I'm his TUTOR

By NerdyIrel

55M 775K 224K

She likes being alone while he loves being the center of attention. She'd rather stay at home, reading books... More

I'm His Tutor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Author's Note
WATTPAD PRESENTS: I'M HIS TUTOR
Special Chapter

Chapter 45

551K 9.9K 2.5K
By NerdyIrel

Chapter 45


Mikay's POV


"Harvard? Shocks, di ko naman kaya dito...Ano ba tong si mama. University of California....Stanford University...Columbia University...University of Michigan...University of Toronto...Yale University...Princeton University...Cornell University, North Carolina State University----"


"Knock knock"


I stopped browsing the list of universities my mom gave me when she suddenly popped up her head sa pintuan. Nakalimutan ko palang isarado yun.


"Oh ano mikay? Nakapagsubmit ka na ba?" Tanong niya, entering my bedroom.


"Hindi pa po. Ma, grabe naman kasi, di ko naman kaya dito sa mga ito. Pang mga matatalino lang po yan" Pagangal ko.


"And you're smart. Try mo lang naman. This is also for your own good"


I groaned. "Ma, ayoko rin naman pong umalis dito sa pilipinas"


"It wouldn't hurt to try. Plus pag natanggap ka sa scholarship, I'm pretty sure, ikaw mismo ang magmamadaling umalis"


Wala naman kasi akong balak umalis.


Andito buhay ko.

Andito family ko, friends ko, yung boyfriend ko...


"Okay okay, I'll submit the essays they want. I'm surprised kumukuha sila ng students na galing sa ibang bansa" I murmured, opening my laptop.


"Well, isa kasi ako sa sponsors ng scholarship program in America and they decided na yung mga anak namin, pwedeng isama as a gift sa pagtulong namin sa project nila"


Tumingin ako kay mama nung sinabi niya iyon.

May connection siya.


"Ma, wala ka naman sigurong balak ilakad itong mga papers ko right? Wala ka naman sigurong gagawin para matanggap ako sa scholarship?" Tanong ko.


I just wanna make sure na kung talagang magaapply ako at matatanggap ako, ay dahil sa talino ko at hindi dahil kay Mama.


"Of course honey" She smiled sweetly. "Iwan na kita para makapagconcentrate ka diyan"


She walked out of the room, leaving me speechless.


Talaga kayang wala siyang gagawin?

Hay sana totoo.


Derick's POV


"Magugustuhan niya kaya ito?" I whispered while writing in a small paper.


Bibigyan ko kasi siya ng chocolates.

Ako mismo nagluto, tinuruan pa ko ng pinsan ko.


Gusto ko mafeel talaga niyang gusto ko siya.

At hindi ko siya lolokohin.


"Hayy...sana maging girlfriend na kita" I said, smiling to myself.


I folded the paper and closed the box.

Inilagay ko yun sa ref bago ako pumunta sa kwarto ko at humiga.


Kinuha ko yung phone ko at tinitigan yung wallpaper ko.

Ang ganda niya talaga.


Una ko pa lang siya nakita, alam ko may kakaiba na kong naramdaman.


"Alam mo, gagawin ko lahat para maging akin ka"



Mikay's POV


The next day...


"Mikay, paturo naman oh" I looked up and saw Derick, walking towards me. May dala siyang libro at inangat niya pa yun para ipakita sakin. Natawa tuloy ako.


Nandito ako ngayon sa tambayan sa school. Madaming upuan at table dito sa field kaya mas gusto kong dito kumakain ng lunch.

I was supposed to meet Gino bago ako pumasok sa klase pero sabi niya, may biglaang meeting daw with their coach.


"Bakit? Di mo nagets?" Tanong ko pagupo niya sa tabi ko.


"Nagets ng kaunti kaso ito talaga eh, ang gulo. Paano nakuha yung 350? Di ba dapat 270 lang?" Tanong niya habang pinapakita yung libro.


Sumubo muna ako ng kanin bago ko tinignan yung libro.

Then inexplain ko sa kanya.


"Teka, bakit ganun? Minus nga daw sabi diba?"

"Baliw, hindi" Sagot ko sabay inom ng tubig.


Nagkamot siya ng ulo tapos sinarado na yung libro.

"Hay nakakabaliw ang math"


He folded his arms in front of him tapos nirest niya yung ulo niya dun.


"Intindihin mo lang kasi. Madali naman yan" Sagot ko habang nililigpit na yung mga gamit ko.

"Nakakabaliw din manligaw" Mahinang sagot niya.


Natawa tuloy ako.


"Effort pa kailangan mo" sabi ko.


"Ano pa bang effort ang kailangan? Pa-hard to get pa kasi" Pagrereklamo niya. "Nga pala mikay, yung tungkol sa intrams, kwentuhan mo naman ako"


Umayos ulit siya ng upo tapos ngumiti sakin.

Mood swings!


"Anong ikukwento?" Tanong ko, nabobored na kasi ako.

Sana andito si Gino, masaya sana.


"Ito naman. Share mo lang, kelan ibibigay yung invitations ba yun?"


"Pag inannounce kung sino over-all champion, tsaka lang kami magbibigay ng invitations sa kanila. Para sa mananalong department lang naman ang invited"


"Ah ganun pala yun"

"Oo. Kaya sana manalo HRM" Nakangiting sabi ko.

"Asus, gusto mo rin manalo yung course ng boyfriend mo eh" Nakabusangot na sabi niya.

"Malamang! HAHAHAHA"


Nagtawanan kaming dalawa kasi para akong baliw.


"Munchkin" I immediately looked around. Nagulat ako kasi nandito si Gino.

"Oh, akala ko ba may meeting kayo?" tanong ko.


He walked towards me pero napansin kong tumingin siya ng masama kay Derick.

What now?


"Meron nga pero nagpaalam ako saglit. Sabi ko puntahan lang kita. Eh ikaw? Bakit andito ka?" sabi niya pero tumingin ulit siya ng masama kay Derick bago sakin.


"Ayoko sa canteen, masyadong crowded. May baon naman ako kaya dito na ko kumain"


"Eh siya?" Tanong ni Gino sabay turo pa kay Derick.


"Ako? Aalis na ko. Bye" Natatawang sabi niya sabay tumayo at ngumiti na lang sakin.

Takteng toh! Iniwan ako sa ere!


"Ano na naman yun?" Tanong ko kay Gino.

"Anong ano?" Iritableng sabi niya sabay upo sa tabi ko.


Tinaasan ko siya ng isang kilay. Alam niya kung ano yung tinatanong ko.


"Why do you have to be rude to him? Wala naman siyang ginawang masama sakin ever. And if I'm not mistaken, sinave niya pa nga ako nung muntikan na kong maholdap diba?"


He closes his eyes and sighed. "Musta yung pagreaready niyo sa intrams?" Pagiiba niya ng topic.

Tignan mo toh.


"Classmate ko lang yun, wag ka na magselos" Sabi ko sabay rest ng ulo ko sa shoulder niya.

He relaxes tapos nilagay niya yung isang arm niya around my waist.


"Sorry, can't help it" Bulong niya.

"Anong oras ka nga pala uuwi mamaya?" Tanong ko.

"Di ko pa alam. Siguro mga 6"

"Wala kayong practice kasama nila Seth? Para sa banda?"

"Bukas pa. Ikaw? Magpapagabi ka na naman ba?"

"Hindi. Mga 8 nasa bahay na ko"

"Gabi na yun ah"


Tumingin ako sa kanya then I rolled my eyes.

"Hanggang 8 pa pasok ko eh"

"Tsk. Dapat hindi ganyan schedule niyo"

"Haha sige, ipaglaban mo yan"


He also laughed then he kissed the top of my hair.

"Male-late ka na, punta ka na sa klase mo" Sabi niya.


I sat straight then I frowned at him.


"Bakit parang di mo yata pinagpipilitang ihatid ako ngayon sa classroom ko?"

"As much as I want to, babalik na ko sa meeting namin"


I nodded. Oo nga pala.

Naiintindihan ko naman kasi yung pagka-busy naming dalawa.

Lalo na siya, buti nga may oras pa siya sakin kahit sobrang onti na lang.


"Sige, alis na ko. Magtext ka mamaya ah" sabi ko habang tumatayo.

"Ikaw din, ingat ka" He smiled at me.


Naglakad na ko palayo at nakita kong tumayo na rin siya.


Pagdating sa classroom, nakita kong tumawa si Derick.


"Seloso talaga boyfriend mo" Pangaasar niya. "Ako na lang ipalit mo, di ako seloso"

I rolled me eyes at him. "Whatever"


-----------------------------------


Ang bagal ng oras.

9 pm pa lang.


Uuwi na dapat ako kaso may biglaang meeting.


Start na kasi ng intrams next week.

Pinapaayos na samin yung hallway since uwian na at wala ng studyante.

Para di na daw kami pumunta dito sa school bukas.

Pahinga na kasi namin ang sabado.

Mas maganda na nga namang tapusin na ito para sa Monday, yung ibang problems na yung aayusin namin.


"Mikay, ikaw na lang maglagay nitong banner. Pasama ka diyan kay EJ, dun sa may lobby" Sabay abot sakin nung isa sa mga kasama ko.


Kahit ako yung president, syempre dapat tumulong pa rin ako sa kanila.

Kanina pa sila busy kakagawa ng props.


Ang gulo gulo na nga nitong meeting room sa dami ng glitters, colored papers, at kung ano-ano pang mga ginamit nila.

Kahit sila, ang dudungis na.


Pero halatang mga nageenjoy sila kasi may music pa nga at nagsasayawan pa yung iba at kumakanta habang gumagawa ng mga banners and stuffs.


Ipinatong ko yung bag ko sa isa sa mga table katabi ng mga bags nila bago ko kinuha yung banner na hawak nung kasama ko.


"Di na, ako na lang" Sabi ko sa kanila. "EJ, ikaw na lang maglagay niyang isang banner sa may gym"


Tumango siya at iniwan ko na silang lahat dito.

Alam naman kasi nila ang mga ginagawa nila.


Paglabas ko ng room, sobrang tahimik.

Patay na rin yung ilaw sa ibang part ng school.


I guess, since Friday, nagsiuwian agad yung mga studyante.

Though kung may practice man yung iba, nasa loob naman ng room kaya di maingay.


"Hala, paano ko nga pala ikakabit ito? Dapat pala nagpasama nga ako kay EJ" Sabi ko sa sarili ko.


Ang shunga ko.

Di naman kasi ako ganung katangkaran.

Tsaka ang taas nung pagkakabitan ko.


"Need help?"

I looked around and saw Derick.


"Alam mo, kung hindi kita lubusang kilala, iisipin ko stalker kita. Lagi ka na lang sumusulpot kung saan-saan" Natatawang sabi ko.


Ngumiti siya na labas pa ngipin. "Nagkataon lang na nakita kita. Teka, kukuha lang ako ng ladder"


Tumakbo siya palayo habang ako umupo muna dun sa isa sa mga upuan dito sa lobby.


Maya-maya, nakita kong nagsidatingan yung mga cheerleaders sa school namin.

Mga naka-short shorts sila na dikit na dikit sa katawan nila tapos mga naka-sando.

Mga nagtatawanan pa.

Mukhang magpapractice yata sila.


"Grabe anong oras na, nagpatawag pa ng biglaang practice"

"Okay lang, may practice din daw basketball ah"

"Oh talaga? Akala ko ba, wala daw?"

"Narinig ko si coach kanina"

"Ayos! Makikita ko yung crush ko"

"Shet, does that mean andun si baby Gino?"

"OMG! Di nga?"

"Hala, magstretching ako sa harapan niya. Akitin ko siya"

"HAHAHAHA landi neto!"

"Bakit ba? Ang gwapo nun eh!"

"True! Ang swerte swerte nung girlfriend niya"

"Sus, maghihiwalay din sila HAHA"


I looked away and frowned.


Mga ambisosya.

Sorry kayo, akin na siya.


AT HINDI KAMI MAGHIHIWALAY!

Mga bwisit na mga ito!


Kahit mas magaganda kayo at mas sexy kayo, mga ugali niyo naman bulok!

Ang lalandi!


Pero teka, may practice si Gino?

Bakit kaya di niya nasabi?

Ay oo nga pala, biglaan daw.


"Mikay! Ito na oh" Nakita kong naglakad na pabalik si Derick na may hawak na ladder.

Iniayos niya yun sa gilid kung saan itatali yung right part ng banner.


"Ako na ba o ikaw?" Tanong niya.

"Ako na, hawakan mo na lang yan baka dumulas, malaglag pa ko haha"


Umakyat na ko at nung medyo nasa taas na, pinaabot ko sa kanya yung banner.


Nailagay ko naman ng maayos kahit na medyo nagugulo ako sa mga malalanding usapan ng mga cheerleaders na yan about Gino.


They really do like him.

But I'm not that affected.

Ayoko lang talaga pag nababanggit yung pangalan ko or yung word na 'girlfriend niya'.

Hayy.


Habang bumababa, bigla silang nagsigawan kaya nadulas ako ng kaunti pero buti na lang nahawakan ni Derick yung elbow ko.


"Tsk, magingat ka nga" Pagalit na sabi niya. Tinignan ko nga ng masama.

"Bakit ka nagagalit? Kasalanan ko bang nagulat ako?"


He rolled his eyes and laughed. "Sorry naman, nagulat lang ako. Pag ikaw nadulas at bumagsak ulo mo, paano na yung pagasa ko mapasagot ang one true love ko?"


"Luhhh, wag ka ngang cheesy haha"


I pushed him a little para makadaan ako sa gilid niya at makapunta dun sa kabilang dulo.


Tumawa lang siya at binuhat na ulit yung ladder.

Pinwesto niya dito sa gilid at umakyat na ulit ako.


"Tingin mo ba, single pa rin ako by the end of this week? Or sa intrams kaya?"


I just looked at him. Itinali ko na yung banner.

"Tignan mo nga kung diretso" Tanong ko sa kanya.


He immediately ran then nagthumbs up.

"Yep, nice job!" Pangaasar niya pabalik dito.


Hinawakan niya ulit yung ladder habang bumababa ako.


"Thank you ah" I said. "Bakit nga pala di ka pa nauwi?"

"Umuwi na ko pero bumalik din. Nakalimutan ko kasing ibigay ito"


He ran towards his bag, na nakapatong dun sa isa sa mga upuan bago tumakbo ulit palapit sakin.

"Ano yan?"


He handed me a box tapos may letter din siyang inabot.


"Chocolates at love letter" Nakangising sabi niya.

HAHAHAHA.


"Nakanang! Ang effort ah!"

"Ako pa ba? Lahat gagawin ko para mainlove sakin ang taong mahal ko"


I smiled at him. "Ang sweet mo! Kaasar"


I opened the letter at binasa ko yun.

Tapos natawa ulit ako. "I'm pretty sure----oh my ghad! Ano ba!"


(O___O)

Nagulat ako nung biglang may tumabig sa kamay ko at pagtingin ko, si Gino.


HALA!

Andito siya?


Kaya pala nagsigawan yung mga cheerleaders kanina!

Akala ko mga kinikilig lang sa usapan nila.


"What the fuck pare" Galit na sabi ni Derick nung nakita niyang nalaglag ko yung box.

Buti na lang nakasara pa rin at di natapon yung chocolates.


Lumapit siya dun at kinuha niya. "Ano bang problema mo?" Tanong niya.

"IKAW? ANONG PROBLEMA MO? Psh! Girlfriend ko, nililigawan mo?!" Sigaw ni Gino.


"Ano?" Gulat na tanong ko.

Gino gave me a death glare bago niya hinablot sa kamay ko yung letter na hawak ko.


"Sana magustuhan mo ito, ako may gawa nito. Matagal na kitang nililigawan pero-------PUTANG INA! ANO TOH? MATAGAL NIYO NA KONG GINAGAGO?" Galit na galit na sabi ni Gino.


Yung mga tao sa likod niya, nagsisilapitan pero mga tahimik.

Halatang nakikinig.


Ohmygosh!

Gino naman!


"Teka mali ka ng pagkakaintindi-----"


"SINASABI KO NA NGA BA EH! NAGSESELOS AKO KADA NAKIKITA KO KAYO KASI TAMA YUNG HINALA KO! Tama yung sabi ni Maddie! NAGPAPALANDI KA NGA! Alam mo ikaw, talaga bang wala kang kahihiyan diyan sa katawan mo? Akala ko ba hindi mo gagawin sakin yung ginawa mo kay Jerome? Akala ko ba mahal na mahal mo ko? Eh ano toh? Talaga bang di mo magawang makonteto sa isa, Mikay-----"


Sinampal ko na siya dahil sobrang nasasaktan na ko sa mga sinasabi niya.

Naiyak na ko.


Here we go again...

Tinapakan na naman niya yung pagkatao ko.

For the second time.


"Tarantado ka pare, di mo ba kayang pakinggan muna si mikay?" Pagtatanggol sakin ni Derick.

"FUCK YOU! WAG MO KONG KINAKAUSAP" Then he suddenly punched Derick in the face. Napaupo siya sa lakas ng suntok ni Gino.


Agad-agad naman siyang inawat ng mga basketball players na kasamahan niya.

Pumiglas naman si Gino.


"Ano ba gino...tumigil ka na" Naiiyak na sabi ko.


Tumingin siya sakin ng masama.

Kita kong pinipigilan niya yung sarili niyang magsabi ulit ng masasama sa akin.


Umupo ako sa tabi ni Derick para tulungan siyang tumayo.

Then I looked at Gino.


Wala akong pakielam kung mapahiya siya sa mga kasamahan niya.

Pinahiya niya na rin naman ako diba?


"Alam mo ang problema sayo, nagagalit ka agad-agad. Wala kang tiwala sakin!" Sigaw ko sa kanya.


"PUNYETA MIKAY, AKO PA WALANG TIWALA? Ayan na ebidensya oh! Kanina ko pa kayo pinagmamasdan! Wag mo nang ideny na nililigawan ka niya!"


"HINDI NAMAN AKO YUNG NILILIGAWAN NIYA! SI JOYCE!" Sigaw ko pabalik, trying to wipe tears off my face pero tuloy-tuloy pa rin yung pagiyak ko.


Nanahimik lahat nung sumigaw ako.

I even heard gasps.

Mga nagulat sila.

Even Gino did.


"Ano?" Gulat na gulat na tanong niya.

I grabbed the letter na hawak hawak niya para ipakita sa kanya.


"TIGNAN MO YUNG DULO! BASAHIN MO!"


He slowly looked at the paper then at me and then at the paper again.

Nanahimik siya.


"BASAHIN MO SABI GINO!" Sigaw ko ulit.


Kita kong nanlumo siya.

He looked up and frowned.


"Basahin mo" Sabi ko.


Gusto kong sabihin niya sa lahat yung nasa dulo ng letter para mapahiya din siya.


He deserves it.

Sobrang sakit ng mga sinabi niya sakin.


He opened his mouth pero sinarado niya rin ulit.

Halatang di niya magawang basahin.


I snatched the paper from his hand tapos ako na yung nagbasa.


"Hindi kita pinipilit sagutin ako dahil alam kong nahihirapan ka pang magmove on sa past relationship mo. But let me help you move on. Ako, gustong-gusto kita at di kita lolokohin, Joyce" Binasa ko ng malakas yung nalagay sa letter.


Gino looked down.

Nung tumingin siya sakin, kita ko sa mga mata niyang nagsisi siya sa mga ginawa niya.


"Sana bago ka manapak ng tao, alamin mo muna kung talaga bang karapat-dapat mo siyang saktan" Sabi ko, crying so hard.


"Mikay..."


He's so speechless at the moment.

Halatang di niya pa mahanap yung tamang words na gusto niyang sabihin sakin.


"At sana, bago ka magalit...bago mo ko ipahiya at bago mo tapakan yung pagkatao ko...sana Gino, may katanggap-tanggap kang rason. Hindi yung basta-basta ka na lang namamahiya"


I quickly walked away.


Dire-diretso ako papunta dun sa meeting room namin.

Pagpasok ko, nagsalita yung isa kong kasamahan pero tumigil din.


"Bakit mikay?" Tanong niya.


I grabbed my bag and wiped my tears flowing in my cheeks.

Di ko magawang tumingin sa kahit sino sa kanila.


"Sorry, kailangan ko na kasi umuwi" My voice even cracked.

"Ah okay, sige. Ingat ka. Kaya na namin ito"

"Oo nga ate mikay"

"No need to say sorry"

"Madami ka ng nagawa"


I just nodded tapos lumabas agad ako.


Napatigil ako nung nakita ko si Gino.

Nakatingin sakin.


"Mikay" Lalapit sana siya pero nagstep backward ako.

"Wag mo muna akong lapitan" Mahinang sabi ko.


He looked down.

Para siyang naiiyak.


"Please Mikay"


I didn't looked at him.

I just pushed him a little para makadaan ako.


"Wag ngayon" sabi ko, leaving him.


Kahit na nagi-guilty akong iwan siya na ganun itsura niya, sobrang nasaktan niya ko.

And right now, galit na galit ako sa kanya.


I don't think talking to him will fix everything.


-------------------------------------------------------


Saturday evening...


"She's upstairs" Rinig kong sabi ni Mama paglabas ko ng pintuan ng kwarto ko.


O_O

I immediately went back inside and locked the door.


No...


No way...


Bakit andito si Gino?

Sinabi ko na nga sa kanyang ayokong makipagusap sa kanya.


Magdamag akong nagmukmok dito.

My mom didn't know na umiyak ako ng umiyak.

Sanay silang lagi akong nandito sa kwarto ko.


Gino's been leaving calls and texts since last night's incident.

Pero kahit isa, hindi ko sinagot or nireplyan.

Pinatay ko pa nga yung phone ko.


*Knock knock*


Nagpanic ako.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.


Should I pretend I'm sleeping?

Or papapasukin ko ba siya?


I don't even know kung galit pa rin ba ko sa kanya or hindi na.

But all I know is that, ayoko muna siyang makita.


"Mikay, alam kong gising ka...please"


I froze when I heard his voice.

Magang-maga pa rin yung mga mata ko dahil kakatapos ko lang umiyak.

Bababa sana ako para kumuha ng tubig kaso dumating naman siya.


"Please, let's fix this" Nagmamakaawang sabi ni Gino.


I closed my eyes and rests my forehead at the door.


I still love him but I'm hurt.

Maaayos ba talaga namin ito pag nagusap kami?


"Mikay, please..." he whispered.


I sighed and opened the door bago pa magbago isip ko.

Tinignan ko siya at nagulat ako kasi sobrang lalim ng mga mata niya.

And it looks like, hindi lang pala ako ang hindi nakatulog ng maayos kagabi.


"What do you want?" I cleared my throat para umayos yung boses ko.

"Can we talk?" Tanong niya.


I know he wants to hug me tight but he's holding himself.

Ako rin gino, gusto kitang yakapin pero di ako sure kung yun ba talaga yung gusto kong gawin.


I just nodded and went to my bed.

Umupo ako dun at pinanuod ko lang siyang pumasok sa kwarto ko at sinarado iyon.


He sat beside me, making sure na may space sa gitna namin.


"I'm sorry" Pagsisimula niya.


Inilayo ko kaagad yung tingin ko sa kanya.

Naiiyak na naman ako.


PUTEK NA MATA YAN!


"Sorry for what?"

"Sorry kasi sinaktan na naman kita" He said.


He suddenly held my hand kaya naiyak na ko.

Then hinawakan niya yung pisngi ko gamit yung isang kamay niya para tumingin ako sa kanya.


"Mikay, sorry. Sorry talaga"

Umiyak na ko ng umiyak.


"Nakakainis ka!" I said through my cries.

He pulled me into a hug tapos hinalikan niya pisngi ko.


"Ang tanga ko mikay. Ginanito na naman kita. Alam ko hindi madadaan sa simpleng sorry yung sakit na nararamdaman mo ngayon. You probably hate me right now. Mikay, sorry talaga. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nasabi ko yung mga yun. Pero hindi yun totoo. Hindi ka manloloko"


"Why don't you trust me?" I asked habang naiyak pa rin. I pulled away para makita ko yung mukha niya. *sniff*


"It's me I don't trust at all..." Mahinang sabi niya. "Kahit na lagi mong pinaparamdam sakin na mahal mo ko, may part pa rin sakin na natatakot na baka one day, bigla kang magsawa sakin. Bigla kang mawalan ng pagmamahal sakin. Mikay, ayoko nun. Ayokong dumating yung araw na di mo na ko mahal"


"Kung naiisip mong one day, mafo-fall out of love ako, well then wala ka ngang tiwala sakin. You don't trust me. You don't trust me enough. Do I have to prove myself na mahal talaga kita? Di pa ba sapat itong mga ginagawa ko para sayo?"


He cupped my face para tumitig ako ng maiigi sa kanya.


"Mikay, hindi sa ganun. Wag mong isipin yan. Sorry, sorry talaga. Kaya lang naman ako laging nagseselos pag kasama mo si Derick kasi ayoko yung friendship niyo. Ayokong close kayo. Dun din kasi tayo nagsimula. Ayokong mawala ka sakin"


"Pero sa ginagawa mo, tingin mo hindi ako mawawala sayo?" *sniff*


Halatang nasaktan siya dun sa tanong ko. "Bakit? Nawawala ka na ba sakin?"

"Gino, mahal pa rin kita. Hindi magbabago yun. Pero kung ganito na lang tayo ng ganito----"

"Wag mong ituloy" He whispered.


He looked down at kita kong nasasaktan siya ng sobra.


"Hindi ako nakikipaghiwalay. Syempre ayoko rin mawala ka sakin. Pero sana wag na maulit ito. Gino, ang hirap kasi sayo, pag galit ka, wala kang pinapakinggan. Kahit na girlfriend mo pa ko, wala pa rin sayo yun"


"Promise mikay, promise. Hindi ko na uulitin"


I leaned into him and kissed him lightly.

"Hindi kita ipagpapalit kahit kanino man. Tandaan mo yan. Gino, hindi ko gagawin sayo yung ginawa ko kay Jerome. Nagawa ko lang namang lokohin siya kasi mahal na mahal kita. Sana wag mo naman isipin na ganun akong klase ng tao. Na manloloko ako"


He bit his lip hard.

Kita kong pinagsisisihan niya lahat ng mga sinabi niya kagabi.


"You're not. I'm really sorry mikay"

He pulled me again in his arms.


"I love you Gino...." I said, relaxing myself para tumigil na ko sa pagiyak ko.

"How can you still love me after what I've done?" Tanong niya.


"Kung mahal mo talaga ang isang tao, tatanggapin mo yung kakulangan niya dahil wala namang perpektong tao, Gino"


He hugged me tight.

"Thank you Mikay. I thought I was going to lose you. Sobrang natakot ako kagabi. Halos di ako makapagisip ng maayos. Gusto kitang puntahan pero sabi mo ayaw mo. Di ako nakatulog kakaisip sayo. Kakaisip ng buhay ko pag nawala ka sakin"


I frowned and kissed his neck.

"Yan din yung inisip ko kagabi. Kung kaya ko bang mabuhay na wala ka. Ngayon ko lang naisip nung nakita kita na, hindi ko kaya. Na kahit na sobrang sakit nung ginawa mo sakin, mapapatawad pa rin kita"


"I'm really sorry munchkin" He murmured while kissing my hair.

"Let's forget it..."


"Bakit ba kasi hindi mo sinabi sakin na nililigawan nung pesteng yun ang kapatid mo? Eh di sana hindi ako nagassume ng ganun"


I pulled away from his hug para humiga sa kama.

Hinila ko siya para yakapin niya ulit ako.

It's more comfortable this way...


"It's not something that I should tell you. Pinakiusapan ako ni Derick na wag kong sabihin sayo dahil hindi mo naman daw kailangan malaman. Ginawa niya kong tulay pag ayaw siyang makita ni Joyce"


"Hindi ko kailangang malaman? Ano ba naman yun! Boyfriend mo ko, dapat alam ko lahat"

"Nahihiya siya. Baka asarin mo daw siya"


Gino just frowned. "Pakielam ko naman sa lovelife niya. Tss"


"Hindi naman talaga ako dapat papayag nung una kaso naisip ko, nahihirapan magmove on si Joyce. She needs someone...and I think Derick's the perfect guy"


"Kelan niya pa nagustuhan si Joyce?"

"Nung nakita niya si Joyce sa sasakyan mo. Nakaupo. Yun yung araw na sinabi satin ni Joyce na hinaharass siya ni Jerome"


"Ahh...so love at first sight huh?"

"I think so..."


He pulled me tighter to him kaya napatingin ako sa mga mata niya.

"I'm so lucky na ikaw yung klase ng tao na marunong magpatawad"


Tinitigan ko lang siya.


Mahal kasi kita...

Sobrang mahal na mahal....


"Ayokong nakikita kang umiiyak. Ayokong nasasaktan kita. Mikay ko, promise, babawi ako sayo" He murmured before kissing me.


------------------------------------------------------


Awww.

I was supposed to cut this chapter na magkaaway sila, leaving you guys curious and mad at me kung ano ba talagang mangyayari next but I guess I changed my mind. I know what it feels to be left unanswered with so many questions in our head and I don't think you guys deserve that one right now. Haha!

Anyway, please feel free to leave feedbacks!

Once again, hindi natibag ang munfin couple! Yey!

Continue Reading

You'll Also Like

785K 30K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
Her Greatest Return By m

General Fiction

7.2M 17.9K 5
Her Greatest Return Written by: TheDarkestBlue Highest Rank Achieved - #1 in General Fiction (May 31, 2017) Copyright © 2015 TheDarkestBlue, All Rig...
9.6K 1.5K 41
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
6.6K 527 21
Different personalities... Different stories... One island. Six individuals went to a secluded island to move on from their past lives. As their stor...