Unmei No Akai

By Marieseda

15.1K 1.8K 245

When Touma arrived in the Philippines, he never expected to find himself staying in an old Ancestral House. P... More

INTRODUCTION
PROLOGUE
C H A P T E R 1
C H A P T E R 2
C H A P T E R 3
C H A P T E R 4
C H A P T E R 5
C H A P T E R 6
C H A P T E R 7
C H A P T E R 8
C H A P T E R 9
C H A P T E R 10
C H A P T E R 11
C H A P T E R 12
C H A P T E R 13
C H A P T E R 14
C H A P T E R 15
C H A P T E R 17
C H A P T E R 18
C H A P T E R 19
C H A P T E R 20
C H A P T E R 21
C H A P T E R 22
C H A P T E R 23
C H A P T E R 24
C H A P T E R 25
C H A P T E R 26
C H A P T E R 27
C H A P T E R 28
C H A P T E R 29
C H A P T E R 30
L A S T C H A P T E R
E P I L O G U E
ANCESTRAL HOUSE BEDROOMS

C H A P T E R 16

211 49 6
By Marieseda


“OHAYŌ!” bati ng lalaking kalalabas pa lang ng banyo. Nakasuot ito ng puting damit at itim na jogging pants. Mukhang bagong ligo dahil basa pa ang buhok na kasalukuyang pinupunasan ng tuwalya.

“Ohayō,” ganti ni Yuri.

“You're Yuri, right?” tanong nito kaya tumango siya sabay ngiti.

“I'm Ryohei, Yumi's friend.” Pakilala nito bago binuksan ang ref at nagsimula nang maghanda ng pagkain. Mataman niya itong pinagmasdan, matangkad, maputi at guwapo ang lalaki. Fit din ang pangangatawan nito gaya ni Touma.

“Do you want me to accompany you to your work?” tanong nito.

“No. It's okay, Ryohei.” Tanggi niya at nagtungo na sa living room dala ang pagkain.

“I need to take care of you here in Tokyo,” pangungulit nito kaya hindi niya na napigilang ngumiti.

Ilang saglit pa ay sumunod si Ryohei sa living room dala ang breakfast nito at naupo rin sa sofa.

“Itadakimasu!” sambit nito at nagsimula ng kumain. Saglit silang natahimik dalawa habang nanunuod ng anime sa TV.

“I heard you're from Philippines, do you have a boyfriend there?” biglang tanong ni Ryohei.

“Yes, but he's here in Japan.” Nahihiya niyang sagot.

Matapos kumain ay pinilit siya nitong samahan sa company kung saan siya magre-report. Sa totoo lang, masayang kasama si Ryohei at mabilis niya itong nakapalagayan ng loob dahil na rin siguro sa pangungulit nito. Matapos magreport ay naglakad-lakad sila at namasyal na rin sa Tokyo.


BUMABA si Touma sa kusina at nagtimpla ng kape, naabutan niya sa sala si Aoi na nakaupo sa sofa at nag-iinat. Mukhang kagagaling lang sa trabaho at pagod na pagod kaya naupo siya sa tabi nito.

“Kyou wa ikaga desu ka?” (How's your day) tanong niya kay Aoi.

“I'm really tired, there's a lot of work in the office. So exhausting,” reklamo nito.

“Give yourself time to relax,” sagot niya sabay higop ng kape. Kahit bukas ang heater sa loob ng shared house ay malamig pa rin.

Naramdaman niyang sumiksik sa kanya si Aoi, at parang ginaw na ginaw. Hindi naman nakatiis si Touma kaya ibinaba niya ang tasa sa center table at hinawakan ang mga kamay nito. Pinagsalikop niya iyon at inihipan para maibsan ang ginaw nito.

Habang na sa ganoon silang ayos ay nagbukas ang pinto at masayang pumasok si Ryohei, may kasunod ito pero hindi niya makita dahil sa katangkaran ng lalaki.

“Next time we will go there,”

“Arigato gozaimasu Ryohei, I enjoyed being with you!” sobrang pamilyar ng boses na iyon sa kanya kaya napatigil siya sa ginagawa kay Aoi.

“No problem, Oh konbanwa, Aoi, Touma!” (Good evening) natigilan siya sa unang pangalang binanggit ng lalaki kaya napatingin ulit siya sa mga ito.

“Where have you been? Long time no see Ryohei!” pabirong sabi ni Aoi. Natigilan siya nang makilala kung sino ang nakatayo sa likuran ni Ryohei, nakatingin din ito sa kanya at parang gulat na gulat.

Napalitan agad ng galit ang reaksyon sa mukha nito kaya nabitawan niya ang kamay ni Aoi at napatayo.

“Y-Yuri..?” sambit niya at nilapitan ito.

“Sumimasen, I want to rest. Arigatou Ryohei,” paalam ni Yuri at umiwas sa kanya.

“Do you guys know each other?” sabay pang tanong ni Aoi at Ryohe sa kanila pero dumeretso na si Yuri sa itaas.

MAUNA ka nang maglunch break, tatapusin ko lang itong ginagawa ko.” Taboy sa kanya ni Junie habang nililinis ang make-up kit nito. Pinoy na OFW rito sa Japan bilang make up artist sa Entertainment company kung saan din siya nagta-trabaho bilang wardrobe assistant.

Tumango si Yuri at lumabas na sa studio, naglakad siya palabas ng building at nagtungo sa stall ng Takoyaki sa labas. Nang makuha niya ang order ay naupo siya sa bakanteng bench at nagsimula nang kumain mag-isa habang malayo ang takbo ng isip.

“Tonari, suwatte mo Ii?” (Can I sit next to you?) nang mag-angat si Yuri ng tingin ay si Touma ang bumungad, nakatayo ito sa harap niya. May dalang kape at binibigay sa kanya ang isa pero hindi niya iyon tinanggap at nag-iwas na rin ng tingin sa lalaki.

“How are you? It's been a while since we last met, I can't believe we'll be living together in a shared house.” Naupo ito sa tabi niya at inilapag ang kape sa pagitan nilang dalawa. “How long have you been here in Japan?” seryoso naman siyang tumingin kay Touma bago tumayo.

“Maybe it's better if we stop talking and let's pretend we don't know each other,” tumayo rin si Touma at hinawakan siya sa braso.

“I know you're mad. But, can I atleast explain what happened?” pakiusap nito pero sarkastiko niya itong tiningnan sabay bawi sa braso niya.

“Maraming oras at paraan para magpaliwanag, pero wala ka man lang ginawa. And you think I still need an explanation from you? I've answered my own questions, Touma.” Sa wakas ay sumbat niya, dahil matagal na panahon niya rin itong kinimkim.

“There are many reasons why I did that, but I assure you. I haven't cheated on you like Ethan did.” Paliwanag nito pero umiling siya.

“C'mon Touma, I'm not stupid.”

“Aoi is my bestfriend,” giit ni Touma.

“Do you think I care kung ano pa mang friendship ang mayroon kayo?” pang-iinsulto niya bago tumalikod kay Touma at naglakad palayo pero natigilan din nang unti-unting pumapatak ang mga butil ng malalamig na hugis crystal galing sa langit.

Biglang nawala ang inis niya habang pinagmamasdan ang snow, itinaas niya rin ang palad at hinayaang maramdaman ang lamig sa kamay. Hindi niya alam kung bakit napalingon siya sa likuran, nakita niya si Touma na namamangha rin sa pagpatak ng maliliit na butil ng snow. Napatingin ito sa gawi niya at ngumiti sa kanya pero inismiran niya lang ito at naglakad na pabalik sa building.

Sa totoo lang, gusto niya itong komprontahin pero hindi rito ang tamang lugar para gawin iyon, masakit sa kanya na basta na lang nitong itinapon ang lahat ng mga pinagsamahan nila sa Pilipinas. Mahabang panahon din ang isang taon para magpaliwanag pero hindi nagawa ni Touma at hinayaan nitong mamuo ang matinding galit sa puso niya.


TADAIMA~” ani ni Yuri nang pumasok sa shared house, kasalukoyang nakaupo si Touma sa living room nang dumating ito.

Dumeretso si Yuri sa kusina kung nasaan si Ryohei na naghahanda ng dinner nito.

“By the way Yuri, do you eat sushi?” napalingon si Touma sa kusina.

“Here I bought sushi for you,” sabi ni Ryohei at binigay kay Yuri ang bento na may lamang sushi.

“Arigato, Ryohei. This is my favorite..” malambing at masayang sabi ni Yuri na kumuha na ng chopstick at nagsimula nang kumain.

Namalayan na lang niya si Aoi nang maupo ito sa tabi niya. Kinuha ni Touma ang remote at nilaksan ang volume dahil naiirita siya sa usapan ng dalawa sa kusina.

“I wonder if they really friends or couple? They are both cute!” natutuwang sambit ni Aoi, napatingin ulit siya sa dalawa na sobrang close sa isa't isa.

“How's your work?” tanong ni Aoi sabay sandal sa kanya.

“I'm just a bit tired because of the photoshoot,” walang gana niyang sagot.

“Tadaima~” napalingon silang lahat kay Takeru, bahagya rin itong nagulat nang mapatingin kay Yuri.

“Oh? Chotto-- I think I know you, Megumi? In Miyagi, right?”

“Yuri?”

“Takeru?”

Sabay pa ang dalawa, at nagtawanan.

“Chotto, you know each other too?” hindi makapaniwalang tanong ni Aoi.

“Yes, I met her in Miyagi. She’s the one I told Touma with the same name as his girlfriend in the Philippines!”

“What? Really? Did you have a girlfriend in the Philippines?” tanong ni Aoi sa kanya.

“We'll talk about it later, I'm just going to change clothes!” paalam ni Takeru at inilapag ang plastic na may mga bote ng alak sa center table bago dumeretso sa kuwarto nito.

“Let's drink beer!” masayang inilabas ni Aoi ang mga alak sa plastic at nagtungo sa kusina para maghanda ng pulutan. Pagbalik ni Takeru ay niyaya nito sina Yuri, agad naman lumapit ang dalawa at naupo na rin.

“Takeru mentioned earlier that you had a girlfriend in the Philippines. Is that true?” tanong ni Aoi habang nahihirapang buksan ang bote ng alak. Kinuha niya naman iyon at binuksan bago seryosong tumingin kay Yuri.

“We broke up,” sagot niya.

“What do you mean?” mukhang interesadong tanong ni Aoi.

“I didn't tell her about my problems. I know, she wouldn't believe me either.”

“Is that why you just let her get mad?” seryosong sabat ni Yuri.

“Wait, what?” nagugulohang tanong ni Aoi.

“Will she understand me if I say I can't go back because I had a big responsibility and problems here in Japan?” ganti niya kay Yuri.

“Sana sinabi mo noong una pa lang, hindi yung hinayaan mo akong sagutin ang sarili kong mga tanong. Kahit ilang taon pa iyan, basta alam ko ang dahilan kung bakit, Touma. Tatanggapin ko, iintindihin ko at maghihintay ako!” paliwanag ni Yuri habang nangingilid ang luha.

“What did she say?” tanong ni Aoi na hindi naintindihan ang pinag-uusapan nila ni Yuri, habang sina Ryohei at Takeru ay nakikinig lang sa kanila.


MATAPOS ang inuman ay nauna nang pumasok sa kanya-kanyang kuwarto sina Aoi, Takeru at Ryohei, habang si Yuri naman ang naglilinis ng mga kalat.

“Let’s talk, Yuri.” Seryosong sabi ni Touma.

“We have nothing to talk about, ‘di ba sabi mo kanina break na tayo? Tapos na rin akong magligpit ng kalat, mauna na ako.” Paalam niya at tumalikod na pero naramdaman niya ang pagyakap ni Touma mula sa likuran niya.

“I’m sorry, I really wanted to explain.”

“Na matagal mo na dapat ginawa,” sabat niya.

“I know you will never forgive me for what I did,” sabi ni Touma.

“Kaya ba mas pinili mong huwag na lang akong kausapin? You dump me, sana ramdam mo kung gaano kasakit maiwan nang walang pasabi.” Masama ang loob niyang sabi.

“I’m sorry, Yuri. If I'm useless.”

“Kung hindi ba tayo nagkita dito, hindi ka gagawa ng paraan para mag-usap tayo? Isang taon, Touma. Bakit? Bakit hindi ka man lang nagpaliwanag?”

“No, may mga plano na ako, Yuri. Believe me, gustong-gusto kong mag-explain pero hindi pa sa gusto mong panahon.”

Tinanggal ni Yuri ang braso ni Touma at saka ito hinarap, nagtama ang mga mata nilang dalawa at in-obserbahan ang mukha ng lalaki.


“I can't even deny to myself that I miss you so much dahil ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit naririto ako ngayon. I've waited for this to happened, Touma. That someday our paths will cross here in Japan.” Bigla namang umaliwalas ang mukha ni Touma sa sinabi niya.

“I want to give myself a chance to trust you again pero may takot akong nararamdaman.” Dugtong niya pero umiling ito.

“No, you don't have to be afraid, I will never leave your side. Mahal kita, Yuri.” Pero sapat na ba ang salitang ‘Mahal kita’ upang magtiwala ulit kay Touma?


Continue Reading

You'll Also Like

5.5K 2.2K 28
Nabalot ng dilim ang paningin ni Denver matapos ang malakas na pagbangga ng truck. Isang banggaan na naganap habang nagmamadali siyang makarating kay...
699 107 24
Takot ka bang ma-ghosting, lalo na ng taong pinangakuan ka ng kasiguraduhan? Kinaiinisan ni Aki ang mga taong nanggo-ghosting sa kanya. Akala niya, w...
63.4K 2.4K 62
Patuloy sina Kaira at ang Ghost Club sa paghahanap at paglutas ng mga kababalaghan na nagaganap sa Haunted University. Isang panibagong hamon nanaman...
1.7K 47 18
"AHHH! Sabi ko saiyo tag-isa tayo ng banyo." Biglang Takip ni Fredrick sa kanyang mga mata. "Sira yung toilet ko." Nahihiyang sabi ni Lucille. "Sa su...
Wattpad App - Unlock exclusive features