One Last Glance

By Yummyturtle

42 1 0

"There's no forever, yes, pero naniniwala ako sa happy ending" More

One Last Glance (One Shot)

42 1 0
By Yummyturtle

Nabuo dahil sa isang activity sa clan; ang SAPPHIRE BLUE FAMILY! Nag-enjoy na ako, kaya eto na yung kinalabasan :3

Dedicated to: THE SBF MEMBERS! Annyeong!

---

Pauwi na ako ng probinsya namin galing maynila. Hapon na rin at nagkalat na ang kulay kahel sa langit na dulot ng araw.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko inaasahan na ganon ang mangyayari sa akin sa lungsod ng maynila.

Mahirap pala talaga doon. Maraming manloloko. Kailangan mong tumayo sa sarili mong mga paa.

"Anak, bakit biglaan yata ang pag-uwi mo?" Tanong sa akin ni mama. Paano ko ba sasabihin sa kanya ang sitwastsyon ko?

"N-nag emergency leave po ako." Tumango siya sa sinabi ko. Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko. Biglang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nag text.

'Baby, where are you? Wala ka sa apartment mo?'

Napapikit ako ng mariin. nanginginig ang kamay ko habang nag tatype ng reply.

'Somewhere. We're cool. Dont worry'

Sinend ko na sa kanya ang text na iyon at ibinalibag sa kama ang phone.

Alam kong magagalit si Jerome kapag sinabi kong umuwi ako ng walang paalam.

Pagakaupo ko sa kama ko ay biglang nagring ang cellphone ko! Si Jerome!

Halos tatlong segundo ko rinng tinitigan ang cellphone ko. Napasinghap ako bago sagutin ang tawag. "H-hello?" Sagot ko.

"Baby, nasaan ka?" Tanong niya sa baluktot na tagalog. Bakas ang pag-aalala at panic sa boses niya.

"Jerome, baby, pagod ako, bukas nalang tayo--" Pinutol niya agad ang pagsasalita ko

"No, baby, you tell me, are you in the province? I am not gonna be mad. Just tell me baby." Humina ang boses niya na siya namang nagpakirot sa puso ko. He's hurt. I am hurting him. Sorry baby.

"Yes." Pag-amin ko. Agad akong napapikit dahil sa sinabi ko. Naghihintay ako ng mga sasabihin niya sa akin pero katahimikan lang ang natanggap ko.

"Why?" Tanong niya sa kabilang linya. Doon ako napadilat at parang natauhan.

Napatigil ako. Hindi ako makapag salita. Why. Bakit nga ba ako umuwi? Paano ko ipapaliwanag sa kanya na hindi na pwedeng maging kami?

Bigla nalang tumulo ang luha ko. Tinakpan ko pa ang bibig ko para maiwasan ang paghikbi. Sobrang guilt ang nararamdaman ko ngayon na kahit paghikbi ay hindi ko yata magawa. Parang wala akong karapatan.

"Baby, its okay." Aniya na nagpatigil sa akin pero naubos yata ang dugo ko ng magsalita siya ulit. "Ako nalang ang pupunta dyan." And with the tone he used, alam kong wala nang makakapigil sa kanya. Pero kailangan ko pa ring subukan.

"Baby, wag. Please? For me? Wag ka nang pumunta dito." Pakiusap ko. Pilit na inaayos ang boses kong galing sa pag-iyak.

"I want to see you. See you soon." Sabi niya. I hope I can Love you too, but you deserve someone, better than me. "I love you." Aniya na muntik nang lumusaw ng tuluyan sa akin.

Ano? Rina? I love you lang niya, lusaw ka na?

"Jerome Kim--" Tutol ko sa kanya pero agad na naman niyng pinutol. Tumulo na naman ang luha ko na agad ko namang pinahid.

"I love you." Mas mariin niyang sabi mula sa kabilang linya.

Napabuga nalang ako ng sariling hininga. He's so stubborn. Pero, wala. Mahal ko talaga kahit tutol na ang utak ko.

"I L-love you, too." Sagot ko sa kanya. Hindi ko maipagkakaila na napangiti din ako sa sagot ko.

"Baby, cut the line. I love you, so much, that I don't care if I travel thousand miles just to be with you. I Love you, Rina. Always. Goodbye, baby." Aniya. Tumatango ako habang nagsasalita siya. Mahal kita Jerome. Sobra. Pero...

Pinutol ko na agad ang linya matapos niyang magsalita. Hindi mahirap mahalin ang isang Jerome Kim. For me, He's the man you'll all be looking for. Perpekto siya para sa akin. Kaya kahit na mapilit siya at sobrang bossy ay hindi ko magawang lubusang magalit sa kanya.

Kung ako ang tatanungin, Mahirap magalit sa isang Jerome Kim.

Siya lang ang meron ako noong nagpasya ako iwan ang pamilya ko para makapagtrabaho sa maynila.

Naalala ko pa noong unang salta ako doon...

"Naguguton na ako!" Reklamo ko sa sarili ko habang sumasandal sa gilid na bahagi ng isang kulay pulang kotse. Hawak ko ang mga dyaryong lulan ang mga lugar na maaring mapag-aaplyan ng trabaho.

Kinuha ko ang bote ng tubig na nasa bag ko at uminom doon. 'Kaya mo yan Rina! Kapag nakahanap ka ng trabaho ay makakaluwag ka na.' Pangungumbinsi ko pa sa sarili ko.

Biglang bumaba ang bintana ng kotse. Nasa loob noon ang isang lalaking gwapo, maputi, matangos ang ilong, may magandang mga mata at, may magandang ngipin! So perfect! Pero Rina, tigilan mo ang pagsamba sa lalaking iyan. Narito ka sa maynila para maghanap ng trabaho hindi para lumandi.

"Tapos ka na bang gawing dingding ang kotse ko?" Sinabi niya iyon sa baluktot na tagalog.

Aba! Binabawi ko na lahat! Ampanget... ng ugali mo! Ugh!

"Ah, oo salamat. Malaking tulong." Sarcastic ang pagkakasabi ko ng linyang iyon. Kaya kapag hindi pa niya napansin na nabubwisit ako sa ugali niya, ay talaga naman.

"Mukha nga. Anyways, i think you are looking for a job here, the company in front of you is hiring. Check it." Ngumiti siya sa akin. Nagulat ako pero tumango na rin at nginitian siya.

Tumuloy ako doon sa company na sinabi niya. I have this urge to look back. And so i did. Pero ang mas kinagulat ko ay ang pagtitig niya sa akin pabalik.

Bakit kaya? Umiling ako. Malamang ay may hinihintay 'yan.

Nag kibit-balikat nalang ako. Nag tanong ako sa lobby, kung saan pwedeng mag-apply. Tinawag niya ang isang staff at pinasamahan ako doon.

Nang makarating sa 12th floor ay nakita kong may tatlong babaeng nakapila sa isang mahabang couch. Umupo ako sa kasunod nila.

Inayos ko ang pencil skirt kong palda. Pinagpag ang makikitang dumi doon at inuunat gamit ang kamay.

Inayos ko din ang blouse kong kulay sapphire blue. Paborito ko talaga ang kulay na ito at ramdam kong suswertihin ako ngayon.

Halos isang oras ang hinintay ko bago ako pumasok sa loob. Mainit ang pagbati sa akin ng Human Resource Manager doon na nagngangalang Allyza. Bumati rin ako sa kanya. Agad niya akong pina-upo at inumpisahan ang interview.

Maayos ang flow niyon at nakita kong nasisiyahan siya sa mga sagot ko sa mga tanong niya. nilagay niya ang papel ko sa isang lalagyang may nakalagay na 'urgent.' anila'y tatawagan nila ako sa lalong madaling panahon.

Masaya ako nang makalabas sa pintong iyon. Madali akong bumaba ng building at lumabas.

Habang naglalakad ay napapatili pa ako na parang nanalo sa lotto. "YES! Oh my gosh! Ito na! Ito na ang magbabago sa buhay ko! Ito---"

Pero napatalon ako nang makarinig ng malakas na busina galing sa likuran ko.

Siya! Yung lalaki kanina! Yung antipatiko, mayabang, gwapo, maputi, matangos ang ilong, may magandang mga mata at, may magandang ngipin.

Ay? May papuri talaga?

"You sound like a retard seal there!" Sigaw niya sa akin pagakalabas niya ng kotse niya. Ang gwapo mo, dong!

"Care mo?" Tanong ko sa kanya tsaka siya tinalikuran.

"What?"

"Eh, ano naman sayo? Ano ba! Tigilan mo na nga ako. Thank you sa kanina, okay na ba? Tigilan mo na ako." Sinabi ko yon ng nakangisi. Langya, nakakatunaw ng angas yung kagwapuhan niya. Iku-kwento ko 'to sa mama ko.

"Coz i own the freaking company!" Sambit niya sa matigas na ingles. Napatigil ako sa paglalakad. Hindi lang dahil sa sinabi niya kundi dahil na din sa masakit kong mga paa.

Yumuko ako para tanggalin ang sapatos ko. Ay, Hindi na ako magsusuot ng ganito kataas! Hinarap ko siya ng nakapaa.

"Liar! Hindi mo 'ko maloloko." Oo gwapo ka, pero di mo ko malilinlang. Ngumisi ako ng nakakaloko sa kanya.

"Don't you know the name of the freaking company you've just applied in?" Tanong niya atsaka humalukipkip, "it is KJW group of company. And do you know who am i?" Tanong niya. Humigpit ang hawak ko sa sapatos ko at kinabahan. "Jerome kim. The acting--" Nanlaki ang mga mata ko. Siya nga! Bakit 'di ko siya napansin?


"HEP! Stop! O-oo na. Naniniwala na ako." Pinangharang ko sa mukha ko ang sapatos ko. Shit! Bakit hindi ko nakilala itong si Mr. Kim. For heavens sake, he has over 20 companies worldwide!

Tinanggal ko iyon nang maramdaman ko ang pananahimik niya. Nang matingnan ko ang mata niya ay nakita kong nakatagilid ang ulo niya at para akong pinag-aaralang mabuti.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya. Kung hindi lang seryoso ang scene na to ay baka kanina pa ako humagalpak ng tawa. Ang weird kasi niyang magtagalog.

"Rina Castro" Sagot ko habang pinipigilang tumawa.

"Can we be friends? I'll help you in my company." He offered. Nagulat ako!

"Ha? Ayoko! Baka isipin ng mga tao na gianagmit kita. No!" Totoo naman. Hindi malayong isipin yon ng nga tao.

"Just accept my friendship!" Bossy! Tumango na ako sa kanya. Doon nagsimula ang pagiging close namin sa isa't-isa.

Lalo na nung makapasok ako sa kompanya niya. Naging mas close pa yata kami sa close. Super Duper Close Friends. Halos araw-araw na kaming magkasama dahil siya mismo ang nag-assign ng posisyon ko! And yeah, E.A. niya ako. Executive alalay.

Hindi naging mabigat ang trabaho ko dahil masipag siya at yung ibang mga papeles lang ang pinapagawa niya sa akin. Yung mga i-so-sort lang o kaya i-re-retype. Kapag naman natatambakan ako ng mga papel ay nauupo siya sa harap ng table ko at lagi akong pinapatawa. Lagi siyang nagsasabi ng mga waley na jokes, pero dahil effective iyon at tagalog ang gamit niya, ay mas lalo akong natatawa.

And sooner, nag-iba ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko man inaasahan ay bigla ko nalang naramdaman na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Ni simpleng haplos niya sa balikat ko ay nagkakaroon na ng meaning para sa akin. Buti nalang ay hindi ako ganoon katransparent para mabasa niya ang lahat ng kilos ko.

Pero one day, nagulantang ako ng bigla niya akong imbitahan sa family dinner nila.

"Ha?! Kutos you want? Family dinner nyo yon. Hindi mo naman ako kapamilya" Sagot ko sa kanya. Bastos talaga 'tong batang 'to. Manhid ka. Di mo manlang maramdaman na may gusto ako sa'yo. DI mo man lang makita ang mga titig ko sa'yo!

"Yeah, you are not, but I-I uh... shit. I want you to meet my family." Napahinto ako sa pagtatype. Bakit kailangan nila akong makilala? Tiningnan ko siya at nakita kong pumula ang pisngi niya. Nanlaki ang mga mata ko. No Jerome, tell me this is not what i am thinking.

"Bakit? Anong meron sa akin?" Tinanggal ko ang tingin ko sa kanya at itinuloy ang pagtatype. "At bakit kailngan ko silang makilala." Ang bitter ko naman yata nung sinabi ko 'yon. Tsk. Umiling ako at nagpatuloy sa pagta-type pero pumunta siya sa gilid ko at marahas akong itinayo.

"Jerome?!" Sigaw ko sa pagkabigla. Inkinulong niya ako sa mga braso niya. Nakahawak iyon sa lamesa ko at sobrang lapit namin sa isa't-isa.

Naglaro ang ngiti sa mga labi niya, "I thought I just want friendship but as time passes by, I realized I only want," tumigil siya sa pagsasalita at dumapo ang tingin niya sa labi ko. "You. And Me. Together."

"Jerome, if you are joking, pwes hindi nakakatawa at mas lalong hindi nakakatuwa." Pagbabanta ko sa kanya. Hindi kami pwede, ang layo ng agwat naming dalawa, langit siya, lupa ako. Para kami nasa magkabilang panig ng mundo. North pole at sounth pole, tubig at mantika. Ganoon kami. Hindi pwedeng magsama kasi hindi compatible.

"I am serious, Rina. Dead serious. Hell, I'd never lie or joke around you if it is my feelings towards you that we are talking about." Nangungumbinsi ang mga mata niya habang nakatingin siya sa akin. Masyadong honest ang mga mata niya. Napapikit ako.

"Je, we are not compatible, napakayaman mo at napakahirap ko naman.. Anong sasabihin ko sa mga magulang mo if ever na tanungin nila ako kung ano ang trabaho ng mga magulang ko? magbubukid? Taga-laba?" Sambit ko sa kanya. Totoo ang sinasabi ko. Lalo niyang inilapit ang mukha niya sa akin na halos maduling pa ako matingnan lang siya ng maayos. Pero hindi ko kinaya ang mga titig niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

Parang hinuhukay niya ang buong katawan ko dahil sa titig niya. Nanginig ang tuhod ko at gusting-gusto ko nang umupo.

"They don't care Rina, they don't freaking care about the backgrounds! Mas mahalaga ang ugali for them! And i don't care kung mayaman ako at mahirap ka." Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at niyugyog ng mahina. "Rina, Look at me," Aniya. Hinawakan niya ang baba ko at iniharap ang mukha ko sa kanya. "I like you, the moment you started working here, doing all your tasks, being polite to everybody, doing things that aren't part of your work but you insist because you want to help. Rina, I fell because of your attitude, napakaganda ng ugali mo na kahit sino ay pwede kang magustuhan."

Nagulat ako sa sinabi niya. Parang mas lumaki ang puso ko at hindi ako makahinga. Hindi ko akalaing napapansin niya ang mga iyon. Tinitigan ko ang mata niya, "I-I don't know what to say."

Ngumiti siya sa akin. Hinawakan ang kamay ko at kinuha ang nga gamit ko. "Then say nothing. Just be with me." Umabot yata hanggang mata ang ngiti niya. Hinila niya ako agad palabas ng building.

Sa gabing iyon ay nakilala ko ang parents niya at tama siya, wala silang paki-alam sa background. Wala talaga. Masaya sila dahil ngayon lang nagdala ng babae ang anak nila.

Nang matapos ang gabing iyon ay hinatid niya ako. Nagpaalam na din siya at marami daw siyang appointment bukas.

Doon nagsimulang magkaroon ng 'kami.' 'yong tipong pwede pala yung tulad ko sa tulad niya.

And I'm happy because finally, I found the man that can make me happy till the last hour of every day. There's no forever, yes, pero naniniwala ako sa happy ending.

***

Tatlong araw akong hindi makakain at hindi makatulog mula noong umuwi ako. Nakakaguilty pala talagang magsinungaling. Parang May dumudukot sa puso mo ng pailalim.

Pinunasan ko ang panibagong saltang luha sa mga pisngi ko. Tama na. Just accept the fact that there is no such thing as forever. It doesn't exist!

Natigil ako sa pag-iyak nang kumatok si Mama. "Anak, Nag-aalala na ako sa'yo. Tatlong araw ka nang ganyan. Walang kain, walang tulog, laging umiiyak." Maririnig ko sa boses niya ang sobrang pag-aalala. Ayoko ng ganoon kaya't napagpasyahan kong lumabas na rin.

Pero bago ko pa mahawaka ang doorknob ay nagsalita ulit siya, "'nak, Nandito si Jerome sa labas." Napabuntong-hininga siya. Isang malalim na buntong hininga. "Kaninang madaling araw pa siya nandito." Binuksan ko kaagad ang pinto. "A-anak,"

"B'at 'di nyo 'ko ginising?" Tanong ko sa kanya. Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko pero agad ko din iyong tinanggal.

"Anak, sinabi ko sa kanya na gigisingin kita pero sabi niya, wag na daw at ayaw mong naabala ang tulog mo." Paliwanag ni Mama. Nilingon ko ang sala naming kung saan siya naka-upo at natutulog. "Puntahan mo na." Tumango ako sa sinabi niya. Agad akong lumabas ng kwarto at lumapit kay Jerome.

Umupo ako sa tabi niya. Agad namang dumilat ang inaantok niyang mga mata at tumingin sa sakin. Umupo siya ng maayos at bahagyang kinuskos ang mata niya, "Baby," Aniya sa garalgal na boses. Shit! Dapat ay hindi ko siya pupuriin sa utak ko ngayon pero, Darn it baby! Ang sexy mo talaga pag bagong gising!

"Hey," Lumapit siya sa akin atsaka ako inakbayan. May tumulo na namang luha mula sa mga mata ko. Bwisit! "Why are you crying?" Pinunasan niya ang mga luha sa mga mata ko. Umiiyak ako kasi masaya ako. I'd never thought that I'll be this comfortable around his arms. It's like, I am Home.

"Masaya l-lang ako." Pag-amin ko sa kanya. Tiningnan ko siya sa mata at nakita kong ngumiti siya. Agad niya akong hinalikan sa noo. Mahal kita, Okay? Hindi na talaga kasi pwede, kasi...

"Anak! Jerome, Halina kayo't nakahanda ang makakain." Lumabas si Mama mula sa Kusina at inilagay sa Dining table ang bagong lutong sausages at gatas. Napatingin ako kay Jerome na mukhang namutla yata sa nakita. Oh no, Mom, He'll never eat that. As in Never.

"Tara?"

"B-baby, I am allergic to Dairy goods." Aniya sa napapaos na boses.

"Edi 'wag kang kumain." Sabi ko sa kanya sabay dila. Tatayo na sana ako pero agad niya akong hinigit sa beywang at kiniliti.

"What did you just say baby?" Aniya sabay sundot sa tagiliran ko. Agad akong napaiktad dahil sa ginawa niya. Oh my gosh, Jerome, Stop! HAHAHA!

"Baby, stop! I, I, Hahaha! Can't breathe." I've never laugh like this before! Tumawa siya ng malakas atsaka ako inakap.

"Tara na?" Aniya habang tumatawa. Narinig ko ding tumawa si Mama.

"Naku, Kayo talagang mga bata kayo, puro kayo kaladyaan." Aniya atsaka inilabas ang pancakes and bacon. Well, I told Mama, everything about Jerome, His likes and dislikes, his best at and worst at. All. Kaya alam kong prepared si Mama.

Kumain kami ng tahimik. Kung may mag-uusap man ay silang dalawa lang. Natatawa pa nga ako't sinusumbong pa niya ako kay Mama.

"Tita, she's so lazy to cook her own foods! Manong sabihin niyang she misses me a lot. She'll call me, at sasabihing," Itinapat pa niya ang kamay niya sa tenga niya na parang may kausap. Baliw talaga 'to. May actions pa pag nagku-kwento. "Baby, I miss the food you cook, can you cook for me?" Ginawa pa niya ang boses ko.

"Hey, I so do not talk like that." Pero totoo yung sinabi niya, Lol.

"Rina, ano ba naman itong batang ito! Inaabala mo pa 'tong boyfriend mo para magpaluto? Aba'y marunong ka namang magluto, ah?" Tanong niya sa akin.

"Tita, Don't worry, its fine, really."

Silang dalawa nalang ulit ang nag-usap. Hayaan ko na nga sila.

***

Pagkatapos naming kumain ay iniligpit ko na ang mga pinag-gamitan. Matagal akong nakatapos dahil kinukulit pa ako ni Jerome habang nag-uurong.

Nang sa wakas ay nakatapos rin ako, agad akong dumiretso sa kwarto ko para magpalit. Tatanggalin ko na sana ang damit ko pero biglang pumasok si Jerome at pabagsak na humiga sa kama ko. "You change your clothes. I'll just take a nap." Aniya. Nakatalikod siya sa akin.

"Remove your shoes, Jerome!" sita ko sa kanya ngunit di sya gumalaw. Pinalo ko ang binti niya at na-upo doon. Tinanggal ko ang sapatos at medyas niya. Nilagay ko 'yon sa tabi ng kama.

Agad akong nagpalit ng damit at naupo sa tabi niya. Hey, Baby, I'll be leaving soon. You shouldn't love me deep. I don't want you hurt.

Nasasaktan ako sa iniisip ko. I can't imagine him, crying, begging, all because of me. Ayoko. I'll break up with you if that's the only solution. Tumayo ako para uminom ng gamot. Sumasakit ng sobra ang ulo ko na parang pinupukpok.

Kinuha ko sa Cabinet ko ang isang kahong maraming gamot. Binuksan ko 'yon para hanapin ang para sa sakit ng ulo. "Asan na ba 'yon?"

"What's that?" Nagulat ako kaya nabitawan ko ang maliit na kahon. Puno ang pagtataka niya nang tingnan ang mga gamot na nagkalat. "Are you sick?"

Umiling ako. Naiiyak pero hindi magawang tumulo ng luha ko. "Kailan ka uuwi?" Tanong ko habang pinupulot ang mga gamot.

"I'll be staying for about three weeks? I guess?" Sabi niya.

"What?! Three weeks? Jerome you need to go home." Sigaw ko sa kanya. Kumunot ang noo niya.

"Why are you so mad?" Tanong niya.

Huminga ako ng malalim, "Jerome, I need to break up with you."

Ngumiti siya sa akin, "Come again, baby? I think I Misheard you." Aniya. Nagpapanic ang mga mata niya.

"Let's break up."

"Why? Why would I do that?" Lumapit siya sa akin. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Sakit, kirot, kaba, takot.

"I'll l-leave soon! Hindi tayo pwede! Jerome, you need to find someone way better than me." Itinulak ko siya. Umiiyak na siya. Baby, Don't cry! Be strong!

"How can I find someone way better than you when you were the most amazing girl I could ever had." Nabasag ang boses niya sa huling salitang sinabi niya.

"Then leave me, Jerome--"

Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa balikat. "Bakit nga!" Sigaw niya. "Hindi kita kayang Iwan. I can't do it. I'll die. Rina, Baby, Why?"

"Jerome May Brain tumor ako!" Biglang lumuwag ang hawak niya sa balikat ko. Mas lalong tumulo ang mga luha niya. Hinila niya ako para yakapin pero nagpumigla ako kahit hindi ko na kaya. Hinahampas ko siya ng paulit-ulit, "Hindi na ako magatatagal sa mundong 'to. So leave me dahil ayokong Makita mo akong nahihirapan!" Sigaw ko sa kanya sa pagitan ng mga hikbi.

"Baby,"

"Leave, Jerome." Matigas kong sabi.

Lumunok siya at umiling, "No baby, I don't care If you'll hate me right now. I want to be by your side until that day comes. I want to be selfish baby. I want to be the last person you'll see before you close your beautiful eyes."

Nanghina ako. Yumakap na ako sa kanya at humagulgol. Naramdaman kong inalalayan niya ako papuntang kama. Pagod na ako. Pagod na pagod na. Inihiga niya ako. Kinuha niya ang mga gamot ko at pina-inom ako noon. Hindi siya umalis sa tabi ko. I'll definitely give my last glance to Jerome.

Inalagaan niya ako for the remaining weeks of my life. Nalaman ni mama at nagalit siya sa akin. I said my sorry to her pero umiyak lang siya ng umiyak. Nakakaguilty nga at wala manlang ako magawa sa bahay dahil ayaw nila akong mapagod.

Pero the day that I feared the most came, earlier than what we expect. Earlier than what I've expected. Bigla nalang akong bumagsak sa sahig ng bahay namin. I am physically unconscious pero gising ang diwa ko. Buong lakas akong binuhat ni Jerome papasok sa sasakyan niya at dinala ako sa ospital sa maynila.

Mabilis ang pagpapatakbo niya sa sasakyan niya. Rinig ko ang pigil niyang hikbi. Hawak-hawak niya ang kamay ko at hindi niya ito binitawan sa halos isa't kalahating oras na byahe. Sumakit ng sobra ang ulo ko na halos gusto ko nang iumpog iyon. Pinilit kong idilat ang mata ko para tingnan si Jerome. He's saying something pero hindi ko na maintindihan. Napangiti ako, Atleast I laid my eyes on him for the very last minute, I guess.

I don't know what happened next. Everything around me stopped. It became pitch black after.

***

It was three months after her death. Pero parang kahapon lang.

I removed the dried leaves in her grave. Man, you don't know what I'll do for her to live longer, but it's too late. I am too late.

That Night when we arrived at the hospital, I carried her with all my strength. Agad na may tumulong sa akin. She was in a hospital bed at itinatakbo na namin siya sa ER. As soon as she arrived there, the doctor declared that she didn't make it.

Of course I didn't believe them. Nagbibiro lang sila. Umiyak ako at nagmakaawa for them to make things not as complicated as this.

He told me that she stopped her therapy a month ago. Mabilis daw kumalat ang cancer cells sa utak niya. I want to be mad at her for keeping the secret for that long. She must have told me para maagapan pa. gusto kong magwala. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa. Because I love her, that's why.

"Good morning, baby!" I greeted. Man, I look like a crazy bastard here but who cares? "I brought you pink roses, your favorite." Inilapag ko 'yon sa gilid ng lapida niya atsaka umupo ng kumportable. Nakangiti kong hinaplos ng paulit-ulit ang lapida niya.

"Hey, Baby, How are you? Me? I'd be lying if I told you that I am doing great, But I am fine. The New CEO. Gwapo, eh. Hope you're okay there.

"May nangliligaw sa aking babae but I rejected them. No one can replace you. I hope you know that. And, Hey, I've got perfect accent in tagalog. You'll never laugh at me again. Sana marinig mo 'to.

"Mahal na mahal kita, Ewan ko kung ano ang ginawa mo sa 'kin at nabaliw ako sa'yo ng ganito. Siguro 'yong pagiging totoo mo sa sarili mo, 'yan ang nagpabaliw sa akin at nagbaon sa akin sa pag-ibig na 'to." Napangiti na naman ako the moment I remembered how her lips formed a perfect-bow smile.

"Wait, what was that word again?" Tanong ko sa sarili ko. It is similar to Forever. "Ah! Mamahalin kita ng walang hanggan. I Love You."

Tumayo na ako. I looked at her grave. Bye for now, baby. Tumalikod na ako at naglakad palayo. Pero I have this urge to look back. To look back to where she is. "One last glance, baby. One last Glance." Lumingon ako agad matapos sabihin iyon.

I saw her looking back at me. Is it real? Ngumiti ako. Kumaway siya sa akin.

And I will never regret to look back every time I will visit her. That Last Glance is always my chance to see her.

FIN

Continue Reading

You'll Also Like

943K 34.2K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
134M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
391K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...