On the Seventh Day of May [Se...

By Red_Raselom

103K 1.8K 91

[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite... More

On the Seventh Day of May
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Epilogue
Make Her Fall in Seven Weeks

Chapter Eight

2.3K 58 0
By Red_Raselom

KINABUKASAN, wala nang ulan pero malaking bahagi pa rin ng Bataan ang walang kuryente. Tuloy, napasugod sina Ruby at ang kambal sa bahay ni Kenneth para tumambay roon maghapon.

"Oh, bakit kayo narito?" takang-takang tanong naman ng binata. Hindi kasi ito informed.

"Makiki-wifi lang," prangkang pag-amin ni RJ. Dahil wala talaga itong hiya, pumasok ito sa loob ng bahay kahit hindi pa iniimbita, umupo sa sofa at nilabas ang Samsung S4 sa bulsa para makapag-internet na.

"Ang kapal talaga ng mukha ng kakambal mo kahit kailan," bulong ni Ruby kay MJ. Tapos, hinarap niya si Kenneth. "Bumibisita lang po kami. Wala po kasi kaming magawa, eh. Okay lang po ba?" Sinadya niyang magsalita na parang batang paslit.

Natawa naman si Kenneth. "Ang cute mo, Ruby. Bagay talaga sa iyong magganyan. Haha!" Umusog ito para patuluyon sila.

Medyo nag-blush naman siya sa sinabi nito.

Tapos, pumasok an sila at umupo sila sa sofa.

"Guys, gusto n'yo ng lomi?" alok ni Kenneth. "Nagluto ako."

"Naks, iba talaga itong si Kenneth. Pwedeng pwede nang mag-asawa!" hirit ni MJ.

Noon pa man ay alam na nilang marunong talagang magluto si Kenneth. Ayon nga rito, noong bata ito, pangarap nitong maging chef kaya in-enroll ng mga magulang sa cooking class hanggang sa manawa ito at nangarap na lamang maging isang programmer. Kaya ngayon, tinatapos nito ang kursong Information Technology.

"Sige nga raw, Kenneth, pahingi kami," ngingiti-ngiti naman niyang sabi rito. "Tingnan natin kung masarap ba ang lomi mo."

"Sige, hintayin n'yo na lang ako rito." Nagtungo na ito sa kusina para ihanda ang meryenda nila.

"Hindi man lang ba natin tutulungan si Kenneth?" tanong ni Ruby sa kambal.

"Huwag na. Si Kenneth lang 'yun. Mabait naman iyon," ani RJ habang kinakalikot nito ang cell phone.

Samantalang, wala namang imik si MJ dahil maging ito'y abala sa pagwa-wifi.

"Walang hiya talaga ang dalawang ito kahit kailan." Napaikot na lamang siya ng mga mata. "Basta, ako, tutulungan ko si Kenneth." Hindi na niya hinintay na sumagot ang mga ito dahil agad niyang sinundan si Kenneth.

Nadatnan niyang nagsasandok si Kenneth ng lomi mula sa isang kaserola.

Nang makita niya ang itsura ng lomi, halos maglaway siya. Itsura pa lang kasi'y katakam-takam na.

Lumapit siya rito. "Uy, mukhang masarap iyang lomi mo, ha?"

"Ay, p****g—" Pinigilan ni Kenneth na mapamura dahil sa gulat. "Nagulat naman ako sa iyo, Ruby," ngingiti-ngiting anito.

"Grabe, ha? May nakakagulat ba sa ginawa ko?"

"Bigla ka na lang kasing sumulpot."

"So, mushroom ako, ganern? Ganda ko namang mushroom."

"Wala naman akong sinasabi, ha?" Tinakpan ni Kenneth ang kaserola. "Gusto mo ba ng sawsawan?"

"Toyo-mansi sawsawan nito, 'di ba?"

Tumango si Kenneth. Tapos, kumuha ito ng mangkok at kubyertos sa tauban ng plato.

"Sige raw. Meron na bang naka-ready? Ako na lang maghihiwa ng kalamansi," pagboboluntaryo niya.

"Ah, sige. Nasa ref, doon sa drawer sa baba 'yung kalamansi."

Natawa siya sa term nito. "Drawer talaga, Kenneth?"

Lumapit siya sa refrigerator na nasa gilid ng sink at kumuha ng kalamansi sa pinakailalim na compartment. Hiniwa na rin niya iyon pagkatapos habang si Kenneth naman ay nagtitimpla ng iced tea.

"Okay na ba lahat?" tanong niya nang matapos siyang maghiwa ng kalamansi.

"Paminta, baka gusto n'yo rin." Kinuha ni Kenneth ang shaker ng paminta saka pinatong iyon sa tray. "Tara?"

"Go!"

Binuhat nito ang pagkain at dinala sa sala.

Habang papunta sila sa sala, gumana na naman ang malandi niyang imahinasyon. Naisip niya kasing isang gwapong waiter si Kenneth sa isang sikat na restaurant.

Kung sakaling waiter nga siya, nako, for sure araw-araw akong kakain doon para lang masilayan siya, ngingiti-ngiti pa niyang monologo. Naalala tuloy niya bigla 'yung manager sa KFC na naging viral pa nga sa Facebook. Naisip niyang pwedeng makipagsabayan doon si Kenneth.

Pinatong ni Kenneth ang tray sa coffee table. "Oh, guys, lomi?"

Agad namang kumuha ng mangkok si MJ at nilagyan iyon ng lomi. Nilagyan din nito ng toyo-mansi ang pagkain bago tinikman.

"P***, ang sarap!" OA ang pagkakasabi ni MJ. Para itong isang linggo nang nagke-crave sa lomi at ngayon-ngayon lang nakakain. "Ikaw na, p're, ang magaling magluto! Pwedeng-pwede ka na talagang mag-asawa!" Pinagpatuloy nito ang pagkain. Para pa nga itong patay-gutom dahil sa sobrang bilis tapos tulo-tulo pa.

"Salamat," sabi lang ni Kenneth saka siya nito inalok ng pagkain.

Syempre, kumain din si Ruby. Si Kenneth pa nga ang nagsandok niyon. Gusto pa nga siyang subuan nito pero tumanggi lang siya.

"Kenneth, ha?" Binigyan niya ito ng ngiting nagsasabing, "Dumada-moves ka na naman."

Napaiwas lang nang tingin si Kenneth bagaman nakita niyang namula ang mukha nito.

Natawa lang siya saka nagsimulang kumain.

Totoo nga ang sabi ni MJ. Masarap ang lomi ni Kenneth. The meat broth blended well with the al dente noodles. Saktong luto ba, ganoon. Gusto rin niya ang toppings na tokwa, nilagang itlog, carrots at atay ng baboy.

The taste of Kenneth's cooking was exquisite, something she would never forget. No wonder MJ went nuts after tasting the lomi.

"Ang sarap, Kenneth!" puri niya sa katabi. "Pang resto. Iba talaga ang nag-cooking lesson."

"Ha-ha, salamat, Ruby. Buti naman, nagustuhan mo."

Ewan lang kung imahinasyon lang niya iyon pero parang nakahinga nang maluwag si Kenneth. Para bang nag-aalala itong hindi niya magustuhan ang luto nito.

Muli na naman siyang natawa. Ay, nako. Si Kenneth talaga.

"Guys,"—Binaling nila ang tingin kay RJ, na hindi man lang naisip kumain.—"may tanong ako."

"Ano 'yun?" sagot niya.

Abala ang kakambal nito sa paglamon. Nakadalawang mangkok na nga ito nang hindi nila namamalayan.

Well, matakaw si MJ pero napakapayat nito, na kabaligtaran naman ni RJ na malaki naman ang katawan dahil nagsimula itong mag-workout three years ago. Natural kasing mabilis ang metabolism ng kambal.

"Ano'ng meaning ng 'DNP'?" tanong ni RJ. "Dati ko pa ito nakikita, eh. Di ko pa rin alam ang meaning."

"Diary ng Panget, bakit? Wattpad book iyon na naging movie na," sagot ni Ruby saka pinagpatuloy niya ang pagkain.

Tumangu-tango ito. "Ah, iyon pala 'yun. Akala ko naman kung ano."

"Bakit, ano bang akala mo?" tanong naman ni Kenneth.

"Dede ng flat. Ang layo pala ng meaning." Tumawa ito.

Si Ruby naman ay nabulunan. Agad naman siyang inabutan ni Kenneth ng panulak. "Ano ba iyan?" reklamo niya matapos maalis ang bara sa lalamunan. "Nasamid pa tuloy ako sa iyo, leche ka."

Samantalang, tulad ng parating nangyayayari, binatukan ito ng kakambal. "Bobo! Paano'ng naging DnP ang 'dede ng flat'? Baka, DnF kamo!"

"'Di, 'Dede ni Petra', ano masaya ka na?" iritadong asik nito.

"Sino'ng 'Petra'? 'Yung sa 'Petrang Kabayo'?" Napasinghap si MJ. "Ay! Gusto mong makita ang dede ni Vice Ganda! Alam na."

"G***!" sambit ulit ni RJ. "Bakit ko naman gugustuhing makita ang dede ng bakla? P***, baka magka-nightmare pa ako. Boobs na lang ni Sasha Grey o Maria Ozawa, baka dila-dilaan ko—"

"TSE!" she shrieked. Hindi na niya napigilan ang sariling mapairit dahil nababastusan siya sa pinag-uusapan ng mga ito. "Ke babastos ninyo. Mga manyakis!"

Napangisi naman si MJ. "Sus, sabihin mo, inggit ka lang kasi wala kang boobs, parang si Michelle." Humagikhik ito habang siya naman ay namula sa inis.

Well, totoong flat-chested siya. Actually, pareho sila ni Michelle ng istraktura ng katawan – petite. Mas matangkad lang siya ng dalawang pulgada rito at maganda ang shape ng baywang niya. Kung maglalagay nga lang siya ng padding sa dibdib at balakang at bibigyan pa ng dalawang pulgada para umabot ng 5" 6' ang height, hindi maipagkakailang pang-modela na ang katawan niya.

Pero wala naman masyadong pumapansin ng hubog ng katawan niya. Maganda naman kasi siya – hugis puso ang mukha, brown na mga mata, saktong tangos ng ilong, at mapulang labi.  Marami ring humahanga sa itim at bagsak na bagsak niyang one-foot-below shoulders niyang buhok.

"Manahimik ka nga d'yan, leche ka!" Kulang na lang ay umusok ang ilong ni Ruby sa inis. "Wala akong pake kung flat-chested ako. Mas mainam nga ito at baka minamanyak n'yo ako sa isip ninyo. Mga ma-L pa naman kayo. Tsss..."

"Tama na nga iyan, guys." Inakbayan ni Kenneth si Ruby. "Inaasar n'yo na naman si Ruby. Baka magkapikunan kayo niyan."

"Asus! To the rescue na naman itong si Kenneth." Sumubo si MJ ng pagkain nito. "Magkatuluyan kayong dalawa d'yan, eh. Who knows," dugtong pa nito habang may laman ang bibig.

Biglang nag-init ang pisngi niya.

"Ayie, may namula!" kantiyaw ni MJ.

"Tse!" hiyaw ng dalaga.

Binalot na sila ng katahimikan.

Napansin ni MJ ang isang laruang baril—'yung baril na may malalaking bala pero malalambot—na nakalagay sa ilalim ng coffee table. Kinuha nito iyon.

"Uy, gandang baril naman nito." Kinasa nito ang baril. "Kanino ito?"

"Sa kapatid ko iyan," sabi naman ni Kenneth.

"Nasaan nga pala 'yung kapatid mo?" tanong ni Ruby. Dalawa ang kapatid ni Kenneth at parehong lalaki.

"Kakaluwas lang nila kanina. Nagpahatid sa condo namin sa Maynila. Lagi naman iyon, tuwing sabado," sagot ni Kenneth.

"Ngek. Paano iyon? Nagpahatid sa driver n'yo? Sa bagay, rich kid kasi, eh." Adik din siya dahil sinagot niya ang sariling tanong. "'Buti na lang pala nagpaiwan ka."

"Alam mo namang ayoko sa Manila, 'di ba?"

Magsasalita pa sana si Ruby nang biglang kalabitin ni MJ ang trigger ng baril. Lumabas ang bala niyon na gawa sa foam at tumama sa tagiliran niya.

"Aray!" irit ni Ruby. Hindi naman talaga iyon masakit. Sadyang OA lang siya.

Halagpak naman ang tawa ni MJ. "'T*** i** talaga. Ang tinis ng boses mo, Ruby, kahit kailan. Isa pa nga!" Itinutok nito ang baril sa kanya.

"Kiyah! Kenneth, oh?" Pilit niyang isiniksik ang katawan sa likod nito. "Pagsabihan mo nga si MJ!"

Natawa lang si Kenneth at napailing-iling. Tapos, kinuha nito ang isa pang baril-barilan na nasa ilalim din ng coffee table. Mas malaki pa nga iyon sa hawak ni MJ.

"Ano, MJ, papalag ka?" hamon nito with matching pagtayo para bongga. "Mas malaki ito?"

Ngumisi si MJ. "Malaki?"

"Asan ang malaki?" biglang sabi ni RJ. Luminga-linga pa nga ito.

"Ito!" Inasinta ni MJ ang crotch ng kakambal sabay dakma ng ari-arian nito.

"P***ng—" Tinulak nito ang kakambal. "Tang ina, ha? Ang sakit!"

"Isa pa?" Muli nitong kinalabit ang trigger.

Tinamaan si RJ sa noo kaya muli itong nag-reklamo. Kinuha tuloy nito ang throw pillow na nakapatong sa sofa at binato sa kakambal.

Umilag naman si MJ habang binabaril ang kakambal. Kaso, dahil sadyang naging hyper na ito, maging sina Ruby at Kenneth ay tinira na rin.

The fierce battle began! Bale, naging magkakampi sina Ruby at Kenneth habang nag-solo naman sina MJ at RJ. Kanya-kanyang takbuhan sila sa loob ng bahay. Umabot pa nga sila hanggang sa attic.

"P***, wala na akong bala!" sigaw ni MJ habang lumilinga.

"Bleh! Nasa amin na lahat!" tatawa-tawa namang sabi ni Ruby habang inaabot niya kay Kenneth ang mga bala. Siya kasi ang taga-ipon ng bala habang si Kenneth naman ang taga-baril.

"Ang duga nga ninyong tatlo, ay. May baril kayo, ako, unan lang ang weapon ko!" reklamo naman ni RJ. "Maduga. Dapat may—ay pu**ng!" Binaril ito ni Kenneth at tumama ang bala sa leeg nito.

Tawa naman nang tawa si Ruby. "Go, Kenneth! Barilin mo ang mga gorillang iyan!" utos pa niya rito.

"T*** i**, ano'ng gorilla? Ginagalit ninyo ako, ha? Roar!" Binayo-bayo ni RJ ang sariling dibdib na para bang ginagawa nito si King Kong. "Magsu-super saiyan na ako!" Sumugod ito sa kanila.

"Kiyah!" irit niya.

Samantalang, agad namang hinawakan ni Kenneth ang kamay ni Ruby at hinila ang dalaga palayo. "Takbo, Ruby, takbo! Hinahabol tayo ni King Kong!" sabi pa nga nito habang panay din ang tawa.

She mentally smiled while looking at their hands. Ang lambot talaga ng kamay ni Kenneth, gustung-gusto niya ang pakiramdam niyon sa balat niya.

"Roar! Kapag nahuli ko kayo, re-r**e-in ko kayo!" sigaw ni RJ.

Nakarating sila sa may hagdan.

"Baba, Ruby!" utos ni Kenneth. Binitiwan na nito ang kamay niya. "Punta tayo sa may veranda—" Bigla na lamang itong nabuwal.

"Kenneth!" sigaw na lamang niya habang nasasaksihan kung paano nagpagulong-gulong ang kaibigan sa hagdan.

Nang lumapag na ito sa sahig, dali-dali siyang bumaba at tinulungan itong bumangon.

"Kenneth! Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong. Pinaupo niya ito sa pinakaibabang baitang nang hagdan.

"Oo..." sabi naman nito habang minamasahe ang sentido. "Bigla lang akong nahilo."

Sakto namang dumating ang kambal na nataranta dahil sa bigla niyang pagsigaw. "Ano'ng nangyari?" sabay pang sabi ng mga ito.

"Nahulog siya sa hagdan," pagkwento naman niya.

"Okay ka lang, p're?" nag-aalalang tanong ni MJ.

"O-Oo. Nahilo lang talaga ako bigla." Tumayo ito pero agad ding nabuwal. Mabuti na lang ay agad itong naalalayan ni RJ.

Tinulungan ito ni RJ na makaupo sa mahabang sofa. Sumunod naman silang dalawang ni MJ. Umupo siya sa tabi ni Kenneth.

She looked at him worriedly. "Kenneth...?"

"Oh?" His head was resting on the back rest. Nakapikit din ito habang minamasahe ang sentido.

"S-Sigurado ka bang okay ka lang?" Binaling niya ang tingin kay MJ at inutusan na ikuha ng malamig ng tubig. Agad naman itong tumalima.

"Vertigo lang ito, Ruby, effect ng migraine. Trust me." Idinilat nito ang mga mata. "Nangyayari talaga sa akin ito minsan."

"Pina-check up mo na ba iyan?"

"Oo naman, dati pa ito, bumabalik lang." Saktong dumating na si MJ. Kinuha nito ang baso ng tubig at tinungga. "Kailangan ko lang daw magsalamin."

"Sure ka, ha?"

Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Ang kulit mo ba?"

Ngumuso siya. "Sorry na. Nag-aalala lang naman ako sa iyo, eh."

Kenneth smiled. "Na-appreciate ko naman." Ginulo nito ang buhok niya. "Pero, promise, hindi mo kailangang mag-alala sa akin, Ruby. Simpleng sakit lang ito ng ulo. Iinuman ko lang ng biogesic, mawawala na ito."

Patuloy pa rin siyang sa pagnguso kaya naman kinurot ni Kenneth ang labi niya. "Tigilan mo nga iyang kakanguso mo, Ruby, at baka mahalikan pa kita." Ngumisi ito.

"Tse!" Pinalo niya kamay nito. "Tigilan mo nga ako!" Inirapan niya ito habang pilit na tinatago ang pamumula.

Tumawa si Kenneth saka tumuwid nang upo. "O, iyan, okay na ako. Wala na 'yung sakit ng ulo ko. Hindi mo na kailangang mag-alala sa akin, ha?"

Hindi siya umimik.

Inakbayan siya ni Kenneth saka binulungan nang, "Pero thank you sa pag-aaalala sa akin. Natuwa ako roon, Ruby." Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis... at tulad ng parating nangyayari, pinatibok niyon nang mabilis ang puso niya. Tuloy, nawala na ang pag-aalala niya at napalitan iyon ng kilig.

Tumikhim si MJ, na naging dahilan para ma-distract sila. "Bago kayo maglandian d'yan, baka nakakalimutan ninyong nandito pa kaming dalawa ng m***bog kong kakambal," sabi pa nito.

"Ano'ng m***bog? Mas m***bog ka, ga**!" hirit naman ni RJ.

At tuluyan nang nag-trashtalk-an ang dalawa kaya naman muling napuno ng tawanan ang sala ng bahay ni Kenneth.

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
82.2K 2.2K 34
Language : Filipino || Genre : Poetry
187K 8.3K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
51K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...