Descendant of a Rose

By JhosaArion

15K 677 49

[COMPLETED] Isang mabait na ina sa kanyang tatlong anak. Masaya na sana ang buhay niya kung hindi lang siya n... More

Descendant of a Rose
Dedikasyon
Epigrap
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Tala ng may-akda
Update for the Season 2
S2: Kabanata 40
S2: Kabanata 41
S2: Kabanata 42
S2: Kabanata 43
S2: Kabanata 44
S2: Kabanata 45
S2: Kabanata 46
S2: Kabanata 47
S2: Kabanata 48
S2: Kabanata 49
S2: Kabanata 50
S2: Kabanata 51
S2: Kabanata 52
S2: Kabanata 53
S2: Kabanata 54
S2: Kabanata 55
S2: Kabanata 56
S2: Kabanata 57
S2: Kabanata 58
S2: Kabanata 59
S2: Kabanata 60
S2: Kabanata 61
S2: Kabanata 62
S2: Kabanata 63
S2: Kabanata 64
S2: Kabanata 65
S2: Kabanata 66
S2: Kabanata 67
S2: Kabanata 68
S2: Kabanata 69
S2: Kabanata 70
Epilogue

Kabanata 8

291 16 0
By JhosaArion

Kabanata 8

UMUWI NANG MAAGA si Esang sa kanilang barong-barong upang magligpit ng kanyang mga damit na dadalhin sa bahay ng kanyang amo. Hindi lang iyon kundi ang makapagluto siya ng tanghalian para sa kanyang dalawang kapatid na si Macky at Cardoy at maging sa kanyang Lola Sarah.

Pakanta-kanta at pasayaw-sayaw pa siya habang nilalagyan ng toyo ang adobo niyang kangkong. Sinahugan niya iyon ng apat na maliliit na mga isda na binigay lang sa kanya kanina ni Aling Lolita. Nakasabayan niya kasi itong umuwi sa kanilang distrito.

"Charam. . . charam, chacharam. . ."

Hindi niya aakalain na matatanggap agad siya ng kanyang magiging amo bilang kapalit ni Gelda. Iyon pala ay tanggap na tanggap siya. Hiling niya lang na sana ay hindi ganoon kadami ang gagawin niya sa loob ng malaking bahay na iyon. Hiling niya sa Diyos na sana ay maging maganda ang takbo niya sa trabaho; makayanan niya ang lahat ng gawaing itinalaga sa kanya.

"Esang?" Isang maskuladong boses mula sa labas ng kanilang barong-barong ang nagpatigil kay Esang sa pagkanta at sayaw.

Kumunot ang kanyang noo at dinungaw ang mababang bintana ng kanilang barong-barong. Ganoon na lamang ang singhap niya at panlalaki ng mga mata nang makita niya sa labas ng kanilang bakuran si Haven habang nakatingala sa kanya. Mukhang kanina pa ito nakamasid sa kanya sa loob habang sumasayaw siya at kumakanta.

Dali-dali siyang pumunta sa pinto na gawa sa plywood at pinagbuksan ang lalaki.

"P-pasok ka muna sa barong-barong namin."

Binigyan niya ng daan ang lalaki, upang makapasok ito. Napalunok siya ng laway habang hindi alam kung ano ang sasabihin. Nahihiya siya sa barong-barong nilang tinitirhan. Alam niya kasing hindi sanay sa ganoong bahay si Haven. Idagdag pa ang hindi kaaya-ayang amoy sa paligid dahil sa mga basurang nagkalat sa labas.

Napansin niyang umupo ito sa isa nilang plastic na upuan. Nahiya pa siya dahil butas pa ang bahaging inuupuan no'n. Bumalik na lamang siya sa kanyang nilulutong kangkong.

"Pasensya na, naisturbo yata kita?" patanong na sabi ni Haven sa kanya.

Agad siyang umiling at inayos ang suot na malaking t-shirt at maluwag na short.

"Hindi naman, dito ka na lang kumain. Dadating na rin sila Macky, Cardoy at Lola Sarah nito maya-maya."

"Hindi na, Esang. Napadaan lang talaga ako dahil gusto ko sa iyong ibalita na. . . ako na ang may hawak sa kaso ng Nanay Salvi mo. Sakto namang tinalaga ako ng hepe namin dito sa baranggay ninyo. Kaya huwag na kayong mag-alala, matutulungan na kita sa paghahanap sa Nanay mo at sa kung sino ang gumahasa sa kanya."

Hindi maipaliwanag ni Esang ang labis na sayang nararamdaman. Parang gusto niyang matupok sa harapan ni Haven pero pinigilan niya. Ayaw niya namang pagpaalalahin ang lalaki. Isa pa, hindi niya alam kung paano ang magpasalamat dito.

"N-naku, hindi ko alam ang sasabihin ko. Natutuwa akong mabibigyan na rin ng hustisya si Nanay at napunta ang kaso niya sa mabuting kamay. Umaasa ako sa iyo, Haven. Alam kong gagawin mo ang lahat para maresulba ang kaso. Kakapalan ko na ang mukha ko, hiling ko na sana ay gawin mo ang lahat para mahanap si Nanay at kung sino ang gumahasa sa kanya sa loob ng kulungan."

Hinawakan niya ang kamay ni Haven nang mahigpit. Tinitigan niya sa mga mata ang lalaki habang nakikiusap ang mga mata niya rito.

Nagulat naman si Haven sa inaktong iyon ni Esang. Hindi niya inaasahan ang pagdaloy ng kakaibang damdamin sa kanyang kaibuturan. Parang may nagising sa kanyang pagkatao dahil sa mainit na palad ng babaeng kanyang kaharap. Tinitigan niya ang mga mata ni Esang at hindi niya maipagkakailang magaganda ang mga iyon, lalong-lalo na ang magandang mukha ni Esang. Ang mukhang nagdadala sa kanya ng kakaibang damdamin. Lalo na ang mga labi nitong mapupula na animo'y kay sarap hagkan.

Ngunit bigla na lamang naglahong parang bula ang lahat nang iyon, nang pareho silang makarinig ni Esang ng sigaw na nagmumula sa labas ng barong-barong.

Binitiwan ni Esang ang kamay ni Haven at pinagbuksan ng pinto ang kanyang dalawang kapatid na si Macky at Cardoy. Natanaw naman niya sa likuran ang kanyang Lola Sarah. Agad siyang lumabas at tinulungan ito sa pagdala ng dalawang basket na may laman pang mga ilang gulay.

Agad namang nagbigay ng galang si Haven kay Lola Sarah at tinulungan naman niya agad si Esang sa mga dala nitong basket.

Hindi na rin nakapagtanggi pa ang lalaki nang ang Lola Sarah na ang nagyaya na sa kanila na ito mananghalian.

Samo't saring mga tanong tungkol sa buhay ang ibinato ni Lola Sarah kay Haven at nasagot naman ito lahat ng binata. Nakasundo naman agad ni Haven ang dalawang kapatid ni Esang na si Macky at Cardoy. Masaya ang naganap na tanghalian sa munti nilang barong-barong. Naaliw sa pagkwekwento ang binata kung kaya't hapon na itong nakaalis.

Nagpaalam na ito kina Lola Sarah, Macky at Cardoy. Bago hinatid ni Esang ang binata palabas ng barong-barong. Nangako naman ang makisig na pulis sa dalaga, na gagawin nito ang lahat para masolusyunan na ang kaso ng kanyang Nanay Salvi at matagpuan ito.

Abot-tanaw pa ni Esang ang binata habang bumabaktas na ito sa eskenita palayo sa kanya. Napangiti siya nang malapad habang hindi maipaliwanag ang sobrang saya na nararamdaman. Hindi niya mapigilan ang sariling humanga sa lalaking pulis at ang kiligin.

Hiling niya na ay magiging maayos at matagumpay ang takbo ng kaso ng kanyang Nanay Salvi sa mga kamay nito. Umaasa siya sa lalaki na handa nitong gawin ang lahat para makita na ang kanyang Nanay Salvi. Ngayon ay panatag na ang loob ni Esang dahil alam niyang nasa mabuting kamay na ang lahat ng kanyang hinihiling. Iyon nga lang na ang hiling niya'y sana hindi mapahamak ang binata dahil lamang sa paghawak nito ng kaso tungkol sa Nanay Salvi niya. Sana ay makamtan na nila sa mga oras na ito, ang hustisya.

Sana nga. Umaasa ako sa iyo, Haven.

Sa ngayon ay magliligpit na siya para sa maaga niyang trabaho bukas bilang isang kasambahay.

. . .

#ABSK

Ate Sari, <3

Continue Reading

You'll Also Like

2M 41.4K 70
[COMPLETED] Highest rank achieved: #5 in Teen Fiction ✔ Date Started: October 22 2017 Date Ended: April 29 2018 "I am back with my vengeance Mr.Anton...
358K 4.4K 175
Complete songs ni Taylor Swift including other songs niya na di niyo pa alam. Andito rin po yung bago niyang album yung 1989. Swiftie forever!!! Enjo...
104K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
Macabre By GRAY

Mystery / Thriller

5.8K 3.2K 45
︱COMPLETED ︱THRILLER ︱MYSTERY Isa... Dalawa... Tatlo... Nakahanda ka bang ipagtanggol ang sarili mo? Nakahanda ka bang lumaban kung si Kamatayan...