A Campus Story

De CindyWDelaCruz

4.4K 61 0

They are all freshman with fresh dreams, but along the way, they will encounter different struggles, new kind... Mai multe

Prologue - First Day Hay!
Chapter One
Chapter Three - Acquaintance Party
Chapter Four - Sino ang salarin?
Chapter Five - The Great Escape
Chapter Six - Dahil sa pagiging Tsismosa
Chapter Seven - Sa Loob ng Rest House
Chapter Eight - Hindi Ako Nakasagot, sa Halip ay Tumango
Chapter Nine - Student Council Election
Chapter Ten - It's Worth a Try Anyway
Chapter Eleven - Poprotektahan Kita
Chapter Twelve - Everything at its Right Place
Chapter Thirteen - Balik sa Pagyoyosi
Chapter Fourteen - Noong Nasa Highschool Ako
Chapter Fifteen - Life is Full of Contradictions
Chapter Sixteen - Isang Araw Bago ang Sportsfest
Campus Seventeen - Go Go Go!!!
Chapter Eighteen - Away na itich!
Chapter Nineteen - Chill Muna Saglit
Chapter Twenty - Movie Marathon

Chapter Two - Kiss by Kiss

312 5 0
De CindyWDelaCruz

"Kissing is like real estate. The most important thing is location, location, location." -unknown

Candy Chan

Now, what am I gonna do? Di ko alam kung tama ba ang pag sangayon sa pakulo ni Mart. I mean, nag isip pa ba ako bago mag desisyon? Sa totoo lang hindi na. Bigla kasi akong kinilig at kahit ba sabihing kunyari lang, nakakatuwang  prinoprotektahan niya ako sa mukha daw goon na lalake. So feeling niya ba boyfriend ko siya or what? I’m confused. Baka naman gusto niya lang talaga ako protektahan. Si Mart lang kasi ang nakakaalam ng mga crushes ko dati na akala ko magugustuhan din  ako someday. Supportive siya pag may mga naging crush ako, minsan nga ay nilalakad pa ako pero madalas akong nabibigo. Kakainis. Anyway, baka dahil nga sa mga experience ko kaya naisipan niya akong ipagtanggol sa mga nagkakagusto sa akin. Ewan sa tingin ko lang naman sa mga bagay- bagay. Natanaw ko si Mart sa may lobby. Palapit na sana ako sa kanya nang may humarang sa aking isang matangkad na lalake, naka spike ang style ng buhok, and he’s kinda big. “Hi Candy!”  and cute.

“Uh, hello.” bati ko pabalik.

“Naaalala mo ba ako? Ako yung classmate mo sa Management I.” Pinili kong alalahanin kung may kaklase ba akong ganito ang hitsura? I can’t remember. “Sorry, kasi naman lagi akong nasa harap nakaupo di ba, tsaka di ko na masyadong napapnsin ang mga nasa likod.”

“Well, actually di pa ako nakapasok noong unang klase pero papasok din ako bukas. Anyway, I’m Alex.” Alex? Kapangalan niya yung crush ko noong first year high school ako ah.

“Hi Alex, well if you dont mind-"

“May I have your number?”

“N- number?”

“K- kasi…” Napatingin ako sa kinaroroonan ni Mart. Gosh, I need to really get out of here. Well, wait! “My boyfriend’s waiting for me. And may lakad din naman kami. Sorry I have to go.” Yun lang at tinungo ko na si Mart. “Hi honey!” tawag ko sa kanya making sure na maririnig ni Alex. Napansin naman agad ni Mart ang ginawa ko at agad akong inakbayan. 

“Hello Babe!” tugon niya naman. Nakita kong nairita agad si Alex saka siya tumalikod. “Buti naman at naisipan mong kagatin ang plano ko. O di ba okay?”

“Well, yup! Oo tama ka. You’re my savior. Ganoon ba yun ha Mr. Dela Serna?”

“Exactly. Ano lunch?” yaya niya.

“Tara, gutom na din ako eh.”

“Sisig ba uli tayo my babe?”

“Shut up Honey!” pangaasar ko. Nakakakilig to ah! Nakakatuwa. I feel light hearted. Pero tama ba ‘to? Best friend lang naman ang tingin niya sa akin at baka ako lang ang umaasa. Baka ako lang ang may gusto sa kanya. I mean crush. Baka naman masaktan lang ako sa bandang huli. Teka, may nagustuhan na ba siyang babae before. Well, oo. Si Marian na nerdy type dati noong Grade 4 pa kami. Well, that’s what I thought dahil si Mart ang escort naming noon at si Marian naman ang muse. Noong first year naman kami nabanggit niya sa akin na tine- text niya si Judie pero agad naman itong natigil. Other than that wala na akong maisip na babae. 

“O, why’s the long face?”

“Wala naman Mart.”

Mayel Dominguez

Nakakainis, di ako nakasagot sa recitation kanina. Okay, aaminin ko I was not paying attention because I was thinking kung  bakit ko dinidibdib masyado yung tungkol sa amin ni Jake? Ibig bang sabihin nito minahal ko nga si Jake? Ano ba naman 'to, di ko na siya dapat isipin pero di ko kasi maiwasan. Pagkatapos ng klase naming iyon ay pumunta kami ni Candy sa isang carinderia na pagmamayari ni Aling Martha para mag lunch kung saan naghihintay ang friend niyang si Mart. "Hi Candy! Hello Mayel." masigla nitong bati. "Ano gusto niyo? Order na ako."
"Bicol express na sa akin. Sayo Mayel?" ani Candy.
"Ganun na lang din."
"Hon, ganun din daw kay Mayel." malambing niyang sabi kay Mart. At kininditan naman siya ni Mart.
"Okay, HON!" Teka, teka sila na ba?
"Meron ka bang di sinasabi sa akin Candy? Kayo na ba ni Mart?" Di na ako makapag antay kaya tinanong ko na nang umorder si Mart. Namula siya sa tanong ko.
"Mayel, actually we're just friends." sagot niya.
"Candy yung totoo? Masyado kayo kung maglambingan sa isa't isa ah." Di talaga ako makapaniwala dahil no BF since BIRTH 'tong si Candy eh. Bigla tuloy ako kinilig sa mga naisip ko.
"Mayel, masama bang mag lambingan ang mag kaibigan ha?"  

"Di naman sa masama pero kasi-"
"Naglolokohan lang kami ni Mart no!" putol niya sabay silay ng makahulugang ngiti. Bumalik naman maya- maya si Mart dala ang mga order namin.
"Eto para sa inyo." Inabot isa isa sa amin ni Mart ang mga ulam namin. Nakita ko kung paano sandukan ni Mart si Candy ng kanyang ulam. Sisig ang order ni Mart kaya binigyan din siya ni Candy ng Bicol express na ulam. Naisip ko, these people should be inlove pero baka di lang nila namamalayan. Parang may kakaibang spark yung mga mata nila. I wonder kung narandaman ko na ba yun dahil ang tanging iniisip ko lang nang mga panahon na yun ay kung ano na kaya ang hitsura ko, may dumi ba ako sa mukha o di naman kaya for sure kinaiinggitan ako ng mga babae dahil ang gwapo ng kasama ko ngayon. I feel bitter. Naiinggit tuloy ako. Buti pa si Candy, si Mart ata talaga ang TL niya Matagal na din silang magkaibigan. Sinubukan ko na lamang namnamin ang pagkaing nasa harap ko baka sumaya pa ako. Ayoko namang magpakalunod dito sa sadness kong 'to. Mahirap na magka-wrinkles.

Ranier Lacosta

"Tara Rainier, lunch na tayo." yaya sa akin ni Jake. Kasama niya ang isang babaeng pinakilala niya sa akin before. She must be Shaina at nakapulupot ito kay Jake.
"Sige ba, besides I'm already starving." sagot ko.
"Jake mcdonalds ba tayo?" malambing na tanong ni Shaina. "Miss ko na yung burger eh."
"Ikaw ba Rainier okay lang sayo ang mcdo?" tanong muna sa akin ni Jake na tinanguan ko lang. Medyo natuwa dahil tinanong niya pa ako. Di ko alam kung bakit pero these past few days may natuklasan ako sa pagkatao ko na nung una ay di ko talaga matanggap then I have realized in a short period of time na okay lang naman 'tong nangyayari sa akin. Let it be, kumbaga. Buti nga habang maaga ay nalaman ko na. Kaya lang I still don't know kung paglalaban ko ba talaga kung sino talaga ako. Maybe I will pag handa na ako. Basta ang alam ko I'm still confuse. I mean bakit ngayon lang di ba? Ang weird niya.
"Ba’t tahimik ka Rainier?" tanong sa akin ni Shaina habang umoorder si Jake. "Mag kwento ka naman tungkol sa school mo dati. Manila yun di ba?" At yun nga ang ginawa ko, to take my mind off things ay kinuwentuhan ko siya tungkol sa school ko dati sa Manila hanggang sa bumalik si Jake. Sobra sila kung maglambingan, nagsu- subuan at nagtatawanan pa habang ako ay nakikisakay na lamang na para bang natutuwa din ako sa ginagawa nila.
"Gaano na ba kayo katagal mag boyfriend?" tanong ko maya- maya. Agad naman sumagot si Jake bago pa makapag salita ni Shaina.
"Friends lang kami ni Shaina no." aniya na siya namang dahilan kaya biglang nagiba ang timpla ng mukha ni Shaina halatang naasar. 

"Talaga?" tanong ko na medyo amused. "Lagi naman kasi kayo magkasama so I just thought. Masarap ba yang order mo? Try mo 'tong akin, ikaw din Shaina." I saw how Shaina winced and then smiled.
"No thanks." aniya.
"Oo nga pala pupunta ka ba sa acquaintance party Jake?" pagiiba ni Shaina ng usapan.
"Oo naman, I need to be there. Tutulong ako sa pag aayos."
"Bukas na yun di ba?" singit ko.
"Yup, kailangan bumili ka ng ticket worth php. 50. Magkakaroon ng program and then 7 pm, may disco. Magpe-perform kami."
"Sasayaw ka?" tanong ko.
"Hay naku, alam mo Rainier all in one talaga 'tong si Jake. Varsity ng basketball team noong nasa high school pa lang kami, magaling sumayaw at matalino pa. Tatakbo pa siya sa council!" excited na proklama ni Shaina na para bang isang proud girlfriend.
"Ah really?"
"Shaina naman." namumulang tugon naman ni Jake.
"At alam mo napakabait din nitong si Jake! Grabe!” masayang dagdag pa ni Shaina na para bang di ko alam ang mere fact na yun.

“Basta pupunta kayo sa  aquaintance bukas ha!” pagiiba ni Jake ng usapan.

“Oo naman Jake!” sagot ni Shaina habang ako naman ay nagpatuloy sa pagkain ng fries.

Mart Dela Serna

“Bukas, anong oras nga pala tayo magkikita?” tanong sa akin ni Candy. Sabay kaming naglalakad pauwi. Ihahatid ko muna siya sa bahay nila tulad ng dati kong ginagawa. 

“Hmm, 7 pm magsisimula talaga yung party di ba?  7 na lang tayo pumunta. For sure boring yung program. Susunduin na lang kita.”

“Sabagay, may point ka. Kakatamad nga yun. Sige 7 na lang tayo pumunta.” pag sangayon niya. Tinitingnan ko si Candy habang naglalakad kami. Naisip ko lang, matagal na kaming magkaibigan. At sa totoo lang ay nade- develop na ako sa kanya. Mabait siya at malambing. At hindi lang siya basta simple. There’s something special in her. Nasobrahan ata ang pagkakatitig ko sa kanya at napalalim din ang pagiisip ko dahil muntikan na akong masubsob dahil may lubak sa harap ko.

“O dahan- dahan sa paglalakad!” saway ni Candy. Mistula akong nagmukhang tanga sa harap niya. Nakakahiya.

“Okay lang ako. Don’t worry.” 

“Di ka kasi nakatingin sa dinadaanan mo eh.” natatawang sabi ni Candy. 

“To naman, pinagtawanan mo pa ako.” kunyaring nagtatampo kong tugon. Tinapik niya ako sa balikat. Napansin niya kaya na kanina pa ako nakatitig sa kanya?

“Joke lang naman Mart. Uhm, ano kaya ang susuutin ko bukas?”

“Kahit naman ano.” sagot ko.

“Kahit ano? Ibig sabihin kahit mag suot ako ng duster bukas okay lang?”

“Hindi naman! I mean bagay naman sayo kahit anong isuot mo.”

“Talaga?” napangiti niyang tanong. 

“Oo naman.” Napahinto kami sa paglalakad at  napatinign sa isa’t isa.  Nagkatitigan. Ano ba ang dapat kong gawin? Gusto ko siyang halikan pero bakit di ako makagalaw. Di ko alam kung paano. Paano nga ba? Wala pa akong nahahalikan na kahit sinong babae eh. Naman, naman naman! Paano nga yung sa mga pinapanood ko? Bakit ba kasi di ako masyadong nakatingin sa tuwing nanonood kami ni Joe ng… hay! Baka naman sampalin niya ako pag ginawa ko yun? Yung french kiss ba yun? Or smack na lang kaya. Teka baka di na ako kausapin pag ginawa ko yun. Maya- maya bigla na lang siya natawa.

“Ano?” aniya.

“W-wala. Tara uwi na tayo.” natawa siya lalo sa inasal ko.

“Akala ko naman kung ano. Napakamadrama mo talaga Mart.” Okay, nice Mart! Strike 2! Bakit ba napapadalas ang pagmumukha kong tanga sa harap ni Candy? Di ko na talaga alam kung ano ang dapat kong gawin. Should I tell her or what?  Natatakot din kasi ako. Baka masira ang friendship namin. Baka pagkatapos kong sabihin sa kanya, baka di na niya ako kausapin at iwasan na niya ako. Baka magkailangan na kami. Pero baka lang naman yun. Baka naman kasi kabaligtaran ang mangyari. Tulad ng mga napapanood ko sa tv, baka matagal na din may gusto sa akin si Candy at hinihintay niya lang akong magtapat sa kanya. Paano ko ba malalaman? I don’t even have a clue. Right, I need a sign. Sign na magsasabing gusto din ako ni Candy. 

Nakarating din kami sa bahay nila. “So kita na lang tayo bukas.”

“Oo ba.” sagot niya. Ngumiti siya sa akin and before I knew it, she leaned on me and kissed me. On my right cheek. Her lips touches my skin na para bang masusunog sa ginawa niya. Narandaman ko mismo ang mga labi niya and here I am, speechless. “Good night.” Tumalikod siya at saka binuksan ang gate nila. Pumasok siya doon without looking back. At naiwan ako sa labas ng bahay nila. She never kissed me before. I was never been kiss before pwera lang ng Mom ko but that doesn’t count. Does it? Naman, at ayun ako di man lang nakapagsalita hanggang sa nakapasok siya sa loob ng bahay nila. Strike 3! I’m just so stupid! Hinimas ko ang mukha ko habang nire- replay ang nangyari ilang segundo ang nakakaraan. Napangiti ako at nagsimulang maglakad pauwi. Maybe, this is the sign I’m waiting for. Right. And tomorrow’s gonna be my day.

Rio Del Grande

Sa wakas at natapos na din ang session ko with Mia. Grabe, halos dalawang oras din akong nasa library at nakikipag usap kay Mia kanina. Tungkol sa project na ideal house. Nahirapan kami na pagplanuhan ang magiging structure nun dahil halata naman atang magkaiba kami ng ideas ni Mia. Sabi ko dapat ala- castle, yung old times! Pero masyadong niyang ipinilit yung gusto niyang simpleng bahay na may terrace and all. Sa huli ay nagkasundo din kami na ang sa kanyang idea ang susundin. Nakakainis tuloy. Sana nag sarili na lang ako pero hanga ako sa kanya. Napaka- persistent niya. No wonder. Siya yung tipo na aral muna bago lahat. “Ano ka ba? Masyado kang nagaaral niyan ah. School lang ba ang mundo mo?” tanong ko sa kanya kanina.

“Tama ka, eto lang ang mundo ko. Bahay school lang ako. Kailangan mag focus para sa future.” tugon niya naman.

“Di ka ba nabo- bored?” 

“Nope.”

“Alam mo naman ata na pwede ka pa din mag enjoy habang nagaaral ka. Wala ka bang barkada or something?”

“Actually, wala and I'm not interested. Focus muna sa studies.

“O eh di may isa ka ng friend.”

“Huh?”

“Bakit, ayaw mo ba ako maging friend?”

“Di naman sa ganun.”

“Dahil ba mukha akong bad guy or what?”

“Medyo, well siguro I judged you easily. Pero sige, friends na tayo.”

“Good.”

“Now, kita na lang tayo next week, same time. May klase pa kasi ako eh.”

“Uhm, di ka ba pupunta sa aquaintance party bukas?” tanong ko sa kanya bago ko pa mapigil ang sarili ko. Bakit Rio Del Grande, balak mo ba pumunta?

“Wala kasi akong pambili ng ticket eh.”

“Oh ganun ba? If you want sagot ko yung ticket.” What the-

“Talaga? Kung ganoon nga eh di okay! Bigay mo sa akin yung number mo para text text na lang.” aniya. At binigay ko nga sa kanya yung cellphone number ko. Nice one Rio. Mukhang magkakaroong ka ng date ah. “Pero kung iniisip mo na date ito, nagkakamali ka. Gusto ko lang talaga makaranas ng acquaintance party. At wag kang magalala, babayaran din kita-”

“Hello? Alam mo ba ang ibig sabihin ng libre?”

“O siya siya.”

Miabelle Basco

"Ma, nakita mo ba yung pink kong t shirt? Yun sana ang susuutin ko bukas eh." Kanina pa ako naghahanap sa t shirt kong iyon at kahit anong gawin ko ay di ko mahanap.

"Bakit, ano bang meron bukas?"

"Merong aquaintance party sa school eh, sasama ako. May meeting sa hapon tapos disco na sa gabi."

"Naku, mukhang gastos na naman yan ah." sarkastikong sabat ni Ate Eloisa, nasa twenties na siya at kahit ba panganay siya ay hindi siya nagtapos ng pagaaral hindi dahil kulang sa pera dahil pwede namang mag part time or magpaka scholar para makapag college kundi dahil tinatamad na daw siya. Oo, galit ako sa kanya dahil dakilang tambay siya sa bahay. Di ko naman masasabing nagbabantay ng mga kapatid ko, ni maghugas ng plato nga ay kinatatamaran niya, magbantay pa kaya ng makukulit kong kapatid? Wala siyang ibang ginawa kundi umupo sa sofa o di naman kaya ay maglakwatsa kasama ang barkada niya.

"Nilibre naman ako ng classmate ko ng ticket so bukod sa susuutin ko bukas ay wala na akong ibang pro-problemahin." sagot ko, di nagpahalata na naiirita ako sa kanya.

"Aba lalake ba yan o babae?" pabirong tanong ni Mama.

"Lalake po." sagot ko.

"Nanliligaw sayo?" tanong ni Ate Eloisa. Umiling ako.

"Magkaibigan lang kami."

"Talaga lang ah." si Ate Eloisa ulit tila nangaasar. 

"Eloisa, alam mo imbis na nakaupo ka diyan ilabas mo na ang t shirt na hinahanap ng kapatid mo, nakita kong nilagay mo yun sa cabinet mo kanina." si Mama.

Jake Constal

Bukas na ang acquaintace party. Medyo kinakabahan ako dahil ako ang nag manage nun. Nag volunteer ako dahil isa iyon sa pangangampanya ko. I know I have done a great work so I just wish na success siya. Please God! Kailangan kong manalo sa nalalapit na botohan. Dati kong pinangarap na mag politika pero noong naging kami ni Mayel, nakalimutan ko ang pangarap kong iyon. At ngayon ngang wala na kami, balik ako sa school, sa politika, sa pagvo- volunteer at sa iba iba pang bagay para lang maging busy. Biglang tumunog ang cellphone ko na siyang nagputol sa aking pagmumuni- muni. Si Rainier.

“San b tau pd mgkta 4 d acquaintance prty tom?”

"Well, sa gym naman ang venue so see you there ^^" I texted back.

Continuă lectura

O să-ți placă și

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...