Reyana: Pero? Bakit? Paano?
Lea: Hindi ko din alam, nagulat nga ako e. Hindi pa din nagbabago ang phone number niya. Halos 3 taon na din ang nakalipas.
Reyana: Hindi lang tatlong taon.
Lea: What?!
Angeline: Mame? Kain na tayo, mamaya niyo na pag-usapan yan.
Lea: Oy! Tamang tama. Makikibreakfast na din ako ha! *Sabay ngiti kay Reyana*
Owen: Reyana? Kain na?
Lea: Hmmm, may hindi ka pa pala nakwekwento sakin Reyana ha!
Reyana: Shhhhh!
Lea: Okay okay, wag mastress!
Reyana: *Napatahimik at natutulala*
Angeline: Ma? Pa? Mauuna na po ako medyo late na din po kasi ako e!
Erik: Jel? Jel? Tito?!
Owen: Oh??
Erik: Kaya pala walang ilaw kagabi sa bahay niyo e.
Owen: Dito na muna ako titira. Kain kana.
Erik: Tamang tama! Hindi pa din ako nagbrebreakfast. Hi Tita Lea. Goodmorning Tita Reyana.
Lea: Hii! *Sabay beso beso*
Angeline: Naku wag na pa! *Sabay hila kay Erik* Late na tayo! Tara na!
Erik: Okay fine. Mauna na po kami.
Owen: Mag-ingat kayo ha! Erik si Jel iingatan mo ha.
Erik: Opo tito, ako ng bahala.
Angeline: Babye paaaa!
Owen: Bye anak!
Lea: *Tinabig si Reyana* Okay ka lang?
Reyana: *Tumungo at tila nawawalan sa sarili*
Owen: Okay ka lang mahal.
Lea: Mahal?! What kayo na?! Kayo na ulit.
Owen: Mahal? Tayo na ba? *Sabay haplos sa likod ni Reyana*
Reyana: Huh? *Wala sa sarili*
Owen: Okay ka lang ba ha?
Reyana: Oo. Paabot naman ng tubig.
Lea: Mukhang mali pala ang timing ko. Dapat pala hindi ko muna binalita sayo.
Owen: Huh?! Ano ba yunnn??
Lea: Ah wala wala.
Owen: Ano ba yun?! Kaya kaba tulala Reyana? Sabihin mo sakin ano yun! *Sabay hawak sa kamay ni Reyana*
Reyana: *Tinagtag ang kamay ni Owen* Tapos na ba kayong kumain? Liligpitin ko na.
Lea: Teka hindi pa ako tapos e.
Owen: Bakit kaba nagmamadali ha??
Reyana: Wala, baka malate na tayo. *Sabay tayo sa kinauupuan niya*
Owen: Oh pasaan ka?
Reyana: May aayusin lang ako sa taas.
Owen: Samahan na kita *Sabay tayo*
Reyana: Huwag na, ikaw na lang ang magligpit nitong mga plato. Biglang sumama ang pakiramdam ko.
Owen: *Niyakap si Reyana* Papagalingin kita? Gusto mo umabsent na lang muna tayo ngayon?
Reyana: Wag na. *Sabay kawala sa yakap ni Owen at nagtungo sa kaniyang kwarto*
Owen: Ano bang nangyayare dun?? Ano bang binalita mo at nagkaganun yun?!
Lea: Aba! Teka galit ka?
Owen: Hindi, nagtataka lang ako bakit bigla siyang nagkaganun.
Lea: Intindihin mo na lang syempre diba tumatanda na. Hayaan mo muna bigyan mo ng time para mag-isip isip.
Owen: Isipin ang ano?!
Lea: Ligpitin mo muna ito. Pupuntahan ko lang siya sa taas.
Reyana's Pov
Galit ang nararamdaman ko ngayon at hindi kung ano pa man ni wala ng lumalabas na luha sa mga mata ko kapag pinag-uusapan namin siya ni Lea. Ano nga bang klasemg galit ito, naluluha nga ba ako o nasisiyahan kasi bumalik na siya.
Lea: *Kumatok sa pintuan* Reyana?
Reyana: *Lumabas ng kwarto* Tara na.
Lea: Okay ka lang?
Reyana: Oo naman. Tara na.
Lea: Osigeee tara na! Owen! Tara na daw!
Owen: Eksakto tapos na akong ligpitin yung pinakainan natin. Okay ka lang ba mahal?
Reyana: Oo. *Sabay niyang ngiti*
Lea: Teka! May kwekwento pa nga pala kayo sakin! Dito kana ba nakatira Owen?
Owen: Oo. Gusto ko kasing makabawi kay Jel at syempre gusto ko ding makasama si Reyana. *Sabay hawak sa kamay ni Reyana*
Lea: Pero teka? Akala ko ba ayaw ni Jel na magkaroon kayo ng relasyon ni Reyana??
Owen: Kaya nga kapag nandiyan si Jel, casual lang kapag wala tsaka lang ako nagiging clingy. *Sabay yakap kay Reyana*
Reyana: *Tila wala pa din sa sarili at pangiti ngiti lamang ito*
Lea: Pero hindi ba kayo natatakot na mahuli ni Jel?
Owen: Alam ko namang natatanggao din ni Jel hindi nga lang pa sa ngayon.
Lea: Well goodluck sa pagtatago niyo. Basta tatandaan niyo lahat ng sekreto ay nabubunyag.
Reyana: *Sumakay sa kotse ni Owen*
Lea: Well piece of advice lang ito Owen. Sa tingin ko si Reyana, hindi niyan kakayanin ang pagsinungalingan si Jel unless worth it ito. Kaya swerte mo na din katulad ni....
Owen: Ni?
Lea: Ha?
Owen: Ano?
Lea: Hatdog (Imagine sinabi talaga ito ni Miss Lea HAHAHAHAHA cutiepiee) *Sabay sakay sa kotse ni Owen*
Owen: Ano bang nangyayare do to at parang nagbabago ang mundo. Parehong may sapak e. Kailangan ko tuloy alamin yung balitang yun.
Lea: Hoy! Tara na!
Owen: Oo nga ito na oh.
*School*
Reyana: *Bumababa sa kotse at naglakad papuntang classriim niya*
Owen: Reyana! Reyana! Mahal.
Reyana: *Lumingon*
Owen: *Tumakbo papalapit kay Reyana at hinalikan ito sa noo* Relax mahal, mawawala din Yang inisiip mo.
Reyana: Salamat. Salamat. *Sabay yakap kay Owen*
Reyana's Pov
Hindi ko alam pero kinakain talaga ako ng kaba. Kung bumalik siya, o kung babalik man siya sa buhay ko paano kami ni Ogie. Ano ba itong nararamdaman ko. Bakit ba ako nagdadalawang isip! Ibigsabihin nun may pagtingin pa din ako sa lalaking yun?!
Student 1: Good morning po Ma'am.
Reyana: Good morning class *Sabay niyang ngiti*
*Nagpatuloy sa pagtuturo si Reyana*
-Bell Rang-
Owen: Reyana! Mahal?
Reyana: Huwag mo nga akong tinatawag na ganyan dito sa school.
Owen: Bakit ba beastmood ka?
Reyana: Wala! Basta. Lumabas ka muna please.
Owen: Recess na ah, baka malipasan ka ng gutom.
Reyana: Mamaya na! Just leave.
Owen: Ano bang nanagyayare sayo?!
Reyana: Umalis kana lang pwede!
Owen: Bakit ba kasi?!
Reyana: Leave!
Lea: Oh? Teka ano bang nangyayare dito ha?? LQ ke aga aga.
Reyana: Lea, paalisin mo muna si Owen please.
Lea: Owen, lumabas kana muna ako nh bahala kay Reyana.
Owen: Okay. *Malungkot niyang sabi sabay labas ng classroom ni Reyana*
Reyana: *Niyakap si Lea at umiyak*
Lea: Shhhh don't cry na.
Reyana: 7 taon din kaming nagsama kaya ang hirap hirap Pa ding tanggapin ang mga bagay-bagay.
Lea: Huh?! 3 taon palang ang nakakalipas hindi ba? 2 taon lang kayong nagsama.
Reyana: No, bukod sa dalawang taon na yun. May pitong taon pa kaming pinagsamahan.
Lea: What?! I don't get it.
Reyana: Siya ang fiance na tinutukoy ko Lea. Siya ang lalaking kasama ko sa aksidente.
Lea: Ohgush?!
Reyana: Kaya hirap na hirap aking tanggapin siya sa buhay ko kahit mahal ko pa siya.
Lea: Paano si Owen.
Reyana: Hindi ko alam, hindi ko na alam.
Owen's Pov
Lumpis ang maghapong hindi kami nag-uusap ni Reyana ni hindi nga lumabas ng classroom niya at si Lea lang ang bukod tanging gusto niyang makausap. Miski ako kinakabahan. Sana naman walang masamang nangyare.
Owen: Reyana? Tara na uwi na tayo?
Lea: Tamang tama sasabay na din ako hihi.
Reyana: Osige.
*Katahimikan ang bumabalot sa kanilang tatlo walang kibo si Reyana at tila wala pa din sa sarili*
Lea: Ibaba mo na ako diyan Owen. Salamat.
Owen: *Tipid na ngumiti*
*Ilang minuto palang ay nakauwi na sila*
Owen: Reyana? Nandito na tayo. *Sabay niyang tapik kay Reyana*
Reyana: *Nagising mula sa pagkakatulog at bumaba ng kotse*
Owen: Teka Reyana mag-usap nga tayo. *Sabay harang sa pintuan ng bahay niya*
Reyana: Bahay ko yan. Kaya umalis ka diyan.
Owen: Pero??
Reyana: Alis! *Sabay tulak kay Owen at binuksan ang bahay*
Owen: Reyana! Ano bang nangyayare sayo?!
Reyana: Kung ano man ang nangyayare sakin wala ka ng pakialam dun!