XLII:
Two Rings
JOSH'S POINT OF VIEW
HINDI ko na mabilang kung ilang beses kong naisipang kalimutan na lang ang plano. Bakit ba kasi pumasok pa sa isip ko iyon? May ibang paraan pa naman siguro para ipa-realize ko kay Bas that he needed to trust me more. Hindi na naman siguro kailangang ganito na kailangan kong magpanggap na ayoko na sa kanya. But I reminded myself that this was going to be worth it.
"Cade, ano, wala pa rin bang update?" inis na tanong ko sa pinsan ko when I called him first thing in the morning. I was inside my office, preparing for a meeting na magsisimula in a few minutes. Pero kailangan ko munang makausap ang pinsan ko bago umpisahan ang trabaho.
"Kailan ka pa naging makulit, Josh? You gotta stop pestering me first thing in the morning," he replied in an annoyed tone. But I didn't care kung nabubwisit na siya sa kakulitan ko. It's been three days at hindi pa rin niya ako binabalitaan.
"Magpu-propose na ako in two days. Kailangan kong malaman kung handa na ba ang lahat."
I have played a big role para magkatuluyan sila ni Claude kaya nangako siya sa'kin noon na tutulungan niya ako kay Josh. Kaya naman hiningi ko ang tulong niya para sa proposal ko kay Bas. He agreed since he owed me his lovelife in some ways. Ang sabi pa niya, siya na raw ang bahala sa lahat ng preparations. Ang kailangan ko na lang daw gawin ay sumipot sa venue na may dalang singsing.
He sounded really confident that he could really get the job done. But I was growing impatient because he wasn't giving me any updates. Gusto ko na tuloy magduda kung ginagawa nga ba niya ang trabaho niya.
"Relax, I've got everything covered."
"Siguraduhin mo lang. Paghihiwalayin ko talaga kayo ni Claude 'pag pumalpak ka."
"That's hardly gonna happen. Pero 'wag kang mag-alala, mangyayari ang proposal."
He didn't sound so reassuring kaya hindi pa rin ako mapakali. He ended the call kasi may kailangan pa raw siyang gawin. Kaya naman tinawagan ko si Max para kamustahin ang kalagayan ni Bas. I was worried that he was still brokenhearted at baka napapabayaan na niya ang trabaho niya.
"Ang kapal ng mukha mong tawagan ako!" Iyon kaagad ang sinalubong ni Max sa'kin. I grinned when I realized how loyal he was. "Sinaktan mo ang kaibigan namin 'tapos maglalakas-loob kang tumawag sa'kin? Aba, iba ka rin talaga, eh! Ano'ng kailangan mong gago ka?!"
"Max, please calm down."
"Calm down? Pa'no ako kakalma kung sinaktan mo si Bas? Wala akong pakialam kahit gwapo, mayaman at marami kang pandesal. Sinaktan mo si Bas kaya warla tayo, Josh!"
"Gusto ko lang namang kumustahin si Bas."
He laughed sarcastically.
"Ang kapal-kapal ng mukha mo! May gana ka pang mangumusta?! Wow! Iba rin, eh! Pero sige, pagbibigyan kita. He's doing great. Tapos na sa pag-e-emote ang kaibigan namin. He's over you."
"What? Ilang araw pa lang, ah." Hindi ko naiwasang maalarma.
"Aba, may masama ba kung ayaw niyang mag-drama ng matagal? Masama ba kung na-realize niya agad na sayang ang luha niya kung patuloy siyang iiyak para sa isang gagong katulad mo? Naka-move on na ang kaibigan namin kaya sana lang 'wag mo na siyang guguluhin pa."
Ba't parang gano'n naman yata siya kabilis naka-move on? Did he really love me? I mean, hindi naman sa ayokong maka-move on siya, ah. Hindi rin naman sa gusto ko siyang masaktan ng matagal. Pero nakakapagtaka lang na gano'n siya kabilis naka-recover.
"M-may...may iba na ba?" kabado kong tanong.
"None of your business."
Napalunok ako at huminga ng malalim. I have to calm down. Hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon ko.
"Max, please. Just answer my question."
"Oo, may bago na! Mas gwapo sa'yo! Mas masarap! Tsaka mas mahal niya ang kaibigan namin!"
Grabe kung makasigaw itong si Max. Hindi ba sumasakit ang lalamunan niya?
"Sino ang lalaking 'yon?"
"Basta, hindi mo na kailangang malaman kung sino. Pwede ba, 'wag ka ng magpaparamdam sa'min. Hayaan mo na lang na maging masaya si Bas kasama ang lalaking mahal siya at hindi siya basta-bastang bibitiwan."
Nagpa-panic na ako. Shit! I have to cancel my meeting! Wala akong pakialam kahit ga'no pa kaimportante iyon. Kailangan kong makita si Bas. Kailangan naming mag-usap. Kailangan na niyang malaman na hindi naman talaga totoong binibitawan ko na siya. In fact, that's never gonna happen. Hindi pwedeng patuloy niyang isipin na mas mahal siya ng kung sino mang lalaking iyon na basta na lang sumulpot.
"Where's Bas? Are you with him?"
"Wala siya dito. May lakad sila ng boyfriend niya."
"Date? Eh, umagang-umaga pa lang, ah."
"Bakit, bawal bang mag-date ng umaga? Tsaka, wala kang pakialam kung ano ang trip nila. Magpu-propose na ang boyfriend niya at magiging masaya na sila. Tuluyan ka na ring mawawala sa buhay ng kaibigan namin."
"Propose?!" Tumaas ang boses ko. I was officially in a murderous mode. Sino ang demonyong 'yon na bigla na lang dumating para agawin si Bas sa'kin? Ano'ng karapatan niyang mag-propose kay Bas? Ako ang magpu-propose, hindi siya! "Hello? Hello, Max?"
Napamura ako nang ma-realize kong binabaan na pala niya ako ng phone. Mabilis kong tinawagan ang secretary ko at inutusan siyang i-cancel ang meeting at lahat ng appointments ko for the entire day. Hindi ako pwedeng magtrabaho knowing na may gustong umagaw kay Bas. No, that's not going to happen.
Tinawagan ko si Bas pero hindi naman niya sinasagot. Ring lang iyon ng ring. After many attempts, unattended na talaga. Sa inis ay naitapon ko ang phone. Fuck! I messed it up. Sana hindi ko na lang tinuloy ang plano ko. It was a stupid idea.
Nagpunta ako sa office nila, pero kagaya nga ng sabi ni Max, he wasn't there. Ayaw namang sabihin sa'kin ng mga kaibigan niya kung nasa'n siya. Tinawagan ko si Cade at nakipagkita sa kanya during his lunch break.
"Will you calm down?" inis niyang wika. "Kung makapag-react ka, parang katapusan na ng mundo. Nasa'n na ba ang dating Josh na nakilala ko? Hindi marunong mag-panic o magpakita ng emosyon ang isang Josh Heraldez. But now, na-in love ka lang, para ka ng tanga."
"You don't have the right to judge me lalo na't pinagdaanan mo rin naman ito noon. Dapat nga naiintindihan mo ako, eh."
"You're overreacting. Hindi pa nga nakakasal 'yong tao, grabe na ang reaksyon mo. They're not even engaged yet. Hindi pa huli ang lahat. Siguro naman may nararamdaman pa rin sa'yo si Bas kahit papa'no. I mean, una namang naging kayo. Eh, kailan lang ba dumating ang bagong lalaking iyon sa buhay niya? Few days ago."
"Iyon na nga ang ipinagtataka ko, eh. Bakit parang ang bilis naman yatang naisipan ng lalaking iyon na mag-propose? Gano'n ba kaseryoso ang relasyon nila? Ano ang ipinagmamadali niya?"
"Well, maybe, ex-boyfriend ni Bas ang lalaking 'yon and they've recently met and decided na magbalikan. Baka kilalang-kilala na nila ang isa't-isa noon pa."
"That's a possibility." Uminom ako ng malamig na tubig upang kumalma but it didn't work. I couldn't fuckin' calm down. "Shit, Cade. I need to do something. Kailangan kong bawiin si Bas."
"Ikaw naman kasi, bakit ka pa nagkunwaring ayaw mo na sa kanya. Nasa'yo na eh, pinakawalan mo pa. 'Tapos ngayon, magpa-panic ka dahil naagaw siya ng iba sa'yo. Kung mahal mo 'yong tao, sana hindi mo iniwan kahit kunwari lang."
"You're not helping."
"Pinapa-realize ko lang naman sa'yo that you did something really stupid. At dahil sa kagaguhan mo, you're about to lose someone who's really important to you."
"Kaya nga kailangan ko ng kumilos, eh. Before it's too late."
***
BAS' POINT OF VIEW
NAABUTAN ko si Josh na naghihintay sa'kin sa labas ng building kung nasa'n ang condo at office ko. It was past 9 PM and he looked so tired. Nakaramdam naman ako ng awa pero pinigilan ko ang sarili ko. Gaganti ako sa ginawa niya. Hindi tama na saktan niya ako kahit kunwari lang iyon. It was not the right thing to do to make me realize na mahalaga siya sa'kin. Matagal ko ng alam iyon kaya he didn't have to teach me a lesson.
"That's him right?" ani Gabe nang i-park ang kotse. He was my pretend boyfriend. Kakilala raw siya ni Cade at game naman siyang makisabay sa plano namin. He was a really nice guy and I really think na pwede kaming maging magkaibigan. Iyon nga lang, kahit ga'no pa siya kagwapo, hindi ko pa rin siya type. Hopelessly in love na nga siguro talaga ako kay Josh.
"Oo, siya nga 'yan."
He smirked.
"Then, it's show time."
Nauna siyang bumaba ng kotse pagkatapos ay pinagbuksan naman ako ng pinto. O, 'di ba, babaeng-babae ang peg ko? He was such a gentleman. At hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-igting ng panga ni Josh na parang nakahanda ng pumatay sa selos.
"Bas." Mabilis siyang naglakad palapit sa'min. Pocha, ba't ang sarap-sarap pa rin niya? Pa'no ko siyang hindi pagnanasaan kung sobrang gwapo pa rin niya kahit stressed na and everything? "We need to talk."
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa," sagot ko sa malamig na tono.
"Babe, who is he?" malambing na tanong ni Gabe.
"W-wala, babe. He's just an old friend."
"Old friend?!" His tone was now harsh. I laughed incredulously na parang hindi makapaniwalang nagawa kong sabihin iyon. "How could you introduce me as an old friend? Bas naman!"
"Josh, ano ba'ng problema mo? Pwede ba, I've had a long day at gusto ko ng magpahinga."
"Makikipag-usap lang naman ako, eh," marahan niyang pakiusap. "Please. Marami akong gustong sabihin."
"Sapat na ang mga narinig ko mula sa'yo. Tsaka, hindi ka pa ba tapos na saktan ako? Josh naman, tigilan mo na ako, utang na loob. Masaya na ako. Bakit kailangang sirain mo pa ang kasiyahan ko? Ikakamatay mo ba 'pag naging masaya ako?"
"Bas, hindi mo kasi naiintindihan, eh..."
"Oo, hindi ko nga naiintindihan. At wala rin akong balak intindihin ka. I am so tired of you. Ayoko na."
"Pare, sorry, pero baka pwedeng layuan mo na si Bas. Ayaw na sa'yo, eh," singit ni Gabe na lalong ikinagalit ni Josh.
"'Wag mo akong mapare-pare. Sino ka ba, ha? Kailan lang naman kayo nagkakilala, ah. Ba't kung umasta ka, parang pag-aari mo siya?"
"I'm his boyfriend," kalmadong sagot ni Gabe. Gusto kong mag-slow clap dahil ang galing ng acting niya. Siguradong magseselos talaga si Josh. Ang galing rin talagang kumuha ng pretend boyfriend ni Cade. "I've heard a lot of things about you. Kaya nagtataka ako kung sa'n ka kumukuha ng tapang para magpakita pa kay Bas. I mean, you were the one who hurt him and let him go. 'Tapos ngayon, gusto mong makipag-usap? Para ano? Para saktan siya ulit? Don't you think you've hurt him enough?"
"Wala kang alam kaya 'wag kang makikialam dito."
"Sorry, but I think you're being a jerk. Hayaan mo na lang kami ni Bas. If you're worried about him, then don't worry, I'm going to take care of him. I can love him better dahil kahit magkamali man siya, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitiwan kagaya ng ginawa mo."
"Bas, hindi totoong gusto kong makipaghiwalay sa'yo! It was just part of the plan."
"Plan?" patay-malisya ko namang tanong. Kunwari wala akong alam. Syempre, kailangan ko ring magpaka-best actress. Nakakahiya naman sa performance ni Gabe. "What plan are you talking about?"
"Magpu-propose kasi ako dapat sa'yo. Nagkunwari ako na makikipaghiwalay para mas ma-realize mo ang halaga ng relasyon natin. Kasi ayokong isipin mo na everytime we're going through something, hiwalayan kaagad ang unang papasok sa isip mo."
"So, you were teaching me a lesson?"
"In a way, yes. But believe me, hindi ko intensyong saktan ka. I am still in love with you. I didn't stop loving you, Bas. Please, I can't lose you like this. 'Wag mo naman akong ipagpalit sa lalaking 'yan. I know you better. And he's totally wrong because I can certainly love you better. Hindi niya kayang tapatan ang pagmamahal ko sa'yo."
"Hey, are you underestimating my feelings for him?" Gabe held my hand tightly. "Mahal ko siya... mas mahal ko siya. And I deserve him more than you."
"Let go of his hand!" galit na utos ni Josh. Grabe, I've never seen him that angry. He was fuming mad at sobrang bilis ng paghinga niya.
"Why should I? I have all the right to hold his hand because he's mine."
That's it. Hindi na nakapagpigil si Josh. Basta na lang niyang sinugod si Gabe at sinuntok ng malakas dahilan upang matumba ito. Hindi ako nakagalaw dahil sa labis na pagkagulat. Nanlaki ang mga mata ko. I couldn't believe na nagawa nga niya iyon. I mean, kilala ko si Josh at kahit kailan ay hindi siya basta-bastang nagpapadala sa emosyon niya.
"He's not yours, you fucktard! He will never be yours because he's fuckin' mine!"
"Really, huh?" Gabe just gave him a smug smile habang pinupunasan ang dugo sa labi niya. "Then let's see kung kanino talaga siya."
Bakas ang pagtataka sa mukha ni Josh. Maging ako ay hindi rin alam kung ano ang plano ni Gabe. He stood up and went inside the car. Saglit lang iyon at kaagad naman siyang bumalik sa tabi ko. But this time, hindi na lang siya basta tumayo. Lumuhod na siya at may dalang singsing.
My eyes widened. Hindi ko inasahan na gagawin na pala niya iyon kaagad. Parte talaga ng plano namin ang fake engagement pero hindi pa agad-agad. Pero siguro naisip niya na since nandito na rin naman si Josh, ito na ang perfect moment para mag-propose siya.
"Bas, don't listen to your ex. You're meant to be with me. We're meant for each other. 'Wag mong hahayaang masaktan ka niya ulit. I know sandali pa lang tayong magkakilala but we can spend the rest of our lives getting to know each other. Please choose me, promise, hindi mo 'to pagsisisihan. I'm going to make you really happy. So, Bas... will you marry me?"
"No!" Hindi pa man ako nakakasagot ay sumigaw na si Josh. "No! He's not going to marry you!"
"I wasn't asking you. Shut the fuck up, man. You're ruining my proposal."
"Kulang pa ba ang suntok ko para mahimasmasan ka? Because I'd be glad to punch you again para pumasok sa kukote mo ang katotohanan na hindi siya magiging sa'yo!"
"Sigurado ka bang hindi nga siya magiging akin? Bakit hindi natin hintayin ang magiging sagot ni Bas?"
"Bas, please..." he pleaded.
"Josh, I'm sorry, but..."
"Wait." May kinuha siya mula sa bulsa.
Pocha, 'wag mong sabihing... no, no! Nakakaloka! Hindi keri ng powers ko ang mga nangyayari! Masyadong intense ang eksenang 'to. Nasa'n ba kasi si Cade? Kailangan ko ang tulong niya. Hindi naman niya ako na-brief na posible palang umabot sa ganitong point ang plano namin.
"Josh, what are you doing?"
Lumuhod rin siya sa harap ko dala ang isang kaheta ng kumikinang na singsing. Pochang ina, ang hirap huminga. Sino'ng mag-aakala na dalawang lalaki ang sabay na magpu-propose sa'kin sa loob ng isang gabi? Masyado naman yatang mahaba ang buhok ko. Pero nakaka-stress. Hindi ako prepared.
Kung pipiliin ko si Gabe, masasaktan si Josh. At hindi ako sigurado kung kaya kong saktan ang taong mahal ko. 'Pag si Josh naman ang pinili ko, ibig-sabihin kailangan na naming itigil ang plano namin nina Cade. 'Ewan, ang gulo.
"Bas..." His voice was shaking. He looked so nervous and afraid...afraid of losing me. No words could explain how it made me feel so happy. Knowing that he was truly in love with me at handa siyang ipaglaban ako. "Bas, alam kong nasaktan kita. Siguro nga mali ako. Dapat hindi kita sinaktan kahit hindi naman talaga totoo iyon. I've been a jerk. Pero hayaan mo naman akong makabawi."
"Josh, Gabe, tumayo nga kayong dalawa."
"We're not getting up until you choose one of us. You have to make a choice," pagmamatigas ni Gabe.
"Hindi naman kasi ako santo, 'wag kayong luhod ng luhod d'yan. Pag-usapan natin 'to."
"Bas, please. I can prove my worth to you again," ani Josh. Halos wala na siyang pride na itinira sa sarili. He was literally begging me to choose him. "I can't lose you. Please choose me. Please marry me..."
TO BE CONTINUED
AUTHOR'S NOTE:
It took me so long to write this chapter because of personal matters. I've been really uninspired to write lately at parang hindi ko kayang gumawa ng funny o nakakakilig na eksena dahil wala ako sa mood. But hey, I'm feeling better now. I'd like to thank @iamthelostsaint for writing a poem about me and Romancing Josh. It really made me feel better and put me in a much better mood to write. First time 'yon na may nagsulat para sa'kin. Gusto ko ring magpasalamat kay @thesweetdreamer na dine-dicate ang prologue ng new novel niya sa'kin. I am so glad na na-inspire pala kitang magsulat ulit. Thank you for ur kind and sweet words.
And, guys, I've recently received a very special offer for my horror novel Madre Martina. It's gonna be a really nice project na hindi ko muna pwedeng i-share sa ngayon. Hindi pa sya napu-produce but it's gonna happen real soon *cross fingers* abangan na lang natin!