Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

38.6K 2K 764

• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

02

1.2K 65 25
By marisswrites


I never let anyone know what I did a few weeks ago, lalong-lalo na kay Archie. Sigurado akong pagtatawanan at babatukan niya lang ako once malaman niya yung kagagahan ko.

It's been a month . . .

It's been more than a month since I went to that damn building. Hindi ko na sana ginawa kung tatalikuran ko lang din. Napabuntonghininga na lang ako.

"Frenny, bayad daw."

Napatingin ako sa katrabaho nang magsalita ito at mabilis na tumakbo papunta sa counter.

"Magandang umaga po!" masiglang bati ko bago tingnan ang customer Pero muntikan na akong mapaatras nang makita siya, kasabay ng napakabilis na pagtibok ng puso ko. "Oh, G-Gian . . ."

Halos dalawang buwan na ang nakalipas simula noong gabing 'yon at ito ang unang beses na nakita ko siyang muli dito sa store.

Hindi ko rin inaasahan na magkikita kami ulit matapos ng katangahan kong 'yon, kahit na alam kong nand'yan lang naman siya sa pagtawid. Hindi rin naman kasi gaanong nagmarka ang presensya niya sa akin sa totoo lang, though naging masaya ako sa unang beses na nagkausap kami ng gano'n katagal at kalalim.

Halos sakalin ko ang sarili sa pilit na iniisip ko ngayon.

Hindi nagmarka, Mary? Talaga ba? I almost laughed at myself. Okay, fool yourself more, woman.

"Magandang umaga rin, Mary. Kumusta?" maganda ang mga ngiti niya.

Napalunok ako nang marinig muli ang pangalan sa kan'ya. Kilala niya pa ako . . .

"Ahh, o-okay lang naman." Iniwas ko ang tingin sa mga titig niya saka kinuha ang mga pinamili na nasa ibabaw ng counter. "Okay na po ba ito?"

"Oo, okay na."

"Wala nang idadagdag?"

"Wala na."

Sinimulan ko nang i-punch ang mga pinamili niya nang hindi nagtatapon ng tingin sa kan'ya dahil sa tuwing ginagawa ko 'yon, kumakabog ang dibdib ko nang sobra. Ramdam na ramdam ko rin ang mga tingin niya sa akin at sa hindi maipaliwanag na dahilan . . . kinakabahan akong lalo.

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, bago sa akin ang makita siya dito. Dahil ba halos dalawang buwan na ang nakalipas simula noong gabing 'yon at ang totoo ay nagmarka pala talaga sa akin nang sobra ang presensiya niya?

"Bakit mukhang kinakabahan ka, Frenny?" tanong ng katrabaho ko.

"Ha?" Napalingon ako kay Neil na may mapanukso tingin. Nag-iwas ako ng tingin. "Ah, h-hindi naman . . ."

Tumingin ako kay Gian na nakatingin pa rin sa akin, bahagyang nakangiti. Pinilit ko na lang na hindi siya pansinin at itinuon ang atensyon sa trabaho. Nang matapos kong i-punch ang lahat, ni-total ko na ang amount ng mga pinamili niya.

"Three hundred fifty-seven pesos and seventy-five centavos, Sir." Inabutan niya ako ng five hundred peso bill. "I received five hundred."

Nag-cash out na ako at sinuklian siya. Nang matapos mag-print ang resibo, iniabot ko na sa kanya ang mga binili niyang nasa kraft paper bag na kasabay ng resibo.

"Salamat," nakangiti niyang sabi. "Ay, teka. May kulang po yata."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Hala? Ano?"

Tiningnan ko ang loob ng cubicle pero wala namang naiwanan na items.

"Ah, ano, number mo."

Para naman akong namutla sa sinabi niya. Bakit naman niya kukuhanin ang number ko habang nasa trabaho ako? P'wede naman niyang gawin 'yon mamaya! Kasama ko ang katrabaho ko sa cubicle, natural lang na mag-isip ng kung ano-ano 'to! Sa pagiging malisyoso niya, siguradong maiisip niya kaagad ang tungkol sa commitment issues ko!

"B-Bakit?" halos napapaos na tanong ko.

Ngumiti siya. "Nakalimutan ko kasi noong magkasama tayo noong ga—"

Napatingin ako kay Neil saka tumawa bago ibinalik kay Gian ang tingin.

"Ahh, 'yon ba?" I awkwardly laughed as I cut him off. "O sige, eto na."

Nag-feed ako ng kaonting papel sa printer ng resibo saka isinulat ang cellphone number ko. Nakangiti niya itong kinuha sa akin.

"Salamat!"

Matapos noon, lumabas na siya ng department store, dahilan para makahinga ako nang maluwag. Parang nanlalambot pa ang mga tuhod ko nang maiwan ako sa kasama si Neil dahil sigurado akong aasarin ako nito sa narinig.

"Naku! Frenny ha? Ano 'yon?"

Sabi ko na nga ba, eh.

Tumingin ako nang deretso sa kan'ya. "May hiniram ako sa kan'ya, okay?"

Inirapan ko siya para hindi niya mahalatang hindi ako komportableng pag-usapan ang nangyari kanina.

"Ayiee!" sanbi niya saka sinundot ang tagiliran ko.

Hinarap ko siya nang may masamang tingin. "Aray, ah?"

Ngumisi ulit siya. "Siya na ba ang magpuputol ng three years mong sumpa sa sarili mong hindi makikipag-commit sa kahit na sino?"

Nag-init ang mukha ko sa pagpapaalala niya ng bagay na 'yon. Nakakainis talaga 'to! Sabi ko na nga ba, tama ako ng hinala kanina! Hindi na nahiyang sabihin ang tungkol do'n. Baka mamaya, may makarinig sa kan'ya!

"Frenny, hinding-hindi mapuputol 'yon, at hindi ko naman kilala ang taong 'yon. May utang na loob lang ako kaya—"

"Sus."

Tumingin ako sa kan'ya nang masama kasabay ng pagbuntonghininga ko bilang pagsuko. "Alam mo, wala talagang point ang pag-e-explain sa 'yo—sa inyo ni Archie!" I said as I rolled my eyes at him.

Tinawanan niya lang ako nang malakas bago bumalik na sa trabaho.

***

Nang mag-lunchbreak, sobra akong kinakabahan sa hindi ko kayang ipaliwanag na dahilan. Dahil ba kinuha ni Gian ang number ko? Ano namang nakakatakot doon, hindi ba? Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito dahil lang do'n. Parang ang babaw ng dahilan pero feeling ko, tinatamaan ako ng anxiety ngayon.

Habang kumakain ako, deretso lang ang titig ko sa cellphone, hinihintay na umilaw, hudyat na may na-receive akong text o tawag. Pero natapos ang lunchbreak ko, wala akong na-receive na kahit na ano.

Baka naman niloloko lang ako ni Gian? Baka naman mamaya . . . kinuha niya lang ang number ko tapos ay itinapon na niya sa basurahan dahil niloloko niya lang ako?

Baka naman pinagti-trip-an niya lang ako?

Baka mamaya . . . katulad lang siya ng ibang tao na kukuhanin ang loob ko, tapos ay paulit-ulit lang akong lolokohin.

Pero paano ba natin masasabing tama ang instinct natin, kung isang beses pa lang talaga kaming nagkakilala nang lubos? Actually, hindi pa nga lubos, eh. Parang nagkaroon lang kami ng talk about maturity at nagpakilala ng pangalan.

That's just nothing, right? So, bakit ko siya iniisip?

Bakit ko siya iniisip?! Argh, Mary! I hate you.

Hanggang sa mag-uwian na, hindi na siya bumalik pa sa store. Hindi naman sa inaasahan kong bibili ulit siya dahil alam kong binili na niya kaninang umaga ang lahat ng kailangan sa trabaho nila.

Pero bakit kinuha niya ang number ko kung hindi naman niya pala ako ite-text o tatawagan, 'di ba? I mean . . . para saan? Sana pala, hindi ko na lang ibinigay!

Nakalabas na ako ng workplace at nagtitipa ng text message para magpasundo na lang kay Papa nang mapatigil dahil biglang tumunog ang cellphone ko.

May tumatawag.

Hindi naka-save ang number. Kahit na may feeling akong siya na ito, ayoko pa ring i-assume. Paano kung mga taong nanghuhula lang pala ng number 'to? Paano kung scammer? Paano kung—argh!

Sobrang daming paano, paano, paano! Nakakasawa na yung utak ko sa sobrang sipag mag-overthink!

Pinatay ko na lang ang tawag at itinuloy ang pagtitipa ng text. Hindi pa man din ako nakaka-isang word, nagulat ako nang may bumusina sa gilid ko.

"Ay, putek!"

Pagtingin ko sa gilid, nandoon si Gian, nakasakay sa motor niya habang nakatutok ang cellphone sa tainga.

"Sagutin mo, ako 'yung tumatawag!" malakas na sabi niya, sapat para marinig ko.

Tumingin ako sa cellphone ko. Nandoon na naman ang number na kanina ay tumatawag. Nag-aalinlangan man ay sinagot ko na rin.

"H-Hello . . ."

Humalakhaksiya. "Ayan, sumagot ka na. Akala ko, papatayin mo na naman, eh." He chuckled again.

I gulped. Deretso ang tingin niya sa akin habang nagsasalita sa cellphone. Sobrang weird, pero bakit kinikilig ako?

Ano ba, Mary! Itigil mo yan! Baka magsisi ka!

"Ahh, sorry, hindi kasi ako sumasagot ng tawag kapag hindi naka-save number sa akin . . ."

Narinig ko ang paghinga niya sa kabilang linya. "Oh, sige. I-save mo na."

Napalunok ako. "Ahh . . . O-Oo . . ."

"Uwi ka na ba?"

"Oo sana," kinakabahan kong sagot.

"Hatid na kita?"

Napakunot-noo ako. "Pero—"

"O gusto mo munang magkape?"

Ang dami namang tanong!

"G-Gabi na . . ." natatawang sabi ko.

Tumawa siya bago umayos ng upo sa motor. "Okay lang yan, masarap magkape kahit na anong oras."

Natawa ako sa sinabi niya dahil tama naman siya.

"Oh . . . sige."

He smiled. "Susunduin na kita d'yan."

Tumawa ako. "Wow, parang ang layo mo sa akin ngayon, ha?" Halos magkaharap na lang kami. Highway lang ang nasa pagitan namin.

"Siyempre," he chuckled. "Patayin mo na 'yung call."

Kita ko pa rin ang mga ngiti niya habang kausap ako sa cellphone. Ang weird lang talaga na medyo naririnig naman namin ang boses ng isa't isa pero gumagamit pa kami ng cellphone para mag-usap. Ano bang trip nito?

Pero . . . ang cute.

"Sige."

Pinatay ko na ang tawag at binura na ang mga nai-type kanina para magpasundo kay Papa. Nagbago ang agenda para sa araw na 'to. Ilang segundo pa ang nagdaan, nasa harap ko na siya.

Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin, napansin kong mas maaliwalas na ang mukha niya ngayon kompara noong mga nagdaang buwan na nakasama ko siya dito mismo sa lugar na ito. Siguro, dahil inahit na niya ang dating tumutubong balbas niya . . . o dahil mas maikli na ang buhok niya ngayon?

Though I liked his hair when it's longer . . . but he looks younger now. So, okay na rin. Buhok naman niya 'yon.

"Hindi ko nadala yung payong mo. Naiwan ko sa bahay."

"Payong?" kunot-noo niyang tanong.

Hindi niya naalala?

See, Mary! Hindi niya naalala! Ikaw lang itong bothered na bothered sa payong na yan na hindi naman niya pala naaalala!

Napalunok ako kasabay ng pag-iwas ng tingin. "Uhm, yung ipinahiram mo sa akin noong gabi dito."

Napatango siya nang maipaalala ko sa kan'ya 'yon. "Ahh . . . okay lang, hayaan mo na 'yon. Sa 'yo na lang 'yon." He winked. Napakunot-noo ako pero hindi na lang ako sumagot pa.

I suddenly remembered that day na pumunta ako sa building nila para sana isoli 'yon sa kan'ya. Since, hindi naman pala niya iniisip ang payong na ipinahiram niya sa akin, hindi na rin niya dapat malaman pang pumunta ako sa workplace niya.

He'll never know. He won't.

Baka isipin pa . . . gusto ko siyang makita. I mean, totoo namang gusto ko siyang makita noon, but, knowing guys, magiging ego-booster nila 'yon.

"Tara na?" tanong niya.

I smiled as I erased all those thoughts in my mind. "Saan ba tayo magkakape?"

"D'yan lang. 'Wag kang mag-alala, hindi kita dadalhin sa malayo at ihahatid naman kita sa bahay n'yo."

I laughed. "Parang alam mo yung bahay ko, ah?"

He smirked. "Sakay na."

Umangkas ako sa likod ng motor niya kahit na nag-aalangan dahil hindi talaga ako marunong sa ganito. Para kasing malaking bike ang mga motor na walang sidecar at magkakalabog ako.

"So . . . ano, paano ako hahawak? I mean, saan? Baka mamaya malaglag ako."

Lumingon siya sa akin. "Hindi ka ba sumasakay sa single na motor?"

I bit my lower lip. "S-Sumasakay naman pero madalang . . . and you're . . . you're new to me." I awkwardly laughed.

He chuckled. "Sobrang innocent mo, halika nga."

Kinuha niya ang kamay ko na mabilis kong binawi—na mabilis ko rin pinagsisihan dahil parang ang bastos ko yata sa part na 'yon. Hindi niya ako masisisi dahil bakit niya hahawakan bigla ang kamay ko?

This is making me really, really nervous.

"Ahh, bakit?" I asked.

"Ay, sorry, sorry!" Napakamot siya ng ulo. "Nakalimutan kong iba ka nga pala sa kanila."

Lalo akong napakunot-noo. "Ha?"

He chuckled. "Usually kasi, some girls will let me hold their hands and you're different and I understand. Anyway, ang gusto ko lang namang gawin, ilagay mo ang mga kamay sa bulsa ng jacket ko at doon ka na kumapit."

Napaawang ako ng bibig saka tumango-tango habang natatawa. "Ahh, gano'n ba? O, sige. W-Wala namang problema." I awkwardly laughed again as I felt my heart beating like crazy.

Dahan-dahan kong inilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng jacket niya sa paraang hindi niya mararamdaman na nandoon pala ang mga kamay ko.

"Okay ka na?" he asked.

I chuckled. "O-Oo."

"Mag-drive na ako, ha? Kapit ka lang."

"Oo, sige."

Nagsimula na siyang mag-drive. Napapikit ako at napakapit nang mariin sa loob ng bulsa ng jacket niya dahil hindi talaga maganda sa pakiramdam ko kapag nakasakay sa ganitong sasakyan. Feeling ko, any time, malalaglag ako.

Ilang beses pa siyang nag-overtake na talagang napapasigaw ako dahil sa bilis niyang mag-drive! Nakakainis!

"Gian, ingat naman!" reklamo ko.

He laughed. "'Wag kang matakot, dahil kung maaaksidente ka, kasama ako doon at hindi ko hahayaang mangyari 'yon dahil mahal ko ang buhay ko."

Sigurado akong sa isip niya, pinagtatawanan na niya ako dahil sa sobrang OA ng mga reaction ko sa tuwing mag-o-overtake siya at sa sobrang bilis ng pagpapatakbo. I've always been like that—kahit sino mag-drive. I can never really overcome it and I don't think I'll ever do any time soon.

I sighed.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
48M 296K 14
[SARMIENTO SERIES #1] I'm Cassandra Talavera or should I say, Cassandra Talavera-Sarmiento. And being his wife is my biggest secret. Published under...
1.6M 63.1K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...