di ako marunong. Ichi-cheer na lang kita," I said, beaming.

"Really?" he asked na parang 'di maka-paniwala.

I nodded. "Oo... Gusto mo gawa akong pompoms?"

He laughed. "No need," he replied, touching my cheek with his thumb. "You'll really cheer for me?"

"Oo... Bakit?"

"Nothing... I just remembered back in college, I always saw Ate Mary cheering for my brother. I thought that that was nice."

I wrapped my arms around his waist, hoping na nanonood pa rin ng basketball iyong mga kapatid niya. "Aww, soft boy. I promise, ichi-cheer kita hanggang mamaga lalamunan ko."

* * *

Pumunta kami sa diner. Napansin ko lang na sobrang healthy kumain ni Kuya Saint—may pa-salad. Si Kuya Psalm naman, sobrang greasy nung pagkain. Si Cohen at Kuya Austin lang ang medyo well-balanced diet. Kambal talaga 'tong dalawa na 'to.

Habang kumakain, tahimik lang akong nagmamasid sa kanila. Englishero nga talaga... 'Yun talaga sila mag-usap. Lahat sila American accent. Lahat mukhang manikin—though si Kuya Psalm talaga grabe ang ganda ng balat! Sana all.

Nang matapos kumain, naglakad-lakad muna kami tapos tumambay sa park. Mayamaya, pumunta kami sa private court na pwedeng rentahan. Naupo ako sa gilid. Nagreready na ako para i-cheer si Cohen. Medyo nakaka-hiya kaya pero sige na! Sa dami ba naman ng ginawa niya for me, ano ba naman 'tong mapahiya ako ng konti?

"You know how to play?" Kuya Saint asked habang umiinom ng tubig.

Umiling ako. "Hindi po. Nood lang ako sa inyo."

"Come on, let's play. Cohen will teach you," he said, smiling.

Umiling ako gamit ang ulo pati mga kamay ko. "Hala, 'wag na po. Okay na ko dito," pangungumbinsi ko kasi okay na talaga ko dito!

"Okay," he said, smiling before jogging back to the court.

Nagsimula na silang maglaro ng two against two—si Kuya Saint at Cohen tapos si Kuya Austin at Kuya Psalm. Ang saya nila tignan kasi nag-e-enjoy lang sila tapos minsan lumalabas iyong middle finger lalo na mula kay Kuya Austin.

"Go, Cohen!" sigaw ko nang makuha niya iyong bola. Nandun siya sa three-points line tapos nung sumigaw ako, kahit 'di siya tumingin sa akin, nakita ko na napa-ngiti siya. "Nice one!" sigaw ko nang pumasok iyong bola sa basket, as in swak na swak.

Ang gwapo, punyeta?!

Sobrang na-hype ako after nun kaya nagcheer na talaga ako. Tinutukso si Cohen ng mga kapatid niya pero wala akong pakielam. My God! Paano kaya kung maaga akong lumandi?! Imagine kung nagcheer ako kay Cohen nung college basketball nila?! Malamang napaaway ako sa lahat ng magchi-cheer sa kanya!

"Gusto mong Gatorade? Bibili ako?" I asked nung nagbreak sila sandali. Inabot ko iyong towel sa kanya habang umiinom siya ng tubig. Tapos dahil malandi ako, kinuha ko 'yung towel tapos ako na nagpunas sa kanya. "Ang galing mong maglaro!"

"Really?"

I nodded with much enthusiasm tapos kinwento ko kung paanong ang galing niya nung nagthree points siya tapos nung naagaw niya iyong bola kay Kuya Austin tapos nung nasupalpal niya si Kuya Psalm nung nagtry magdunk. Ang galing!

Naka-ngiti lang si Cohen sa akin habang nagkukwento ako.

"I love you," I told him.

"I love you," he replied.

Naka-rinig kami ng vomiting sounds courtesy of Kuya Psalm. Bitter talaga!

Nagsimula na ulit iyong game. Todo cheer pa rin ako. Natapos sila at nanalo si Kuya Saint at Cohen... obviously. Nagpaalam na muna iyong tatlo na diretso na muna sila sa hotel nila at bukas na pala sila pupunta sa Grouse para kasama si Cohen kasi ayaw talaga sumama ni Cohen ngayon sa kanila.

"Do you still want to make lasagna?" he asked habang nagpupunas ng pawis sa mukha.

I smiled at him. "May jersey ka bang dala dito? Penge ako."

"Why?"

"Pantulog ko."

"Okay?" he asked. "My jerseys are in the Philippines."

I frowned. "Yun na lang uwi mo sa 'kin."

"Seriously?"

I nodded. "Yup! Gusto ko ng jersey mo. Tapos if may varsity jacket ka nung college, penge din ako?"

He laughed. "Why are you suddenly into basketball now?"

"Ayaw mo nun? May common interest na tayo!" sabi ko sa kanya habang nag-iisip pa ng kung ano ang pwede kong arborin sa kanya. So far, meron na akong dalawang t-shirt ni Cohen na hinding-hindi ko na ibabalik sa kanya. Weird naman kung manghihingi ako ng sapatos niya nung college kasi ano naman gagawin ko dun?

"You want me to teach you how to play?" he asked.

"Pwede?"

He held my hand and pulled me up with him. Pumunta kami sa gitna nung court. Pina-hawak niya sa akin iyong bola tapos tinuruan akong magdribble. Ang laki naman ng kamay ng tao na 'to kasi kaya niyang hawakan iyong bola ng isang kamay lang! Samantalang ako, stretched na stretched na mga daliri ko!

"Steady," he said while I was dribbling. "Now, try walking," he continued. Naglakad ako habang nagdi-drible. "Now, try running," sinabi niya. Tumakbo ako pero naiwan iyong bola. Nanlaki iyong mga mata ko tapos si Cohen tawa nang tawa.

"You left the ball!" tukso niya.

"Sama ng ugali!" sigaw ko. "Ang hirap kaya!"

Cohen, in fairness, really did try to teach me to dribble and run, pero hindi ko talaga kaya! Paano ba magdribble at tumakbo ng sabay?! 'Di ko kaya gawin sabay both!

And this was the early end of my basketball dream...

"I'll just teach you how to shoot," he said instead. Hinawakan niya iyong kamay ko habang naglalakad kami papunta sa free throw line. He held the ball and shoot it with ease. "Hold the ball," he said, placing the ball in my hands. "Use your wrist," sabi niya. Pumwesto siya sa likod ko habang inaayos iyong kamay ko. Inalalayan niya ako hanggang sa maibato ko iyong bola.

"Oh, my god!" I shouted dahil pumasok sa basket. "Nakita mo 'yun?!" proud na proud na sabi ko kahit tinulungan naman talaga ako ni Cohen. He was smiling at me. I was jumping with joy and pride. Yes! One point!

Hinayaan ako ni Cohen na magshoot nang magshoot. Siya iyong pumupulot ng bola tapos inaabot niya sa akin. It was already almost dark when I got tired from playing. Sabay kaming naglakad pauwi habang magka-hawak ang kamay. 

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
83.7K 5.4K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
1.2M 9.8K 1
(Game Series # 3) Avery Brienne Eliseo never wanted the 'normal' life. Ever since she was born, she already knew that the life she'd lead would be fa...
2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...