Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

39.1K 2.1K 764

ā€¢ Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL ā€¢ Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

07

681 49 8
By marisswrites



Tulad ng sinabi niya, hindi siya umalis. Hindi rin nagbago ang pakikitungo niya sa akin. We talked everyday on our free time and every night hanggang sa bago kami matulog pareho.

Lagi niyang itinatapat ang lunchbreak at coffee break niya sa lunchbreak at coffee break ko nang sa gano'n daw ay magkasabay kaming kumain o makausap niya ako kung ayaw kong sumabay sa kan'yang mag-lunch.

Bigla kong naalala 'yung sinabi niya noong first meeting namin officially . . . na kapag nakuha ng isang tao ang interes niya, gusto niya lagi itong kausap.

Yun ang alam kong ginagawa niya sa akin ngayon.

Hindi ko pa rin malaman sa kung ano ang mayro'n sa akin para makuha ko ang atensiyon niya. Hindi ako kontento sa mga dahilan niya. Feeling ko kasi, na-cha-challenge lang siya sa akin dahil sa pagiging iba ko sa mga babaeng madalas niyang nakakasalamuha . . . tulad ng sinasabi niya sa akin.

Pero paano kung wala na ang challenge na naramdaman niya sa akin? Ibig bang sabihin n'on, mawawala na siya sa akin? Paano kung dumating ang araw na bumigay na rin ako sa kan'ya, mawawalan na ba siya ng gana kasi hindi na siya challenged dahil nakuha na niya ako at ang tiwala ko?

Bigla akong nakaramdam ng takot.

Pero sa mga araw, linggo at buwan na nagdaan, sa sobrang dami ng hindi magagandang palaisipan ang pumasok sa isip ko, lahat ng 'yon binalewala ko kasi sumasaya ako kapag kasama at kausap ko siya.

Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang mga sinabi sa akin ng manager ko noong nag-field work kami . . . na wala namang masama kung hahayaan kong sumaya ang sarili ko sa bagay . . . o sa tao.

Kung masasaktan . . . hindi ko na alam.

Ngayon ko lang binalewala ang sarili kong paniniwala na huwag mag-entertain ng mga lalaking gano'n, na showy . . . na flirt in a way . . . dahil siguradong aalis din sila. Hindi sila tatagal sa akin lalo na sa ugaling mayro'n ako na punong-puno ng negativities.

Sa kan'ya ko lang binalewala lahat ng mga iniisip ko.

Sa kan'ya lang.

"Gusto kang makilala ng best friend ko," sabi ko kay Gian habang naglalakad kami at kumakain ng inihaw na mais na nabili namin sa daan.

Hinintay niya akong matapos ang shift . Nahihiya nga ako dahil day-off niya ngayon, tapos hinintay niya ako para lang magk'wentuhan nang ganito at kumain ng kung ano-ano na makita namin sa daan. Mabuti na lang mahangin kaya masarap maglakad-lakad.

"Si? Archie?" tanong niya.

I nodded. "Oo," sabi ko bago kinagat ang natitira sa inihaw na mais.

Tumawa siya. "Oo naman, sige. Kailan ba?"

"Ikaw, bahala ka. Kailan ka ba puwede?"

"P'wede naman ako sa lahat para sa 'yo, Mary," he said, smiling.

Natawa ako sa ka-corny-han niyang 'yon. "Tigilan mo nga mga banat mo, Gian."

He laughed. "Basta sabihan mo na lang ako. Inuman kami, gano'n."

Itinapon ko sa nadaanang basurahan ang pinagkainan ng mais, saka pinunasan ang kamay gamit ang panyo. Kinuha niya ang panyo sa akin at siya na ang nagpunas n'on habang naglalakad kami.

"Hindi naman malakas uminom 'yon . . ." natatawa kong sabi.

"Ay, talo kaagad siya sa akin." He laughed as he handed me the handkerchief back.

"Basta gusto ka niyang makilala."

Tumango siya. "Walang problema sa akin." He pinched my cheek.

I smiled at him. "Salamat, Gian."

Natawa siya nang bahagyang nakakunot-noo. "Bakit ka nagti-thank you? Gusto ko rin makilala ang mga mahahalagang tao sa buhay mo, Mary."

Tinawanan ko na lang siya. "Psh. Talaga lang, ha?"

Naglakad siya papunta sa harap ko saka yumuko nang kaunti, bahagya nang magkalapit ang mga mukha namin. Napatigil ako sa paglalakad dahil do'n.

"Mary, seryoso ako sa 'yo."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Palagi na lang niya sinasabi ang mga gano'n bagay. Sa totoo lang, para sa akin, hindi naman kailangang sabihin ng isang tao ang intensyon at nararamdaman niya. Tama na ang isa o ilang beses na pagbanggit pero kapag paulit-ulit na pinapaalala, nawawala yung sincerity . . . para sa akin lang naman.

His actions would speak for it, right? He does not need to repeatedly tell me that.

Minsan tuloy, naiilang ako kasi parang nape-pressure ako sa kan'ya pero ipinagsasawalang-bahala ko na lang, tutal, na-e-enjoy ko naman ang mga oras na magkasama kami. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kan'ya at lumayo dahil ayoko ng ganitong sobrang lapit namin sa isa't isa. Naiilang ako.

Pero kahit na hindi ako sanay ng malapit kami, gusto ko 'yon . . . at natutuwa ako sa tuwing niyayakap niya ako . . . kahit na alam kong sobra na 'yon para sa aming dalawa. Nasasanay na rin ako.

"Tss, oo na."

"Ayaw mo pa rin maniwala?" pang-aasar niya nang sinundan niya ako.

Lumingon ako sa kan'ya at ngumiti. "Naniniwala na ako, Gian."

He chuckled before slightly tapping my head. "Good."

Tumingin ako sa kan'ya saka siya nginitian. "Huwag kang mawawala, ha?"

Hinila niya ako at niyakap nang mahigpit. "Hindi ako mawawala."

And with the cold wind that's kissing our skin, I felt the warmth in his arms.

Bahagya ko siyang itinulak at tumingin sa kan'ya. Ngumiti ako nang bahagya. "Gian, hindi ako magaling lumimot ng mga bagay na sinasabi sa akin."

Bumitiw siya sa pagkakahawak sa braso ko at ngumiting lalo.

"Then, that's good."

Umiling ako. "Hindi, eh. Kahit na maliit na bagay lang 'yan, matatandaan ko 'yan. Kung sa 'yo wala lang 'yan, kung sa 'yo hindi importante 'yan, sa akin, matatandaan ko 'yan kahit lumipas ang ilang taon."

He laughed with amusement in his eyes. "Wow, ang talas ng memorya mo, ha?"

"Hmmm . . ." I looked at him again. "Assume na natin na... 70% ng mga sinasabi mo sa akin, tatanim sa utak ko." I laughed.

"Wow . . ." He laughed. "Sana gan'yan din ako."

Umiling ako. "This is a warning, Gian, since you've decided to do that with me. I cannot easily forget everything you said and you'll be saying in the future."

He tapped my nose with his index finger. "That's better—you wouldn't forget all the things I told you . . . that you're worth it . . . you're beautiful . . . and I adore you . . . so much." He chuckled.

I laughed slightly as he put his arms around me and continued walking, talking about random and unimportant things.

***

Nangyari nga ang pagkikita ni Gian at Archie at itinapat nila 'yon mismo na day-off ko para raw nandoon ako. Iinom lang sila habang nakikikain ako sa pulutan nila sa bahay nila Archie.

Hindi naman kasi p'wede sa amin dahil hindi pa naman kilala ng parents ko si Gian. At hindi ko rin sure kung p'wede ba sa bahay nila na pumunta kami ni Archie dahil hindi naman siya nagkukwento ng tungkol do'n.

"Ma, nand'yan na po sa kanto yung katrabaho ko, pupunta lang po ako sa bahay nila Archie," pagpapaalam ko bago nagmano.

"Sige, mag-ingat. Umuwi nang maaga, ha?"

Tumango ako. "Opo."

Lumabas ako ng bahay at lakad-takbo ang ginawa ko para marating si Gian na naghihintay sa kanto. Malayo pa ako, nakita ko na siyang ngiting-ngiti habang nakasandal sa motor at hawak ang helmet, bahagya pang hinahangin ang buhok.

"Cute," he said when I finally reached him.

Tumawa ako. "Talaga ba?"

Tumango siya at inilagay ang helmet sa ulo ko. Tumingin ako sa paligid at may nakitang ilang tao pero wala namang pakialam sa amin. Tiningnan ko ang relo at nakitang 5:30 p.m. pa lang.

"Tara na?"

Tumango ako. Sumakay siya sa motor niya habang ako ay nakaangkas sa likod. Inilagay ko na ang kamay sa bulsa ng jacket niya, tulad ng palagi niyang pinagagawa. Nakita ko na parang gusto niyang kuhanin ang kamay ko sa loob ng jacket pero hindi na itinuloy. Tumawa na lang siya saka nagsimulang mag-drive.

Hindi kalayuan ang bahay nila Archie sa akin kaya naman mabilis lang din kaming nakarating. Pinindot ko ang doorbell. Mabilis niya kaming pinagbuksan.

"Oh, nand'yan na pala kayo," he said before looking at Gian beside me. Naglahad siya dito ng kamay bago nagpakilala. "Archie."

Tinanggap 'yon ni Gian nang may ngiti sa labi. "Gian."

Ngumiti si Archie sa aming dalawa nagbigay ng daan sa gate. "Pasok kayo."

Dinala niya kami sa backyard kung saan nakahanda ang metal table and bench na may mga alak, juice at pagkain. Naupo kami ni Gian nang magkatabi sa isang bench habang si Archie ay naupo sa harap.

"Kumusta naman kayong dalawa?" kaswal na tanong ni Archie habang binubuksan ang beer gamit ang isa pang beer. "Kayo na?"

Nanlaki naman ang mga mata ko sa tanong na 'yon ni Archie. "Archie!"

Tumawa siya. "Nagtatanong lang ako!"

Matapos niyang sabihin 'yon, nabuksan na ang dalawang bote ng beer. Binigyan ako ni Archie ng chuckie na nasa tabi niya sa bench dahil hindi raw ako p'wedeng uminom ng alak. Inirapan ko siya dahil do'n. Pinagtawanan naman kami ni Gian.

"Hindi pa kami," sagot ni Gian bago tinungga ang bote ng beer. "Nanliligaw pa lang ako."

Napaawang ang bibig ko nang lumingon kay Gian kasabay ng malakas na tibok ng puso ko. Lumingon siya sa akin nang nakangisi bago nag-iwas ng tingin.

Anong nanliligaw?! Wala kaming pinag-usapan na nanliligaw na siya sa akin! Hindi naman siya nagpaalam!

"Oh?" Lumingon siya sa akin nang nagtataka. "Hindi nagsasabi 'yang Mary na 'yan! Lagot ka kay Mama Mary, naglilihim ka!" Humagalpak ng tawa si Archie pagkatapos iyon.

Tiningnan ko siya nang masama bago inambaang babatuhin ng kung anong unang mahawakan ko. "Hindi naman kasi talaga!"

"Sus! Mama mo, Mary!"

Inirapan ko na lang siya bago nagbukas ng chichirya na nandoon at hinayaan silang mag-usap tungkol sa DOTA.

"Noong mas bata ako, adik pa ako d'yan. Ngayon, sa girlfriend ko na ako adik." Tumawa silang dalawa. Napapailing na lang ako talaga.

"'Yung mga kaibigan ko adik pa rin d'yan pero hindi na kami gaanong naglalaro. Noong college siguro, madalas pa ako maglaro. Ngayon hindi ko na sila sinasamahan." Tumawa si Gian bago muling lumagok ng beer.

Marami pa silang pinag-usapan hanggang sa nagdilim na. Nakikita kong nagiging mapungay na ang mga mata nilang dalawa pero hindi pa naman lasing. Deretso pa naman silang magsalita. Mas maingay nga lang ngayon.

Hinatiran kami ng mama ni Archie ng para sa dinner. Dahil abala ang dalawa sa usapan nila, ako na lang ang nagpasalamat.

Bihira lang nila akong isama sa usapan dahil pakiramdam ko, si Gian na ang bagong best friend ni Archie! Puro siya na lang kinakausap! Bihira ako tanungin, sana hindi na niya ako pinasama!

Napapairap na lang ako. Ilang sandali pa, nag-iba na naman ang topic.

Grabe, ang flexible naman nilang dalawa mag-usap!

"Pero ito, pare, binabalaan kita," tumawa si Archie, though, hindi pa naman lasing, pero mukhang malapit na kung hindi nila ititigil. "Pare, 'wag mong sasaktan ang kaibigan ko, ah? 'Tang ina." Tumawa siya. "Napakahirap makita niyan kapag nagdurusa sa sepanx niya. Hindi mo rin gugustuhing panoorin."

Tumango si Gian bago ininom ang beer. "Ayaw ko rin naman siyang saktan, kaya nga nandito ako. All I wanted is for her to be happy."

Tumango si Archie bago uminom ng beer. "De, pare, seryoso ako," lasing na sabi niya ulit.

At this point, kinakabahan na ako nang bahagya dahil nakikita kong tinatamaan na talaga siya ng alak. May pagkaprangka pa naman ang isang 'to at baka kung ano pa ang maikwento kay Gian.

"Tang ina, napaka-fragile ng kaibigan ko na 'yan. Kung sasaktan mo lang din naman, huwag mo na lang i-pursue. Kung sakaling dumating yung araw na maisip mong hindi ka naman pala sigurado sa nararamdaman mo sa kan'ya, o baka biglang nawala yung pagkagusto mo sa kan'ya . . . huwag mo na lang i-pursue muna. Gusto kong maging masaya siya, pare. Hindi ako tutol, pare. Kaso lang, ayaw ko nang makita yung dating nakita ko noong paulit-ulit na ginago siya."

Napaiwas ako ng tingin bago kumuha ng chicharon at 'yon naman ang kinain. Tahimik akong nakinig sa lahat ng sinasabi niya at pakiramdam ko, humahapdi ang puso ko dahil do'n. Hindi ko maipaliwanag.

"Sigurado ka ba sa kan'ya? Sigu—"

"Archie, tama na," pagpigil ko sa kan'ya, dahilan para mapalingon silang dalawa sa akin.

"Bakit?" kunot-noo niyang tanong.

Nagkibit-balikat ako. "Lasing ka na."

Umiling siya. "Hindi ako lasing, Mary. Beer lang 'to, oy! Huwag mo nga akong itulad sa 'yo! Baka isipin pa nitong si Gian na hindi ako marunong uminom!"

Umirap pa si tanga, mamaya bagsak 'to. Natawa na lang ako.

"Huwag ka na ngang mag-sermon d'yan, Archie, okay lang ako." I laughed.

Lumingon ako kay Gian at nakitang nasa bote lang ang mga tingin niya na para bang may kung ano siyang nakikita do'n, mukhang malalim ang iniisip.

"Archie, huwag ka nang uminom. Okay na yan. Ubusin mo na lang yan."

Napabuntonghininga siya at wala nang nagawa kung hindi ang ilihis na sa ibang bagay ang topic. Bumalik sa saya ang usapan nila at nabawasan na ang pressure na nararamdaman ko sa taong nasa tabi ko.

Napabuntonghininga ako. Hindi naman talaga pressure ni Gian ang nararamdaman ko. Pressure sa sarili ko kasi natatakot ako sa p'wedeng isagot niya. Paano kung hindi pala siya sigurado? Paano kung . . . bigla na lang din siyang magbago?

Nang matapos ang inuman, tinulungan namin si Archie na magligpit dahil gumegewang na siya at ang dami rin nilang nainom. Nakita ko rin kay Gian na tinamaan na siya ng alak dahil medyo namumula siya.

"Hindi na kita mahahatid sa bahay n'yo. Pakisabi kay Tito at Tita, pasensiya na ginabi ka," sabi ni Archie nang inihatid niya kami sa front porch ng bahay nila.

Tumango lang ako. "Okay lang, ihahatid ako ni Gian."

Hinanap ko ang mama niya at nagpaalam na uuwi na. Sinabihan kaming mag-ingat at bumalik sa susunod.

"Sige, pare, uwi na kami. Ihahatid ko si Mary." He tapped Archie's back.

Tumango si Archie at kumaway sa amin.

"Ingatan mo si Mary, pare. Madaling masaktan 'yan . . ."

Mahina ang huling sinabi ni Archie pero malinaw para marinig naming dalawa.

"Oo naman, sige."

Ibinigay na sa akin ni Gian ang helmet na sinusuot ko at isinuot ang sa kan'ya. Kumaway ulit ako kay Archie bago sumakay ng motor, hanggang sa nag-drive na palabas si Gian.

Napabuntonghininga ako bago ikinapit ang kamay ko sa loob ng bulsa ng jacket niya. Akala ko, dederetso siya sa amin para ihatid ako pero huminto siya sa 7/11 at pinaghintay ako sandali doon. Saglit lang din akong naghintay dahil lumabas siya nang may dalang dalawang kape. Ibinigay niya sa akin ang isa at naupo sa tabi ko sa motor niya.

"Salamat," sabi ko bago ininom ang kape.

Tumango lang siya at ngumiti bago ininom ang sa kan'ya.

Bagay na bagay ang napakainit na kape sa malamig na hangin na nalalanghap namin ngayon dito sa labas, ngayong pasado alas-nuwebe na ng gabi. Napabuntonghininga na lang ako sa ginhawang nadama.

"Bakit mo pinigilan si Archie sa itinatanong niya kanina?"

Napalingon ako sa kan'ya sa pagtatanong niyang 'yon. Nagkibit-balikat ako bago ngumiti. "Ayaw kong ma-pressure ka."

Ngumiti siya. "Mas na-pressure ako sa pagpigil mo."

He chuckled but I know that it's something that doesn't really made him happy. Ibinaling niya ang tingin niya sa harap bago uminom sa kape, tsaka dinugtungan ang sinasabi.

"Hindi ka pa rin talaga naniniwala."

Napaawang ang bibig ko bago mabilis na nag-iwas ng tingin. Ilang sandali pa, napapitlag ako sa pagkuha niya ng kanang kamay ko na walang hawak na kape, saka pinagsalikop ang mga daliri namin. Babawiin ko na sana pero masyado siyang mabilis.

"Sobrang sigurado akong gusto kita, Mary."

Napatingin ako sa kan'ya kasabay ng pagwawala ng tibok ng puso ko sa sobrang bilis. Parang any time, p'wede nang huminto ang pagtibok ng puso ko sa dami ng itinitibok niya ngayon. Parang . . . sinusulit nito ang mga pagkakataon.

"Kung hindi ka pa rin naniniwala . . . hayaan mo lang akong patunayan sa 'yo."

Napalunok ako bago hinipan ang kape saka ininom. Sumulyap ako sa kan'ya. Nakatingin siya sa mga kamay naming magkahawak habang umiinom ng kape. Ilang sandali kaming nanatili sa ganoong posisyon bago naubos ang iniinom bago itinapon ang pinag-inuman namin nang hindi binibitiwan ang kamay ko.

"Mary . . ."

Lumingon ako sa kan'ya nang naglalakad na kami pabalik sa motor niya matapos itapon ang pinag-inuman.

"B-Bakit?" kinakabahang tanong ko bago huminto sa tabi ng motor niya.

Ngumiti siya at binitiwan ang kamay ko, saka ako hinawakan sa baywang at binuhat, dahilan para mapatili ako at mapalingon sa amin ang ibang tao sa lugar. Iniupo niya ako sa motor, ang dalawang tuhod ko ay tumatama sa kan'ya.

Nakaramdam ako ng sobrang ilang dahil doon. Nanatili siya sa gano'ng sitwasyon, ang isang kamay ay nakahawak sa baywang ko habang ang isa ay hinahawi ang buhok kong tinatangay ng hangin at natatakpan ang mukha.

Sunod-sunod ang paglunok ko sa sobrang kaba.

"Mary . . ." he called me as he touched my face with his right hand.

I gulped. "G-Gian . . ."

He smiled. "I like you . . . so much. That's the thing I am most sure of."

Napalunok akong muli, kasabay ng pagtibok nang mabilis ng puso ko. Napakapit pa ako sa braso niya nang muntik na akong mahulog sa kinauupuan.

"Mary . . ."

"Hmm . . ." I answered . . . looking down.

"Let me prove it to you . . . that I really . . . really like you. And that I really want to . . . be with you."

Napapikit ako nang mas may ibinilis pa ang pagtibok ng puso ko, lalo na nang maramdaman ko ang isang kamay niyang humawak na rin sa mukha ko.

"Ano . . . a-ako rin . . ." I answered, very nervous.

Bahagya niyang iniangat ang mukha ko para magtama ang paningin namin.

"Really?" he asked, his right lips was slightly curved, mukhang nagustuhan ang hindi inaasahang narinig sa akin.

I nodded. "But . . . I don't do commitments yet, Gian. I-I can't . . . just . . . not . . . not now," paputol-putol na sabi ko dahil sa sobrang kaba.

He chuckled as his thumb brushed on my cheek. "Of course . . . we will get there when you're ready."

Nagulat ako nang lalo siyang lumapit sa mukha kong hawak niya saka hinalikan ang noo ko. Parang may kung anong naglaro sa tiyan ko na sobrang nagpakiliti sa akin.

Pinanood kong bumaba ang labi niya sa ilong ko, saka hinalikan 'yon nang mababaw . . . hanggang sa nakita ko siyang nakatingin na sa labi ko. He was leaning down slowly, wanting my lips to kiss . . . but I moved away.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa mukha ko, at sa halip ay hinawakan ang dalawang kamay niya.

"H-Huwag muna. Kapag ano na lang . . ." Nag-iwas ako ng tingin saka kinagat ang ilalim ng labi para pigilan ang ngiti.

Narinig ko siyang tumawa nang mahina bago ako niyakap habang nakaupo sa motor niya. Niyakap ko siya pabalik.

"Mary . . . ang saya saya ko sa 'yo . . . ang saya saya . . ." he said, sighing in relief.

Ako rin . . . sobrang saya ko rin.

I wonder how long this happiness will last. I hope it won't ever end.

Continue Reading

You'll Also Like

6.7K 321 68
|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother...
7.8K 122 8
A Promise Of Forever Promise Duology #2 (Novel) It's been six years since Shane Chrystelle Sandoval experienced the painful heartbreak from her first...
133K 4.2K 55
In one's relationship, distance can result into two things: This can either strengthen or end one's love for each other. How will it be for Ricci an...