MAGKADUGO (COMPLETED) SOON TO...

By frezbae

3M 89.9K 28.1K

A forbidden Story Mahal ko siya. Hindi ko kayang labanan ang aking nararamdaman hanggang sa lumipas ang panah... More

Guidance
Magkadugo 1
Magkadugo 2
Magkadugo 3
Magkadugo 4
Magkadugo 5
Magkadugo 6
Magkadugo 7
Magkadugo 8
Magkadugo 9
Magkadugo 10
Magkadugo 11
Magkadugo 12
Magkadugo 13
Magkadugo 14
Magkadugo 15
Magkadugo 16
Magkadugo 17
Magkadugo 18
Magkadugo 19
Magkadugo 20
Magkadugo 22
Magkadugo 23
Magkadugo 23
Magkadugo 24
Magkadugo 25
Magkadugo 26
Magkadugo 27
Magkadugo 28
Magkadugo 29
Magkadugo 30
Magkadugo 31
Magkadugo 32
Magkadugo 33
Magkadugo 34
Magkadugo 35
Magkadugo Books
Magkadugo Book Pictorial

Magkadugo 21

65.6K 2.1K 898
By frezbae

Chapter 21
Name

Naimbestigahan ang nangyari kay mama. Nakita sa CCTV ang paglakad nito sa daan na parang wala sa sarili. Naka teachers uniform ito at may hawak na bag nang tumawid sa daan at nasagasaan ng isang jeep. Tumalsik si mama na parang papel at nauntog ang ulo sa daan.

We're all hurt. Sa isang higlap lang nawala ang buhay ng taong buong buhay namin ay walang ginawa kundi ang alagaan kami at mahalin.

Hindi ko parin tanggap ang nangyari. I regret the day I left without talking to her dahil iniiwasan ko ang pag aaway nila papa. Kung alam ko lang na kukunin siya ng panginoon sana dinamayan ko siya at hindi ako naging duwag.

Nakita ko ang paghinagpis ni papa. Dalawang araw siyang hindi umalis sa tabi ng kabaong ni mama. Kahit si kuya walang naging salita. Sinisisi nito ang sarili dahil sa nangyari.

Dahil narin sa benepisyo ng pagiging guro ni mama ay may nakuha kaming pera at nasagot ang kanyang libing.

Si tita Carmen at tita Chimen ay dumalo sa libing ni mama. Nandito rin si Sky ,Spike ,Andre,Niko at Vivoree.

Nasa likod ko si kuya habang nasa tabi ko si Vivoree. Sunod sunod na dumaloy ang aking luha ng basbasan namin ang kabaong at hinagisan ng bulaklak. Hindi ko kayang makita si mama na nasa hukay ng lupa at unti unting tinatabunan.

My heart ached so much. Namimilipit ang puso ko at sabay sabay kaming nagulat ng tumalon si papa sa hukay at pilit inaalis ang lupa doon.

"Oh my g-god." Nasapo ko ang labi at umiyak ng todo. Vivoree hug me. Narinig ko ang kaguluhan at pagpipigil kay papa.

"Hindi ko kaya! Hindi ko kaya! Patawarin mo'ko Mona! Bumangon ka..aayusin natin to. H-hindi!" hinagpis ni papa.

Tumalikod ako at niyakap si Vivoree na umiiyak narin. Namumula ang mata ni Andre at Niko habang umiiyak ang dalawang kapatid ni mama.

Pinagtutulungan si papa na kunin doon at pinapatahan. Nag aamok na ito at pinag hahampas ang mga nakatayong bulaklak.

"Hindi! Hindi ako aalis! Sasama ako sa hukay! Patayin niyo na ako!"

Isang lagapak ang narinig ko at singhapan ng lahat. Napatingin ako at nakita si papa na nasa lupa. Sinuntok ito ni kuya na malamig lamang ang tingin sa kanya pero nanginginig ang kamay.

"Huli na ang lahat Alfonso, isa kang gago."

Walang pumigil, walang nagsalita basta si kuya Santi na ang magsalita. Lahat kami ay natahimik at tinignan ang nangyari. Kapwa gimbal sa sinabi ni kuya.

Ito na ang kinatatakutan ko. Ang magalit si kuya dahil aabutin ng buwan o taon bago ito magpatawad. Kung maging okay man kayo...may gap na sa pagitan niyo.

Pagkatapos ng libing umuwi si tita Carmen at tita Chimen.

"Huwag kang magdalawang isip na tawagin kami Ara. Tutulungan namin kayo. Ngayon, kailangan kayo ng papa mo." Sabi ni tita Chimen sa akin.

Umiyak ako ng ilang minuto sa yakap nila bago sila umalis.

Doon narin pala nag-aaral si Sky sa Unibersidad kung saan kami nag aaral. At si kuya Spike naman ay nagtatrabaho na sa isang kompanya.

Nanatili si Andre, Niko at Sky sa bahay. Si papa ay nakatulog habang ako ay nagluluto sa kusina para sa hapunan.

Naririnig ko sa labas ang mga seryosong usapan nila at ingay ng bote nila. Nagluluto ako ng pochero at fried chicken para sa kanila. Nasa mesa na ang kanin at nakahanda narin ang mga pinggan. Pinatay ko na ang stove ng maluto ang pochero.

Naka dalawang case na sila sa labas nang matapos ko ang ginagawa.

Napatigil ako sa paglalagay ng kubyertos ng makita ko ang bulto ni kuya na nakahilig sa pintuan. Tinignan ko siya ng mabuti at namumula na ito.

"K-Kain na kayo.."

Hindi ito umimik.

"Uh, tatawagin ko sila sa labas." Dadaan na sana ako sa gilid nito ng hawakan niya ang aking siko at hinilig sa baldosang dingding.

Ang paglapat ng aking likod doon ang paglapat ng labi ni kuya sa aking labi.

"K-Kuya-"

Hindi natuloy ang sasabihin ko ng dumiin ang labi niyang mainit at malambot. Natikman ko ang lasang beer at bubble gum sa labi niya.

"Nakakain ka na ba Santi-"

Naitulak ko si kuya ng marinig ang boses ni Niko. Yumuko ako ng makitang nakaawang ang labi ni Andre at Niko, tila gulat sa nakita pero kalaunan ay naging pormal din.

Hindi nagpatinag si kuya at nakatingin lang sakin. Imbes,ay hinalikan pa ulit ako nito.

"Shit! Kumakain na pala si Santi!" Mapanuyang parinig ni Andre.

"Harangan mo si Sky! Ayaw paawat ni Santi!"

Buong lakas kong tinulak si kuya at nakawala ako sa halik niya. Nahihiya ako sa mga pinsan namin ng sobra.

''K-Kumain na kayo." Sabi ko at inayos ang mga pinggan at kubyertos na ayos naman.

Umiling si kuya at tinignan ang hita ko. Hindi pa pala ako nakabihis at nakabestidang puti pa ako.

" Magbihis ka muna ng mahabang pajama." Dikta nito sa akin bago siya umupo sa upuan. Tumango ako at iniwan sila para makapagbihis.

Lumipas ang buwan na maraming nagbago. Hindi ko rin kakaila na...nahihirapan kami sa buhay. Nabenta ang tatlong van na pinarerentahan ni papa. Bayarin sa tubig, ilaw at mga kailangan ko sa pag aaral ang dahilan kung bakit iyon naibenta.

Ang pera na binibigay ni kuya ay malaking tulong rin pero hindi parin sapat. Napabayaan na ang bahay lalo na ang paupahan ni papa na isang van nalang ang natira. Hindi kami mayaman, kaya naghihirap rin sa buhay. Malaking tropeyo na nang pamilya na naging doktor si kuya Santi.

Sa skwelahan , palagi kaming magkasama ng mga pinsan kong si Andre, Niko at si Sky na anak ng asawa ngayon ni tita Carmen. Technically, we're cousins.

"Pupunta ka mamayang hospital?" Tanong ni Niko. Tumango naman ako. Palagi kong hinahatiran si kuya ng pagkain. Palagi itong seryoso sa trabaho. Tila takot na may buhay ulit na mawawala. Kahit araw ng rest day nito ay babad parin ito sa maraming trabaho at papeles. Mas naging matured, at naging success si kuya. Narinig ko rin na may offer siya abroad.

"Oo, kayo?"

Kumakain ako ng ice cream habang ang mga pinsan ko ay pizza ang pinapapak sa nguso ng sasakyan ni Andre.

"Birthday ngayon ni Sky," Si Andre at kumain ng pizza.

"Oh,Happy birthday!" bati ko sa kanya. Tumango ito sakin at umiwas.

"Simpleng kainan lang sa resto mamaya." Sabi nito.

"S-Sige!"

Bago kami umuwi ay hinatid ako ng mga pinsan ko sa hospital. Dire-diretso na ako sa office ni kuya at nakita ko siyang nababad sa computer. May kung anong pinag aaralan.

"Uh kuya.."

Umangat ang tingin nito sakin. Itinigil niya ang ginagawa at tumayo. Kinuha niya ang pagkain sa aking kamay.

"Pasensya na kuya, jollibee na naman ulit."

"It's okay."

Biglang namang bumukas ang pintuan at pumasok si Flor. Oo, si Flor. Doktor narin ito ngayon pero noon hindi siya dito nakabase. Ngayon dito na ang duty niya kung saan si kuya.

"Oh! Ara! Timing pinagluto ko si Santi ng menudo. Kumain kana rin dito."

Masiglang sabi nito. Napatingin ako sa supot ng jollibee na nasa kamay ni kuya. Nilagay niya iyon sa mesa at kinuha ang tupperware sa kamay ni Flor.

"Hindi kana sana nag abala Flor." Si kuya. Naiwan akong nakatayo habang abala sila sa pag arrange ng pagkain.

Natanto ko na, hindi ko pala kayang makita si kuya na nasa iba. Nasasaktan pala ako at natatakot. Napalunok ako at tumabi nang hinila ni Flor ang silya. Hindi ko namalayan na natabig ng kamay ko ang malaking plorera sa mesa ni kuya at diretsong nahulog iyon sa paa ni Flor.

"Aray!" Sigaw ni Flor nang mabasag ang plorera at may nakita akong sugat doon. Mabilis rin kumalat ang dugo.

"Sorry Flor! Sorry!"

"It's okay Ara," Nakangiwi ito sa sakit.

Mabilis siyang binuhat ni kuya at pinaupo sa upuan. Nilagay ni kuya ang paa nito saa tuhod niya at tinignan ang sugat.

Her legs was visible. Habang si kuya ay alalang alala sa nangyari.

"Ara, ang first aid kit." Sabi nito ng hindi nakatingin sakin. "Okay kalang ba Flor?" Tumingala ito kay Flor.

Ramdam ko ang selos at sakit sa aking nakikita ngayon saking harapan.

"Ara! Ang first aid kit!" Napapitlag ako sa sigaw ni kuya ng hindi pa ako makagalaw.

"A-Ah,Sandali!" lumabas ako ng office at bumagsak ang aking luha.

Nakita ko ang pamilyar na nurse. Nagulat ito ng makitang umiiyak ako.

"Uh, nurse, pakisuyo naman ng first aid kit sa office ni kuya. Pakisabi narin na umuwi na ako."

"Sige Ara. Okay kalang ba? Ba't ka umiiyak?" Tanong nito.

"W-Wala to.."

Sa labas ng hospital ay napatingala nalang ako sa dumidilim na kalangitan.

I miss mama so much. Gusto ko ulit maramdaman ang yakap at marinig ang boses niya.

Nanginginig kong tinipa ang number ni Andre.

"Hello Andre, pasundo naman ako dito sa h-hospital."

"Are you okay?"

Natigil ako sa narinig. "S-Sky?"

"Yes, wala si Andre. He left his phone. Nandito narin yun mamaya."

"Ganon ba,sige."

"Susunduin kita." Sky said.

"Naku wa'g na. Birthday mo ngayon-"

"Susunduin kita Dianara.."

I was speechless when he say my name.

"Who's that?"

Natulos ako sa aking kinatatayuan ng marinig ang seryosong boses ni kuya sa aking likod.

Continue Reading

You'll Also Like

551K 9.1K 96
C O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming...
1M 25.8K 45
ROMANCE|EROTICA|DRAMA ⚠️R18⚠️ "Beg me, Professor, as you serve my wrath." S: 02/24/23 E: 09/03/23
5.3M 58K 74
WARNING: SPG! R-18! Vareen Meira Dalton, a model and a business owner. In some unexpected ways, she met not only one, but two men who helped her to c...
210K 4.8K 67
In the same blood, We both ended, The Forbidden Love, We both started.