Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

41K 2.1K 768

• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

15

524 33 14
By marisswrites

     

"Gusto kong magtanong ka pa."

"Anong itatanong ko?"

"Kung bakit nawala ako nang ganoon katagal."

Ngumiti ako sa kan'ya at hinawakan din ang kamay niya. "Problema 'yun ng pamilya mo, hindi yata tamang manghimasok ako."

He kissed the back of my hand as he look at me. "Gusto kong may malaman ka sa akin. Sasagutin ko nang buong katotohanan, baby."

Bigla akong napaisip...ano nga ba ang naging problema ng pamilya niya para mawala siya nang ganoon katagal, at wala pang paramdam? Bakit nagkaroon ng pagbabago sa kaniya noong bumalik siya?

"S-Sasabihin mo ba sa akin kung tinanong ko kung...anong naging problema ng pamilya mo?"

He became silent. Magsasalita na sana ulit ako nang sagutin niya ang tanong ko.

"Nasa abroad 'yung Mama ko, eh. OFW siya doon, at 'yung Papa ko, trabaho no'n magpaka-lango sa alak." He chuckled. "Padala nang padala ang Mama ko ng pera sa kaniya para pang-tuition ng kapatid ko. Hindi alam ni Mama na hindi binibigay ni Papa ang pera sa kapatid ko. Pinangsusugal at pinangbibili lang niya ng alak.

"Ako naman, dahil hindi ko na mapigilan ang Papa ko dahil hindi naman talaga kami naging magkasundo, ako 'yung nagpapaaral sa kapatid ko. Para rin hindi maramdaman ni Mama na napupunta lang sa wala 'yung perang pinaghihirapan niya sa Qatar."

He stopped, and then he chuckled. "Kaso itong gago kong kapatid, nakabuntis, eh. Parang gumuho mundo ko." he laughed bitterly. "Nagre-rebelde pala, hindi ko pa alam. Isinumbong lang sa akin nung Tita ko na kapatid ni Mama. Nagkaka-baranggay-an na pala, wala pa akong alam."

"Kaya ba nagmadali kang umuwi noon?"

He nodded. "Pinapa-blotter 'yung kapatid ko ng magulang nung babae, eh. Hindi kasi nila matanggap na nabuntis nang maaga 'yung anak nila, at itong kapatid ko ang sinisisi. Pananagutan naman ng kapatid ko, ayaw lang ng mga magulang ng babae. 'Yung Papa ko naman, wala man lang ginagawa para matulungan 'yung kapatid ko. Sinisisi pa siya nito. Nakaka-gago, 'no?"

Nakaramdam ako ng awa sa kan'ya pero alam ko na hindi niya magugustuhan kung malalaman niyang naaawa ako sa kan'ya. For the past months that I get to be with Gian, nakita ko na ang ilan sa mga ugali niya.

"Pero...napapayag niyo na ba? 'Yung magulang nung babae na panagutan ng kapatid mo 'yung anak nila?"

"Oo, pero hindi sila puwedeng magsama hanggang hindi sila nakaka-graduate ng college. Tama lang naman 'yon. Pero ang masakit kasi sa akin bilang Kuya, bakit kailangang saktan ang kapatid ko? Pareho nilang ginusto ang nangyari sa kanila. P-Pareho nilang ginusto 'yung... s-sex, e. Bakit kailangang masaktan nang ganoon 'yung kapatid ko?"

Napatango na lang ako, at ayaw ko mang maawa dahil hindi maganda ang pakiramdam na 'yon, ay hindi ko napigilan, lalo na noong maramdaman ko 'yung sakit sa boses niya.

"'Yung hindi ko kasi matanggap, walang pakialam sa aming lahat 'yung Papa ko. Kaya bago ako umuwi dito, sinapak ko siya. Sinapak ko siya sa sobrang galit ko dahil hindi deserved ng kapatid ko lahat ng nararanasan niya ngayon nang walang magulang na sumusuporta sa kaniya.

"Halos lahat ng suweldo ko, sa kapatid ko napupunta. Wala akong pinanghihinayangan do'n. Pinagbukas ko 'yun ng bank account para diretso na sa kaniya 'yong pera at hindi na kailangang dumaan pa sa kamay ng Papa ko. Pinagpapasalamat ko lang na hindi pa naman pala nagloloko sa pag-aaral ang kapatid ko." He sighed but he still didn't look at me.

"Nagrebelde siya, oo. Pero sinabi niya sa akin na hindi niya kayang balewalain ang lahat ng pinagpaguran ko dahil alam niya...alam niyang ako na lang ang kakampi niya."

Ininom na niya ang natitirang beer sa can niya bago lumingon sa akin.

"Baby, may alam ka na rin sa akin." He chuckled.

I smiled as I looked at our hands, holding each other, before looking at him. "Thank you. Akala ko, ayaw mong mag-open up sa akin, eh."

"I trust you with everything, baby. Alam kong walang mawawala sa akin sakaling sabihin ko ang buong-buhay ko sa 'yo."

Yumuko siya at mabilis akong hinalikan. Napaiwas ako ng tingin, at napatingin na lang ulit nang tumawa siya.

"Kainis," I said. He laughed. We both smiled. "But, are you okay now?"

He nodded. "Oo naman. Nandito ka naman, eh. Sapat na sa akin 'yon."

Bigla kong naalala, na siya na lang ang sumusuporta sa kapatid niya. Paano na siya ngayong wala siyang trabaho?

"Paano ka nga pala? Wala ka nang trabaho, 'di ba?"

"May pera akong naipon para sa akin. At isa pa, tumawag ako kanina kay Mama. Sinumbong ko na si Papa. Hindi ko na alam kung ano ang plano nila, basta ako, ginawa ko na ang sa tingin kong tama."

Napangiti ako sa sinabi niyang iyon. Tama lang, dahil habang kinukunsinti niya ang Papa niya, ay lalo silang mahihirapan.

"Alam mo, proud na proud ako sa 'yo."

"Bakit naman?"

"You're so good. I mean, sobrang...tama 'yung ginawa mo, na kahit na alam mong masasaktan ang magulang mo, ay ginawa mo pa rin ang tama."

He chuckled. "They say that I've always been good, baby. Kaso, lumayas ako dahil nga nakakagago 'yung Tatay ko, eh. Nakakasawa 'yung ugali niya. I don't think I am good on that part."

"Hindi ko naman sinabing perpekto ka. Every good person makes mistake also."

Ngumiti siya. "Salamat. Salamat dahil proud ka sa akin."

"You deserved it."

He pinched my nose with his free hand. Natawa na lang ako dahil doon.

"Pero baby, seryoso ako. Paborito mo ang Baguio, hindi ba? Gusto mo bang pumunta do'n kasama ako?"

Napakunot ang noo ko. "Ano naman ang gagawin natin do'n? Agad-agad?"

"Maglilibot nang magkasama. I want to be in my hometown with you."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ang sarap sa pandinig marinig ang huling sinabi niya, na para bang nagpa-plano na siya nang para sa aming dalawa.

"Kailan ba?"

"Kung kailan ka puwede..."

Pero hindi pa yata ako ready? Hindi ko alam kung bakit ganoon palagi ang nararamdaman ko, na lagi akong hindi handa sa mga bagay na bago para sa akin.

"Puwede bang huwag muna ngayon? Medyo kumplikado pa, e."

"Dahil?"

"Kapag nagpaalam ako sa Mama ko na pupunta akong Baguio, at tinanong kung sino ang kasama ko, anong isasagot ko?"

He chuckled. "Gusto mo bang kausapin ko ang Mama mo? Na Mama ko na soon?" he laughed.

"Baliw," I laughed. "Alam mong hindi ko kaya 'yung pressure."

"Okay, basta kahit kailan, okay lang sa akin. Dito lang naman ako, eh. Sabihin mo lang sa akin kung kailan."

"Thank you." I hugged him from beside him.

He laughed. "Sarap naman."

Lalo kong isiniksik ang sarili ko sa kaniya habang nakayakap sa kaniya. Nagulat na lang ako at bahagyang napatili nang itinulak niya ako pahiga, at siya ay nahiga sa tabi ko.

"Dito ka na matulog?" tanong niya habang nakahiga kami sa sofa at magkaharap. Siya na ngayon ang nakayakap sa akin.

Natawa ako sa tanong niya. "Baby, babae ako. Anong iisipin sa akin ng Nanay ko?"

"Na natulog ka sa apartment ng magiging asawa mo."

We both laughed. "Tangina naman," reklamo ko sabay irap sa sobrang corny na banat niya.

Bigla ay hinalikan niya ako nang mabilis sa labi. "Don't say bad words. Ang holy ng name mo tapos nagmumura ka."

Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi naman sa pangalan makikita ang kabutihan ng pagkatao mo, at lalong hindi sa pagmumura, 'no."

"I know. Hindi lang ako sanay nang nagmumura ka," he laughed. "Simula ngayon, sa tuwing magmumura ka, hahalikan kita."

"Grabe ka naman." Reklamo ko.

"Ako rin, dapat kapag nagmura ako, hahalikan mo rin ako."

Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi niyang iyon. "Ayoko nga!"

"Sige na, tangina naman..." sabi niya tsaka tumawa nang tumawa.

"Hoy, ano ba!" pagpipigil ko sa kaniya noong inilalapit niya ang mukha ko para halikan siya.

But in the end, he made our lips met...for a second. "Nakakarami ka na, ha?" pagsu-sungit ko kunwari.

"Nakaka-ilan pa lang since our first kiss, baby."

I chuckled. "Ay, kulang pa ba?"

"Oo, eh." Ngumuso pa na parang hahalikan ulit ako.

"Tumigil ka na, susuntukin na kita." Natatawang sabi ko.

He just laughed before hugging me. "Baby, may sasabihin ako." He whispered.

"Ano 'yon?"

"Nahuhulog na yata ako..."

Napaawang ang bibig ko at napatingin sa posisyon namin. Oo nga, mahuhulog na siya!

"Ha? Teka, lapit ka pa konti para 'di ka mahulog sa sofa."

He laughed. "You're so damn innocent, baby. I fucking love it."

Ilang sandali pa ay kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin, at muling tumingin sa mukha ko. He removed my eyeglasses. Now, he's staring right through my eyes like he's reading a book. His hands are on my face and his thumbs are caressing my cheeks.

"Baby..."

"Hmm..." I responded.

He smiled. "I'm... I'm tired of being good..." I kept my silence as I stared back at him. "Let's be bad?"

And I don't know why, but I nodded.

The next thing I knew, he's kissing me... passionately. He's giving me kisses, not the soft, light and quick kiss, but a long, passionate but careful kisses...to which, I gladly kissed back.

He pulled the back of my head, and I closed my eyes as I grasped his shirt to kiss back, to give the kiss back the way he does to me. I moved my lips the way he move it with mine.

After few seconds, he lets go of the kiss.

He smiled. "I love you," he said as we hugged each other.

And those were the words I never imagine I will hear tonight.

I actually almost lost myself with his kisses... with his words; gladly, I'm holding on too tight. He hugged me tighter as I felt his lips giving my temple soft kisses while his hands played with my hair.

I closed my eyes and just let myself to fall... fall harder... fall deeper...

"Baby..." he called me again.

"Hmm?"

He slightly moved away, making me open my eyes. I saw him smiled at me and claimed my lips again. I kissed back as I felt his teeth slightly biting my lower lips, making me gasp slightly. I felt his tongue roam inside me, which makes me move away.

"G-Gian..."

He chuckled before hugging me again. "I'm sorry. You just kiss so good, I am getting addicted."

I slapped his back when he chuckled, making me shy.

"I'm serious, your lips taste good," he hugged me tighter. "I want to kiss you more. And I'm sorry for being too much a while ago."

Tumango ako. "It's okay."

Kumalas siya sa yakap at tiningnan ako nang may ngiti sa labi. "Magagaling talagang humalik ang mga maninipis ang labi."

Nagtawanan kaming dalawa bago ako umambang itutulak siya kung hindi siya tumigil.

"Titigil na," he laughed as he hugged me again. "I love you, Mary. I love you."

Nagbuga ako ng buntonghininga bago isiniksik pa ang mukha ko sa dibdib niya dahil nahihiya ako. Wala namang kami, hindi naman kami, pero nakikipaghalikan ako sa kan'ya. Hindi naman kami pero magkasama kami nang ganitong oras sa apartment niya.

Hindi naman kami pero nag-a-I love you siya sa akin.

And I feel so guilty that I can't told him that. I am not even sure if I love him now, or my feelings are enough to told him the words. Bahala na. Wala naman sigurong problema sa kan'ya 'yun.

Mahigit nang alas dose nang maihatid ako ni Gian sa bahay namin. Noong paalis kami ng apartment niya ay doon niya pa lang isinoli sa akin ang cellphone ko.

Handa ako sa mga sigaw at mura na maririnig ko mula sa mga magulang ko, dahil kailanman, ay hindi ako umuwi nang ganito ka-late simula noon—ngayon lang. At wala akong pinagsisisihan.

"Bakit ngayon ka lang?!" sigaw sa akin ni Mama oras na makapasok ako ng bahay. "Mary, anong oras bang uwi 'yan?! Oras ba ng uwi ng matinong babae 'yan?!"

Napayuko ako, dahil sa sobrang guilty, at kasalanan ko naman talaga.

"S-Sorry, Ma..."

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga text at tawag namin?! Kanina pa kami nag-aalala sa 'yo!"

Napapapikit ako sa tuwing naririnig ko ang malakas na sigaw sa akin ni Mama, at alam kong nararapat lang para sa akin 'to, dahil nagkamali ako.

"Hindi ka naman ganiyan dati, ha?" muli ay sigaw ni Mama ngunit mas mahinahon na kaysa sa kanina.

Nangilid ang luha ko sa sinabi ni Mama. Parang nasaktan ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Pero wala akong maisagot. Ayaw ko pa rin ipaalam ang tungkol kay Gian sa pamilya ko dahil hindi pa naman kami, at isa pa, hindi sa ganitong sitwasiyon ko ipapaalam sa kanila ang tungkol kay Gian.

"Siguraduhin mo lang na hinding-hindi na mauulit 'to, Mary!"

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay padabog na tumalikod si Mama sa akin at pumasok sa kuwarto nila ni Papa.

Nakahinga ako nang maluwag dahil buong akala ko ay higit pa roon ang maririnig ko. Pero sigurado akong hindi pa rito natatapos ang mga galit nila sa pag-uwi ko nang gabing-gabi.

Pero bahala na. Saka ko na iisipin 'yon. Ang mahalaga naman ay naging masaya ako sa mga oras na iyon. Ang mahalaga ay narito na ulit si Gian, at hindi na ulit ako matatakot at mag-aalala tungkol sa mga bagay.

Continue Reading

You'll Also Like

170K 4.7K 25
His game is already over. Will she play again? | ©️2016 - Cover made through CANVA
Hello, Lili By Babi✨

Science Fiction

3.9K 161 13
The time goes to the future where life is vain in technologies, where history is important and inventors from the past were distinct. Time travel bec...
1.4M 44K 44
Rich and rebellious, Euphemia Villasenor only wishes for her father's attention and love. But when things get out of hand and she's finally pushed to...