Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

38.6K 2K 764

ā€¢ Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL ā€¢ Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

08

621 42 17
By marisswrites



Hindi ako pinagalitan ni Mama noong gabing-gabi na ako nakauwi dahil kilala naman niya si Archie. Isa pa, nag-text din ito sa kan'ya na mali-late ako ng uwi. Mabuti na lang din talaga, kasi hindi ko kakayanin na mapalitan ng lungkot at guilt ang perpektong gabi kong 'yon kasama si Gian.

Indeed, I am being the happiest with him. Ang hirap nang itanggi . . . kahit sa sarili.

Totoo nga pala na kapag hinayaan mo ang sariling sumaya sa isang tao—nang hindi pinipigilan ang sarili—gaano man kababaw ang dahilan, magiging sobrang saya ka.

Makalipas ang ilang araw, nagpaalam siya sa akin, isang gabi, na iinom siya kasama ang mga katrabaho.

"Birthday ng katrabaho ko eh," paliwanag niya habang nagdi-drive para ihatid ako sa bahay. "Siguradong may inuman 'yon. Okay lang ba?"

Napakunot-noo akong natatawa. "Ha? Oo naman. Hindi mo naman kailangang magpaalam sa akin."

He chuckled. "Kailangan 'yon, Mary! Kailangan."

"Bakit?" natatawa kong tanong.

He laughed. "That's what couples do. Kailangang ipaalam sa partner nila ang ginagawa at pinupuntahan nila."

I laughed. "Baliw ka, hindi naman tayo, eh."

"Ay, oo nga." He laughed. "But I still want you to know my whereabouts. I still want to update you with everything."

Pinigil ko ang ngiti habang nasa likod niya. Hindi naman na ako makikita dahil naka-helmet kami pareho pero nagpigil pa rin talaga ako. Feeling ko kasi, maririnig niya ang mahina kong tawa kapag hindi ko ginawa 'yon. Mahalata niya pang ngiting-ngiti ako.

"Bahala ka, wala namang problema sa akin. It's your life anyway."

Nang nasa kanto na kami, nagpababa na ako dahil ayaw kong makita siya sa bahay at ng mga kapit-bahay namin. Ayokong maging headline ng chismis nila. Aware na rin naman siya doon, kaya lagi niya akong ibinababa sa kanto. Mabuti nirerespeto niya kahit minsan, alam kong gusto niyang ihatid ako hanggang sa harap ng bahay.

"Salamat, Gian."

He smiled, pinching my cheek slightly. "Sige na, pasok ka na."

"Ikaw rin, ingat ka sa pag-drive. Enjoy kayo, 'wag ka magpaka-lasing, magdi-drive ka pa."

He chuckled. "Mary, kinikilig na ako, ha?"

Natawa ako sa itsura niya habang sinasabi 'yon. "Tumigil ka nga! Sige na."

Nagsimula na akong maglakad papasok sa kanto pero hindi ko pa rin naririnig ang tunog ng pag-alis ng motor niya. Muli akong lumingon. Nakita ko siyang nakapangalumbaba sa motor niya habang pinapanood akong maglakad papasok sa kanto.

"Sige na, alis na!" sabi ko, kunwari'y itinaboy siya.

He just laughed before waving at me and left.

Sumasaya ako. Ang saya ko sa tuwing kasama ko siya. Parang may mali, eh. Hindi ako sanay na may nag-e-effort para sumaya ako. Sanay akong tanging mga kaibigan at pamilya ko lang ang source of happiness ko.

Pero ang saya ko ngayon, na pakiramdam ko may mali . . . kasi hindi pa ako nalungkot nitong mga nakaraang araw at linggo. Parang . . . parang any time, babawiin sa akin ng tadhana 'yon at hahagupitin niya ako ng matinding kalungkutan bilang kabayaran sa pagiging masaya ko these past few days and weeks.

Nang makauwi ako, dumeretso ako sa kuwarto para magpahinga. Hindi ko kasi kayang kumain kaagad pagkauwi. Pahinga ang unang hinahanap ng katawan ko.

Nang makapag-bihis na ako ng pantulog, nahiga ako saka in-unlock ang cellphone. Nakita kong may text doon si Gian.

Gian:

Baby

Hindi ko napigilan ang pagngiti nang mabasa 'yon. I replied.

Me:

Lol

Gian:

Kain ka na, baby

Me:

Lasing ka na kaagad?

Gian:

Kadarating ko lang dito baby

Tuluyan na akong natawa dahil doon.

Me:

Lol what's with the baby???

Gian:

I want to call you baby from now on. Can I?

Me:

Haha. But we're not a couple.

Gian:

We're acting like one

Me:

I don't want us to be a couple yet haha

Gian:

Ayaw mo sa akin? :(

I bit my lower lip and chuckled as I saw his cute little sad emoticon in his text message. Nag-type ulit ako ng reply sa kan'ya.

Me:

I already told you, I don't do commitments just because we like each other.

Gian:

Yeah, I know. Haha. I'm just kidding. This is enough for me, for now. ;)

Gian:

Baby. ♥

Hindi ko alam kung bakit natatawa ako, and at the same time, kinakabahan, kapag nababasa ko ang tawag niyang 'yon sa akin. Bakit niya biglang naisip na tawagin ako n'on? Hindi ako yung klase ng tao noon na magugustuhan ang call sign na gano'n ka-corny. Sobrang nagki-cringe pa nga ako dati kapag tinatawag ako ng ex ko ng mahal, tapos ito namang si Gian, baby ang itinawag sa akin.

Mukha ba akong sanggol?

Gian:

I'll call you later baby ♥

"Putek talaga," bulong ko sa sarili ko kasabay ng paghagalpak ng tawa.

Hindi ko na siya ni-reply-an dahil sobra akong nagki-cringe and ayoko naman sabihin 'yon dahil baka ma-offend siya. Mukhang masaya pa naman siya, nakakahiya namang sumira ang mood. Might as well, just ride on it. Wala namang mawawala . . . at kaibigan ko naman si Gian. Hayaan ko na lang siya sa trip niya, kung yun ang gusto niyang maging tawagan namin.

Isa pa . . . nakaamin naman na kami sa isa't isa. Okay lang siguro 'to.

Lumabas na ako ng k'warto at kumain ng hapunan. Ako na lang ang hindi kumakain sa amin dahil alam din nilang hindi kaagad ako kumakain pagkauwi galing trabaho.

Matapos kong kumain, nakinood lang ako ng TV kasama ang pamilya ko. Nang matapos na ang pinapanood na series tuwing gabi, bumalik na ako sa k'warto para magpahinga. Pagkahiga ko, binuksan ko kaagad ang cellphone. Mahigit isang oras lang akong nawala, ang dami ko na agad na-receive na text galing sa kan'ya!

Gian:

Baby we're drinking now.

Gian:

Kumain ka na?

Gian:

Hmm, hindi ako nire-reply-an ng baby ko.

Gian:

I miss you already.

Gian:

Baby I miss you.

Gian:

Hmmm, ayaw ako reply-an ng baby ko.

Gian:

Baby naman e. :(

Gian:

Baby. :(

Gian:

Balakadyan. :(

I also saw a few missed calls from him at ewan ko ba kung bakit pero parang naging mas bata siya sa paningin ko simula noong tinawag niya akong baby. Tapos nagta-tantrums pa sa text. Parang bata talaga, eh.

But these little things really makes me happy, I cannot hide that. Ang childish pero bakit natutuwa ako? Hindi ko gusto dati ang mga ganitong kalandian, mga tawagan na sobrang sweet. I don't like endearments, but why does Gian makes me want to do it?

What did he do to me that I can ride with everything he wants?

Since I've decided to ride on whatever he wants, subukan ko kayang tawagin siyang gano'n?

I replied, biting my lower lip to stop myself from giggling.

To Gian:

Sorry, baby, kumain ako.

Ilang saglit lang matapos kong i-send 'yung text na 'yon, nakita kong tumatawag na siya sa akin. Natawa ako, dahil sigurado ako, gusto niyang marinig 'yon mula talaga sa akin. Sinagot ko 'yon habang kumakabog ang dibdib sa bilis at lakas ng tibok ng puso.

"Hello . . ." I covered my mouth with my hand to stop myself from bursting a laugh.

"Okay lang sa 'yo?" tanong niya kaagad.

"Uhm . . . alin?" kinagat ko ang sarili kong palad para mapigilan ang pagtawa ko.

"Na tawagin kitang gano'n?"

I gulped. "Oo naman, wala namang mawawala sa akin. Parang 'yon lang, issue na ba 'yon?" sabi ko na para bang hindi ako nagpipigil ng tawa at kilig ngayon.

Pero kung maririnig ni Archie ang lahat ng sinasabi ko ngayon, sigurado akong pinagtatawanan niya ako dahil alam niyang I was never this kind of person who likes these kinds of cheesy things.

"W-Wow . . ." He chuckled. "Akala ko ayaw mo, eh."

"Ayaw mo na bang tawagin kita sa pangalan mo?" I asked.

"Hindi mo lang alam, pero yun ang pinakamagandang salita na naririnig ko mula sa 'yo. Yun ang favourite part ko ng sentence mo."

I laughed. "Sus. Ayan ka na naman."

"Sabi ko nga sa 'yo, walang problema kung masasanay ka. Hindi naman ako titigil."

I sighed as I smiled. "Hindi naman natin masasabi kung hanggang kailan yung sinasabi mong hindi ako titigil. Paano kung hanggang mamaya lang pala 'yan? Tapos expired na bukas . . ." I chuckled.

He sighed. "Okay, fine. Ganito. Hindi ako mangangako about sa bagay na 'yan, because totoo nga naman na hindi natin alam kung hanggang kailan tayo may nararamdaman sa isa't isa o kung tayo na talaga. Mary, baby . . ."

I laughed, hindi ko na napigilan, pero hindi niya ako pinansin at itinuloy na ang sinasabi.

"Ang hiling ko sa 'yo, can you just live with the present? P'wede bang, kapag tayong dalawa, ang isipin na lang natin ay yung ngayon at hindi ang mga mangyayari sa mga susunod na araw?"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nawala ang mga tawanan na kanina ay pinipigilan ko pa. Ngayon, para akong tinamaan sa sinabi niya.

Una, dahil nakaramdam ako ng kirot sa puso ko noong um-agree siya sa part na hindi namin alam kung hanggang kailan 'yong hindi niya titigil. Pero mas okay naman 'yon kaysa paasahin namin ang isa't isa sa mga bagay na walang kasiguraduhan.

Pangalawa, nasaktan ako noong siya na ang nagsabi ng maaaring mangyari sa hinaharap, noong sinabi niyang hindi naman namin alam pareho kung hanggang kailan kami may mararamdaman sa isa't isa.

Parang naramdaman ko doon yung nararamdaman ng isang importanteng tao sa akin kapag ako ang nag-o-overthink ng mga p'wedeng mangyari sa future.

Ganoon pala ang pakiramdam . . . ang sakit pala.

At pangatlo . . . nahiya ako para sa sarili ko dahil sa huli niyang sinabi, dahil bakit ko nga ba paulit-ulit na iniisip ang mga puwedeng mangyari sa hinaharap? Sinisira ko ang masayang kasalukuyan namin sa sobrang pag-iisip ng mga bagay na hindi pa naman nangyayari.

"Alam ko na ang susunod na sasabihin mo."

Naiwala ko ang mga naiisip ko nang magsalita siya. "H-Ha?"

"Sorry."

"Ahh . . ." I awkwardly laughed. Napakamot ako sa ulo.

"In a short period of time, I get to know better about you. You love saying sorry when you feel that the person you're talking to is so right, you couldn't argue anymore. Isa pang reason ng pagso-sorry mo . . . sa tuwing sinusubukan kong buksan ang topic kung saan mas p'wede kitang makilala, siyempre, dahil ayaw mo, magso-sorry ka kasi hindi ka pa handang ipakilala ang sarili mo sa akin."

Baka nga tama siya?

Bakit ba ayaw kong ipakilala sa kan'ya ang sarili ko? Dahil ba natatakot akong baka dumating ang araw na umalis rin siya matapos ibaba ang walls ko para sa kan'ya?

Pero sabi nga niya, mabuhay kami sa kasalukuyan at huwag naming isipin ang p'wedeng mangyari sa mga susunod pang mga araw.

"Gian . . . komplikado akong tao."

"I know."

"Aali—"

He sighed. "Mary, stop there. Hindi ako aalis."

I chuckled. "I'm sorry. Ang kulit ko."

"It's okay. Ikaw 'yan, eh."

I gulped. "Gian . . . dito ka lang, ha?"

"Ha?"

I smiled as I played with my hand while talking to him on my phone. "Dito ka lang sa akin. 'Wag kang aalis."

He chuckled. "I will not. Hindi ako aalis. I'll stay by your side."

"Promise?"

And then I remembered, he said he'll not make a promise so that none of us will expect too much from each other.

He chuckled. "Okay, promise. Dito lang ako, baby. Hindi ako aalis, okay?"

I laughed. "Sorry, ha? Natatakot kasi ako, eh."

"Sorry na naman? Saan?"

"Sa paulit-ulit na paghingi ng assurance na hindi ka aalis."

Tumawa siya. "Okay lang 'yon, baby. I understand."

Nag-init ang mukha ko sa muling pagtawag niya sa akin n'on.

"I-I'll try not to be that person anymore . . . for you . . . b-baby."

Nakagat ko ang ibabang labi nang tinawag ko siyang gano'n. Uminit ang buong katawan ko dahil ako ang nahihiya para sa sarili. Hindi na yata ako masasanay talaga.

I heard him chuckle. "Gusto ko tuloy umalis dito at puntahan ka para lang makita ang itsura mo sa tuwing tinatawag ako niyan."

I laughed. "'Wag na, d'yan ka na lang!"

He laughed, too. "I can't wait to see you tomorrow."

Napakunot-noo ako. "Magkikita na naman tayo bukas?"

Masyado na yata akong nasasanay?

"Oo naman."

I laughed. "May ano?"

"Wala lang. Gusto lang kitang makita."

People may think that we were always seeing each other but we're not. Gusto niyang lagi akong hinahatid pero ayoko nang gano'n. Gusto niya rin na palagi kaming magkasabay mag-lunch at mag-coffee break, pero bihira ko na lang ibinibigay sa kan'ya 'yon dahil may mga kaibigan pa ako sa workplace na gusto rin akong kasama.

At isa pa, hindi naman kailangan na palagi kaming magkasama. Palagi na ngang magkausap sa lahat ng oras na p'wede at libre, eh.

Ayokong laging masanay sa presensya niya. Ngayon pa nga lang, nasasanay na ako na lagi kaming magkausap. Gusto ko na hanggang doon na lang muna 'yon sa ngayon.

"Sus." I bit my fingernails.

He sighed. "Matutulog ka na, baby?"

I chuckled as I felt my cheeks heated. "Hindi yata ako masasanay d'yan, ah?"

"Masasanay ka rin. Sasanayin kita."

We both chuckled.

"Anyway, baby, matulog ka na. Opening ka bukas, 'di ba?"

"Oo. And mauuna akong umuwi kaysa sa 'yo." I laughed.

"Parang gusto ko rin mag-opening, ah?" he chuckled.

Ngumuso ako para mapigilan ang pagtawa. "Hindi ka magigising nang maaga, sigurado akong malalasing ka."

Hindi talaga nawawala ang tawanan sa usapan namin ngayong gabi and this is one of the lightest and favourite nights I have with him.

I am trying so hard not to think about what will happen to the both of us in the future, but seeing me now, knowing what I feel right now, I am happy . . . damn happy.

I am becoming so dependent with him. I can't go on a day without talking to him. Nalulungkot ako kapag hindi ko siya nakakausap.

At ang mga ganitong oras na kausap ko siya, nang pareho kaming masaya, ang hirap . . . ang hirap i-let go yung taong ginawang espesyal ang mga araw at gabi mong dati nama'y normal lang.

"Baby, go to sleep now."

"Yes po," I answered. "'Wag magpapaka-lasing, ha? Magdi-drive ka pa."

"Yes, baby. Tulog na ikaw."

"Sige."

"Good night."

"Good night din."

"Sweet dreams, baby. Sleep tight."

And then I heard a kiss from him on the other line. I chuckled, and so did he.

"Sige na, patayin mo na," he said.

"Okay, good night."

And then I hung up.

I've never prayed to God for someone to stay with me, because losing people means they aren't meant for me . . . that there are more people I am going to encounter in the future and God just wants the best for me. That . . . he's just reserving me for a guy that I truly deserved.

Pero bakit ngayon, ipinagdarasal ko na sana mag-stay siya sa akin? That he'll keep me the same way I wanted to keep him? Why do I suddenly want to be selfish for him?

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
36.1K 725 32
How #1 of How Trilogy Paano ba magmahal? Was it really learned at all? Are there steps, guidelines, and requirements for it to be learned? Para ba it...
10.4K 554 83
Rebecca Allison Brandt, a young fashion model and writer who suffered from an ultimate heartbreak when she broke up with her long time boyfriend. She...
2M 92.3K 43
SIS (Social Issue Series) #4: Bullying They say that beauty is a luxury. That good looks is the only privilege that matters. That the world is only...