Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

39.1K 2.1K 764

ā€¢ Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL ā€¢ Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

Introduction

3.7K 108 15
By marisswrites

UNLABELED

(Alone In Baguio)

SEASON ONE



Malakas ang pagbuhos ng ulan kaya naman hindi ko magawang umuwi nang deretso dahil una sa lahat, wala naman akong sasakyan na p'wede kong gamitin para makauwi. Pangalawa, drained na ang battery ng cellphone ko kaya hindi ako makatawag sa bahay para magpasundo.

Bakit ba kasi sa lahat ng bagay na katatamaran kong dalhin, payong pa?

Pumangalumbaba na lamang ako habang nakaupo, dinarama ang lamig ng simoy ng hangin at hinihintay na tumila kahit na kaunti ang ulan. Almost 9:00 p.m. na pero nandito pa rin ako, kumakalam na ang sikmura sa gutom at pagod dahil sa trabaho.

Napatayo ako nang tumama sa akin ang tubig-ulan na tinangay ng hangin kaya naman lalo akong nilamig. Lumayo ako nang kaonti at muling naupo.

"Wala bang susundo sa 'yo?"

Tumingin ako sa nagsalita sa 'di kalayuan. Nandoon ang pamilyar na lalaki na alam kong nagtatrabaho sa kabilang building lang malapit sa amin. Sa pagtawid pa ang workplace niya pero bakit nandito siya sa tapat ng building namin?

"Ha? Ah, wala." Nag-iwas ako ng tingin.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Tinanggal ko ang salaming suot at pinunasan nang mapuno ito ng mga talsik ng tubig ulan. Hindi na rin ako makakita nang maayos dahil nagmo-moist na ito dahil sa malamig na hangin.

"Bakit naman? Magpasundo ka na, masyado nang malalim ang gabi, oh?"

Ngumiti na lamang ako sa kan'ya bilang tugon, dahil hindi talaga kaya ng confidence kong makipag-usap sa taong hindi ko naman talaga kilala. Muli kong isinuot ang salamin at umupo na nang maayos habang pinanonood ang pagpatak ng mga ulan.

"Tagal mo na d'yan, 'no?" tanong niya ulit.

Napalingon ako nang nagtataka. "Saan? Dito? Ahh, oo—"

"I mean, sa trabaho mo." He smiled.

Bahagyang umawang ang bibig ko. "Ahh, ilang buwan pa lang naman pero balak ko rin magtagal. Masaya kasi magtrabaho dito."

Umihip ulit ang malakas na hangin kaya naman muli akong nilamig. Napakaskas ako sa braso dahil medyo nabasa na rin ako kaya nakakaramdam na talaga ako ng panlalamig.

"Sabagay. Kahit naman ako, gugustuhin kong manatili kapag masaya ako sa trabaho."

Ngayong nakaupo siya sa tabi ko, nakita ko na may hawak siyang payong na basa na rin, pero hindi niya ginagamit ngayon. Sa halip, naghihintay rin siya dito sa lugar kung nasaan ako.

"Paano mo nalaman na dito ako nagwo-work?" curious kong tanong.

He smiled. "Lagi kitang nakikita, eh. Madalas akong bumili sa store n'yo, pero hindi ko alam kung namumukhaan o nakikilala mo ba ako ngayon," paliwanag niya.

Ngumiti ako sa kan'ya. "Oo, namumukhaan kita."

Ngumiti rin siya kasabay ng paggalaw ng buhok niya nang muling umihip ang hangin. Napaiwas ako ng tingin dahil doon sa hindi ko rin malamang dahilan.

"Mabuti naman kung gano'n." Nagbuntonghininga siya. "Alam mo, pinag-uusapan ka rin nila sa store."

Mapait akong napangiti nang dahil do'n. Ahh . . . alam ko na 'to.

"Dahil ganito ako?"

Bakas ang pagtataka sa mukha niya matapos kong sabihin 'yon.

"Ganito?" kunot-noo niyang tanong.

"Pangit?"

Lalong kumunot ang noo niya. "Hindi ka naman pangit. Sino bang nagsabi sa 'yo n'yan?"

I chuckled. "Hindi naman ako bulag." Nagkibit-balikat ako.

"Pero hindi ka pangit. Pinag-uusapan ka nila kasi . . . ngayon lang sila nakakita ng katulad mo."

Tumawa ako nang mahina. "Payat? Patpatin? Parang tatangayin na kapag humangin, gano'n ba? 'Wag ka nang mahiyang umamin kasi sa totoo lang, sobrang sanay naman na ako sa usapang 'to . . . at expected ko naman na yung mga susunod na maririnig ko sa 'yo." Ngumiti ako sa kan'ya para ipakitang totoo ang mga sinabi ko.

He smiled as he turned to me, facing me completely.

"They may think that you're like that . . . pero I think of you as a unique person. Ang cold ng personality mo. Yung mga tingin ng mata mo, parang walang emosyon pero sa nakikita ko ngayon . . . parang malungkot."

Hindi ako sumagot. Iniwas ko lang ang tingin sa kan'ya at nakinig sa mga sasabihin pa.

"I've never seen you smile outside your workplace and that's what actually is unique to you kasi sa nakikita ko ngayong kausap kita, hindi ka naman gano'n ka-cold. You just looked uncomfortable because we don't really know each other but here I am, talking to you in the middle of the night."

Parang naantig ang puso ko nang marinig ang mga sinabi niya, hindi dahil sa galing niya sa pag-i-english pero dahil ramdam ko ang sincerity sa boses niya. Siguro nga, hindi niya itinanggi lahat ng assumptions ko about sa judgment sa akin ng mga tao sa workplace niya, but that's not important to me anymore because I'm so used to it already. What really made me smile is his sincerity I've never felt from someone.

"Seryoso ka? Unique?" I laughed. "I'm just like anybody else."

"Lahat ng tao, may kan'ya-kan'yang similarities, pero alam mo kung ano ang bagay na magpapakita kung gaano ka ka-unique? Yun yung bagay na mayroon ka na wala sila . . . yung bagay na kaya mo pero hindi nila kaya. Yung bagay na alam mong kailanman na hindi mawawala sa 'yo. Yun yung mga katangian na magsasabing unique kang tao."

Napatango na lang ako sa mga sinabi niya. "Ang lalim mo rin magsalita, 'no? Alam mo, usually, kapag barkada ko kausap ko dito, baka puro kalokohan lang ang pinag-usapan namin ngayon."

We both chuckled as the cold wind blew. Napapikit pa kaming dalawa nang tumama ang ulan sa amin, saka kami sabay na natawa. Ilang sandali lang, nagsalita siyang muli.

"'Yan naman ang bagay na pinagkaiba ko sa ibang tao. Hindi naman sa pagmamayabang, pero hindi na kasi ako mahilig sa walang kuwentang usapan. Lalo na siguro kung interesting yung kausap ko, baka kinuha ko pa ang number niya." He chuckled.

"Anong connect?" kunot-noo kong tanong.

Bahagya siyang ngumuso habang pinanonood ang pagbagsak ng ulan sa harap namin mula sa bubong.

"Kapag interesting para sa akin ang isang tao . . . gusto ko palagi siyang kausap. Lalo na kapag alam kong interesado rin siya sa mga bagay na gusto kong pag-usapan." He heaved a sigh. "Tumatanda na kasi tayo, alam mo naman. Hindi na yata bagay sa akin yung puro kalokohan na lang. Para kasing pang-high school na lang 'yon."

"Grabe ka naman," I said while laughing. "Alam mo, may mga taong hindi pa dumarating sa stage ng maturity kung nasaan ka ngayon. Minsan kasi, mas nauuna kang mag-mature kahit na same age lang kayo ng isang tao. Mas nauna mong nilayasan ang youth habang ang iba naman ay nag-e-enjoy pa. Ano ka ba, may kan'ya-kan'yang phase tayo sa maturity, 'no?"

Kita ko ang interes sa mga mata niya habang sinasabi ko ang mga bagay na 'yon.

"Tulad mo?" He laughed. "Alam ko naman 'yon. Sinasabi ko lang naman sa 'yo na baka masyado na akong mature para sa usapang wala namang sense, 'di ba?"

Tinawanan ko na lang siya bilang pagsuko. "Hmm, oo na."

He smiled playfully. I looked away and bit my lower lip to conceal my smile.

"Oh, 'di ba? Wala rin naman sa akin kung wala ka pa sa maturity stage kung nasaan ako ngayon. You're maturing based on the words you just said, woman. That's enough to caught my attention."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Ha?"

He chuckled. "Wala. Hindi ka pa ba uuwi?"

Nginuso ko ang ulan. "Umuulan pa."

"May payong ako, ipapahiram ko sa 'yo. Late na masyado, eh."

Nagbuntonghininga ako. "Walang dumaraan na tricycle, e."

Nilabas niya ang cellphone saka may tinawagan.

"Hello, Manong. Namamasada ka ba? Ahh, stranded kasi kami dito ng kaibigan ko, p'wede mo ba kaming sunduin at ihatid sa bahay namin? Oh, sige. Salamat, Manong, maaasahan ka talaga. Hintayin ka na lang namin dito. Salamat ulit."

Ilang sandali pa, ibinalik na niya ang cellphone sa bulsa at saka ngumiti sa akin. "Ayan, makakauwi ka na."

Pumalatak ako."Sana kanina mo pa ginawa 'yan," pagsusungit ko kunwari.

Tinawanan niya ako. "Akala ko kasi titila ang ulan kapag nilibang kita nang konti dito. At saka syempre, akala ko kasi 'di mo 'ko papansinin kapag kinausap kita."

Napakunot ako ng noo sa huling sinabi niya. "Bakit naman hindi kita papansinin?"

Bahagya siyang ngumuso. "Dahil akala ko hindi mo ako kilala? At saka syempre, baka isipin mong masama akong tao."

I chuckled. "Kung hindi kita namumukhaan, baka isipin ko ngang gano'n ka," pagbibiro ko.

Umawang ang bibig niya na parang na-offend sa sinabi ko. "Grabe ka, ha?"

Tinawanan ko na lang siya at tumayo mula sa pagkakaupo ko. Gano'n din ang ginawa niya.

"Salamat nga pala sa paglilibang sa akin habang mag-isa ako dito."

He smiled. "Wala 'yon. At saka mahirap mag-isa dito ngayong gabing-gabi na, babae ka pa naman."

Napanguso ako sa sinabi niya. "Para namang may papatol sa akin, eh 'no?" natatawang sabi ko.

He sighed in frustration. "Alam mo, gustong-gusto kong baguhin 'yang mindset mo. Wala pa tayong isang oras na nag-uusap pero kitang-kita ko yung panunuot ng negativity d'yan sa pagkatao mo."

Tinawanan ko na lang ulit siya dahil hindi ko na talaga alam kung ano ang isasagot ko kasi tama naman siya. Pangit ang mindset ko. Kahit sinusubukan ko namang ayusin, hindi ko na mabago dahil sa tagal ko nang nakasanayan.

Ilang sandali pa, dumating na ang tricycle driver na tinawagan niya. Humarap siya sa akin at ngumiti.

"So, paano?" tanong niya. "Uwi ka na?"

Napalunok ako nang makita na malakas pa ang ulan at magiging mag-isa siya rito.

"Ikaw, paano ka?"

"May motor ako." Iniabot niya sa akin ang dilaw na payong. "Ito yung payong, gamitin mo. May kapote naman ako sa motor."

Bahagyang umawang ang bibig ko. "Hala, bakit naghintay ka pa rito?"

Mahina siyang tumawa kasabay ng paghawak sa batok. "Wala kang kasama, eh. Kanina pa kita tinitignan mula do'n." Itinuro niya sa kung saan nakaparada ang motor. "Mababasa ka kasi kapag inihatid kita, kaya tinawagan ko na lang si Manong. 'Wag kang mag-alala, malapit lang sa apartment ang bahay niyan at siguradong safe ka sa kan'ya."

Ngumiti ako matapos marinig ang mga sinabi niya. "Salamat. Maraming salamat sa lahat."

"So, friends na tayo, ha?" nakangiti niyang tanong na nagpatawa sa akin.

"Oo naman."

"Gian. Gian ang pangalan ko."

Umihip ang hangin kaya naman natakpan ng buhok ko ang mukha ko. Natatawa kong inayos 'yon at inilagay sa likod ng tainga ko bago nagpakilala sa kan'ya.

"Ako si—"

"Mary. Alam ko."

Napakunot-noo ako. "Ha?" Itinuro niya ang suot kong nametag. "Ahh, oo nga." I chuckled awkwardly.

Binuksan niya ang payong at saka iniabot sa akin. "Sige na, sakay ka na nang makauwi ka na."

Ngumiti ako. "Sige, salamat. Mag-iingat ka sa pagmamaneho."

Ngumiti rin siya pabalik. "Salamat! Ikaw rin, mag-iingat."

Sumakay na ako sa tricycle at nagpaalam na sa kan'ya bago tuluyang nag-drive paalis ang driver.


Continue Reading

You'll Also Like

7.8K 122 8
A Promise Of Forever Promise Duology #2 (Novel) It's been six years since Shane Chrystelle Sandoval experienced the painful heartbreak from her first...
416K 4.5K 9
The romance writer meets his heartless match. Sa dinami-rami ng babaeng nagkandarapa sa kanya, mai-in love na lang siya, sa bitter pa. Sa dinami-rami...
1M 33.4K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...