SA MUNDO NG MGA TAO
ANGELO'S PROVEBS
Pagkatapos ng ilang oras na pagpupulong sa Avila ay nakabalik na rin kami sa aming tahanan paakyat na sana kami ngunit may naramdaman namin na may nag-ivictus sa bandang likuran paglingon namin ay sila Cassandra lang pala.
CASSANDRA:H-hi Yna ,Ashti,Tito,at Kuya!😅
MIRA:Saan kayo galing?huwag niyong sabihin na pumunta kayong Encantadia na hindi namin nalalaman!(Inis na sabi ni Mira)
ALANA:S-sorry po Edea.(Sabi niya na nakayuko)
LIRA:Humanahon ka bes natatakot ang mga bata!(saway niya sa pinsan),totoo ba na pumunta kayong Encantadia?(malumanay niyang sabi)
ADAMUS:Opo.
At huminga ng malalim si Mira.
MIRA:Hindi ko naman nais na magalit sa inyo,ang amin lang naman ay baka kayo'y mapahamak.(Kalmang sabi ng Diwani)
DASHA:Naintindihan po namin Ate.
ANGELO:Maari ba naming malaman kung bakit kayo nagtungo doon?
PAOPAO:At maari din ba naming malaman na sino sa inyo ang naka-isip na magtungo kayo doon?
ALANA:Ako po ang nakaisip na magtungo kami sa Encantadia pagkat nais lang namin sa sabihin kay Ila Minea ang nangyayari.
LIRA:Iyon lang ba ang ipinunta niyo doon?
JUNO:Hindi po,nagmanman din kami sa kaharian ni Ether nang saganon ay malalaman namin kung ano ang kanilang susunod na hakbang.
ANGELO:Natutuwa akong ginawa niyo iyan pagkat malaking tulong iyan sa ating hanay ngunit paano kung napahamak kayo..
EMMANUEL:Naiitindihan po namin nag-aalala kayo inaamin ko na napapalaban kami doon ngunit ayos lang naman kami.
PAOPAO:Mabuti naman kung ganon,at anong impormasyon ang nakuha niyo?
ALANA:Pupuntahan nila si Lucio bukas ng gabi nang saganon ay makapunta sila dito at sabi ni Ether na gagawa daw sila ng koneksyon pagdating nila dito merong sinabi si Berto na may kakilala daw siyang David Kang ang taong iyon ang marami dawng koneksyon.
LIRA:Paano mo naman nakuha ang impormasyon na iyan Alana?
ALANA:Nagpanggap po ako bilang andora.
MIRA:Magaling Alana,hindi pala pagkat kayong lahat ay magaling kaya binabati ko kayo!😊
ALANA,CASSANDRA,ADAMUS,DASHA:Avisala eshma po!
JUNO,VANESSA,ARGO,EMMANUEL:Avisala eshma po!
ARGO:Hindi niyo po naman ito sasabihin nila Tita na pumuslit kami di ba?
ANGELO:Kailangan talaga nila malaman ang tungkol dito.
VANESSA:Hindi naman po kami papagalitan di ba?
PAOPAO:Siyempre mapagsabihan kayo pero kami nang bahala sa inyo.
DASHA:Avisala eshma po,makakaasa kayong hindi na namin ito uulit.
ANGELO:Mabuti naman at tayo ng mamahinga.
KINAUMAGAHAN SA KAHARIAN NG LIREO
MINEA'S PROVERBS
Nagpatawang ako ngayon nag pagpupulong pagkat dapat ring malaman ng mga ibang tumatayong pinuno ang naganap.
MINEA:Bilang tumatayong Hara ng mga diwata ay sisimulan na ang pagpululong na ito!(Sabay taas ng aking septre)nagptawag ako ng pagpupulong pagkat ang mahiwagang susi ng Elementia ay nawawala at natitiyak ko na kailangan ng tulong ang mga kaharian doon.
RAQUIM:Tama ka doon Hara,kaya kailangan nating magpadala ng mensahe doon nang saganon ay malaman ng mga Elementian na tayo'y tutulong.
KHALIL:Mainam na mungkahi iyon Rehav pagkatapos natin magpadala ng mensahe ay ihahanda ko na ang aking mga kawal.
DESHNA:Sang-ayon ako sa inyo kaya tutulong ang Hathoria.
DEMETRIA:Maging ang Sapiro.
MINEA:Mabuti naman na sumasangayon tayo sa isa't-isa ngayon ay magpapadala na ako ng mensahe sa Elementia..
SA MUNDO NG ELEMENTIA
SA KAHARIAN NG CELESTIA
JACINTHA'S PROVERBS
Nagpupulong na naman kami ng ibang paraan upang mabawi ang isa sa Mahiwagang susi pagkat hindi maari na mapasakamay ni Lucio ang kakambal nito.
JACINTHA:Bilang Reyna ng Celestia ay binubuksan ko na ang pagpupulong na ito!(Sabi ko habang tinataas ang aking Septre)nabigo man tayo na bawiin ang susi noong nakaraang araw mag-iisip tayo ng ibang paraan kung paano natin ito mababawi!
AMELIA:May naisip akong plano!
KEVA:Ano iyon Amelia?
AMELIA:Dalawa sa atin ang magtungo doon upang magbigay ng hudyat kay Lucio na kung hindi niya mababalik ang susi bago lumubog ang araw ay magdeklara tayo ng digmaan.
AVA:Magandang mungkahi iyan at sinong magtungo doon?
TARIQUE:Ako nalang at si Otis ang magtungo doon.
SA KAHARIAN NG HADES
TARIQUE'S PROVERBS
Pumunta nga kami ni Otis Kaharian ni Lucio nagmanman sa isa sulok kausap ang kanyang mga alagad napansin ko ay agad niyang naramdaman na may nakapasok sa kanyang kaharian kaya...
LUCIO:Alam kong kayo iyan Tarique kaya magpakita na kayo!
Kaya lumabas na kami sa sulok kung saan kami nagmamanman.
LUCIO:Kay lakas ng loob niyong pumasok sa aking kaharian!
TARIQUE:Batid mo naman kung bakit kami naririto di ba?!
LUCIO:Ang mabawi ang susi?!di ba sinabi ko na sa inyo hindi niyo mababawi ang susi kung hindi niyo ibibigay ang aking nais!
OTIS:Kung ganon ay babawiin namin ito sa ibang paraan,kailangan maibalik mo ito sa amin bago lumubog araw kundi bibigyan ka namin ng digmaan na hindi mo inaakala!
LUCIO:Pinagbantaan mo ba ako Otis?!
OTIS:Hindi kami nagbibigay ng banta babawiin ko lang kung anong amin!
Saka nag-ivictus ang dalawang hari pabalik sa Kaharian ng Celestia.
MARCELO:Paano ba iyan Panginoon? bibigyan ka raw ng digmaan!
LUCIO:Ibibigay natin ang nais nila!
MARCELO:Ang isauli mo ang susi?
LUCIO:Tanga!sa tingin mo ba ay ibibigay ko ang susi sa kanila?!
MARCELO:Paumanhin.
LUCIO:Ihanda mo na ang mga kawal sa labanang magaganap at magpadala ka ng mensahe kay Ether na kailangan natin ang kanyang tulong!
SA KAHARIAN NG CELESTIA
Pagbalik ng dalawang Hari sa palasyo ay nagpadala din sila ng mensahe sa Lireo upang malaman ni Minea ang kanilang ginawang hakbang at napag-usapan nila na magbalik muna ang mga ibang pinuno sa kanilang kanya-kanyang kaharian nang saganon ay makaghanda na kung sakaling may labanan na magaganap.
SA ENCANTADIA
Natanggap na ng mga diwata ang mensaheng pinadala ng mga pinuno ng Elementia ang hinintay nalang nila ay ang hudyat kung sakaling may laban na magaganap.Habang naghihintay sila ng hudyat ay inihanda na ng Lireo,Hathoria,Adamya,at Sapiro ang kani-kanilang mga kawal.Ipinaalam na rin ni Minea sa mga Sanggre ang mga kaganapan na mag posibleng labanan na magaganap.
SA MUNDO NG MGA TAO TAHANAN NG MGA DIWATA
Kasalukuyan sila ngayong kumain ng pang-umagahan na may biglang sumulpot na bola gawa sa enerhiya na naglalaman ng boses ng tumatayong Hara ng mga diwata.
MINEA:Avisala sa inyong lahat!
ALENA:Yna,ikaw ba yan?
MINEA:Oo,anak..
AMIHAN:Ano po ang nagdala sa inyo dito?Meron bang problema sa Encantadia?(Sunod-sunod na tanong ng Hara ng Sapiro)
MINEA:Wala namang suliranin sa Encantadia nagtungo ako dito upang ipaalam sa inyo na may posibleng labanan na magaganap sa Elementia.
PIRENA:Malakas ang kutob ko na ang posibleng dahilan niyan ay ang mahiwagang susi.
MINEA:Tama ka doon Pirena pagkat nais mabawi nila Otis ang isa sa mahiwagang susi ngunit hindi madadaan si Lucio sa pakiusap kaya babawiin nila ito sa ibang paraan.
ALENA:Kaya ba nagdeklara ang mga pinuno ng digmaan?
MINEA:Oo anak..
ALANA:Kaya hindi nais ni Lucio na ibigay ang mahiwagang susi nila Tito Otis ay may plano po silang pumunta dito mamayang gabi at pagdating nila dito ay gagawa sila ni koneksyon sabi ni Berto na kakausapin daw nila si David Kang dahil marami iyong koneksyon.
DANAYA:Paano mo naman nalaman ang mga impormasyon na iyon aking Hadia?
ALANA:Ahh..ehh..HEHEHE😅
ADAMUS:Dahil nagtungo kami doon pagkat nais naming ibalita kay Ila Minea ang tungkol sa nawawalang susi.
DASHA:Nagbabatyaw din po kami sa kaharian ng Niyebe nang saganon ay malalaman namin ang susunod na hakbang nila Ether.
PIRENA:Avisala eshma sa impormasyon at binabati ko kayo na nagtagumpay kayo sa inyong nais, ngunit ako'y naiinis din dahil umalis kayo na hindi namin nalalaman!
Vanessa:Sorry po Tita hindi na po talaga mauulit gusto lang makatulong sa inyo.
AZULAN:Naintindihan namin na nais niyong tumulong ngunit paano kung napahamak kayo!
JUNO:Naiintidihan po namin sa katunayan iyan din po ang sinabi nila Ate Mira kahapon..
MIRA:Napagsabihan na po namin sila kahapon at nangangako sila na hindi na ito mauulit.
ARGO:Opo hindi na talaga kami aalis na hindi niyo nalalaman.
AQUIL:Ngunit ganon pa man ay malaking tulong ang impormasyon na ibinigay ng mga bata.
MEMFES:Tama ka doon Mashna,pero kung aalis kayo ulit na hindi namin nalalaman ay may kaparusahan na iyon.
EMMANUEL:Opo Tito at maiintindihan po namin na paparusahan niyo kami hindi na talaga ito mauulit.
ALANA,CASSANDRA,ADAMUS,DASHA:
Sorry na po talaga!
JUNO,EMMANUEL,VANESSA,ARGO:
Sorry na po!
ALENA:Pinapatawad na namin kayo,kaya huwag niyo na ito uulitin.
At tumayo ang mga Diwani at mga Rehav upang yakapin ang mga nakatatanda nilang kasama.
MINEA:Kaya sa susunod kung aalis kayo ay sasabihin niyo muna nang saganon ay malalaman namin kung nasaan kayo.
Tumango naman ang mga Diwani at mga Rehav bilang pag-sangayon
ANGELO:May napaginipan ako kagabi na may mamamatay ay may makakatakas sa isang labanan ngunit hindi ko makita kung sino-sino ang mga iyon.
PIRENA:Manalig nalang tayo na wala sa ating hanay ang mga mamamatay,ngunit malakas ang kutob ko na matutuloy ang labanan.
AZULAN:Magtiwala lang tayo kay Emre.
LIRA:Tama po kayo Aldo Azulan may posibleng labanan na magaganap di po ba?sino sa atin ang pupuntang encantadia?
PAOPAO:Sino din po sa atin ang magbabantay sa lagusan na nasa bakanteng lote?
AMIHAN:Kami na nila Pirena ang magtungo doon kasama nila Ybrahim.
DANAYA:Ngunit maghihintay pa kami ng inyong hudyat di ba Yna?
MINEA:Oo ang hudyat na inyong makikita na kailangan niyo nang magtungo sa Encantadia at sa bakanteng lote ay ang mga alitaptap na magsiliparan patungo sa inyong tahanan ngunit kung walang anong hudyat ay hindi niyo na kailangang magtungo mga lugar na binanggit ko.
SINO ANG MAMATAY AT MAKATAKAS?
ABANGAN SA SUSUNOD NA KABANATA