19. The Girl Between Us (PUBL...

By CDLiNKPh

48K 971 122

Hanggang saan ang kaya mong gawin for love? Para kay Serenity kaya niyang magpanggap na lalaki para mabawi la... More

Teaser
Chapter 1: Too Perfect To Be True
Chapter 3: Cat Fight
Chapter 4: Kenji Ramirez
Chapter 5: Facebook Chat
CHAPTER 6: Baby, Come Back To Me
Chapter 7: Meet Up
Where to read?

Chapter 2: Moving On?

4.6K 114 19
By CDLiNKPh

The GIRL between US

Written by: lady_phoenix16

"ANG KAPAL din naman pala ng mukha ng Jeremy na 'yan ano? Ang akala ko pa naman mabuting lalaki siya, pinagkatiwala ka namin sa kanya pagkatapos lolokohin ka lang pala!" Galit na galit si Ate Lyrica nang marinig niya ang kwento ko tungkol sa nangyaring paghihiwalay namin ni Jeremy. Sa aming magkapapatid ay siya ang pinakasanay sa lalaki. Siya ang nanloloko ng mga lalaki kaya mukhang iritang-irita siya na nagpaloko ako sa isang lalaki.

"Mabuti na iyang ganyan, Serenity! Mabuti nang nalaman mo habang maaga ang tunay na kulay ng lalaking 'yan! Naku, kung magkakatuluyan kayo at patuloy ka lang niyang lolokohin eh lalo ka lang masasaktan!" komento naman ni Ate Melody na siyang pinakamahinhin sa aming magkakapatid. Sa lahat ay siya ang halos almost perfect na. Masunuring anak, matalino at masinop sa bahay. Babaeng-babae ang dating at palaging nasasabihan na magiging mabuting may bahay kapag nag-asawa na.

"Dapat sa animal na 'yan, pinapatay eh! Salot sa lipunan! Dapat putulan ng ****!" Censored ang sinabi ni Harmony. Sa lahat naman ay siya ang boyish sa amin. Sadista siya at siga. NBSB siya pero mukhang malaki na kaagad ang hinanakit sa mga lalaki kahit wala pa namang experience.

Apat kaming magkakapatid na babae. Si Ate Lyrica ang panganay, si Ate Melody ang pangalawa, ako ang pangatlo at si Harmony naman ang bunso. Magkakasunod lamang ang edad namin kaya magkakasundo rin kami. Sabi ng iba ay malas daw kapag ultimong parang hagdan ang edad ng mga magkakapatid pero mukhang hindi naman nangyayari iyon sa amin. Masagana naman kasi ang pamumuhay namin. Isang Doktor at siyang may-ari ng Ospital ang Daddy namin at dati namang sikat na singer ang Mommy namin. Under de saya ang Daddy Greg sa Mommy Vanessa namin kaya naman sinunod nito ang babae na manggaling sa musika ang lahat ng pangalan naming magkakapatid. Serenity, Harmony, Lyrica at Melody. Pero kahit mayaman kami ay masaya pa rin ang pamilya namin. Hindi kami kaisa sa mga madalas mabanggit sa mga telenobela na mayaman nga pero broken family naman. Kahit may edad na sina Mama at Papa ay malambing pa rin sila sa isa't-isa. At sa aming magkakapatid na babae ay hindi kailan man nawala ang bonding. Malalim ang bond namin na halos lahat ng sikreto ng bawat isa ay alam namin. Wala kaming taguan. Lahat ay sinasabi namin.

"Huwag ka namang ganyan, Melody! Mabait naman si Jeremy eh! Baka talagang na-inlove lang siya sa babae na 'yun! Baka kapag nagsawa siya sa sawa na 'yun ay bumalik din siya sa akin. Kailangan lang ng space at ng oras ni Jeremy! Ma-re-realize niya rin na para talaga kami sa isa't-isa! Hindi man ngayon pero alam ko na darating ang araw na iyon-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko pa sana dahil bigla na akong binatukan ni Ate Lyrica. Ang hustler sa mga lalaki na galit sa mga martir na babae.

"Eh tanga-tanga ka rin pala eh! Kaya ka niloloko dahil ang tanga mo! Iniwan ka na nga at pinagpalit sa kung sinong babaeng hahabulin mo pa rin! Shunga-shunga!" Gigil na sabi ni Ate Lyrica.

Doon na ako hindi nakapagpigil ng luha ko. Tumagos sa akin ang sinabi niya. Oo nga, ang tanga ko nga. Iniwan na ako lahat ni Jeremy pero heto ako at umaasa pa rin na balikan niya. Tuloy-tuloy lang na umagos ang mga luha sa mata ko. Ang sakit-sakit sa dibdib, parang may kumukurot sa puso ko habang bumabalik sa isipan ko iyong nahuli kong laplapan ni Jeremy at nung babaeng mukhang sawa.

"Pero anong gagawin ko? Mahal na mahal ko talaga siya. Hindi ko kayang mawala siya. Pakiramdam ko mamamatay ako..." Lalo lang lumakas ang atungal ko, lalo lang nairita si Ate Lyrica.

"Pigilan ninyo ako! Lalo kong masasaktan ang babaeng 'yan!" Nanggigil lalo si Ate Lyrica sa nginangawa ko. Pinigilan naman siya ni Ate Melody at ako naman ay nagtago sa likod ni Harmony para hindi maabot ni Lyrica ang maganda kong buhok.

"Tama na nga 'yan, Lyrica! Ang gawin na lang natin ay bigyan ng advice itong si Serenity kung ano ang gagawin niya para makalimutan 'yung tukmol na Jeremy na 'yun!" Nainis na rin si Melody sa bangayan namin. Nanahimik naman si Lyrica. Kahit si Lyrica ang panganay ay nakikinig siya sa mas matalino at mas kalmadong si Melody. Umupo na lang sa isang sulok si Lyrica na masama pa rin ang tingin sa akin.

Yumuko na lang din ako.

"Alam mo ang gawin mo? Ibaling mo ang sarili mo sa ibang bagay. Hindi iyong puro si Jeremy lang ang tumatakbo riyan sa isip mo!" sabi ni Melody.

"Hindi ko na naman iniisip si Jeremy eh. Hindi na-"

"Hindi raw pero anong ibig sabihin ng mga ito? Pagtatanggalin ko na ah-"

"Huwag!" Pero huli na dahil bago pa ako makakilos ay tinanggal na isa-isa ni Harmony ang mga pictures namin ni Jeremy na naka-display sa wall ng kwarto ko. "Sabi ng huwag eh-" Inagaw ko iyong picture ni Jeremy na hawak niya. Kinulumot niya kasi. Saka ko hinimihimas ang picture na iyon at kinausap na parang aso. Pero ang ginawa ni Melody ay inagaw niya lang ulit mula sa akin.

"Sabihin mo nang kontrabida kami sa buhay mo pero concern lang kami sa 'yo. Hindi ka makaka-get over sa lalaking 'yan kung patuloy lang na nakabalandra ang pagmumukha niya rito sa kwarto mo. Tigilan mo na ito, Serenity. Just move on, okey? Dahil siya ay hindi ka na inaalala." Napahinto ako sa sinabi ni Melody. Lalo lang akong nalungkot. Wala na nga kayang pakialam sa akin si Jeremy? Balewala na lang ba talaga para sa kanya lahat ng pinagsamahan namin?

"Alam mo ang dapat gawin mo? Maghanap ka ng bagong lalake. Kapag nabaling ang atensyon mo sa ibang lalaki mawawala na sa isip mo 'yang Jeremy na 'yan. Tapos ang problema," nakangisi na si Lyrica. Tiningnan naman ito ng masama ni Melody.

"Lyrica, tigilan mo nga yan. Hindi matatama ng pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Magiging unfair do'n sa guy kung sasagutin siya ni Serenity kahit hindi naman siya nito mahal," sabi ni Melody.

"Eh 'di kung ayaw ni Serenity sa lalaki, mambabae na lang siya!" pagbibiro naman ng tomboyin na si Harmony. Natawa tuloy bigla si Lyrica, hanggang maya-maya ay nadamay na rin si Melody. Tawanan na ngayon ang tatlo na nakapagpantig naman sa tenga ko.

"Tama na nga! Wala rin namang naitutulong ang mga advice ninyo eh! Problema ko ito kaya ako na lang bahalang lumutas! Magsilabas na kayo!" napikon na rin ako at napasigaw.

Natahimik na lang ang tatlo. Saka na tumayo at iniwan ako sa kwarto. Alam ko naman na pinakikiramdaman lang nila ako at alam nila na kailangan ko lang talaga ng oras para maglubag ang dibdib ko.

Habang mag-isa ay muli kong tiningnan ang picture naming dalawa ni Jeremy sa camera ng cellphone ko. Sa picture na iyon ay punong-puno pa siya ng pagmamahal sa akin. Doon ay unti-unti na namang nagbalik sa akin ang mga masasayang pinagsamahan namin. Iyong paulit-ulit niyang sinasabi sa akin noon na mahal na mahal daw niya ako at ako raw ang "forever" niya. Pero nasaan na ang forever na iyon? Bigla na lang niyang tinapon lahat ng pinagsamahan namin ng dahil lang sa babaeng iyon na parang wala lang nangyari.

Hindi ko maintindihan kung anong nagawa ko at iniwanan niya ako. Malambing naman ako, siya lang talaga ang nanlamig na sa akin. Maganda naman ako, nagpaganda talaga ako alang-ala sa kanya at binago ang sarili ko para lang magustuhan niya. Hindi ako kasing talino katulad ni Ate Melody pero at least hindi naman ako kasing bobo ni Ate Lyrica. Mabait din naman ako. Pero bakit?

Hindi kaya dahil bad breath ako?

Hiningahan ko ang kamay ko para mapunta sa ilong ko ang amoy ng bunganga ko. Hindi naman amoy imburnal. Pero bakeeettt?

Bakit, Jeremy? Bakit mo ako iniwan?

Iyon na lang ang naging tanong ko sa sarili ko. Madali lang para sa iba ang sabihin na kalimutan ko na lang si Jeremy. Madali lang para sa kanila ang sabihin na mag-move on na dapat ako dahil wala na namang katuturan pa ang pagiging martir at katangahan ko. Pero hindi naman kasi gano'n kadaling gawin iyon eh. Hindi naman kasi basta-basta mawawala lang ang feelings ng isang tao purkit niloko ka lang nito. Isang taon ko ring naging boyfriend si Jeremy. Siguro nga para sa iba ay hindi pa iyon gano'n katagal pero para sa akin ay katumbas na ng 'walang hanggan' ang mga sandaling kasama ko siya. Pangarap kong lalaki si Jeremy at mahal na mahal ko siya. Ang saya-saya ko noon no'ng naging boyfriend ko siya. Pakiramdam ko noon ay ang swerte-swerte ko dahil sa dami ng babaeng naghahabol sa kanya ay ako ang nagustuhan niya. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na nangbabae na si Jeremy noon pa mang kami na. Hindi ko na lang sinasabi sa mga kapatid ko dahil alam ko na magagalit lang sila pero wala naman akong pakialam doon. Dahil alam ko na kahit anong pangbababae ni Jeremy ay in the end, sa akin din ang bagsak niya. Dahil ako pa rin naman ang palagi niyang binabalikan eh.

Ang akala ko wala nang katapusan ang pangarap ko sa piling niya. Pero dumating sa buhay niya ang sawang babae na iyon na sobra kung makalingkis sa kanya. Iniwan niya ako para sa babaeng iyon. Ako na babaeng ginagawa ang lahat para sa kanya. Ako na babaeng nagtitiis ng mga pangbabae niya. Iniwan pa rin niya ako sa kabila ng lahat.

Ang sakit-sakit...

LUMIPAS ANG ISANG TAON...

Sabi nila, ang sugat daw sa puso ng isang tao ay naghihilom din sa paglipas ng panahon. Pero bakit ang sa akin ay hindi? Hanggang ngayon ay baliw na baliw pa rin ako kay Jeremy. Alam kong wala na siyang pakialam sa akin. Masayang-masaya na siya kasama ng hitad niyang girlfriend at halos hindi na nga siguro niya ako kilala. Pero ako, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya makalimutan. Oras-oras, minu-minuto o segu-segundo yata ay tumatakbo siya sa sistema ng katawan ko. Hindi siya matanggal sa isip ko! Nababaliw na yata talaga ako. Masyado ko siyang mahal na hindi ko siya magawang makalimutan. Para akong loka-loka na patuloy pa ring kumakapit sa matamis na ala-ala ng kahapon. Para na nga rin akong stalker dahil sinusundan ko siya ng hindi niya alam eh. Palagi akong nakatanghod sa kanya sa malayo. Palagi pa rin akong pumupunta sa Bar at pinapanood siya roong kumakanta sa tuwing may Gig siya. Nagseselos pa rin ako kapag may mga babaeng nagsisitilian habang nasa stage siya at alam ko na wala na akong karapatan pero hindi ko pa rin mapigilan.

Bakit ba ang hirap-hirap mag-move on? Bakit si Jeremy ay ganoon lang kadaling nawala ang pagmamahal sa akin? Pero ang pagmamahal ko sa kanya- Kahit isang taon na ang lumipas ay naroon pa rin. Malalim pa rin sa dibdib ko at dama pa rin ng puso ko.

"Alam mo ikaw na lang ang nagpapahirap sa sarili mo, Serenity. Hindi na ako magtataka kung bakit gigil na gigil ang Ate Lyrica mo sa 'yo. Stalker ka na ni Jeremy. Bawat galaw na lang yata niya ay napapansin mo. Pagkatapos itong ininuman niyang coke in can na iniwan niya rito kinuha mo pa. Aba, matuto ka namang makaramdam ng kilabot sa sarili mo." Hindi na nakatiis ang bestfriend kong si Steve. Simula pa noong tumuntong kami ng college ay bestfriend ko na siya. Gwapo naman siya at alam kong may gusto siya sa akin. Noon pa man ay nilinaw ko na sa kanyang hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Pumayag naman siya at wala rin naman siyang magagawa dahil ayaw din niya na mawala ako sa kanya. Hindi ko rin naman kayang mawalan ng kaibigan sa school kaya hanggang ngayon ay hinahayaan ko lang siyang dumikit sa akin kahit alam kong may lihim siyang pagnanasa. Kadalasan ay tahimimk lang si Steve sa mga kagagahang pinaggagawa ko para kay Jeremy. Palagi siyang nakasuporta kahit noong naging boyfriend ko na si Jeremy. Pero ngayon ay napapansin ko na parang unti-unti ay naiinis na rin siya sa ginagawa ko. Hindi ko naman siya masisisi dahil isang taon na rin simula nang mag-break kami ni Jeremy pero heto ako at basing-basa pa rin sa ulan este baliw na baliw pa rin sa kanya.

"Pabayaan mo na lang ako, Steve. Alam mo namang dito lang ako magiging masaya eh," nakangusong sabi ko habang hinihimas-himas sa pamamagitan ng mukha ko ang coke in can na iniwan ni Jeremy doon sa cafeteria.

"Ewan ko sa 'yo. Sa ginagawa mo, malabong magkaroon ka pa ng boyfriend kung puro Jeremy na lang ang tumatakbo riyan sa isip mo!" Napikon na rin yata si Steve kaya tumayo siya sa kinauupuan namin at nilayasan na ako.

"Wait! Sandali naman, Steve! May regla ka ba ngayon? Bakit ang sungit mo?!" pagtawag ko sa kanya pero parang hangin lang ang kinausap ko. Hindi naman kasi niya ako pinansin.

Humabol ako sa kanya. Napansin ko naman na nagsitinginan ang mga babaeng malanding dinaanan ni Steve. Popular din kasi sa school si Steve kaya hindi ko nga maintindihan kung bakit niya ako niligawan dati. Nagbalik tuloy sa isipan ko ang pagkakakilala namin noon.

Pauwi na ako galing sa Phoenix University noon. Palabas na ako ng gate para puntahan ang Driver noon nang mapansin ko ang isang gwapong-gwapo at kumikinang na lalaki sa gate. Kumikinang siya dahil para siyang isang Prinsepe sa sakay ng isang puting kabayo dahil sa kagwapuhan. Malinis siyang tingnan, matangkad, seryoso, gwapong-gwapo at napakatalino. Leader nga siya ng student council at alam ko na may kaya rin ang pamilya nila. Kaya hindi ko maintindihan noon kung bakit no'ng mga oras na iyon ay nag-iisa siya. Alam ko naman kasi na maraming babaeng naghahabol sa kanya at marami ring lalaki ang gustong maging kaibigan siya. Alam ko dahil sikat siya.

Nang makita niya ako ay bigla siyang umayos sa pagkakatayo niya. Nakita ko kasi siya na nakasandal sa pader ng gate ng School. Para ngang napansin ko na bumakas pa ang kaba sa mukha niya nang makita ako.

"Ahhmmm, pwede ba tayong mag-usap?" Bigla niyang tanong nang makalapit ako sa bandang palabas ng gate.

Luminga-linga ako sa paligid.

"Ako ba ang kinakausap mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Pero wala namang ibang tao roon na nasa likuran ko kaya kung pwede lang huwag akong tanga.

"Serenity, matagal na tayong magkaklase pero kahit kailan ay hindi man lang kita nilapitan. Noong first year high school pa lang tayo ay napansin na kita hanggang ngayong fourth year high school na tayo. Hindi ko magawang lapitan ka dahil nahihiya ako sa 'yo. Kapag lumalapit ka na palagi na akong nawawala sa sarili. Inuunahan ako ng kaba ko, hindi ako mapakali, at malakas ang tibok ng puso ko. Pero ngayong napapansin ko na panay ang kwento mo sa mga kaklase natin kung gaano mong kagusto si Jeremy ay nakakaramdam na ako ng takot. Alam ko na hindi magtatagal ay magugustuhan ka rin niya lalo pa ngayon na binabago mo na ang sarili mo para lang sa kanya. Kaya bago pa man mangyari iyon ay uunahan ko na siya. Mahal kita, Serenity!"

Parang bombang sumabog sa pandinig ko ang sinabi ni Steve. Iyon ang unang beses na may nagtapat sa aking lalaki. Paulit-ulit ko pang kinurot ang sarili ko para magising kung nananaginip lang ba ako. Isa sa pinakasikat na lalaki ay nagtapat ng pag-ibig sa isang chakang babaeng katulad ko? Totoo nga ba ang himala?

"Ahh-"

"Gusto mo rin ba ako? Ayos lang kung hindi pa. I will do anything for you, Serenity. I love you." Naging desperado ang boses ni Steve.

Overwhelm ako sa narinig ko. NBSB ako at matagal ko na ring pinangarap na magka-syota at sa tagal ko sa Phoenix University ay wala man lang kahit isang lalaking nanligaw sa akin. Hindi naman kasi ako kasing ganda ni Ate Lyrica na ligawin ng mga lalaki eh. Kaya medyo shocking na may nag-confess din sa akin sa awa ng Diyos.

Pero masyado nga yata akong baliw kay Jeremy. Siya iyong bad boy type. Marami na akong narinig na bad rumors about him but I don't care. Sabi ng iba, si Jeremy daw ang tipo ng lalaki na hindi kayang mag-seryoso ng isang babae. Mahilig lang daw itong magpaasa pero wala akong pakialam. Kung magugustuhan ako ni Jeremy ay gagawin ko ang lahat para lang magustuhan niya ako. Babaguhin ko ang iniisip ng ibang taong masama tungkol sa kanya. Gagawin ko ang lahat para mapasaakin lang siya.

"Hindi ka ba talaga nagkakamali? Sa akin ka talaga nagtatapat?" makulit pa ring tanong ko.

"Hindi pa ako baliw para kausapin ang sarili ko, Serenity."

Napakamot ako sa ulo ko. Grabe, nagtatapat pero nagawa pa akong barahin.

"Pero bakit? I mean- Panget ako eh. Maraming mas maganda kaysa sa akin."

"Kailangan ba talaga na palaging panlabas lang ng anyo ang maging basehan para lang magustuhan ka ng isang tao? Ibahin mo ako, Serenity. Hindi ako katulad ng Jeremy mo na masyadong mahilig sa maganda. Hindi ka nga yata magugustuhan no'n ng ganyan kang kapanget."

"Ouch. Ang sakit mo namang magsalita. At may gusto ka pa sa akin sa lagay na 'yan ah?" pamimilosopo ko. Natawa tuloy siya. Sobrang tawa na namumuo na ang luha sa gilid ng mata niya. Nahawa rin tuloy ako sa kanya kahit hindi ko naman maintindihan kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko. Pinag-ti-tripan lang yata talaga ako ng gwapong bakulaw na ito.

"'Yan. Iyan mismo ang dahilan kung bakit gusto kita, Serenity. I love you and I really mean it. I will never leave your side kahit ano pa man ang maging sagot mo sa akin. Hindi mo na ako maiaalis sa buhay mo kahit na kailan," magaan ang ngiti ni Steve. Nakakabulag. Nagniningning na naman siya.

"Ano ka, bull dog? Magiging sunud-sunuran sa akin, gano'n?"

"Yeah. I'm willing to be a dog just for you, Serenity."

"Wow, ha. Parang speech ng mga hero sa pocketbook."

"Ha-ha-ha! You really amazed me, Serenity. I will surely make you love me. Choose me. You will never regret it. Ako ang piliin mo at hindi si Jeremy. Sisiguraduhin ko sa 'yo na magiging masaya ka."

IYON ang naaalala kong sinabi ni Steve noon. Pero hindi ko siya sinunod. Mas pinairal ko pa rin ang puso ko imbes na ang sinisigaw ng utak ko. Alam ng utak ko na hindi hamak na mas matino si Steve kung ikukumpara kay Jeremy. Parehas lang naman silang gwapo, mayaman at habulin ng chicks pero mas panalo pa rin sa puso ko si Jeremy. Sa huli ay ang puso ko pa rin ang sinunod ko. Hindi bale nang ako na lang ang magbigay ng magbigay sa kanya kaysa naman ako nga ang binibigyan ng pagmamahal pero hindi naman ako masaya. Kay Jeremy ako masaya kaya mas pinili ko ang taong nagpapasaya sa akin.

Pero wala, eh. Sa huli ay iniwan din ako ng kaligayahan ko...

Nagpapasalamat na lang ako dahil naging magkaibigan pa rin kami ni Steve kahit na binasted ko siya dati. Kung minsan nga naiisip ko, hindi kaya kinarma ako dahil nag-take advantage ako sa pagmamahal niya sa akin? Na ginawa ko pa rin siyang kaibigan ko kahit alam ko naman at nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon na naroon pa rin ang lihim niyang pagnanasa? Na nasasaktan pa rin siya sa tuwing bukambibig ko si Jeremy kahit na siya ang kasama ko.

Nasasaktan ako ngayon sa nangyari sa amin ni Jeremy. Nasasaktan ako at iniisip na siya ang pinakawalang kwenta, pinaka-gago at pinaka-palikero na lalaki sa buong mundo pero sa kabila ng lahat ay mahal na mahal ko pa rin siya. Nasasaktan ako pero iniinda ko pa rin pero ginagawa ko rin naman sa iba. Ginagawa ko rin na saktan si Steve kahit na hindi ko naman sinasadya.

Nakakakunsensya naman. Galit yata si Steve dahil nagngingitngit sa selos. Bakit kasi ang ganda ko eh. Patay na patay siya sa ganda ko. Pero hindi ko naman mapigilang hindi banggitin si Jeremy.

Iyon ang sigaw ngayon ng feelingera kong isip habang nakatingin na kay Steve na nasa unahan na ng hilera ng upuan sa klase habang ako naman ay nasa may bandang likuran. Pagpasok ko kanina sa classroom ay inisnaban niya lang ako. Sa totoo lang ay parang siya pa ang mas babae sa aming dalawa. Ang lakas magmaganda.

Bigla nang pumasok ang Teacher naming si Ms. Rowena. Nagsipasukan na ang mga estudyanteng pakalat-kalat kanina sa labas. Unang araw pa lang ng klase sa bagong semester ngayong araw ay late na kaagad si Ms. Rowena. Ano ba naman 'yan.

Nanlaki bigla ang mga mata ko nang makita kung sino ang isa sa mga estudyanteng pumasok kasabay ng iba pang mga bagong estudyante.

Iyong babaeng kalaplapan ng love of my life na si Jeremy! Iyong babaeng mang-aagaw, kabit, mahadera, hindot, ahas at mukhang manananggal na nakalingkis noon kay Jeremy! Ang nemesis ko!

Kaklase ko siya?!

Hindi maaari ito!

TO BE CONTINUED...

Anong mangyayari ngayong magkaklase na ang magkaribal sa puso ng iisang lalaki? Magkakaroon kaya ng CAT FIGHT? Kakalbuhin na ba ni Serenity ang babaeng anak ni Braguda? ABANGAN!

PS:

Series po ang kwento ng apat na magkakapatid. May kanya-kanya po silang kwento. Sina Serenity, Harmony, Lyrica at Melody. Leave your comments please (

Continue Reading

You'll Also Like

25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
2.2M 98.5K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
1.9M 88K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...