SA AVILA
LIRA'S PROVERBS
Medjo gabi na rin ng magtungo kami sa Avila wala kaming choice kundi magpunta doon sa lalong madaling panahon kailangan agad malaman ng mga Mulawin ang mga kaganapan.
PAGASPAS:Mga kamahalan at Paopao ba't kayo naparito?
LIRA:Naparito kami pagkat may nais kaming iparating sa inyo ngunit bago namin ito ipaalam kailangan muna makumpleto ang inyong konseho.
PAGASPAS:Ipapatawag ko nalang ang ibang miyembro ng konseho at ang aming pinuno.
LIRA:Avisala eshma..
Madaling sandali lang at nakumpleto na ang miyembro ng konseho at dumeretso na sila sa silid pulungan.
DARAGIT:Sinabi sa akin ng isa sa aking mga kawal na may nais kayong iparating sa amin.
MIRA:Oo at ang mensaheng ito ay napaka-importante nagtungo sa aming tahanan si Bathalumang Cassiopea upang ibalita sa amin na nasa kamay na ni Lucio ang mahiwagang susi.(Seryosong sambit ng aking pinsan)
ANYA:Paano naman nanakaw ang susi sa kaharian ng Lahar na ang Hari't Reyna lang ang nakakaalam kung saan ito nakalagay.
LAKAN:Iyan din ang pinagtataka ko,pagkat bawat sulok ng palasyong iyon ay may bantay!
PAOPAO:Nagtagumpay silang manakaw ang susi pagkat kinuha nila ang pagkakataon na wala ang mga pinuno ng mga oras iyon,bawat sulok nga ay may bantay ngunit walang laban ang mga kawal pagkat ang kakampi ni Lucio ay si Ether!
LAWISWIS:Tama nga ang inyong hinala na may kampihan na magaganap.
ALMIRO:Mangyayari na nga ang nasa propesiya!
ANGELO:Oo at gagawin natin ang lahat nang saganon ay matapos na agad ito!
DARAGIT:Tama ka doon Angelo ang atin nalang ay maghanda,pagkat maaring magpunta sila dito ano mang oras,salamat pala sa paghatid ng balita!
LIRA:Walang anuman po iyon,mauna na kami sa inyo!
DARAGIT:Sige mag-iingat ko kayo!
Tumango kami at nag-ivictus pabalik sa aming tahanan.
SA TAHANAN NG MGA DIWATA
ALANA'S PROVERBS
Nandito kami ngayon sa guestroom 5 dahil nais namin nila juno na magsama-sama matulog kagaya ng dati nasa nakahiga nga ako ngayon pero hindi ako makatulog habang ang mga kasama ko naman ay humilik na pagtingin ko sa orasan ay 11:30 PM na hindi pa rin ako makatulog.
Mabuti nalang sembreak na kung may pasok mukha talaga akong panda pagdating sa school hindi rin ako mapakali sa sinabi ni Ila Cassiopea tungkol sa nawawalang susi mabuti pang gisingin ko to sila Cassandra para may kasama akong pamuntang Encantadia at ibalita na rin nila Ila Minea ang tungkol sa naganap at magmamanman na rin nila Ether.
ALANA:Cassandra,Dasha,Adam,gising!(Pabulong kong sabi habang niyuyugyog ko sila isa-isa)
CASSANDRA:Alana naman eh!natutulog ako!(pa-inis na sabi ng aking hadia)
ADAMUS:Tsk!Alana bakit ka ba nanggising?(medjo-iritang sabi ni Adam)
DASHA:Uy!inaantok pa ako bakit ka ba nanggigising diyan!(pagalit na sabit ni Dasha)
ALANA:Chill guys chill!,alam na natin ang tungkol sa nawawalang susi di ba?
ADAMUS:Oo,huwag mong sabihin na may binabalak ka?(Deretsong sabi ng aking pinsan)
ALANA:Good question Adam!,pupunta tayong Encantadia para ibalita nila ila ang tungkol sa nangyari at magmanman na rin nila Ether.
CASSANDRA:Ha?baka mapagalitan tayo nila Yna at lalong-lalo na kay Ila Pirena alam mo naman parang argona iyon magalit!
ALANA:Kung ayaw niyo ako nalang ganyan naman talaga kayo tapos kung ako mapahamak walang tutulong sa akin!(Pangungunsenya ko sa kanilang tatlo)
DASHA:Fine! ang dami mo pang sinasabi at nangungunsensya ka pa!🙄
ALANA:Ayyiiee!thanks guys!(At yinakap ko sila isa-isa)
ADAMUS:Hay..tama nang drama magbihis na tayo ng armor!
ALANA:Ay grabe siya oh!,hahaha punta na tayong secret room!
At nag-ivictus na kami pamunta doon
JUNO'S PROVERBS
Habang tulog ako narinig ko sila Alana na pupuntang Encantadia para ibalita nila Hara Minea ang tungkol sa nawawalang susi at magmamanman nila Ether nako hindi maari ito baka mapahamak sila kaya ginising ko ang mga pinsan ko para samahan sila Alana.
JUNO:Vanessa,Argo,Eman,gumising kayo dali!(Sabi ko habang yinugyog ko sila isa-isa)
VANESSA:Bakit Juno?(takang tanong ni Vanessa)
EMMANUEL:Nako naman oh!,bakit ba?(inis niyang sabi)
ARGO:Alam mo namang natutulog ako!tsk!(irita niyang sabi)
JUNO:Guys kaya ko kayo ginigising kasi gusto kong samahan natin sila Alana sa Encantadia nais nila iulat kina Hara Minea ang naganap mag-spy nila Ether!
ARGO:Ha!hindi maari na sila lang baka sila'y mapahamak!
VANESSA:Puntahan natin sa secret room,sigurado akong doon muna pupunta ang mga iyon!
EMMANUEL:Tara na dali!
At nag-ivictus pamuntang secret room.
CASSANDRA'S PROVERBS
Nasa secret room na nga kami upang magpalit ng baluti at naramdaman naman na may mga nag-ivictus sa may bandang likuran kaya agad naming tinututok ang aming sandata.
ARGO:Guys kami lang toh!
At binaba namin ang aming sandata
CASSANDRA:Baki niyo naman nalaman na nandito kami?(Pagtatakang tanong ko)
JUNO:Kasi narinig ko kayong nag-uusap!
CASSANDRA:Paano mo narinig na tulog ka?
JUNO:Basta narinig ko,pupunta kayong Encantadia di ba?
ADAMUS:Oo,sama kayo?
VANESSA:Kaya nga namin kayo sinusundan!
EMMANUEL:Antayin niyo kami saglit magbihis lang kami!
DASHA:Bilisan niyo ha!
EMMANUEL:Opo!
Pagkalipas ng ilang madaling sandali tapos na rin sila magbihis ng gayak pangdigma
CASSANDRA:Wow!ang astig ng armor niyo ha!
ARGO:Oo naman!(Sabay kindat sa akin"OMG ang gwapo mo talaga!sambit ko sa isipan)
ALANA:Tama iyang chickahan tara na!
DASHA:Alana ang susi?!
ALANA:Gagamit po tayo ng ibang lagusan baka magising pa si Yna mahirap na!
DASHA:Hehehe..oo nga naman!😅
JUNO'S ARMOR
ARGO'S ARMOR
EMMANUEL'S ARMOR
VANESSA'S ARMOR
Kaya nag-ivictus na kami patungo sa lagusan ng pagka-ligaw
ALANA:Asnamon Voyanazar!
At lumitaw ang bantay ng lagusan
ANG BANTAY:Anong ipaglilingkod ko sa inyo mga kamahalan?
ALANA:Kailangan namin makapasok ng Encantadia pagkat mayroon kaming napaka-importanteng mensahe nais naming ihatid kay Ila Minea!
ANG BANTAY:Kung ganon ay maari na kayong makapasok!
Nakapasok na nga kami ng Encantadia at sinalubong kami ng mga bandito at agad nagbibigay pugay
BANDIDO 1:Avisala mga mahal na Sanggre!
ALANA,CASSANDRA,ADAMUS,AT DASHA:Avisala rin po sa inyo!
BANDIDO 2:Sino ang mga kasama niyo?
CASSANDRA:Sila po ang mga anak ng mga pinuno ng Elementia!
BANDIDO 2:Avisala din sa inyo mga kamahalan!
VANESSA,JUNO,EMMANUEL,ARGO:Avisala din po!
ADAMUS:Mauna na po kami sa inyo!
BANDIDO1:Sige mag-iingat kayo!
DASHA:Kayo din po!
At nag-ivictus kami patungong Lireo bago pa kami makarating ay napag-usapan namin nila Juno na sa labas maghintay na naka-ivictus para hindi mahalata ni Ila na meron pa kaming ibang gagawin pagdating namin ay sinalubong kami nina Mashna Muros at Mashna Hitano
MUROS AT HITANO:Mga Mahal na Sanggre!(Sabi nila na nagbibigay pugay)
MUROS:Anong nagdala sa inyo dito?
ADAMUS:May nais po kaming sabihin kay Ila Minea na napakahalagang mensahe.
HITANO:Ganon ba,at alam ba ito ng inyong mga magulang na andito kayo?
DASHA:Ahh..ehh..Hindi po!hehehe 😅😅
MUROS:Hay..di bale na maari na kayong pumasok sa loob.
At nagsimula na kaming maglakad patungo sa loob
GENERAL'S PROVERBS
Napailing nalang ang dalawang Mashna sa ginawa ng mga batang Sanggre
MUROS:Mga Ashtadi talaga!
HITANO:May pinagmanahan eh..hahaha!😂
MUROS:Oo nga noh..hehehe😂
ADAMUS' PROVERBS
Pagdating namin sa loob nadatnan namin si Ila sa silid tanggapan na may binabasang kalatas.
ADAMUS,ALANA,CASSANDRA,DASHA:Avisala Ila!
MINEA:Avisala mga apo!
Nakangiting sabi ni habang papalapit sa amin at inakap kami isa-isa
MINEA:Maupo muna kayo,siya nga pala bakit kayo nagtungo dito?(Malumanay niyang sabi)
ALANA:Naparito po kami upang ibalita sa inyo na ang mahiwagang susi ng Elementia ay napasakamay na ni Lucio!(Deretsong sabi ng aking pinsan)
MINEA:Ngunit paano niyo ito nanakaw na may mga bantay naman ang Kaharian ni Otis?
ADAMUS:Ang sabi po nila Yna at Ashti na posibleng nagkampihan na sila Ether at Lucio.
MINEA:Yan na nga nga siguro ang sinabi ni Mata na bagong kalaban.
DASHA:Siya na nga po,ayon sa teorya ni Ashti Alena na walang ibang kalaban ang buong Elementia kundi si Lucio lang.(Seryoso niyang sabi)
CASSANDRA:Sa pagkakaalam natin wala ring ibang kalaban ang buong Encantadia kundi sila Ether lang.(Dagdag ng aking hadia)
MINEA:Kung ganon ay magpatawag ako ng pagpupulong bukas ng umaga at avisala eshma sa paghatid niyo ng balita.
ADAMUS:Walang anuman po Ila.
MINEA:Siya nga pala alam ba ng inyong magulang na nandito kayo?
ADAMUS:Hehehe..wala po pero hindi naman po kami magtatagal dito!😅(Pagdadahilan ko)
MINEA:Mabuti naman nang hindi kayo mapagalitan.
ALANA:Oo nga po,kaya mauna na kami sa inyo!😁
MINEA:Sige mag-ingat kayo!😊
ALANA,CASSANDRA,ADAMUS,DASHA:Avisala meiste!
MINEA:Avisala meiste!
Saka kami naglakad palabas at pumunta sa kinaroroonan nila ni Juno pagkatapos ay nag-ivictus patungo sa Kaharian ng Niyebe.
Pagdating namin doon ay naisipan naming maghiwahiwalay ng saganon ay mahagilap namin kung saan nagpupulong sila Ether para hindi kami masyadong mahirapan ay nagpanggap si Alana bilang isa sa mga kawal si Dasha at si Emmanuel ay nagpanggap na isang maliit na pashneang lumilipad.
Ang magkasama sa Hilaga ay ako Vanessa,sa Timog ay si Alana at Juno,at sa Kanluran ay si Cassandra at Argo,sa Silangan ay ako at si Vanessa.
GENERAL'S PROVERBS
Sa Hilagang bahagi konti lang ang bantay kaya hindi masyadong nahirapan si Vannessa at Adamus na pasukin ito meron man silang nakalaban ngunit madali nilang itong napatumba gamit ang kanilang galing sa pakikipaglaban ngunit nagtawag ang isang kawal ng mga kasama kaya napalibutan sila ng mga kalaban.
ADAMUS:Tanakreshna wala akong panahon sa inyo!
Kaya ginamit na niya ang kanyang makapangyarihang tinig sa mga kalaban.
ADAMUS:Hasna masna lasna!
Hasna masna lasna ahoo!!
Habang si Vanessa naman ay inuutusa n niya ang isip ng nga pashneang lumilipad upang kalabanin ang mga kawal niyebe habang nakipaglaban siya gamit ang kanyang sandata kaya napatumba nila ang mga ito.
Naikot na nila ang buong hilagang bahagi ngunit wala ang kanilang hinahanap kaya nag-ivictus nalang sila patungo sa kinaroroonan nila Alana at Juno.
SA KANLURANG BAHAGI
Si Cassandra at Argo ay nasa estado ng ivictus marami ngang bantay ang bahaging ito ngunit nakaya naman ng Diwani at Rehav na patumbahin ang mga kawal na walang nakapansin ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay may kawal na nakahalata na may nakapasok sa kanilang kaharian.
KAWAL:Mga vedalje!
Kaya inilantad na nila ang kanilang mga sarili at linabanan nila ang mga ito gamit ang kanilang mga sandata at galing sa pakikipaglaban.Kagaya ng kanyang Yna ginamit ni Cassandra ang kanyang kaaibang liksi upang labanan ang mga kawal habang si Argo naman ginamit ang kanyang kakaibang lakas at liksi upang makikipaglaban.
Konting-konti nalang matatalo na nila ang mga kalaban ngunit napalibutan sila ulit kaya ginamit na nila ang kanilang kapangyarihan
CASSANDRA:Oras na siguro upang tanggalan kayo ng hininga!,kapangyarihan ng hangin inuutusan kitang bawiin ang hininga ang aming mga kalaban!
Kaya sinunod naman ito ng kanyang kapangyarihan at nawalan naman ng hininga ang karamihan sa mga kawal niyebe.
ARGO:Hindi ba talaga kayo mauubos,pwes ipapakain ko na kayo sa lupa!
Lumiwanag naman ang palad ng Rehav at nilamon nga ng lupa ang mga kawal niyebe kaya nag-ikot sa ulit ngunit wala pa rin silang makitang silid pulungan kaya nagtungo nalang sila sa Timog.
SA SILANGANG BAHAGI
Sa Silangang bahagi kung saan magkasama si Dasha at si Emmanuel na nag-anyong pashneang lumilipad para mag-ikot sa buong bahagi ng silid na ito ngunit hindi pa rin nila mahagilap ang silid pulungan.
Papaalis na sana silang dalawa ngunit may nakahalatang kawal na kanina pa sila lumilipad sa silid na parang mag hinahanap.
KAWAL 1:Pashnea mga Vedalje!
Kaya pinagbabaril ng mga kawal ang Rehav at Diwani buti nalang na naka-iwas ang mga ito pagkatapos ay bumalik sila sa dati nilang anyo at nilabanan ang mga kawal niyebe gamit ang kanilang mga sandata.
Sa sobrang daming kalaban na nakapalibot sa kanila kaya gumamit na sila ng kapangyarihan.
EMMANUEL:Gusto niyong lumipad?(Pang-aasar niya sa mga kawal)
KAWAL 2:Ashtadi!
Lulusubin na sana ang Rehav ng mga kawal ngunit nakagawa na ito ng ipo-ipo kaya nilipad ang karamihan ng mga kawal niyebe.
DASHA:Gusto siguro maging pataba sa ang mga pashneang ito!
Kaya lumiwanag ang palad ng diwani at naglabas ng kakaibang enerhiya pagkatapos ay naging putik ang mga natirang kawal.
Pagkatapos ng kanilang laban ay nagtungo na sila sa kinaroroonan nila Juno.
SA TIMOG BAHAGI
Habang nagbabalat kayo si Alana bilang isa sa mga kawal at habang si Juno ay nasa estado ng ivictus ay sinamantala nila ang pagkakataong maglibot habang wala pa ang mga bantay sa hindi kalayuan ay napansin ng Diwani si Andora kaya agad niya itong nilapitan.
ALANA:Avisala Mashna!
At nilagyan niya ito ng abo pampatulog pagktapos ay nilantad muna ni Juno ang kanyang sarili upang itali si Andora sa silid na walang tao saka naman nagpanggap na Andora si Alana ngunit nakita sila ng ilang kawal kaya ginamit na ni Juno ang kanyang kapangyarihan na magkontrol ng isip.
JUNO:Inuutusan ko ang inyong isip na hindi niyo kami tingnan bilang kaaway kundi bilang kakampi,kung tanungin kayo ng inyong Mashna kung sino ang nagbihag sa kanya ang tanging sagot niyo lang ay si Agatha!
Nawalan ng ulirat ang mga kawal sandali pagkagising nila ay nasa ilalim na sila ng kapangyarihan ng Rehav.
KAWAL 1:Anong ipaglilingkod namin sa inyo Rehav?
JUNO:Bantayan niyong mabuti si Andora nang saganon ay hindi makatakas!(Saka nag-ivictus ulit)
KAWAL 1:Masusunod kamahalan,tara na magpunta na tayo sa silid(At naglakad palayo)
ALANA:Mag-ikot tayo ulit para mahagilap natin ang silid pulungan.
Tumango naman si Juno bilang pagsangayon pagkalipas ng ilang sandali nilang pag-iikot ay nahanap na rin nila ang silid pulungan at si Juno ay nagmamasid lang sa isang sulok.
AGATHA:Andora andiyan ka na pala pumasok na tayo nang masimulan na ang pagpupulong.
ALANA:Masusunod Hara!
Kaya pumasok na sila sa silid pulungan at nag-uumpisa na nga ang pagpupulong.
ETHER:Mabuti na nandito na kayong lahat ngayon ay simulan na natin ang pagplaplano!
ALANA:Ano ang ating plano Bathaluman?(Tanong ng Diwani habang nagpapanggap na Andora)
ETHER:Pupuntahan natin si Lucio bukas ng gabi nang saganon ay makapunta na tayo sa mundo ng mga tao.
AGATHA:Anong unang hakbang natin kapag nakarating na tayo doon Bathaluman?
ETHER:Gagawa tayo ng koneksyon nang saganon ay may makakatulong sa atin na mortal.
ALANA:Pagkatapos anong susunod nating gawin?
BERTO:Andora,bakit ba atat na atat kang malaman kung ano ang susunod na gawin natin?!
ALANA:Bakit masama bang malaman kung ano mga susunod na mga hakbang?!
GURNA:Sheda tumigil nga kayong dalawa!
ETHER:Tumahimik nga kayo kung ayaw niyong maparusahan!
BERTO:Pasensya!,may mga kakilala akong tao na may maraming koneksyon baka gusto niyong malaman.
AGATHA:Maganda nga iyan nais namin siyang makilala sa lalong madaling panahon.
BERTO:Huwag kayong mag-alala pupuntahan ko siya bukas na bukas!
AGATHA:Maari bang malaman kung ano ang kanyang ngalan?
BERTO:David Kang.
ETHER:Mainam,at mukhang nagkaintindihan na tayo! kaya tapusin na natin ang pagpupulong na ito,kaya makakaalis na kayo!
ALANA:Masusunod Bathaluman!
GENERAL'S PROVERBS
Lumabas na ang lahat silid pulungan at agad namang pumunta si Alana sa kinaroroonan ni Juno na hanggang ngayon ay naka-ivictus pa pagkalipas ng ilang segundo ay dumating na ang iba nilang mga kasama kaya dali-dali silang nag-ivictus patungo sa lagusan ng mga bandido at ibinalik na ni Alana ang kanyang dating wangis pagkatapos ay bumalik na sa kanilang tahanan.