Joell POV
Pagpasok ko sa loob ng bahay. Nasa salas at naglalaro ang mga chikiting ko suot ang damit na bigay ni Angelo (JX), nandoon din si Mommy at si Gabriel. Nauna siya sa 'min, siguro dumarecho na siya dito nung tawagan ko. Hindi ko siya kasabay kaninang umuwi dahil susunduin pa daw niya si Rhianne.
“Mommy, mommy!” Excited kong tawag habang papasok sa bahay.
“Joelle, hija, mukhang masaya ka ngayon. I never seen that smile for a long time.” humalik ako kay Mommy at naglapitan din ang mga babies ko sa kin. Sina JA at JR ay tumatakbo na at pahakbang hakbang si Jem.
“Na...na, na....na!” salubong nila sa'kin. Niyakap ko ang tatlo kong chikiting at hinalikan isa-isa.
“Ate, ano bang urgent agenda natin ngayon at pinapunta mo ko dito?” Nagbeso rin sa kin ang bunso kong kapatid.
“Joelle, may news na naman sa iyo kanina. Sino ba yung lalaking nakasakay sa kotse mo? Sinaktan ka ba niya? Nag-alala ko nung hindi ka pa tumatawag. Akala ko'y kung ano na nangyari sa'yo!” seryosong sabi ni Mom.
“Mom, kasama ko po ang lalaking iyon.” sinenyasan ko ang mga yaya na kunin muna ang mga babies ko.
“Hija, kung kailangan ng tulong ng lalaki sana sa isa sa foundation for needy natin mo siya dinala. Bakit dito sa bahay mo?” nagtatakang tanong ni Mommy. Maraming mga foundation ang mga Montecilllo at hindi iilan beses ay may mga street children akong dinala sa mga foundation.
“Mom, you will be surprise to meet him.” iyon lang ang sinabi ko niyaya si Mommy sa labas ng bahay. Huminto kami dalawang metro sa kotse ko. Dahil tinted ang window, hindi agad makikita ni Mommy si JX. Sumunod din si Gab.
JX POV
Nag-intay na lang muna ko dito sa loob ng kotse. Inilibot ko ang mata ko sa malawak na bakuran. . . mayaman talaga sina Joelle. Bagay talaga sa kanya ang tawagin 'My Princess Wife'. Si JX ba ang mayaman or si Joelle? Sa amin kaya ni Joelle ang bahay na ito?
Nakita kong lumabas siya ng bahay na may kasamang medyo may edad na babae, natatandaan ko ang babeng iyon. Isa siya sa kasama ni Joelle nung bamalik ng Pilipinas. Napakaamo ng mukha niya at maganda, siya kaya ang Nanay ni Joelle? Medyo may hawig nga sila ni Joelle. Halata sa mga kilos niya na nagtataka. At lumabas din ang kapatid ni Joelle. Nakita ko na siya sa isla dati at nung umuwi sila galing Canada. Lumapit si Joelle sa kotse at binuksan ang pinto.
Binulungan niya ko. “Mister M, baba ka na.” Ang ganda ng ngiti ng asawa ko at inalalayan pa ko. Ha ha ha! Napaka-gentlewoman naman niya. Kaya napangiti ako habang nakatingin sa kanya.
Humarap naman siya sa may edad na babae. “Mommy!” mahinang tawag niya sa babae kaya napatingin din ako sa babae.
Pagkamangha ang makikita sa mukha ng tinatawag niyang Mommy at may mga luhang mabilis na naglandas sa pisngi niya. Patakbo siyang lumapit at yumakap sa kin at medyo nagulat ako.
"JX – anak!” Anak??? Sa init ng yakap niya may naramdaman akong kung anong puwersa na hindi ko maintindihan. Gumanti ko ng yakap. Parang sa yakap na ito – ang feeling ko ay safe ako. Parang na-miss ang yakap na ito. Siya ba ang mommy ko?
Humarap ako kay Joelle na pinanonood kami at tahimik din lumuluha pero may ngiti pa rin sa labi. Lumapit sa kanya ang kapatid niya at umakbay. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming magkayakap ng tinatawag ni Joelle na Mommy dahil patuloy siya sa pag-iyak at gusto ko siyang pakalmahin.
May mga naglabasan pa sa pinto at may isang may edad pang lalaki at babae na tumatakbo mula sa loob ng bahay. Lahat ng mga itsura nila ay gulat pero masaya.
“Salamat sa Diyos at buhay ka. Hindi kami nawalan ng pag-asa na babalik ka rin sa'min! Anak!” sabi ng babaeng nakayakap sa akin. Medyo kalmado na siya at ngayon ay nakatingala at nakatitig sa akin. Nababasa ko sa mga mata niya ang pagmamahal at kaligayahan sa oras na ito. Hindi pa man maalala ng isip ko kung siya talaga ang nanay ko pero alam ng puso ko. Nararamdaman ko ang kakaibang koneksiyon namin at ang mga mata niya na parang tulad ng mga mata ko.
“Mo-m-mommy!” niyakap ko siya ulit. May narinig akong mga munting boses.
“Tata . . . Nana. . . Tata!” Napalingon ako sa pinto ng bahay at nakitang ko mga gumagapang ang mga munting anghel, suot pa ang damit na regalo ko sa kanila nung pasko. Si Joelle na nasa harap na ng pinto at sinalubong ang mga bata.
Humarap ako kay Mommy at nginitian niya ko at tinanguan. Parang ang ibig sabihin ay “sige, anak, lapitan mo ang mga anak mo!”
Mabilis akong lumapit sa mga bata na inaalalayan ni Joelle na tumayo at naka-alalay din ang mga yaya. Si baby Jem ay nakatayo at nakahawak na sa braso ni Joelle habang ang dalawang batang lalaki ay tig isang kamay ni Joelle.
“Ta. . .tay. . .” sabi ng muntik prinsesa sa akin at nakangiti. Dagli ko siyang kinalong at niyakap habang nakaluhod pa rin ako.
“Ta ...ta. . . Ta....ta. . .” narinig ko ng sabi ng dalawang batang lalaki at mga nakangiti rin at nakaharap sa akin. Nakatayo na sila at nakahawak sa tig-isang kamay ni Joelle. Niyakap ko rin sila at yumakap din si Joelle sa amin. Alam kong umiiyak na ko. Hindi ko kailanman naisip na magigi akong ganitong kaligaya. Ang mag-iinang pinagmamasdan ko lang sa mga malalaking billboard ay ang tutoo ko palang pamilya. Ang kaligayahan nadarama ko ay hindi ko nadama sa yakap ni Princess or baby Angela. Ngayon, ang pakiramdam ko ay kumpleto ako at kuntento.
“Joelle, hija - JX, anak, Gab, hijo! Kumain muna kayo at nagpahanda na ko.” narinig kong sabi ni Mommy na masayang nakatingin sa amin magkakayap na mag-anak.
“Opo, mommy!” sabi ni Joelle at humarap siya sa akin na nakangiti pa rin at may mga luha rin sa mga mata dagli niyang pinunasan ng isang puting panyo ang mga mata niya at pinunansan rin ng mga mata ko.
“Tayo na ang best actor at actress, Mister M.” biro niya. Nginitian ko siya at kinalong ang dalawang bata sa magkabilang bisig ko. Isang batang lalaki at si Jem at kalong niya ang isa pang batang lalaki at pumasok kami sa loob ng bahay. Hindi ko pa masabi kung sino si JA at JR.
Lahat ng mga tao sa bahay ay halatang masasaya kahit na nagpupunas din ng mga luha.
Naramdaman kong humilig na sa balikat ko si baby Jem. “Are you sleepy little Princess.” sabi ni Joelle kay baby Jem.
“Na. . . nay. . .” naghikab ang muntik prinsesa.
“Bedtime na kasi nila, dapat kanina pa mga 7 PM. Kaya mga inaantok na, it's 8:30 already, gutom ka na ba, Mister M or gusto mo munang patulugin natin siya?” tanong ng nakangiting magandang maybahay ko.
“Pa-pa-patulugin muna na-na-natin sila.” sabi ko.
“Bakit ganyang kang magsalita, anak?” tanong ni Mommy. At nakita ko rin nagbubulungan ang ibang kasama namin sa bahay.
“Mamaya ko na po ipapaliwanag, Mommy.” Magalang na sabi ni Joelle kay Mommy. “Iaakyat lang muna po namin ang mga bata bago kami kumain. Gab, gusto mo bang maunang kumain?”
Sa akin nakatingin si Gab. “No, Ate, patapos na kaming mag-dinner ni Rhianne kanina bago ka tumawag kaya inihatid ko agad siya at punta agad dito. I'm glad you're back, Kuya JX!” Nakipag fist to fist siya sa akin. Parang alam ng kamay ang style namin sa fist to fist.
“Pakihanda ang mga dede nila, please.” sabi ni Joelle sa isang yaya.
Joelle POV
Napakasaya ng pakiramdam ko habang pinagmamasdan kong magkayakap ang mag-ina. Alam ko kung anong ligaya ang nararamdaman ni Mommy ngayon dahil isa na rin akong ina. Iyon maghapon nga lang akong pumasok sa opisina ay miss na miss ko na agad ang mga anak ko pagdating ko sa gabi. Itong pang napakatagal nawalay ni JX sa kanya.
Hinayaan ko muna silang mag-moment. Alam kong nagtatanong ang mga mata ni JX pero hindi ko siya sinagot. Alam kong mararamdaman niya ang koneksiyon nilang mag-ina. Kahit hindi nakakaalala ang isip niya – alam kong makikilala ng puso niya ang kanyang ina. Si Gab tumabi sa akin at inakbayan ako. Alam kong masaya rin ang kapatid ko sa nangyayari ngayon pero hindi pa siya nagtatanong.
Masaya rin lumabas ang mga kasambahay namin lalo na sina Nanay Sylvia at Tatay Ato. Ramdam ko ang tuwa nila sa kabila ng mga luha ng mga mata. Tears of Joy. Madalas din sila dito sa bahay dahil gusto nilang nakikita ang mga bata. Parang mga apo na daw nila ito.
Pati ang mga muntik anghel namin ay tinawag siyang “tata or tatay”. Parang wala ng paglagyan sa puso ko ang sobrang saya nadarama ko ngayon ng yakapin niya ang mga anak namin habang mabilis na naglandas sa mga mata niya ang kanyang mga luha. Kaya yumakap din ako sa kanila habang umiiyak din. Ang mga muntik anghel naman namin at mga nakangiti at masaya sila.
Hindi pa kami magtitigil sa pagyayakapan kung di pa kami tinawag ni Mommy para kumain. Oo, nga gutom na ko. Kaso naghikab na si Baby Jem. Inaantok na. Kaya tinanong ko na lang si Mister kung gusto munang patulugin ang mga bata.
Kaya napuna nila ang hindi tuwid na pagsasalita ni JX. Di bale ikukuwento ko na lang sa kanila. Ang pag-fi-fist to fist nina Gab at JX ay hindi ordinaryo pero bakit alam ni JX? There's still something na hindi nawawala sa isip niya.
JX POV
Umakyat kami sa pinakataas ng malaking bahay at sinasabi ni Joelle kung kaninong mga silid ang nadaan namin. Pumasok kami sa nursery room na may desenyong mga panlalaki. Ibinaba niya ang batang hawak niya sa isang kuna na may nakalagay JR. So, ibig sabihin si JA ang hawak ko. Oo, nga pala may pangalan nga pala tong tshirt na bigay ko dati, bakit di ko binasa kanina. Kinuha niya si JA at inilapag din sa kuna nito.
“Mister M, pakihawak mo muna si Baby Jem ha, magpapalit lang ako ng pang-itaas. Magdede muna kasi sila bago matulog.” Medyo umiiyak na si Jem. Bago pa ko nakapagsalita ay nakalabas na si Misis pero saglit lang at nakapagpalit na siya ng pangitaas na maluwag na tshirt at may hawak siyang blanket na kulay pink na dalawa.
Dala rin niya ang dalawang baby bottle. At iniabot ang tig isa sa dalawang batang lalaki at binigyan din ng mga blanket ang mga ito.
“Gusto kasi nila may hawak na blanket bago matulog. Mabait naman ang dalawang ito. Si Baby Jem lang ang medyo malambing sa kanila. Amina papadedehin ko na.” Kinuha niya sa kin si Baby Jem, iniaabot ang blanket sa umiiyak pa rin bata at umupo siya sa rocky chair na nandito sa silid.
“A-a-asan ang baby bo-bo-bottle niya?” tanong ko dahil pano niya padededehin, wala naman akong nakitang isa pang baby bottle.
“Breast feed kasi si Baby Jem.” Itinaas niya yung damit niya at ipinuwesto si Jem sa dibdib niya at naglagay ng blanket na nakatakip sa dumededeng sanggol. Hindi ko tuloy nasilip ang dibdib ng asawa ko. Ha ha ha. Ganito ba talaga kong ka-pervert sa asawa ko?
Tiningnan ko ang dalawang batang lalaki na mabilis na naubos ang mga gatas nila at tulog na. Kinuha ko ang mga bote na nasa bibig pa nila.
“U-u-ubos na agad?” nakangiting ipinakita ko kay Joelle ang empty bottled.
“Oo, malalakas dumede ang dalawang iyan kaya hindi silang puedeng breast feed. Kahit nung kapapanganak ko pa lang sa kanila. Naiinis sila dahil kulang ang gatas ko kaya bottled milk agad sila. Si Baby Jem naman ayaw ng bottled milk kaya breast feed siya.” Paliwanag ng Misis ko.
Sana nandon ako . . . nung ipanganak sila.
. . . Nung una silang umiyak.
. . . nung una silang dumede.
. . . nung una silang ngumiti.
. . . nung una silang tumawa.
. . . nung una silang humakbang.
. . . nung una silang magsalita.
At lahat ng una. Sayang hindi ko naranasan ang lahat ng iyon sa tunay kong mga anak kundi kay Baby Angela. Kamusta rin kaya si Baby Angela. Ako rin ang madalas magpatulog sa kanya. I feel sorry for her.
Pero hindi ko ipagpapalit ang unang gabi ko dito sa tutoong mga anak ko. Tiningnan ko si Joelle, nakapikit siya habang hawak pa rin si baby Jem at sa tingin ko ay tulog na rin si Baby Jem.
Nilapitan ko siya at hinalikan ng mabilis sa labi. Ngumiti naman siya at nagmulat ng mata. “I'm not Sleeping Beauty yet, Mister M.” Natawa ko ng mahina sa sinabi niya. Para nga siyang si Sleeping Beauty kaya ko hinalikan. Bigla para kong may mga naalalang ganon mga scene. Napahawak ako sa ulo ko pero hindi naman masakit.
“Sumasakit ba ulo mo, MKA?” worried na tanong ni Misis.
“Hi-hi-hindi naman – may na-na-naalala lang ako sa s-s-sleeping b-beauty!” sabi ko.
“Ah, antukin kasi ang Misis mo, lagi mo kong hinahalikan para gisingin ako. Lagi mo kong tinatawag na sleeping beauty pag ginigising mo ko.” sabi niya at tumayo na. “Halika ililipat ko muna si Baby Jem sa room niya.” Bago kami lumabas ng silid ng mga boys, ipina-turn off ni Joelle yung ilaw at ini-on ang isang night light na may mga star sa reflection sa ceiling.
Lumipat kami sa isang baby pink na silid at inilapag niya si Baby Jem. Princesses ang team ng mga naka-desenyo dito at talaga naman little princess ang nag mamay-ari ng silid na ito.
Hindi ko mapigilan na yakapin ang asawa ko mula sa likod. “T-th-thank you for g-gi-giving them to me, Mi-mi-misis M.” sobrang saya kasi ang nararamdaman ko.
Humarap siya sa akin habang nakayakap pa rin ako sa baiwang niya. “Ikaw ang gumawa sa kanila at least sulit ang pag-iintay natin dahil tatlo agad sila.” ang mapupula niyang labi na may ngiti niya na abot sa mata niya na lagi kong hinahangad na makita at parang gustong gusto kong hagkan. Hindi ko na nga napigil ang sarili ko.
Hinagkan ko na ulit ang mapupula niyang labi. Inilagay naman niya ang mga braso niya sa batok ko at gumanti ng mainit na halik. Parang hinihigop ako ng malakas na puwersa at naglikot na naman ang kamay ko sa loob ng tshirt niya. Ang init ng katawan niya at napagtanto ko na wala pala siyang suot na bra. Kaya lumipat ang isang kamay ko sa dibdib niya. Medyo napakislot siya at bumitaw sa pagkakahalik ko. Medyo napahiya ako at pagiging agresibo ko.
“I'm so-so-sorry!”
“It's okay, Mister M, medyo nagulat lang ako sa hawak mo sa dibdib ko, si Baby Jem lang kasi ang laging kumahawak sa dibdib ko.” Nakita ko ng nagsuot siya ng bra na nakasabit sa kuna ni Baby Jem, ibig sabihin walang ibang humawak sa katawan ng asawa ko mula ng nawala ako? Si William Nobledo kaya nakita kong naghalikan sila. “I know you miss me but we need to go down now and they are waiting for us.” Nag-abresiete siya sa akin at niyaya na kong bumaba.
Pumunta kami sa kusina kung saan may maraming nakahain na pagkain. May umuusok pang sabaw. Pero dalawang plato lamang ang nasa mesa sa bakanteng silya. At nakaupo naman sina Mommy at isang may edad din na babae kaysa kay Mommy at isang may edad din na lalaki. Pati si Gab pero walang plato sa harap nila.
Mga nakatayo lang ang ibang mga babae na tingin ko kay mga kasambahay pero hindi naka-uniform at parang naka pangtulog na.
“Kami na lang po ba ang hindi pa kumakain, Mommy?” tanong ni Joelle. “Ikaw Gab, gusto mo bang sabayan ulit kami?”
“No, thank you Ate. I'm already full.” lagi rin nakangiti itong kapatid ni Joelle at magandang lalaki rin.
“Oo, hija, kumain na kasi kami kanina nung tumawag ka. Nagulat nga ako ng nagpaluto ka ng sinigang na sugpo. Maasim ito hija, baka mangasim ang gatas mo.” sabi ni Mommy. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyan sabihin mangasim ang gatas ni Joelle.
Tumawa naman si Joelle ng mahinhin. “Tutuo po ba iyon? Naku, kawawa naman pala si baby Jem kung ganon. Di bale po si JX na lang ang kakain ng lahat ng sinigang na sugpo. Paborito mo iyan diba, Mister M?” Ako ang kakain ng sugpo? Paborito ko raw ito? Sabi ni Princess, allergy ko dito kaya hindi kami kumakain ng mga ibang mga laman dagat maliban sa isda.
But of course, my real wife knows best for me! “O-oo nga po. Na-na-na miss ko nga ito!” sabi ko.
[A/N: Salamat po sa pagbabasa, sana po huwag kayong magsawa. Paki-vote rin po every chapter!]