Love at its Toughest (Love Se...

By FGirlWriter

4.9M 77K 5K

With the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging mata... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue: How tough is love?
Chapter 1: A Tough Beginning
Chapter 2: A Tough Formula
Chapter 3: A Tough Welcome
Chapter 4: A Tough Enactment
Chapter 5: A Tough Doubt
Chapter 6: A Tough Deceit
Chapter 7: A Tough Cling
Chapter 8: A Tough Consequence
Chapter 9: A Tough Closure
Chapter 10: A Tough Timing
Chapter 11: A Tough Past
Chapter 12: A Tough Response
Chapter 13: A Tough Truth
Chapter 14: A Tough Marriage
Chapter 15: A Tough Coincidence
Chapter 16: A Tough Test
Chapter 17: A Tough Principle
Chapter 18: A Tough Role
Chapter 19: A Tough Challenge
Chapter 20: A Tough Condition
Chapter 21: A Tough Confusion
Chapter 22: A Tough Trust
Chapter 24: A Tough Faith
Chapter 25: The Toughest One
Epilogue: Love at its Toughest

Chapter 23: A Tough Acceptance

145K 2.7K 237
By FGirlWriter

Chapter 23: A Tough Acceptance

Every weakness you have is an opportunity for God to show His strength in your life.

"My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness" - 2 Corinthians 12:9

❤❤❤

"BRING the bodyguards with you," striktong bilin ng Kuya Eugene niya nang magpaalam si Eunice rito na gusto niya sanang pumunta ng Nueva Ecija.

Napangiti siya. "Okay," pagpayag niya. Wala naman kasi talaga siyang planong umalis nang walang bodyguards. "Buti pinayagan mo 'ko agad."

Nagkibit-balikat ito. "Ligtas naman sa'yo ang bumiyahe. At mukhang kailangan mo ng sariwang hangin ng probinsya. Hindi na kita pipigilan kung gusto mong sandaling umalis. Hindi naman kita puwedeng ikulong dito sa bahay."

Pangalawang araw na magsimula nang lumipat siya sa bahay ng kapatid at talagang bantay sarado ang buong bahay at village. Sabi naman ni Matthew ay walang problema ang paglabas-labas niya basta laging may proteksyon para lang masigurado ang kaligtasan niya.

Niyakap niya ang kapatid. "Mas bumait ka, Kuya, magmula nang bumalik ang nanay ni Heart. Are you inlove with her?"

"Yes," diretsong sagot naman nito. Wala pang paligoy-ligoy.

She chuckled. Ito ang gusto niya sa Kuya Eugene niya, hindi ito marunong magpa-suspense. He's really straightforward. "Aww... Marry her, then," tukso niya pa rito.

Ngunit pa-misteryosong ngumiti lang ang kapatid niya at saka siya tinaboy nito. Mamayang hapon siya aalis papuntang Nueva Ecija para bisitahin sina Alfred at Renz. Bigla niya lang naisip na gawin iyon at hindi siya matahimik kung hindi niya gagawin.

Humawak siya sa puson. "Baby, we're going to the province for a while. Overnight lang tayo para makahinga tayo sa fresh air," pagkausap niya pa sa baby niya na six weeks na bukas.

Pumunta na siya sa kuwarto niya at saka nag-ayos ng gamit. Pagkatapos ay tinignan niya ang cellphone niya. Hanggang sa ngayon ay hindi pa siya tinatawagan ng asawa.

Napabuntong-hininga siya. Terrence is still thinking. And most probably, unti-unti niya nang nakukuha kung bakit ito pansamantalang lumayo at nag-isip isip.

Maybe, Terrence can deny it no more.

Sandali niyang pinikit ang mga mata at saka maikling nagdasal. After a while, she's ready to go. Kung wala pa ang asawa niya para sunduin siya, might as well, na sandaling lumayo rin muna siya.

Apat na bodyguards ang kasama niyang bumiyahe sa isang van na dinala niya. Mahaba ang biyahe papunta sa Nueva Ecija. Ngunit imbes na mahilo o masyadong mapagod, nag-enjoy pa si Eunice sa pagtingin ng mga nadaanan sa labas ng bintana.

Para rin hindi mainip ay kinakausap niya ang mga bodyguards na kasama. Nag-stop over sila sandali sa isang restaurant at magkakasabay silang kumain. Naisip ni Eunice, kailan na ba noong huling makisalo siya sa mga taong bagong kakilala?

These past few months, umikot lang ang buhay niya sa bahay nila ni Terrence. Hindi siya masyado mahilig lumabas kung hindi lang rin siya magsa-shopping.

Nasa kalagitnaan na ulit siya ng biyahe nang tumunog ang phone niya. Geoff's calling.

"Hey," bati niya rito.

"Hey, cherie, umalis ka pala sa bahay ng kapatid mo ngayon?"

Nakuwento niya na rito ang latest happenings. Si Geoff pa ba ang mahuhuli sa balita tungkol sa kanya? "Yes! I'm on a road trip!" she excitedly said. "Pupunta lang ako ng Nueva Ecija."

"Okay. Just be safe. Kayo ng baby mo. I'm going home to Isabela. I'm just gonna fix some trouble."

Na-i-imagine ni Eunice na nakangiwi ito sa kabilang linya. "What trouble?"

"Ahm... some 'girl trouble'."

"What do you mean?"

"Now, I know what Terrence felt before," he murmured.

"Huh?"

Tumikhim ito. "Mapipikot ata ako, Eunice."

Sandaling natigilan si Eunice at pagkatapos ay natawa ng malakas. "Seriously, Geoff?" natatawa pa ring sabi niya.

"Laugh all you want. But it's not funny," he grumpily said. "Naiinis ako. May kung sinong babaeng biglang sumulpot sa bahay ng grandparents ko at sinabing nabuntis ko daw siya. What the hell, right? My folks were mad at me and they want me to go home and marry the girl!"

Napangiwi siya. Galit na galit na nga ito. "Calm down, Geoff. Ahm... kung hindi ka naman talaga guilty, hindi ka mapipikot."

Natahimik ito sa kabilang linya.

Napasinghap siya. "You slept with the girl, didn't you?"

Napabuga ito ng malakas na hangin. "I'll call you again once I fixed this. Bye, cherie. Take care of yourself."

Bago pa siya makapagpaalam ay binaba na nito agad ang telepono. Napailing-iling na lang siya. Masyado siyang nagulat sa nalaman. Pero it sounded so funny. Si Geoff, mapipikot?

Hindi nga naman maganda iyon pero parang masaya pa siya para sa matalik na kaibigan. Hindi kaya ang babaeng "pumipikot" dito ay ang babae na para na kay Geoff?

Sana nga.

Madilim na ang kalangitan ng makarating sila sa address na ibinigay niya. Nasa pinakaliblib na barrio ng Nueva Ecija pala talaga ang bahay na tinutuluyan ni Alfred at mga kamag-anak ni Rachelle.

Nang tumigil sila sa tapat ng isang bahay na gawa sa semento pero parang pang-kubo ang bubong at may malawak na bakuran sa labas.

Inalalayan siya pababa ng mga kasama saktong lumabas si Alfred mula sa loob ng bahay.

"Eunice?" gulat na wika nito nang makilala siya.

"Hi, Alfred! Surprise!"

Lumawak ang ngiti nito at niyakap siya ng mahigpit. "Bumiyahe ka? Hindi ba masama sa'yo iyon? Buntis ka pa naman."

"Hindi naman. Saka smooth naman ang biyahe. I didn't even throw up or such." Ginantihan niya ang yakap nito at lumayo siya ng bahagya para tignan ito. Alfred was wearing a black sando and cargo shorts. Napaka-simple ngunit mas lumakas ang dating nito kaysa noong huling kita pa nila. Muscles were on the right places. "Bakit ganoon? Sa tuwing nagkikita tayo, lalo kang gumaguwapo?"

Natawa ito at napailing-iling. "Si Terrence, kasama mo ba?"

Umiling lang siya. "Bigla ko lang naisipan na pumunta rito. Alam mo naman, buntis ako, so I have to satisfy my cravings. I crave for a road trip and fresh air."

Tumangu-tango ito. "Kung ganoong nga, halika, tuloy tayo sa loob. Matutuwa s Renz kapag nakita ka. Buti at naabutan mo pa siyang gising. Nandyan din pala ang Mama at Papa ni Rachelle."

Pinatuloy siya nito sa loob ng bahay. Napaka-simple at napakalinis ng loob ng bahay. Sinalubong agad siya ng mga kinalakihang magulang ni Rachelle-"kinalakihan" dahil ulila talaga si Rachelle at matagal nang patay ang totoong mga magulang. Ang "Mama" at "Papa" na tinutukoy ni Alfred ay ang mag-asawang kinalakihan ni Rachelle na kamag-anak rin ng dalaga.

Nakipagbatian at nakipagkamustahan siya sa mga ito. Nang makita naman niya si Renz ay agad niyang niyakap ang bata. Masyado niyang na-miss ang bata. Mas malaki na ito ng kaunti ngayon at mas tumaba na rin.

Maganda daw ang naging resulta ng pananatili ng bata sa probinsya. Mas umayos ang response ng katawan nito sa gamot. Kung noon, kaunti na lang at kailangan na itong sumailalim sa surgery, ngayon naman ay malayong i-consider iyon dahil paliit na nang paliit ang butas nito sa puso at lahat ay nagdadasal na tuluyan nang sumara iyon.

Niyakap niya nang mahigpit at pinupog ng halik ang pisngi ng bata. Dahil kay baby Renz, una niyang natutunan na walang ibang rason sa pagbibigay ng pagmamahal kundi pagmamahal lang rin. Sincere love has no other reasons. You love because you love. With that, it also paved way for her to easily accept Cyla in her life.

Pagkatapos ng ilang kuwentuhan at hapunan, maagang nagpaalam na ang mga biyenan ni Alfred para matulog. Si Renz naman ay pinatulog na rin ni Alfred. Ang mga kasama niyang bodyguards, hayun at nasa labas ng bahay. Walang planong hindi siya bantayan buong magdamag dahil sa mahigpit na bilin ng kapatid niya.

Nakadungaw si Eunice mula sa malaking bintana ng bahay at nakatingala siya sa kalangitan. Napapangiti siya dahil ngayon na lang siya ulit nakakita ng madilim na langit na tinatadtad ng mga stars. Sobrang dami talaga kaya manghang-manghang siya.

"Eunice," tawag sa kanya ni Alfred na agad niyang nilingon. May inabot itong isang baso ng gatas.

"Salamat," nakangiting sabi niya rito. Inamoy niya sandali ang gatas at saka ininom iyon.

Tumabi sa kanya si Alfred at nakidungaw na rin sa bintana. "Kitang-kita kong masaya ka. Kanina sa pakikipagkuwentuhan kanina Mama at Papa, lagi kang nakangiti."

Tumingala siya sa langit. "God loves me. It's enough reason for me to be happy."

Napangiti ito sa isinagot niya. "Kahit di pa bumabalik ang asawa mo?" biro nito.

"Terrence will come around. More or less, alam ko na rin naman kung anong pinag-iisipan niya," makahulugan niyang sabi.

"Ano naman iyon?" nagtatakang tanong nito.

"Basta," sagot niya lang. "Anyway, kumusta na ang pagmo-move on mo? Sa nakikita ko, okay na okay ka na."

"Nami-miss ko pa rin si Rachelle. Minsan nararamdaman ko pa rin iyong sakit. Pero kapag ganoon, nagdadasal na lang ako. Kapag nasasaktan ako, paulit-ulit lang akong nagdadasal. Nawawala naman kasi yung sakit. Gumagaan bigla ang loob ko. Kaya naniniwala talaga ako sa sinabi mo na malapit ang Diyos sa mga sawi. Namimigay kasi talaga siya ng lakas. Kaya araw-araw, pagkagising ko, masaya akong nakakapagtrabaho at nakikipaglaro sa anak ko."

Napangalumbaba siya at tumitig rito. "Wala ka pa rin bang planong maghanap ng lovelife?"

Matagal bago ito sumagot. "Kung may darating, hindi naman ako magsasara ng pinto."

"Good answer! I think, marami nang nag-aagawan sa'yo, ano?"

"Wala. Ano ka ba?" natatawang sabi nito.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya. "Ibibigay ko sa'yo ang mobile number ng kaibigan kong si Lorraine. Mabait iyon. Maganda. Busy lang sa pagiging engineer niya."

"Nirereto mo 'ko sa kaibigan mong sosyal? Huwag na. Hindi ko kaya ang high-maintenance. May anak ako," natatawang sabi nito.

"Simple si Lorraine. Hindi naman siya katulad ko kahit mayaman rin sila. Basta. Sa tingin ko, magugustuhan mo siya. Matagal na siyang single mula nang grumaduate siya last year. Kaedad ko lang din. Kaya ligawan mo na." Naisip niya, masaya siguro kung ang dalawang malapit niyang kaibigan ay magkaigihan. Hindi naman masama. Parehas namang single ang mga ito.

Napakamot ito sa ulo. "Alam mo, magpahinga ka na. Para bukas ng umaga, maipasyal kita. Hanggang bukas ng hapon ka lang dito di'ba?"

Napalabi siya. "Get my friend's number then I'll sleep."

Wala na itong nagawa kundi ang kunin din sa kanya ang mobile number ni Lorraine.

"Text or call her, okay?"

"Ano namang sasabihin ko?"

She shrugged. "Dumiskarte ka. Di'ba that's what guys do?"

"Wala pa sa plano ko ang manligaw."

"Bahala ka. Basta, sasabihin ko kay Lorraine ang tungkol dito." Nilagpasan niya na ito at pumasok siya sa kuwartong tutulugan niya. Saktong tatlo ang kuwarto sa bahay kaya may matutulugan naman siya.

Nahiga siya sa kama at nagpadala ng text message sa kapatid niya. She texted that she's okay. Pagkatapos ay sinubukan niya naman tawagan si Terrence.

For the past two days, his phone was turned off. But now, her heart raced when it rang!

Bigla siyang napaupo at hinintay ang pagsagot nito. And when he answered...

"Baby?" his deep voice came.

Napangiti siya nang marinig ulit ang boses nito na may lambing. Pero nangilid din ang luha sa mga mata niya bigla. Hormones. "H-Hi... how's your soul searching going?" she joked. Napalunok siya nang marinig ang bahagya nitong pagtawa.

"I'm okay now. I'm sorry for not calling you..."

"It's okay!" aniya sa pinasiglang boses. "I understand that you want some time. You did that before, remember? Yung bago pa lang tayong kasal and you were missing for three days... so, yeah." Nakagat niya ang ibabang-labi. Naiiyak na talaga siya. "K-Kailan... kailan mo 'ko susunduin? Kailan tayo babalik ng bahay natin?"

"I'll come for you by tomorrow. Susunduin kita. Kahit nasa Nueva Ecija ka pa."

"Alam mo kung nasaan ako?" gulat na wika niya.

"Yeah... Your brother told me, Geoff texted me, and Alfred texted me also when you arrived."

"Wow," tanging reaksyon niya. "What? They are your allies now?" natatawang wika niya sabay pahid ng luha sa mga mata niya. She's laughing then she's crying. She's crazy!

Natawa rin ito. "Sila na ang kusang nagsabi sa'kin kahit di ko naman tinatanong. Buti na lang pala. Bibiyahe ako bukas ng umaga para sa hapon, masundo na kita. Then... w-we'll talk."

Yes. That's the number one thing they need to do. Talk.

"I'll wait for you, Terrence. I love you."

"Mag-ingat ka habang wala pa'ko. T-Take care of our b-baby..." parang nahihirapang wika nito.

Napalunok siya. "Yes. Ingat ka sa biyahe mo bukas, ah? Check your car brakes before leaving."

"Of course. I love you, baby. Pray before you sleep," bilin nito bago natapos ang tawag.

❤❤❤

MAAGANG nagising si Eunice kinabukasan at pagkatapos mag-agahan ay nagawa nga siyang ipasyal ni Alfred. Dahil umaga, mas nag-enjoy siya sa sariwang hangin at lamig ng hangin.

Naglakad-lakad lang sila ni Alfred habang nakasunod sa kanya ang mga bodyguards niya-which she did not mind. Mukhang nag-e-enjoy rin naman kasi ang mga ito sa mga nakikitang tanawin. Dinala siya ni Alfred sa may bukid daw at ipinakita nito sa kanya ang palayan.

Bago magtanghalian ay nakabalik na sila ng bahay nito. They had a great walk and talk. Imbes na mapagod, para pa siyang na-energize sa paglalakad na ginawa. She enjoyed the little barrio. Lalo na nang makitang ang daming kababaihan ang sinusundan ng tingin si Alfred. Kapag tinutukso niya naman ang lalaki ay natatawa lang ito.

"Basta, text mo si Lorraine, okay? Be friends with her. You'll like her."

Napailing-iling ito. "Ikaw talaga, Eunice. Uunahin ko munang bilhan ng gatas si Renz kaysa magpa-load."

Papasok na sila ni Alfred ng bakuran ng marinig nila ang masayang tawa ni Renz. Pagkakita pa lang ni Eunice sa nakatalikod na pigura ni Terrence na nakikipaglaro sa bata ay agad na sumilay ang masayang ngiti sa mga labi niya kasabay ng mabilis na pagpintig ng puso niya.

"Terrence."

Lumingon itong nakangiti habang buhat si Renz. Ibinaba nito ang bata at ginulo ng bahagya ang buhok. Pagkuwa'y bumaling ulit ito sa kanya at binuksan nito ang mga braso.

Patakbong nagpaloob siya sa mga braso nito. Napapikit siya at mas niyakap ito nang mahigpit. Sinandig niya ang ulo sa dibdib nito at dinig niya rin ang malakas na tibok ng puso nito. He kissed her forehead and murmured how much he missed her.

"Sa loob muna kami," paalam ni Alfred at saka binuhat ang anak nito papasok sa loob ng bahay.

Hinarap siya ni Terrence at hinaplos ang kanyang mga pisngi. He looked at her face like he was memorizing every inch of it.

"Three days without seeing you was like forever," anito.

Pabirong umingos siya. "Your fault. Bigla ka na lang umaalis, eh. Bigla mo na lang akong pinapabalik sa Paris. Bigla ka na lang nakikipagtulungan sa operation nila Matthew."

"I'm sorry... I'm sorry..." Kinintilan siya nito ng halik sa mga labi. "Ang dami kong iniisip these past few days. Madaming gumugulo sa isip ko. I need to arrange it all or I will explode."

Tumingin muli ito ng diretso sa kanyang mga mata. At kitang-kita niya sa mga mata nito na may gustung-gusto itong sabihin pero parang nahihirapan.

Hinawakan niya ang kamay nito at hinila ito papunta sa ilalim ng puno ng mangga na nasa loob ng bakuran. Umupo sila sa mahabang bangko na naroon na hindi nagbibitiw ang mga kamay.

Tumingala siya sa puno at tinignan ang mga bunga. Kaso, hindi naman siya naglilihi sa maasim kaya walang appeal sa kanya ang prutas.

"Eunice, I have to tell you something," pukaw ni Terrence ng atensyon niya.

Napapikit siya at humugot ng hangin. This is it. Then, she slowly exhaled. "Is it about my pregnancy condition? Is it about my Polycystic Ovary Syndrome?"

Nagsalubong ang dalawang kilay nito matapos magulat dahil sa sinabi niya. "Y-You... You know..." naguguluhang wika nito. "Y-You k-know about it?"

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay nito bago tumango. "I knew... And I know that you know it, too,"

"Kailan pa?" nagtatakang wika nito.

"Sa ospital din. Nung nag-bleed ako last week." Naalala niya pa nang mabilis siyang sinugod sa ospital at ginamot siya ng mga doktor. Alam niyang hindi lang basta pinatigil ang pagdurugo niya, napansin niyang may ibang test pang ginawa sa kanya. "Nang magbayad ka ng bill sandali at sabi mo kakausapin mo rin ang doktor, iyong nurse na nag-check sa'kin ang nagsabi kung anong test ang ginawa sa'kin at kung anong resulta."

Nang maiwan siya sa kuwarto noon, pinilit niya talaga ang nurse na nagche-check sa kanya na sabihin ang totoo. Mas maganda daw kung ang doktor ang magsasabi sa kanya, pero naging mapilit si Eunice. She knew there's something up. Nailigtas man ang baby niya, alam niyang may iba pang problema.

"So, all the time, you knew about your condition?" di pa rin makapaniwalang sabi ni Terrence. Napakurap ito. "Why didn't you tell me that you knew about it?"

"Kasi... hindi mo rin sinabi sa'kin na alam mo na rin. Alam kong kinausap ka na ng doktor tungkol doon, Terrence. Matagal bago ka bumalik mula sa pakikipag-usap kay Doc kaya nang sabihin mong okay lang ang lahat, alam ko... alam kong parehas pa tayong indenial sa nalaman natin..." Napalunok siya at napasinghot. "Alam kong parehas pa nating hindi matanggap kaya hinayaan ko lang...

"Alam ko ang tungkol sa PCOS, Terrence," dugtong niya agad bago pa ito makapagsalita. "My Auntie Nicola in Paris had that, too. Noong nakikitira pa 'ko sa kanila, I witnessed how she had two miscarriages dahil doon. Mabilis dumami ang cysts sa ovaries niya na lalong nagpapahina ng kapit ng baby. Makailang beses siyang dumaan sa cyst drilling. Sadly, kahit gumaling naman ang PCOS niya, hindi na siya magkaka-baby dahil sa naging damage ng dalawang miscarriage."

Pinisil nito ang kamay niya. Napayuko ito. "I was scared... kaya hindi ko sinabi agad sa'yo. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo..."

Napasinghot na naman siya. At nag-uumpisa na siyang maluha. "Y-Yung cysts sa ovaries ko..." napalunok siya. "M-Mabilis dumami, right? H-hindi ko rin alam kung paano iha-handle n-nang malaman ko iyon... kaya, k-kaya ang ginawa ko, nagkunwari na lang rin ako na hindi ko alam... Y-You were so sweet and caring after that day. Ang saya natin nila Cyla. So, I didn't want to spoil it. Ayokong pag-usapan natin. Ayokong sabihin na alam ko na rin. I-I'm sorry, Terrence..." She started shaking. "I know that... hindi naman ganoon kalala ang PCOS, at least for me-but for our baby..."

She bit her lower lip. She inhaled and exhaled slowly. Hindi siya iiyak. Ayaw niyang umiyak.

"Did you cry?" tanong nito.

Umiling siya. "Did you?"

Hindi na ito kailangang sumagot dahil nakita niya ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Terrence. "A-A lot. I cried a lot."

Nanikip ang dibdib ni Eunice. Inabot niya ang mga pisngi ng asawa at pinunasan ang luha sa mga mata nito. "I-I want to cry, too, Terrence. B-But... I prayed. I just prayed." Napalunok na naman siya at mahapdi na ang lalamunan niya sa pagpipigil ng luha. "S-Sabi ko kay God, puwede ba akong humingi ulit ng miracle? Kasi binigyan niya na tayo noon nung nasa coma ka, kaya naisip ko, hindi na 'ko mahihiyang manghingi ulit. Hindi na mapipigilan ang pagdami ng cysts kaya hindi na rin makakapit si baby... pero, love always hopes, Terrence. We hold on to our faith and always hope for the best...

"Then, I prayed again. I prayed that can He help me-us to accept what's happening? Kasi di'ba, the fact that we accept uncertain situations, it means that we put all our trust in Him?"

Tumango si Terrence at napapikit.

"Sa dami nang pinagdaanan natin...pinagdaanan ko, lagi na lang pala akong pinanghihinaan ng loob sa past problems na hinarap natin. Laging ako yung umiiyak. Laging ako iyong nakakalimot sa faith... so, this time, I want to be tough naman. I want to be tough in the sense that whatever happens to our baby, s-sigurado ako na hindi siya pababayaan ni God... I want to be strong in my faith.

"Magmula nang magkakilala tayo hanggang sa nagkapilitang magpakasal tayo, na naging magulo lang tayo lalo, sa pagbalik ko sa Paris at sa pagbibigay ko ng annulment... Hanggang sa nagkita ulit tayo after a year, then I ask for a pretend love that lead me in knowing the truth about your feelings for me... Pagkatapos, naaksidente tayo, na-coma ka, nagising ka, dumating sina Alfred at Renz, inuwi mo si Cyla ng biglaan, nagalit ako, nagkaayos tayo... Then, I got pregnant and now this condition... sa dinami-rami ng oras na sinubok tayo, naisip ko; maybe this time, dito ko na mapapakita na kaya ko ring magpakatatag. Na dito ako mas kailangang kumapit kay God.

"Ang dami nang nangyari, dito pa ba ako susuko? Iyan iyong iniisip ko, eh. Kahit ang sakit... kahit ang sakit-sakit na tanggapin na anytime, puwedeng mawala ang baby, I still hope for the best. Kasi nagawa ko na iyon nang ma-coma ka. I hoped for the best. I still smile. I don't wanna cry. Gusto ko maramdaman ni baby, na masaya ako lagi. So that, mabuhay man siya o hindi, he or she knows how happy I am to have him or her kahit nasa tummy ko pa lang siya..."

Kinabig siya ni Terrence at niyakap ng mahigpit. "You're right... you're right. You're doing the right thing, baby," he whispered in her ear. "Ako? Kabaliktaran na nang ginawa mo. I cried because it hurts to know that what we've been waiting for a long time will be gone any moment... I cried for me, I cried for you, baby. Naisip ko kasi kung gaano ka masasaktan... but hearing you now... ako iyong naduwag ngayon. I even questioned God kahit hindi dapat. Hindi ko kasi naintindihan. Hindi ko kasi agad natanggap."

She embraced him tighter. "It's alright, Terrence. Siguro, ito naman ang oras para sa'kin ka naman sumandal at kumapit. If you can be tough for me, then, I can be tough for you, too. When your faith is weak, it's me this time that can be strong to cast all our worries to Him. I learned a lot from the past, maybe, it's time for me to be your angel now. So that we can surpass this trial together, again."

Bahagya itong lumayo sa kanya. He caressed her face. Smiled amidst his tears. "You're my Eunice." Then he hastily kissed her lips. "You're my angel, yes." And kissed her again. Tinitigan na naman siya nito nang matagal. "You've changed a lot from the brat that I hated to the brat that I love and to the angel I'll never stop loving. I saw how love unveiled the best and toughest in you, baby."

"God changes hearts. He changed me through your best love and tough faith, Terrence."

He smiled-the gorgeous smile she first fell in love with. Unti-unting lumapit muli ang mukha nito sa kanya. She closed her eyes and welcomed his kiss. They kissed to seal that whatever happens to their baby from them on, they'll keep the faith.

Magiging handa sila. Kahit masakit, patuloy ang kapit. Kahit manghina sila, palalakasin nila ang isa't isa sa pamamagitan ng Diyos.

"Let's do our best to take care of our baby, Terrence," aniya sabay hawak sa sinapupunan. "Let's always be positive. Let's always smile, be happy. Kasi nararamdaman ni baby iyon."

Sunud-sunod ang naging pagtango ni Terrence. "Whether he lives or... lives with the Lord, our baby knows how happy we are to be his parents."

"We'll never give up on this."

He rested his forehead to hers. "Never."

❤❤❤

AND SO, ginawa nga lahat nina Eunice at Terrence ang makakaya nila para sa ikaliligtas ng pagbubuntis niya.

Fortunately, nag-slow ang rate ng pagdami ng cysts sa ovaries niya. Terrence watched out for her proper diet and meals. Regular din ang pagbisita nila sa doktor upang mas ma-monitor nila ang baby.

Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Three months had passed, mas lalo nang naramdaman ni Eunice ang pagsakit ng puson. Dalawang beses na rin siyang nag-bleed pero hindi nalaglag ang baby.

Mas nagdasal pa silang mag-asawa. Katulong nila sa pagdadasal ang mga kapamilya at malalapit nilang kaibigan.

On her fourth month of pregnancy, she was on total bed rest. Bumalik na rin si Cyla sa kanila dahil tuluyan nang safe ang mga ito mula sa dating fiance ni Frances. Masaya naman si Eunice kahit lagi lang siyang nakahiga dahil nandyan na ulit si Cyla at lagi siyang pinapangiti kapag silang dalawa lang ang naiiwan sa bahay.

On her fifth month, mas nahirapan na sila ni Terrence. Lahat nang sinabi ng doktor na proper medical attention at medical nutrition ay sinunod nila. Ngunit, mas naging frequent pa rin ang pagdurugo niya. Her cysts on the ovaries do not look good anymore. But by that time also, nalaman nila ang gender ng baby nila.

And it's a girl! Okay naman iyon kay Terrence at nakita niyang mas masaya pa ito sa kanya.

They prayed more. More and more each day.

Pero, hindi lahat ng dasal ay "oo" ang sagot Niya.

"Terrence..." naiiyak na sabi ni Eunice habang ginigising ang asawa. Grabeng hilab na ang nararamdaman niya na parang hinahalukay na ng kung ano ang kanyang tiyan. It's already her sixth month.

Agad na napabalikwas ng bangon si Terrence at mabilis siyang dinaluhan. "W-What happened? Anong nararamdaman mo?"

Napasigaw siya at napahawak sa tiyan. "Terrence... manganganak na ata ako..."

"W-What? No! Sixth month pa lang, we need more-"

"Ahhh! Terrence, take me to the hospital! Hindi ko na kaya!" sigaw niya habang tutop ang tiyan.

Mabilis na kumilos si Terrence kahit natataranta. Binuhat agad siya nito at mabilis na naisugod sa ospital.

Walang tigil ang pagsigaw at pag-iyak niya sa sakit na nararamdaman.

"Early labor, Mr. Aranzemendez. Nasabi na namin sa inyo na posibleng mangyari ito. Kailangan nang mailabas ang baby. Then, tatanggalin na rin namin ang cysts sa ovaries ng misis niyo."

"Please, Doc, save my daughter and my wife."

"We'll do the best we can. We can save your wife but the baby... it's premature. Hindi pa fully developed ang lungs. Kapag nilagay natin siya sa incubator, doon pa lang natin malalaman if it will live."

Hindi na alam ni Eunice kung ano pang sumunod na pinag-usapan ng mga ito, Naramdaman niya na lang inaasikaso na siya para magsimulang manganak. May tinurok sa kanyang anesthesia. Then the doctor instructed her to push.

May malaking kamay na agad na humawak ng kamay niya. Kumapit siya doon ng mahigpit. "Push, baby. You can do it," Terrence whispered.

It only took thirty minutes when she finished laboring. Mabilis ang mga pangyayari. Hindi man lang alam ni Eunice kung anong nangyari sa baby girl nila. Natagpuan na lang niya ang sarili na hinihila ng antok pagkatapos siyang turukan ulit ng kung ano.

❤❤❤

BALISA si Terrence. Hawak niya ngayon ang isang kapirasong papel na kailangan niyang pirmahan.

Successful ang panganganak ni Eunice at ang pagtatanggal ng cysts sa ovaries nito. Halos isang buong araw nang natutulog ang asawa niya.

Ngunit siya, wala pang tulog, tulala, at parang namamanhid na sa nararamdaman.

He heard their baby cry kahit napakahina lang. He saw how their baby girl was put inside an incubator. He named her "Love", their Baby Love...

But, after fifteen hours, Baby Love stopped breathing. And he needs to sign his daughter's death certificate now.

"Terrence..." Naramdaman niya ang pagdantay ng kamay ng kanyang ama sa balikat niya.

Napayuko siya at tinignan ang hawak na papel. Nabasa iyon ng mga patak ng luha mula sa kanyang mga mata. He was shaking.

Nabitawan niya ang hawak na ballpen. Nanghihinang napaluhod siya. And his shoulders started shaking. He can't cry out loud. He can only weep in silence.

Kahit pala ine-expect na nila ni Eunice ang posibilidad na hindi mabubuhay ang anak nila, kahit kailan ay hindi siya magiging handa ngayong nasa mismong sitwasyon na siya. Even though they were especting this to happen, they will never be ready for this day.

Seeing his own child live for fifteen hours and die after-it was the most painful thing that struck his heart. Tumatagos sa buong kalamnan niya ang sakit. Nararamdaman niya sa buong pagkatao ang nawala sa kanila.This is the very same reason why he cried to his mother. He saw this coming but they still tightened their grip on hope and faith.

Still, he can't understand. Still, it hurts.

But, all he can do was cry and mourn for their little angel now.


***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

1K 122 17
Mahirap mahalin ang isang tao lalo na kung sa umpisa pa lang alam mo nang ibinigay na niya nang buong-buo ang puso niya sa iba. Sa bawat aspeto ng re...
26M 785K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
4.7M 42.2K 37
PUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao...
41.6K 1.4K 27
â€ĸ 𝗖đ—ĸ𝗠đ—Ŗ𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗┊ đ—Ŗđ—ĸđ—Ļ𝗧𝗘𝗗: 𝟮đŸŦ𝟭𝟱 - 𝟮đŸŦ𝟭đŸŗ â€ĸ (𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐓đĢđĸđĨ𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟐)