The F- Buddies

By LenaBuncaras

2.4M 69.4K 18.1K

Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na s... More

The F- Buddies
1. The Struggle is Real
2. All Out of Love
4. The Project
5. Breakup
6. Heart Reacts
7. Akyat-Bahay
8. Maldita
9. The Romance Novelist
10. Walang Poreber
11. Marupok
12. Tamang Hinala Club
13. Job...less
14. The Fan
15. Award
16. Fan Boy
17. House Raid
18. Garden of Peace
19. Gregory Troye
20. #DatingTheIcePrincess lol
21. Loveless Writers
22. Tale of Two Tragedies
23. Missing Peace
24. Character Adjustment
25. Outlines
26. Brainstorming
27. Type. Edit. Delete
28. Warning
29. Lunch Break
30. So Real, So Good
31. Smut
32. Walwalan Time
33. Roller Coaster Ride
34. Conditioned
35. #WalangMagpapaiyakSaBabeKo
SPECIAL PART
36. Buddy-Buddy
37. Disturbance
38. Drafted Love Story
39. The Nightmare
40. Painstaking
41. Fucked-up
42. Messed Up
43. Heart/Break
44. Foreshadow
45. Babe
46. GT's Main Conflict
47. The Falling Action
48. So Much For My Happy Ending
49. Book Review
50. Hello and Good Bye
Officially His
Gregory Troye Excerpt
The F- Buddies (GT version applied)
Gregory Troye

3. The New Guy

86.9K 1.8K 303
By LenaBuncaras

After I typed my notes for this author, I had to go to our site in Manila to hand it over to Boss Armie, yung nag-request ng feedback sa akin slash isa sa mga project manager kung saan ako nagtatrabaho ngayon.

As usual, plain black T-shirt, pedal pusher, and brown sandals lang ang suot ko. I wore a purple floral eco bag with my stuff and the documents I printed. I went to my parents' house para magpaalam kay Mommy.

"Saan ka na naman mamamasyal? Kasama mo si Justin?" she asked in her usual shouting tone.

Pakialam ko sa Justin na 'yon? Ni hindi na nga nag-text. Balak na yatang kalimutang may girlfriend siya.

Kung alam lang nila kung gaano na ako katagal ginaganito ni Justin, ewan ko na lang kung matuwa pa sila.

"'Punta lang ako sa Luneta, Mom," I said in my fed-up voice.

"Nandoon si Justin? Pumunta 'yon dito kanina, bakit hindi ka na isinama pag-alis?"

Nanlaki lang ang butas ng ilong ko kasi pinipilit ni Mommy yung Justin niya. Ayoko namang sabihing may problema kami ni Justin kasi ako na naman ang pagagalitan niya. Kesyo maldita raw ako at inaaway ko ang boyfriend ko or whatever negative. Palagi namang kasalanan ko kahit hindi naman. Ni hindi nga ako sinuyo! Umalis na lang por que sinabihan kong umalis! Tama ba 'yon?

"Yeah, yeah. Bye, Mom."

Ayoko nang marinig ang kahit ano pang sasabihin niya, so I left. Para sa kanila, parati akong namamasyal without them knowing na may opisina talaga akong pinupuntahan. Parang ritual ko na sa kanila ang minsanang paglabas kasi nga buong araw akong nagkukulong sa bahay. Kahit sino sa kanila, hindi talaga kahit kailan nalamang umaalis ako para magtrabaho—kung trabaho man para sa kanila ang ginagawa ko.

Our subdivision in Quezon City is far from our office in Manila. Mas mabilis sana kung gagamitin ko ang motor ni Kuya Pat kaso sesermunan ako ni Daddy pag-uwi. Ayaw niya kasing nagmo-motor ako dahil kaskasera ako. I had no choice but to commute kaya pumara ako ng UV bound to Manila pagtawid ko sa Brittany na katapat ng entrance ng subdivision namin.

I paid for my fare na pandalawang tao dahil ayokong may katabi sa upuan at komportableng sumandal sa front seat. I took my phone and checked all my messages.

Puro emails from travel agencies, Twitter, bank, and the office regarding my projects. But no message from Justin—not a single goddamn message.

I checked his last chat and that was the day before yesterday. He said "ILY n IMY" and I didn't respond. Habang tumatagal, tinatamad na akong sumagot sa kanya. I spent my two freaking years kahahabol sa kanya at dine-drain ako ng ganoong setup. Wala siyang text kahapon o kahit ngayon. Naiinis ako kasi nauubusan na siya ng time sa 'kin. Kahit man lang sa hindi pagsagot, makaganti ako sa emotional pain. Kaso mukhang walang pain sa side niya. Mukha pang pabor na hindi ko siya sinasagot.

Nag-check ako ng IG. Marami-raming nag-like sa recent uploaded photo ko na kayakap ako ni Justin at pareho kaming nakangiti. I took that photo last month na uploaded lang yesterday dahil kahit naiinis ako sa kanya, mahal ko pa rin naman siya. Gusto ko pa ring ipakita sa lahat na okay kami. Na walang problema sa 'min. Na kahit naghihingalo na ang relasyon namin, gusto kong parang walang bahid ng anumang pagkukulang sa pagitan naming dalawa.

After that, I scrolled through my Facebook newsfeed and saw his recent uploads: five photos, all taken at a party. Malamang na night out nila ito. Three group photos, a photo of him smiling and offering a drink to somebody holding the camera, and the last one was Shanaya hugging him while they were holding beer.

I shut my eyes and kept myself from shouting. Baka kapag nagwala ako rito sa van, ipakulong ako ng driver dahil eskandalosa ako.

I liked all the photos. Para lang malaman niyang nakita ko ang kabulastugan niya. 'Tapos sasabihin niyang kasi magagalit ako? To hell with him, of course! Sino bang matinong girlfriend ang hindi, ha? I even posted a comment on that photo of him with Shanaya saying "Bagay kayo, boi."

Wala siyang time sa 'kin pero may time siya sa iba? Iba rin talaga! Kung unang beses 'to, maiintindihan ko pa e. Pero hindi. Dalawang taon na! Dalawang taon ko nang tinitiis. Sige, we'll see.

Ibinato ko sa loob ng eco bag ang phone ko at tiningnan nang masama ang labas ng bintana ng UV. It was almost four in the afternoon at bahagyang bumigat ang traffic pagdating sa Doña Carmen.

I felt the chill at nanindig ang balahibo ko dahil sa inis. Wala siyang time, and he didn't even say he was sorry for not letting me know na nag-night out pala sila kagabi.

Okay. I didn't want to break up with him dahil iniisip kong sayang ang four years namin, but this is too much to handle.

I waited for a day for a single message kahit 'K' lang or like or wave, pero wala! He had fun with that night out! And I spent the whole freaking night thinking what happened to him! Parang every week na lang parating ganito.

Ano ba niya 'ko? Girlfriend niya 'ko, di ba?

Gusto ko sanang itulog sa biyahe ang init ng ulo ko pero hindi ko magawa. Binabagabag ako ng ginagawa niya. At ang nakakainis, kapag nagloko siya, baka ako pa ang sisihin ni Mommy. Sasabihin pa n'on, pinagmamalditahan ko kasi. Paano bang hindi?

Ako, kinukulong ko ang sarili ko sa bahay para sa kanya para walang dahilan ng selos sa part ko. Para walang conflict. 'Tapos siya, ano? Ine-enjoy ang company ng iba?

Naging magaan na rin ang traffic ng southbound. Yung palaging three-hour travel, naging one and a half na lang. At wala akong ibang inisip sa biyahe kundi ang kagaguhan ng Justin na 'yon.

The van dropped me off sa harap ng mall sa may Welcome Rotonda at nilakad ko na lang ang papunta sa office namin.

"Good afternoon, Ma'am Niz," bati sa akin ni Kuya Buds. Nag-surrender ako sa kanya ng ibang ID dahil nakalimutan ko ang company ID ko. "Bad mood ka yata?"

"Hindi naman masyado, Kuya Buds. Parang gusto ko lang mamaril ng tao ngayon." Napansin kong tinawanan niya ako nang mahina. "Nagpalit kayo ng shift ni Matt? Akala ko, rest day ka ngayon sa security?"

"Wala e, naka-sick leave si Mat-mat. Hayae na, bayad naman ang OT." Inabutan niya 'ko ng temporary employee badge bago ako dumeretso sa elevator area sa kaliwa lang ng front desk.

I pushed the up button and waited for the elevator to open. And while waiting, may tumabi sa 'king lalaki. Pagtingin ko sa gilid, braso ang bumungad sa 'kin. Napatingala tuloy ako kasi matangkad pala ang katabi ko at hanggang ilalim ng balikat lang niya ako.

He was staring at the elevator's floor indicator while holding a bottle of red C2.

Eight-story building ang location ng office namin at kami ang nasa eighth floor along with the view deck. It was a nice office kasi homey ang feeling. Para lang kaming nakibahay sa trabaho. Hindi klase ng office na mapi-feel mong nasa office ka.

The elevator bell dinged and opened. I entered and so did the guy. He pushed the floor button 8.

Okay! I'm not familiar with his face. Wala akong natatandaang nag-hire ang team ng bagong empleyado. Wala siyang ID, baka bisita. O baka tagakabilang opisina sa travel agency.

I gazed at his reflection on the elevator door. He was tall. Maganda ang katawan. Mestizo. He looked like Tyler Mata mixed with Daniel Matsunaga's facial features. Depende sa anggulo. Ang ganda rin ng angle niya sa view ko, mukhang pang-magazine. Ang common nga lang ng damit, isa ring T-shirt person. The elevator opened again and we both stepped out on the gray-tiled hallway. Nauna na siyang naglakad sa kanang direction—at nasa left side ang travel agency.

Visitor.

Sinundan ko siya. Lumiko kami sa kanan, ilang steps sa malamig na hallway, saka lumiko sa kaliwa. Pagdating namin sa dulo, binuksan niya ang isang glass door, naroon na ang opisina naming hindi ko alam kung youth camp, kung secret dating area, kung rooftop garden, o tambayan ng mga sawing-palad na hopeless romantic.

Maraming halaman sa office. Para kaming nagtatrabaho sa garden sa dami ng bulaklak at cactus sa paligid. Open din ang bandang dulo ng floor at ibinababa lang ang convertible glass cover kapag umuulan. Hindi magastos sa ilaw kasi fiberglass ang bubong na light blue ang shade. Like typical offices, may mga office table din at may "personal" cubicles sa mga executive. And, surprise! Isa ako sa may "personal" cubicles sa floor na ito. Kahit pa wala akong pinirmahang ibang contract aside sa nauna ko nang kontrata bilang project manager, isa naman ang trabaho ko sa pinakaimportante sa business. Para nga lang kaming nasa opisina na nakihati ng space sa mga halaman. I wasn't ranting about it. Actually, refreshing nga. Nakakabawas ng stress. Kaya nga dito ang punta ko palagi kapag bad mood ako sa bahay. At kapag nandito ako, alam na agad ni boss na nagpapalamig ako.

"Eunice!" bati agad ni Boss Ayen pagkakita sa 'kin. She is DCE's owner, pero nandito siya to do her "all-around" job. Marketing, pitching, managing, financing, lahat na yata ng tasks ng bawat position sa organizational chart namin, ginagawa niya. Kulang na lang, pati housekeeping at pagiging electrician, kunin na rin niya. She's the ultimate boss of all time. Sinundan ko lang ng tingin ang hawak niyang mug na may design na pusa.

"That's coffee, boss," paalala ko. "Di ba, you're not allowed to drink coffee kasi ina-acid reflux ka?"

"We're all gonna die pa rin naman, Niz." Nginitian lang niya ako 'tapos tumalikod na para tingnan ang ginagawa ng lahat.

"May bago ba tayong employee?" pahabol kong tanong.

Lumingon naman siya 'tapos tumango.

"Bakit hindi ako na-inform?" tanong ko, at medyo disappointed ako.

"We informed you first," sabi ni Boss Ayen habang tumatango. "You said, bahala na kami."

I gaped at her. When did I say that?

Alalahanin, Eunice, alalahanin mo.

Wait nga.

"We need another hand."

O . . . kay? Boss Armie said that pero hindi naman niya sinabing magha-hire. Ang alam ko, kukuha lang sa ibang team—yung team na alam ko, kasi nga, dapat daw active sa office.

Huminto sa aisle si Boss Ayen 'tapos hinatak mula sa upuan ang tinutukoy niya. "This is Vincent. Under siya ng team mo." Pinagpag niya ang likod ng lalaking nakasabay ko sa elevator 'tapos bumalik na agad siya sa "personal" cubicle niya.

Mukhang wala namang idea yung Vincent dahil ang kilos niya, takang-taka pa kung bakit siya ipinakilala ng boss namin.

And what the heck did she say? Under ng team ko?

Nag-hire sila ng team member ko na hindi ko kilala nang hindi ko alam? Seriously?

Tiningnan naman ako ng Vincent na 'yon. Nginitian lang niya ako 'tapos bumalik na rin sa desk niya. Hmm . . .

So, ano'ng gusto nilang palabasin?


♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

61.1M 944K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
1.2M 36.6K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
93.1K 2.4K 7
(Finished) A story about bullying. Don't be blind, you might save someone from dying inside. Cover by: @mariawhyyy
458K 17.9K 57
Sigourney receives a warning from her fiancé's cousin and best man that proceeding with the wedding would be the biggest mistake of her life. Should...