How To Make A Serial Killer

Par Serialsleeper

694K 47.2K 40K

Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a stra... Plus

special announcement
note
how to make a serial killer
|o2 : The Fearmonger Project |
|o3 : The Brains |
| o4 : If I were you |
| o5 : Breadcrumbs |
| o6 : Fluke |
| o7 : Creation |
| o8 : Believe me |
| o9 : Among us |
| 1o : Scarlet |
| 11 : Freak Out |
| 12 : What's your sin? |
| 13 : Heartbreaker |
| 14 : Hunter Hunted |
| 15 : Wicked Intentions |
| 16 : Hero |
| 17 : The rope that binds us |
| 18 : Surrender |
| 19 : Guilty |
| 2o : Oh crap |
| 21 : Same feathers |
| 22 : Scandal |
| 23 : Snitch |
| 24 : Good Girl |
| 25 : Dead |
| 26 : Promise |
| 27 : Next |
| 28 : Happy Birthday, Wren |
| 29 : Reckoning |
| 30 : The Ringleader |
| 31 : Judgment Night |
| 32: Run like hell |
| 33 : The Aftermath |
| 34 : The Truth Underneath |
| 35 : Mother |
| 36 : Home |
| 37 : The Good Son |
| 38 : Cruel |
| 39 : Redemption |
| 40 : Lozarte |
epilogue

|o1 : The offer she couldn't refuse |

73.2K 2K 994
Par Serialsleeper


----- CHAPTER o1 -----


"This is Wren and you're listening to The Bloody Hours Podcast. Just a short life update: your girl just moved to the beautiful city of Valesca, and wow oh wow, I don't even know how to get to my new university. While I'm still struggling to figure things out, rest assured that my podcasts will continue without derail, so just sit back and expect more true tales of crime every Friday night. Anyhow, let's get to this week's true crime case . . . The Cabading Family Massacre."


I turned off my recorder and slid down my headphones. Pushing myself away from my desktop microphone, I heaved a great sigh of relief.

Finally! Natapos ko rin ang buong linya nang walang aberya. Hindi ako nabulol at wala ring panirang busina ng sasakyan o tilaok ng mga manok ni Tito.

I glanced at my wrist watch and grimaced at the time, realizing it's already 4 in the morning. Inabot na ako ng umaga kakaulit ng pagre-record dahil sa ingay ng paligid. Naturingang probinsya ang lungsod ng Valesca, pero maingay pa rin ang paligid. Hindi naman ganito rito noong bata pa ako.

Pagkatapos kong ma-save ang recording ko ay naligo na agad ako at nag-ayos. Tamang suot lang ng itim na pullover at leggings, samahan na rin ng bonet dahil sa lamig ng paligid. May fogs pa nga akong natatanaw sa labas mula sa bintana ng kuwarto ko. Bago lumabas ng kuwarto, agad kong kinuha ang headphones ko at sinabit ito sa batok ko.

Pagbaba, dumiretso ako sa kusina upang timplahan ng kape ang Tito Maynard ko, pero laking gulat ko nang maabutan ko siyang nagluluto na ng agahan namin. Gusto ko siyang pagalitan at ipagpilitang ako na ang magluluto, but I promised him that I wouldn't treat him differently now that he's been diagnosed with colon cancer.

"Good Morning, Tits!" I greeted him with my usual playful banter.

"Good Morning, Wren." He chuckled while shaking his head. "How's sleep?"

"Okay lang, nagising pa naman ako." I shrugged and sat on the dining chair. My eyes turned into glimmering hearts at the sight of pancakes with hot choco on the side.

"Nagising? Eh parang wala ka namang tulog, eh," aniya sabay patay ng kalan. Lumapit siya sa akin at inilapag ang isang plato ng tapa. "Dinig ang boses mo sa buong bahay, minumura mo pa ang mga manok ko."

I couldn't help but sigh. Guilty as fucking charged.

"Hirap lang akong mag-adjust, wala kasi kaming manok doon sa Manila, but no worries Tito, magiging friends din kami ng mga pinsan ko," biro ko na lang. Ayoko nang dagdagan pa ang problema ni Tito dahil sa podcast ko.

"Sayang, kung hindi ko lang talaga binenta noon ang bahay ninyo, magagamit mo pa sana ang radio room ng papa mo." Tito sat right in front of me, eyes filled with so much guilt and sadness.

"If I was in your position, ibebenta ko rin 'yon. Times were tough. You did what you had to do to pay for Papa's medical expenses," giit ko agad.

Tito Maynard has nothing to regret and be sorry for. Inilaan na niya ang buong buhay niya sa pag-aalaga kay Papa, ni hindi na siya nakapag-asawa. Sa sobrang dami niyang isinakripisyo para sa pamilya namin, bibigwasan ko ang kung sino mang pupuna sa kahit isa man sa naging desisyon niya.

"Hindi rin naman kasi ako gaya ni Papa, ibang level siya. He was a Radio Journalist while I only run an online Podcast. That was his bread and butter, while mine is just out of hobby, sinuwerte lang na may sponsorships," paliwanag ko pa. "Nga pala, Tito, alis na ba tayo agad ngayon papunta sa shop?"

"Eh hindi ka pa nakakatulog?" may pag-aalala niyang giit.

"There's plenty of time to sleep when I'm dead." I chuckled quite confidently.

"Wren . . ." Tito said in a calm but reprimanding tone.

"Or matutulog ako mamayang gabi sa klase ko?" I answered, unsure of what he wants to hear from me.

Tito heaved a deep sigh while shaking his head. Natawa na lamang ako at sinuot ang headphones ko.

"Wren, no headphones," he said using his authoritative but gentle tone.

"Okay fine." I jokingly rolled my eyes at brought down the headphones to my nape.

***

Pagbaba namin mula sa pickup truck, bumungad agad sa harapan ko ang may kalumaan nang two-story hardware store na minana nila ni Papa sa lolo at lola ko. Tito Maynard did a really great job of running the place considering the tough competition between more well-known stores in the city.

"Here we are, Lozarte Hardware," anunsyo ni Tito.

Isinabit ko sa balikat ang isang strap ng backpack at hinawakan ang headphones sa batok ko to secure it.

Nilibot ko ang paningin. Iba't ibang klase ng shop na rin pala ang nakapaligid sa amin: may mga boutique, antique, at coffee shop pa. Nakita ko rin ang isang maliit na police outpost sa kabilang kalsada.

"I feel so safe," I joked flatly as I pointed the outpost using my pinky finger. "I sure hope the cop isn't sleeping."

I turned to look at Tito and he was already standing right in front of the shop's huge roll up door.

"Hindi, pero ihanda mo lang sarili mo. Mayamaya lang, bubulabugin ka na ni Stu," natatawang sambit ni Tito at yumuko na upang buksan ang lock na nasa sahig.

"Sinong Stu?" tanong ko sabay lapit kay Tito at tinulungan siya sa pag-angat ng pinto.

Imbes na sagutin ang tanong ko, tumawa lang si Tito. Lokong matanda, nagtatanong ako nang maayos pero tawa lang ang sagot.

***

Sobrang dami ng itinuro ni Tito sa akin patungkol sa shop at sa pagpapatakbo nito. Sa sobrang dami, ni hindi ko namalayang oras na para mananghalian. May apat na empleyado lang siya sa shop, ako ang pang-lima. Karamihan sa kanila ay ilang taon nang nagtatrabaho rito at mukhang maayos naman ang mga relasyon nila. Maayos naman kasi magpasweldo si Tito at mabait pa.

Pagkatapos ng tanghalian, nagpaalam sa akin si Tito na aalis muna kaya naman iniwan niya ako sa manager niyang si Kuya Juni, nasa mid to late 30's. He seems like your average easy-going uncle.

"Sigurado ka na bang kaya mo na dito sa counter?" tanong ni Kuya Juni. Palibhasa, marami pa silang gagawin sa stock room.

"Ang tanong, kaya ba ako ng counter?" I grinned as I chewed on my gum.

Humalakhak ito at umiling-iling. Tinuro niya ang headphones na nakasabit lang sa leeg ko. "Basta, 'wag mo munang gagamitin 'yan. Mamaya, hindi mo pa marinig ang mga customer."

I smirked confidently and raised my fingers to an "okay" sign.

Kuya Juni looked at me with so much doubt.

"Don't worry, Kuya. I've worked part-time at a coffee shop since high school," paniniguro ko. "Ganito lang mukha ko pero maasahan mo ako," biro ko pa.

Kuya Juni nodded and went his way despite being hesitant. By the time he was out of sight, I wiped the smirk off my face and put on my headphones. I slumped comfortably on the swivel chair, placing my feet up the counter.

From where I sat, I could see the enormous aisles of products ranging from construction stuff: tiles, paints, house decors, pet products, furniture, and even some appliances. Not to mention may second floor pa. It's amazing to look at. I mean, this place is not just the testament of my Tito's hard work but my late grandparents' as well. At the same time, I can't help but worry about the future . . . will this hardware survive our financial ordeals? Tito Maynard is still paying for Papa's hefty medical expenses, and now, he's about to start paying for his own treatments too. Our relatives are having trouble getting by and unfortunately for Tito, he only has me. Paano ba ako makakatulong sa mga gastusin sa ospital at bahay kung ang kinikita ko sa mga sideline ko ay sapat lang naman bilang pantustos sa pag-aaral ko?

"Pahingi ng isang bilyon," wala sa sarili kong sambit.

Napaisip tuloy ako . . . paano kung huminto na lang muna kaya ako sa pag-aaral para maging full-time ang trabaho ko? I mean, I could help here during the day and have another job at some convenience store at night. Hindi ko rin naman mapapabayaan ang podcast ko dahil may mga reserba na naman akong recording at pwede rin akong makagawa ng bago anytime. Isisingit ko na lang kung kailan ako bakante.

"Son of a—!" napasigaw ako sa gulat nang bigla na lamang may pumalo sa paa ko. Napabalikwas ako ng tayo at agad na tinanggal ang headphones ko. Nakita ko ang isang pulis na nakatayo sa kabilang dulo ng counter habang may pilyong ngisi sa kanyang mukha.

"Kung kriminal ako, tiyak kawawa ka. Wala ka man lang kamalay-malay sa nangyayari sa paligid mo," may pagyayabang nitong sambit.

"No! Ako ang magiging kriminal dahil sa 'yo! Gago ka ba?!" bulyaw ko sa kanya. Muntik ko pang malunok ang chewing gum ko!

"Hindi, pulis ako," natatawa niyang giit sabay turo sa badge na nasa blue uniform niya.

I rolled my eyes. The guy is clearly trying to mess with me and he's having a great time seeing the annoyed look on my face.

"I guess you're the Stu that Tito talked about, huh? Stu ang pangalan mo? Ano 'yon? Short for Stupid?" I smirked, trying to rise above the situation. I even continued chewing my gum trying to look menacing and unbothered. Ako? Papatalo? At sa isang parak pa! No way!

He took a step back, clutched his chest and acted like he was so hurt over my statement. "Aray ko naman, Wren! Tinotoo mo naman!"

"Do I know you?" I gave him a mocking grin as I raised an eyebrow.

"Aray na naman! Hindi mo pala ako naalala?" pagdadrama pa niya.

I heaved a sigh and took a good look at his face . . . that's when I realized who he was. "Ay, ikaw naman pala 'yan Tikboy, may pa Stu-Stu ka pang nalalaman."

I remember him now. Siya iyong isa sa mga nagtatrabaho para kay Tito noon. Nakikita ko siya sa tuwing bumibisita ako kada summer. We don't really talk, sa katunayan ang kaibigan ko ay ang nakababata niyang kapatid na si Bailey. Kumusta na kaya ang babaeng 'yon?

"Ganun lang, Wren? Wala man lang ngiti o masayang pagbati? Magpanggap ka naman kahit kaunti na masaya kang makita ako!" Bumusangot ang mokong.

I flashed my most sarcastic smile as I said, "Uy! Ikaw pala 'yan, Tikboy! Long time no see!"

"Ganyan!" Humalakhak ito at pumalakpak pa.

Napailing-iling na lang ako at umayos ng upo. Isusuot ko na sana ulit ang headphones ko nang nagsalita na naman siya.

"Kailan ka pa nakabalik?"

"Kahapon," sagot ko. Kahit naman mahaba ang sungay ko, sasagot pa rin naman ako kung kakausapin lang nang maayos.

"Hindi ba't every school break ka lang bumibisita? Bakit ngayon ka lang eh pasukan na?" usisa niya kaya napabuntonghininga na lang ako. Mabuti na lang at wala pa namang customer.

"Tuition is cheaper during summer. I had to take advantage of the units available there before heading here. And yes, dito ako mag-aaral lalo't ngayon ako pinakakailangan ni Tito," paliwanag ko na lang. It's not like he's a total stranger.

"Ay, oo nga pala, nalaman ko rin ang tungkol kay Boss Maynard." Sumeryoso na ang pananalita niya nang mapunta kay Tito ang usapan. "Kung may maitutulong ako, sabihin mo lang."

"You can help by leaving, asar na ako sa mukha mo," biro ko kahit pa seryoso ang pagkakasabi ko.

"Ayan ka na naman, eh!" madrama na naman niyang reklamo.

Tumunog ang chime ng pinto. I stood up and flashed my fakest smile, greeting the customer a good afternoon.

"Hindi mo ba ia-assist 'yon?" Stu asked when the customer was out of earshot.

"Cashier ako ngayon," giit ko.

"Magsuot ka na lang nga ng apron mo, mamaya mapagalitan ka pa ni Boss Maynard," aniya kaya napahalakhak ako. Ako? Papagalitan ni Tito?

"He won't. I'm his favorite niece," pagyayabang ko.

"Ikaw lang naman kasi ang pamangkin niya," giit pa niya kaya napairap na lang ako.

"Don't you have somewhere else to be?" tanong ko.

"Hala! 'Yung pinapabili pala nina Captain!" gulat niyang bulalas at dali-daling umalis.

Natawa na lang ako. Siraulo pa rin pala ang lalaking 'yon hanggang ngayon. Si Bailey kaya? Sana naman, siraulo pa rin 'yon.

***

Nang maiwan akong mag-isa, saktong nagdatingan ang iba pang mga customer. I got too busy tending to the customers that I didn't even notice that it was five in the afternoon. Nalaman ko lang kung anong oras na nang bumalik si Tito at pinaalalahanan ako na may pasok na ako.

Dali-dali kong kinuha ang backpack ko at lumabas ng shop. Habang naglalakad patungo sa paradahan ng jeep, laking gulat ko nang bigla na lamang may tumalon sa harapan ko mula sa halamanan.

"Welcome back, Wren!" sigaw ng babaeng akala mo Christmas light sa sobrang tingkad ng suot. Nagsaboy pa siya ng punit-punit na papel sa harapan ko, akala mo confetti.

"Heym Bailey." Natawa na lamang ako. This answers my question. Siraulo pa rin siya hanggang ngayon.

"Tagal mong lumabas! Kanina pa kami naghihintay ni Klaus sa halamanan!" reklamo niya kaya naman kunot-noo akong lumingon sa tinuro niya at nakita ko ang isang matangkad na lalaking kumakain ng ice cream. Para pang nagpa-panic anglalakihabang dinidilaan ang bawat gilid ng cone, tumutulo na kasi ang ice cream.

"Jowa mo?" tanong ko.

"Yup! Gusto mo hanapan kita?" She giggled and winked. Napangiwi ako nang wala sa oras.

Bailey pulled me into a hug, telling me how much she missed me. I actually missed her too. I mean our friendship may not be best friend tier but we're cool. Kung tutuusin, siya lang yata ang kaibigan ko sa lungsod na 'to. We didn't lose touch as well thanks to social media. We rarely talked but the shit posts we share keep us aware of each other's existence.

***

"How's Valesca so far?" tanong ni Klaus habang minamaneho ang luma niyang Honda na minana niya pa raw sa tatay niya. Bailey sat next to him in front kaya naman dahil ako ang third wheel, ako ang nasa backseat.

"Nice." I shrugged. "Not too polluted and congested."

"Yeah, that's Valesca for you. Actually, ang downtown lang naman ang na-develop. Valesca is still pretty much farms and plantations." Lumingon sa akin si Bailey at naglahad ng kanyang kamay. "Patingin ng schedule mo. Malay mo, classmates pala tayo?"

"You have night classes, too?" tanong ko sabay abot sa kanya ng index card ko.

Sa pagkakaalam ko ay sa Velesca University rin sila nag-aaral gaya ko, hindi ko lang alam kung ano ang type ng classes nila. Valesca Uni is basically the only public tertiary school in this city and they offer night classes which are pretty convenient for working students like me.

"Yeah! Night classes are the best! Sobrang chill lang ng mga tao sa gabi, pati mga prof! May chance pa na mag-work sa umaga hanggang hapon," Bailey explained as she studied my index card.

"Some of us have no choice too. May ilan din kasing part-time professors na sa gabi lang ang schedule kasi may mga trabaho pa silang iba. Kumukuha na lang sila ng night classes para hindi maging makalat ang schedule, dire-diretso na lang sa gabi," sabi naman ni Klaus.

"Yehey! We have the same Rizal class from 5-6 pm!" Bailey beamed as she turned around to look at me once again. "And the best part is si Prof Luli ang instructor natin!"

"Chill prof?" tanong ko.

"Nope, Luli as in Lulubog-Lilitaw," proud niyang sambit.

Napangiwi na lang ako.

***

Tito already told me that Valesca University is huge pero namangha pa rin ako nang makita ito. The place isn't grand or anything, it's just that the entire place is huge! Kung ako ang tatanungin, para itong isang napakalaking Eco Park. Well, it fits, considering Agriculture at Biology ang mga pinaka in-demand na kurso rito.

Malayo ang mga building mula sa isa't isa but I'd have to admit, sobrang gandang tingnan ng mga pathway na animo'y pagkahaba-habang mga hardin at mini forest. May mga gazebo pa sa kung saan-saan kaya naman kahit saan ay may matatambayan.

"Ganda no?" Bailey giggled and all I could do was nod.

Dahil nga lulubog-lilitaw ang professor, dinala ako nina Bailey at Klaus sa cafeteria para maghapunan. Mabuti na lang at sa cafeteria nila ako dinala, mura lang kasi ang mga pagkain 'di gaya sa fast food o coffee shop na sobrang sakit sa bulsa ng presyuhan.

May kalakihan ang cafeteria kaya naman hindi kami nahirapan sa paghahanap ng mauupuan. Dala ang mga pinamili naming barbecue at Pusô, pumwesto kami malapit sa bintana para madama namin ang preskong hangin mula sa labas.

I was eating peacefully when all of a sudden, this group of guys entered the cafeteria like they owned the place. They were so loud and obnoxious, pretty difficult to ignore. Tito always told me not to judge a book by its cover, but damn these dudes just scream fckboy vibes, lalo na ang isa sa kanila na may piercing sa tainga at naka-brown leather jacket pa. Ito yata ang leader ng kulto nila.

"Andiyan na naman sila," pabulong na humalakhak si Klaus at umiling-iling.

"Damn, am I in a Meteor Garden reboot?" I rolled my eyes and continued eating my food.

"That's just Donovan and his posse. They're kinda rich and powerful so don't cross them, don't even make eye contact," bulong pa ni Bailey sa akin.

I couldn't help but cringe. Funny how money can turn people into clowns.

Kung mamalasin ka nga naman, sa katapat na mesa pa namin naupo ang mga siraulo. Sobrang lakas ng boses nila habang pinag-uusapan ang kanilang "chicks". Halatang wala silang pake na nabubulabog na nila kami. Gustong-gusto ko na silang saksakin ng stick pero mas pinili ko na lang na mahanahimik. I can't afford to go to jail right now, I have to earn money for my Tito's and Papa's treatments first!

Sa sobrang ingay nila, hindi na kami nakapag-usap nina Klaus at Bailey. They looked a little awkward as well. Isinuot ko na lamang ang headphones kong nakasabit lang sa leeg ko.

Pilit kong itinuon ang atensyon ko sa ibang bagay. Napasulyap ako sa counter at may nakita akong isang matangkad na lalaking nakasuot ng thick eye glasses, may bitbit na tray na puno ng pagkain. He looked so confused and anxious, para bang isa siyang batang naliligaw. Napatingin siya sa direksyon ko kaya ngumisi na lamang ako at kumindat. Poor guy needs to lighten up!

Mukhang natakot si Nerdy Boy sa ginawa ko kaya agad itong umiwas ng tingin. Natawa tuloy ako.

"Bakit?" tanong ni Bailey.

"Nakakatawa ba ang pinapakkinggan mo?" tanong naman ni Klaus.

Binaba ko ang headphones ko nang humarap sa kanila. Itinuro ko si Nerdy Boy ngunit nang muli akong mapalingon sa direksyon niya ay nakita kong binangga siya ng lalaking nakasuot ng brown leather jacket. Donovan, I assume?

Nalaglag ang lahat ng pagkain ni Nerdy Boy sa sahig. Poor guy looked so devastated! I totally understand him. Malaglag nga lang ang isa sa mga pancake ko ay ngangawa na ako, paano na lang kaya kung ang isang buong tray na ng pagkain? That is pure heartbreak!

"Tingin ka nga sa dinadaanan mo, Delgago!" bulyaw ng Donovan. Gago lang, siya yung bumangga, siya pa 'yung sumigaw.

Umalingawngaw ang tawanan ng mga lalaki sa kabilang table. Akala mo, sobrang nakakatawa ng nangyari.

"Ulol talaga 'tong si Donovan!" komento ng isa na akala mo sobra talagang nakakatawa ang nangyari.

I got goosebumps from the anger that rose above me. My eyelids twitched so I blinked, trying to stop it from moving impulsively. Hindi na ako nakapagpigil pa at kinuha ko ang milkshake kong kaunti pa lang ang bawas. "CR lang ako."

I marched towards the counter with my head held high. Patuloy pa rin na pinupulot ni Nerdy Boy ang mga pagkain niya. Binagalan ko ang paglalakad, naghahanap ng tyempo. Sinwerte naman ako at makakasalubong ko na si Donovan.

I bumped into him on purpose, making sure my milkshake splashes on his face. As it did, the poor fck boy gasped, and so did everyone else.

"Sorry," I said nonchalantly and walked away. Hindi ko na tiningnan pa ang reaksyon ng lahat. Dire-diretso lang ako palabas kahit pa hindi ko naman alam saan pupunta.

Lakad lang ako nang lakad hanggang sa tuluyan kong mahanap ang CR. Natawa pa ako dahil dala ko pa ang baso ng milkshake ko. Dahil may natitira pa naman, inubos ko na lang ito. Sayang ng 30 pesos ko, binuhos ko lang sa fck boy na 'yon.

Walang katao-tao sa mga cubicle kaya naman naupo na lang muna ako sa maliit na mesa na nasa gilid lang ng mga faucet. I let my feet sway mid-air as I listened to my favorite songs, trying to pass the time until my next class.

A woman dressed in black pencil skirt and coat came in and closed the door. Her hair was tied to a ponytail. She looked neat and respectable kaya naman inisip ko 'agad na baka isa siyang teacher na napadpad sa pang-estudyanteng CR.

"Evening," bati ko na lang sabay tango.

"Good evening, Ms. Lozarte." She smiled and walked towards me.

I was dumbfounded. How can a teacher know my name this early?

"You know me?" I let out a confused chuckle, but I remained in my position. It was pretty awkward actually; she was standing right in front of me while I was sitting on top of the counter.

"Elianna Wren Lozarte, 18 years old, 3rd year Marketing Major, daughter of Radio Journalist Eliseo Lozarte. You're also known as Wren from The Bloody Hours Podcast. You have an estimated amount of 430,000 listeners not just in the Philippines but in—"

"Okay, time to shut up. You're pretty but you're creepy so goodbye!" Sarcastic akong ngumiti at agad na tumalon pababa sa kinauupuan.

"And I also know that your uncle has been diagnosed with cancer recently. Bills are about to get overwhelming in your household considering your father is also—"

"Can you just please cut to the chase?!" Napasinghal na lamang ako. "Ano? Are you planning to purchase the hardware? If you are, then go to my Tito Maynard. 'Wag mo akong guluhin kung ayaw mong ibenta kita sa mga kilala kong arabo," banta ko na lang.

She chuckled quite gracefully. Gandang babae sana kaso mukhang may saltik.

Aalis na sana ako nang muli siyang magsalita.

"Ms. Lozarte, my employer believes that you have the expertise and platform needed for our project to succeed. He would like to offer you a job, one that is pretty straightforward and with good pay," she said.

"Good pay? Now we're talking." My eyes squinted as I smirked. 



----- HOW TO MAKE A SERIAL KILLER -----

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

25.3M 849K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
44.3K 1.8K 13
Death and Life are in the power of the tongue. Cover made by: @Dark_Keiichi
667K 17.9K 10
Compilation || Short/one-shot stories about love and life.
Our Deadly Pact Par bambi

Mystère / Thriller

5.8M 186K 55
Book 1 of the Pact Series (also known as Our Suicide Pact) (Warning: This story was written in 2013 when I was around 15-16 years old. A plethora of...