The Prince's Fiancee

By HopelessPen

112K 4.8K 856

(Watty's2019 Awardee for Historical Fiction) Michelle Santiago was killed by a man in a dark suit. But instea... More

Foreword
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
12
13
14
15

11

4.2K 249 37
By HopelessPen

11

Hiling ng Dyosa





Parang sinusunog ang puno ng aking lalamunan noong tuluyang bumalik ang aking ulirat. Naramdaman ko ang haplos ng isang kulubot na palad sa aking balat bago ako bumaling roon.

"Kamusta ang iyong pakiramdam, Klintar?" bati ng matandang lalaki sa aking tabi. Mahaba ang puting buhok nito na nakatirintas ng magulo. Gusot rin ang asul na roba na kanyang suot habang uugod ugod ang paggalaw.

Tinulungan niya akong makaupo bago ako inabutan ng malamig na tubig para mainom. Agad ko iyong kinuha at naampat ang aking uhaw mula roon. Noong matapos ako sa pag inom ay kinuha ng matanda sa akin iyon.

"May nararamdaman ka pa rin ba?"

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at hinang hina na umiling. Bukod sa sobrang panghihina at pagod ay wala na akong nararamdamang kahit na ano. Nanatili ang titig sa akin ng matanda bago siya tumayo at may kinuha sa mesa malapit sa aking kama.

"Matalino ang kamahalan at sa akin ka niya dinala. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na may kakayahan kaming mga Telmar na mahanap ang lunas para sa iyong Rornos," aniya. Sumikdo ang aking dibdib ng marinig ang kanyang sinabi,

"A-ang kamahalan ang nagdala sa akin rito?"

Tumango ang matanda bago niya inilapag sa aking tabi ang dinikdik na dahoon. Kulay asul iyon na may pinong puting balahibo.

"Siya mismo ang naghatid sa iyo rito sa aking tanggapan. Hindi na ako nagtaka na hindi ka niya dinala sa mga Vidruming manggagamot. Alam kong hindi pa nila napagaaralan ang pasikot sikot ng Rornos. Ngunit nakakagulat na may kaalaman ang Prinsipe sa mga halaman na tumutubo sa Skiele at kung paano niya naisip na rito ka dalhin para malunasan."

Hindi na ako mapakali sa nalaman. Sinundan ko ng tingin ang matanda na ngayon ay kinuha ang halaman na nasa aking tabi.

"Kainin mo ito para manumbalik ang iyong lakas. Nanghihina ka sa dami ng dugong nawala sa iyo," sabi nito sa akin. Kinuha ko ang mga asul na dahoon na iyon habang ang matanda ay nanatiling nasa aking tabi at nakabantay.

"N-Nasa Skiele po ba ako, Ginoo?" tanong ko. Base sa kanyang sinabi kanina na isa siyang Telmar, maaring nasa bayan nga nila ako. Tango lamang ang naging sagot ng matanda bago kinuha ang plato ng dahon na ipinakain niya sa akin.

"Nasa hangganan tayo ng teritoryo ng Skiele at Briaria. Dito ka dinala ng Prinsipe mula sa inyong tahanan sa Apranya."

Parang lumobo ang aking dibdib ng maisip si Elric na naglakbay para lamang malunasan ang aking karamdaman. Kahit hindi ko naisin ay hindi ko maiwasang matuwa na malamang nag alala sa akin ang aking kamahalan.

"Mapalad ka at mag kauri kayo ng dugo ng kamahalan. Hindi na kami naghirap ng magsasalin sa iyo ng dugo para maalis ang Rornos sa iyong Sistema. Gayunpaman ay nag aalala ako sa Vaurian dahil nanghihina siya matapos ka niyang salinan ngunit nagmadali pa rin siyang bumalik sa Briaria."

Akma pa sana akong magsasalita noong biglang nagbukas ang pintuan ng aking silid. Tatlong kawal mula sa palasyo ang sapilitang pumasok roon.

"Binibing Amelia ng angkang Klintar?"

"Ako nga..." sagot ko. Sinenyasan ng kawal na nagsalita ang dalawa niyang kasama para makalapit sa akin. Bago pa man nila ako mahawakan ay humarang na agad ang matanda sa kanilang daraanan.

"Hindi pa ganap na nanunumbalik ang lakas ng binibini---"

"Ikaw ang kanyang manggagamot?" sikmat ng punong kawal. Tiningnan niya ang matanda mula ulo hanggang paa bago mayabang na ngumiti.

"Dapat ay nakuntento ka na lang sa pagtatanim, Telmarin. Hindi bagay sa inyong angkan ang pagpapanggap na kaya ninyong manggamot tulad ng mga Vidrumi," anas nito. Nilapitan ng isang kawal ang matanda at agad na ginapos ang kamay nito bago lumapit sa akin ang punong kawal.

"Bitawan ninyo siya!"

Hindi ako pinansin ng kawal. Bagkus ay hinila niya ang aking braso at sapilitan akong pinatayo. Sa bilis ng galaw ay muntikan pa akong bumagsak kung hindi lamang sa mariin nitong pagkakahawak sa akin.

"Sasama kayong dalawa sa amin," pinal na sabi ng punong kawal. Marahas na itinulak ng mga kawal ang matanda habang hinihila kami palabas.

Sumakay agad ang punong kawal sa kanyang kabayo bago hinawakan ang dulo ng gapos namin ng matanda. Mabilis na naglinya ang iba pang kawal sa magkabilang gilid namin para barikadahan kami ng matandang Telmar.

"Sa palasyo ng hari," anunsyo ng punong kawal. Napasinghap ako mula sa narinig. A-anong gagawin namin sa palasyo?

Hindi ko na nagawa pang magtanong noong hinila na ng punong kawal ang aming gapos para makapaglakad na kami. Sa sobrang panghihina ay naging mabuway ang aking hakbang.

Anong nagawa naming kasalanan para tratuhin kami na parang mga kriminal? At agad ay idederetsyo kami sa palasyo ng hari? Para saan?

Bumagsak ang aking tuhod mula sa sobrang panghihina. Ang mga preskong sugat sa aking braso at binti ay muling nagdugo mula sa aking pagkakadapa. Naramdaman ko ang kamay ng mga kawal sa aking gilid na pilit akong itinatayo.

"Mahina pa ang binibini. Hindi ba pwedeng sumakay man lang siya sa inyong kabayo?" untag ng matanda habang sinusubukang lumapit sa akin. Nilingon lamang ako ng punong kawal bago ako hinila ng iba pa niyang sundalo para makatayo.

"Sa palasyo, madali," aniya. Itinulak ako ng mga kawal para makapaglakad ng muli. Ang kirot mula sa mga nagbukas kong sugat ay mas lalo lamang nakapagpahina sa akin.

Higit dalawang oras rin bago namin narating ang bukana ng Briaria. Noong makapasok kami sa lungsod ay nakuha agad namin ang atensyon ng marami sa mga mamamayan. Ilang bulong bulungan ang narinig ko habang nakatingin sila sab akas ng Rornos sa aking balat.

"Hindi ba't isa siyang Klintar? Akala ko ba ay hindi nakukuha ng mga maharlika ang Rornos?"

"Nakakadiri. Mababang uri talaga ang mga Klintar kaya kabilang sila sa pinarurusahan ng Dyosa."

"Ito na ang sumpa ng Dyosa dahil sa lahat ng kasamaan ng mga Klintar."

Nilingon ko ang mga babaeng pinagbubulungan ako. Sinalubong nila ang aking tingin bago napailing habang nandidiring tumititig sa akin. Napakabigat para sa aking dibdib na hinihusgahan ako ngayon dahil lang sa angkan ko. Hindi nila ako kilala. Hindi nila alam kung gaano kabait ang aking pamilya. Ang tanging alam lang nila ay ang pagiging Klintar ko, at wari ba'y parang sapat na ang katotohanang iyon para ipako nila ako sa kasamaan.

Nakita ko ang matandang Telmar na nakatingin sa akin. Alam kong narinig rin niya ang mga binibini ngunit nanatiling blanko ang kanyang ekspresyon. Hanggang sa makapasok kami sa palasyo ng hari ay wala akong natanggap mula sa kaniya kahit na isang salita.

Dinala kami sa bulwagan ng mga Vaurian. Sa gitna ay naroon ang trono ng hari at reyna. Sa magkabilang gilid ng bawat upuan ng mga pinunong iyon ay may estatwa ng leon na may sakay na arkanghel. Kulay pula ang bawat trono na napapalamutian ng asul at puting puntas.

Nagtama ang paningin namin ng Haring Armeo, ama ni Elric at Amreit. Ang malamig nitong berdeng mata. Nakasalumbaba siya at hinihintay ang pagluhod namin ng Telmar sa kanyang harapan.

"Kamahalan, narito na si Romeo ng mga Telmar at si Amelia, ang binibining nagkaroon ng Rornos," anunsyo ng punong kawal. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at tiningnan muli ang hari. Nakatitig lamang siya sa akin, puno ng galit ang berde nitong mata bago niya iwinasiwas ang kanyang palad.

Mabilis ang naging pagkilos ng mga kawal sa aking tabi. Sa isang iglap lamang ay naiumang na nila ang patalim ng dalawang sibat sa aking leeg. Ganoon rin ang sa matanda na nasa aking tabi.

"Kamahalan...nakikiusap ako. May apo akong naiwan sa Skiele..." nanginginig na sabi ng matanda. Nilingon ko ang Telmar na gumamot sa akin bago muling binalingan ang hari.

Nagbukas ang bulwagan at pumasok ang mga ministro ng hari. Para akong napapaso sa uri ng titig nila habang umuupo sila sa kanilang mga pwesto.

"Hindi isang karamdaman ang Rornos, Klintar. Ito ay sumpa ng Dyosa sa lahat ng hindi sumasamba sa kanya. Ito ay lason na unti unting pumapatay sa mga masasamang naglalagi rito sa kanyang bayan. Kaya sabihin mo, hindi pa ba sapat na rason ang pagkakaroon mo ng sumpa na iyan para hindi ko kitilin ang iyong buhay?" mapanganib nitong sabi. Hindi ako sumagot at sinalubong lamang ang titig niya.

"Kung may tututol sa pagbitay sa binibini, ngayon pa lamang ay magsalita na kayo!" sigaw niya sa mga ministro. Nanatiling tahimik ang buong bulwagan. Walang nagtangkang magsalita para sagipin kami ng matanda.

Bumagsak ang aking balikat at akmang susuko na ng makarinig ako ng yapak sa aking likuran. Nakita ko ang pagtigas ng mukha ng hari habang tinititigan ang bagong dating.

"Sinabi kong manatili ka lamang sa iyong silid, hindi ba?"

"Hanggang kailan mo paniniwalaan na sumpa ang Rornos, ama? Bakit napakadali para sa iyong isara ang iyong mata sa paghihirap ng mga nasasakupan mo? Hindi pa ba sapat na nahawaan na tayong mga maharlika dahil hindi mo tinutulungan ang mga Destal?!

Hindi ko napigilan ang singhap na lumabas sa akin ng marinig ang boses ni Prinsipe Elric. Nilingon ko siya at ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ang kanyang estado.

Putok ang kanyang labi at nakapinid ang kanyang kaliwang mata. May benda ang kanyang braso paikot sa kanyang leeg at dibdib. Maraming sugat na nagkalat sa kanyang katawan at halos hindi pa rin makalakad ng matuwid.

"Vaurian Elric!!"

"Nakikiusap ako, ama! Walang kahit na anong ginawang kasalanan ang aking binibini kung kaya't---"

"Isinumpa siya ng Dyosa, hindi mo ba nakikita? Nasa kanyang balat pa rin ang pruweba ng Rornos! Tinalikuran na niya ang Dyosa at ang buong Setrelle kaya dapat lang na kitilan siya ng buhay! Hindi ko hahayaan na may gumaya pa sa kanyang ibang maharlika!" balik sigaw ng hari. Idiniin ng mga kawal ang patalim sa aking leeg. Naramdaman ko ang maliit na patak ng dugo mula sa sibat ngunit nanatili lamang akong hindi gumagalaw.

Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang paggalaw ng Prinsipe. Kumuyom ang kanyang palad at alam kong kaunti na lamang ang natitira sa kanyang pasensya. Nilingon ko siya at nagtama ang aming paningin. Magkahalong pag aalala at galit ang nasa kanyang mata habang tinititigan ako.

"At ikaw, Telmarin. Humaharap ka sa salang panggagamot sa isang isinumpa. Katulad ng binibini ay hinahatulan kita ng salang pagtataksil sa Setrelle at sa ating Dyosa."

Pumalahaw ng iyak ang matanda sa narinig. Hinila siya ng mga kawal at pinilit na tumayo. Umiiyak na ito at nagmamakaawa sa hari habang kinakaladkad siya ng mga sundalong may hawak sa kanya.

"H-Hindi ako!! Hindi ako ang gumamot sa binibini, Kamahalan! Hindi ako!" sigaw nito. Umugong ang bulungan sa bulwagan. Maging ang hari ay natigilan sa sinabi ng Telmarin.

"Bitawan ninyo siya," utos ng hari. Noong makalaya ay agad tumakbo ang matanda at lumuhod sa paanan ng hari.

"Hindi ako ang g-gumamot sa kanya. Parang awa ninyo. May a-apo ako..."

"Kung hindi ikaw, sino?" sabat ng isang ministro. Tumulo ang luha ng matanda at yumuko. Nanginginig siya habang kapit kapit ang dulo ng kanyang roba.

"Ako, Ama. Ako ang gumamot kay Amelia," anas ng panibagong tinig. Nakita ko ang pagtayo ng unang prinsipe mula sa upuan ng mga ministro bago siya lumapit sa amin sa bulwagan.

"Amreit? Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang sabi ni Elric. Nagliyab naman sa galit ang mata ng hari habang pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa dalawang prinsipe.

Natulala lamang ako sa nalaman. Buong akala ko ay si Elric ang sumagip sa akin. Hindi ko akalain na si Amreit pala ang nagligtas ng aking buhay.

"Kung totoo nga ang tinuran ng unang prinsipe, isa lamang ang ibig sabihin noon, kamahalan! Taksil ang iyong panganay na anak!" hiyaw ng ministro. Nagbago ang ekspresyon ng hari habang nakatitig lamang sa kanyang anak.

"Tunay ba ang mga tinuran mo, Vaurian Amreit?" asik ng hari. Nanghilakbot ako sa lamig ng tinig nito. Maging si Elric ay napahakbang palayo sa kanyang ama ng makita ang reaksyon nito. Tanging ang unang prinsipe lamang ang nanatiling diretsyo ang pagkakatayo at tuwid na nakatitig sa hari.

"Siyang tunay, kamahalan..."

Pumikit ako ng mariin sabay ng sigawan ng mga ministro. Nilingon ko ang unang prinsipe ngunit nahaharangan ng mahaba nitong buhok ang kanyang mukha.

"P-paano mo siya nagamot?" tanong ni Elric. Bahagyang lumingon sa akin ang unang prinsipe bago nito hinarap ang bunsong kapatid.

"Lason ang Rornos sa dugo ng kanyang biktima. Ibinigay ko sa kanya ang aking dugo hanggang sa tuluyang mawala ang Rornos sa kanyang sistema."

Pinanood ko ang unang prinsipe na kaswal na nagsasalita, na para bang hindi siang malaking rebelasyon ang kanyang sinabi sa harapan ng hari at ng mga ministro nito.

"Kilala ang dugo ng mga Vaurian bilang pinakamakapangyarihan sa limang angkan. Mapalad ang binibini dahil pareho kami ng uri ng dugo kaya nasalinan ko siya----"

Bumaling ang mukha ng prinsipe pakaliwa ng umigkas ang likod ng palad ng hari sa kaniyang pisngi. Ilang segundo pa bago tuluyang nakahuma ang kamahalan mula sa ginawa ng kanyang ama.

"Ama, maghunos dili ka..." pigil ni Elric sa kanyang ama. Tumingala lamang si Amreit at hinawakan ang pisnging nasaktan. Ginalaw galaw nito ang panga bago mayabang na nagkibit balikat.

"Kahit saktan pa ninyo ako ay hindi na mabubura ang katotohanan na dumadaloy na sa binibini ang dugong Vaurian."

"Suwail ka! Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng ginawa mo, Amreit?!" sigaw ng hari. Isang beses akong nilingon ng Prinsipe bago muling binalingan ang kanyang amang hari.

"Hindi, Kamahalan," sagot nito. Napanganga na lamang ako dahil sa klase ng pagsagot nito sa hari. Maging ang mga ministro ay nagulat sa gawi ng unang prinsipe.

"Kamahalan, kung papahintulutan ninyo, maari ba akong magsalita?" tanong ng isang ministro. Nilingon lamang siya ng hari bago atubiling tumango.

"Tunay ngang itinuturing nating sumpa ang Rornos at ang lahat ng magkaroon nito ay traydor sa Dyosa. Ngunit magaling na ang binibini at hindi na niya tinataglay pa ang karamdaman sa kanyang katawan."

"Anong ibig mong sabihin roon, Ministro?" iritadong sagot ng hari. Dumiretsyo ito sa kanyang trono at padarag na umupo. Lumapit naman ang ministro at nilingon ako.

"Alam mo ang ibig kong sabihin, kamahalan. Taglay ng binibini ngayon ang dugong Vaurian, ang dugo ng angkan ninyo."

Kumuyom ang kamao ng hari sa kanyang trono bago ako nilingon. Nagtagis ang kanyang bagang sa isang hindi malamang dahilan.

"Pumili na ang Dyosa ng magiging kabiyak ng inyong anak, kamahalan. Narito na sa ating harapan ang magiging asawa ng inyong panganay na anak," anunsyo nito. Sabay na bumaling sa akin ang dalawang prinsipe habang gulantang mula sa narinig.

"A-ano?..."

Tumikhim ang ministro at nilingon ako. Si Elric ay nakatitig na lamang sa akin habang si Amreit ay hindi na malaman ang gagawin.

"Kailangan ng maikasal ang binibini kay Prinisipe Amreit. Ito ang kagustuhan ng Dyosa at walang maaring humadlang roon."

Continue Reading

You'll Also Like

37.9K 1.5K 21
She's Aubrielle Milicent Catherine Alliana Abere. Aubrey, an assassin from her previous world. With a never ending life and death situation, but she...
203K 12K 45
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...
272K 12.7K 35
With one bullet, the greatest assassin of the 21st century meets her end. As she tries to accept her end, she then open her eyes in a very familiar b...
614K 34.9K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...