Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

38.6K 2K 764

• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

13

461 28 5
By marisswrites

     

Few days have passed after that night, I became more confident with him. I became happier and more dependent with him. And I know that it's all because I opened up my past with him. I finally talk about that thing after so many years.

Noo ay nagkaroon kami ng usapan na kung sino ang opening ang schedule sa aming dalawa ay kailangang maaga na matulog. Bawal kaming lumampas ng 11:00 PM.

Ako ang opening bukas.

"Baby, malapit nang mag-11:00 PM." Paalala niya.

"No, I still want to talk to you," I said, being so cringe-worthy. I am sure that Archer is so disgusted now if he ever heard me. I laughed at what I imagined.

He chuckled huskily. I felt the heat on my face because of that. How can someone sounds so sexy just because he laughed?

"Ako rin naman. Pero may usapan tayo, remember?"

I can imagine his eyebrows wiggling. "Baby naman..."

He sighed. "Hindi na kita matiis, ha?" he chuckled. "Kapag tinanghali ka ng gising, humanda ka sa akin!"

"Anong gagawin mo?" kunwari ay pananakot ko sa kaniya.

"L-Lagot ka lang sa akin," he said.

I laughed. "Wala ka naman palang gagawin, eh."

"Ahh, gusto mo may gawin ako?"

"Wala akong sinabi!" I said, defensive, while laughing.

"Hmm, naalala mo 'yung nasa beach tayo?" bigla ay naramdaman kong nag-init ang mukha ko nang maalala ang first kiss naming dalawa. "Gusto mo nang mas grabe pa do'n?" pang-aasar niya pa.

"Tumigil ka, ha?" I laughed.

"Baby, dapat kapag na-late ako sa opening, gagawin mo sa akin 'yon, ha?"

Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. "Baliw! Manigas ka d'yan!"

He laughed. "Baby, parang gusto kong magpa-late sa opening kong schedule."

"Para kang timang, tigilan mo ako, ha?" sabi ko habang tawa nang tawa.

I heard his cute giggle and it made me laugh even more. "Excited na akong mag-opening, baby..."

I can clearly imagine his wide smile and wiggling eyebrows. Tawang-tawa ako.

"Sira ka!" I laughed nonstop. "Bahala ka d'yan, matutulog na ako!"

He laughed. "Good girl."

"Bwisit!"

"Gusto pa kasi 'yung tinatakot, eh." he said while laughing.

"Hindi pa kasi ako inaantok."

"But you need to sleep, baby."

"Oo na nga, matutulog na!"

He chuckled. "Good night, Baby. Sweet dreams. Sleep tight."

"Good night din, baby."

And before the call ends, I heard a sound of kiss from him.

And that's how he always makes me sleep early, kasi alam niyang awkward ako sa ganoong usapan. That's also how he gave me a very good night because his voice always calms me. I love to hear his voice every day and night. I can live with it.

***

Pinatawid ko siya.

Pinabasa ko ang sarili ko sa kaniya.

Pero hindi ko napansin...ako pala ang hindi pa nakaka-kilala nang lubos sa kaniya.

Nadala ako sa mga matatamis niyang salita, at akala ko, ako ang may mataas na pader sa aming dalawa, dahil ako 'yung taong hindi palasalita kapag magkausap kami, at siya itong madalas magkuwento.

Pero hindi ko napansin...wala akong alam sa nakaraan niya.

Nalaman niya ang nakaraan ko nang hindi ko nalalaman ang nakaraan niya.

Nauna akong magbaba ng pader, nang hindi napapansin na mas mataas pala ang sa kaniya.

Hindi ako nakikipag-pataasan ng walls at pride sa kaniya. Masiyado lang akong nadala sa kaniya at sa mga salita niya, na buong akala ko, ako itong nagmamataas. Ako itong ayaw magpapasok sa buhay ko.

Pero nakapasok nga ba ako sa buhay niya?

Paano ko masasabing nakapasok ako sa buhay niya kung wala akong alam sa nakaraan niya?

Bukod sa pangalan, edad, trabaho, tirahan, at ugali niya, wala na akong alam sa kaniya.

Nagkamali na naman ba ako?

Hindi na naman ba naging tama ang pag-o-obserba ko sa isang tao?

May nakalimutan na naman ba ako? Oo...nagkamali na naman ako.

Nagtiwala na naman ako sa taong hindi na naman ako sigurado.

It's been two weeks since that night at the river side, and I don't know why, but I am becoming more and more dependent on him.

Minsan ay hindi kami nagkausap ng isang buong araw dahil nagkaroon siya ng problema sa pamilya niya, at kinailangan niyang umuwi...at hindi ko siya nakausap o nakita man lang ng isang buong araw.

I can't believe myself for crying. I mean, I understand because he needs to attend to his family's matters. Panganay siya, eh. Talagang aasahan siya sa kanila kapag may problema.

But the sadness inside me is so vivid; you can clearly see it in my eyes.

"Ano bang nangyari, Frenny? Hindi ako sanay nang tahimik ka sa trabaho. May problema ba?"

It's the second day, at wala pa rin siyang paramdam. Hindi rin naman siya nagpaalam sa akin na hindi kami magkakausap nang ganito katagal. Akala ko kasi, aalis lang siya, pero hindi pala. Hindi rin pala kami magkakausap.

"Wala naman akong problema, Frenny. May days lang talaga na hindi tayo jolly, 'no." I chuckled as I continued eating my lunch in the pantry.

"Hmm, si Gian ba?" I shook my head but he just rolled his eyes on me. "Hmm, ingat ka, Frenny. Ikaw na nga ang nagsabi, walang kayo. Pero ngayon pa lang, nagkaka-ganyan ka na dahil sa kaniya."

"Hindi dahil sa kaniya 'to..."

"Kahapon pa kita nakikitang nakaabang sa cellphone mo tuwing breaktime mo. Dati-rati lang, magkausap kayo kapag gano'ng oras. So, anong ibig sabihin no'n?"

"Busy lang siya sa family niya, and I understand that."

"Naiintindihan mo, pero naiintindihan ba ng puso mo?" I didn't answer. "Frenny, kaibigan kita, at ayokong masaktan ka. Pero sa nakikita ko ngayon, hindi healthy, eh. Wala kayong relasiyon, kaya wala kayong karapatan sa isa't-isa. Wala kang karapatang magalit sa kaniya kapag 'di ka niya na-contact kasi hindi ka naman girlfriend, wala kang karapatang mag-demand. Hindi ka puwedeng magselos kapag 'yan nagkaroon ng iba habang may unlabeled relationship kayo sa isa't-isa, kasi, wala nga kayong label. Wala kayong relasiyon."

Nahigit ko ang hininga ko sa sakit na naramdaman ko nang marinig ang lahat ng iyon.

"Frenny—"

"Kaibigan kita, at sobrang importante mo sa akin, kaya ayokong masaktan ka. Kaya, kung hindi niyo naman bibigyan ng karapatan ang isa't-isa...habang maaga pa, itigil mo na. Kasi ako, hindi ako naniniwalang may lalaking kayang mag-stay sa isang relasiyong walang label.

"Hindi ako naniniwalang kaya ng lalaking maghintay hanggang sa mawala 'yang mga issue ng isang babae sa buhay niya. Kasi ako, lalaki ako, eh. Frenny, kahit pusong-babae ako, lalaki pa rin ako, at alam ko ang takbo ng utak ng mga lalaki."

"Neil..." I said when I couldn't take the pain I am feeling anymore.

"Frenny, hindi maganda ang dulot sa 'yo ng kung anong mayroon sa inyong dalawa. Kung hindi mo bibigyang linaw ang namamagitan sa inyo, itigil mo na. Kasi kung hindi, ikaw lang din ang mahihirapan. Ikaw lang din ang magsu-suffer, dahil ang mga lalaki, madaling makahanap ng kapalit. At kayong mga babae...hindi."

Ngumiti ako sa kaniya kasabay ng pagpigil ng mga luha ko.

"Frenny, okay lang ako. Huwag kang mag-alala sa akin, alam ko sa simula pa lang kung ano ang pinasok ko. Kaya ko ang sarili ko."

Nagbuntonghininga na lang siya at hindi na nagsalita pa nang mapansing ayaw ko nang pag-usapan ang bagay na iyon. Tinapos na namin ang kinakain namin.

***

Kinabukasan, wala pa rin paramdam si Gian. Natatakot naman akong tumawag dahil baka mamaya...busy siya. Pero nag-aalala din kasi ako sa kan'ya. Baka mamaya ay kung ano na ang nangyari sa kan'ya.

Nang makauwi ay nagbihis ako at kumain, tsaka tumawag sa best friend ko na busy rin sa mga problema sa trabaho at girlfriend.

"Para na ba akong tanga?" I asked Archie as we talk over the phone.

"Dahil naghihintay ka sa kaniya? Hindi."

"Bakit kasi walang paramdam?" I asked as I lie on my bed. I played with my free hand.

"Anong malay natin, baka hindi ka niya kayang harapin dahil may mas malaki pala siyang problema, hindi ba?" Archie said. I heaved a sigh.

I don't know what to say.

"Ilang araw na ba?" he asked.

"Three days..."

"Sinubukan mo na bang tawagan?" I did not answer. "Hindi pa?"

"Do I have the rights, Archie?"

"Bakit kasi hindi mo pa lagyan ng label para hindi ka nahihirapan?"

Sumikip ang dibdib ko sa itinanong niyang iyon. 'Yun na lang ba ang natitirang paraan?

"I can't... hindi pa puwede. H-Hindi ko pa kaya."

"Alam mo, kung magkaka-ganyan ka sa tuwing wala kayong communication, itigil mo na."

Nangilid ang luha ko sa sinabi niya. "Ayoko."

"Ayaw mo ng label, ayaw mo rin mag-initiate na kausapin siya. Hindi por que babae ka, hindi ka na magfi-first move. Mary, mutual ang nararamdaman niyo sa isa't-isa. Nagkaaminan na kayo. You also need to make a move if you want to talk to him."

My tears fell. "I'm scared," I said as I wiped my tears.

"Itigil mo na lang 'yan, Mary. Hindi maganda dulot sa 'yo ng ganiyan."

"Ayoko nga. Hindi ko na kaya. Ngayon pa ba kung kailan hulog na hulog na ako?" I said with shaking voice.

Sumisikip ang dibdib ko kapag sinasabi nila 'yon. Kung hindi label ang sagot, kailangan ay itigil. Hindi ba puwedeng wala ang label at ipagpatuloy? Tutal ay nasimulan naman na.

"Sabi ko naman sa 'yo, mag-ingat ka, eh."

"Nag-ingat ako. Pero paanong gagawin ko kung gusto ko na talaga siya? Kapag sobrang dependent na ako?" I let a sob from my mouth.

"Mary..."

Hindi na ako nakasagot pa kasi umiyak na lang ako nang umiyak.

"Wala ba siyang kahit na anong text sa 'yo?"

"Wala..." I answered.

"Do you think it's worth it?" I didn't answer. "Do you think, okay pa na magpatuloy kayo? Because I don't think so anymore. Kung ayaw mong itigil, lagyan mo na lang ng label, Mary. Mas mahirap pa 'yang pinasok mo, eh."

"Hindi naman tama na sumuko ako nang dahil lang sa isang miscommunication. Ngayon lang naman siguro 'to. And baka... baka sobrang miss ko lang siya kaya nagkaka-ganito ako."

I heard him sigh. "If... If you think it‟s not healthy anymore, leave, okay? If he still continues to treat you like that, stop. Never settle for less; you deserved better."

I nodded even though I know he won't see it. Marami pa siyang kinumusta sa akin nang mailihis na kay Gian ang usapan. Maging ako ay kinumusta ko na rin siya dahil ilang linggo na kaming hindi nagkikita.

I kinda miss his company. I miss my best friend.

***

After I talked to Archie, kinabukasan ng umaga, I tried calling Gian's number, pero nakapatay ang cellphone niya. Nag-aalala ako, kasi hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kaniya at kumusta na ba siya. Kung maayos na ba ang problema niya o ano nang ginagawa niya.

Pero paano ko malalaman kung kumusta na siya? Wala ngang signal ang cellphone niya. Hindi ko alam kung nakapatay ba ang cellphone o wala lang signal, dahil sa tuwing tinatawagan ko ito, laging cannot be reach. I heaved a sigh.

I've decided not to contact him. I'll just wait for him until he arrives. Kung hindi naman siya darating...siguro, tatanggapin ko na lang na hanggang dito na lang kami.

Simula noong nagpaalam siya sa aking uuwi sa kanila, araw-araw, pumapasok ako sa trabaho ko nang parang wala lang. Dati-rati, bago ako pumasok ay nakapag-usap na kami sa cellphone, o kung hindi naman ay susunduin niya ako at ihahatid sa workplace ko.

Kapag lunchbreak ko, ngayon, kumakain lang ako at pagkatapos ay matutulog. Pero dati, hindi ko naman ginagawa ang matulog talaga, kasi lagi kaming magkausap.

Kapag uwian, dati, may nababasa na kaagad akong texts na mag-iingat ako sa pag-uwi, o kung hindi naman ay nasa labas siya ng building, naghihintay, dahil lalabas kami para uminom ng kape, at mag-stroll lang sa kung saan kami abutan ng gas ng motor niya. Ngayon, diretso bahay na lang ako.

At kapag matutulog na ako, hindi puwedeng hindi ko maririnig ang good night, sweet dreams niya, lalo na ang halik na ipinaparinig niya sa akin sa kabilang linya. Ngayon ay natutulog akong walang narinig na kahit na ano mula sa kaniya.

Ang sakit...

Bakit kailangang maging ganito ako ka-dependent sa kaniya?

Mahal ko na ba siya? Hindi ko alam. At ayoko pang malaman.

Hindi pa ako handang malaman at makumpirma sa sarili kong nagmamahal na ulit ako, dahil natatakot akong baka masaktan na naman ako...baka mawasak na naman ako. Ngayon pa nga lang na ilang araw pa lang siyang nawawala at walang paramdam ay nahihirapan na ako...nawawasak na ako.

Ngayon pa lang ay nahihirapan na ako.

Ang OA ko ba kung ganito ang nararamdaman ko ngayon?

For so many months, six months to be exact, siya ang laging kasama ko, kausap ko sa bawat oras na puwede ako sa araw-araw, 'yung taong laging hawak ang kamay ko...masisisi niyo ba ako kung maramdaman ko ang lahat ng ito?

Alam kong wala naman kaming relasiyon, at wala akong karapatan sa lahat ng nararamdaman ko ngayon...pero hindi ko kayang may umaalis, eh. Hindi ako 'yung taong sanay nang naiiwanan, dahil kahit gaano karaming tao ang umalis sa buhay ko, hinding-hindi ako masasanay sa sakit na nararamdaman ko.

Hindi ako kasing-tatag tulad ng ibang tao na...kapag may umalis, kaya nilang ituloy ang buhay nila na parang wala lang...na normal lang.

Hindi kasi ako magaling mag-handle ng pain...dahil tulad ng inamin ko kay Gian, may separation anxiety ako, at kung cool para sa mga kabataan ngayon ang may karamdamang ganito, tulad ng depresiyon na talamak na ang paggamit ng salita sa social media ngayon, hinding-hindi ko gugustuhin ang pagkakaroon nito.

Kung puwede lang na hindi maramdaman lahat ng nararamdaman ko ngayong wala si Gian, sana hindi ko na lang maramdaman. Kasi ayoko nito...ayokong-ayoko ng pakiramdam na nag-aalala at natatakot na baka isang araw...hindi na siya bumalik.

Baka isang araw...tuluyan na siyang mawala sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

147K 13.4K 113
ABS Adventures - 10/21/2022 - 02/08/2023
1.7K 237 9
Transferring to several schools because of his family's business and getting adored by random strangers for his handsome Westerner features, Jonas St...
36.1K 725 32
How #1 of How Trilogy Paano ba magmahal? Was it really learned at all? Are there steps, guidelines, and requirements for it to be learned? Para ba it...
1.6M 63.1K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...