Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

41K 2.1K 768

• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

05

805 53 13
By marisswrites


  

Nang mga sumunod na araw, lagi ko siyang nakikitang nasa labas ng store namin sa tuwing bago ako mag-lunch break. Araw-araw . . . as in! Parang alam naman niya ang schedule ko, hindi naman fixed ang mga break ko.

Nang makapag-time out, kinalabit ako ng assistant manager.

"Naghihintay na naman ang jowa mo," sabi ni Sir Lawrence.

Napaawang ang bibig ko. "Naku, hindi ko po boyfriend 'yan!" defensive na sagot ko bago hinubad ang ID at inilagay sa locker.

Tumawa siya. "Eh ano lang? Potential boyfriend?"

Sasagot pa sana ako pero nilayasan na niya ako nang tumatawa at nang-aasar saka pumasok sa loob para kumain sa pantry. Napairap na lang ako bago lumabas dahil lagi ko namang nilalabas si Gian sa tuwing naghihintay siya, kahit na may free lunch naman sa pantry.

"Hi," bati niya sa akin nang makaharap ko siya.

Kumakabog na naman ang dibdib ko ngayong kaharap ko siya. Hindi na yata ako masasanay.

"Uhm . . . bakit?" natatawang tanong ko.

Nagti-text naman kasi siya sa akin minsan pero hindi ko alam kung bakit sa tuwing pupunta siya rito tuwing lunchbreak ko, wala man lang siyang pasabi.

"Lunch?" nakangiting tanong niya.

"Ulit?" I laughed. "Araw-araw yan, ah?"

He laughed. "Tara na."

Tumango na lang ako at sumunod sa kan'ya pasakay ng escalator. "Pero one hour lang ang break ko . . ."

Lumingon siya sa akin tapos ay inalalayan pa ang kamay ko bago sumakay ng escalator.

Ano ba 'yan, Mary! Kung anu-ano na namang nararamdaman at iniisip mo! Huwag ka ngang magpapaloko r'yan at baka sa salita lang 'yan magaling, at hindi naman pala totoo, Mary!

"Okay lang. D'yan lang tayo sa labas."

Tumango na lang ako.

Nang makarating na kami sa ibaba, lumabas kami ng building at pumasok sa McDonald's. Pinaupo niya na lang ako sa bakanteng table at siya na ang nag-order sa counter. Ilang minuto lang din akong naghintay, bumalik na siya na may dalang tray na may lamang fried chicken, rice, french fries, at McFloat. Ibinaba niya 'yon sa table.

"Kain ka na. One hour lang din ang break ko." He laughed.

Tumawa na lang din ako bago tinanggal sa lalagyan ang rice, saka kami nagsimulang kumain.

"One hour lang pala ang break mo, bakit hinintay mo pa ako?" tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Gusto ko, eh." He chuckled. "Gusto kita kasabay kumain."

I continued eating to conceal my smile. Nang makitang nakatingin siya, tumikhim ako pero ngumiti lang siya nang mapansin na nangingiti na sa akin.

"Mary . . ." he called me.

"Hmm?" sagot ko nang nakatuon lang ang atensiyon sa pagkain, ngumunguya.

"Tingnan mo ako . . ." Napahigop ako sa McFloat nang makaramdam ng kaba. Tumawa siya. "Mary . . ."

Tumikhim ulit ako bago tumingin sa kan'ya nang nagpipigil ng ngiti. Nakita kong bahagya siyang natawa kaya naman napaiwas ako ng tingin ulit. Isang sandali pa, hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa plastic spoon, dahilan para lalong kumabog ang dibdib ko.

"Tingnan mo ako . . ."

Napalunok ako bago dahan-dahang tumingin sa kan'ya. Muli kong nakita ang seryoso niyang mata na nakatingin sa akin. Ilang sandali lang, ngumiti siya nang bahagya pero hindi pa rin binibitiwan ang kamay ko.

"Gusto kita."

Bahagyang napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, kahit na alam ko namang 'yon na nga ang ibig sabihin ng mga ginagawa niya para sa akin. Iba pa rin talaga kapag naririnig mo na mismo mula sa bibig niya. Yung akala mong mabilis na ang tibok ng puso mo . . . may mas ibibilis pa pala.

"Gian . . ."

He smiled again. "Seryoso ako, gusto kita. I want to know more about you. I want to see you always, eat with you, and talk with you . . . laugh with you. I want your hands inside the pocket of my jacket when we're riding my motorcycle. I like everything I do with you. And I am so, so serious when I told you that I am very interested in you . . . that it really drives me crazy. It really did."

Napaiwas ako ng tingin at inialis ang kamay niya sa kamay ko. Muli na lang akong kumain nang hindi sinasagot ang mga sinabi niya dahil pakiramdam ko naman, hindi ko kailangan sumagot . . . o hindi niya kailangan ng sagot.

At kung kailangan niya . . . wala akong maibibigay sa kan'ya, kasi wala namang sigurado sa mga nararamdaman ko ngayon.

Masyadong mabilis para sabihin mo sa isang tao ang mga salitang 'yon. Kahit na pinapakita naman niya nitong mga nagdaang araw na gusto niya nga ako, iba pala kapag narinig kaagad mula sa kan'ya 'yon.

It's only been more than two months since the first time we talked that long. It took him almost two months to talk to me again . . . and it took him only two weeks to be like this . . . constantly picking me up from work to eat lunch together and drive me home by the end of the day.

Is this his own process of liking someone? If so, why does it feel so . . . fast?

Hindi na siya nagtanong pa at muli na akong inihatid sa trabaho ko kahit na may thirty minutes pa naman.

"Sunduin kita ulit mamaya."

"K-Kahit huwag na!" Nag-iwas ako ng tingin. "N-Nakakahiya."

Tumawa siya. Ilang sandali lang, naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa dalawang balikat ko. Parang nanlambot ang tuhod ko sa ginawa niyang 'yon, lalo na nang iniharap niya ako sa kan'ya.

"Mary, hindi ko sinabi 'yon para maging awkward ka sa akin . . ."

Napalunok ako nang muli ay tumawa siya. I am damn nervous and he's just laughing, what the hell?

"Just be your normal self with me, Mary. That would be enough."

Tumango na lang ako bago ko naramdaman ang pagbitiw niya sa balikat ko.

"Sige na . . . pumasok ka na."

Ngumiti ako at nag-iwas ng tingin sa kan'ya bago nagmamadaling pumasok sa loob.

Nang makarating, nagpunta kaagad ako sa locker room at sumandal doon, hawak ang dibdib, hinahabol ang hininga na kanina ko pa pinipigilan.

"Bakit ba gano'n yun?" I whispered to myself.

"Kasi may gusto siya sa 'yo!"

Napaayos ako ng tayo nang magulat sa nagsalita, kasabay ng pagsarado ng locker. Nakita ko ro'n si Robert, muling isinusuot ang ID. Ngumiti siya.

"Hindi naman," sabi ko, kahit na kasasabi niya lang sa akin kanina na gusto niya ako.

"Sus, bakit namumula ka?" pang-aasar niya, natatawa.

Nag-iwas ako ng tingin at kinagat ang ibabang labi, kasabay ng pag-init ng pisngi. Binuksan ko ang locker at kinuha ang toothbrush at toothpaste saka iniwan na ang nang-aasar na si Robert sa locker room.

Habang nagtu-toothbrush sa CR, napapatitig ako sa sarili ko sa malaking salamin.

"Bakit ako?"

Napaka-plain ng itsura ko—walang espesyal sa akin. Ang komplikado ko pa, sabi niya. Ang daming mas magandang babae sa paligid niya, so bakit sa akin magkakagusto 'yon? Imposible. Sigurado akong may hidden agenda yun! Baka tulad lang siya n'ong mga nagdaang tao sa buhay ko.

Napabuntonghininga ako bago itinuloy ang pag-toothbrush. Pumasok na naman sa isip ko ang sinabi niya kanina habang kumakain kaya padabog kong binuksan ang faucet at nag-gargle bago muling tinitigan ang sarili sa salamin.

"Mary, 'wag kang papadala d'yan," sabi ko habang nakatitig sa mga mata ng repleksyon ko sa salamin.

Ilang sandali lang, umayos na ako nang may pumasok sa loob. Tinapos ko na ang ginagawa ko tulad ng pag-retouch ng makeup na kailangan dahil front ako sa customers, nagsuklay, nag-spray ng pabango at kung ano-ano pa bago bumalik sa store.

Tumambay muna ako sa pantry ng ilang minuto para mag-scroll sa Facebook at Instagram, bago nag-time in para sa afternoon duty.

Nang gumabi, isa ako sa mga staff na naiwan para magsara ng store. Kami na lang ang bukas sa building, kaya naman nagmamadali na kami. Nang mai-lock ang kadena ng glassdoor, sabay-sabay na kaming lumabas ng building.

I was about to text Papa to pick me up but someone's motorcycle stopped in front of me. Tinanggal niya ang helmet na suot, at bahagyang iginalaw ang ulo para umayos ang buhok na nagulo, saka lumingon sa akin nang may ngiti sa labi.

Para akong kinilabutan sa hindi malamang dahilan, lalo na't malamig na naman ang hangin. Parang gumwapo siya lalo sa paningin ko sa maliit na bagay na ginawa niyang 'yon.

"Tara na?" he asked.

"Uhm, b-bakit?" I laughed awkwardly.

Nakita ko ang pagbuntonghininga niya. "Mary."

"Hindi naman yun!" I said, waving my hand in defense. "I mean . . . hindi naman ako naiilang!" Nag-iwas ako ng tingin. "Ano, uhm, I . . . I need to go home . . . it's already 8:30 p.m."

Ngumiti siya bago kinuha ang kamay ko saka hinila palapit sa kan'ya nang marahan. Napalingon ako sa paligid para tingnan kung may nakakita sa amin, pero dahil wala nang tao at pasarado na ang kabuuan ng building, nakahinga ako nang maluwag.

"Give me one hour."

Ang tagal bago ako sumagot. Napalunok na lang ako bago kinuha ang cellphone sa bag ko.

"Kailangan ko mag-text kay Papa, Mag-aalala yun."

Nakita ko ang ngiti niya bago binuksan ang upuan ng motor. Nag-text ako sa bahay at sinabing mali-late ako ng uwi dahil nag-aya ang katrabaho ko na kumain sa labas. Ibinalik ko na ang cellphone sa bulsa kasabay ng paglagay niya ng helmet sa ulo ko. Muli niyang hinawakan ang kamay ko. Napalingon ako ro'n, pero hindi niya naman tinanggal.

"Tara na?"

Tumango na lang ako. Nauna siyang sumakay sa motor bago ako umangkas. Sa likod ko na dapat ako hahawak pero mabilis niyang kinuha ang dalawang kamay ko at inilagay sa bulsa ng jacket niya.

Muli akong napalunok nang dahil sa kaba.

Ilang sandali lang, nag-drive na siyang muli nang hindi gaanong mabilis, pero sakto para mabilis na makarating sa pupuntahan. Ramdam na ramdam ko ang pagtama ng malamig na hangin sa balat ko, napapapikit nang dahil sa ginhawang nadarama.

Ilang sandali lang, huminto siya sa harap ng Paraiso ng Pundaquit restaurant at sinabing maghintay na raw muna ako ro'n dahil may kukuhanin lang siyang pina-reserve. Ilang sandali lang, lumabas siyang may dalang paper bag. Natawa ako.

"Ano 'yan?"

"Pagkain," pamimilosopo niya.

Sinuntok ko siya sa balikat. "Akin na nga, ako na magdadala."

Kinuha ko 'yon sa kan'ya saka siya sumakay sa motor niya at muling nag-drive. Nakakapit na talaga ako ngayon sa harap niya, parang nakayakap, dahil may dala na ako ngayon. Naiilang ako sa posisyon pero wala naman akong magagawa.

Ilang sandali lang, huminto siya sa Pundaquit Beach. Bumaba kaming pareho at tinanggal ang helmet. Iniabot ko 'yon sa kan'ya na kinuha niya naman, bago binuksan ang compartment ng motor, saka inilagay 'yon doon. Kinuha niya sa akin ang paper bag na may lamang pagkain saka kinuha ang kamay ko bago kami pumasok sa loob at naglakad sa kulay abong buhangin.

Ang ganda at ang lamig dito lalo na't gabi. Masaya pa at free admission, unless you'll avail the resort service.

Tumigil siya sa walang masyadong tao pero may kaonting liwanag, saka hinubad ang jacket at inilatag sa buhanginan. Pagkatapos, ipinatong niya doon ang paper bag.

Ngumiti siya sa akin. "Sorry, hindi ako prepared. Wala akong dalang picnic mat." He laughed.

"Okay lang, ano ka ba?" I said, laughing, before taking my vest off. May polo-shirt naman akong suot kaya wala naman problema. "Ito na lang ang uupuan ko."

Tumawa siya at hinubad ang polo na suot saka ito ginawang upuan, tulad ko. Inilabas na niya ang mga pagkain at binuksan. Binigay sa akin ang isang rice meal na may cordon bleu. Nagpasalamat ako dahil do'n.

"Halika, selfie tayo!" he said, smiling, while unlocking his phone. "Ipapakita kita sa mga kaibigan ko."

"Bakit?" I said awkwardly.

Tiningnan niya ako nang nagtataka. "Syempre." He laughed.

Napatango na lang ako nang natatawa. Ilang sandali lang, itinapat na niya sa amin ang camera ng phone niyang naka-selfie mode at naka-open ang front moonlight. Lumapit siya sa akin nang bahagya saka ngumiti. Gano'n lang din ang ginawa ko. Maraming naging shots bago siya nakontento.

"Tama na," natatawang sabi ko. "Kumain muna tayo."

Nagsimula na kaming kumain habang naririnig ang hampas ng alon sa dalampasigan. Ang sarap sa tainga. At hinahangin na rin ang buhok ko sa lakas ng hangin. Paulit-ulit ko tuloy hinahawi 'yon.

Ilang sandali lang, nakita kong tumayo si Gian at nagpunta sa likuran ko. Nagulat ako nang inipon niya ang buhok ko saka ito itinali. Tiningnan ko on at kinapa nang matapos. Panyo pala ang ipinangtali niya. Bumalik na ulit siya sa puwesto niya.

Kumabog ang dibdib ko. Paglingon ko sa kan'ya, para bang wala siyang ginawa sa akin na dahilan ng pagwawala ng puso ko.

"Salamat," I said, smiling.

Ngumiti lang siya sa akin pabalik at itinuloy na ang pagkain.

Lord . . . what is this? Bakit ba kahit ang maliliit na bagay na ginagawa niya . . . ang laki ng epekto sa akin? Natatakot na ako yata ako.

Mukhang . . . delikado na ako.

Continue Reading

You'll Also Like

883K 40K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
Hello, Lili By Babi✨

Science Fiction

3.9K 161 13
The time goes to the future where life is vain in technologies, where history is important and inventors from the past were distinct. Time travel bec...
6.7K 379 33
Misfits Series #3: Your Eyes Tell (Published under Grenierielly Publishing) Living with misery and indifference, Keres had a difficulty in blending i...
151K 5.7K 35
|| Published under PSICOM || Ciem suffers from a chronic and irrational fear of sleep. She stays awake as long as possible and avoids going to bed. T...